IPAGDIWANG ANG ATING GAWAIN
1. Tinig ng pag-aawitan ang siyang naririnig,
Kawal ng katotohanan ang siyang nananaig,
Sa larangan ng digmaang watawat ay pag-ibig,
Hayo’t makisanib.
2. Hukbong kalalakihan ang siyang mangunguna,
Sa lahat ng gawing nauukol sa Iglesiya,
At ang kababaihan ang siyang pangalawa,
Hayo’t makisama.
3. Pagtutulungang itatag ang kaharian ni Jesus,
Manga kawal ng sama’y piliting lansaging lubos,
At nang upang lumaya kaluluwang binusabos,
Hayo’t makihamok.
4. Hali na kayo at sama-samang ating awitan,
Ipagdiwang isigaw ang ating manga gawain,
Makipaglabang matatag, matibay at mahinhin,
Si Cristo’y siyang sundin.
Koro
Lakad lakad huwag umurong, Si Jesus ang Siyang katulong
Lakad lakad huwag lumingon, Tagumpay mayroon