CAFE

신학연구원

[스크랩] 13. 1 Mga Cronica (역대상)

작성자박석련|작성시간13.12.10|조회수177 목록 댓글 0

13. 1 Mga Cronica

 

 1:1 ( Talaan ng Angkan ni Adan Hanggang kay Saul ) Anak ni Adan si Set at anak ni Set si Enos.
 1:2 Anak ni Enos si Cainan at naging anak ni Cainan si Mahalalel na ama ni Jared.
 1:3 Si Jared ang ama ni Enoc, at anak ni Enoc si Matusalem na ama naman ni Lamec.
 1:4 Si Lamec ang ama ni Noe at anak naman ni Noe sina Sem, Cam at Jafet.
 1:5 Ang mga anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Mesec at Tiras.
 1:6 Naging anak naman ni Gomer sina Askenaz, Rifat at Togarma.
 1:7 Ang mga anak naman ni Javan ay sina Elisa, Tarsis, Kitim at Dodanim.
 1:8 Ang mga anak ni Cam ay sina Cus, Mizraim, Put at Canaan.
 1:9 Mga anak ni Cus sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca at ang kay Raama naman ay sina Saba at Dedan.
 1:10 Naging anak din ni Cus si Nimrod, ang unang lalaking nakilala sa daigdig sa taglay na lakas.
 1:11 Si Mizraim ang pinagmulan ng mga Ludim, Anamim, Lehabim at Naftuhim.
 1:12 Siya rin ang pinagmulan ng mga Patrusim, Casluhim at Caftorim, ang lahing pinagmulan ng mga Filisteo.
 1:13 Ang panganay na anak ni Canaan ay si Sidon, at si Het ang kanyang kapatid.
 1:14 Kay Sidon nagmula ang mga Heteo, Jebuseo, Amorreo, Gergeseo,
 1:15 Heveo, Arqueo, Sineo,
 1:16 gayon din ang mga Arvadeo, Zamareo at Hamoteo.
 1:17 Ang mga anak ni Sem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud, Aram, Uz, Hul, Geter at Mesec.
 1:18 Si Arfaxad ang ama ni Selah na ama naman ni Heber.
 1:19 Dalawang lalaki ang naging anak ni Heber; Peleg ang pangalan ng una sapagkat sa panahon niya nahati ang daigdig, si Joctan naman ang ikalawa niyang anak.
 1:20 Si Joctan ang ama ng magkakapatid na Almodad, Selef, Hazarmavet, Jerah;
 1:21 Hadoram, Uzal, Dicla;
 1:22 Ebal, Abimael, Saba;
 1:23 Ofir, Havila at Jobab.
 1:24 Ito ang kaayusan ng lahi mula kay Sem hanggang kay Abram: sina Arfaxad, Selah;
 1:25 Heber, Peleg, Reu;
 1:26 Serug, Nacor, Tare;
 1:27 at Abram, na tinawag ding Abraham. ( Ang Lahi ni Ismael )
 1:28 Bukod kay Isaac, naging anak din ni Abraham si Ismael.
 1:29 Ang mga anak naman ni Ismael ay sina Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam,
 1:30 Misma, Duma, Massa, Hadad, Tema,
 1:31 Jetur, Nafis at Cedma.
 1:32 Ito ang mga anak ni Abraham kay Cetura, ang ikalawa niyang asawa: sina Zimran, Jocsan, Medan, Madian, Jisbac at Suah. Ang mga anak ni Jocsan ay sina Saba at Dedan.
 1:33 Mga anak naman ni Madian sina Efa, Efer, Enoc, Abida at Eldaa. Lahat sila'y anak nga ni Abraham kay Cetura. ( Ang Lahi ni Esau )
 1:34 Anak nga ni Abraham si Isaac. Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau at Jacob o Israel.
 1:35 Anak naman ni Esau sina Elifaz, Reuel, Jeus, Jalam at Core.
 1:36 Ang mga anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefi, Gatam, Kenaz, Timna at Amalec.
 1:37 Kay Reuel naman sina Nahat, Zera, Sama at Miza. ( Ang mga Taal na Taga-Edom )
 1:38 Ang mga katutubong mamamayan ng Edom ay nagmula kay Seir. Ang anak ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dison, Eser at Disan.
 1:39 Ang kay Lotan ay sina Hori at Homam; si Timna ang kapatid niyang babae.
 1:40 Mga anak ni Sobal sina Alvan, Manahat, Ebal, Sefi at Onam. Ang kay Zibeon naman ay sina Aya at Ana.
 1:41 Anak ni Ana si Dison. Si Dison naman ang ama ng magkakapatid na Hamram, Esban, Itran at Keran.
 1:42 Mga anak ni Eser sina Bilhan, Zaavan at Jaacan. Ang kay Disan naman ay sina Hus at Aran. ( Ang mga Unang Hari at Pinuno ng Edom )
 1:43 Ito ang mga taong naghari sa bansang Edom bago nagkaroon ng hari ang mga Israelita: si Bela na anak ni Beor at ang kanyang lunsod ay ang Dinhaba.
 1:44 Pagkamatay niya, siya'y pinalitan ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra.
 1:45 Nang mamatay si Jobab, si Husam na isang Temaneo ang pumalit sa kanya.
 1:46 Namatay si Husam at ang pumalit sa kanya ay taga-Avit, si Hadad na anak ni Bedad. Siya ang tumalo kay Madian sa lupain ng Moab.
 1:47 Pagkamatay ni Hadad, pumalit sa kanya bilang hari si Samla na taga-Masreca.
 1:48 Namatay din si Samla at pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot sa may Ilog Eufrates.
 1:49 Nang mamatay si Saul, pumalit sa kanya bilang hari si Baal-hanan na anak ni Acbor.
 1:50 Namatay si Baal-hanan at pumalit sa kanya si Hadad na taga lunsod ng Pai. Si Hadad ang asawa ni Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Mezahab.
 1:51 Pagkamatay ni Hadad, ang sunud-sunod na namahala sa Edom ay sina Timna, Alva, Jetet,
 1:52 Aholibama, Ela, Pinon,
 1:53 Kenaz, Teman, Mibzar,
 1:54 Magdiel at Iram. Ang mga ito nga ang namahala sa bansang Edom.
 2:1 ( Ang mga Anak ni Israel ) Ito ang mga anak ni Jacob o Israel: Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zabulon,
 2:2 Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad at Aser.
 2:3 Ang mga anak ni Juda kay Bat-sua na isang Cananea ay sina Er, Onan at Sela. Ang panganay niyang si Er ay hindi naging kalugud-lugod sa paningin ni Yahweh, kaya siya'y pinatay nito.
 2:4 Sina Fares at Zara ang mga anak ni Juda kay Tamar na kanyang manugang, kaya limang lahat ang anak niya.
 2:5 Ang mga anak ni Fares ay sina Hezron at Hamul.
 2:6 Ang kay Zara naman ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Dara. Limang lahat ang naging anak niya.
 2:7 Anak ni Zimri si Carmi. Ang anak naman ni Carmi na si Acan, ang nagdulot ng malaking kapahamakan sa Israel dahil sa paglabag sa utos ng Diyos.
 2:8 Si Azarias naman ang anak ni Etan. ( Ang Lahing Pinagmulan ni David )
 2:9 Ang mga anak ni Hezron ay tatlo, sina Jerameel, Ram at Celubai.
 2:10 Anak ni Ram si Aminadab na ama ni Naason, ang prinsipe ng Juda.
 2:11 Anak ni Naason si Salma na ama naman ni Booz.
 2:12 Si Booz ang ama ni Obed na ama naman ni Jesse.
 2:13 Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, sumunod si Abinadab at si Simea ang pangatlo.
 2:14 Ang iba pang mga anak niya ay sina Natanael, Radai,
 2:15 Ozem at si David ang pampito.
 2:16 Dalawa ang kapatid nilang babae, sina Sarvia at Abigail. Tatlo ang anak ni Sarvia, sina Abisai, Joab at Asael.
 2:17 Si Abigail ay nagkaanak din, Amasa naman ang ngalan, at ang ama nito ay si Jeter na isang Ismaelita. ( Ang Lahi ni Hezron )
 2:18 Si Caleb na anak ni Hezron ay nagkaanak ng isang babae kay Azuba. Ang ngalan nito ay Jeriot. Siya ang ina nina Jeser, Sobab at Ardon.
 2:19 Nang mamatay si Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata, at naging anak nila si Hur.
 2:20 Si Hur ang ama ni Uri na siya namang ama ni Bezalel.
 2:21 Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na ama ni Galaad. Naging anak niya si Segub
 2:22 na ama ni Jair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod na lupain ng Galaad.
 2:23 Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang Havot-jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Lahat-lahat ay animnapung bayan. Ang lahat ng mamamayan dito'y buhat sa lahi ni Maquir na ama ni Galaad.
 2:24 Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb ang asawa nitong si Efrata at naging anak niya si Asur na naging ama ni Tecoa. ( Ang Lahi ni Jerameel )
 2:25 Ito ang mga anak ni Jerameel, ang panganay ni Hezron: sina Ram, Buna, Orem, Ozem at Ahias.
 2:26 Si Jerameel ay may isa pang asawa na Atara ang ngalan; siya ang ina ni Onam.
 2:27 Ang panganay na anak ni Jerameel ay si Ram, at sina Maaz, Jamin at Equer ang mga anak nito.
 2:28 Mga anak ni Onam sina Samai at Jada. Ang mga anak naman ni Samai ay sina Nadab at Abisur. Asawa ni Abisur si Abihail
 2:29 at dalawa ang anak nila: sina Ahban at Molid.
 2:30 Mga anak ni Nadab sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak.
 2:31 Anak ni Apaim si Isi at ang kay Isi naman ay si Sesan na ama ni Ahlai.
 2:32 Ang mga anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay na walang anak si Jeter.
 2:33 Ang mga anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga anak at inapo ni Jerameel.
 2:34 Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, ngunit siya'y may aliping Egipcio na Jarha ang ngalan.
 2:35 Ipinakasal niya ito sa kanyang anak na dalaga at naging anak nila si Atai.
 2:36 Si Atai ang ama ni Natan na ama naman ni Zabad.
 2:37 Si Zabad ang ama ni Eflal na ama ni Obed.
 2:38 Si Obed ang ama ni Jehu na ama naman ni Azarias.
 2:39 Si Azarias ang ama ni Helez na ama ni Elasa.
 2:40 Si Elasa ang ama ni Sismai na ama naman ni Sallum.
 2:41 Si Sallum ang ama ni Jecamias na ama ni Elisama. ( Ang Lahi ni Caleb )
 2:42 Ang anak na panganay ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Si Zif ay ama ni Maresa at anak naman ni Maresa si Hebron.
 2:43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Core, Tapua, Requem at Sema.
 2:44 Si Sema ang ama ni Raham na ama ni Jorqueam, at si Requem naman ang ama ni Samai.
 2:45 Ang anak ni Samai ay si Maon na ama naman ni Bet-sur.
 2:46 Naging asawa rin ni Caleb si Efa, at nagkaanak sila ng tatlo, sina Haran, Moza at Gasez. Gasez din ang naging anak ni Haran.
 2:47 Ang mga anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa at Saaf.
 2:48 Kay Maaca, isa pang asawa ni Caleb, nagkaanak siya ng dalawa, sina Seber at Tirhana.
 2:49 Naging anak niya rito si Saaf na ama ni Madmana, si Sevat na ama nina Macbena at Giba. Ang babaing anak ni Caleb ay si Acsa.
 2:50 Ito naman ang angkan ni Caleb: si Hur ang panganay nila ni Efrata. Si Sobal na anak ni Hur ang nagtatag ng Kiryat-jearim.
 2:51 Si Salma naman ang nagtatag ng Betlehem at si Haref ang nagtatag ng Bet-gader.
 2:52 Kay Sobal nagbuhat si Haroe, ang pinagmulan ng kalahati ng Manahetita.
 2:53 Kay Sobal din nagbuhat ang ilang angkang nanirahan sa Kiryat-jearim tulad ng: mga Itreo, mga Puteo, mga Sumateo, mga Misraita, mga Zoratita at mga Estaolita.
 2:54 Ang mga angkan naman ni Salma na nagtatag ng Betleheminita ay ang Netofatita, Atarot-bet-joab, Manahetita at Zorita.
 2:55 Ang angkan ng mga eskriba na tumira sa Jabes ay ang mga Tirateo, Simateo at Sucateo. Ito ang mga Cineo buhat sa Hamat, ang pinagmulan ng sambahayan ni Recab.
 3:1 ( Ang Angkan ni David Hanggang sa Pagkatapon ) Si David ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Jezreelita. Sumunod si Daniel na anak naman niya kay Abigail na Carmelita.
 3:2 Ang pangatlo ay si Absalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak naman kay Haguit.
 3:3 Ang panlima ay si Sefatias, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak niya kay Egla.
 3:4 Anim ang naging anak ni David sa Hebron sa loob ng pitong taon at kalahating paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Jerusalem.
 3:5 Doo'y apat ang naging anak niya kay Betsua o Bat-seba na anak ni Amiel. Ito'y sina Simea, Sobab, Natan at Solomon.
 3:6 Siyam pa ang naging anak niya sa Jerusalem. Ito'y sina Ibhar, Elisama, Elifelet,
 3:7 Noga, Nefeg, Jafia,
 3:8 Elisama, Eliada at Elifelet.
 3:9 Ang mga ito ang naging anak ni David bukod pa ang mga anak niya sa ibang asawa. Isa ang anak niyang babae, si Tamar. ( Ang mga Anak ni Haring Solomon )
 3:10 Ito ang lahi ni Solomon: anak ni Solomon si Roboam na ama ni Abias, at anak naman ni Abias si Asa na ama ni Josafat.
 3:11 Anak ni Josafat si Joram na ama ni Ocozias. Anak naman ni Ocozias si Joas.
 3:12 Anak ni Joas si Amasias na ama ni Azarias, na ama naman ni Joatam.
 3:13 Anak ni Joatam si Acaz na ama ni Ezequias na ama naman ni Manases.
 3:14 Anak ni Manases si Amon na ama ni Josias.
 3:15 Apat ang naging anak ni Josias: sina Johanan, Joaquim, Sedequias at Sallum.
 3:16 Ang anak ni Joaquim ay si Jeconias na ama ni Sedequias. ( Ang Lahi ng Haring Jeconias )
 3:17 Ang mga anak ng nabihag na si Jeconias ay sina Selatiel,
 3:18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at Nedabias.
 3:19 Mga anak naman ni Pedaya ay sina Zorobabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zorobabel, sina Mesullam at Hananias at isang babae, si Selomit.
 3:20 Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.
 3:21 Mga anak ni Hananias sina Pelatias at Jesaias. Anak ni Jesaias si Refaias, anak ni Refaias si Arnan, anak ni Arnan si Obadias at anak ni Obadias si Secanias.
 3:22 Anim ang naging anak ni Secanias: sina Semaya, Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat.
 3:23 Tatlo ang naging anak ni Nearias: sina Elioenai, Ezequias at Azricam.
 3:24 Pito naman ang naging anak ni Elioenai: sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Acub, Johanan, Delaya at Anani.
 4:1 ( Mga Lahi ni Juda ) Ito ang kabilang sa lahi ni Juda: Fares, Hezron, Carmi, Hur at Sobal.
 4:2 Anak ni Sobal si Reaya na ama ni Jahat. Anak naman ni Jahat sina Ahumai at Lahad. Ito ang angkan ng mga Zoratita. ( Mga Anak ni Hur )
 4:3 Ito ang mga anak ni Etam: sina Jezreel, Isma at Idbas. Mayroon silang kapatid na babae, ang ngala'y Hazelelponi.
 4:4 Si Penuel ang ama ni Gedor, at si Ezer ang ama ni Husa. Ito ang angkan ni Hur, panganay na anak ni Efrata na nagtatag ng Betlehem. ( Mga Anak ni Asur )
 4:5 Si Asur na nagtatag ng Tecoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara.
 4:6 Naging anak niya kay Naara sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Ahastari.
 4:7 Naging anak naman ni Asur kay Hela sina Zeret, Izhar at Etnan.
 4:8 Si Coz ang ama ni Anub at Zobeba, gayon din ng mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.
 4:9 "Si Jabes ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Jabes ang itinawag sa kanya sapagkat ito ang wika ng kanyang ina, 'Ipinanganak ko siya sa gitna ng hapis.'"
 4:10 "Ngunit tumawag si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: 'Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Ilayo ninyo ako sa kapahamakan para hindi ako mahirapan!' At ipinagkaloob naman ng Diyos ang kanyang kahilingan. ( Ang Angkan ni Caleb )"
 4:11 Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir na ama naman ni Eston.
 4:12 Si Eston ang ama nina Bet-rafa, Pasea at Tehina na ama naman ni Nahas. Ito ang mga lalaking taga-Reca.
 4:13 Mga anak ni Kenaz sina Otoniel at Seraya, at mga anak naman ni Otoniel sina Hatat at Meonotai.
 4:14 Si Meonotai ang ama ni Ofra, at si Seraya naman ang ama ni Joab na nagtatag ng Carasim, isang pook na pandayan.
 4:15 Mga anak ni Caleb na anak ni Jefone sina Iru, Ela at Naam. Ang anak naman ni Ela ay si Kenaz.
 4:16 Mga anak ni Jehalelel sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.
 4:17 Ang mga anak ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Ang mga anak ni Mered kay Bitia na anak ng Faraon ay sina Miriam, Samai at Isba na nagtatag ng Estemoa.
 4:18 Sa asawa naman niyang Judea, naging anak ni Mered si Jered na nagtatag ng Gedor, si Heber na nagtatag ng Soco at si Jecutiel na nagtatag ng Zanoa.
 4:19 Ang mga anak ng asawa ni Hodias na kapatid ni Naham ang nagtatag ng Ceila, bayan ng mga Garmita, at ng Estemoa na bayan ng mga Maacatita.
 4:20 Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Mga anak naman ni Isi sina Zohet at Ben-zohet. ( Ang Lahi ni Sela )
 4:21 Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda ay sina Er na nagtatag ng Leca, Laada na nagtatag ng Maresa, at ang mga angkang gumagawa ng telang lino sa Asbea.
 4:22 Siya rin ang ama ni Joquim at ng mga taga-Cozeba, at nina Joas at Seraf. Ang mga ito ay nagkaasawa sa Moab bago nagbalik sa Betlehem. (Ang ulat na ito ay noon pang una.)
 4:23 Ang mga ito'y magpapalayok at tumira sa Netaim at Gedera, bilang mga lingkod ng hari. ( Ang Lipi ni Simeon )
 4:24 Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Saul.
 4:25 Mga anak ni Saul sina Sallum, Mibsam at Misma.
 4:26 Mga anak ni Misma sina Hamuel, Zacur at Simei.
 4:27 Labing-anim ang anak na lalaki ni Simei at anim naman ang babae. Ngunit iilan ang anak ng kanyang mga kapatid kaya hindi lumaki ang kanilang angkan tulad ng kay Juda.
 4:28 Ito ang mga lunsod na tinirahan nila: Beer-seba, Molada, Hazar-sual,
 4:29 Bilha, Ezem, Tolad,
 4:30 Betuel, Horma, Siclag,
 4:31 Bet-marcabot, Hazar-susim, Bet-biri at Saaraim. Ito ang kanilang mga lunsod hanggang maging hari si David.
 4:32 Kanila rin ang limang lunsod ng Etam, Ain, Rimon, Toquen at Asan,
 4:33 pati ang mga nayon sa paligid nito hanggang sa Baal. Samantalang sila'y narito, mayroon silang sariling talaan ng kanilang angkan.
 4:34 Ito ang mga pinuno ng kanilang angkan: Mesobab, Jamlec at Josa na anak ni Amasias;
 4:35 sina Joel at Jehu na mga anak ni Josibias na anak ni Seraya na anak naman ni Asiel;
 4:36 sina Elioenai, Jaacoba, Jesohaya, Asaya, Adiel, Jesimiel at Benaya.
 4:37 Kabilang din si Ziza na anak ni Sifi na anak naman ni Allon. Si Allon ay anak ni Jedaya na anak ni Simri na anak naman ni Semaya.
 4:38 Ang mga ito ang pinuno ng kanilang sambahayan. Dumami sila,
 4:39 kaya't gumawi sila sa dakong silangan at umabot sa kapatagan ng Gedor sa paghanap ng pastulan.
 4:40 Nakasumpong sila ng mabuting pastulan, malawak, tahimik at payapa. Mga Hamita ang dating nakatira sa dakong iyon.
 4:41 Ang nabanggit na lahing ito ni Simeon ang sumalakay sa mga Hamita nang panahong naghahari si Ezequias sa Juda. Winasak nila ang dakong yaon, pinuksa ang mga tao roon at sila ang tumira, pagkat mabuti ang pastulan doon.
 4:42 Sa mga sumalakay na ito, 500 pang tauhan ni Simeon ang patuloy na lumusob sa kaburulan ng Seir sa pangunguna nina Pelatias, Nearias, Refaias at Uziel, mga anak ni Isi.
 4:43 Pinuksa nila ang mga tumakas na Amalecita, at hanggang ngayo'y sila ang nakatira roon.
 5:1 ( Ang Lipi ni Ruben ) Si Ruben ang panganay ni Israel. Inalis sa kanya ang karapatan ng pagka-panganay sapagkat sinipingan niya ang isa sa mga asawa ng kanyang ama. Ang karapatang ito'y ibinigay sa anak niyang si Jose.
 5:2 Ang lipi ni Juda ang kinilalang pangunahin sa magkakapatid at sa kanya nagbuhat ang hari.
 5:3 Ang mga anak ni Ruben ay sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi.
 5:4 Anak ni Joel si Semaya na ama ni Gog. Anak ni Gog si Simei na ama ni Mica.
 5:5 Anak ni Mica si Reaya na ama ni Baal.
 5:6 At anak ni Baal si Beera, ang prinsipe ng mga Rubenita na ipinatapon ni Tiglat-pileser na hari ng Asiria.
 5:7 Ito ang kanyang mga kaanak ayon sa talaan ng mga sambahayan at angkang pinagbuhatan: ang mga pinunong sina Jeiel, Zacarias,
 5:8 at si Bela na anak ni Azaz, anak ni Sema na anak naman ni Joel. Ang angkan ni Bela ay tumira sa Aroer, at ang kanilang lupain ay abot sa Nebo at Baal-meon.
 5:9 Tumira rin sila sa gawing silangan hanggang sa tabi ng ilang sa dako ng Eufrates pagkat marami silang mga kawan sa Galaad.
 5:10 Nang panahong hari si Saul, sinalakay nila at nalupig ang mga Agareno, at sila ang tumira sa silangan ng Galaad. ( Ang Lipi ni Gad )
 5:11 Sa karatig nila, sa lupain ng Basan hanggang Salca tumira ang mga anak ni Gad.
 5:12 Sa Basan, ang puno nila ay si Joel at ang mga katulong niya sa pamamahala ay sina Safan. Pagkatapos, sina Janai at Safat naman ang namahala.
 5:13 Kabilang pa rin sa lipi ni Gad sina Micael, Mesullam, Saba, Jorai, Jacan, Zia at Eber. Ang pitong ito
 5:14 ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri at apo ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Galaad at apo ni Micael na anak ni Jesisai. Si Jesisai ay anak ni Jahdo at apo ni Buz.
 5:15 Si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni ang kanilang pangulo.
 5:16 Ang mga ito naman ay doon tumira sa paligid ng Galaad at Basan hanggang sa malawak na pastulan ng Saron.
 5:17 Ang mga talaang ito ay ginawa nang si Joatam ay hari ng Juda, at si Jeroboam naman ang sa Israel.
 5:18 Matatapang ang mga kawal ng mga lipi nina Ruben at Gad, gayon din ang kalahating lipi ni Manases. Bihasa sila sa paggamit ng pananggalang, sundang, busog at pana, at sanay na mandirigma. Ang hukbo nila ay binubuo ng 44,760 kawal.
 5:19 Nakipagdigma sila laban sa mga Agareno, Jetur, Nafis at Nodab.
 5:20 Sila'y nagtiwala at laging dumadalangin sa Diyos. Dinirinig naman sila at laging tinutulungan. Anupat nalupig nila ang kanilang mga kaaway.
 5:21 Ito ang nasamsam nilang hayop: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. May 100,000 kawal ang kanilang nabihag.
 5:22 Marami silang napatay sa kanilang mga kaaway, sapagkat ang Diyos ang nanguna sa kanila. Doon sa lupaing iyon sila tumira hanggang sa panahon ng pagkatapon ng Israel. ( Kalahati ng Lipi ni Manases )
 5:23 Ang kalahating lipi ni Manases ay napakarami, kaya't nakalatan nila ang lupain mula sa Basan, Baal-hermon, Senir hanggang sa Bundok ng Hermon.
 5:24 Ito ang mga pangulo ng kanilang mga angkan: sina Efer, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at Jahdiel. Sila'y kilabot na mandirigma, at tanyag na tanyag. ( Ang Pagkatapon sa Kalahating Lipi ni Manases )
 5:25 Ngunit ang mga liping ito ay di nanatiling tapat sa Diyos ng kanilang ninuno. Sumamba sila sa mga diyus-diyusan ng mga bansang nilupig nila sa tulong ng Diyos.
 5:26 Kaya't pinag-alab ng Diyos ng Israel ang damdamin ng hari ng Asiria, si Pul, na tinatawag ding Tiglat-pileser. Binihag nito ang mga Rubenita, Gadita at ang kalahating lipi ni Manases. Itinapon sila sa Halah, Habor, Hara at sa dako ng Ilog Gozan, at naroon pa sila hanggang ngayon.
 6:1 ( Ang Lahi ng mga Punong Saserdote ) Ang mga anak ni Levi ay sina Gerson, Coat at Merari.
 6:2 Mga anak naman ni Coat sina Amram, Izhar, Hebron at Uziel.
 6:3 Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Mga anak naman ni Aaron sina Nadab, Abiu, Eleazar at Itamar.
 6:4 Anak naman ni Eleazar si Finees na ama ni Abisua.
 6:5 Anak ni Abisua si Buki na ama ni Uzi.
 6:6 Anak naman ni Uzi si Zeraias na ama ni Meraiot.
 6:7 Anak ni Meraiot si Amarias na ama ni Ahitob.
 6:8 Anak ni Ahitob si Sadoc na ama ni Ahimaaz.
 6:9 Anak ni Ahimaaz si Azarias na ama ni Johanan.
 6:10 Anak naman ni Johanan si Azarias, ang saserdoteng naglingkod sa Templong itinayo ni Solomon sa Jerusalem.
 6:11 Anak naman ni Azarias si Amarias na ama naman ni Ahitob.
 6:12 Anak ni Ahitob si Sadoc na ama ni Sallum.
 6:13 Anak ni Sallum si Helcias na ama naman ni Azarias.
 6:14 Anak ni Azarias si Seraya na ama ni Josadac.
 6:15 Si Josadac ay nakasama sa pagkatapon nang parusahan ni Yahweh ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ni Nabucodonosor. ( Iba pang Lahi ni Levi )
 6:16 Ang mga anak ni Levi ay sina Gersom, Coat at Merari.
 6:17 Anak ni Gersom sina Libni at Simei.
 6:18 Mga anak ni Coat sina Amram, Izhar, Hebron at Uziel.
 6:19 Ang kay Merari naman ay sina Mahli at Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang mga magulang.
 6:20 Anak ni Gersom si Libni na ama ni Jahat na ama ni Zimna.
 6:21 Anak ni Zimna si Joah na ama naman ni Iddo, na ama ni Zara at ama ni Jeatrai.
 6:22 Anak ni Coat si Aminadab na ama ni Core na ama ni Asir.
 6:23 Anak ni Asir si Elcana na ama ni Ebiasaf na ama ni Asir.
 6:24 Anak ni Asir si Tahat na ama ni Uriel, ama ni Uzias na ama ni Saul.
 6:25 Anak naman ni Elcana sina Amasai at Ahimot.
 6:26 Anak naman ni Ahimot si Elcana na ama ni Zofar na ama ni Nahat.
 6:27 Anak naman ni Nahat si Eliab na ama ni Jeroham na ama ni Elcana na ama ni Samuel.
 6:28 Mga anak ni Samuel si Joel at si Abias.
 6:29 Anak ni Merari si Mahli na ama ni Libni na ama ni Simei na ama ni Uza.
 6:30 Anak naman ni Uza si Simea na ama ni Hagia na ama ni Asaya. ( Ang mga Mang-aawit sa Templo )
 6:31 Ito ang mga lalaking pinamahala ni David sa mga awitin sa tabernakulo mula nang dalhin doon ang Kaban ng Tipan.
 6:32 Sila ang hali-haliling gumanap ng tungkuling ito sa harap ng tabernakulo, hanggang sa itayo ni Solomon ang Templo sa Jerusalem.
 6:33 Ito ang mga angkan na nagsipaglingkod: sa gawing gitna ang namahala ay ang angkan ni Coat, sa pangunguna ng mang-aawit na si Heman na anak ni Joel na anak ni Samuel. Si Samuel ay
 6:34 anak ni Elcana na apo ni Jeroham na anak ni Eliel na anak ni Toah. Si Toah ay
 6:35 anak ni Zuf at apo ni Elcana na anak ni Mahat na anak ni Amasai. Si Amasai ay
 6:36 anak ni Elcana at apo ni Joel na anak ni Azarias na anak ni Sofonias. Si Sofonias ay
 6:37 anak ni Tahat at apo ni Asir na anak ni Ebiasaf na anak ni Core. Si Core ay
 6:38 anak ni Izhar at apo ni Coat na anak ni Levi na anak ni Israel.
 6:39 Sa gawing kanan ang namahala nama'y ang kapatid niyang si Asaf na anak ni Berequias at apo ni Simea.
 6:40 Si Simea ay anak ni Micael at apo ni Baaseya na anak ni Malquias. Si Malquias ay
 6:41 anak ni Etni at apo ni Zara na anak ni Adaya. Si Adaya ay
 6:42 anak ni Etan at apo ni Zima na anak ni Simei. Si Simei ay
 6:43 anak ni Jahat at apo ni Gersom na anak ni Levi.
 6:44 Sa gawing kaliwa ang namahala nama'y ang angkan ni Merari, sa pangunguna ni Etan na anak ni Quisi at apo ni Abdi na anak ni Malluc. Si Malluc ay
 6:45 anak ni Hasabias at apo ni Amasias na anak ni Helcias. Si Helcias ay
 6:46 anak ni Amzi at apo ni Bani na anak ni Semer. Si Semer ay
 6:47 anak ni Mahli at apo ni Musi na anak ni Merari na anak ni Levi.
 6:48 Ang kanilang mga kapatid na Levita ang pinamahala naman sa iba pang gawain sa templo. ( Ang Lahi ni Aaron )
 6:49 Ngunit si Aaron at ang kanyang mga anak lamang ang naghahain sa dambana ng mga handog na susunugin at sa dambana ng kamanyang. Sila rin ang gumaganap ng mga gawaing pinakabanal at naghahain ng handog para sa kasalanan ng Israel, ayon sa iniutos ni Moises.
 6:50 Ito ang mga anak at apo ni Aaron: Si Eleazar na ama ni Finees na ama naman ni Abisua;
 6:51 si Buki na ama ni Uzi na ama ni Zeraias;
 6:52 si Meraiot na ama ni Amarias na ama ni Ahitob;
 6:53 at si Sadoc na ama ni Ahimaaz. ( Ang mga Lunsod ng mga Levita )
 6:54 Ito ang mga lugar na kanilang tinirahan:
 6:55 sa angkan ni Coat ay ang Hebron sa Juda at mga pastulan sa paligid nito.
 6:56 Ngunit ang mga bukirin ng lunsod at mga nayong sakop nito ay napabigay kay Caleb na anak ni Jefone.
 6:57 Napabigay naman sa mga anak ni Aaron ang mga lunsod na kublihan: ang Lunsod ng Libna at ang mga pastulan nito; Jatir at Estemoa at ang mga pastulan ng mga ito;
 6:58 ang Hilen at Debir at ang mga pastulan ng mga ito;
 6:59 ang Asan at Bet-semes at ang mga pastulan ng mga ito.
 6:60 Ang nakuha naman nila sa lipi ni Benjamin ay ang Geba, Alemet at Anatot, kasama ang mga pastulan sa paligid nito. Labintatlong lunsod ang nakuha ng kanilang angkan.
 6:61 Sampung lunsod ang nakuha ng iba pang angkan ni Coat buhat sa kalahating lipi ni Manases.
 6:62 Buhat sa lipi nina Isacar, Aser, Neftali at Manases, labintatlo lamang lunsod sa Basan ang napapunta sa mga anak ni Gersom ayon sa kanilang sambahayan.
 6:63 Sa mga anak ni Merari ayon sa kanilang sambahayan, labindalawa namang lunsod ang nakuha nila buhat sa mga lipi nina Ruben, Gad at Zabulon.
 6:64 Ang mga Levita ay pinagkalooban ng mga anak ni Israel ng mga lunsod at mga pastulan.
 6:65 Ang mga lunsod na ito mula sa lipi nina Juda, Simeon at Benjamin ay natamo nila sa pamamagitan ng sapalaran.
 6:66 May ilan pa sa mga lipi ni Coat na nagkaroon ng mga lunsod mula sa lipi ni Efraim.
 6:67 Ang nakuha nila ay ang mga lunsod na kublihan---ang mga Lunsod ng Siquem at ang pastulan nito sa kaburulan ng Efraim, ang Gezer at ang mga pastulan nito,
 6:68 ang Jocmeam at ang mga pastulan nito, at ang Bet-horon at ang mga pastulan nito,
 6:69 ang Ayalon at ang mga pastulan nito, at Gat-rimmon at ang mga pastulan nito.
 6:70 Mula naman sa kalahating lipi ni Manases, natamo ng iba pang sambahayan ni Coat ang Aner at ang mga pastulan nito, at ang Bileam at ang mga pastulan nito.
 6:71 Mula rin sa kalahating lipi ni Manases, natamo naman ng mga anak ni Gersom ang Golan sa Basan at ang Astarot at ang pastulan ng mga ito.
 6:72 Mula naman sa lipi ni Isacar ay natamo nila ang Cades, Daberat,
 6:73 Ramot at Anem at ang pastulan ng mga ito.
 6:74 Mula naman sa lipi ni Aser ay natamo nila ang Masal, Abdon,
 6:75 Hucoc at Rehob at ang mga pastulan ng mga ito.
 6:76 Sa lipi ni Neftali, natamo nila ang Cades sa Galilea, ang Hamon, ang Kiryataim at ang mga pastulan ng mga ito.
 6:77 Natamo rin ng mga iba pang angkan ni Merari mula sa lipi ni Zabulon, ang Rimono at Tabor at ang pastulan ng mga ito.
 6:78 Sa gawing silangan ng Jordan, tapat ng Jerico, natamo nila mula sa lipi ni Ruben, ang Bezer, Jaza,
 6:79 Quedemot at Mefaat at ang pastulan ng mga ito.
 6:80 At mula naman sa lipi ni Gad, natamo nila ang Ramot sa Galaad, Mahanaim,
 6:81 Hesbon at Hazer at ang mga pastulan ng mga ito.
 7:1 ( Ang Lipi ni Isacar ) Ang mga anak ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron.
 7:2 Ang mga anak ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila'y pawang magigiting na mandirigma at mga puno ng kanilang sambahayan ayon sa talaan ng lahi ng kanilang ama. Ang mandirigma nila noong panahon ni David ay umabot sa 22,600.
 7:3 Ang anak ni Uzi ay si Izrahias at ang mga anak naman nito ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias. Ang limang ito ay mga pinuno rin.
 7:4 Ang kanilang mga angkan ay may 36,000 mandirigma, sapagkat mas marami silang asawa't mga anak na lalaki.
 7:5 Ang mga mandirigma sa lipi ni Isacar ay umaabot sa 87,000. ( Ang Lipi nina Benjamin at Dan )
 7:6 Ang mga anak ni Benjamin ay sina Bela, Bequer at Jediael.
 7:7 Sina Esbon, Uzi, Uziel, Jeremot at Iri naman ang mga anak ni Bela. Sila'y mga puno ng kanilang sambahayan at pawang mga mandirigma. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 22,034.
 7:8 Ang mga anak naman ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet.
 7:9 Sila'y pawang magigiting na mandirigma at puno ng kani-kanilang sambahayan. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 22,200.
 7:10 Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak naman ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.
 7:11 Ang magkakapatid na ito'y pawang magigiting na mandirigma at puno ng kani-kanilang sambahayan. Ang mandirigma nila'y umaabot sa 17,200.
 7:12 Ang mga Supamita at Hupamita ay buhat sa lahi ni Ir. Ang mga anak ni Dan ay si Husim at angkan ni Aher. ( Ang Lipi ni Neftali )
 7:13 Ang mga anak ni Neftali ay sina Jahziel, Guni, Jezer at Sallum. Buhat sila sa lahi ni Bilha.
 7:14 Ito naman ang mga anak ni Manases sa asawa niyang Aramea: Azriel at Maquir na ama ni Galaad.
 7:15 Ikinuha ni Maquir ng asawa sina Hupim at Supim. Ang pangalan ng kapatid niyang babae ay Maaca. Ang pangalawang anak ni Maquir ay si Zelofehad. Babae namang lahat ang anak nito.
 7:16 Si Maaca na asawa ni Maquir ay nagkaanak ng lalaki, at ito'y pinangalanan niyang Peres. Ang sumunod ay si Seres. Dalawa naman ang naging anak nito, sina Ulam at Requem.
 7:17 Ang anak ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga angkan ni Galaad na anak ni Maquir at apo ni Manases.
 7:18 Ang kapatid niyang babae ay si Hamolequet na ina nina Ishod, Abiezer at Mahla.
 7:19 Ang mga anak naman ni Semida ay sina Ahian, Siquem, Likhi at Aniam. ( Ang Lipi ni Efraim )
 7:20 Ito ang anak at mga apo ni Efraim: si Sutela na ama ni Bered na ama ni Tahat. Si Tahat ang ama ni Elada na ama ni Tahat. Siya ang
 7:21 ama ni Zabad na ama ni Sutela. Anak din niya sina Ezer at Elad na pinatay ng mga taga-Gat nang tangkain nilang nakawin ang kawan ng mga tagaroon.
 7:22 Matagal itong ipinagluksa ni Efraim kaya't inaliw siya ng kanyang mga kapatid.
 7:23 Ngunit naglihi uli ang kanyang asawa, at lalaki naman ang naging anak. Beria ang ipinangalan niya rito dahil sa kasawiang inabot nila.
 7:24 Nagkaanak pa siya ng isang babae at pinangalanan niyang Seera. Ito ang nagtayo ng lunsod ng Bet-horon Ibaba, Bet-horon Itaas at Uzenseera.
 7:25 Anak din niya si Refa na anak ni Resef. Anak ni Resef si Tela at anak naman nito si Tahan na ama ni Ladan.
 7:26 Anak ni Ladan si Amihud na ama ni Elisama.
 7:27 Anak ni Elisama si Nun na ama ni Josue.
 7:28 Ang lupaing sakop nila ay ang Betel, sa dakong silanga'y ang Naaran. Sa kanlura'y ang Gezer, Siquem at Gaza, kasama ang lahat ng mga bayang nasasakop ng mga ito.
 7:29 Datapwat ang Bet-sean, Meguido, Dor at ang mga bayang nasa paligid ng mga ito ay sakop ng lipi ni Manases. Dito nanirahan ang mga angkan ni Jose na anak ni Jacob. ( Ang Lipi ni Aser )
 7:30 Ang mga anak ni Aser ay sina Imna, Isva, Isvi, Berias. Si Sera lang ang babae.
 7:31 Ang mga anak naman ni Berias ay sina Heber at Malquiel na ama ni Birzavit.
 7:32 Si Heber ang ama nina Jaflet, Somer, Jotam. Si Sua lang ang babaing kapatid nila.
 7:33 Ang mga anak ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat.
 7:34 Ang mga anak naman ni Semer ay sina Ahi, Rohga, Jehuba at Aram.
 7:35 Ang mga anak ng kapatid niyang si Helem ay sina Zofa, Imna, Seles at Amal.
 7:36 Ang mga anak ni Zofa ay sina Suah, Harnefer, Sual, Beri, Imra,
 7:37 Bezer, Hod, Samna, Silsa, Itran at Beera.
 7:38 Ang mga anak ni Jeter ay sina Jefone, Pispa at Ara.
 7:39 Ang mga anak ni Ulla ay sina Ara, Haniel at Rizia.
 7:40 Lahat ng ito'y buhat sa lipi ni Aser, mga puno ng kani-kanilang sambahayan at kilalang mga pangunahing lalaki. Ang kawal nila'y umaabot sa 26,000.
 8:1 ( Ang Lipi ni Benjamin ) Si Bela ang panganay ni Benjamin, si Asbel ang pangalawa, at si Ahara ang pangatlo.
 8:2 Ang pang-apat ay si Noha, at si Rafa ang panlima.
 8:3 Ang mga anak naman ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,
 8:4 Abisua, Naaman, Ahoa,
 8:5 Gera, Sefufan at Huram.
 8:6 Ang mga anak naman ni Ehud ang ginawang pangulo ng mga angkang naninirahan sa Geba. Ngunit napilitang lumipat sa Manahat sina
 8:7 Naaman, Ahias at Gera na nag-una sa kanila at ama nina Uza at Ahihud.
 8:8 Si Saaraim ay nagkaanak sa lupain ng Moab, matapos niyang paalisin ang dalawa niyang asawang sina Husim at Baara.
 8:9 Ito ang mga anak niya kay Hodes: sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam;
 8:10 Jeuz, Sachia at Mirma. Ang mga anak niyang ito ay naging pangulo ng kani-kanilang sambahayan.
 8:11 Ang mga anak niya kay Husim ay sina Abitob at Elpaal.
 8:12 Ang mga anak ni Elpaal ay sina Eber, Misam at Semed. Si Semed ang nagtatag ng mga lunsod ng Ono at Lod at mga nayon nito. ( Ang Angkan ni Benjamin sa Gat at Ayalon )
 8:13 Anak din ni Elpaal sina Berias at Sema, mga pangulo ng sambahayan sa Ayalon. Sila ang nagpalayas sa mga mamamayan ng Gat.
 8:14 Anak ni Beria sina Ahio, Sasac at Jeremot,
 8:15 sina Zebadias, Arad, Adar,
 8:16 Micael, Ispa at Joha. ( Ang Angkan ni Benjamin sa Jerusalem at Gabaon )
 8:17 Sina Zebadias, Mesullam, Hizki, Heber,
 8:18 Ismerai, Izlia at Jobab ay mga anak naman ni Elpaal.
 8:19 Sina Jaquim, Zicri, Zabdi;
 8:20 Elienai, Zilletai, Eliel;
 8:21 Adaya, Beraya at Simrat ay mga anak naman ni Simei.
 8:22 Mga anak naman ni Sasac sina Ispan, Eber, Eliel;
 8:23 Abdon, Zicri, Hanan;
 8:24 Hananias, Elam, Anatotias;
 8:25 Ifdaya at Penuel.
 8:26 Sina Samserai, Seharia, Atalia;
 8:27 Jaaresias, Elias at Zicri ay mga anak naman ni Jeroham.
 8:28 Lahat sila'y kabilang sa talaan ng mga angkan bilang pangulo ng sambahayan at mga pinunong nakatira sa Jerusalem.
 8:29 Si Jeiel ang nagtatag ng bayan ng Gabaon at doon siya nanirahan. Ang asawa niya'y si Maaca.
 8:30 Ang panganay nilang anak ay si Abdon at ang sumunod ay sina Sur, Cis, Baal, Nadab,
 8:31 Gedor, Ahio, Zequer
 8:32 at Miclot, ama ni Simea. Sila'y nanirahang kasama ng kanilang mga kaanak doon sa Jerusalem, katapat ng iba nilang angkan.
 8:33 Si Ner naman ang ama ni Cis na ama ni Saul. Anak ni Saul sina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.
 8:34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica.
 8:35 Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Acaz.
 8:36 Anak ni Acaz si Joada at mga anak naman nito sina Alemet, Azmavet at Zimri, na ama naman ni Moza.
 8:37 Anak ni Moza si Binea na ama nina Rafa, Elasa at Azel.
 8:38 Anim ang anak ni Azel, sina Azricam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan.
 8:39 Si Esec na kapatid ni Azel ay may mga anak din. Ang panganay niya ay si Ulam at ang mga sumunod ay sina Jeus at Elifelet.
 8:40 Ang mga anak ni Ulam ay mga kilabot na mandirigma at bihasang manudla ng pana. Ang mga anak at apo niya'y umaabot sa 150. Lahat sila'y buhat sa lipi ni Benjamin.
 9:1 ( Bumalik Mula sa Pagkatapon ) Ang lahat ng mamamayan ng Israel ay naitala ayon sa kanya-kanyang lipi. Ito'y napatala sa k Kasaysayan ng mga Hari ng Israelkend maliban sa mga taga-Juda pagkat ipinatapon sila sa Babilonia bilang parusa sa kanilang kasamaan.
 9:2 Ang mga unang bumalik sa kanilang mga lunsod at lupain ay ang mga saserdote, mga Levita, mga tagapaglingkod sa Templo at mga karaniwang mamamayan.
 9:3 May mga angkan sina Juda, Benjamin, Efraim at Manases na tumira sa Jerusalem. ( Talaan ng Nanirahan sa Jerusalem )
 9:4 Sa angkan ni Fares na anak ni Juda ay si Utai na anak ni Amihud at apo ni Omri. Ang iba pang angkan niya ay sina Imri at Bani.
 9:5 Sa angkan ni Sela, si Asaya ang pinakamatanda at ang mga anak niya.
 9:6 Sa angkan ni Zera, si Jeuel at ang kanyang mga angkan, lahat-lahat ay 690 pamilya.
 9:7 Sa lipi naman ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesullam, na anak ni Hodavias na anak naman ni Asenua.
 9:8 Si Ibnias na anak ni Jeroham; si Ela na anak ni Uzi na anak naman ni Micri, si Mesullam na anak ni Sefatias, na anak ni Reuel na anak ni Ibnia.
 9:9 Ang kabuuan ng kanilang mga angkan ay umaabot sa 956. Lahat sila'y pangulo ng kani-kanilang sambahayan. ( Ang mga Saserdote sa Jerusalem )
 9:10 Sa pangkat naman ng mga saserdote ay kabilang sina Jedaya, Joiarib at Jaquin.
 9:11 Si Azarias na anak ni Helcias ang pinakapuno sa Templo. Ang mga ninuno niya'y sina Sadoc, Meraiot at Ahitob.
 9:12 Kasama rin si Adaya na anak ni Jeroham at apo ni Pasur na anak ni Malquias. Anak ni Malquias si Masai at apo ni Adiel. Ito'y anak ni Jazera na anak ni Mesullam na anak ni Mesilemit na anak ni Imer.
 9:13 Ang mga ito'y puno ng kani-kanilang sambahayan, pawang may kakayahan sa paglilingkod at ang bilang ay umaabot sa 1,760. ( Ang mga Levita sa Jerusalem )
 9:14 Ito naman ang pangkat ng mga Levita: Sa angkan ni Merari ay si Semaya na anak ni Hasub at apo ni Azricam na anak naman ni Hasabias.
 9:15 Kabilang din sina Bacbacar, Heres at Galal. Si Matanias ay anak ni Mica na anak ni Zicri sa angkan ni Asaf.
 9:16 Sa angkan ni Jedutun ay kabilang si Obadias na anak ni Semaya at apo ni Galal, at si Berequias na anak ni Asa at apo ni Elcana. Sa mga nayon ng Netofa sila naninirahan. ( Ang mga Bantay sa Templo na Nanirahan sa Jerusalem )
 9:17 Ang mga bantay sa pinto ay sina Sallum, Acub, Talmon at Ahiman. Ang puno nila ay si Sallum.
 9:18 Sila ang bantay sa pintong-pasukan ng hari sa gawing silangan ng Templo at dating bantay sa kampamento ng mga anak ni Levi.
 9:19 Si Sallum ay anak ni Core at apo ni Ebiasaf na anak ni Core. Kasama nila ang kanilang mga kaanak na Corita. Sila ang nakakaalam sa pagpasok sa Templo, gaya ng kanilang mga ninuno noong sila'y mamahala sa kampamento.
 9:20 Si Finees na anak ni Eleazar ang tagapamahala nila noon, at sumasakanya si Yahweh.
 9:21 Si Zacarias na anak ni Meselemias ang bantay-pinto sa Toldang Tipanan.
 9:22 Ang lahat ng bantay-pinto ay umaabot sa 212. Sila'y kabilang sa talaan ng kani-kanilang nayon. Si David at si Propeta Samuel ang nagtalaga sa kanila sa tungkuling ito pagkat sila'y mapapagkatiwalaan.
 9:23 Sila at ang kanilang mga anak ang naging bantay-pinto sa Templo.
 9:24 Sa apat na panig nito, sa silangan, sa kanluran, sa hilaga at sa timog ay may mga bantay.
 9:25 Ang mga kaanak nila sa mga nayon sa paligid ay dumarating doon tuwing ikapitong araw upang makatulong nila.
 9:26 Ito'y kailangan, pagkat ang apat na bantay doong Levita ay namamahala rin sa mga silid at kayamanang nasa Templo.
 9:27 Doon na sila natutulog sa Templo, sapagkat sa kanila ipinagkatiwala ang pangangalaga at pagbabantay niyon. Sila rin ang nagbubukas ng Templo tuwing umaga.
 9:28 Ang iba sa kanila'y tagapangalaga ng mga kagamitan sa paglilingkod, sapagkat kailangang bilangin nila iyon tuwing ilalabas at itatago.
 9:29 Ang iba nama'y nangangalaga ng mga kasangkapan, ang iba'y sa mga kagamitan sa paglilingkod, tulad ng pinong harina, alak, langis, kamanyang at mga pabango.
 9:30 Ang iba naman ang nagtitimpla ng mga pabango.
 9:31 Isa sa mga Levita, si Matitias na panganay ni Sallum ang tagagawa ng manipis na tinapay.
 9:32 May ilan pang Corita ang tagaayos naman sa mga tinapay na handog tuwing Araw ng Pamamahinga.
 9:33 Ito ang mga pangulo ng mga sambahayang Levita na umaawit at doon na rin tumitira sa mga silid sa Templo. Wala silang ibang gawain, sapagkat kailangang gampanan nila ang kanilang tungkulin araw-gabi.
 9:34 Sila'y mga pangulo nga ng mga sambahayang Levita ayon sa angkan at sa Jerusalem naninirahan. ( Ang mga Ninuno at Angkan ni Haring Saul )[ (1 Cro. 8:29-38) ]
 9:35 Doon din tumitira si Jelhiel, ang nagtatag ng bayan ng Gabaon. Ang asawa niya'y si Maaca.
 9:36 Ang mga anak nila'y sina Abdon, Zur, Cis, Baal, Ner, Nadab,
 9:37 Gedor, Ahio, Zacarias at Miclot.
 9:38 Si Miclot ang ama ni Simeam at ng iba pang kaanak nilang nananahan sa tapat ng Jerusalem.
 9:39 Si Ner ang ama ni Cis na ama naman ni Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.
 9:40 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica.
 9:41 Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Acaz.
 9:42 Si Acaz ang ama ni Jara, at si Jara naman ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza,
 9:43 at si Moza naman ang ama ni Binea na ama nina Refaya, Elasa at Azel.
 9:44 Ang mga anak ni Azel ay sina Azricam, Bocru, Ismael, Seraya, Obadias at Hanan.
 10:1 ( Ang Pagkamatay ni Saul )[ (1 Sam. 31:1-13) ] Nilusob ng mga Filisteo ang mga Israelita sa Bundok ng Gilboa. Nalupig ang mga ito. Tumakas sila at naiwan ang kanilang mga patay.
 10:2 Tinugis ng mga Filisteo ang mag-aamang Saul, at napatay ang tatlo niyang anak na sina Jonatan, Abinadab at Melquisua.
 10:3 Sa labanang iyo'y tinamaan ng pana si Saul.
 10:4 "Dahil dito, sinabi ni Saul sa tagapagdala ng kanyang baluti, 'Patayin mo na ako para hindi na ako abutang buhay ng mga paganong iyon. Baka gawin pa nila akong katatawanan.' Ngunit tumutol ang tagapagdala ng kanyang baluti, sapagkat natatakot siya. Kaya't binunot ni Saul ang kanyang espada, at nagsaksak sa sarili."
 10:5 Nang makita ng alipin na nagpakamatay si Saul, siya ay nagpakamatay na rin.
 10:6 Dahil sa sinapit ni Saul at ng kanyang mga anak, nalipol ang kanyang sambahayan.
 10:7 Nang makita ng mga Israelita sa kapatagan na tumakas ang kanilang hukbo at mabalitaang napatay sina Saul, tumakas na rin sila. Kaya't sinakop ng mga Filisteo ang kanilang mga lunsod, at sila ang tumira roon.
 10:8 Kinabukasan, nang puntahan ng mga Filisteo ang kanilang mga napatay, natuklasan nila sa Bundok ng Gilboa ang bangkay ni Saul at ng tatlo niyang mga anak.
 10:9 Hinubaran nila siya, pinugutan at kinuha ang baluti. Pagkatapos, nagpadala sila ng mga sugo sa buong lupain at ibinalita sa mga Filisteo at sa kanilang mga diyus-diyusan ang kanilang tagumpay.
 10:10 Dinala nila ang baluti ni Saul sa dambana ng kanilang mga diyus-diyusan at ang ulo niya sa dambana ni Dagon.
 10:11 Nang mabalitaan ng mga taga-Jabes-galaad ang ginawa ng mga Filisteo,
 10:12 ang pinakamatatapang sa kanila'y nagsama-sama at kinuha ang bangkay ng mag-aama. Dinala nila ang mga ito sa Jabes upang ilibing sa ilalim ng puno ng roble doon. Pitong araw nilang ipinagluksa ang pangyayari.
 10:13 Nagbayad si Saul ng sariling buhay dahil sa kanyang pagsuway sa utos ni Yahweh. Humingi siya ng payo sa masasamang espiritu
 10:14 sa halip na kay Yahweh, kaya siya'y pinabayaang mapatay. Bunga nito, nalipat kay David na anak ni Jesse ang kaharian.
 11:1 ( Si David ay Ginawang Hari )[ (2 Sam. 5:1-10) ] "Ang buong Israel ay nagpunta kay David sa Hebron. 'Kami ay dugo ng iyong dugo at laman ng iyong mga laman,' wika nila."
 11:2 '"Nang panahong hari si Saul, pinangungunahan mo ang hukbo ng Israel sa pakikibaka, at ibinabalik mo silang muli. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos ang ganito: 'Ikaw ang magiging Pastol ng aking bayang Israel. Ikaw ang mamamahala sa kanila.''"
 11:3 Lahat ng matatanda ng Israel ay nagpunta sa Hebron, at sa harapan ni Yahweh ay nakipagtipan sila kay David. Binusan nila ito ng langis, at itinalagang hari ng Israel. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Samuel.
 11:4 Ang Jerusalem na noo'y tinatawag na Jebus ay sinalakay ni Haring David at ng mga Israelita.
 11:5 Ngunit sinabi sa kanya ng mga Jebuseo na hindi siya makapapasok ng lunsod. Gayunman, pumasok din si David at nakuha nito ang kuta ng Sion, kaya ang dakong iyo'y nakikilala ngayong Lunsod ni David.
 11:6 "Bago nila pinasok ito, sinabi ni David, 'Ang unang makapapatay ng isang Jebuseo ay gagawin kong pinuno.' Ang unang nangahas umakyat sa kuta ay si Joab na anak ni Sarvia, kaya siya ang ginawang pinuno ng hukbo."
 11:7 Doon tumira si David sa kuta, kaya tinawag ang lunsod na iyon na lunsod ni David.
 11:8 Pinalaki niya ang lunsod sa palibot nito mula sa Millo, samantalang itinayong muli ni Joab ang nasirang lunsod.
 11:9 Lalong tumatag ang paghahari ni David at siya'y naging dakila, sapagkat si Yahweh ang kasama niya. ( Ang mga Bantog na Kawal ni David )[ (2 Sam. 23:8-39) ]
 11:10 Ito naman ang mga pinuno ng mga magigiting na tauhan ni David na sa tulong ng buong Israel, ay nagpalakas at nagpatatag ng kanyang kaharian, sa pangako ni Yahweh.
 11:11 Una sa lahat, ay si Jasobeam, isang Hacmonita. Siya ang pinuno ng tatlong bayani. Bagamat nag-iisa, nakapatay siya ng 300 kaaway sa pamamagitan ng kanyang sibat.
 11:12 Ang pangalawa'y si Eleazar, isa sa tatlong bayani. Siya'y anak ni Dodo na isang Ahohita.
 11:13 Si Eleazar ang kasama ni David sa Pasdamim nang mapalaban sila sa mga Filisteo sa isang bukid ng sebada. Natakot noon ang mga Israelita, at sila'y tumakas.
 11:14 Ngunit tumayo si Eleazar sa gitna ng bukid at nagtanggol na mabuti. Sa ginawang ito, napatay niya ang mga Filisteo sa tulong ni Yahweh.
 11:15 Minsan, nang ang mga Filisteo'y natitipon sa kapatagan ng Refaim, tatlo sa tatlumpung mga pinuno ng Israel ang bumaba sa kampo ni David, malapit sa yungib ng Adullam.
 11:16 Noo'y nasa isang kuta si David; nasakop naman ng isang pangkat ng mga Filisteo ang Betlehem.
 11:17 "Minsa'y buong pananabik na nasabi ni David, 'Sabik na sabik na ako sa tubig mula sa balon sa may daang-pasukan sa Betlehem!'"
 11:18 Pagkarinig nito, sumugod agad ang tatlong magigiting, lumusot sa hanay ng mga Filisteo at kumuha nga ng tubig. Ngunit hindi ito ininom ni David. Sa halip, ibinuhos niya ito bilang handog kay Yahweh.
 11:19 "Sinabi niya, 'Hindi ko maiinom ito pagkat para nang dugo nila ang aking ininom. Buhay ang pinuhunan nila sa pagkuha nito!' Ito ang isa sa mga kabayanihang ginawa ng tatlo. "
 11:20 Si Abisai na kapatid ni Joab ay nakapatay ng 300 kaaway sa pamamagitan ng sibat, kaya lalo siyang kinilala ng bantog na tatlumpu na kanyang pinamumunuan.
 11:21 Siya ang pinakamatapang sa tatlumpu kaya naging pinuno. Ngunit hindi niya napantayan ang tatlong bayani.
 11:22 Kabilang din sa mga kinilalang bayani si Benaya na anak ni Joiadang taga-Cabzeel. Siya naman ang pumatay sa dalawang kampeon sa Moab, at lumusong sa balon minsang taglamig at pumatay sa leong naroon.
 11:23 Siya rin ang pumatay sa higanteng Egipcio na pito't kalahating talampakan ang taas at nasasandatahan ng isang sibat na ang tagdan ay sinlaki ng tahilan ng habihan. Sinagupa niya itong hawak lamang niya'y batuta, ngunit naagaw niya ang sibat. Ito na rin ang ginamit niya sa pagpatay sa higante.
 11:24 Dahil sa mga ginawang ito, siya'y natanyag ding tulad ng tatlong bayani.
 11:25 Dakila siya sa alinman sa tatlumpu, ngunit hindi rin niya nahigitan ang kabayanihan ng tatlo. Siya ang ginawa ni David na puno ng kanyang mga tanod.
 11:26 Narito pa ang matatapang na bayani ni David: si Asael na kapatid ni Joab at si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Betlehem;
 11:27 si Samot na taga-Harod at si Helez na taga-Pelet;
 11:28 si Ira, anak ni Iques na taga-Tecoa at si Abiezer na taga-Anatot;
 11:29 si Sibecai na taga-Husa at si Ilai na taga-Aho;
 11:30 si Maharai na taga-Netofa at Heled na anak ni Baana na isa ring taga-Netofa;
 11:31 si Itai na anak ni Ribai na taga-Gabaa sa Benjamin at si Benaya na taga-Piraton.
 11:32 Kabilang din si Hurai mula sa mga kapatagan ng Gaas at si Abiel na taga-Arba;
 11:33 si Azmavet na taga-Bahurim at si Eliaba na taga-Saalbon;
 11:34 si Hasem na taga-Gizon at si Jonatan na anak ni Sage na taga-Arar;
 11:35 si Ahiam na anak ni Sacar na isa ring taga-Arar at si Elifal na anak ni Ur;
 11:36 si Hefer na isang taga-Mequera at si Ahias na taga-Pelon;
 11:37 si Hezro na isang taga-Carmel at si Naarai na anak ni Ezbai;
 11:38 si Joel na kapatid ni Natan at si Mibhar na anak ni Hagri;
 11:39 si Zelec na taga-Ammon, si Naarai na taga-Berot na tagadala ng sandata ni Joab;
 11:40 sina Ira at Gareb ng Jatir;
 11:41 si Urias na Heteo at si Zabad na anak ni Ahlai;
 11:42 si Adinang anak ni Siza na isang pinuno sa angkan ni Ruben at may sariling pangkat ng tatlumpung tao;
 11:43 si Hanan na anak ni Maaca at si Josafat na taga-Mitan;
 11:44 si Uzias na taga-Asterot; sina Sama at Jeiel na mga anak ni Hotam na taga-Aroer;
 11:45 sina Jediael at Joha na mga anak ni Simri na taga-Tiz;
 11:46 si Eliel na taga-Mahava; sina Jeribai at Josavia na mga anak ni Elnaam at Itma na taga-Moab;
 11:47 sina Eliel, Obed at Jasael na mga taga-Zoba.
 12:1 ( Ang mga Unang Tagasunod ni David mula sa Lipi ni Benjamin ) Narito ang mga lalaking nagpunta sa Siclag at sumama kay David noong ito'y nagtatago kay Saul. Sila'y kilalang mandirigma, kaliwa't kanan kung gumamit ng pana, at asintado sa tirador.
 12:2 Sa lipi ni Benjamin mula sa angkan ni Saul:
 12:3 si Ahiezer, ang pinakapuno at si Joas ang pangalawa, kapwa anak ni Semaa na taga-Gabaa; sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet; sina Beraca at Jehu na kapwa taga-Anatot;
 12:4 si Ismaias, na taga-Gabaon, isa sa mga pinuno ng tatlumpu; sina Jeremias, Jahaziel, Johanan at Jozabad na mga taga-Gedera;
 12:5 sina Eluzai, Jerimot, Bealias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf;
 12:6 sina Elcana, Isaias, Azarel, Joezer at Jasobeam na buhat sa angkan ni Core;
 12:7 sina Jocla at Zebadias na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor. ( Ang mga Tagasunod ni David mula sa Lipi ni Gad )
 12:8 Sa lipi ni Gad, ang sumama kay David ay pawang mga batikang mandirigma at bihasang humawak ng sibat at kalasag, mababalasik na paris ng leon at kung kumilos ay simbilis ng mga usa sa bundok.
 12:9 Ang pinakapuno nila ay si Eser at ang iba pa ayon sa pagkakasunud-sunod ay sina Obadias, Eliab,
 12:10 Mismana, Jeremias,
 12:11 Atai, Eliel,
 12:12 Johanan, Elzabad,
 12:13 Jeremias at Macbanai.
 12:14 Ang mga ito'y pawang mga pinuno ng hukbo na ang pinakamaliit na pinamamahalaan ay di bababa sa 100 at ang pinakamalaki ay 1,000.
 12:15 Sila ang tumawid sa Ilog Jordan nang unang buwan na ito'y umaapaw at naging dahilan nang paglikas ng mga taong naninirahan sa silanga't kanluran ng kapatagan doon. ( Ang mga Tagasunod ni David mula sa Lipi nina Benjamin at Juda )
 12:16 May iba pang mga tauhan sina Benjamin at Juda na sumama na rin kay David.
 12:17 "Sila'y sinalubong nito at ang sabi, 'Kung naparito kayo bilang mga kaibigan, tatanggapin ko kayo. Ngunit kung mga kaaway, bagamat wala pa akong nagagawang karahasan, hatulan nawa kayo ng Diyos ng aming mga magulang.'"
 12:18 "Noon din si Amasai na puno ng tatlumpu ay kinasihan ng Espiritu at sinabi:  'Kami'y kapanig mo, kasama mo David,  O Anak ni Jesse, kami'y kapanalig;  Bumabati kami nang bating mainit.  Sumainyo nawa ang kapayapaan  Gayon din sa iyong katulong sa buhay!  Pagkat tumutulong sa iyo ang Maykapal!' Malugod silang tinanggap ni David at ginawa agad na mga pinuno sa kanyang hukbo. ( Ang mga Tagasunod ni David mula sa Lipi ni Manases )"
 12:19 "Mayroon ding mula sa lipi ni Manases na nakiisa kay David nang kanilang sasalakayin si Saul, kasama ng mga Filisteo. Hindi na natuloy ang pagtulong niya sa mga Filisteo pagkat hindi nagtiwala sa kanya ang mga pinuno nito. Siya'y pinaalis at sinabi, 'Malalagay lamang sa panganib ang ating buhay, pagkat pihong kay Saul pa rin papanig ang taong iyan!'"
 12:20 Nang bumalik na si David sa Siclag, dumating nga sa kanya ang mga tauhan mula sa lipi ni Manases. Ito'y sina Adna, Jozabad, Jediael, Micael, Jozabad, Eliu at Zilletai. Bawat isa sa kanila'y pinuno ng 1,000 kawal.
 12:21 Malaki ang naitulong nila kay David at sa kanyang mga tauhan, sapagkat sanay silang mandirigma. Ginawa niya ang mga itong pinuno sa kanyang hukbo.
 12:22 Araw-araw, may dumarating kay David upang tumulong, anupat siya'y nakabuo ng napakalaking hukbo. ( Ang Talaan ng Hukbo ni David )
 12:23 Ito ang bilang ng mga kawal na nagpunta kay David sa Hebron upang ilipat sa kanya ang pagiging hari ni Saul ayon sa pangako ni Yahweh:
 12:24 Mula sa lipi ni Juda, 6,800, pawang bihasa sa sibat at kalasag.
 12:25 Buhat sa lipi ni Simeon, 7,100, pawang kilala sa tapang at lakas.
 12:26 Buhat sa lipi ni Levi, 4,600.
 12:27 Mula sa lipi ni Aaron sa pamumuno ni Joiada, 3,700;
 12:28 kasama rin ang balitang mandirigmang si Sadoc at ang dalawampu at dalawang mga pinuno sa kanilang angkan.
 12:29 Buhat naman sa lipi ni Benjamin, sa angkan ni Saul ay 3,000, bagaman ang karamihan sa kanila'y nanatili pa ring tapat kay Saul.
 12:30 Buhat sa lipi ni Efraim ay 20,800 na pawang matatapang at kilala sa kanilang sambahayan.
 12:31 Mula sa kalahating lipi ni Manases ay 18,000 ang pinapunta upang gawing hari si David.
 12:32 Buhat sa lipi ni Isacar ay 200 mga pinuno kasama ang kanilang angkang pinamumunuan. Ang mga ito'y marunong humula sa panahon at nagpapasiya kung ano ang hakbang na gagawin ng bansang Israel.
 12:33 Mula sa lipi ni Zabulon ay 50,000 kawal na mga taga sa panahon at may dala ng lahat ng uri ng sandata upang tumulong kay David.
 12:34 Mula naman kay Neftali ay 1,000 pinuno bukod pa ang 37,000 kawal na may mga baluti at sibat.
 12:35 Mula sa lipi ni Dan ay 28,600 kawal na taga sa panahon.
 12:36 Buhat sa lipi ni Aser ay 40,000 pawang handang makipagdigma.
 12:37 Mula naman sa lipi nina Ruben, Gad at kalahating lipi ni Manases sa ibayo ng Jordan ay 120,000 pawang nasasandatahan ng iba't ibang uri.
 12:38 Ang lahat ng ito ay handang makipagdigma, at nagpunta sa Hebron na iisa ang layunin---gawing hari ng Israel si David.
 12:39 Tatlong araw silang kumakai't nag-iinumang kasama ni David pagkat sila'y ipinaghanda roon.
 12:40 Maging ang kanilang kanugnog-pook ay nagdadala sa kanila ng pagkaing padala nina Isacar, Zabulon at Neftali. Dumarating doong dala ng mga asno, kamelyo, mga mola at toro ang sari-saring pagkain, tulad ng harina, igos, mga buwig ng tinuyong ubas, alak, langis, mga toro at tupa. Ito ang kapahayagan ng kagalakan sa buong bansa.
 13:1 ( Ang Kaban ng Tipan ay Inialis sa Kiryat-jearim )[ (2 Samuel 6:1-11) ] Sumangguni si David sa bawat pinuno ng mga pangkat na binubuo ng libu-libo at daan-daan katao.
 13:2 "Sinabi niya sa mga Israelitang naroon, 'Kung sasang-ayon kayo at ayon sa kalooban ni Yahweh na ating Diyos, anyayahan natin dito ang mga kapatid nating wala rito, pati ang mga saserdote at mga Levitang naroon."
 13:3 "Pagkatapos, kunin nating muli ang Kaban ng Tipan na napabayaan sa panahon ni Saul.'"
 13:4 Sumang-ayon ang lahat sa magandang panukalang ito.
 13:5 Kaya't tinipon ni David ang mga Israelita mula sa Sihor ng Egipto hanggang sa pasukan ng Hamat upang kunin sa Lunsod ng Kiryat-jearim ang Kaban ng Tipan at dalhin sa Jerusalem.
 13:6 "Umahon silang lahat sa Baala papuntang Kiryat-jearim, Juda upang kunin ang Kaban ng Tipan na tinatawag ding 'Yahweh na Nakaupo sa Gitna ng Kerubin.'"
 13:7 Pagdating nila sa bahay ni Abinadab, isinakay nila ang Kaban ng Tipan sa isang bagong kariton na inaagapayanan nina Uza at Ahio.
 13:8 Lahat ay umaawit sa saliw ng tugtugan ng mga lira, alpa, pandereta, pompiyang at trompeta. Sumasayaw naman sa tuwa si David at ang buong Israel.
 13:9 Pagsapit nila sa giikan sa Quidon, nadapa ang mga bakang humihila sa kariton kaya't hinawakan ni Uza ang Kaban.
 13:10 Dahil dito, nagalit sa kanya si Yahweh kaya't namatay siya noon din.
 13:11 Nabagabag si David sa nangyaring ito kay Uza, kaya't ang dakong iyon ay tinawag na Perez-uza hanggang sa mga araw na ito.
 13:12 "Natakot si David sa Diyos. Nasabi niya tuloy: 'Paano ko iuuwi ang Kaban ng Tipan?'"
 13:13 Kaya't sa halip na iuwi ang Kaban ay dinala niya ito sa bahay ni Obed-edom na isang Heteo.
 13:14 Tatlong buwan doon ang Kaban. At pinagpala ng Diyos ang sambahayan ni Obed-edom, pati ang kanyang mga ari-arian.
 14:1 ( Ang mga Gawain ni David sa Jerusalem )[ (2 Sam. 5:11-16) ] Si David ay pinadalhan ni Haring Hiram ng Tiro ng mga sugo na may dalang kahoy na sedro. May kasama silang mga kantero at karpintero upang gumawa ng bahay ni David.
 14:2 Dito nalaman ni David na pinagtibay na ni Yahweh ang pagiging hari niya sa Israel, at ang kanyang kaharian ay pinarangalang mabuti alang-alang sa bayang Israel.
 14:3 Si David ay kumuha pa ng ibang mga asawa sa Jerusalem at nagkaanak ng marami.
 14:4 Ito ang mga anak niya: sina Samua, Sobab, Natan, Solomon;
 14:5 Ibhar, Elisua, Elpelet;
 14:6 Noga, Nefeg, Jafia;
 14:7 Elisama, Beeliada at Elifelet. ( Ang Tagumpay Laban sa mga Filisteo )[ (2 Samuel 5:17-25) ]
 14:8 Nabalitaan ng mga Filisteo na si David na ang naghahari sa buong Israel, kaya't nagsama-sama sila upang ito'y lusubin. Nalaman ni David ang balak ng mga Filisteo. Humanda siya upang harapin ang mga ito.
 14:9 Unang sinalakay ng mga Filisteo ang kapatagan ng Refaim.
 14:10 "Agad sumangguni sa Diyos si David, 'Kung harapin ko ba ang mga Filisteo, magtatagumpay ba ako laban sa kanila?' 'Humayo ka,' tugon ni Yahweh; 'ibibigay ko sila sa iyong mga kamay.'"
 14:11 "Kaya't sinalakay niya ang mga Filisteo, at nalupig niya ang mga ito. Sinabi ni David, 'Kinasangkapan ako ng Diyos upang lupigin ang mga kaaway. Para silang dinaanan ng baha.' Kaya tinawag ang dakong iyon na Baal-perazim."
 14:12 Naiwan doon ng mga kaaway ang kanilang mga diyus-diyusan at iniutos ni David na ito'y sunugin.
 14:13 Sumalakay na muli sa kapatagan ang mga Filisteo.
 14:14 "Dahil dito, si David ay muling sumangguni sa Diyos. Sinabi sa kanya, 'Huwag kang sasalakay nang tuwiran; lumigid ka, at doon ka sumalakay sa likuran, sa may tapat ng mga puno ng balsamo."
 14:15 "Kapag narinig mo ang mga yabag sa itaas ng mga puno, sumalakay ka na, sapagkat nasa unahan mo ang Diyos upang wasakin ang hukbo ng mga Filisteo.'"
 14:16 Gayon nga ang ginawa ni David at nilupig niya ang mga Filisteo mula sa Gabaon hanggang Gezer.
 14:17 Napabantog si David sa buong lupain, at ang lahat ng bansa'y natakot sa kanya dahil kay Yahweh.
 15:1 ( Inilipat sa Jerusalem ang Kaban ng Diyos ) Nagpagawa si David ng maraming tirahan sa Jerusalem na tinatawag ding Lunsod ni David. Nagpatayo rin siya ng isang tolda para sa Kaban ng Tipan.
 15:2 "Sinabi niya, 'Walang maaaring bumuhat sa Kaban ng Tipan maliban sa mga Levita, sapagkat sila ang hinirang ng Diyos upang magdala nito at maglingkod sa kanya magpakailanman.'"
 15:3 Pagkatapos, tinipon ni David sa Jerusalem ang buong Israel upang dalhin ang Kaban ng Tipan sa lugar na inilaan para dito.
 15:4 Tinipon din niya ang mga saserdote at ang mga Levita:
 15:5 sa angkan ni Coat, si Uriel at ang 120 kamag-anak na pinamumunuan niya;
 15:6 sa angkan ni Merari, si Asaya at ang pinamumunuan niyang 220 mga kamag-anak;
 15:7 sa angkan ni Gerson ay si Joel at ang 130 kasama niya;
 15:8 sa angkan ni Elizafan, si Semaya at ang 200 mga kamag-anak na kanyang pinamumunuan;
 15:9 sa angkan ni Hebron, si Eliel at ang walumpung kamag-anak niya;
 15:10 at sa angkan ni Uziel, si Aminadab at ang pinamumunuan niyang 112 mga kamag-anak.
 15:11 Ipinatawag ni David ang mga saserdoteng sina Sadoc at Abiatar, at ang mga Levitang sina Uriel, Asaya, Joel, Semaya, Eliel at Aminadab.
 15:12 "Sinabi sa kanila, 'Kayo ang pangulo ng angkan ng mga Levita. Linisin ninyo ang inyong sarili ayon sa tuntunin pati ang inyong mga kapatid, at dalhin ninyo ang Kaban ng Tipan sa dakong inihanda ko para kay Yahweh."
 15:13 "Hindi kayo kasama nang ito'y buhatin namin. Nagalit noon ang ating Diyos na si Yahweh sapagkat binuhat namin iyon nang di ayon sa tuntunin.' "
 15:14 Kaya naglinis ang mga saserdote at mga Levita ayon sa tuntunin at humandang dalhin ang Kaban ng Tipan.
 15:15 Pinasan ito ng mga Levita sa pamamagitan ng mga pingga, ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises.
 15:16 Iniutos din ni David sa mga pinunong Levita na pumili ng mga kasamang marunong umawit at tumugtog ng kudyapi, alpa at pompiyang.
 15:17 Kaya kinuha nila si Heman na anak ni Joel, si Asaf na anak ni Berequias; sa angkan ni Merari, si Etan, anak ni Cusaias.
 15:18 Sa pangalawang hanay ng mang-aawit at manunugtog pinili nila sina Zacarias, Jaazael, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaya, Maasias, Matitias, Elifelehu, Micnias at sina Obed-edom at Jeiel, mga bantay-pinto.
 15:19 Sina Heman, Asaf at Etan ang pinili nilang tumugtog ng pompiyang.
 15:20 Sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasias at Benaya ang tutugtog ng kudyapi;
 15:21 at sina Matitias, Elifelehu, Micnias, Obed-edom, Jeiel at Azazias naman ang sa mga alpa.
 15:22 Ang kukumpas sa pagtugtog ay si Kenanias, puno ng mga Levita, sapagkat siya ang sanay sa gawaing ito.
 15:23 Sina Berequias at Elcana ang bantay sa Kaban.
 15:24 Ang iihip naman ng mga trompeta sa harap ng Kaban ng Tipan ay ang mga saserdoteng sina Sebanias, Josafat, Natanael, Amasias, Zacarias, Benaya at Eliezer at sina Obed-edom at Jehias ang iba pang bantay sa Kaban ng Tipan. ( Dinala sa Jerusalem ang Kaban ng Tipan )[ (2 Sam. 6:12-22) ]
 15:25 Pagkatapos, si David, ang matatanda ng Israel at ang mga pinuno ng libu-libong kawal ay masasayang nagpunta sa bahay ni Obed-edom upang kunin ang Kaban ng Tipan.
 15:26 Sa tulong ng Diyos, nadala ng mga Levita ang Kaban ng Tipan, kaya't sila'y naghandog ng pitong toro at pitong tupang lalaki.
 15:27 Si David ay nakasuot ng tunikong yari sa magandang telang lino gayon din ang mga Levitang may dala sa Kaban at ang mga manunugtog. Suot din ni David ang isang efod na yari rin sa telang lino.
 15:28 Ang buong Israel ay kasama nang kunin ang Kaban ng Tipan. Sila'y nagsisigawan sa galak, umiihip ng tambuli at trompeta, at tumutugtog ng pompiyang, pandereta at alpa.
 15:29 Samantalang ipinapasok sa Lunsod ni David ang Kaban ng Tipan, si Micol na anak ni Saul ay dumungaw sa bintana, at nakita niyang si David ay sumasayaw sa tuwa. Ito'y lubos niyang kinamuhian.
 16:1 ( Ang Kaban sa Loob ng Tolda ) Ipinasok nila ang Kaban ng Tipan sa toldang inihanda ni David. Naghandog sila ng mga haing susunugin, at handog pangkapayapaan sa harapan ng Diyos.
 16:2 Matapos ang paghahandog, binasbasan ni David ang mga tao sa ngalan ni Yahweh.
 16:3 Binigyan niya ang bawat Israelita ng tinapay, karne at pasas.
 16:4 Pumili siya ng ilang Levitang maglilingkod sa harap ng Kaban ng Tipan upang manalangin, magpasalamat at magpuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
 16:5 Si Asaf ang puno at ang mga katulong ay sina Zacarias, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaya, Obed-edom at Jeiel. Ang hawak nila'y kudyapi at alpa, pompiyang naman ang kay Asaf.
 16:6 Ang mga saserdoteng sina Benaya at Jahaziel ang tutugtog ng trompeta araw-araw sa harap ng Kaban ng Tipan.
 16:7 Nang araw na iyon, ipinabahala ni David kay Asaf at mga kasama nito ang tungkol sa pag-awit ng pagpupuri kay Yahweh. ( Ang Awit ng Pagpupuri )[ (Awit 105:1-15; 96:1-13; 106:47-48) ]
 16:8 Mag-ukol ng pasalamat, at si Yahweh ay tawagan,  Ang lahat ng gawa niya sa lahat ay ipaalam;
 16:9 Umawit ng pagpupuri at siya ay parangalan,  Ang kahanga-hangang gawa'y ibalita kahit saan.
 16:10 Dapat tayong mangagalak pagkat tayo'y kanyang bayan,  Ang lahat ng sumasamba'y lubusin ang kagalakan.
 16:11 Dumulog tayo kay Yahweh nang ang tulong niya'y kamtan,  Dapat siyang parangalan at sambahin araw-araw.
 16:12 Gunitain sa tuwina ang kahanga-hangang gawa,  Ang matuwid na paghatol at gawang kamangha-mangha.
 16:13 Gunitain ninyo siya, kayo, bayan ng Israel  Kayong angkan ni Abraham, si Yahweh ay gunitain.
 16:14 Si Yahweh ang Panginoon, ang dakila nating Diyos,  Ang hatol niya'y nadarama saanman sa sansinukob.
 16:15 Tipan niyang walang hangga'y hindi niya lilimutin,  Kahit libong salinlahi ito'y kanyang tutuparin.
 16:16 Ang ginawa niyang tipan, yaong tipan kay Abraham,  Pinagtibay kay Isaac ang pangakong sinumpaan.
 16:17 Kautusang pinagtibay ay kay Jacob ibinigay,  Ito'y ukol sa Israel, at ito ang nilalaman:
 16:18 '"Ang lupain ng Canaan ay sa iyo ko ibibigay,  Ito'y isang pamana ko sa iyo at iyong angkan.' "
 16:19 Nang sila ay kakaunti, kakaunti pa ang bilang,  Nangingibang bayan sila't sa Canaan namamayan.
 16:20 Iba't ibang mga bansa ang kanilang tinahanan  Sila'y pawang naglagalag sa maraming kaharian.
 16:21 Di binayaan nitong Diyos sila ay alipinin,  Mga hari'y binalaang yao'y huwag hahangarin.
 16:22 "Sabi niya, 'Huwag sasaktan ang bayang aking hinirang,  Ang mga propeta ko ay igalang nang lubusan.' "
 16:23 Awitan ang Panginoon ng lahat sa daigdigan,  Ang kanyang pagliligtas, ipahayag araw-araw.
 16:24 Sa lahat ng bansa sabihing siya ay dakila  Sabihin sa mga tao makapangyarihan niyang gawa.
 16:25 Si Yahweh ay dakila nga at marapat na purihin,  Siya ay higit sa mga diyos ng lupain.
 16:26 Ang alin mang diyus-diyusan sa lupa ay walang saysay,  Liban sa Diyos na lumikha niyong buong kalangitan.
 16:27 Marapat na dakilain siyang marapat parangalan,  Saanman siya naroroo'y may lakas at kagalakan.
 16:28 Si Yahweh ay papurihan ng lahat ng mga bansa,  Dapat siyang kilalanin na marangal at dakila.
 16:29 Ang lahat ay kumilalang dakila ang kanyang ngalan,  Lumapit ang bawat isa na may haing iaalay;  Sambahin ang Panginoon sa diwa ng kabanalan,
 16:30 Sa harap n'ya ay gumalang ang lahat ng mga bansa.  Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa,
 16:31 "Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa,  'Si Yahweh ang maghahari,' ganito ang ibalita. "
 16:32 Magpuri ang karagatan at ang lahat ng naroon,  Ang lahat sa kabukira'y magpuri sa Panginoon.
 16:33 Umawit sa kagubatan ang lahat ng punongkahoy  Si Yahweh ay papurihan sa pagdating at paghatol.
 16:34 Pagkat siya ay mabuti, si Yahweh ay papurihan,  Ang pag-ibig niyang dulot ay tunay na walang hanggan.
 16:35 "Sabihin ding: 'Yahweh, kami'y iligtas mo't kahabagan,  Tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kaaway;  Sa banal na pangalan mo, magpupuri kaming tunay  Pagkat ikaw ay dakila, pupurihin namin ikaw.' "
 16:36 "Purihin ang Panginoon, itong Diyos ng Israel,  Magmula sa pasimula, hanggang wakas pupurihin! Lahat ay tumugon ng, 'Amen,' at nagpuri kay Yahweh. ( Ang Pananambahan sa Jerusalem at Gabaon )"
 16:37 Si Asaf at ang mga iba pang Levita ay inatasan ni David na mangasiwa sa pagsambang idinaraos araw-araw sa lugar na kinalalagyan ng Kaban ng Tipan.
 16:38 Si Obed-edom na anak ni Jedutun at si Hosa ang tutulong sa kanila, kasama ang animnapu't walo sa angkan ni Obed-edom. Sila ni Hosa ang mamamahala sa mga bantay-pinto.
 16:39 Iniwan naman ni David si Sadoc at ang iba pang saserdote upang maglingkod sa tabernakulo sa Burol ng Gabaon.
 16:40 Umaga't gabi, ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Yahweh, sila'y patuloy na nagsusunog ng mga handog sa dambanang sunugan.
 16:41 Kasama nila roon sina Heman at Jedutun at iba pang hinirang upang magpasalamat kay Yahweh dahil sa kanyang wagas at walang hanggang pag-ibig.
 16:42 Silang dalawa ang tumutugtog ng trompeta at pompiyang at iba pang uri ng panugtog na pansaliw sa mga awiting ukol sa Diyos. Ang mga anak naman ni Jedutun ang ginawang bantay sa tarangkahan.
 16:43 Pagkatapos, nag-uwian ang mga tao. Si David man ay umuwi upang makapiling ang kanyang sambahayan.
 17:1 ( Ang Mensahe ni Natan kay David )[ (2 Sam. 7:1-17) ] "Nang si Haring David ay nakatira na sa kanyang palasyo, sinabi niya kay Propeta Natan, 'Ang tahanan ko'y yari sa sedro, samantalang nasa tolda lamang ang Kaban ng Tipan.' "
 17:2 "Sinabi ni Natan, 'Gawin mo ang inaakala mong mabuti, sapagkat ang Diyos ay sumasaiyo.' "
 17:3 Ngunit nang gabi ring iyon, kinausap ni Yahweh si Natan.
 17:4 "Wika sa kanya, 'Puntahan mo si David at sabihin mong hindi siya ang magtatayo ng Templo para sa akin."
 17:5 Kung sabagay, mula nang pangunahan ko ang Israel hanggang sa araw na ito ay wala pa akong tirahang Templo. Ang tahanan ko'y toldang palipat-lipat.
 17:6 Gayunman, kahit saan ako magpuntang kasama ang bayang Israel, wala isa man sa mga hukom na itinalaga kong tagapanguna ang sinumbatan ko o pinaghanapan man kung bakit hindi ako ipinagtayo ng bahay na sedro.
 17:7 Sabihin mo sa kanyang inalis siya sa pagpapastol ng mga tupa upang pangunahan ang aking bayang Israel.
 17:8 Sinamahan ko siya saanman pumaroon, at sa harapan niya'y pinuksa ko ang kanyang mga kaaway. Sabihin mong ang ngalan niya'y mabibilang sa mga bantog sa daigdig.
 17:9 Bibigyan ko ang Israel ng sariling lupain at hindi na sila pahihirapan ni gagambalain ng masasamang tao,
 17:10 gaya ng nangyari sa kanila nang unang maglagay ako ng mga hukom sa aking bayang Israel. Pasusukuin kong lahat ang kanyang mga kaaway at gagawin ko siyang dakila. Ipagtatayo ko siya ng kanyang tahanan.
 17:11 Sabihin mong kung siya'y mamatay, patatatagin ko ang kanyang sambahayan at isa sa mga anak niyang lalaki ang hahalili sa kanya. Patatatagin ko ang kaharian nito.
 17:12 Ang kahalili niyang ito ang magtatayo ng aking bahay at magiging walang katapusan ang kanyang paghahari.
 17:13 Ako ang magiging ama niya at kikilanlin ko siyang anak. Hindi magbabago ang aking pag-ibig sa kanya, di tulad ng ginawa ko sa sinundan niya.
 17:14 "Siya ang pamamahalain ko sa aking bayan at kaharian habang panahon. Hindi malilipol ang kanyang lahi.' "
 17:15 Sinabi nga ni Natan kay David ang lahat niyang narinig at nakita sa pangitain. ( Ang Panalangin ni David )[ (2 Sam. 7:18-29) ]
 17:16 "Dumulog si David kay Yahweh at sinabi, 'Ako at ang aking sambahayan ay di karapat-dapat sa kabutihang ginawa mo sa amin."
 17:17 Ang kabutihang ito'y patuloy mong dinaragdagan. At ngayon ay may pangako ka pa sa aking sambahayan. Yahweh, ibinilang mo na ako sa magiging dakilang lalaki!
 17:18 Sa ganitong pagpaparangal mo sa akin, ano pa ang masasabi ko? Lubos mo akong kilala!
 17:19 Sa pagtingin mo sa iyong lingkod, at ayon sa iyong kalooban, ipinahayag mo ang mga kahanga-hangang bagay na ito.
 17:20 Wala pa kaming narinig na tulad mo, Yahweh. Walang Diyos maliban sa iyo.
 17:21 Mayroon ba sa daigdig na maitutulad sa bansang Israel? Tinubos mo siya sa pagkaalipin upang maging bayan mo. Nabantog ang iyong pangalan dahil sa ginawa mong mga kababalaghan. Pinalayas mo ang mga bansang dinatnan ng bayan mong ito na inialis sa Egipto.
 17:22 Yahweh, tinanggap mo ang bayang Israel na maging iyo magpakailanman, at kinilala ka namang Diyos nila.
 17:23 '"Kaya pagtibayin mo ang iyong sinabi tungkol sa iyong lingkod, at patatagin magpakailanman ang kanyang sambahayan."
 17:24 Kung magkagayon, kikilanlin ka't dadakilain ng mga tao. At sasabihin nila, 'Si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay puno ng mga hukbo.' At matatatag sa harapan mo ang sambahayan ng iyong lingkod na si David.
 17:25 Ikaw na rin ang naghayag sa akin ng iyong panukalang patatatagin ang aking sambahayan kaya malakas ang loob kong dumalangin sa iyo.
 17:26 Ikaw ang Diyos, Yahweh, at ang mga dakilang pangakong ito'y ginawa mo sa iyong lingkod.
 17:27 "Kaya pagpalain mo ang aking sambahayan, magpakailanman.'"
 18:1 ( Pagtatagumpay ni David )[ (2 Sam. 8:1-18) ] Hindi nagtagal at nalupig ni David ang mga Filisteo. Nasakop niya at nakuha ang Gat at ang mga nayon nito.
 18:2 Tinalo niya ang mga Moabita at ginawang alipin. Mula noo'y inatasan niyang magbayad ng buwis ang mga ito.
 18:3 Tinalo rin niya si Haring Hadarezer ng Soba nang ito'y papunta sa Hamat upang magtayo ng bantayog sa may Ilog Eufrates.
 18:4 Nakasamsam si David ng 1,000 karwahe, nakabihag ng 7,000 mangangabayo at 20,000 kawal. Pumili siya ng mga kabayo para sa 100 karwahe at pinilay ang natira.
 18:5 Nang sumaklolo kay Hadarezer ang mga taga-Siria buhat sa Damasco, nilipol ni David ang 22,000 sa kanila.
 18:6 Pagkatapos, nagtayo siya ng mga himpilan sa Damasco. Pinabuwis ang mga mamamayan nito at ginawang alipin. Saanman makarating, si David ay nagtatagumpay sa tulong ni Yahweh.
 18:7 Ang mga baluting ginto na nasamsam ni David sa mga alipin ni Hadarezer ay dinala niya sa Jerusalem.
 18:8 Napakarami ng tansong nasamsam niya sa Tibha at Cun, mga lunsod ni Hadarezer. Ito ang ginamit ni Solomon sa pagpapagawa ng kawang tanso at mga haligi't kagamitang tanso sa Templo.
 18:9 Nang mabalitaan ni Haring Tou ng Hamat na nilupig ni David ang buong hukbo ni Hadarezer,
 18:10 sinugo niya ang kanyang anak na si Hadoram upang batiin si David. (Si Hadarezer ay kaaway ni Tou.) Nagpadala siya ng mga sisidlang ginto, pilak at tanso at ang mga ito'y itinalaga ni Haring David kay Yahweh.
 18:11 Itinalaga rin niya ang iba pang nasamsam niyang ginto at pilak sa ibang mga bansa: sa mga Edomita, mga Moabita, mga Ammonita, mga Filisteo at sa mga Amalecita.
 18:12 Si Abisai na anak ni Sarvia ay nakapatay ng 18,000 sa Lambak ng Asin.
 18:13 Nagtayo siya ng mga himpilan sa Edom, at ang mga Edomita'y naging alipin ni David. Gayon pinapagtagumpay ni Yahweh si David saanman siya makarating.
 18:14 Naghari si David sa buong Israel at pinamahalaan niya ito nang buong katapatan.
 18:15 Si Joab na anak ni Sarvia ang inilagay niyang puno ng hukbo, at si Josafat na anak ni Ahilud ang ginawa niyang tagapagtala.
 18:16 Si Sadoc na anak ni Ahitob at si Ahimelec na anak ni Abiatar ang ginawang mga punong-saserdote. Si Savsa naman ang ginawa niyang kalihim.
 18:17 Ang tagapangasiwa sa mga bantay na Kereteo at Peleteo ay si Benaya na anak ni Joiada. Ang mga anak naman ni David ang kanyang kanang kamay sa palasyo.
 19:1 ( Nilupig ni David ang mga Ammonita at mga Taga-Siria )[ (2 Sam. 10:1-19) ] Hindi nagtagal at namatay si Nahas na hari ng mga Ammonita. Ang anak niyang si Hanun ang humalili sa kanya.
 19:2 "Sinabi ni David, 'Napakabuti sa akin ni Nahas. Kailangang kaibiganin ko rin ang kanyang anak.' Kaya nagpadala siya ng mga sugo upang ipahatid ang kanyang pakikiramay kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito. Pagdating ng mga sugo,"
 19:3 "sinabi sa kanya ng mga prinsipe ng Ammon, 'Naniniwala ka bang ipinadala ni David ang mga sugong ito upang parangalan ang iyong ama? Hindi kaya naparito ang mga iyan para maniktik at humanap ng paraang malupig ang ating bansa?' "
 19:4 Sa gayo'y ipinahuli ni Hanun ang mga sugo ni David, pinaahitan ng balbas at ginupit ang kanilang kasuutan hanggang sa baywang bago pinaalis.
 19:5 Ngunit nahihiya silang umuwi. Nang malaman ni David ang nangyari, iniutos niyang salubungin ang mga ito at ipinagbiling sa Jerico muna tumigil hanggang hindi tumutubo ang kanilang balbas.
 19:6 Alam ng mga Ammonita na ang ginawa nila'y ikagagalit ni David, kaya nagpadala si Hanun ng 1,000 talentong pilak sa Mesopotamia, Siria, Maaca at Soba upang umarkila ng mga karwahe at mangangabayo sa mga dakong iyon.
 19:7 Nakakuha sila ng 32,000 karwahe at nakasama pati ang hari ng Maaca at ang kanyang hukbo. Doon sila humimpil sa tapat ng Medeba. Dumating din ang mga Ammonita mula sa kani-kanilang mga lunsod at humanda rin sa paglaban.
 19:8 Nang malaman ito ni David, pinalabas niya ang kanyang mga mandirigma sa pangunguna ni Joab.
 19:9 Lumabas ang mga Ammonita at humanay sa mga pasukan ng lunsod samantalang ang kanilang mga haring kakampi ay humanay naman sa kapatagang malapit doon.
 19:10 Nang makita ni Joab na dalawang pangkat ang kaaway nila at nanganganib sila sa unahan at likuran, nagdalawang pangkat din sila. Pumili siya ng matatapang na mga Israelita at pinaharap sa mga taga-Siria.
 19:11 Ang mga iba naman na pinangunahan ng kapatid niyang si Abisai ay pinaharap sa mga Ammonita.
 19:12 "Sinabi niya rito, 'Kung dadaigin kami ng mga taga-Siria, tulungan mo kami. Kung kayo naman ang madadaig ng mga Ammonita, tutulungan namin kayo."
 19:13 "Kaya laksan ninyo ang inyong loob! Lalaban tayo nang buong tapang alang-alang sa ating mga kababayan at sa mga lunsod ng ating Diyos. Mangyari nawa ang kalooban ng Diyos.' "
 19:14 Nang magsagupa ang pangkat ni Joab at ang mga taga-Siria, napatakbo nila ang mga ito.
 19:15 Nang makita ng mga Ammonita ang nangyari, pati sila'y umurong papuntang lunsod. Tinugis naman sila ng pangkat ni Abisai. Pagkatapos, nagbalik na si Joab sa Jerusalem.
 19:16 Nang makita ng mga taga-Siria na wala silang magagawa sa Israel, humingi sila ng tulong sa mga kasamahan nila sa ibayo ng Ilog Eufrates. Tumugon ang pangkat na pinamumunuan ni Sofac, puno ng hukbo ni Hadarezer.
 19:17 Agad ibinalita ito kay David, at noon di'y inihanda niya ang buong lakas ng Israel. Tumawid sila sa Jordan at humanda sa paglaban.
 19:18 Sinalakay sila ng mga taga-Siria, ngunit napaurong na naman ito ng hukbong Israel. Nakapatay sila ng 7,000 nakakarwahe, at 40,000 kawal na lakad pati ng puno nilang si Sofac.
 19:19 Nang matalo ng Israel ang hukbo ni Hadarezer, sumuko ito at nakipag-ayos kay David. Mula noon, hindi na ito tumulong sa mga Ammonita.
 20:1 ( Pinarusahan ang mga Ammonita )[ (2 Sam. 12:26-31) ] Sa pagsisimula ng taon, panahon ng digmaan, lumabas ang hukbo ng Israel na pinamumunuan ni Joab at sinalakay ang mga Ammonita. Umabot sila sa Raba at pagkatapos kubkubin, sinunog nila ito. Nasa Jerusalem si David nang panahong iyon pagkat hindi siya kasama sa pagsalakay.
 20:2 Kinuha niya ang mamahaling batong palamuti ng korona ni Malcam at inilagay sa kanyang korona. Ang korona ni Malcam ay ginto at tumitimbang ng pitumpu't limang libra. Marami rin siyang nasamsam sa lunsod.
 20:3 Binihag niya ang mga mamamayan, binigyan ng mga lagari at iba't ibang kasangkapang bakal na matatalim at matutulis, at sila'y pinagtrabaho. Gayon din ang ginawa niya sa lahat ng mamamayan ng lunsod ng mga Ammonita. Pagkatapos, sila'y nagbalik sa Jerusalem. ( Pakikipaglaban sa mga Higanteng Filisteo )[ (2 Samuel 21:15-22) ]
 20:4 Di nagluwat at nakalaban naman nila ang mga Filisteo sa Gezer. Sa labanang ito, napatay ni Sibecai na Husatita si Sipai, anak ng higanteng si Rafa, at nalupig ang mga Filisteo.
 20:5 Sa isa pang pakikidigma laban sa mga Filisteo, si Labmi na kapatid ni Goliat na Heteo ay napatay ni Elhanan na anak ni Jair. Ang tagdan ng kanyang sibat ay sinlaki ng tahilan ng habihan.
 20:6 Sa isa pang labanan na naganap naman sa Gat, may sumipot na isa pang higante na anak din ni Rafa. Dalawampu't apat ang daliri nito, tig-aanim sa paa't kamay.
 20:7 Nang hamakin niya ang Israel, pinatay siya ni Jonatan, ang pamangkin ni David sa kanyang kapatid na si Simea.
 20:8 Ang mga higanteng ito'y buhat sa lipi ni Rafa sa Gat, at nasawi silang lahat sa kamay ni David at mga tauhan niya.
 21:1 ( Ang Pagtatala at ang Salot )[ (2 Sam. 24:1-25) ] Ibig guluhin ni Satanas ang Israel kaya inudyukan si David na magsenso.
 21:2 Dahil dito, inutusan ng hari si Joab at ang mga pinuno ng hukbo na kunin ang bilang ng mga Israelita mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, at iulat sa kanya.
 21:3 "Ngunit sinabi ni Joab, 'Halimbawang ang mga tao'y paramihin ni Yahweh nang makasandaang ibayo, hindi ba sila'y mga lingkod mo pa rin, at ikaw ang kanilang marangal na hari? Bakit pa ninyo binalak iyon, Kamahalan? Bakit pa ninyo bibigyan ng daan na magkasala ang Israel?'"
 21:4 Ngunit ang utos ng hari ang nanaig. Kaya't si Joab ay naglibot sa buong lupain at nagbalik sa Jerusalem.
 21:5 Sa buong Israel, nakapagtala siya ng 1,100,000 kawal at sa Juda naman ay 470,000.
 21:6 Ngunit hindi niya isinama ang lipi nina Levi at Benjamin, pagkat labag sa kanyang kalooban ang utos na ito ng hari.
 21:7 Nagalit ang Diyos sa ginawang ito ng hari, kaya pinarusahan niya ang Israel.
 21:8 "Dahil dito, si David ay dumulog sa Diyos. 'Napakalaking kasalanan ang nagawa ko, Yahweh! Isinasamo kong patawarin mo ako sa aking kahangalan,' sabi niya. "
 21:9 Sinabi ni Yahweh kay Gad,
 21:10 '"Pumunta ka kay David, at papiliin mo siya sa tatlong parusang ibibigay ko.'"
 21:11 Lumakad nga si Gad at pinapili si David sa tatlong parusang ito:
 21:12 "tatlong taong taggutom, tatlong buwang pananalanta ng mga kaaway, o tatlong araw na salot sa lupain na isasagawa ng anghel ni Yahweh. 'Ano ang sagot mo para masabi ko kay Yahweh?' tanong ni Gad kay David. "
 21:13 '"Ako'y nasa gipit na katayuan,' tugon ni David. 'Ibig kong sa kamay ni Yahweh mahulog yamang mahabagin siya. Ayokong tao ang magpahirap sa akin.' "
 21:14 Tulad ng sinabi ni Yahweh, nagkaroon ng salot sa Israel at 70,000 ang namatay noon.
 21:15 "Sinugo ng Diyos ang isang anghel upang wasakin ang Jerusalem, ngunit nang tinutupad na ang utos, nakadama siya ng pagkahabag. Kaya't sinabi niya, 'Tama na! Huwag mo nang ituloy iyan.' Ang anghel ay nakatayo sa tabi ng giikan ni Ornan na isang Jebuseo. "
 21:16 Tumingala si David at nakita niya ang anghel ni Yahweh sa pagitan ng langit at lupa. May hawak itong espadang nakaamba sa Jerusalem. Si David at ang matatanda ay nagsuot ng damit-sako, at nagpatirapa.
 21:17 "Tumawag siya sa Diyos, 'Ako po ang nag-utos na itala ang mga tao. Ang bayan ay walang kasalanan. Kaya ako at ang aking sambahayan na lamang ang inyong parusahan. Huwag ninyong idamay ang mga tao.' "
 21:18 Inutusan ng anghel si Gad upang sabihin kay David na magpunta sa giikan ni Ornan at magtayo roon ng dambana ni Yahweh.
 21:19 Sumunod naman si David.
 21:20 Gumigiik noon si Ornan kasama ang apat niyang anak na lalaki. Nang makita nila ang anghel, nagtago ang mga anak niya.
 21:21 Nakita ni Ornan na dumarating si David, kaya't sinalubong niya ito. Nagpatirapa siya bilang pagbibigay-galang.
 21:22 "Sinabi ni David, 'Bibilhin ko ang lupang ito para pagtayuan ng dambana ni Yahweh para matigil ang salot na namiminsala sa bayan.' "
 21:23 '"Kunin na lang ninyo at huwag na pong bayaran,' tugon ni Ornan. 'Kayo na ang bahala kung anong gusto ninyong gawin. Narito na po ang mga torong panghandog. Ang kahoy na panggiik na ito ang gawin ninyong panggatong. Pati ang butil na panghandog ay narito na rin. Lahat pong ito'y sa inyo na.' "
 21:24 "Ngunit sinabi ni David kay Ornan, 'Hindi! Basta babayaran kita nang husto sapagkat di ko gustong maghandog nang hindi pinamuhunanan.'"
 21:25 Kaya't binayaran ni David ng 600 pirasong ginto ang lugar na iyon.
 21:26 Nagtayo siya roon ng dambana para kay Yahweh. Pagkatapos, nagdala siya ng handog na susunugin at handog pangkapayapaan. Tumawag siya kay Yahweh at dininig naman siya. Buhat sa langit ay bumaba ang apoy na tumupok sa mga handog sa dambana.
 21:27 Iniutos ni Yahweh sa anghel na itabi ang espada at sumunod naman ito.
 21:28 Dito natiyak ni David na siya'y dininig ni Yahweh. Kaya naghandog nga siya sa giikang iyon.
 21:29 Ang tahanan ng Diyos na ginawa ni Moises sa ilang, at ang dambanang sunugan ng mga handog ay nasa mataas na dako sa Gabaon.
 21:30 Ngunit hindi makasamba si David pagkat natatakot siya sa espada ng anghel.
 22:1 "Sinabi ni David, 'Ito na ang magiging Templo ni Yahweh at dambanang paghahandugan ng Israel.' ( Ang mga Gagamitin sa Pagtatayo ng Templo )"
 22:2 Ipinatipon ni David ang lahat ng dayuhan sa Israel, at ginawang taga-tabas ng mga batong gagamitin sa gagawing Templo ng Diyos.
 22:3 Naghanda siya ng maraming bakal para gawing pako at pang-ipit sa mga pintuan. Marami rin siyang tinipong tanso. Anupat hindi na ito matimbang sa kabigatan.
 22:4 Napakaraming tabla at trosong sedro ang dinala ng mga taga-Sidon at taga-Tiro.
 22:5 "Sinabi ni David, 'Napakabata pa ng anak kong si Solomon. Wala pa siyang karanasan kaya ihahanda ko ang lahat ng kailangan sa ipatatayo niyang Templo ni Yahweh. Kailangang ito'y walang kasingganda para mabantog sa buong daigdig.' "
 22:6 "Bago siya namatay, ipinatawag niya si Solomon, at sinabi, 'Ipagtatayo mo ng Templo si Yahweh, ang Diyos ng Israel."
 22:7 Matagal ko nang binalak na gawin iyan upang parangalan ang kanyang pangalan,
 22:8 ngunit sinaway niya ako. Sinabi niya sa akin na marami akong nautang na buhay sa mahabang panahon ng aking pakikidigma. Kaya, ayaw niyang ako ang magtayo ng Templo para sa kanya.
 22:9 Ngunit ipinangako niyang ako'y pagkakalooban ng isang anak na lalaki. Mamumuhay ito nang payapa at hindi gagambalain ng kanyang mga kaaway habang siya'y nabubuhay. Tatawagin siyang Solomon.
 22:10 "Sinabi pa niya sa akin, 'Siya ang magpapagawa ng aking Templo. Ituturing ko siyang anak at ako'y magiging ama niya. Mananatili siya sa trono ng Israel magpakailanman!' "
 22:11 "Sinabi pa ni David, 'Sumaiyo nawa si Yahweh, anak ko. Magtagumpay ka nawa sa pagtatayo ng kanyang bahay."
 22:12 Loobin nawa ni Yahweh na magkaroon ka ng karunungan at pagkaunawa upang masunod mo ang kanyang Kautusan.
 22:13 Ang pag-unlad mo'y masasalig lamang sa maingat na pagsunod sa Kautusan at mga tuntuning ibinigay niya kay Moises. Magpakalakas ka't magpakatapang. Huwag kang matatakot ni panghihinaan ng loob.
 22:14 Sinikap kong magtipon ng lahat ng kailangan sa pagpapatayo ng Templo ni Yahweh. Ako'y naghanda ng may 4,000 toneladang ginto, at humigit-kumulang sa 40,000 toneladang pilak. Ang tinipon kong tanso't bakal ay di na kayang timbangin sa kabigatan. Handa na rin ang mga kahoy at batong kailangan. Kung kulang pa'y bahala ka nang magdagdag.
 22:15 Ang mga manggagawa sa lahat ng uri ng gawain---tagatabas ng bato, kantero, karpintero, at ang di mabilang na dalubhasa at sanay sa
 22:16 "ginto, pilak, tanso at bakal ay nakahanda na. Kaya, simulan mo na at tutulungan ka ni Yahweh!' "
 22:17 Inutusan ni David ang mga pinuno ng Israel na tumulong kay Solomon. Wika niya,
 22:18 '"Kayo ay patuloy na pinatnubayan ni Yahweh. Hindi niya kayo hiniwalayan kaya nagtamasa kayo ng kapayapaan saanmang lugar. Niloob niyang malupig ko ang dating naninirahan sa lupaing ito. Sila ngayon ay alipin ninyo at ni Yahweh."
 22:19 "Kaya, buong puso't kaluluwang italaga ninyo sa kanya ang inyong sarili. Kumilos na kayo! Itayo ninyo ang Templo ni Yahweh upang madala roon ang Kaban ng Tipan at ang mga kagamitan sa pagsamba sa kanya.'"
 23:1 ( Ang Gawain ng mga Levita ) Nang maging mahina na si David dahil sa katandaan, inilagay niyang hari ng Israel ang anak niyang si Solomon.
 23:2 Tinipon niya ang mga pinuno ng Israel, mga saserdote at mga Levita.
 23:3 Ang mga Levitang nakatala mula sa gulang na tatlumpung taon pataas ay 38,000.
 23:4 Ang mga itinalaga sa pangangalaga at paglilingkod sa Templo ay 24,000. Ang ginawang mga pinuno at mga hukom ay 6,000,
 23:5 at 4,000 ang kinuhang mga bantay sa pintuan. Ang magpupuri kay Yahweh sa saliw ng mga tugtuging ginawa ni David ay 4,000 rin.
 23:6 Ang mga ito'y pinagtatlong pangkat ni David ayon sa tatlong anak ni Levi: sina Gerson, Coat at Merari.
 23:7 Ang mga anak ni Gerson ay sina Ladan at Simei.
 23:8 Tatlo ang anak ni Ladan: si Jehiel, ang pinakapuno, si Zetam at si Joel.
 23:9 Tatlo rin ang anak ni Simei: sina Zelomit, Haziel at Haran. Sila ang mga pangulo ng sambahayan sa pangkat ni Ladan.
 23:10 Apat ang anak ni Simei na kapatid ni Ladan: sina Jahat, Zina, Jeus at Berias.
 23:11 Ang pinuno nila ay si Jahat at si Zena ang pangalawa. Nagsama na sa paglilingkod ang mga sambahayan nina Jeus at Berias pagkat sila'y kakaunti.
 23:12 Ang mga anak ni Coat ay apat: sina Amram, Izhar, Hebron at Uziel.
 23:13 Mga anak ni Amram sina Aaron at Moises. Si Aaron at ang kanyang mga anak ay itinalaga upang siyang mag-ingat habang panahon ng mga bagay na sagrado. Sila ang magsusunog ng mga handog sa harapan ni Yahweh, maglilingkod sa kanyang pangalan at magpapala sa bayan magpakailanman.
 23:14 Ngunit ang mga anak ni Moises ay ibinilang na karaniwang Levita.
 23:15 Ang mga anak ni Moises ay sina Gerson at Eliezer.
 23:16 Sa lahi ni Gerson, si Sebuel ang pinuno;
 23:17 kay Eliezer naman ay si Rehabias na kaisa-isa niyang anak na lalaki. Maraming anak si Rehabias.
 23:18 Sa lahi ng pangalawang anak ni Coat na si Izhar, si Zelomit ang pinakapuno.
 23:19 Apat na anak ni Hebron ang naging pinuno: sina Jerias, Amarias, Jahaziel at Jecamiam.
 23:20 Sa anak naman ni Uziel, dalawa ang naging pinuno: sina Micas at Isias.
 23:21 Ang mga anak ni Merari ay sina Mahli at Musi. Anak ni Mahli sina Eleazar at Cis.
 23:22 Si Eleazar ay walang anak na lalaki, panay babae. Ang mga ito ang napangasawa ng kanilang mga pinsan sa lahi ni Cis.
 23:23 Tatlo naman ang mga anak ni Musi: sina Mahli, Eder at Jeremot.
 23:24 Ito ang bumubuo sa lipi ni Levi ayon sa angkan at sambahayan. Bawat isa mula sa edad na dalawampu pataas ay katulong sa paglilingkod sa Templo.
 23:25 "Sinabi ni David, 'Ang bayang hinirang ay binigyan na ng kapayapaan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ginawa na niyang tahanan ang Jerusalem magpakailanman."
 23:26 "Hindi na bubuhatin ng mga Levita ang Toldang Tipanan at ang mga kagamitan sa paglilingkod.'"
 23:27 Iyan ang dahilan kaya natala ang mga Levita mula sa gulang na dalawampu pataas.
 23:28 Sila'y tutulong na lamang sa mga saserdote sa gawain sa loob ng Templo. Sila ang maglilinis ng mga patyo, mga silid, itinalagang kasangkapan, at iba pang mga gawain sa bahay ng Diyos.
 23:29 Sila rin ang bahala sa tinapay na ihahandog, harinang panghalo sa mga panghandog, manipis na tinapay na walang lebadura. Sila rin ang magluluto ng tinapay na walang lebadura at mag-iingat ng lahat ng uring takalan at panukat.
 23:30 Umaga't hapon, haharap sila kay Yahweh upang magpuri at magpasalamat,
 23:31 gayon din kung may handog na susunugin, kung Araw ng Pamamahinga, bagong buwan at mga takdang panahon.
 23:32 Ang mga Levita nga ang mangangalaga sa Toldang Tipanan at sa dambana, at tutulong sa mga saserdote sa lahat ng gawain sa bahay ni Yahweh.
 24:1 ( Ang Gawain ng mga Saserdote ) Ito ang talaan ng mga angkan ni Aaron: Ang mga anak niya ay sina Nadab, Abiu, Eleazar at Itamar.
 24:2 Sina Nadab at Abiu ay unang namatay kay Aaron at walang anak kaya sina Eleazar at Itamar lamang ang naging saserdote.
 24:3 Sa tulong nina Sadoc na anak ni Eleazar at Abimelec na anak ni Itamar, ang mga angkan ni Aaron ay hinati ni David sa dalawampu't apat na pangkat upang maghali-halili sa paglilingkod.
 24:4 Marami ang puno ng sambahayan sa angkan ni Eleazar kaysa kay Itamar. Kaya sa dalawampu't apat na pangkat, labing-anim ang napili sa angkan ni Eleazar at walo lamang ang kay Itamar.
 24:5 Pinili sila ni David sa pamamagitan ng palabunutan sapagkat maging sa angkan ni Eleazar at ni Itamar ay may punong saserdote at punong tagapamahala sa bahay ng Diyos.
 24:6 Si Semaya na anak ng Levitang si Natanael ang nagtala ng mga pangalan, at ginawa ito sa harapan ng hari. Nasaksihan din ito ng mga prinsipe, ni Saserdote Sadoc, ni Abimelec na anak ni Abiatar at ng mga pinuno ng angkan ng mga saserdote at Levita. Isang sambahayan ng mga saserdote ang itinala sa panig ni Eleazar at isa rin kay Itamar.
 24:7 Ito ang pagkakasunud-sunod ng paglilingkod mula sa una hanggang ika-24 na pangkat: Joiarib; Jedaya;
 24:8 Harim; Seorim;
 24:9 Malaquias; Mijamin;
 24:10 Cos at Abias;
 24:11 Jesua at Secanias;
 24:12 Eliasib at Jaquim;
 24:13 Jupa at Jesebeab;
 24:14 Bilga at Imer;
 24:15 Hezer at Afses;
 24:16 Petaya at Hazaquiel;
 24:17 Jaquin at Gamul;
 24:18 Delaya at Maasias.
 24:19 Ito nga ang kaayusan ng paglilingkod nila sa bahay ni Yahweh ayon sa itinakda ng kanilang nunong si Aaron, sa utos ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. ( Ang Talaan ng mga Levita )
 24:20 Ito ang iba pang angkan sa lipi ni Levi: si Subael sa angkan ni Amram at si Jehedias sa angkan ni Subael;
 24:21 si Isias na isang pinuno sa angkan ni Rehabias;
 24:22 si Zelomit sa angkan ng Isharitas, at si Jahat sa angkan ni Zelomit;
 24:23 sina Jerias, Amarias, Jahaziel at Jecamiam sa angkan ni Hebron;
 24:24 si Micas sa angkan ni Uziel, si Samir sa angkan ni Micas;
 24:25 si Isias na kapatid ni Micas at si Zacarias sa angkan ni Isias;
 24:26 sina Mahli at Musi sa angkan ni Merari; si Beno sa angkan ni Jaazias;
 24:27 sina Beno, Soham, Zacur at Ibri, mga anak ni Jaazias sa angkan ni Merari.
 24:28 Sina Mahli at Eleazar ay walang anak.
 24:29 Si Jerameel sa angkan ni Cis;
 24:30 sina Mahli, Eder at Jerimot sa angkan ni Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita.
 24:31 Ang mga ito, tulad ng mga saserdote ay nagpalabunutan din maging sila'y puno ng sambahayan o hindi. Sinaksihan ito ni Haring David, nina Sadoc, Abimelec at mga puno ng sambahayan ng mga saserdote at mga Levita.
 25:1 ( Ang mga Mang-aawit sa Templo ) Ibinukod ni David at ng mga pinuno ng Israel ang mga anak nina Asaf, Heman at Jedutun para manguna sa pagsamba. Sila ang magpapahayag ng salita ni Yahweh sa saliw ng alpa, salterio at pompiyang. Ito ang kanilang talaan at ang kani-kanilang tungkulin:
 25:2 sina Zacur, Jose, Netanias at Asarela. Sila ay pangungunahan ni Asaf na kanilang ama sa pagpapahayag ng salita ni Yahweh ayon sa utos ng hari.
 25:3 Sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Hasabias, Matitias at Simei ay pangungunahan ng ama nilang si Jedutun sa pagpapahayag ng salita ni Yahweh. Sila ay nagpupuri at nagpapasalamat kay Yahweh sa saliw ng lira.
 25:4 Sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gedalti, Romamtiezer, Josbecasa, Malloti, Hotir at Mahaziot
 25:5 ay mga anak ni Heman, labing-apat na lalaki at tatlong babae. Ang mga ito ang ipinangako ng Diyos at ipinagkaloob kay Heman para siya maging dakila.
 25:6 Ang kanilang ama ang namamahala sa kanilang pag-awit sa bahay ni Yahweh, gayon din sa pagtugtog ng lira, pompiyang at pandereta. Sina Asaf, Jedutun at Heman ang namamahala sa kani-kanilang mga anak ayon sa utos ng hari.
 25:7 Ang mga sinanay na ito kasama ng iba pang mga kapatid na pawang naging dalubhasa sa pag-awit ay 288.
 25:8 Nagpalabunutan sila para malaman ang kanilang tungkulin. Sama-sama sila, matanda't bata, maging baguhan at datihan.
 25:9 Ang unang paglilingkod ay tumama sa angkan ni Asaf kay Jose at sa kanyang mga anak at mga kapatid; labindalawa silang lahat.
 25:10 Ang sumunod ay si Gedalias, kasama ang mga anak niya't kapatid; labindalawa rin sila. Ang pangatlo, si Zacur, ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa rin ang bilang.
 25:11 Ang pang-apat, si Izri, kasama ang kanyang mga anak at kapatid; sila'y labindalawa rin.
 25:12 Ang panlima, si Netanias, pati mga anak at kapatid, labindalawa sila.
 25:13 Ang pang-anim, si Bukias, kasama ang kanyang mga anak at mga kapatid, labindalawa rin.
 25:14 Ang pampito, si Jesarela, kasama ang kanyang mga kapatid at mga anak, labindalawang lahat.
 25:15 Ang pangwalo, si Jesahias, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa rin.
 25:16 Ang pansiyam, si Matanias, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa.
 25:17 Ang pansampu, si Simei, kasama rin ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa rin.
 25:18 Ang panlabing-isa, si Azariel, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawang lahat.
 25:19 Ang panlabindalawa, si Hasabias, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa sila.
 25:20 Ang panlabintatlo, si Subael, labindalawa rin sila, kasama ang kanyang mga anak at kapatid.
 25:21 Ang panlabing-apat, si Matitias, labindalawa rin sila pati ang kanyang mga anak at kapatid.
 25:22 Ang panlabinlima, si Jeremot, labindalawa sila kasama ang kanyang mga anak at kapatid.
 25:23 Ang panlabing-anim, si Hananias, labindalawa rin sila, kasama ang kanyang mga anak at kapatid.
 25:24 Ang panlabimpito, si Josbecasa, labindalawa rin sila kasama ang mga anak at kapatid niya.
 25:25 Ang panlabingwalo, si Hanani, labindalawa sila kasama ang kanyang mga anak at kapatid.
 25:26 Ang panlabinsiyam, si Malloti, labindalawa sila, kasama ang kanyang mga anak at kapatid.
 25:27 Ang pandalawampu, si Eliata, labindalawa rin sila kasama ang kanyang mga anak at kapatid.
 25:28 Ang pandalawampu't isa, si Hotir, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa sila.
 25:29 Ang pandalawampu't dalawa, si Gidalti, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa rin sila.
 25:30 Ang pandalawampu't tatlo, si Mahaziot, labindalawa rin sila pati ang kanyang mga anak at kapatid;
 25:31 at ang pandalawampu't apat, si Romamtiezer, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa ring lahat.
 26:1 ( Ang mga Bantay-Pinto ) Ito naman ang mga pangkat na magbabantay sa mga pintuan: sa angkan ni Core ay si Meselemias na kanyang apo kay Coat,
 26:2 at ang pito niyang anak na sina Zacarias, Jediael, Zebadias, Jatniel,
 26:3 Elam, Johanan at Elioenai.
 26:4 Ang pangkat ni Obed-edom at ng kanyang mga anak na sina Semaya, Josabad, Joah, Sacar, Nataniel,
 26:5 Amiel, Isacar at Peulletai.
 26:6 Si Semaya ay may mga anak na naging pinuno ng kanilang sambahayan, sapagkat matatapang at may kakayahan. Ang pangkat ng mga ito'y binubuo
 26:7 nina Otni, Refael, Obed, Elzabad at ang dalawang anak na matatapang din, sina Eliu at Samaquias.
 26:8 Ang mga anak at inapo ni Obed-edom na pawang may kakayahang maglingkod ay animnapu't dalawa.
 26:9 Labingwalo naman ang mga kamag-anak na pinamumunuan ni Meselemias na pawang may kakayahan din.
 26:10 Kabilang din ang pangkat ni Hosa, mula sa lipi ni Merari at binubuo ng kanyang mga anak. Si Simri, bagaman di panganay ay ibinilang na puno ng sambahayan.
 26:11 Kasama rin ang iba pang mga anak niyang sina Helcias, Tebalias at Zacarias. Labintatlo ang anak ni Hosa.
 26:12 Ang mga pangkat na ito sa pangunguna ng puno ng kanilang sambahayan ay may kanya-kanyang pananagutan sa pagbabantay sa bahay ni Yahweh.
 26:13 Nagpalabunutan sila, ayon sa kani-kanilang sambahayan, para malaman kung aling pinto ang babantayan.
 26:14 Ang pinto sa silangan ay natapat kay Selemias, at ang gawing hilaga ay sa anak niyang si Zacarias, isang mahusay na tagapayo.
 26:15 Kay Obed-edom natapat ang gawing timog, at sa kanyang mga anak naman ang mga kamalig.
 26:16 Ang pinto sa kanluran at ang pinto ni Sallequet ay natapat kina Supim at Hosa. May kanya-kanyang takdang oras ang pagbabantay.
 26:17 Sa gawing silangan, anim ang bantay araw-araw. Sa hilaga at timog ay tig-apat at dalawa naman sa magkabila ng bodega.
 26:18 Sa malaking gusali sa gawing likuran, apat sa labas at dalawa sa loob.
 26:19 Ito ang mga bantay-pinto na nagbuhat sa angkan nina Core at Merari. ( Ibang Tungkulin sa Templo )
 26:20 Ang mga Levita sa pangunguna ni Ahias ang namamahala sa kabang-yaman ng bahay ni Yahweh at sa silid na pinagdadalhan ng mga itinalagang handog.
 26:21 Ang mga puno ng sambahayan ng angkan ni Ladan na nagbuhat sa lipi ni Gerson ay buhat sa angkan ni Jehiel.
 26:22 Ang mga pangulo ng pangkat niya ay ang kanyang mga kapatid na sina Zetam at Joel. Sila ang namahala sa mga kabang-yaman ng Templo at sa bodega.
 26:23 Ang mga Amramita, Isharita, Hebronita at Uzeilita ay binigyan din ng tungkulin.
 26:24 Si Sebuel na anak ni Gerson na anak naman ni Moises ang siyang pinakapunong namamahala sa mga kabang-yaman at mga bodega.
 26:25 Sa lipi ni Eliezer, ang namahala ay ang mga anak niyang sina Rehabias, Jesaias, Joram, Zicri at Zelomit.
 26:26 Si Zelomit at ang kanyang mga kapatid ang namahala sa mga pinaglalagyan ng mga kaloob na itinalaga nina Haring David, ng mga puno ng sambahayan at ng mga pinuno ng libu-libong kawal.
 26:27 Buhat sa mga nasamsam sa pakikidigma, naglalaan sila ng bahaging panustos sa pangangalaga ng bahay ni Yahweh.
 26:28 At lahat ng kaloob na itinalaga ni Samuel na propeta, ni Saul na anak ni Cis, ni Abner na anak ni Ner at ni Joab na anak ni Sarvia, ay inilagay sa pangangalaga ni Zelomit at ng kanyang mga kapatid. ( Ang mga Tungkulin ng Iba pang Levita )
 26:29 Mula naman sa mga Isharita, si Quenanias at ang kanyang mga anak ang itinalagang tagapagtala at mga hukom.
 26:30 Sa sambahayan ni Hebron, si Hasabias at ang kanyang mga kapatid na pawang may mga kakayahan ang nangangalaga sa bansang Israel, sa gawing kanluran ng Jordan. Silang namamahala sa gawain ni Yahweh, at naglilingkod sa hari ay 1,700.
 26:31 Ayon sa talaan ng angkan ni Hebron, si Jerias ang kanilang pinuno. (Noong ika-40 taon ng paghahari ni David, sinaliksik ang kasaysayan ng mga Hebronita at natuklasan na sa Jazer at Galaad ay may mga lalaking pambihira ang mga katangian.)
 26:32 May 2,700 sa mga ito na pawang may kakayahan at mga pangulo ng sambahayan ang itinalaga ni Haring David upang mamahala sa mga Rubenita at Gadita at sa kalahati ng lipi ni Manases. Sila ang pinamahala ni David sa gawaing panrelihiyon at pambayan.
 27:1 ( Ang Kaayusang Sibil at Militar ) Ito ang talaan ng mga Israelita ayon sa kanilang angkan at sambahayan na naglingkod sa kaharian. Sila ay pinagpangkat-pangkat ng tig-24,000 at maglilingkod bawat buwan sa ilalim ng kani-kanilang puno, tulad ng mga sumusunod:
 27:2 Si Jasobeam, anak ni Zabdiel, ang namahala sa pangkat na naglingkod sa unang buwan.
 27:3 Mula siya sa lipi ni Fares, at nang unang buwan ginawa siyang punong pangkalahatan ng mga pinuno ng hukbo.
 27:4 Si Dodai, isang Ahotita, ang namahala sa ika-2 buwan.
 27:5 Ang namahala naman sa ika-3 buwan ay si Benaya, anak ni Joiada na saserdote.
 27:6 Ito ang Benayang pinuno ng tatlumpung bayani, at pinakamatapang sa kanila. Ang namamahala sa kanyang pangkat ay anak niyang si Amizabad.
 27:7 Ang pangkat naman na nanungkulan sa ika-4 na buwan ay pinamahalaan ni Asael, kapatid ni Joab. Kasama niya sa kanyang pangkat ang anak niyang si Zebadias.
 27:8 Ang pangkat namang nanungkulan sa ika-5 buwan ay pinamahalaan ni Samhut na Isharita.
 27:9 Ang namahala naman sa pangkat na nanungkulan sa ika-6 na buwan ay si Ira, anak ni Aquez na Tecoita.
 27:10 Ang pangkat para sa ika-7 buwan ay pinamahalaan ni Helez na Pelonita at anak naman ni Efraim.
 27:11 Ang pangkat sa ika-8 buwan ay pinamahalaan naman ni Sibecai na Husatita mula sa liping Zarhita.
 27:12 Ang pangkat na nanungkulan sa ika-9 na buwan ay pinamahalaan ni Abiezer na Anatotita buhat sa liping Benjaminita.
 27:13 Ang pangkat namang nanungkulan sa ika-10 buwan ay pinamahalaan ni Maharai na Netofatita, mula sa liping Zarhita.
 27:14 Ang pangkat na nanungkulan sa ika-11 buwan ay pinamahalaan naman ni Benaya na isang Peratonita mula sa lipi ni Efraim.
 27:15 Ang pangkat na nanungkulan sa ika-12 buwan ay pinamahalaan naman ni Heldai, isang Netofatita buhat sa lipi ni Otoniel. ( Ang mga Pinuno ng mga Lipi )
 27:16 Ito ang mga namamahala sa Israel: Sa lipi ni Ruben ay si Eliezer na anak ni Zicri; sa lipi ni Simeon ay si Sefatias na anak ni Maaca;
 27:17 sa lipi ni Levi ay si Hasabias na anak ni Kemuel; sa lipi ni Aaron ay si Sadoc;
 27:18 sa lipi naman ni Juda ay si Eliu, isa sa mga kapatid ni David; sa lipi ni Isacar ay si Omri na anak ni Micael;
 27:19 sa lipi ni Zabulon ay si Ismaias na anak ni Obadias; sa lipi ni Neftali ay si Jerimot na anak ni Azriel;
 27:20 sa lipi ni Efraim ay si Oseas na anak ni Azarias; sa kalahating lipi ni Manases ay si Joel na anak ni Pedaya.
 27:21 Ang namahala naman sa kalahating lipi ni Manases na nasa Galaad ay si Iddo na anak ni Zacarias; sa lipi ni Benjamin ay si Jaasiel na anak ni Abner;
 27:22 at sa lipi naman ni Dan ay si Azarel na anak ni Jeroham.
 27:23 Hindi na itinala ni David ang mga Israelitang wala pang dalawampung taon sapagkat ipinangako ng Diyos na pararamihin niyang sindami ng mga bituin sa langit ang mga Israelita.
 27:24 Sinimulan ni Joab, anak ni Sarvia ang pagtatala ngunit hindi niya ito natapos, sapagkat ang Diyos ay nagalit sa Israel sa ginawang ito. Kaya't hindi na ito napabilang sa talaan ni Haring David. ( Ang mga Namahala sa Kayamanan ng Hari )
 27:25 Ang namamahala sa mga kayamanan ng hari ay si Azmavet na anak ni Abdiel, ngunit sa mga kayamanang nasa mga lalawigan, lunsod, nayon, at ang nasa mga tore, ang namahala naman ay si Jonatan, ang anak ni Uzias.
 27:26 Si Ezri, anak ni Kelub, ang ginawa namang tagapamahala ng mga magsasaka ng kanyang mga bukid.
 27:27 Si Simei na Ramatita ang namamahala sa mga ubasan at sa imbakan ng alak, ang namamahala'y si Zabdi na isang Sifmita.
 27:28 Si Baalhaman na Gederita ang namamahala sa mga tanim na olibo at sikomoro sa Sefela, at sa bodega naman ng langis ay si Joas.
 27:29 Sa mga kawan sa pastulan ng Saron, si Sitrai na Saronita; sa mga kawan na nasa kapatagan, si Safat, anak ni Adlai.
 27:30 Sa mga kamelyo naman ang namamahala ay si Obil na Ismaelita; sa mga inahing asno, si Jedias na Meronotita at sa mga kawan, si Jaziz na taga-Hagar.
 27:31 Ang lahat ng ito'y mga katiwala ng ari-arian ni David. ( Ang mga Tagapayo ni David )
 27:32 Si Jonatan, ang amain ni David, ang kinuhang tagapayo ng mga prinsipe palibhasa'y taong matalino at may pang-unawa. Magkatulong sila ni Jehiel, anak ni Hacmoni, sa pagtingin sa mga anak ng hari.
 27:33 Ang isa pang tagapayo ng hari ay si Ahitofel, at si Husai naman na Arquita ang kanang kamay ng hari.
 27:34 Nang mamatay si Ahitofel ay pumalit si Joiada na anak ni Benaya at si Abiatar. Si Joab naman ang pinuno ng hukbo.
 28:1 ( Ang mga Tagubilin ni David Tungkol sa Templo ) Tinipon ni David sa Jerusalem ang lahat ng mga pinuno ng Israel, lahat ng puno ng mga lipi, lahat ng namamahala ng mga pangkat na naglilingkod sa hari, at ang mga pinuno sa mga pangkat na binubuo ng manlibo at mandaan. Tinawag din niya ang mga katiwala ng mga ari-arian, mga kawan ng hari at mga prinsipe, lahat ng mga may tungkulin sa palasyo, lahat ng matatapat at kilalang lalaki at lahat ng mandirigma.
 28:2 "Nang naroon na ang lahat, tumayo siya at nagsalita. Sinabi niya, 'Mga kababayan, matagal ko nang minimithi na magtayo ng lalagyan ng Kaban ng Tipan at Templo para sa Diyos. Handa na ang lahat upang simulan ito."
 28:3 Ngunit sinabi sa akin ng Diyos na hindi ako ang magpapatayo ng bahay para sa kanya pagkat lagi akong nakikipagdigma at maraming buhay na inutang.
 28:4 Gayunman, sa sambahayan ng aking ama, ako ang pinili ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, upang maghari sa bansang ito magpakailanman. Ang pinili niyang mangunguna ay si Juda at nagmula sa kanyang lipi ang sambahayan ng aking ama. Sa amin namang sambahayan, ako ang kinalugdang mapili para maging hari ng buong Israel.
 28:5 Pinagkalooban ako ni Yahweh ng maraming anak at mula sa kanila, si Solomon lamang ang hinirang ni Yahweh upang maging hari ng Israel.
 28:6 Ang sabi niya sa akin, 'Ang iyong anak na si Solomon ang magtatayo ng templo para sa akin, sapagkat siya ang pinili kong anak, at ako naman ang kanyang ama.
 28:7 Patatatagin ko ang kanyang kaharian magpakailanman kung patuloy niyang susundin ang aking mga utos at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon.'
 28:8 Kaya nga, sa harapan ng Diyos na ngayo'y nakikinig, itinatagubilin ko na ingatan ninyo at sundin ang kautusan ni Yahweh. Sa gayon, mananatili sa inyo ang matabang lupaing ito at maipamamana naman ninyo sa inyong mga angkan habang panahon.
 28:9 '"At ikaw naman, Solomon, kilanlin mo ang Diyos ng iyong ama at paglingkuran siya nang buong puso, sapagkat batid niya ang laman ng ating puso't pag-iisip. Kung hahanapin mo siya, pakikita siya sa iyo. Ngunit kung tatalikdan mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman."
 28:10 "Alalahanin mong ikaw ang pinili ni Yahweh upang magtayo ng kanyang tahanan. Gawin mo na ito at huwag kang magpabaya.' ( Ibinigay kay Solomon ang Plano ng Templo )"
 28:11 Ibinigay ni David kay Solomon ang plano ng Templo, ng portiko, ng mga taguan ng mga kagamitan, ng mga silid sa itaas at ng Dakong Kabanal-banalan.
 28:12 Kasama sa planong ito ang mga patyo at mga silid sa palibot nito at taguan ng mga itinalagang handog kay Yahweh.
 28:13 Kabilang din sa planong ito ang mga dakong inilaan para sa mga saserdote at Levita, at sa mga maglilingkod sa bahay ni Yahweh.
 28:14 Itinakda niya ang timbang ng ginto o pilak na gagawing mga sisidlan,
 28:15 mga ilaw at patungan ng mga ito.
 28:16 Gayon din ang timbang ng ginto na ikakalupkop sa bawat mesa na paghahanayan ng tinapay na handog, at ang pilak na isasangkap sa bawat mesang pilak.
 28:17 Itinakda rin niya ang timbang ng purong ginto na gagawing tinidor, mangkok at mga saro, gayon din ang pilak at gintong gagamitin sa mga plato.
 28:18 Itinakda rin niya ang timbang ng dalisay na ginto para sa altar na sunugan ng kamanyang, gayon din ang plano at gintong gagamitin sa karwahe ng mga kerubin na ang mga pakpak ay tumatakip sa Kaban ng Tipan.
 28:19 "Sinabi ni David, 'Ang mga balangkas na ito ay ginawa sa utos ni Yahweh at kailangang ipaunawa ko ang isinasaad nito.' "
 28:20 "Pagkatapos, sinabi ni David sa kanyang anak na si Solomon, 'Magpakatatag ka at huwag na hindi mo gawin ito. Huwag panghihinaan ng loob ni mawawalan ng pag-asa sapagkat si Yahweh, ang Diyos na aking pinaglingkuran, ay sasaiyo. Hindi ka niya pababayaan hanggang hindi mo natatapos ang lahat ng bagay na kailangan sa paglilingkod sa Templo."
 28:21 "Narito ang mga pangkat ng mga saserdote at mga Levita, handa para sa lahat ng gawain sa bahay ng Diyos. Buong puso silang tutulong ayon sa kani-kanilang kaalaman, handang pag-utusan anumang oras.'"
 29:1 ( Ang mga Kaloob para sa Templo ) "Ipinahayag ni Haring David sa madla, 'Ang anak kong si Solomon ang pinili ng Diyos upang humalili sa akin, ngunit siya'y bata pa at walang sapat na karanasan. Napakalaki ng gawaing kakaharapin niya, sapagkat ang gagawin niyang tahanan ay hindi para sa tao kundi kay Yahweh."
 29:2 Kaya, sinikap kong magtipon ng mga gagamitin tulad ng ginto, pilak, tanso, bakal at kahoy. Napakarami ang inihanda kong batong onise at iba pang mahahalagang mga batong panghiyas at pampalamuti, lahat ng uri ng mahahalagang bato, at marmol.
 29:3 Hindi lang iyan, pati na ang sarili kong pilak at ginto ay inilaan ko na rin sa gawaing ito, pagkat kasiyahan kong magkaroon ng bahay si Yahweh.
 29:4 May nakalaan akong 115 toneladang ginto na mula pa sa Ofir, at 265 toneladang dalisay na pilak na inilalaang pangkalupkop sa mga dingding ng Templo,
 29:5 "at sa iba pang bagay na gagawin ng mga dalubhasang platero. Sino sa inyo ang handang magkaloob sa gawaing ito ni Yahweh?' "
 29:6 Tumugon agad ang mga pangulo ng sambahayan, ang mga pinuno ng mga lipi, ang mga pinuno ng mga hukbo at ang mga katiwala ng hari.
 29:7 Kusang-loob silang nagbigay at ang natipon para sa gagawing templo ay 190 toneladang ginto, 380 toneladang pilak, 675 toneladang tanso, at 3,750 toneladang bakal.
 29:8 Ang iniingatan nilang mahahalagang bato ay ipinagkaloob na rin sa kabang yaman ni Yahweh na pinamamahalaan ni Jehiel na Gersonita.
 29:9 Galak na galak ang mga tao sa kanilang pagkakaloob at labis namang ikinatuwa ni David. ( Pinuri ni David si Yahweh )
 29:10 "Sa harapan ng mga tao'y tuwang-tuwa si David na nagpuri kay Yahweh. Sinabi niya, 'Karapat-dapat kang purihin magpakailanman Panginoon! Ang Diyos ni Jacob na aming ama."
 29:11 Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat.
 29:12 Sa iyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan. Taglay mo ang kapangyarihan at kadakilaan, at ikaw ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat.
 29:13 Pinasasalamatan ka namin, O Diyos, at pinupuri ang iyong dakilang pangalan.
 29:14 '"Ngunit sino ako at ang bayang ito? Buong puso kaming nagkakaloob pagkat ang lahat ng ito ay galing sa iyo at ibinabalik lamang namin."
 29:15 Tulad ng aming mga ninuno, kami nga'y mga dayuhan at nangingibang bayan. Ang pagtira namin sa daigdig na ito ay pansamantala lamang, hindi panatilihan.
 29:16 O Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng kayamanang ito na natipon namin para ipagpagawa ng iyong tahanan ay sa iyo nga nagbuhat.
 29:17 Alam kong nasasaliksik mo ang puso ng tao, at natutuwa ka sa matuwid. O Diyos, buong-puso kong ipinagkakaloob sa iyo ang lahat ng ito. Nasaksihan ko rin ang buong-pusong pagkakaloob ng iyong mga lingkod na narito ngayon.
 29:18 O Yahweh, Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob, panatilihin mo sa isipan ng mga tao ang gawaing ito, at akayin mo silang palapit sa iyo.
 29:19 "Tulungan mo si Solomon na maging tapat sa pagsunod sa iyong mga utos at tuntunin. Sa gayon, maitatayo niya ang tahanang aking inihanda.' "
 29:20 "At sa lahat ng naroo'y sinabi ni David, 'Purihin ninyo si Yahweh.' Pinuri nga ng lahat si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga magulang. Yumuko ang lahat, nagpuri kay Yahweh, at nagbigay-galang sa hari."
 29:21 Kinabukasan, nagdala sila ng handog na susunugin: 1,000 toro, 1,000 tupang lalaki, 1,000 kordero at mga handog na inumin.
 29:22 Masasaya silang kumain at uminom sa harapan ni Yahweh noong araw na iyon. Minsan pa nilang kinilalang hari si Solomon at pinahiran ng langis sa pangalan ni Yahweh. Si Sadoc naman ay itinalagang saserdote.
 29:23 Mula noon, si Solomon na ang naghari sa Israel, kahalili ng kanyang amang si David. Siya ay naging matagumpay at sinunod ng buong Israel.
 29:24 Nanumpang magtatapat kay Haring Solomon ang mga pinuno at mandirigma, pati ng iba pang anak ni Haring David.
 29:25 Ibinuhos ni Yahweh kay Solomon ang lubos na pagpapala anupat siya na ang pinakadakilang hari sa kasaysayan ng Israel. ( Ang Buod ng Kasaysayan ni David )
 29:26 Si David na anak ni Jesse ay naghari sa buong Israel
 29:27 nang apatnapung taon: pitong taon sa Hebron, at tatlumpu't tatlong taon naman sa Jerusalem.
 29:28 Nabuhay siya nang matagal, at namatay na mayaman at marangal. Si Solomon nga ang humalili sa kanya bilang hari.
 29:29 Ang lahat ng nangyari sa buong panahon ng paghahari ni David ay nakatala sa mga aklat ng mga Propeta Samuel, Natan at Gad.
 29:30 Sa mga aklat na iyon nasulat ang buong pamamahala niya, ang mga nangyari sa kanya, sa Israel at sa lahat ng mga kaharian sa paligid.

다음검색
현재 게시글 추가 기능 열기
  • 북마크
  • 공유하기
  • 신고하기

댓글

댓글 리스트
맨위로

카페 검색

카페 검색어 입력폼