10. 2 samule
1:1 ( Ang Pagkamatay ni Saul ) Nang magbalik si David buhat sa matagumpay na pakikidigma laban sa mga Amalecita, tumigil siya ng dalawang araw sa Siclag.
1:2 Tatlong araw pagkamatay ni Saul, dumating buhat sa labanan ang isang lalaking punit ang kasuutan at puno ng alikabok ang ulo. Lumapit ito kay David at nagpatirapa bilang pagbibigay-galang.
1:3 '"Saan ka nagbuhat?' tanong ni David. 'Tumakas po ako sa hukbo ng Israel,' tugon ng lalaki. "
1:4 '"Bakit? Ano ba ang nangyari?' tanong ni David. 'Napaurong po sa labanan ang hukbo at maraming mga kawal ang napatay. Napatay rin po ang mag-amang Saul at Jonatan,' tugon ng lalaki. "
1:5 '"Paano mo nalamang napatay sina Saul at si Jonatan?' tanong ni David. "
1:6 "Isinalaysay ng lalaki ang pangyayari. 'Nagkataon pong ako'y nasa Bundok ng Gilboa. Nakita ko pong dumarating ang mga kaaway na humahabol kay Saul, sakay ng mga karwahe at kabayo. Noon po'y nakayukyok siya sa kanyang sibat."
1:7 Nang makita po niya ako, itinanong kung sino ako.
1:8 Sinabi ko pong ako'y Amalecita.
1:9 Pinalapit po ako at ang sabi, 'Hirap na hirap na ako at sa kalagayang ito'y mabuti pang patayin mo ako.'
1:10 "Lumapit po naman ako at pinatay ko nga, yamang papatayin din lamang siya ng dumarating na kaaway. Pagkatapos, kinuha ko ang kanyang korona at palatandaan sa kanyang braso. Heto po't dala ko, panginoon.' "
1:11 Winahak ni David ang kanyang kasuutan bilang tanda ng kalungkutan sa nangyari; gayon din ang ginawa ng mga naroon.
1:12 Dinagukan nila ang kanilang dibdib at sila'y nanangis. Nag-ayuno sila at nagluksa hanggang gabi, sapagkat si Saul, ang anak nitong si Jonatan, at ang iba pang lingkod ni Yahweh sa bansang Israel ay nasawi sa labanan.
1:13 "Muling tinanong ni David ang lalaki, 'Sino ka nga ba?' 'Ako po'y anak ng isang dayuhang Amalecita,' tugon naman nito. "
1:14 "Sinabi ni David, 'Diyata't hindi ka natakot na patayin ang hinirang ni Yahweh?'"
1:15 "Dahil sa ginawang ito, inutusan niya ang tauhan niyang binata, 'Patayin ang taong ito.' Gayon nga ang kanyang ginawa."
1:16 "At sa harap ng bangkay ay sinabi ni David, 'Ikaw ang dapat sisihin sa iyong pagkamatay{ a} sapagkat hinatulan mo ang iyong sarili nang sabihin mong pinatay mo ang hinirang ni Yahweh.' ( Dinamdam ni David ang Pagkamatay ng Mag-ama )"
1:17 Dahil dito, gumawa si David ng panambitan bilang alaala kina Saul at Jonatan.
1:18 Iniutos niyang ituro ito sa lahat ng mamamayan ng Juda. Ito ang nasulat sa k Aklat ni Jaserkend:
1:19 '"Karangalan ng Israel sa burol ay niyurakan, Nang ang iyong mga lingkod ay masawi sa labanan; "
1:20 Ito'y dapat na malihim, hindi dapat isalaysay, Lalo sa Gat, at Ascalon, sa liwasan at lansangan; Kung ito ay mababatid, pihong doo'y magdiriwang, Yaong mga Filisteang mga Hentil ang magulang.
1:21 '"Ang lupain ng Gilboa, iyang iyong mga bundok Ay di dapat na ulanin, ni bigyan ng kahit hamog, Ang bukal mong kalalima'y hindi dapat na umagos, Pagkat sandata ni Saul ay sa iyo nadungisan, Na dati-rating makintab, ngayo'y balot ng kalawang. "
1:22 '"Yaong pana ni Jonatan ay hindi pa nabibigo Ang kay Saul na sandata ay hindi naigugupo. "
1:23 '"Si Saul at si Jonatan ay uliran na mag-ama, Sa buhay at kamatayan ay palaging magkasama; Bilis nila ay di hamak mabilis pa sa agila, Mahigit pa kaysa leon ang lakas na taglay nila. "
1:24 '"Kayong anak ng Israel, ang babae'y magsitangis, Sa pagpanaw niyong Saul na sa inyo'y nagparamit Ng magandang kasuutang may hiyas na nakakabit. "
1:25 '"Ang kawal ay masdan ninyo kung bumagsak sa labanan, Ganyan napansin sa burol, nang bumagsak si Jonatan. "
1:26 '"Dahilan sa pagpanaw mo, ngayon ako'y nagluluksa, Pagkat ikaw ay mahal ko at sa iyo'y humahanga; Ang pag-ibig na ukol mo sa akin ay pambihira, Mahigit pa sa pag-ibig ng babaing minumutya. "
1:27 '"Sa larangan ng labana'y nabuwal ang mga kawal, Ang sandatang taglay nila ay wala nang kabuluhan.'"
2:1 ( Naging Hari si David ) "Pagkaraan ng lahat ng ito, si David ay sumangguni kay Yahweh. 'Pupunta po ba ako sa isa sa mga lunsod ng Juda?' tanong niya. 'Lumakad ka,' wika sa kanya. 'Saan pong lunsod?' tanong ni David. 'Sa Hebron,' tugon ni Yahweh."
2:2 Kaya't lumakad si David na kasama ang dalawa niyang asawa, sina Ahinoam na Jezreelita, at si Abigail, balo ni Nabal na Carmelita.
2:3 Isinama rin ni David ang kanyang mga tauhan pati kani-kanilang sambahayan.
2:4 Dumating sa Hebron ang mga taga-Juda at pinahiran nila ng langis si David bilang hari ng Juda. Nabalitaan ni David na ang naglibing kay Saul ay mga lalaking taga-Jabes-galaad,
2:5 "kaya't nagpasugo siya sa mga taong iyon na taglay ang pagbating ito: 'Nawa'y pagpalain kayo ni Yahweh sa kagandahang-loob at kabutihang ginawa ninyo sa panginoon ninyong si Saul, nang inyong ilibing siya."
2:6 Kamtan nawa ninyo ang pag-ibig at katapatan ni Yahweh, at ako nama'y handang gumanti sa inyong kabutihang ginawa.
2:7 "Yamang patay na si Saul, lakasan ninyo ang inyong loob. Ibinabalita ko sa inyo na ako'y ginawa nang hari ng mga taga-Juda upang mamahala sa kanila.' ( Dinigma ni David ang Sambahayan ni Saul )"
2:8 Samantala, si Isboset na anak ni Saul ay kinuha ni Abner na anak ni Ner at puno ng hukbo. Siya'y dinala sa Mahanaim, sa ibayo ng Jordan.
2:9 Ginawa siyang hari upang mamahala sa Galaad, sa mga Asureo, sa Jezreel, sa Efraim, sa Benjamin at sa buong Israel.
2:10 Siya'y apatnapung taon noon at dalawang taong naghari sa Israel, ngunit si David ang kinilalang hari ng lipi ni Juda.
2:11 Naghahari siya roon sa loob ng pitong taon at kalahati. Sa Hebron siya nanirahan.
2:12 Ang hukbo ni Isboset sa pangunguna ni Abner, ay lumabas sa Mahanaim upang pasukin ang Gabaon.
2:13 Ang hukbo naman ni David sa pangunguna ni Joab na anak ni Sarvia, ay lumabas din mula sa Hebron. Nagtagpo ang dalawang pangkat sa may tipunan ng tubig sa Gabaon at magkatapat na humanay.
2:14 "Sinabi ni Abner kay Joab, 'Palabasin mo ang mga kabataan ninyo at isa-isang makipagsukatan ng lakas sa mga kabataan namin.' 'Mangyayari ang gusto mo,' sagot ni Joab."
2:15 Labindalawa sa panig ni David ang isa-isang lumabas at tinapatan naman ng labindalawang Benjaminita sa panig ni Isboset.
2:16 Bawat isa'y kumuha ng katapat, naghawakan sa ulo at nagsaksakan sa tagiliran. Sama-sama silang nabuwal, kaya ang dakong iyon sa Gabaon ay tinawag na Parang ng Patalim.
2:17 Matapos ang pagsusubukang ito, mahigpit na naglaban ang kanilang hukbo nang araw na yaon. Nagapi nina David ang hukbo ng Israel na pinangungunahan ni Abner.
2:18 Naroon ang tatlong anak ni Sarvia, sina Joab, Abisai at Asael. Si Asael ay simbilis ng usa kung tumakbo sa kapatagan.
2:19 Walang lingon-likod na tinugis niya si Abner.
2:20 "Lumingon ito at siya'y tinanong, 'Ikaw ba'y si Asael?' 'Oo, ako nga,' tugon niya. "
2:21 "Sinabi sa kanya ni Abner, 'Tigilan mo na ako. Iba na ang habulin mo at siya mong samsaman ng kanyang dala.' Ngunit hindi niya ito pinansin."
2:22 "Muling nagsalita si Abner, 'Lubayan mo na ako, Asael. Huwag mong piliting patayin kita. Kapag napatay kita, anong mukhang ihaharap ko sa kapatid mong si Joab?'"
2:23 Ngunit hindi pa rin siya pinansin kaya't isinaksak niyang palikod ang hawakan ng kanyang sibat at tumagos sa likod ni Asael at ito'y namatay. Ang lahat ng makakita sa bangkay ni Asael ay napapahinto.
2:24 Gayunman ang nangyari, patuloy ring tinugis si Abner ng magkapatid na Joab at Abisai. Nang lulubog na ang araw, sinapit nila ang burol ng Amma, tapat ng Giah, sa landas na patungo sa pastulan ng Gabaon.
2:25 Ang mga Benjaminita'y pumanig kay Abner; nagbuo sila ng isang pangkat at humanay sa ibabaw ng burol na iyon.
2:26 "Sumigaw si Abner kay Joab, 'Itigil na natin ang pagpapatayang ito! Lalo lamang itong lulubha sa hinaharap. Sawayin mo na ang iyong mga tauhan sa pagtugis sa kanilang mga kapatid.' "
2:27 "Sumagot si Joab, 'Naririnig ako ng Diyos. Kung hindi ka nagsalita, hindi ka nila lulubayan ng katutugis kahit umagahin.'"
2:28 Kaya't hinipan ni Joab ang trompeta at ang lahat niyang tauhan ay huminto sa pagtugis sa hukbo ng Israel. Mula noo'y nahinto ang kanilang labanan.
2:29 Pagkatapos, si Abner at ang kanyang mga tauha'y magdamag at hanggang tanghaling naglakad sa Araba. Tumawid sila ng Jordan hanggang sa sumapit sa Mahanaim.
2:30 Nagbalik naman si Joab at hindi na itinuloy ang pagtugis kay Abner. Nang tipunin ang kanyang hukbo, nalaman niyang nalagasan siya ng labinsiyam na tauhan, bukod pa kay Asael.
2:31 Sa panig naman ng mga Benjaminita na pinangungunahan ni Abner ay 360 ang napatay.
2:32 Inilibing nila si Asael sa libingan ng kanyang ama sa Betlehem. Magdamag na naglakad ang mga tauhan ni Joab at mag-uumaga na nang sumapit sila sa Hebron.
3:1 Ang labanan ng mga tauhan nina David at Saul ay nagtagal. Lumakas ang pangkat ni David samantalang humina ang kay Saul. ( Mga Anak ni David sa Hebron )
3:2 Samantalang nasa Hebron, ito ang mga naging anak na lalaki ni David: ang panganay ay si Amnon, anak kay Ahinoam.
3:3 Si Quileab ang sumunod, anak niya kay Abigail, ang balo ni Nabal. Ang ikatlo'y si Absalom, anak naman kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur.
3:4 Si Adonias ang ikaapat, anak kay Haguit; ang ikalima'y si Sefatias, anak niya kay Abital;
3:5 at ang ikaanim ay si Itream, anak niya kay Egla. Ang mga ito nga ang naging anak ni David sa Hebron. ( Ang Tipan ni Abner at ni David )
3:6 Habang naglalaban ang mga pangkat nina Saul at David, si Abner ang kinilalang pinuno ng mga tauhan ni Saul.
3:7 "Minsa'y sinabi ni Isboset kay Abner, 'Bakit mo sinipingan si Rizpa, ang asawang alipin ng aking ama?' "
3:8 "Nagalit si Abner sa sinabing ito ni Isboset at ang wika, 'Ano ba'ng akala mo sa akin, isang taksil? Isang lihim na tauhan ng Juda? Hanggang sa araw na ito'y tapat pa ako sa sambahayan ng iyong amang si Saul, sa iyong mga kapatid at mga kaibigan. Maging ikaw ay hindi ko ipinagkanulo kay David; bakit pagbibintangan mo ako sa babaing ito?"
3:9 Nariya't nakatunghay ang Diyos; tulungan sana niya ako upang maisakatuparan ang pangako ni Yahweh kay David.
3:10 "Sisikapin kong maibagsak ang sambahayan ni Saul upang si David ay maging hari ng Israel at Juda mula sa Dan hanggang Beer-seba.'"
3:11 Hindi nakasagot si Isboset dahil sa takot kay Abner.
3:12 "Nagpasiya si Abner na magpadala ng mga sugo kay David sa Hebron at ito ang ipinasabi, 'Makipagkasundo ka sa akin at tutulungan kitang mapasaiyo ang buong Israel.' "
3:13 '"Mabuti,' tugon ni David, 'papayag ako sa isang kondisyon: Hindi ka muna makikipagkita sa akin hangga't hindi mo nadadala rito si Micol na anak ni Saul.'"
3:14 "Samantala'y nagpadala rin si David ng mga sugo kay Isboset at ito naman ang ipinasabi, 'Dalhin mo sa akin si Micol, ang napangasawa ko bilang kapalit ng 100 pinagtulian ng mga Filisteo.'"
3:15 Sa gayon, pinahiwalay agad ni Isboset si Micol sa asawa nito, kay Paltiel na anak ni Lais.
3:16 Sumama si Paltiel hanggang Bahurim, habang daa'y umiiyak. Ngunit ang lalaki'y pinabalik ni Abner at hindi ito nakatutol.
3:17 "Nilapitan ni Abner ang matatanda ng Israel at sinabi, 'Matagal nang hinahangad ninyong maging hari si David."
3:18 "Dumating na ang panahon upang matupad iyan. Ganito ang sinabi ni Yahweh tungkol sa kanya: 'Sa pamamagitan ni David, ililigtas ko ang bansang Israel sa kamay ng mga Filisteo at iba pa nilang mga kaaway.''"
3:19 Kinausap din ni Abner ang lipi ni Benjamin. Pagkatapos, nagpunta siya sa Hebron at sinabi kay David ang pinagkasunduan ng mga Israelita at ng lipi ni Benjamin.
3:20 Nang tanggapin ni David si Abner, may kasama itong dalawampung tauhan. Hinandugan niya ito ng isang salu-salo.
3:21 "Sinabi ni Abner kay David, 'Ngayo'y lalakad na ako upang ihandog nang buong-buo ang Israel sa inyong kamahalan. Makikipagtipan sila sa inyo at pagkatapos pamahalaan ninyo ayon sa inyong kagustuhan.' At mapayapang pinayaon ni David si Abner. ( Pinatay ni Joab si Abner )"
3:22 Pagkaalis ni Abner, dumating naman mula sa pagsalakay ang mga kawal ni David sa pangunguna ni Joab. Napakarami nilang samsam na dala.
3:23 Nalaman agad ni Joab na si Abner ay nakipagkita sa hari at pinayagan nitong umalis nang payapa.
3:24 "Pinuntahan agad ni Joab ang hari at sinabi, 'Bakit po ninyo ginawa ito? Diyata't naparito na si Abner ay pinawalan pa ninyo? Ngayo'y wala na siya!"
3:25 "Hindi ba ninyo kilala si Abner, ang anak ni Ner? Naparito siya upang pagtaksilan kayo, gusto lamang niyang tiktikan ang inyong mga ginagawa.' "
3:26 Pagkatalikod sa hari, ipinahabol agad ni Joab si Abner. Inabot nila ito sa may tipunan ng tubig sa Sira. Walang kamalay-malay si David sa mga nangyari.
3:27 Nang maibalik na sa Hebron si Abner, tinawag ito ni Joab sa may pintuan ng lunsod at kunwa'y kakausapin ng lihim. Dito niya isinagawa ang paghihiganti sa pagkamatay ng kapatid niyang si Asael. Sinaksak niya sa tiyan si Abner at ito'y namatay.
3:28 "Nang mabalitaan ito ni David, sinabi niya, 'Ako at ang aking kaharia'y walang sagutin sa harap ni Yahweh sa pagkamatay ni Abner."
3:29 "Dapat itong panagutan ni Joab at ng kanyang sambahayan. Ang kanyang sambahayan sana'y huwag mawalan ng mga baldado, may sakit na tulo, ketong, mapapatay sa labanan o mamamatay sa gutom!'"
3:30 Gayon pinatay ng magkapatid na Joab at Abisai si Abner dahil sa pagpatay nito kay Asael sa labanan sa Gabaon.
3:31 Iniutos ni David kay Joab at sa lahat ng kasama nito na punitin ang kanilang mga damit at magsuot ng sako bilang pagdadalamhati sa pagkamatay ni Abner. Pati ang Haring David ay nakipaglibing din,
3:32 nang ito'y ilibing sa Hebron. Gayon na lamang ang pananangis ng hari at ng mga tao.
3:33 Ganito ang panambitan ng hari:
3:34 '"Sa ganito, dapat bagang ikaw Abner ay namatay? Ikaw naman ay malaya't walang gapos ang 'yong kamay; Maging iyong mga paa'y hindi naman nakapangaw, Ngunit ikaw ay yumao sa kamay ng mga hunghang.' Pagkarinig nito'y muling tumangis ang mga tao."
3:35 "Hinimok nila si David na kumain kahit bahagya, ngunit sinabi nito: 'Isinusumpa kong hindi ako kakain kahit ano hangga't hindi lumulubog ang araw.'"
3:36 Ang mga tao'y sumang-ayon sa nakita nilang ginawa ni David sapagkat ito'y nakalugod sa kanila, tulad ng iba pang ginawa ng hari.
3:37 Noon nalaman ng buong Israel na walang kinalaman ang hari sa pagkamatay ni Abner.
3:38 "Sinabi ng hari sa kanyang mga alipin, 'Hindi ba ninyo nalalamang isang dakilang kawal ang namatay ngayon sa Israel?"
3:39 "Bagamat ako'y hari, nanliliit ako at kinikilabutan sa kasamaang ginawa ng mga anak ni Sarvia. Hindi ito maaatim ng aking kalooban. Parusahan nawa sila ni Yahweh!'"
4:1 ( Pinatay si Isboset ) Nang malaman ni Isboset na si Abner ay pinatay sa Hebron, pinagharian siya ng takot, gayon din ang buong Israel.
4:2 Noo'y may dalawa siyang pinuno sa pagsalakay, sina Baana at Recab. Sila'y mga anak ni Rimon na taga-Beerot at mula sa lipi ni Benjamin. Ang Beerot ay dating sakop ng Benjamin,
4:3 ngunit ang mga tagaroon ay tumakas at nagpunta sa Gitaim at doon na nanirahan.
4:4 Isa pa sa mga apo ni Saul ay si Mefiboset na anak ni Jonatan. Limang taon siya noon nang mapatay sa Jezreel sina Saul at Jonatan. Nang dumating ang malagim na balita, pinangko siya ng tagapag-alaga upang itakas. Ngunit sa pagmamadali ay nabitiwan siya at iyon ang dahilan ng kanyang pagkalumpo.
4:5 Isang tanghali, sina Recab at Baana ay pumasok sa tahanan ni Isboset samantalang ito'y namamahinga.
4:6 Hindi sila namalayang pumasok sapagkat ang babaing bantay-pinto ay nakatulog sa paglilinis ng trigo.
4:7 Kaya't tuluy-tuloy sila sa silid ni Isboset at pinatay nila nang ito'y natutulog. Pinutol nila ang kanyang ulo at tumakas. Magdamag silang naglakbay sa lupain ng Araba patungo sa Hebron.
4:8 "Dinala nila ang ulo ni Isboset kay David at ang sabi rito, 'Narito ang ulo ng anak ni Saul, ang nagtangka sa iyong buhay. Ipinaghiganti ngayon ni Yahweh ang inyong kadakilaan!' "
4:9 "Sumagot na may sumpa si David sa magkapatid na Recab at Baana, 'Naririnig ako ni Yahweh na tumulong sa akin sa lahat kong kagipitan."
4:10 Hinuli ko at pinatay sa Siclag ang taong nagbalita sa aking patay si Saul sa pag-aakalang ikatutuwa ko ang balitang iyon.
4:11 "Gaano pa kaya ang aking gagawin sa mga taong pumatay sa walang malay na natutulog sa sariling tahanan! Hindi kaya kayo dapat lipulin sa daigdig na ito dahil sa ginawa ninyong iyan?'"
4:12 Kaya't iniutos ni David na sila'y patayin at gayon ang ginawa ng mga kawal. Pinutol nila ang mga kamay at paa ng magkapatid at ibinitin sa may lawa sa Hebron. Ang ulo naman ni Isboset ay dinala sa Hebron at isinama sa libingan ni Abner.
5:1 ( Naghari si David sa Israel at Juda ) "Nagkaisa ang lahat ng angkan ng Israel na pumunta sa Hebron upang makipagkita kay David. Sinabi nila, 'Kami'y laman ng iyong laman at dugo ng iyong dugo."
5:2 "Nang si Saul ang hari namin, nanguna ka sa mga kawal ng Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo ni Yahweh na gagawin ka niyang hari upang mamuno sa kanyang bayan.'"
5:3 Lahat ng matatanda ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo'y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ni Yahweh. Pinahiran nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel.
5:4 Noo'y tatlumpung taon na si David at naghari siyang apatnapung taon.
5:5 Sa Hebron, pitong taon at kalahati siyang namahala sa Juda. Sa Jerusalem naman ay tatlumpu't tatlong taon siyang naghari sa buong Israel at Juda. ( Nasakop ni David ang Sion )
5:6 "Nang siya'y maging hari, pinangunahan niya ang kanyang mga kawal upang lusubin ang mga Jebuseo na nasa Jerusalem. Sinabi nila kay David, 'Hindi ka makapapasok dito kahit mga bulag at lumpo lamang ang magtanggol dito.'"
5:7 Ngunit nakuha ni David ang kuta ng Sion na tinawag na Lunsod ni David hanggang ngayon.
5:8 "Bago nangyari iyo'y sinabi ni David, 'Sinumang may gustong sumalakay sa mga Jebuseo ay umakyat sa daluyan ng tubig at patayin ang mga kawawang bulag at pilay na iyon.' Doon nagmula ang kawikaang, 'Walang bulag o pilay na makapapasok sa templo ni Yahweh!' "
5:9 Doon tumira si David sa kuta at tinawag na Lunsod ni David. Pinalawak niya ang lunsod mula sa Milo sa gawing silangan ng burol.
5:10 Habang lumalaon ay lalong nagiging makapangyarihan si David pagkat sumasakanya si Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan. ( Kinilala ni Hiram si David )
5:11 Ang hari ng Tiro, si Hiram, ay nagpadala kay David ng mga sugo. Pagkatapos nagpadala siya ng mga kahoy na sedro at mga karpintero at kanterong gagawa ng bahay ni David.
5:12 Noon natiyak ni David na ang pagiging hari niya sa Israel ay pinagtibay na ni Yahweh at itinanyag ang kanyang kaharian, alang-alang sa bayang Israel. ( Mga Anak ni David sa Jerusalem )
5:13 Paglipat niya sa Jerusalem buhat sa Hebron, siya ay kumuha pa ng maraming asawa at asawang-alipin. Nadagdagan pa ang kanyang mga anak.
5:14 Ito ang mga anak niya roon: sina Samua, Sobab, Natan, Solomon,
5:15 Ibhar, Elisua, Nefeg, Jafia,
5:16 Elisama, Eliada at Elifelet. ( Nalupig ang mga Filisteo )
5:17 Nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay kinilala nang hari ng Israel, binuo nila ang kanilang hukbo upang siya'y digmain. Umabot ito sa kaalaman ni David, kaya't nagpunta siya sa isang kuta.
5:18 Dumating ang mga Filisteo at humanay sa kapatagan ng Refaim.
5:19 "Sumangguni si David kay Yahweh, 'Lalabanan ko ba ang mga Filisteo? Malulupig ko ba sila?' tanong ni David. Sumagot si Yahweh, 'Lusubin mo at magtatagumpay ka.' "
5:20 "Lumusob nga si David at tinalo niya ang mga Filisteo sa Baal-perazim. Sinabi niya, 'Sinagasa ni Yahweh ang aking kaaway, parang ilog na umapaw sa kanyang mga pampang.' Kaya, Baal-perazim ang itinawag sa dakong iyon."
5:21 Naiwan ng mga Filisteo ang kanilang mga diyus-diyusan at ang mga iyo'y kinuha nina David.
5:22 Ngunit nagbalik ang mga Filisteo at humanay na muli sa kapatagan ng Refaim.
5:23 "Sumangguni na naman kay Yahweh si David at ito ang tugon: 'Huwag mo silang lulusubin nang harapan. Lumigid ka sa kanilang likuran sa tapat ng mga puno ng balsamo."
5:24 "Pagkarinig mo ng mga yabag sa itaas ng mga kahuyan, lumusob ka agad, sapagkat ako ang nangunguna upang talunin sila.'"
5:25 Sinunod ni David ang iniutos ni Yahweh at tinalo nga nila ang mga Filisteo mula sa Geba hanggang Gezer.
6:1 ( Kinuha ni David ang Kaban ng Tipan ) Pagkatapos nito, muling tumawag si David ng mga piling lalaki ng Israel; may 30,000 lahat.
6:2 Pinangunahan niya ang buong hukbo at nagpunta sila sa Baale-juda upang kunin ang Kaban ng Diyos na kumakatawan sa luklukan ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
6:3 Kinuha nila ito sa bahay ni Abinadab doon sa burol at inilulan sa isang bagong kariton na kaagapay ang dalawang anak nito na sina Uza at Ahio;
6:4 si Ahio ay nauuna ng paglakad sa kaban.
6:5 Si David at ang buong bayan ng Israel ay sumasayaw sa galak. Sila'y umaawit sa saliw ng mga alfa, kudyapi, pandereta, castanuelas at pompiyang.
6:6 Nang malapit na sila sa may giikan ni Nacon, natalisod ang mga baka. Para hindi bumagsak ang Kaban ng Tipan, hinawakan ito ni Uza.
6:7 Nagalit si Yahweh at siya'y pinarusahan sa ginawang iyon. Noon di'y namatay si Uza sa tabi ng Kaban ng Tipan.
6:8 Dinamdam ni David ang sinapit ni Uza at magpahanggang ngayon, ang dakong iyon ay tinatawag na Perez-uza.{ a}
6:9 "Dahil dito'y natakot si David kay Yahweh. Sinabi niya, 'Paano ko iingatan ngayon ang Kaban?'"
6:10 Hindi niya ito mapangahasang dalhin sa Lunsod ni David, kaya't doon na niya inihatid sa bahay ni Obed-edom na taga-Gat.
6:11 Nanatili roong tatlong buwan ang Kaban at pinagpala ng Diyos si Obed-edom at ang kanyang sambahayan. ( Dinala ang Kaban sa Jerusalem )
6:12 May nagbalita kay Haring David na pinagpalang mabuti ng Diyos si Obed-edom. Ito'y ikinagalak niya, kaya kinuha niya ang Kaban ng Diyos at dinala sa Jerusalem.
6:13 Hindi pa man nakalalayo, nakakaanim na hakbang pa lamang ang mga may dala ng kaban, pinahinto na sila ni David at naghandog sila ng isang toro at isang pinatabang tupa.
6:14 Isinuot ni David ang isang linong efod at nagsayaw sa harapan ni Yahweh.
6:15 Habang lumalakad ang mga Israelita, nagsisigawan sila sa tuwa at hinihipan ang mga trompeta.
6:16 Nang sila'y papasok na ng lunsod, si David, na noo'y naglululundag at nagsasayaw, ay nadungawan ni Micol na anak ni Saul. Hindi niya ito ikinatuwa.
6:17 Ipinasok nila sa tolda ang Kaban ni Yahweh at inilagay sa lugar na nakalaan dito. Si David nama'y muling nagsunog ng mga handog sa harapan ni Yahweh.
6:18 Pagkatapos, binasbasan niya ang mga tao sa ngalan ni Yahweh.
6:19 Bago nagsiuwi, lahat ng mga Israelita ay pinakain ng tinapay, karne at pasas.
6:20 "Pag-uwi ni David upang kumustahin ang kanyang sambahayan, sinalubong siya ni Micol. Binati niya si David ng ganito: 'Dakilang araw ito sa hari ng Israel na parang baliw na nagsasayaw sa harapan ng mga aliping babae ng kanyang mga tauhan.' "
6:21 "Sumagot si David, 'Ginawa ko iyan sa harapan ni Yahweh dahil sa laki ng kagalakan. Sa halip ng iyong ama at kanyang sambahayan, ako ang pinili niya upang mamahala sa Israel. Patuloy akong magsasayaw upang parangalan si Yahweh"
6:22 "at gagawa pa nang mas masahol dito. Sa tingin mo'y hamak ako dahil sa aking ginawa ngunit sa paningin ng mga babaing iyon ay marangal ang ginawa ko.'"
6:23 Hindi nagdalantao si Micol hanggang sa mamatay.
7:1 ( Ang Tipan ng Diyos kay David ) Si David ay panatag nang nakatira sa kanyang bahay. Sa tulong ni Yahweh, hindi na siya ginambala ng kanyang mga kaaway.
7:2 "Tinawag niya si Natan at sinabi, 'Nakikita mong nakatira ako sa tahanang sedro, ngunit ang Kaban ng Tipan ay sa tolda lamang.'"
7:3 "Sumagot si Natan, 'Isagawa mo ang iyong iniisip, sapagkat si Yahweh ay sumasaiyo.' "
7:4 Ngunit nang gabing iyo'y sinabi ni Yahweh kay Natan,
7:5 '"Ganito ang sabihin mo kay David: 'Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan?"
7:6 Mula nang ilabas ko sa Egipto ang Israel, wala pa akong bahay na masasabing akin. Hanggang ngayo'y tolda pa ang aking tahanan.
7:7 Kahit lagi akong kasama ng Israel, wala akong sinabing anuman sa sinumang hukom tungkol sa tahanang sedro na dapat kong tirahan, gayong ako ang pumili sa kanila upang mamahala sa aking kawan.'
7:8 Sabihin mo rin sa lingkod kong si David ang salitang ito ni Yahweh: 'Inalis kita sa pagpapastol ng tupa upang gawing pinuno ng bayang Israel.
7:9 Kasama mo ako saanmang dako at lahat mong mga kaaway ay aking nilipol. Gagawin kong dakila ang iyong pangalan tulad ng mga dakilang tao sa daigdig.
7:10 Bibigyan ko ang Israel ng kanyang lupa at doon ko patitirahin. Wala nang gagambala sa kanila roon; wala nang aalipin sa kanila tulad noong una,
7:11 buhat nang maglagay ako ng hukom nila. Magiging payapa ka sapagkat wala nang gagambala sa iyo. Bukod dito, akong si Yahweh ay nagsasabi sa iyo: Patatatagin ko ang iyong sambahayan.
7:12 Pagkamatay mo, isa sa iyong mga anak ang ipapalit ko sa iyo. Patatatagin ko ang kanyang kaharian.
7:13 Siya ang magtatayo ng templo para sa akin, at sa kanyang angkan magmumula ang maghahari sa aking bayan magpakailanman.
7:14 Kikilanlin ko siyang anak at ako nama'y magiging ama niya. Parurusahan ko siya, tulad nang pagpaparusa ng ama sa nagkakasalang anak.
7:15 Ngunit ang paglingap ko sa kanya'y hindi magbabago, di tulad ng nangyari kay Saul.
7:16 "Magiging matatag ang iyong sambahayan, ang iyong kaharia'y hindi mawawaglit sa aking paningin at mananatili ang iyong trono.''"
7:17 Isinaysay ni Natan kay David ang lahat ng sinabi sa kanya ni Yahweh.
7:18 "Pumasok sa tolda si Haring David, umupo at nanalangin. Sinabi niya, 'Sino ako, Yahweh, at ano ang aking sambahayan upang ipagmalasakit nang ganito?"
7:19 Maaaring maliit na bagay lamang ito sa inyong paningin, subalit napakalaki para sa amin sapagkat tiniyak na ninyo ang magandang kalagayan ng sambahayan ko sa hinaharap.
7:20 Wala na akong masasabi, sapagkat kilala ninyo ang inyong lingkod.
7:21 Ayon sa inyong pangako, niloob ninyong maging dakila ang inyong lingkod.
7:22 Napakadakila ninyo, Yahweh. Wala pa kaming nababalitaang Diyos na tulad ninyo.
7:23 Walang bansang maitutulad sa Israel. Ito'y hinango ninyo sa pagkaalipin upang maging inyong bayan. Ito lamang ang bansang pinagpakitaan ninyo ng mga kakila-kilabot at dakilang bagay para sila'y matulungan. Itinaboy ninyo ang ibang mga bansa at inalis ang kanilang mga diyus-diyusan pagdating nila.
7:24 Yahweh, itinatag ninyo ang bansang Israel upang maging inyo magpakailanman at kayo nama'y maging Diyos nila.
7:25 Ngayon, gawin ninyo ang inyong pangako sa inyong alipin at sa kanyang sambahayan.
7:26 Magiging bantog kayo sa lahat ng bansa at sasabihin nila: 'Si Yahweh, ang Makapangyarihan, ay Diyos ng Israel.' Sa gayon, magiging matatag sa harapan ninyo ang tahanan ni David na inyong lingkod.
7:27 Yahweh, Makapangyarihang Diyos ng Israel, nagkaroon ako ng lakas ng loob na dumalangin ng ganito pagkat kayo na rin ang nagsabi sa iyong lingkod na paghahariin mo sa Israel ang aking angkan.
7:28 Yahweh, aming Diyos, kayo'y tapat at tumutupad sa mga pangako ninyo sa akin.
7:29 "Ngayo'y pagpalain ninyo ang tahanan ng inyong lingkod upang ito'y magpatuloy. Yahweh, Panginoon naming Diyos, ikaw rin ang nangako nito kaya manatili nawa sa aking angkan ang iyong pagpapala.'"
8:1 ( Lumawak ang Kaharian ni David ) Pagkatapos nito, nilupig ni David ang mga Filisteo at sinakop ang Gat at ang mga bayang saklaw nito.
8:2 Nilupig din niya ang mga Moabita. Pinahilera niya nang pahiga ang mga ito at sa pamamagitan ng isang panukat, nagpapasiya siya kung sino ang dapat patayin. Bawat dalawang sukat ay ipinapapatay at ang pangatlong sukat ay pinaliligtas at pinabubuwis.
8:3 Tinalo rin niya si Hadadezer, ang anak ng Haring Rehob ng Soba. Si Hadadezer ay papunta noon sa mga lupain sa baybayin ng Ilog Eufrates upang bawiin ang mga lupaing iyon.
8:4 Sa labanang ito'y 1,700 kabayuhan at 20,000 lakad na kawal ang nabihag ni David. Pinatid niya ang litid ng mga kabayo, maliban sa itinira niyang sapat na bilang para humila ng 100 karwahe.
8:5 Ang napatay nilang tumulong kay Hadadezer na mga taga-Siria buhat sa Damasco ay 22,000.
8:6 Nasakop din niya ang lugar na ito, kaya nagtayo siya ng mga himpilan sa Siria, malapit sa Damasco, at pinabuwis niya ang mga tagaroon. Si David ay nagtatagumpay saanmang dako, sa tulong ni Yahweh.
8:7 Ang mga baluting ginto ni Hadadezer na dala ng kanyang mga alipin ay sinamsam ni David at dinala sa Jerusalem.
8:8 Marami rin siyang nasamsam na tanso sa Beta at Berotai, mga lunsod ni Hadadezer.
8:9 Nang mabalitaan ni Haring Toi ng Hamat na nilupig ni David ang buong hukbo ni Hadadezer,
8:10 sinugo niya ang kanyang anak na si Joram upang batiin si David, sapagkat si Hadadezer ay matagal nang kaaway ni Toi. Dinalhan siya ni Joram ng mga sisidlang pilak, ginto at tanso.
8:11 Itinalaga niya ito kay Yahweh, kasama ng ginto at pilak na sinamsam niya sa mga bansang kanyang nilupig---
8:12 sa Edom, sa Moab, sa Ammon, sa Filistia at sa Amalec---at bahagi ng kanyang nasamsam kay Hadadezer, anak ni Rehob na hari ng Soba.
8:13 Si David ay lalong natanyag nang mapatay niya ang 18,000 Edomita sa Lambak ng Asin.
8:14 At bago siya bumalik, nagtayo muna siya ng mga himpilan sa buong Edom at naging alipin niya ang lahat ng mamamayan doon. Ganyan pinagtagumpay ng Diyos si David, saanman siya magpunta. ( Mga Pinuno ni David )
8:15 Namahala si David sa buong Israel. Ipinasunod niya ang batas at pinairal ang katarungan.
8:16 Ginawa niyang pinuno ng hukbo si Joab, anak ni Sarvia. Si Josafat namang anak ni Alihud ang kalihim ng pamahalaan.
8:17 Si Sadoc namang anak ni Ahitub at si Ahimelec na anak ni Abiatar ang mga saserdote. Ang tagapagtala at nag-iingat ng lahat ng kasulatan ay si Seraya.
8:18 Ang pinamahala niya sa mga bantay na Kereteo at Peleteo ay si Benaya na anak ni Joiada. Ang mga anak ni David ay itinalaga ring saserdote.
9:1 ( Ang Kagandahang-loob ni David ) "Minsa'y nagtanong si David, 'Mayroon pa bang nalalabi sa sambahayan ni Saul? Ibig kong ipadama sa kanya ang aking pagmamahal alang-alang kay Jonatan.' "
9:2 "Nang buhay pa si Saul, may alipin siyang Siba ang pangalan, kaya't ipinatawag ito ni David. Paglapit ni Siba, tinanong siya ng hari, 'Ikaw ba si Siba?' 'Opo,' tugon niya. "
9:3 '"May nalalaman ka bang buhay sa sambahayan ni Saul? Ibig ko siyang tulungan, ayon sa aking pangako sa Diyos,' wika ng hari. 'Mayroon po. Si Mefiboset na anak po ni Jonatan. Siya po'y isang lumpo,' tugon ni Siba. "
9:4 '"Saan siya naroon?' tanong pa ng hari. 'Nasa Lo-debar po, kapisan ni Maquir na anak ni Amiel,' tugon ni Siba."
9:5 Ipinasundo agad ni David
9:6 "si Mefiboset. Nang maiharap siya kay David, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-galang. 'Ikaw ba si Mefiboset?' tanong ng hari. 'Ako nga po,' tugon naman nito. "
9:7 "Sinabi ni David, 'Ipanatag mo ang iyong loob. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa iyo alang-alang kay Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo.' "
9:8 "Nagpatirapang muli si Mefiboset, at ang wika, 'Sino po ako para pag-ukulan ng pansin? Ako'y isang hamak!' "
9:9 "Tinawag ni David si Siba at sa harapan niya'y sinabi: 'Ibibigay ko sa apo ni Saul ang lahat ng ari-arian niya at ng kanyang sambahayan."
9:10 "Kayo ng iyong mga anak at mga alipin ang magbubungkal ng kanyang lupain. Aalagaan ninyong mabuti upang mag-ani nang sagana at magkaroon ng sapat na pagkain ang sambahayan ng iyong panginoon. Ngunit si Mefiboset ay sa akin sasalo ng pagkain.' (Ang mga anak ni Siba ay labinlima at dalawampu ang kanyang mga alipin.)"
9:11 "Sinabi niya, 'Masusunod pong lahat ang utos ninyo, Kamahalan.' At mula noo'y kasalo na ni David si Mefiboset, parang tunay na anak niya."
9:12 Si Mefiboset ay may bata pang anak na lalaki na ang ngala'y Mica. Mula nga noon, ang buong sambahayan ni Siba ay naglingkod kay Mefiboset.
9:13 Kaya't siya, bagamat lumpo, ay doon tumira sa Jerusalem, kasama ng hari.
10:1 ( Nalupig ang Ammon at Siria ) Hindi nagtagal at namatay ang hari ng mga Ammonita. Ang pumalit dito ay ang anak niyang si Hanun.
10:2 "Sinabi ni David, 'Kakaibiganin ko si Hanun, ang anak ni Nahas, sapagkat kaibigan kong matalik ang kanyang ama.' Kaya't nagsugo siya ng mga kinatawan upang makiramay sa kanya. Ngunit nang dumating ang mga ito,"
10:3 "sinabi ng mga prinsipe ni Hanun, 'Nakatitiyak ba kayo na talagang pinararangalan ni David ang inyong ama sa kanyang pakikiramay sa inyo? Hindi kaya naniniktik lamang ang mga sugong ito para masakop ang lunsod?'"
10:4 Kaya't ipinahuli ni Hanun ang mga sugo ni David, inahit ang kalahati ng kanilang balbas, at ginupit ang kanilang kasuutan hanggang sa pigi, saka pinaalis.
10:5 Nabalitaan ni David ang ginawang paghamak na ito, kaya't ipinasalubong niya ang kanyang mga sugo. Inutusan niyang doon na muna sila sa Jerico, hanggang hindi tumutubo uli ang kanilang balbas.
10:6 Alam ng mga Ammonita na ito'y ikagagalit ni David, kaya't umupa sila ng 20,000 kawal ng Siria buhat sa Betrehob at Soba. Umupa rin sila ng 1,000 tauhan sa pangunguna ng hari ng Maaca, at 12,000 pang taga-Tob.
10:7 Nalaman ito ni David, kaya't pinalabas niya si Joab kasama ang lahat niyang mandirigma.
10:8 Dumating naman ang mga Ammonita at humanay sa pasukan ng lunsod. Samantala, sa labas ng kapatagan naman humanay ang mga kawal ng Siria, kasama ang mga tauhan nina Tob at Maaca.
10:9 Nang makita ni Joab ang mga kaaway sa kanilang harapan at likuran, itinapat niya sa mga kawal ng Siria ang mga piling Israelita.
10:10 Ang iba niyang kawal ay ipinailalim niya sa pamumuno ni Abisai na kanyang kapatid, at iniharap naman sa mga Ammonita.
10:11 "Sinabi ni Joab kay Abisai, 'Kung hindi namin makakaya ang mga kawal ng Siria, tulungan ninyo kami. Kung hindi naman ninyo kaya ang mga Ammonita, kayo ang tutulungan namin."
10:12 "Magpakatapang kayo! Lakasan ninyo ang loob sa paglaban alang-alang sa bayan at sa mga lunsod ng ating Diyos, at mangyari nawa ang kalooban ni Yahweh.'"
10:13 Lumusob sina Joab at nang malapit na sila'y tumakas ang mga kawal ng Siria.
10:14 Pagkakita ng mga Ammonita sa nangyari, umurong na rin sila at pumasok sa lunsod sa takot kay Abisai. Mula sa labanan, si Joab ay nagbalik sa Jerusalem.
10:15 Nagapi ng mga Israelita ang hukbo ng Siria, ngunit ito'y nagbuong muli ng lakas.
10:16 Ipinatawag ni Hadadezer ang kanyang mga tauhan sa silangan ng Ilog Eufrates. Ipinailalim niya ang mga ito kay Sobac at pinahanay sa Elam.
10:17 Umabot agad ito sa kaalaman ni David, kaya't tinipon niya ang buong lakas ng Israel. Tumawid sila ng Ilog Jordan upang harapin ang mga kaaway sa Elam. Humanda naman ang mga kawal ng Siria, at sila'y naglaban.
10:18 Nalupig na naman sila at nagsitakas na tinutugis ng mga Israelita. Ang napatay nina David ay 700 nakakarwahe at 40,000 mangangabayo. Pati si Sobac ay nasugatan nang malubha at namatay sa pook ng labanan.
10:19 Nang makita ng mga haring sakop ni Hadadezer na wala silang kalaban-laban sa Israel, sumuko na sila. Mula noon, hindi na tumulong kailanman ang mga taga-Siria sa mga Ammonita.
11:1 ( Si David at Bat-seba ) Nang magtagsibol, panahong angkop sa digmaan, pinalabas ni David ang buong hukbo ng Israel. Sa pangunguna ni Joab at ng iba pang mga pinuno, pinuksa nila ang mga Ammonita at kinubkob ang Rabba. Si David ay nagpaiwan na sa Jerusalem.
11:2 Isang hapon, natulog si David. Nang siya'y magising, umakyat siya sa bubungan ng palasyo at naglakad-lakad. Mula roon, may natanaw siyang magandang babaing naliligo.
11:3 Ipinagtanong niya kung sino iyon. Sinabi sa kanya na iyo'y si Bat-seba, anak ni Eliam at asawa ng Heteong si Urias.
11:4 Ipinakuha niya si Bat-seba na noo'y katatapos pa lamang ng kanyang paglilinis ayon sa tuntunin para sa mga babaing nireregla. Sinipingan siya ni David, at pinauwi pagkatapos.
11:5 Dahil sa nangyaring ito, si Bat-seba'y naglihi, kaya't ipinasabi niya ito kay David.
11:6 Inutusan agad ni David si Joab na dalhin sa kanya si Urias.
11:7 "Nang dumating ito, tinanong siya ni David, 'Kumusta si Joab at ang hukbo? Ano ang lagay ng labanan?'"
11:8 "Sinabi pa niya kay Urias, 'Umuwi ka na at magpahinga pagkat nanggaling ka sa malayong paglalakbay.' Lumakad na si Urias. Ang hari ay nagpadala pa ng alaala sa tahanan nito."
11:9 Ngunit hindi pala siya nagtuloy sa kanila. Doon na siya natulog sa may tarangkahan ng palasyo, kasama ng mga bantay.
11:10 "Nalaman ito ni David at sinabi niya kay Urias, 'Hindi ba't kararating mo lamang buhat sa isang mahabang paglalakbay? Bakit hindi ka umuwi?' "
11:11 "Sumagot siya, 'Ang Kaban ni Yahweh at ang mga kawal ng Israel at Juda ay nasa mga tolda lamang, at sa labas naman natutulog ang aking panginoong si Joab at ang inyong mga punong-kawal. Sa ganitong kalagayan, hindi po maaatim ng aking kaloobang ako'y umuwi upang magpakaligaya sa piling ng aking asawa. Sa harapan ng Diyos, hindi ko po magagawa iyon.' "
11:12 "Sinabi ni David kay Urias, 'Dumito ka munang isa pang araw at bukas ka na umalis.' Kaya nanatili siya sa Jerusalem nang araw na iyon."
11:13 Kinabukasan, inanyayahan ni David sa pagkain si Urias at ito'y kanyang nilasing. Hindi rin ito umuwi nang gabing iyon, bagkus natulog na kasama rin ng mga bantay.
11:14 Kinabukasan, sumulat si David kay Joab at ipinadala kay Urias.
11:15 "Ganito ang nasasaad: 'Isubo mo si Urias sa mga kaaway na mababangis. Pagkatapos, umurong ka at bayaan mo siyang mapatay.'"
11:16 Nagmanman si Joab sa lunsod na kanilang kinukubkob at sa gawing mababangis ang kaaway, doon nga niya itinapat si Urias.
11:17 Lumabas ang mga kaaway mula sa lunsod, at sinalakay ang mga kawal ni Joab. Napatay ang ilang pinuno ni David, kasama si Urias.
11:18 Ipinadala ni Joab kay David ang ulat tungkol sa labanan.
11:19 "Ngunit ito ang ipinagbilin niya, 'Matapos mong ibalita sa hari ang tungkol sa labanan,"
11:20 maaaring siya'y magalit at itanong, 'Bakit kayo nagpakalapit sa lunsod? Hindi ba ninyo alam na maaari kayong tudlain sa itaas ng muog?
11:21 "Hindi ba ninyo alam ang dahilan ng pagkamatay ni Abimelec na anak ni Jerobaal? Siya'y nabagsakan ng batong gilingan na inihulog ng isang babae mula sa itaas ng muog doon sa Tebez.' Sa ginawa ninyo'y magagalit ang hari! Kung magkagayon, saka mo sabihing napatay rin si Urias.' "
11:22 Lumakad ang sugo at nag-ulat kay David ayon sa sinabi ni Joab.
11:23 "Sinabi niya sa hari, 'Lumabas po ang maraming mga kaaway at nilusob kami, ngunit napaurong namin sila hanggang sa may pasukan ng lunsod."
11:24 "Noon po nila kami tinudla mula sa muog at ilan sa inyong mga pinuno ang napatay. Napatay rin po si Urias.' "
11:25 '"Kung gayon,' wika ni David, 'sabihin mo kay Joab na huwag ikalungkot ang nangyari, pagkat talagang ganyan ang labanan, may napapatay. Ipagpatuloy ninyo ang paglusob hanggang sa mawasak ang lunsod. Sabihin mong huwag masisira ang kanyang loob.' "
11:26 Nang mabalitaan ni Bat-seba na napatay si Urias, siya'y nagluksa. Pagkatapos ng pagluluksa,
11:27 ipinatawag siya ni David at naging asawa nito. Nagkaanak siya ng isang lalaki, ngunit hindi nalugod si Yahweh sa ginawang ito ni David.
12:1 ( Pinagwikaan ni Natan si David ) "Sinugo ni Yahweh kay David si Propeta Natan. Pagdating doon ay sinabi niya, 'Sa isang lunsod ay may dalawang lalaki, mayaman ang isa at ang isa'y dukha."
12:2 Maraming kawan at bakahan ang mayaman,
12:3 samantalang ang dukha ay may isa lamang munting babaing tupa. Inalagaan niya ito at pinalaking kasama ng kanyang mga anak. Pinapangko niya itong parang anak na babae, isinasalo sa pagkain at pinaiinom.
12:4 "Minsan, may manlalakbay na naging panauhin ang mayamang nabanggit. Sa halip na sa kanyang kawan kumuha ng hayop na papatayin, ang kaisa-isang tupa ng dukhang iyon ang kanyang kinuha. At iyon ang inihanda niya para sa kanyang panauhin.' "
12:5 "Napasigaw sa galit si David, 'Naririnig tayo ni Yahweh! Ang taong iyo'y dapat na mamatay!"
12:6 "Kailangang magbayad siya nang apat na ibayo sa kanyang ginawa, sapagkat inapi niya ang dukha.' "
12:7 "Sinabi agad ni Natan kay David, 'Kayo ang lalaking iyon! Ito ang sinabi sa inyo ni Yahweh, ng Diyos ng Israel: 'Itinalaga kitang hari sa Israel, iniligtas kita sa kamay ni Saul,"
12:8 ibinigay ko na rin sa iyo ang sambahayan at mga asawa ng iyong amo pati ang sambahayan nina Israel at Juda. At maibibigay ko sa iyo ang higit pa riyan.
12:9 Bakit mo pinaglaruan ang salita ni Yahweh at gumawa ka nang labag sa kanyang kalooban? Ipinapatay mo na si Urias, kinuha mo pa ang kanyang asawa. Oo, ipinapatay mo ang Heteong iyon sa mga Ammonita upang makuha mo ang asawa niya.
12:10 Yamang ginawa mo ang mga bagay na iyon at ako'y itinakwil mo, tandaan mong laging may mamamatay sa patalim sa iyong sambahayan.'
12:11 Sinabi pa rin ni Yahweh, 'Pagkakagalitin ko ang iyong sambahayan; sa harapan mo'y ibibigay ko sa iba ang iyong mga asawa, at sisipingan sila kahit araw.
12:12 "Ginawa mo ito nang lihim, hayag kitang parurusahan at makikita ng buong Israel.'' "
12:13 "Sinabi ni David kay Natan, 'Tunay akong nagkasala kay Yahweh.' Sumagot si Natan, 'Kung gayo'y pinatatawad ka na niya at hindi ka mamamatay."
12:14 "Gayunman, yamang nilapastangan mo si Yahweh, ang magiging anak mo ang mamamatay.'"
12:15 At umuwi na si Natan. ( Namatay ang Anak ni David )Tulad ng sinabi ni Yahweh, ang anak ni David sa asawa ni Urias ay nagkasakit nang malubha.
12:16 Dumalangin si David para gumaling ang bata. Nagdamit siya ng sako at nag-ayuno, at sa lupa na nahiga nang gabing iyon.
12:17 Lumapit sa kanya ang matatanda sa palasyo at hinimok siyang bumangon, ngunit tumanggi siya. Ayaw rin niyang kumain.
12:18 Pagkalipas ng anim na araw, namatay ang bata. Hindi nila ito masabi kay David, sapagkat iniisip nilang lalo silang hindi pakikinggan nito at bagkus ay gumawa ng marahas na hakbang.
12:19 "Nakita ni David na nagbubulungan ang mga alipin, kaya't naghinala siyang patay na ang bata. 'Patay na ang bata, ano?' tanong niya. 'Patay na nga po,' tugon naman nila. "
12:20 Pagkarinig nito, bumangon si David, naligo at nagbihis. Pumasok siya sa bahay ni Yahweh, nagpatirapa at nanalangin. Pagkatapos, umuwi siya at humingi ng pagkain.
12:21 "Tinanong siya ng kanyang mga tauhan, 'Ano po'ng kahulugan nito? Noong buhay pa ang bata, nag-ayuno kayo at tumangis dahil sa kanya; ngayong patay na, bumangon kayo at kumain!' Sumagot si David,"
12:22 '"Noong buhay pa ang bata, ako'y nag-ayuno at tumangis sa pag-asa kong kahahabagan ako ni Yahweh at pagagalingin ang aking anak."
12:23 "Ngayong patay na siya, bakit pa ako mag-aayuno; maibabalik ko pa ba ang kanyang buhay? Balang araw, susunod ako sa kanya sapagkat hindi na siya makababalik sa akin.' ( Ipinanganak si Solomon )"
12:24 Inaliw ni David si Bat-seba at sinipingan uli. Muli itong nagdalantao at nanganak ng isang lalaki. Solomon ang ipinangalan dito.
12:25 "Palibhasa'y mahal siya ni Yahweh, sinugo niya ang propeta Natan upang sabihing Jedidia ang itawag sa bata; ibig sabihi'y, 'Mahal ni Yahweh.' ( Nakuha ni David ang Rabba )"
12:26 Samantala, ipinagpatuloy ni Joab ang pagsalakay at handa na niyang pasukin ang Rabba, punong lunsod ng mga Ammonita.
12:27 Nagpadala siya ng mga sugo kay David upang ibalita na lumusob na siya sa Rabba at naagaw ang tipunan ng tubig doon.
12:28 "Kaya kailangang pangunahan naman niya ang hukbong panlaan sa pagpasok sa lunsod. 'Pag hindi siya sumama,' wika ni Joab, 'ako ang sasalakay at akin ang karangalan.'"
12:29 Pagkatanggap ng balita, inihanda ni David ang kanyang hukbo, nilusob ang Rabba, at nagtagumpay naman siya.
12:30 Inalisan niya ng korona ang diyus-diyusang si Malcam, at inilagay sa kanyang ulo. May mahahalagang bato ang koronang gintong ito at tumitimbang ng apatnapu't siyam na kilo.{ a} Marami rin siyang samsam na inilabas sa lunsod.
12:31 Binihag niya ang mga mamamayan, at pumili siya sa mga ito ng mga kantero, panday at karpintero, at pilit niyang pinapagtrabaho. Ganito ang ginawa ni David sa lahat ng lunsod ng mga Ammonita bago sila nagbalik sa Jerusalem.
13:1 ( Si Amnon at si Tamar ) May anak na lalaki si David, ang ngala'y Absalom. May napakagandang kapatid itong babae na ang ngalan nama'y Tamar. Tinubuan ng pag-ibig sa kanya si Amnon, isa ring anak na lalaki ni David.
13:2 Dahil sa labis na pag-ibig sa kapatid niyang ito sa ama, para tuloy siyang magkakasakit. Kaya't hindi malaman ang kanyang gagawin. Iniisip niyang mahirap kunin si Tamar sapagkat ito'y dalaga.
13:3 Ngunit may napakatusong pinsan si Amnon na Jonadab ang ngalan. Ito'y pamangkin ni David sa kanyang kapatid na si Simea.
13:4 "Sinabi ni Jonadab kay Amnon, 'Pinsan, tuwing umaga'y napapansin kong matamlay ka, bakit ba?' Ipinagtapat ni Amnon na napakalaki ang pag-ibig niya kay Tamar."
13:5 "Kaya't sinabi ni Jonadab, 'Iyon lang pala. Ganito ang gawin mo. Mahiga ka sa kama at magkunwang may sakit. Pagdalaw ng tatay mo, sabihin mong si Tamar ay papuntahin sa iyo upang magluto ng pagkain mo. Gusto mong makita siyang nagluluto at siya na rin ang magpakain sa iyo.'"
13:6 "Kaya't nahiga nga si Amnon at nagsakit-sakitan. Pagdating ng hari, sinabi niya, 'Sabihin naman ninyo kay Tamar na pumarito, at ipagluto ako ng tinapay. Gusto ko pong makitang siya ang nagluluto, at siya na rin ang magpakain sa akin.' "
13:7 Ipinagbilin nga ni David na magpunta si Tamar sa tirahan ni Amnon upang ipaghanda iyon ng pagkain.
13:8 Nagpunta naman si Tamar at dinatnan niya itong nakahiga. Kumuha siya ng minasang harina at sa harapan ni Amnon, nagluto ng ilang tinapay.
13:9 Inilagay niya ito sa isang plato at inilapit kay Amnon, ngunit ayaw nitong kumain. Inutusan niyang lumabas ang lahat maliban kay Tamar.
13:10 "Pagkatapos, sinabi niya, 'Tamar, dalhin mo rito sa silid ang pagkain at subuan mo ako.' Dinala nga niya sa silid ang pagkain ni Amnon."
13:11 "Nang ito'y idudulot na sa kanya, biglang hinawakan ni Amnon ang kamay ni Tamar at sinabi, 'Sumiping ka sa akin.' "
13:12 '"Huwag, kapatid ko!' sabi ng dalaga. 'Nahihibang ka na ba? Hindi iyan ipinahihintulot sa bayang Israel. Huwag kang mag-isip ng ganyan."
13:13 "Lalabas kang kahiya-hiya. At kung ako'y sumang-ayon, wala akong mukhang ihaharap sa madla. Bakit hindi ka muna magsabi sa hari? Pihong hindi siya tututol na pakasalan mo ako.'"
13:14 Ngunit hindi nakinig si Amnon at bagkus dinaan sa dahas si Tamar.
13:15 "Matapos siyang pagsamantalahan, si Amnon ay namuhi sa kanya, pagkamuhing higit pa kaysa hibang na pag-ibig na dating iniukol niya rito. 'Umalis ka na!' sabi niya kay Tamar. "
13:16 '"Hindi ako aalis!' tugon ng babae. 'Ang pagtataboy mong ito ay higit pa kaysa kalapastanganang ginawa mo sa akin!' Ngunit hindi siya pinansin ni Amnon."
13:17 "Sa halip, inutusan nito ang isang katulong niya, 'Palayasin mo ang babaing iyan at ikandado mo ang pinto pagkatapos!'"
13:18 Pinalabas nga siya ng katulong, at ikinandado ang pinto. Suot noon ni Tamar ang kanyang damit-prinsesa na may mahabang manggas.
13:19 Winahak niya ito at nilagyan ng abo ang kanyang ulo. Pagkatapos, tinakpan ng kanyang mga kamay ang mukha, at umalis na umiiyak.
13:20 "Nakita siya ni Absalom at tinanong, 'May masama bang ginawa sa iyo si Amnon? Kung mayroon ma'y huwag mong pakadibdibin. Siya'y kapatid mo rin kaya't manahimik ka na.' Tigib ng matinding hapis, si Tamar ay nanirahan na sa bahay ni Absalom."
13:21 Galit na galit si Haring David nang mabalitaan ito.
13:22 Si Absalom nama'y suklam na suklam sa ginawang ito ni Amnon at hindi na niya ito kinibo mula noon. ( Gumanti si Absalom )
13:23 Pagkaraan ng dalawang taon, inanyayahan ni Absalom ang lahat ng anak ng hari upang saksihan ang paggugupit sa kanyang mga tupa sa Baal-hazor, malapit sa Efraim.
13:24 Lumapit siya sa hari upang ipaabot ang bagay na ito, at tuloy anyayahan naman siya at ang kanyang mga kagawad.
13:25 '"Huwag na, anak,' wika ng hari. 'Maaabala kang masyado kung dadalo kaming lahat.' Pinilit siya ni Absalom at hindi rin napahinuhod, ngunit siya'y binendisyunan ng hari. "
13:26 "Bago umalis si Absalom, sinabi niya sa hari, 'Kung hindi kayo makadadalo, kahit po si Amnon ay pasamahin na ninyo sa amin.' 'Bakit mo siya ipagsasama?' tanong ng hari."
13:27 Ngunit nagpumilit si Absalom, at sa wakas, pinasama na rin ng hari si Amnon at ang iba pang mga kapatid nito.
13:28 "Naghanda si Absalom ng isang Maharlikang piging. Iniutos niya sa kanyang mga alipin, 'Matyagan ninyo si Amnon at pag lango na, sesenyas ako at patayin ninyo siya. Hindi kayo dapat matakot. Ako ang mananagot nito. Laksan ninyo ang inyong loob at huwag kayong mag-atubili!'"
13:29 Gayon nga ang ginawa ng mga alipin; pinatay nila si Amnon. Kaya't nagdudumaling tumakas ang mga anak ng hari, sakay ng kanilang mga mola.
13:30 Nasa daan pa sila'y may nagbalita na kay David na pinatay ni Absalom ang lahat ng anak niya.
13:31 Kaya't tumayo siya, winahak ang kanyang kasuutan at naglupasay sa lupa. Winahak din ng mga alipin niya ang kanilang damit.
13:32 "Ngunit si Jonadab, ang pamangkin ni David kay Simea, ay lumapit sa hari. Sinabi niya, 'Huwag po kayong maniwala na ang lahat ng prinsipe ay pinatay; si Amnon po lamang! Siya po lamang ang pinag-initan ni Absalom mula nang pagsamantalahan niya si Tamar."
13:33 "Kaya, huwag po kayong maniwala sa balitang iyon; talaga pong si Amnon lamang ang pinatay.' "
13:34 Samantala, si Absalom ay tumakas pagkapatay kay Amnon. Walang anu-ano, ang bantay sa palasyo'y may natanaw na pulutong ng mga taong bumababa sa burol, sa gawi ng Horonaim.
13:35 "Kaya't sinabi ni Jonadab sa hari, 'Dumarating na po ang mga prinsipe, tulad ng sinabi ko sa inyo.'"
13:36 Nag-uusap pa sila'y dumating nga ang mga prinsipe na nananangis. Nanangis na rin ang hari at lahat ng alipin.
13:37 Mahabang panahong nagluksa ang hari dahil sa pagkamatay ni Amnon. Si Absalom nama'y nagtago kina Talmai, anak ng haring Amihud ng Gesur.
13:38 Tatlong taon siyang nagtago roon.
13:39 Sa loob ng panahong iyon, nanabik si David na makita si Absalom yamang patay na rin lamang si Amnon.
14:1 ( Paraan Para Mabalik si Absalom ) Napansin ni Joab, anak ni Sarvia, na ang hari ay nananabik nang makita si Absalom.
14:2 "Kaya't nagpahanap siya sa Tecoa ng isang matalinong babae. Nang dumating ito ay sinabi niya, 'Magsuot ka ng panluksa at magkunwari kang balo. Huwag kang mag-aayos para magmukha kang matagal nang nagluluksa."
14:3 "Pagkatapos, pumunta ka sa hari at sabihin mo sa kanya ang ipagbibilin ko sa iyo.' Matapos nilang mag-usap ni Joab, lumakad na ang babae. "
14:4 "Pagdating sa hari, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-galang. Sinabi niya, 'Mahabag po kayo sa akin, mahal na hari!' "
14:5 '"Bakit? Anong nangyari sa iyo?' tanong ng hari. 'Ako po'y isang balo,"
14:6 may dalawa akong anak na lalaki. Minsan po'y nag- away sila sa bukid. Walang umawat sa kanila, kaya't napatay ang isa.
14:7 "Dahil doon, pinuntahan ako ng mga kamag-anak ng aking asawa. Galit na galit po sila at pilit na kinukuha ang anak kong buhay upang patayin din dahil sa pagkapatay nito sa kanyang kapatid. Kung magkagayon, mawawala na ang nalalabing pag-asa ko sa buhay, at mapuputol ang lahi ng aking asawa.' "
14:8 "Sinabi ng hari, 'Umuwi ka na't ako na ang bahala.' "
14:9 "Ngunit sinabi ng babae, 'Mahal na hari, anuman po ang inyong maging pasiya, kami rin ang dapat sisihin. Wala po kayong dapat panagutan.' "
14:10 "Sinabi ng hari, 'Kapag may bumanggit pa nito sa iyo, iharap mo sa akin para wala nang gumambala sa iyo.' "
14:11 '"Kung gayon po,' wika ng babae, 'tulungan ninyo akong dumalangin kay Yahweh na inyong Diyos upang huwag na nilang paghigantihan ang aking anak.' Sumumpa ang hari, 'Nakatunghay sa atin si Yahweh, hindi maaano ang anak mo.'{ a} "
14:12 '"Isa pa pong kahilingan kung maaari, Kamahalan,' patuloy ng babae. 'Sabihin mo,' tugon ng hari."
14:13 "At nagsalaysay ang babae. 'Bakit po naman naisipan ninyong gawin ang gayong pinsala sa bayan ng Diyos? Sa inyo na rin pong bibig nagbuhat ang hatol sa iyong Kamahalan sa hindi ninyo pagpapabalik sa inyong anak na inyong ipinatapon!"
14:14 Mamamatay tayong lahat at matutulad sa tubig na matapos matapon, hindi na mapupulot. Kung hindi man ibinabalik ng Diyos ang buhay ng isang patay, ginagawan naman niya ng paraang mabalik ang isang ipinatapon.
14:15 Sinabi ko po ito sa inyo dahil sa pagbabanta sa akin ng mga tao. Inisip ko pong kung ito'y ipagtapat ko sa inyo, maaaring dinggin ninyo ako at tulungan.
14:16 Sa gayon, maliligtas ako at ang aking anak sa mga nagtatangka sa aming buhay at naghahangad na kami'y alisin sa Israel, ang bayan ng Diyos.
14:17 "Iniisip ko rin po na ang salita ninyo ay makapagdudulot sa akin ng kapanatagan pagkat tulad kayo ng anghel ng Diyos na nakababatid ng matuwid at hindi. Sumainyo nawa si Yahweh!' "
14:18 "Sinabi ng hari, 'Tatanungin kita. Magsabi ka ng totoo.' 'Opo, Kamahalan,' wika niya. "
14:19 '"May kinalaman ba si Joab sa ginagawa mong ito?' tanong ng hari. 'Mayroon nga po,' tugon niya. 'Totoo pong ang lingkod ninyong si Joab ang nag-utos nito sa akin. Siya pong kumatha ng lahat ng sinasabi ko."
14:20 "Ginawa po niya ito upang ipaalaala sa inyo ang katayuan ng inyong anak. Ngunit kayo, Kamahalan, ay sindunong ng anghel ng Diyos, at alam ninyo ang lahat ng nangyayari sa bansa.' "
14:21 "Dahil sa ginawang ito, tinawag ng hari si Joab at sinabi, 'Pinahihintulutan kitang kaunin mo si Absalom.' "
14:22 "Buong pagpapakumbabang nagpatirapa si Joab, at nang mabasbasan, sinabi niya, 'Ngayon ko po natiyak ang kagandahang-loob ng inyong Kamahalan, pagkat pinagbigyan ninyo ako sa aking kahilingan.' At siya'y nagpaalam."
14:23 Nagpunta agad si Joab sa Gesur at isinama sa Jerusalem si Absalom.
14:24 Ngunit hindi pinahintulutan ng hari na iharap sa kanya ito, kaya't doon na siya nagtuloy sa sariling tahanan.
14:25 Walang lalaki sa Israel na hinahangaan sa kisig tulad ni Absalom; walang maipintas sa kanya mula ulo hanggang paa.
14:26 Buhok na buhok lamang nito na minsan lamang gupitin sa loob ng isang taon ay tumitimbang na ng mahigit na tatlong kilo.
14:27 Siya'y may anak na tatlong lalaki at isang napakagandang dalaga na Tamar ang ngalan.
14:28 Si Absalom ay dalawang taong singkad na nanatili sa Jerusalem, ngunit hindi nakipagkita sa hari.
14:29 Minsa'y ipinatawag niya si Joab upang suguin sa hari, ngunit hindi ito pumayag. Ipinatawag niya uli ito, ngunit hindi rin siya sinunod.
14:30 "Kaya't sinabi ni Absalom sa kanyang mga alipin, 'Alam ninyong may karatig akong bukid ni Joab na may tanim na batad. Puntahan ninyo ito at sunugin.' Sinunog nga ng mga alipin ang bukid na iyon. "
14:31 "Nagpunta agad si Joab kay Absalom at sinabi, 'Bakit sinunog ng mga alipin mo ang aking bukid?' "
14:32 "Sumagot si Absalom, 'Dalawang beses kitang pinakiusapang dalhin sa hari ang aking kahilingan sa kanya, ngunit hindi mo ako pinansin. Bakit mo pa ako kinuha sa Gesur? Mabuti pang hindi na ako umalis doon! Dalhin mo ako sa hari ngayon at kung ako'y may kasalanan, handa akong mamatay.'"
14:33 Nang marinig niya ito, nagpunta si Joab sa hari at matapos nilang mag-usap, si Absalom ay ipinatawag. Humarap naman ito sa hari at buong pagpapakumbabang nagbigay-galang. At hinagkan siya ng hari.
15:1 ( Nag-alsa si Absalom Laban kay David ) Nang makabalik na si Absalom, siya'y naghanda ng sariling karwahe, mga kabayo at limampung tauhan.
15:2 Kinaugalian na niya ang bumangong maaga at tumayo sa tabi ng daang papasok sa lunsod. Ang bawat dumaang may dalang usapin sa hari ay tinatanong niya kung tagasaan. Pag ang sagot ay buhat sa alinmang lipi ng Israel,
15:3 "sinasabi agad ni Absalom, 'May katwiran ka sa usapin mo, wala nga lamang iintindi sa iyo roon.'"
15:4 "At idurugtong pa niya ang ganito: 'Kung ako ay hukom ng bansa, tatanggapin ko ang bawat kasong dadalhin sa akin ng sinuman, at bibigyan ko siya ng katarungan.'"
15:5 Ang bawat lumapit upang magbigay-galang sa kanya, ay agad niyang hinahawakan at hinahagkan.
15:6 Ganito ang laging ginagawa ni Absalom sa mga Israelitang humihingi ng katarungan sa hari, kaya't napalapit siya sa puso ng mga ito.
15:7 "Lumipas ang apat na taon at sinabi ni Absalom sa hari, 'Pahintulutan ninyong magpunta ako sa Hebron upang tupdin ko ang aking panata kay Yahweh."
15:8 "Nang nakatira pa ako sa Gesur ng Aram ay nangako ako nang ganito: 'Kung loloobin ni Yahweh na ako'y makabalik sa Jerusalem, pupunta ako sa Hebron at sasamba sa kanya.''"
15:9 "Sinabi ng hari, 'Oo, pinahihintulutan kita.' At si Absalom ay naghanda agad ng pagpunta sa Hebron."
15:10 "Ngunit bago lumakad, siya'y lihim na nagpasugo sa lahat ng angkan ng Israel, at ito ang ipinasabi: 'Kung marinig ninyo ang tunog ng trompeta, isigaw ninyo: 'Si Absalom ang hari sa Hebron!''"
15:11 Buhat sa Jerusalem, nagsama siya ng 200 lalaki ngunit ang mga ito'y walang nalalaman tungkol sa balak niya.
15:12 Pagdating sa Gilo, si Absalom ay naghandog. Samantalang ginagawa niya ito, ipinatawag niya si Ahitofel na isang Gilonita at tagapayo ni David. Dumami ang mga kasabwat na tagahanga ni Absalom, anupat ang kilusan ay lumakas nang lumakas.
15:13 Dumating kay David ang balitang si Absalom na ang kinikilalang hari ng Israel.
15:14 "Sinabi niya sa mga kasama, 'Mabuti pa'y umalis tayo sa Jerusalem. Kung hindi, nanganganib tayo kay Absalom. Magmadali tayo't baka abutin niya! Kapahamakan ang sasapitin natin, pagkat wala siyang igagalang isa man sa lunsod!' "
15:15 "Lahat ay sumang-ayon. 'Handa po kaming sumunod sa inyo,' wika nila."
15:16 Kaya't umalis agad si David, kasama ang lahat sa palasyo maliban sa sampung aliping asawa. Iniwan niya ang mga ito upang mamahala sa palasyo.
15:17 Pagsapit nila sa kahuli-hulihang bahay sa lunsod, sila'y huminto.
15:18 Tumayo sa tabi ng hari ang kanyang mga alipin habang minamasdan niya ang dumaraang mga pangkat na sumusunod sa kanila. Ang mga ito'y binubuo ng mga bantay na Kereteo, Peleteo at 600 na pinangungunahan ni Itai.
15:19 "Nang makita ng hari si Itai, tinawag ito at sinabi, 'Kasama ka rin pala! Mabuti pa'y bumalik ka na sa Jerusalem at hintayin mo roon ang bagong hari. Ikaw ay dayuhan lamang na ipinatapon dito ng inyong bansa."
15:20 "Kahapon ka lamang dumating, at di ka dapat sumama sa paglalagalag na itong hindi ko alam kung saan hahantong. Isama mo ang iyong mga kababayan at bumalik na kayo. Nawa'y si Yahweh ang maging matatag at tapat mong kaibigan.' "
15:21 "Ngunit sinabi ni Itai, 'Kamahalan, isinusumpa ko sa ngalan ni Yahweh, sasama kami sa inyo saan man kayo pumaroon kahit ito'y aming ikamatay.' "
15:22 "Sinabi ni David, 'Mabuti! Kung gayon, magpatuloy ka.' Nagpatuloy nga siya, kasama ang mga tauhan at ang kanilang mga angkan."
15:23 Nanangis ang taong bayan samantalang umaalis ang hari at ang kanyang mga tauhan. Tumawid sila ng Batis ng Cedron at nagtuloy sa ilang.
15:24 Kasama rin nila si Saserdote Sadoc at lahat ng Levitang nagdadala ng Kaban ng Tipan. Ibinaba muna nila ito hanggang makalabas ng lunsod ang mga tao. Kasama rin nila ang Saserdote Abiatar.
15:25 "Tinawag ng hari si Sadoc at sinabi, 'Ibalik mo na sa lunsod ang Kaban ng Tipan. Kung ako'y nakalulugod sa Diyos, ibabalik niya ako at makikita kong muli ang Kaban sa pinaglagyan nito."
15:26 "Kung ako nama'y hindi na kinalulugdan, mangyari sa akin ang kanyang kalooban.'"
15:27 "Sinabi ng hari kay Sadoc, 'Bumalik kayo ni Abiatar at isama ninyo ang anak niyang si Jonatan at ang anak mong si Ahimaaz. Mag-iingat kayo!"
15:28 "Dito muna ako sa ilang, sa tabi ng batis at maghihintay ako ng iyong balita.'"
15:29 Ang Kaban ng Tipan ay ibinalik nga nina Sadoc at Abiatar sa Jerusalem, at doon na muna sila nanatili.
15:30 Si David ay umiiyak na umahon sa Bundok ng mga Olibo. Wala siyang sandalyas at nakatalukbong, tanda ng kalungkutan. Lahat ng kasama niya'y nakatalukbong at umiiyak ding umahon.
15:31 "May nagbalita sa hari na si Ahitofel ay kabilang sa mga kasabwat ni Absalom, kaya't nanalangin siya, 'Yahweh, sana'y biguin ninyo ang mga pagpapayo ni Ahitofel.' "
15:32 Nang sumapit siya sa taluktok ng bundok, sa lugar na sinasamba si Yahweh, sinalubong siya ni Cusai na Arquita. Sira-sira ang damit nito at puno ng alikabok ang ulo.
15:33 "Sinabi ni David, 'Kung sasama ka, isa ka pang magiging pasanin ko."
15:34 Ngunit may malaki kang maitutulong sa akin: Bumalik ka sa lunsod, at pagdating ni Absalom sabihin mo sa kanyang maglilingkod ka sa kanya tulad ng ginawa mo sa akin. Ngunit lagi mong sasalansangin ang payo sa kanya ni Ahitofel.
15:35 Dalawang saserdote ang kasama mo roon, sina Sadoc at Abiatar. Lahat ng iyong marinig sa palasyo'y sabihin mo agad sa kanila.
15:36 "Si Ahimaaz na anak ni Sadoc at si Jonatan na anak naman ni Abiatar ay kasama nila roon. Ang dalawang ito ang gawin mong tagapaghatid sa akin ng anumang balita.'"
15:37 At si Cusai, ang kaibigan ni David, ay nagpunta nga sa lunsod. Siya namang pagpasok noon ni Absalom sa Jerusalem.
16:1 ( Tinulungan ni Siba si David ) Si David ay pababa na noon sa bundok nang sa di kalayua'y nasalubong niya si Siba, ang alipin ni Mefiboset. Ito'y may akay na dalawang asno na may kargang 200 pirasong tinapay, 100 kumpol ng pasas, 100 buwig ng sariwang prutas, at isang sisidlang katad na puno ng alak.
16:2 '"Ano'ng kahulugan nito, Siba?' tanong ng hari. Sumagot si Siba, 'Ang dalawang asno ay para sakyan ng inyong sambahayan, ang tinapay at ubas ay pagkain ng inyong mga alipin, at ang alak po nama'y para sa sinumang manghihina sa ilang.' "
16:3 '"Saan naroon ang anak ng iyong among si Saul?' tanong ng hari. 'Nasa Jerusalem po,' tugon ni Siba, 'sapagkat ang paniwala po niya'y ibibigay na sa kanya ang kaharian ng kanyang ama.' "
16:4 "Sinabi ng hari, 'Siba, ang lahat ng ari-arian ni Mefiboset ay magiging iyo.' Sumagot si Siba, 'Pag-utusan po ninyo ang inyong lingkod; maging karapat-dapat sana ako sa inyong pagtitiwala.' ( Tinungayaw ni Simei si David )"
16:5 Nang papalapit na sa Bahurim si Haring David, isang kamag-anak ni Saul ang lumabas sa lansangan na nagtutungayaw. Ito'y si Simei na anak ni Gera.
16:6 Binabato niya si David at ang mga kasama nito, maging alipin o kawal.
16:7 "Ganito ang kanyang isinisigaw: 'Lumayas ka! Lumayas ka! Ikaw na tampalasa't uhaw sa dugo!"
16:8 "Naghiganti na sa iyo si Yahweh dahil sa pagpatay sa sambahayan ni Saul at pag-agaw sa kanyang trono. Ibinigay na kay Absalom ang kanyang kaharian. Ikaw na mamamatay-tao! Sa wakas, siningil ka rin sa iyong pagkakautang!' "
16:9 "Sinabi ni Abisai, 'Mahal na hari, diyata't pinahihintulutan ninyong lapastanganin ng hampaslupang ito ang inyong kamahalan? Ipahintulot po ninyong tagpasin ko ang kanyang ulo.' "
16:10 "Ngunit sinabi ng hari, 'Huwag kang makialam sa bagay na ito Abisai; ako ang magpapasiya nito. Kung iniutos ni Yahweh na sumpain si David, ano'ng karapatan nating sumaway?'"
16:11 "Sinabi ni David kay Abisai at sa lahat niyang lingkod, 'Kung ang anak ko mismo ay nagtatangka sa aking buhay, hindi dapat pagtakhan ngayon kung mag-isip ng ganyan ang Benjaminitang ito. Bayaan ninyo siyang magtungayaw at sumpain ako. Ano'ng malay natin baka ito'y utos ni Yahweh sa kanya!"
16:12 "Baka naman kahabagan ako ni Yahweh sa kalagayang ito, at pagpalain ako sa halip na sumpain.'"
16:13 Patuloy sa paglakad sina David at ang kanyang mga tauhan, samantalang sa gilid ng burol, sa tapat nila'y sumasabay si Simei. Hindi ito tumitigil ng panunungayaw, pambabato, at pagsasaboy ng alikabok sa dakong kinaroroonan nila sa kapatagan.
16:14 Sa wakas, silang lahat ay sumapit sa Jordan; dumating silang pagod na pagod, kaya nagpahinga muna sila roon. ( Pumasok si Absalom sa Jerusalem )
16:15 Di nagluwat at dumating nga sa Jerusalem si Absalom na kasama ni Ahitofel at lahat ng Israelita.
16:16 "Nang magtagpo si Absalom at ang kaibigan ni David na si Cusai, sumigaw ito, 'Mabuhay ang hari! Mabuhay ang hari!' "
16:17 '"Ito ba ang pagpapahayag ng iyong pagtatapat sa kaibigan mo?' tanong ni Absalom. 'Bakit hindi ka sumama sa iyong hari?' "
16:18 "Sumagot si Cusai, 'Hindi po ako sumama sa kanya, sapagkat ang nais kong paglingkuran ay ang haring pinili ni Yahweh, ng mga tao, at ng bansang Israel."
16:19 "Hindi ba marapat na paglingkuran ko ang anak ng aking panginoon? Paglilingkuran ko po kayo tulad nang pagkapaglingkod ko sa inyong ama.' "
16:20 "Tinawag ni Absalom si Ahitofel at sinabi: 'Ano ba ang mabuting gawin natin?' "
16:21 '"Ganito ang gawin mo,' wika ni Ahitofel, 'Sipingan mo ang mga aliping-asawa ng iyong ama na iniwan niya sa palasyo. Sa gayon, mababalita sa Israel na kinalaban mo ang iyong ama, at lalong lalakas ang loob ng mga nagtataguyod sa iyo.'"
16:22 Kaya't nagtayo sila ng tolda sa itaas ng palasyo upang makita ng buong Israel ang pagsiping ni Absalom sa mga aliping-asawa ng kanyang ama.
16:23 Noong panahong iyon, ang mga payo ni Ahitofel ay ipinalalagay na parang salita ng Diyos. Maging sina David at Absalom ay sumusunod sa kanyang mga payo.
17:1 ( Nalinlang ni Cusai si Absalom ) "Sinabi ni Ahitofel kay Absalom, 'Papiliin mo ako ng 12,000 lalaki at ngayong gabi tutugisin namin si David."
17:2 Aabutin ko siyang pagod at lupaypay, at sa takot ng kanyang mga kasama, pihong iiwan siyang mag-isa. Siya lamang ang aking papatayin.
17:3 "Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng tao, gaya ng isang babaing ikakasal sa naghihintay niyang mapapangasawa. Iisang tao lamang ang nais mong mamatay, kaya't ang iba ay di ko sasaktan.'"
17:4 Nasiyahan si Absalom at ang matatanda sa Israel sa payo ni Ahitofel.
17:5 "Ngunit sinabi ni Absalom, 'Tanungin muna natin si Cusai na Arquita kung ano ang kanyang maipapayo tungkol sa bagay na ito.'"
17:6 "Pagdating ni Cusai, sinabi niya rito: 'Ganito't ganito ang payo ni Ahitofel. Susundin ba natin siya? At kung hindi, ano ang masasabi mo?' "
17:7 "Sinabi naman ni Cusai kay Absalom, 'Sa ngayon, ang balak ni Ahitofel ay hindi dapat sundin."
17:8 Hindi mo ba alam na ang mga tauhan ng iyong ama'y mga sanay na mandirigma? Mabangis silang tulad ng inahing osong nawala ang anak. Sa talino ng iyong ama'y hindi iyon matutulog na kasama ng karamihan.
17:9 Malamang siya ngayo'y natutulog sa isang hukay o lihim na kublihan. At kung sa simula pa'y may masawi kang mga tauhan, pihong ang sinumang makabalita ay ganito ang sasabihin: 'Nasawi ang mga tauhan ni Absalom.'
17:10 Matapang ma't may pusong-leon ay matatakot din, sapagkat alam ng buong Israel na bantog na mandirigma ang iyong ama, at hindi umuurong sa labanan ang mga tauhan niya.
17:11 Ganito ang payo ko: 'Hintayin mo munang ang mga Israelita mula sa Dan hanggang Beer-seba ay matipong lahat; napakarami ang mga iyon. Pagkatapos, pangunahan mo sila sa pagsalakay.
17:12 Hahabulin natin ang mga kaaway saanman sila naroon. Daragsa tayo sa kanila na parang hamog na pumapatak sa lupa, at wala isa man sa kanilang sambahayan at mga tauhan ang matitirang buhay.
17:13 "Kung siya'y uurong sa isang lunsod, ating iguguho ang lunsod na iyon at itatambak sa bangin upang wala ni kapirasong bato na matira roon.' "
17:14 "Pagkarinig niyon, sinabi ni Absalom at ng buong Israel: 'Mas mabuti ang payo ni Cusai na Arquita kaysa payo ni Ahitofel.' Gayon nga ang nangyari, sapagkat si Yahweh ang nagpasiya niyon para biguin ang payo ni Ahitofel upang mapahamak si Absalom. ( Nakatakas si David )"
17:15 Pagkatapos, sinabi ni Cusai sa dalawang saserdoteng sina Sadoc at Abiatar ang payo ni Ahitofel kay Absalom at sa matatanda. Matapos ipagtapat ang lahat,
17:16 "sinabi niya, 'Babalaan ninyo agad si David na huwag matutulog ngayong gabi sa may batis sa ilang. Patawirin siya sa ibayo ng Jordan bago mahuli ang lahat, baka mapahamak siya at ang mga tao!' "
17:17 Para walang makakita sa kanila, sina Jonatan at Ahimaaz ay hindi na pumasok ng lunsod; doon na lamang sila naghintay sa En-rogel. Ang anumang balita para kay David ay dinadala sa kanila ng isang aliping babae.
17:18 Ngunit may binatilyo palang nakakita sa kanila at ito ang nagsumbong kay Absalom. Nang malaman nila ito, umalis agad ang dalawa at nagtago sa Bahurim. Lumusong sila sa balon sa loob ng bakuran ng isang tagaroon.
17:19 Tinakpan agad ng asawa nito ang balon at kinalatan ng trigo ang ibabaw niyon upang hindi paghinalaang may nagtatago roon.
17:20 "Dumating ang mga alipin ni Absalom at nagtanong sa babae, 'Saan naroon sina Ahimaaz at Jonatan?' 'Tumawid na sila sa batisan,' tugon ng babae. 'Ginalugad nila ang dakong iyon, at nang walang makita, nagbalik na sila sa Jerusalem."
17:21 "Pagkaalis ng mga alipin, umahon sa balon ang dalawa. Nagpunta agad sila kay David at ipinagtapat ang masamang binabalak ni Ahitofel. Pagkatapos, sinabi nila, 'Tumawid kayo agad ng ilog.'"
17:22 Tumawid nga si David at ang buo niyang pangkat, at nang sumapit ang umaga, wala isa mang naiwan sa kabila ng Jordan.
17:23 Nang malaman ni Ahitofel na hindi sinunod ang kanyang payo, umuwi agad siyang sakay ng asno. Matapos mag-iwan ng huling habilin sa mga kasambahay, siya'y nagpatiwakal. Doon siya inilibing sa pinaglibingan sa kanyang ama. ( Dumating si David sa Mahanaim )
17:24 Nasa Mahanaim na si David nang tumawid sa Jordan sina Absalom at mga kasamang Israelita.
17:25 Sa halip ni Joab, si Amasa ang ginawa ni Absalom na pangkalahatang puno ng hukbo. Si Amasa'y anak kay Abigail ni Itra, isang lalaking Ismaelita. Si Abigail naman ay anak ni Nahas, kapatid ni Sarvia na ina ni Joab.
17:26 Ang mga Israelita at si Absalom ay doon nagkampo sa Galaad.
17:27 Pagdating sa Mahanaim, si David ay sinalubong ni Sobi, anak ni Nahas na Ammonitang taga-Rabba. Kasama ni Sobi si Maquir, anak ni Amiel na taga-Lo-debar at si Barzilai, isang Galaaditang taga-Rogelim.
17:28 May dala silang mga banig, kumot, mangkok at banga. May dala rin silang trigo, sebada, harina, mga butil na sinangag, gulayin,
17:29 pulut-pukyutan, keso at mga tupa. Ipinagkaloob nila ito kina David at mga kasama upang may makain sila, pagkat alam nilang ang mga ito'y pagod na pagod at nagdanas ng gutom at uhaw doon sa ilang.
18:1 ( Napatay si Absalom ) Tinipon ni David ang lahat ng kapanig niya at pinagpangkat-pangkat. Naglagay siya ng mga pinuno sa mga pangkat na tig-1,000 at tig-100.
18:2 Pinagtatlo niya ang buong hukbo; ang unang pangkat ay pinamunuan ni Joab, ang pangalawa ay pinamunuan ni Abisai at ang ikatlo'y ibinigay naman kay Itai na Geteo. Ipinahayag ng hari na lalabas siyang kasama ng hukbo sa pakikibaka.
18:3 "Ngunit tumutol ang mga tao at ang sabi, 'Kung kami po'y malupig at mapilitang tumakas, yao'y walang gasinong halaga sa kaaway---kahit pa mapatay ang kalahati namin. Ngunit ang katumbas ninyo'y 10,000 kawal, kaya't doon na po kayo sa lunsod, padalhan na lamang ninyo kami ng tulong.' "
18:4 '"Kung ano ang inaakala ninyong makabubuti, iyon ang aking gagawin,' tugon ng hari. Tumayo na lamang siya sa may pintuang pasukan habang dumaraan ang kanyang mga kawal."
18:5 "Ito ang utos niya kina Joab, Abisai at Itai: 'Alang-alang sa aki'y huwag ninyong sasaktan si Absalom.' Narinig ng buong hukbo ang utos na ibinigay ng hari sa lahat ng pinuno. "
18:6 Hinarap ng hukbo ni David ang mga Israelita at naglaban sila sa kagubatan ng Efraim.
18:7 Nalupig nila ang mga iyon at 20,000 kawal ang napatay nang araw na iyon. Ang labanang ito'y
18:8 lumaganap at umabot hanggang sa mga kabukiran. Nang araw na iyon, marami pa ang namatay sa kagubatan kaysa namatay sa tabak.
18:9 Natagpuan ng ilang kawal ni David si Absalom. Nakita nila itong nakasakay sa mola, at pagdaraan sa ilalim ng isang malaking puno ng encina, nasabit ang ulo nito sa mga sanga. Siya'y napabitin at naiwan ng mola.
18:10 "Isa sa mga nakakita nito ang nagsabi kay Joab, 'Nakita ko si Absalom na nakabitin sa puno ng encina.' "
18:11 "Pagkarinig nito'y sinabi ni Joab sa lalaki, 'Diyata't nakita mong nakabitin! Bakit hindi mo pa siya tinapos doon? Sana'y nakatanggap ka sa akin ng sampung pirasong pilak at isa pang sinturon.' "
18:12 "Sumagot ang lalaki, 'Kahit na po hustuhin pa ninyong 1,000 pirasong pilak, hindi ko masasaktan ang anak ng hari. Narinig po naming lahat ang iniutos sa inyo at kina Abisai at Itai na huwag sasaktan si Absalom."
18:13 "Kung siya'y pinagbuhatan ko ng kamay at namatay, malalaman po iyon ng hari at hindi kayo ang mananagot sa nangyari.' "
18:14 '"Hindi na kita pag-aaksayahan ng panahon,' sabi ni Joab. Pumili siya ng tatlong sibat at isa-isang itinusok sa dibdib ni Absalom na noo'y buhay pang nakabitin sa puno."
18:15 Sampung tauhan ni Joab ang pumaligid kay Absalom at inutas ito.
18:16 Hinipan ni Joab ang trompeta at ang buong hukbong tumutugis sa mga Israelita ay umurong na at nagbalik.
18:17 Kinuha nila ang bangkay ni Absalom, inihulog sa isang malaking hukay sa kagubatan at tinabunan ng malaking bato. Tumakas naman at umuwi na ang lahat ng Israelita.
18:18 Noong nabubuhay pa si Absalom, nagpatayo siya ng isang bantayog sa Lambak ng Hari. Ginawa niya ito bilang alaala, sapagkat wala siyang anak na lalaking magdadala ng kanyang pangalan. Isinunod niya sa kanyang pangalan ang bantayog na iyon, at hanggang ngayo'y nakikilala sa taguring Bantayog ni Absalom. ( Ibinalita kay David ang Pagkamatay ni Absalom )
18:19 "Sinabi ni Ahimaaz na anak ni Sadoc, 'Kailangang ibalita ko agad sa hari na siya'y nailigtas na ni Yahweh sa kanyang mga kaaway.' "
18:20 "Ngunit sinabi ni Joab, 'Huwag mong gagawin iyan sa araw na ito. Magpaibang araw ka sapagkat patay ang anak ng hari.'"
18:21 At inutusan niya ang isang aliping Cusita para ibalita kay David ang nangyari. Nagbigay-galang muna ito kay Joab, bago patakbong umalis.
18:22 "Nagsumamo kay Joab si Ahimaaz: 'Anuman po ang mangyari'y pahintulutan ninyong sundan ko ang Cusita.' 'Bakit, anak ko?' tanong ni Joab. 'Wala kang mapapala sa pagbabalita mo.' "
18:23 '"Kahit po anong mangyari, basta't pahintulutan ninyo ako,' wika niya. 'Kung gayon, lumakad ka,' wika ni Joab. Si Ahimaaz ay tumakbo at tinahak na ang Lambak ng Jordan at naunahan pa niya ang Cusitang iyon. "
18:24 Nakaupo noon si David sa pagitan ng pintuang panlabas at pintuang panloob ng lunsod. Umakyat naman sa bantayan ng muog ang isang taliba. Pagtanaw niya'y may nakita siyang isang lalaking tumatakbong palapit.
18:25 "Tinawag niya ang pansin ng hari tungkol sa kanyang nakita. Wika ng hari, 'Kung nag-iisa, pihong may dalang mabuting balita.' "
18:26 "Samantala, ang taliba ay may nakitang isa pang lalaking tumatakbong papalapit din. Kaya't tinawag niya ang bantay-pinto at sinabi, 'Tingnan mo, may isa pang tumatakbo sa hulihan!' Sinabi ng hari, 'Pihong mabuti ring balita ang dala niya.' "
18:27 '"Sa anyo ng pagtakbo,' wika ng taliba, 'ang nauunang iyon ay si Ahimaaz na anak ni Sadoc.' 'Aba! Mabuting bata iyan,' wika ng hari, 'siya ang magtatamo ng gantimpala dahil sa balitang dala niya.' "
18:28 "Nauna ngang dumating si Ahimaaz. Yumukod siya sa harapan ng hari at ang wika, 'Mabuti po ang lahat! Dakila si Yahweh, ang Diyos na nagpasuko sa mga taong naghimagsik laban sa inyong kamahalan!' "
18:29 '"Kumusta si Absalom?' tanong ng hari. 'Kamahalan, sinugo po ako ng inyong lingkod na si Joab,' wika ni Ahimaaz, 'at noon pong umalis ako, nagkakagulo sila at di ko po alam ang dahilan.' "
18:30 "Sinabi sa kanya ng hari, 'Diyan ka muna tumayo sa isang tabi,' at gayon nga ang ginawa ni Ahimaaz. "
18:31 "Dumating naman ang Cusita at ganito ang sabi: 'Mabuting balita, inyong kamahalan! Ngayong araw na ito'y iniligtas kayo ni Yahweh sa lahat ng naghimagsik laban sa inyo.' "
18:32 '"Kumusta si Absalom?' tanong ng hari. 'Sana'y sapitin ng lahat ng kaaway ng hari at lahat ng naghahangad manakit sa inyo ang sinapit ni Absalom!' "
18:33 "Sa balitang ito'y naghinagpis ang hari. Umakyat siya sa isang silid sa itaas ng pintuan ng lunsod at nanangis nang gayon na lamang. Wika niya, 'Absalom! Absalom, anak ko! Bakit kaya hindi pa ako, sa halip na ikaw ang namatay?'"
19:1 ( Pinagsabihan ni Joab si Haring David ) May nagbalita kay Joab na ang hari'y nananangis at nagluluksa sa pagkamatay ni Absalom,
19:2 kaya't nauwi sa pagluluksa ang tagumpay ng hukbo. Nabalitaan ng mga tao na labis na dinamdam ng hari ang nangyari sa kanyang anak,
19:3 kaya't lihim silang pumasok sa lunsod, para silang mga kawal na nahihiyang pakita sa madla dahil sa pagkatalo sa labanan.
19:4 "Tinakpan ng hari ang kanyang mukha at malakas na nanangis, 'Absalom, anak ko! O Absalom, anak ko!' "
19:5 "Pumasok si Joab sa silid at sinabi sa hari, 'Sa araw na ito, inilagay ninyo sa kahihiyan ang inyong mga lingkod na nagligtas sa inyo, sa inyong mga anak, mga asawa at aliping asawa."
19:6 Ang namumuhi sa inyo ang inyong inibig at ang winalang-halaga ay ang mga nagmamalasakit sa inyo. Kaming inyong mga pinuno at mga kawal ay hindi na ninyo inintindi. Matamis pa yata sa inyo ang kami ay masawing lahat, basta't buhay lamang si Absalom.
19:7 "Kaya, lumakad kayo ngayon din at harapin ninyo ang inyong mga tauhan at kilanlin ang kanilang pagkapaglingkod. Kung hindi, isinusumpa ko sa ngalan ni Yahweh; sa gabi ring ito'y wala isa mang kawal na mananatili sa inyo. Kung magkagayon, iyan ang pinakamalaking kapahamakan na maaaring maranasan ninyo.'"
19:8 Dahil dito, tumayo ang hari at naupo sa may pintuan ng lunsod. Nang malaman ito ng mga kawal, sila'y nagsilapit sa kanya. ( Nagbalik si David sa Jerusalem )Samantala nagkawatak-watak ang mga Israelita at nag-uwian sa kani-kanila.
19:9 "At ganito ang naging usapan sa buong lupain: 'Iniligtas tayo ni Haring David sa lahat nating kaaway, at pinalaya sa mga Filisteo. Ngunit dahil kay Absalom, napilitan siyang umalis."
19:10 "Kinilala nating hari si Absalom, ngunit siya'y napatay sa labanan. Bakit hindi pa natin pabalikin ang dati nating hari?' "
19:11 "Ang usapang ito'y kumalat sa buong Israel, at umabot sa pandinig ni David. Kaya't sinugo niya ang mga saserdote Sadoc at Abiatar upang sabihin sa mga matatanda sa Juda: 'Bakit wala pa kayong ginagawang hakbang upang magbalik ang hari sa palasyo?"
19:12 "Kayo'y mga tunay na laman at dugo ko. Bakit nahuhuli pa kayo sa paghahangad na ako'y mapabalik doon?'"
19:13 "At ipinasabi naman niya kay Amasa: 'Ikaw ay tunay kong laman at dugo. Ikaw ngayon ang hinihirang kong pinuno ng hukbo, sa halip ni Joab.'"
19:14 Tinanggap nang buong galak sa Juda ang balitang ito, kaya't ipinakaon nila si Haring David at lahat ng mga kasama niya.
19:15 Pumunta na nga sina Haring David at mga kasama sa Ilog Jordan. Nagtipon naman ang mga taga-Juda sa Gilgal upang salubungin siya at samahan sa pagtawid sa Ilog.
19:16 Isa sa sumalubong kay David ay si Simei, anak ni Gera na taga-Bahurim. Ang taong ito ay Benjaminita, at nagdudumaling sumama rin sa mga taga-Juda.
19:17 Kasama niya ang may 1,000 tao na buhat din sa Benjamin. Nagdudumali ring bumaba sa Jordan si Siba, ang alipin ng sambahayan ni Saul, kasama ang kanyang labinlimang anak na lalaki at dalawampung alipin.
19:18 Nagsiliban sila sa kabila ng ilog upang tulungan sa pagtatawid ang sambahayan at gawin ang anumang iutos niya. ( Pinatawad ni David si Simei )Nang tatawid na lamang sila sa Jordan, nagpatirapa sa harapan ng hari si Simei.
19:19 "Sinabi niya, 'Sana'y limutin na ng inyong kamahalan ang kasamaang ginawa ko sa inyo nang kayo'y umaalis sa Jerusalem. Patawarin na po ninyo ako sa lahat ng ito."
19:20 "Kinikilala ko pong nagkasala ako sa inyo nang labis. Kaya po naman nangunguna ako sa mga liping taga hilaga upang sumalubong sa inyong kamahalan.' "
19:21 "Tumutol si Abisai at ang sabi: 'Di ba dapat ipapatay ang taong ito sapagkat sinumpa niya ang haring pinili ni Yahweh?' "
19:22 "Nagsalita ang hari: 'Sino bang humihingi ng payo ninyo, mga anak ni Sarvia? Bakit ninyo ako pinangungunahan? Ako ngayon ang hari ng buong Israel, at isinusumpa ko: Walang sinumang mamamatay sa Israel ngayon!'"
19:23 "Pagkatapos, sinabi ng hari kay Simei, 'Nangangako akong hindi ka mamamatay.' ( Ang Kagandahang-loob ni David kay Mefiboset )"
19:24 Si Mefiboset na apo ni Saul ay sumalubong din sa hari. Mula nang umalis ito hanggang sa magbalik na matagumpay, hindi nagsapin sa paa si Mefiboset ni nag-ayos ng balbas o nagbihis ng kanyang damit.
19:25 "Nang magkita sila, sinabi ng hari, 'Bakit hindi ka sumama sa akin, Mefiboset?' "
19:26 '"Mahal na hari,' wika niya, 'alam po ninyong ako'y pilay. Kaya ipinahanda ko po sa aking katulong ang sasakyan kong asno upang sumama sa inyo. Ngunit hindi niya ako sinunod."
19:27 Sa halip ay nagpunta siya sa inyo at siniraan ako. Kayo po ay makatarungan, kaya gawin po ninyo sa akin ang nararapat.
19:28 "Ang buong sambahayan ng aking ama, ako at ang lahat sa amin ay maaari ninyong ipapatay, ngunit sa halip, binigyan pa ninyo ang inyong alipin ng lugar sa inyong hapag. Wala na po akong mairereklamo sa inyong Kamahalan.' "
19:29 "Tumugon ang hari, 'Maliwanag na sa akin ang lahat Mefiboset! Ang pasya ko'y maghahati kayo ni Siba sa kabuhayan ni Saul.' "
19:30 "Ngunit sinabi ni Mefiboset, 'Hayaan na po ninyo sa kanyang lahat, yamang kayo'y matagumpay na nakabalik.' "
19:31 May isang taga-Galaad na bumaba mula sa Rogelim at naghatid din sa hari hanggang Jordan; ito'y si Barzilai.
19:32 Siya'y walumpung taon na at napakalaki ang naitulong sa hari noong ito'y nasa Mahanaim pa. Siya'y isa sa kinikilalang mayaman doon, kaya siya ang nagpapakain sa hari.
19:33 "Bago tumawid ang hari ay sinabi nito, 'Mabuti pa'y sumama ka sa amin sa Jerusalem. Doon ka na tumira sa palasyo at ako ang bahala sa iyo.' "
19:34 "Sumagot si Barzilai, 'Ang iyong lingkod ay matanda na at hindi ko na kayang sumama sa Jerusalem."
19:35 Walumpung taon na ako at wala nang panlasa sa mga kalayawan. Hindi ko na malasap ang sarap ng pagkain at inumin. Wala nang pang-akit sa akin pati malalambing na awitin. Magiging pasanin lamang ako ng inyong kamahalan!
19:36 Ihahatid ko na lamang kayo hanggang sa makatawid ng Jordan. Hindi na naman ninyo dapat gantimpalaan ako nang ganito.
19:37 "Bayaan na ninyo akong magbalik, at doon ko na hihintayin ang mga huling araw ko sa tabi ng puntod ng aking ama at ina. Narito ang lingkod ninyong si Camaam; siya ang isama ninyo, ang katulong kong ito, at kayo na ang bahala sa kanya.' "
19:38 "Sumagot ang hari, 'Oo, isasama ko siya, at lahat ng gusto mong ikabubuti niya ay gagawin ko. Tungkol naman sa iyo, gagawin ko rin ang lahat ng gusto mo.'"
19:39 Tumawid sa Jordan ang lahat. Bago tumawid ang hari, hinagkan muna niya at binasbasan si Barzilai, saka umuwi ito. ( Nagtalo ang mga Taga-Juda at Taga-Israel Tungkol sa Hari )
19:40 Nagtuloy sa Gilgal ang hari, kasama si Camaam. Kasama rin nila ang lahat na taga-Juda at kalahati ng mga taga-Israel.
19:41 "Pagdating doon, sama-samang lumapit kay David ang mga Israelita. Wika nila, 'Bakit po kami inunahan ng mga kapatid naming taga-Juda sa pagsundo sa inyo, at sa inyong mga tauhan at sambahayan mula sa kabila ng Jordan?' "
19:42 "Sumagot ang mga taga-Juda, 'Ginawa namin iyon sapagkat ang hari ay malapit naming kamag-anak. Bakit iyon isasama ng inyong loob? Hindi naman kami pakain ng hari! Hindi rin kami inupahan!' "
19:43 "Sumagot ang mga taga-Israel, 'Sampung ibayo ang karapatan namin kay Haring David, kung siya ma'y kamag-anak ninyo. Napakahamak naman yata ang pagtingin ninyo sa amin. Nakakalimutan yata ninyo na una kaming nakaisip na ibalik ang hari.' Ngunit mas mahahayap ang pangungusap na binitiwan ng taga-Juda."
20:1 ( Ang Paghihimagsik ni Seba ) "Sa mga taga-Israel na pumunta sa Gilgal, may isang taong walang dangal na ang pangala'y Seba. Siya ay anak ni Bicri, mula sa lipi ni Benjamin. Hinipan niya ang trompeta at sumigaw, 'Tayo na mga kapatid! Iwan natin ang David na iyan. Ano'ng mapapala natin diyan sa anak ni Jesse? Umuwi na tayong lahat sa Israel!'"
20:2 At iniwan nga si David ng mga taga-Israel at sumama kay Seba. Ngunit nanatili ang mga taga-Juda, at buhat sa Jordan ay inihatid nila si David hanggang Jerusalem.
20:3 Pagdating doon, ipinakuha ni David ang sampung aliping asawa na iniwan niya upang mamahala sa palasyo. Ipinadala niya sa isang tahanan at doon pinatira at pinabantayan. Pinadadalhan niya ng lahat ng kailangan ngunit hindi na niya sila sinipingan. Kaya't nanatili silang parang mga balo habang buhay.
20:4 "Tinawag ng hari si Amasa at sinabi, 'Tipunin mo ang mga kalalakihan ng Juda at dalhin mo sila rito sa loob ng tatlong araw.'"
20:5 Sinikap ni Amasang sundin ang utos ng hari ngunit hindi niya naiharap dito ang mga kalalakihan ng Juda sa loob ng taning na panahon.
20:6 "Dahil dito, tinawag ni David si Abisai. Sinabi niya, 'Mas malaki ang gagawin ni Seba kaysa ginawa ni Absalom. Isama mo ang aking mga tauhan at sundan mo siya. Baka siya nakatago sa isang nakukutaang lunsod at makatakas pa sa atin.'"
20:7 Sumama nga kay Abisai si Joab at ang mga tauhan niya, ang mga Peleteo at Kereteo upang tugisin si Seba.
20:8 Pagsapit nila sa may malaking bato sa Gabaon, sinalubong sila ni Amasa. Suot noon ni Joab ang kanyang kasuutang pandigma, at may dala siyang espada na nakakabit sa kanyang sinturon. Lumapit siya kay Amasa na taglay ang maitim na balak.
20:9 "Sinabi niya, 'Kumusta ka, kapatid ko!' sabay hawak sa balbas ni Amasa upang ito'y hagkan."
20:10 Hindi napapansin ni Amasa ang espadang hawak ni Joab sa kabilang kamay. Kaya't nasaksak siya nito nang walang kamalay-malay. Lumuwa sa lupa ang bituka niya, at nautas na siya sa saksak na yaon. Ang magkapatid nina Joab at Abisai ay nagpatuloy ng kanilang pagtugis kay Seba.
20:11 "Isang tauhan ni Joab ang tumayo sa bangkay ni Amasa at sumigaw, 'Ang lahat ng kapanig ni Joab at ni David ay sumunod kay Joab!'"
20:12 Nakabulagta sa gitna ng lansangan ang bangkay ni Amasa, naliligo sa sariling dugo. Kaya, lahat ng makakita rito ay napapahinto. Nang mapuna ito ng isang tauhan ni Joab, hinila niya ang bangkay at inilayo sa daan, saka tinakpan ng damit.
20:13 Nang maalis ang bangkay sa gitna ng daan lahat ay sumunod kay Joab upang tugisin si Seba.
20:14 Pinuntahan ni Seba ang lahat ng lipi ng Israel hanggang sa sumapit siya sa Abel-bet-maaca. Lahat ng angkan ni Bicri ay nagkaisang sumunod sa kanya na pumasok sa lunsod.
20:15 Nalaman iyon ng mga tauhan ni Joab, kaya't kinubkob nila ang lunsod. Gumawa sila ng mataas na bateriyang lupa, at mula roo'y sinimulang wasakin ang muog ng lunsod.
20:16 "Ngunit isang matalinong babae ang nangahas tumayo sa isang mataas na lugar sa muog at mula doon ay nanawagan, 'Makinig kayo! Makinig kayo! Sabihin ninyo kay Joab na lumapit at ako'y makikipag-usap sa kanya.'"
20:17 "Paglapit ni Joab, siya'y tinanong ng babae, 'Kayo po ba si Joab?' 'Ako nga,' tugon nito. 'Pakinggan ninyo ang aking sasabihin,' wika ng babae. 'Sigi't nakikinig ako,' wika naman ni Joab. "
20:18 '"Noon pong una,' anang babae, 'mayroon pong kasabihang: 'Magtanong ka sa Abel, at lutas na ang iyong suliranin.'"
20:19 "Sa buong Israel ang lunsod pong ito ay maituturing na pinakatahimik at tapat. Siya'y tulad ng isang mapag-arugang ina ng Israel. Wawasakin ba ninyo ang lunsod na ito ni Yahweh?' "
20:20 '"Hindi ko gagawin iyan!' wika ni Joab. 'Hindi namin hangad na wasakin ang inyong lunsod."
20:21 "Ang hanap namin ay isang lalaking nangahas maghimagsik laban kay Haring David. Ang pangalan niya'y Seba, anak ni Bicri, taga kaburulan ng Efraim. Isuko ninyo siya, at iiwan namin ang lunsod.' Sinabi ng babae, 'Kung gayon, ihahagis namin sa iyo ang kanyang ulo mula sa muog.'"
20:22 Pumasok siya sa kabayanan, at palibhasa'y matalino, napasang-ayon niya ang buong bayan sa kanyang binabalak. Pinugutan nila si Seba, at inihagis ang ulo nito kay Joab. Hinipan naman nito ang trompeta at ang buong hukbo'y naghiwa-hiwalay at umuwi na ang mga kawal. Si Joab nama'y bumalik sa Jerusalem at nagpunta sa hari. ( Ang mga Pinuno ni David )
20:23 Si Joab ang namumuno sa buong hukbo ng Israel. Si Benaya namang anak ni Joiada ang pinuno ng mga bantay na Kereteo at Peleteo.
20:24 Si Adoram naman ang pinamahala sa lahat ng pagawaing-bayan.
20:25 Si Josafat, anak ni Ahilud, ang taga-ingat ng mga kasulatan, at si Seva naman ang kalihim ng hari. Sina Sadoc at Abiatar ang itinalagang mga saserdote,
20:26 at si Ira na taga-Jair ang saserdoteng kasama-sama ni David.
21:1 ( Ang Pagkamatay ng mga Apo ni Saul ) "Sa panahon ng paghahari ni David, tatlong taong sunud-sunod na nagkaroon ng taggutom, kaya't sumangguni siya kay Yahweh. Ito ang tugon sa kanya, 'Maraming buhay na inutang si Saul at ang kanyang sambahayan, sapagkat ipinapatay niya ang mga Gabaonita.' ("
21:2 Ang mga Gabaonita ay hindi buhat sa lipi ng Israel; sila'y mga labi ng mga Amorreo na pinangakuang ililigtas ng mga Israelita. Ngunit sila'y sinikap lipulin ni Saul dahil sa pagmamalasakit nito sa mga taga-Israel at Juda.)
21:3 "Ipinatawag ni David ang mga Gabaonita at tinanong, 'Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo upang mapagbayaran ang kasalanan sa inyo ng aming bayan, at nang sa gayon ay mapawi ang inyong galit at idalangin kami na pagpalain ni Yahweh?' "
21:4 "Sumagot sila, 'Ang sama ng loob namin kay Saul at kanyang sambahayan ay di kayang tumbasan ng ginto at pilak. Ngunit wala kaming karapatang pumatay ng sinuman sa Israel.' 'Kung gayon, ano ang dapat kong gawin para sa inyo?' tanong ni David. "
21:5 "Sumagot sila, 'Pinagtangkaan po ni Saul na lipulin kami nang lubusan sa Israel."
21:6 "Kaya, ibigay ninyo sa amin ang pitong anak na lalaki ng taong iyon at dadalhin namin sila sa Gabaa at papatayin namin sa harapan ni Yahweh.' 'Oo, ibibigay ko sila sa inyo,' tugon ni David. "
21:7 Ngunit dahil sa sumpaang ginawa nina David at Jonatan, iniligtas niya si Mefiboset, ang apo ni Saul kay Jonatan.
21:8 Ang ibinigay ng hari ay sina Armoni at isang Mefiboset din ang pangalan, mga anak ni Saul kay Rizpa na anak ni Aya, at ang limang anak ni Adriel kay Merab. Si Merab ay anak ni Saul at si Adriel nama'y anak ni Barzilai na taga-Meholat.
21:9 Ibinigay ni David sa mga Gabaonita ang pitong ito, at sila'y sama-samang pinatay sa bundok sa harapan ni Yahweh. Nangyari ito nang nagsisimulang anihin ang sebada.
21:10 Sa buong panahon ng anihan hanggang dumating ang tag-ulan, si Rizpa ay di na umalis sa kinaroroonan ng mga bangkay. Gumawa siya ng isang habong na sako sa ibabaw ng isang malaking bato at binantayan ang mga bangkay upang di makain ng mga ibon at maiilap na hayop.
21:11 Nang mabalitaan ito ni David,
21:12 ipinakuha niya ang labi ni Saul at ni Jonatan sa mga pinuno ng Jabes-galaad. (Ninakaw ng mga ito ang bangkay nina Saul at Jonatan sa Betsan na ibinitin doon ng mga Filisteo noong araw na sila'y mapatay sa Gilboa.)
21:13 Ipinakuha nga niya ang mga labi nina Saul at Jonatan at isinama sa mga labi ng pitong pinatay sa bundok.
21:14 Pagkatapos, dinala nila ito sa libingan ng kanyang amang si Cis, sa lupain ni Benjamin sa Zela. Ang lahat ng iniutos ng hari ay natupad, at mula noon, dininig ni Yahweh ang kanilang dalangin para sa bansa. ( Iniligtas ni Abisai si David )
21:15 Dumating ang araw na nagdigmaan uli ang mga Filisteo at mga Israelita. Sa labanang ito, pinangunahan ni David ang kanyang mga kawal, ngunit siya'y nanghina.
21:16 Gayak siyang papatayin ni Esbibenob, isang higanteng mula sa labi ng mga Rafaim. Ang ulo ng kanyang sibat ay may tatlo't kalahating kilo ang bigat, at may dala pa siyang isang bagong espada.
21:17 Ngunit tinulungan ni Abisai na anak ni Sarvia, si David, at pinatay ang higanteng Filisteo. Mula noon, pinasumpa nila si David na hindi na siya muling sasama sa pakikipagbaka sa pangamba nilang maglaho ang tanglaw ng Israel. ( Pinuksa ang mga Higante )
21:18 Hindi nagtagal at naglaban na naman ang mga Israelita at ang mga Filisteo. Ito'y nangyari naman sa Gob at doon napatay ni Sibecai na Husatita si Saf, isa ring higanteng mula sa lipi ng mga Rafaim.
21:19 Sa isa pang labanan sa Gob laban sa mga Filisteo, napatay naman ni Elhanan, anak ni Jair na taga-Betlehem, si Goliat na Geteo. Ang hawakan ng sibat nito'y sinlaki ng tahilan ng habihan.
21:20 Sa isa namang labanan sa Gat, may sumipot doong isang higante na dalawampu't apat ang daliri---tig-aanim bawat paa't kamay. Ito'y buhat din sa Rafa at naghamon sa mga Israelita.
21:21 Napatay naman ito ni Jonatan na pamangkin ni David sa kanyang kapatid na si Simea.
21:22 Ang lahat ng higanteng ito buhat sa lipi ng mga Rafaim ay nasawi sa mga kamay ng mga tauhan ni David.
22:1 ( Ang Awit ni David sa Pagliligtas ) Ito ang inawit ni David bilang pagpupuri kay Yahweh dahil sa siya'y iniligtas nito sa kapangyarihan ni Saul at ng kanyang mga kaaway.
22:2 '"Si Yahweh ang batong-kublihan, Matatag na muog na aking sanggalang; "
22:3 Siya ang muog kong pinanganganlungan, Sa kanyang piling ay may kaligtasan. Siya ay aking baluting matibay, Sa mga marahas ay siya kong sanggalang.
22:4 Kay Yahweh ay lagi akong tumatawag Laban sa kaaway ako'y maliligtas Purihin si Yahweh sa lahat ng oras!
22:5 '"Kay dalas manganib nitong aking buhay, Binabaka ako niyong kasamaan. "
22:6 Nabingit na ako sa aking libingan Sa mga patibong nitong kamatayan.
22:7 '"Sa kagipitan ko ako ay tumawag Ang Diyos na si Yahweh ay aking hinanap. Mula sa templo n'ya ay kanyang dininig Ang aking pagsamo at mga paghibik. "
22:8 '"Nayanig ang lupa nang siya'y magalit, At nauga pati sandigan ng langit. "
22:9 Nagbuga ng usok yaong kanyang ilong, At mula sa bibig, lumabas ang apoy.
22:10 Hinawi ang langit, nanaog sa lupa Maitim na ulap ang tuntungang pababa,
22:11 Sakay ng kerubin mabilis lumipad Sa bilis ng hangin siya ay naglayag.
22:12 Nagtago sa likod ng lambong ng dilim Makapal na ulap, ulap na maitim.
22:13 At magmula roon gumuhit ang kidlat, At sa harap niya'y biglang nagliwanag.
22:14 Magmula sa langit, si Yahweh ay sumigaw, Narinig ang tinig ng Kataas-taasan.
22:15 Ang mga palaso niyang mga kidlat, Nang pakawalan niya'y nagsala-salabat.
22:16 Sa sigaw ni Yahweh sa mga kaaway, Sa apoy ng galit niyang naglalatang, Ang tubig sa dagat ay halos maparam, Pundasyon ng mundo mandi'y lumilitaw.
22:17 '"Mula sa ilalim ng tubig sa dagat, Iniahon ako't kanyang iniligtas. "
22:18 Iniligtas ako sa mga kaaway, Na di ko makayang mag-isang labanan.
22:19 Sa kagipitan ko, ako'y sinalakay, Subalit si Yahweh yaong nagsanggalang.
22:20 Ako'y iniligtas mula sa panganib, Sa habag sa akin ako ay sinagip.
22:21 '"Ako'y pinagpala't ginantimpalaan, Dahilan sa aking matuwid na buhay. "
22:22 Pagkat ang tuntunin ni Yahweh ay sinunod, Di ako suminsay sa landas ng Diyos.
22:23 Aking tinalima yaong Kautusan Sinunod kong lahat sa buo kong buhay.
22:24 Nalalaman niyang ako'y walang sala, Sa gawang masama'y lumayo tuwina.
22:25 Ako'y pinagpala't ginantimpalaan, Dahilan sa aking matuwid na buhay.
22:26 '"Sa nangagtatapat, ikaw rin ay tapat, Sa mga matuwid, matuwid kang ganap. "
22:27 Sa pusong malinis, bukas ka at tapat, Ngunit sa balakyot, hatol mo'y marahas.
22:28 Inililigtas mo yaong mga aba Ngunit yaong hambog ay ibinababa.
22:29 Ikaw po, O Yahweh, ang tanglaw sa akin Tanging patnubay ko sa daang madilim.
22:30 Kung ikaw, O Diyos ko ang aking kasama, Anuman ang hirap ay nasasalunga.
22:31 Sa paraan ng Diyos walang maipintas Pangako ni Yahweh ay pangakong tapat, Sa napakukupkop, siya ay kalasag.
22:32 '"Maliban kay Yahweh, may Diyos bang iba? Ang tunay na kuta, hindi baga't siya? "
22:33 Ang Diyos ang aking muog na kanlungan Ang nangangalaga sa aking daranan.
22:34 Paa ko'y pinatatag tulad ng sa usa, Sa kabundukan ma'y hindi nababakla.
22:35 Sinanay n'ya ako sa pakikibaka Matigas mang busog kaya kong mahila.
22:36 Ako'y iniligtas ng kanyang kalinga, At sa tulong niya, ako'y dumakila.
22:37 Binigyan mo ako ng pagtataguan, Kaya di matutop ng mga kaaway.
22:38 Mga kaaway ko ay aking tinugis, Hanggang sa malipol, di ako nagbalik.
22:39 Inutas ko sila at pinagsasaksak, At sa paanan ko sila ay bumagsak!
22:40 Pinalakas mo ako para sa labanan, Kaya't nagsisuko ang aking kaaway.
22:41 Mga kaaway ko'y iyong itinaboy Ang muhi sa aki'y pawang nangalipol.
22:42 Hanap ay saklolo, walang masumpungan Di pansin ni Yahweh, sila, tumawag man.
22:43 Tinapakan ko sila hanggang sa madurog, Pinulbos ko silang parang alikabok; Sa mga lansangan, putik ang inabot.
22:44 '"Sa naghihimagsik, ako'y iniligtas, Sa maraming bansa'y namahalang ganap, At marami pang ibang sumuko't nabihag. "
22:45 Nangangayupapa ang mga dayuhan, Kung marinig ako, sila'y gumagalang.
22:46 Sa laki ng takot ay naglalabasan, Sa kanilang kutang pinagtataguan.
22:47 '"Nabubuhay ang Diyos! Kuta kong matibay, Purihin si Yahweh! Aking kaligtasan. "
22:48 Nilulupig niya ang aking kalaban At pinasusuko sa aking paanan.
22:49 Iniligtas ako sa aking kaaway, Ako'y inilayo sa sumasalakay Sa taong marahas, ipinagsanggalang.
22:50 '"Sa lahat ng bansa kita'y pupurihin Ang karangalan mo'y aking aawitin. "
22:51 "Pinagkaloobang magtagumpay lagi, Ang abang lingkod mong hinirang na hari; Di mo binayaan ang iyong pinili, Na si Haring David at ang kanyang lahi.'"
23:1 ( Huling Pangungusap ni David ) Narito ang mga huling pangungusap ni David, Tunay na pangungusap ni David na anak ni Jesse. Salita ng lalaking pinadakila ng Kataas-taasang Diyos, Ang prinsipeng hirang ng Diyos ni Jacob, Ang naging matamis na tinig ng Israel:
23:2 '"Nangungusap sa pamamagitan ko ang Espiritu ni Yahweh, Ang salita niya'y nasa aking mga labi. "
23:3 "Ito ang salita ng Diyos ng Israel, Ganito ang sinabi niya sa akin: 'Ang haring namamahalang may katarungan At namumunong may pagkatakot sa Diyos, "
23:4 Ay tulad ng araw sa pagbukang- liwayway, Parang araw na sumisikat kung umagang walang ulap, At nagpapakislap sa dahon ng damo pagkalipas ng ulan.
23:5 Gayon pagpapalain ng Diyos ang aking sambahayan, Dahil sa aming tipan na panghabang panahon, Kasunduang mananatili magpaka- ilanman. Siya ang magbibigay sa akin ng tagumpay, Ano pa ang dapat kong hangarin?
23:6 Ngunit ang mga walang takot sa Diyos Ay matutulad sa mga tinik na itinatapon, Walang mangahas dumampot sa kanila;
23:7 "At upang sila'y tipunin, Kailangan ang kasangkapang bakal; Pag natipon, sila'y tutupukin.' ( Mga Magigiting na Kawal ni David )"
23:8 "Narito ang mga bayaning kasama ni David: ang una'y si Yosev-basevet na taga-Taquemon. Siya ang pinuno ng 'Ang Tatlo.' Sa isang labanan, nakapatay siya ng 800 kalaban sa pamamagitan ng kanyang sibat. "
23:9 Ang pangalawa'y si Eleazar na anak ni Dodo, mula sa lahi ni Ahohi. Siya ang kasama ni David sa Pas-dammim nang sila'y lusubin ng mga Filisteo. Napipilan ang mga Israelita, at nagsiurong,
23:10 liban kay Eleazar. Hinarap niyang mag-isa ang mga Filisteo hanggang sa manigas ang kanyang kamay sa paghawak sa espada. Pinagtagumpay siya ni Yahweh nang araw na iyon. Nang tapos na ang labanan, saka pa lamang bumalik ang kanyang mga kasamang kawal para samsaman ang mga kaaway na napatay niya.
23:11 Ang pangatlo ay si Samma na anak ni Age, isang taga-Arar. Sa Lehi ay may isang bukid na may tanim na gisantes. Dumating ang mga Filisteo at doon nagtipon. Natakot ang mga tagaroon at sila'y tumakas.
23:12 Ngunit dumating si Samma, at tumayo sa gitna ng bukid upang ipagsanggalang ito. Napatay niya ang mga Filisteo sa tulong ni Yahweh.
23:13 "Pagsisimula ng anihan, tatlo sa 'Tatlumpung' matatapang na lalaki ang nagpunta kay David sa yungib ng Adullam. Nakahimpil naman noon ang isang pangkat ng mga Filisteo sa Lambak ng Refaim."
23:14 Nang panahong yaon, si David ay nagkukubli sa isang kuta samantalang nakahimpil sa Betlehem ang mga kawal na Filisteo.
23:15 "Dala ng matinding pananabik, nabigkas ni David ang ganito, 'Sana'y makainom ako ng tubig buhat sa balon sa may pagpasok ng Betlehem!'"
23:16 Pagkarinig ng tatlong matatapang na lalaki, nangahas silang lumusot sa mga bantay na Filisteo, at kumuha ng tubig sa balong nabanggit. Dinala nila ito kay David, ngunit hindi siya uminom. Sa halip, ang tubig ay ibinuhos niya sa lupa bilang handog kay Yahweh.
23:17 "Sinabi niya, 'Hindi ko maiinom ang tubig na pinamuhunanan ng buhay.' Minsan pang nakilala ang tapang ng tatlong bayani sa ginawa nilang iyon. "
23:18 "Ang puno ng pangkat na binubuo ng 'Tatlumpu' ay si Abisai, kapatid ni Joab na anak naman ni Sarvia. Talagang kinikilala siya ng mga ito sapagkat minsa'y pinuksa niya sa pamamagitan ng sibat ang 300 kaaway."
23:19 "Ito ang dahilan kaya ginawa siyang pinuno ng pangkat, ngunit bagaman kinikilala, alangan pa siya sa 'Tatlong Matatapang.' "
23:20 Si Benaya na anak ni Joiadang taga-Cabzel ay naging bayani sa maraming pakikipaglaban. Siya ang pumatay sa dalawang lalaki na ipinagmamalaki ng Moab. Minsan, nang panahong madulas ang lupa dahil sa yelo, lumusong siya sa balon at pinatay ang isang leon na naroon.
23:21 Siya rin ang pumatay sa isang higanteng Egipcio, bagaman ang sandata niya'y isa lamang batuta. Naagaw niya ang sibat ng Egipcio, at iyon na ang ipinatay rito.
23:22 "Iyan ang kasaysayan ng bantog na si Benaya, ang labis na hinahangaan at kaanib ng 'Tatlumpu.'"
23:23 "Sa pangkat na ito, siya ay talagang kinikilala, ngunit hindi pa rin siya maipaparis sa 'Ang Tatlo.' Dahil sa kanyang tapang, ginawa siyang sariling bantay ni David sa kanyang palasyo. "
23:24 "Ito ang bumubuo ng pangkat ng 'Tatlumpu': Si Asael na kapatid ni Joab; si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Betlehem;"
23:25 si Samma na isang Harodita; si Elica na Harodita rin;
23:26 si Helez, na isang Peleteo; si Ira na anak ni Ekis na taga-Tecoa;
23:27 si Abiezer, na taga-Anatot; si Mebunai na taga-Husa;
23:28 si Zalmon, na taga-Ahoh; si Maharai na taga-Netofa;
23:29 si Heleb, anak ni Baana, taga-Netofa rin; si Itai, anak ni Ribai na taga-Gabaa sa lupain ng Benjamin;
23:30 si Benaya na taga-Piraton; si Hidai na buhat sa mabanging dako ng Gaas;
23:31 si Abi-albon na taga-Araba; si Azmavet na taga-Bahurim;
23:32 si Eliahba na taga-Saalbon; si Jasen na taga-Gimzo;
23:33 si Jonatan, anak ni Samma, taga-Arar; si Ahiam, anak ni Sarar, taga-Arar din;
23:34 si Elifelet, anak ni Ahasbai, taga-Maaca; si Eliam na anak ni Ahitofel na taga-Gilo;
23:35 si Hezrai na taga-Carmelo; si Paarai na taga-Arab;
23:36 si Igal na anak ni Natan, taga-Soba; si Bani na mula sa Gad;
23:37 si Selec na taga-Ammon; si Naharai na taga-Beerot, tagapagdala ng baluti ni Joab na anak ni Sarvia;
23:38 sina Ira at Jareb na taga-Jatir;
23:39 at si Urias na Heteo; tatlumpu't pitong lahat.
24:1 ( Ipinabilang ni David ang Tao sa Israel at Juda ) "Dumating ang panahong nagalit na muli sa Israel si Yahweh, ginamit niya si David upang sila'y parusahan. Wika niya, 'Itala mo ang lahat ng mga Israelita at taga-Juda.'"
24:2 "Kaya't inutusan ni David si Joab at lahat ng namumuno sa hukbo niya: 'Gawin ninyo ang talaan ng bawat lipi ng Israel mula sa Dan hanggang Beer-seba, at dalhin ninyo agad sa akin.' "
24:3 "Sumagot si Joab, 'Sana'y loobin ni Yahweh, na paramihin ng 100 ibayo ang mamamayan. At sana'y makita ninyo ang katuparan nito. Bakit pa naman ninyo nanaising itala pa ang mga mamamayan?'"
24:4 Ngunit iginiit ni David ang kanyang utos, kaya't lumakad sila upang iyo'y tupdin.
24:5 Tumawid sila ng Jordan at nagsimula sila ng pagtatala sa Aroer tuloy sa lunsod sa gitna ng kapatagan patungong Gad hanggang sa Jazer.
24:6 Pagkatapos, doon naman sila nagtala sa Galaad tuloy sa Kades, sa lupain ng mga Heteo at nagtuloy hanggang sa Dan. Mula roo'y nagpunta sila sa Sidon at nagpatuloy
24:7 hanggang sa sumapit sila sa nakukutaang lunsod ng Tiro. Nilibot nila ang lahat ng bayan ng mga Heveo at Cananeo at nagtapos sila sa Beer-seba sa Negeb ng Juda.
24:8 Nagbalik na sila sa Jerusalem pagkatapos ng kanilang pagsesenso. Ang pagtatalang ito'y inabot ng siyam na buwan at dalawampung araw.
24:9 Iniulat ni Joab sa hari ang kabuuan ng lahat ng mga lalaking maaaring maglingkod sa hukbo. Sa Israel ay 800,000 at sa Juda naman ay 500,000.
24:10 "Matapos niyang ipatala ang mga tao, inusig siya ng kanyang budhi. Sinabi niya kay Yahweh, 'Nagkasala ako nang malaki sa ginawa kong ito, patawarin po ninyo ako sa aking kahangalan.'"
24:11 Kinaumagahan, pagkagising ni David, sa utos ni Yahweh ay pumunta sa kanya si Propeta Gad. Sinabi nito kay David,
24:12 '"Ito po ang ipinasasabi sa inyo ni Yahweh, 'Mamili ka kung alin sa tatlong parusang ito ang ibig mong gawin ko sa iyo:"
24:13 "Tatlong taong taggutom sa iyong lupain, tatlong buwang pag-uusig ng iyong mga kaaway o tatlong araw na salot! Alin ang gusto ninyo para masabi ko sa nagsugo sa akin?' "
24:14 "Sumagot si David, 'Hirap na hirap ang aking kalooban sa nangyaring ito. Yamang mahabagin si Yahweh, ang pipiliin ko'y ang tuwirang parusa niya, kaysa ako'y mahulog pa sa kamay ng mga tao.' "
24:15 Kaya't si Yahweh ay nagpadala ng salot sa Israel, anupat mula sa Dan hanggang Beer-seba, 70,000 tao ang namatay. Nangyari ito mula nang umagang iyon hanggang sa taning na panahon.
24:16 "Nang iunat ng anghel ang kanyang kamay upang puksain ang mga taga-Jerusalem, sinaway siya ni Yahweh. Nagbago ang pasiya nito at sinabi, 'Tama na! Huwag mo nang ituloy.' Ang anghel ni Yahweh ay nakatayo noon sa giikan ni Arauna, isang Jebuseo. "
24:17 "Nang makita ni David ang anghel, sinabi niya kay Yahweh, 'Napakalaki ng pagkakasalang nagawa ko sa inyo at ang walang malay na mga tupang ito ang nagdurusa. Ako at ang aking sambahayan ang parusahan ninyo.' "
24:18 "Nang araw ring iyon, lumapit si Gad kay David at sinabi, 'Gumawa kayo ng dambana para kay Yahweh sa giikan ni Arauna.'"
24:19 Sinunod ni David ang utos ni Yahweh.
24:20 Nang makita ni Arauna na dumarating ang hari kasama ang kanyang mga lingkod, sumalubong siya at nagpatirapa sa harapan niyon.
24:21 '"Ano po kaya ang pakay ng kanyang kamahalan at dumalaw sa inyong abang lingkod?' tanong ni Arauna. Sumagot si David, 'Bibilhin ko ang iyong giikan para pagtayuan ng dambana ni Yahweh, upang mahinto ang salot.' "
24:22 '"Hindi na po kailangang bilhin ito; gamitin na po ninyo sa paghahandog,' tugon naman ni Arauna. Sinabi pa niya, 'Mayroon po akong mga toro dito. Ito na po ang inyong ihandog. Ang paragos po namang ito at mga pamatok ay gawin na ninyong panggatong.'"
24:23 "Nang maibigay niya ang lahat ng ito ay idinugtong pa niya, 'Maging kalugud-lugod nawa ang inyong handog kay Yahweh na inyong Diyos.' "
24:24 "Ngunit sinabi ng hari, 'Hindi maaari; babayaran ko ito, sapagkat hindi ako naghahandog kay Yahweh nang walang puhunan.' Kaya't binayaran ni David ang giikang iyon at ang toro sa halagang limampung siklong pilak."
24:25 Gumawa nga siya ng dambana at nagdala roon ng handog na susunugin at handog pangkapayapaan. Ang dalangin ni David para sa bansa ay dininig ni Yahweh at tumigil na ang salot.