CAFE

Tagalog 성경

26. Ezekiel (에스겔)

작성자드림|작성시간12.01.12|조회수1,205 목록 댓글 0

 26. Ezekiel
 
 1:1 ( Ang Pangitain Tungkol sa Kaningningan ng Diyos ) Akong si Ezekiel ay isa sa mga itinapon sa baybay ng Ilog Kebar. Noong ika-5 araw ng ika-4 na buwan ng ika-30 taon, bumukas ang langit at nakita ko ang kaningningan ng Diyos.
 1:2 Ika-5 araw noon ng ika-4 na buwan ng ika-5 taon ng pagkatapon kay Haring Joaquin.
 1:3 Ako na saserdote at anak ni Buzi ay nasa Caldea sa baybayin ng Ilog Kebar nang kausapin ni Yahweh.
 1:4 Nang ako'y tumingala, naramdaman ko ang malakas na hanging nagmumula sa hilaga at nakita ko ang makapal na ulap na naliligid ng liwanag. Tuwing kikidlat, may isang bagay na kumikislap, parang makinang na tanso.
 1:5 Sa sentro ng bagyong ito, may apat na nilalang na buhay na anyong tao.
 1:6 Sila'y may tig-aapat na mukha at pakpak.
 1:7 Tuwid ang kanilang mga binti. Ang mga paa nila'y parang paa ng baka at makinang na tila makinis na tanso.
 1:8 Nasa ilalim ng kanilang mga pakpak ang kanilang mga kamay, parang kamay ng tao.
 1:9 Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Hindi na sila kailangang pumihit saanman nila ibig pumunta pagkat nakaharap sila kahit saan.
 1:10 Sa harap, mukha silang tao. Sa kanang tagiliran, mukhang leon. Sa kaliwa naman ay mukha silang baka at mukhang agila sa likuran.
 1:11 Ang tigalawa nilang pakpak ay nakabukang pataas at magkaabot ang dulo. Ang tigalawa naman ay nakatakip sa kanilang katawan.
 1:12 Hindi na nga sila kailangang pumihit saanman nila ibig pumunta pagkat nakaharap sila kahit saan.
 1:13 Sa gitna nila ay may maliyab na apoy na parang sulo, at nagpapalipat-lipat sa apat na nilalang na buhay. Maningning ang liwanag niyon at pinagmumulan ng kidlat.
 1:14 Ang apat na nilalang ay nagpaparoo't paritong simbilis ng kidlat.
 1:15 Nang tingnan ko uli ang apat na nilalang, may nakita akong tig-isang gulong sa tabi nila.
 1:16 Ang mga ito ay kumikislap na parang topasyo. Iisa ang ayos nila at parang ang isa'y nakapaloob sa isa.
 1:17 Ang mga ito'y hindi na kailangang ipihit saanman ito gustong pagulungin pagkat nakaharap kahit saan.
 1:18 Ang bawat gulong ay puno ng mga mata sa palibot.
 1:19 Paglakad ng apat na nilalang, kasunod ang mga gulong. Kapag sila'y tumaas, tumataas din ang mga gulong.
 1:20 Saanman gumawi ang apat na nilalang ay kasunod ang apat na gulong pagkat ang apat na nilalang ang nagpapagalaw sa apat na gulong.
 1:21 Kaya paglakad ng apat na nilalang, lakad din ang mga gulong. Pagtigil naman, tigil din sila. Pagtaas, taas din sila. Anuman ang gawin ng apat na nilalang ay ginagawa ng apat na gulong.
 1:22 Sa ulunan ng apat na nilalang, naroon ang isang bubungang tila kristal.
 1:23 Sa ilalim nito'y magkakaabot na nakabuka ang tigalawang pakpak ng apat na nilalang, at ang tigalawa'y nakatakip sa kanilang katawan.
 1:24 Nang sila'y lumipad, parang lagaslas ng malaking baha ang dinig ko sa pagaspas ng kanilang mga pakpak; parang ugong ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat, parang ragasa ng isang malaking hukbo. Nang sila'y tumigil, ibinaba nila ang kanilang mga pakpak.
 1:25 At mula sa ibabaw ng bubungan, narinig ang isang malakas na tinig. Nang tumigil nga ng paglipad ang apat na nilalang, binayaan nilang nakalaylay ang kanilang mga pakpak.
 1:26 Sa ibabaw ng bubungan, naroon ang tila tronong yari sa sapiro at may nakaupong animo'y tao.
 1:27 Mula sa baywang nito pataas ay may nagniningning na tila makinis na tanso. Sa ibaba naman ay may nakapalibot na apoy na nakasisilaw,
 1:28 na ang kulay ay parang bahaghari. Ganyan ang katulad ng kaningningan ni Yahweh. Nang makita ko ito, ako'y nagpatirapa, at may narinig akong tinig.
 2:1 ( Ang Pagsusugo kay Ezekiel ) "Sinabi sa akin ng tinig, 'Tao, tumindig ka at may sasabihin ako sa iyo.'"
 2:2 Kasabay noon, nilukuban ako ng kanyang Espiritu at itinayo ako upang pakinggan ang kanyang sasabihin.
 2:3 '"Tao,' ang sabi niya, 'susuguin kita sa Israel, sa bansang suwail. Pagkat mula sa kanilang ninuno, naghihimagsik na sila sa akin hanggang ngayon."
 2:4 Matigas ang kanilang ulo at walang pitagan. Kaya puntahan mo sila at sabihin mong ito ang ipinasasabi ng Panginoong Diyos.
 2:5 Sa makinig sila at sa hindi---pagkat matigas nga ang kanilang ulo---malalaman nilang may isang propeta sa gitna nila.
 2:6 Huwag kang matatakot sa kanila kahit ka nila pagbantaan, kahit na paligiran ka nila na waring nakaupo ka sa gitna ng mga alakdan. Huwag ka ngang masisindak sa kanila bagamat sila'y talagang mapaghimagsik.
 2:7 Sa makinig sila o sa hindi, sabihin mo sa kanila ang ipinasasabi ko sa iyo, pagkat sila'y talagang mapaghimagsik.
 2:8 '"Tao, pakinggan mo ang sinasabi ko sa iyo. Huwag kang tutulad sa kanila na naghimagsik sa akin. Ngumanga ka. Kanin mo ito.'"
 2:9 Nang ako'y tumingala, may nag-abot sa akin ng isang aklat na nakabalumbon.
 2:10 Iniladlad ito at nabasa ko sa magkabila ang mga panambitan, pagdadalamhati, at sumpa.
 3:1 "Sinabi pa sa akin, 'Kanin mo ang aklat na ito. Pagkatapos, magpahayag ka sa sambahayan ni Israel.' "
 3:2 Ngumanga ako upang kanin ang aklat.
 3:3 "Sinabi niya sa akin, 'Kanin mo ito at magpakabusog ka.' Kinain ko nga ang aklat. Ang lasa ko'y parang pulot-pukyutan. "
 3:4 "Sinabi niya sa akin, 'Tao, pumunta ka sa sambayanang Israel at sabihin mo ang ipinasasabi ko sa iyo."
 3:5 Ang pupuntahan mo ay ang sambayanang Israel, at hindi ibang bansang mahirap unawain ang salita.
 3:6 Ang pupuntahan mo'y mga taong nakauunawa sa mga sasabihin mo.
 3:7 Ngunit hindi sila makikinig sa iyo pagkat ako mismo'y ayaw nilang pakinggan. Matigas ang ulo nila.
 3:8 Ngunit ikaw ang gagawin kong katapat nila. Patitigasin ko ang iyong kalooban, tulad nila.
 3:9 "Ang ulo mo'y patitigasin kong higit pa sa batong-buhay. Huwag kang matatakot sa mapaghimagsik na sambayanang iyon.' "
 3:10 "Sinabi pa niya sa akin, 'Pakinggan mong mabuti at tandaan itong sasabihin ko:"
 3:11 "Pumunta ka sa mga kababayan mong itinapon na tulad mo. Sa makinig sila at sa hindi, sabihin mo ang ipinasasabi ko.' "
 3:12 Ako'y itinaas ng Espiritu, at narinig ko ang ugong ng isang malakas na tinig na nagsasabi: Purihin ang Panginoon sa kalangitan.
 3:13 At narinig ko ang pagaspas ng pakpak ng mga nilalang na buhay at ugong ng kanilang mga gulong na parang ugong ng malakas na lindol.
 3:14 Naramdaman ko ang kapangyarihan ni Yahweh at nag-aalab ang galit ko habang ako'y inililipad ng Espiritu.
 3:15 At dumating ako sa Tel-abib, sa baybay ng Ilog Kebar, sa lugar ng mga itinapon. Pitong araw akong natigilan at hindi makapagsalita. ( Ang Bantay ng Israel )
 3:16 Pagkaraan ng pitong araw, sinabi sa akin ni Yahweh,
 3:17 '"Tao, ginagawa kitang bantay ng bansang Israel. Anuman ang sabihin ko sa iyo'y sasabihin mo sa kanila bilang babala."
 3:18 Maaaring ito'y hatol na kamatayan para sa masama. Kapag hindi mo sila pinagsabihang lumayo sa kasamaan, mamamatay sila sa kanilang kasamaan ngunit pananagutan mo sa akin ang kanilang kamatayan.
 3:19 Ngunit wala kang pananagutan kung ayaw nilang talikdan ang kanilang kasamaan matapos mong babalaan.
 3:20 Kapag nagpakasama ang isang matuwid ay ilalagay ko siya sa panganib. Mawawalan ng kabuluhan ang kabutihang ginawa niya noong una at mamamatay siya sa kanyang kasalanan. Pag hindi mo siya pinaalalahanan, pananagutan mo sa akin ang kanyang kamatayan.
 3:21 "Ngunit kapag pinayuhan mo siyang lumayo sa kasamaan, at nakinig sa iyo, hindi siya mamamatay at wala kang pananagutan.' ( Ginawang Pipi ang Propeta )"
 3:22 "Hinawakan ako ni Yahweh at sinabi sa akin, 'Tumindig ka. Magpunta ka sa kapatagan at may sasabihin ako sa iyo.'"
 3:23 Nagtindig nga ako at nagpunta sa kapatagan. Pagdating doon, nakita ko ang kaningningan ni Yahweh, tulad ng nakita ko sa baybayin ng Ilog Kebar. Nagpatirapa ako sa lupa.
 3:24 "Ngunit nilukuban ako ng Espiritu. Itinindig ako at sinabi sa akin, 'Umuwi ka at magkulong sa iyong bahay."
 3:25 Doon ay gagapusin ka upang hindi ka makasama sa iyong mga kababayan.
 3:26 Ididikit ko ang dila mo sa iyong ngala-ngala para hindi mo mapagsabihan ang mapaghimagsik mong mga kababayan.
 3:27 "At kung may gusto akong ipasabi sa iyo, muli kang makapagsasalita. Kung magkagayon, sasabihin mo sa kanila ang ipasasabi ko. Kung gusto nilang makinig sa iyo, makinig sila; kung ayaw nila, huwag pagkat talaga silang mapaghimagsik.'"
 4:1 ( Ang Halimbawa ng Pagkubkob sa Israel ) "Sinabi pa sa akin ng Diyos, 'Tao, kumuha ka ng tisa. Ilagay mo iyon sa iyong harapan, at iguhit mo roon ang lunsod ng Jerusalem."
 4:2 Paligiran mo ito ng muog at mga tanggulan, at umangan ng malalaking trosong pambayo.
 4:3 Kumuha ka ng platong bakal at ilagay mo na parang pader sa pagitan mo at ng lunsod. Huwag mo itong iiwan ng tingin. Ito ay kukubkubin at ikaw ang kukubkob. Magiging palatandaan ito sa bansang Israel.
 4:4 '"Pagkatapos, mahiga ka nang nakatagilid sa kaliwa at ipapataw ko sa iyo ang bigat ng parusa sa Israel. Kung gaano katagal kong ipataw sa iyo ang parusa, ganoon din ang pagpaparusa sa kanila."
 4:5 Sa loob ng 390 araw, mananatili ka sa ganoong ayos; bawat araw ay katumbas ng isang taon.
 4:6 Pagkatapos, bumiling ka sa kanan upang dalhin ang kaparusahan ng Juda sa loob ng apatnapung araw. Bawat araw ay katumbas ng isang taon.
 4:7 Pagkatapos, humarap ka sa Jerusalem. Iunat mong paharap doon ang iyong kamay na nakalilis ang manggas ng iyong baro, at magpahayag ka laban sa lunsod na yaon.
 4:8 Ngunit gagapusin kita hanggang hindi natatapos ang gagawin mong pagkubkob, para hindi ka makabiling.
 4:9 '"Ngayon, kumuha ka ng trigo, sebada, habitsuwelas, lenteha, batad, at espelta. Paghalu-haluin mo ito sa isang sisidlan at lutuin. Ito ang kakanin mo sa loob ng 390 araw habang ikaw ay nakahigang patagilid sa kaliwa."
 4:10 May takda ang pagkain mo araw-araw: isang beses maghapon at mahigit na isang kilo lamang araw-araw.
 4:11 May takda rin ang iyong pag-inom: isang beses maghapon at dalawang tasa lang isang araw.
 4:12 Magluto ka ng bibingkang sebada na dumi ng tao ang panggatong. Kanin mo nang nakikita ng mga tao.
 4:13 "Ganyan ang magiging pagkain ng Israel saan ko man sila itapon.' "
 4:14 "Sumagot ako, 'Ngunit Yahweh, alam mong hindi ako nagpapakarumi sa aking sarili. Mula sa aking pagkabata ay hindi ako tumikim ng anumang namatay nang kusa o nilapa ng hayop. Hindi rin ako tumikim ng anumang karumal-dumal na karne.' "
 4:15 "Sinabi niya sa akin, 'Kung gayon, dumi ng baka ang igatong mo sa halip na dumi ng tao.' "
 4:16 "Sinabi pa niya sa akin, 'Tao, babawasan ko na ang tinapay na kinakain araw-araw sa Jerusalem. Tatakalin na nila ang kanilang kakanin at iinumin. Paghaharian na sila ng pangamba at kabalisahan."
 4:17 "Gagawin ko ito sa kanila hanggang sa sila'y pagharian ng sindak. Gayon sila pahihirapan dahil sa kanilang kasamaan.'"
 5:1 ( Inahit ni Ezekiel ang Kanyang Buhok at Balbas ) "Sinabi sa akin ng Diyos, 'Tao, kumuha ka ng isang matalim na tabak at ahitin mo ang iyong buhok at balbas. Pagkatapos, timbangin mo iyon at pagtatluhing bahagi."
 5:2 Sunugin mo sa gitna ng lunsod ang unang bahagi matapos itong kubkubin. Ang ikalawang bahagi ay tadtarin mo habang naglalakad ka sa buong lunsod. Ihagis mo naman sa hangin ang ikatlong bahagi at pasusundan ko ng tabak.
 5:3 Kumuha ka ng ilang hibla ng buhok at itali mo sa laylayan ng iyong kasuutan.
 5:4 "Pag naitali mo na, kumuha ka pa ng ilang hibla at sunugin mo. Ang apoy nito ay kakalat at susunog sa buong Israel.'"
 5:5 "Sinabi pa ni Yahweh, 'Ang lunsod ng Jerusalem ay ginawa kong pinakasentro ng mga bansa."
 5:6 Ngunit nilabag niya ang aking Kautusan at mga tuntunin. Nagpakasama siya nang higit pa sa mga bansa sa kanyang paligid. Tinalikdan nga niya ang aking Kautusan at iniwan ang aking mga tuntunin.
 5:7 Kaya, ganito ang sabihin mo sa kanila: Dahil sa kaguluhan mong higit pa sa bansa sa inyong paligid, sa pagtalikod ng mamamayan mo sa aking mga tuntunin at Kautusan, at sa inyong paglakad ayon sa tuntunin ng mga bansang yaon,
 5:8 ako ay laban sa inyo ngayon. Parurusahan ko kayo sa harapan ng inyong mga kaaway.
 5:9 At dahil sa inyong kasamaan, gagawin ko sa inyo ang isang bagay na hindi ko pa ginagawa at hindi ko na gagawin pa.
 5:10 Kakanin ng magulang ang kanilang mga anak at ng mga anak ang kanilang mga magulang. Parurusahan ko nga kayo, at ang matirang buhay ay pangangalatin ko sa lahat ng dako.
 5:11 Kayong lahat ay buong lupit kong ibabagsak dahil sa inyong kasamaan at paglapastangan sa aking Templo sa pamamagitan ng kasuklam-suklam ninyong gawain.
 5:12 Hahatiin ko kayo sa tatlo. Ang unang bahagi ay papatayin ko sa salot at sa matinding taggutom. Ang ikalawa'y sa pamamagitan ng tabak. Ang ikatlo'y ikakalat ko sa lahat ng dako, at patuloy kong uusigin.
 5:13 '"Ibubuhos ko sa inyo ang aking galit hanggang sa gumaan ang aking loob. Kung madama ninyo ang bigat ng aking parusa, makikilala ninyo na akong si Yahweh ay marunong mapoot dahil sa matinding panibugho."
 5:14 Gagawin ko kayong isang pook ng lagim, at katatawanan ng lahat ng bansa sa paligid, ng lahat ng makakikita sa inyo.
 5:15 Mabibilad kayo sa kahihiyan at lilibakin. Magsisilbi kayong babala sa mga bansa sa inyong paligid sa sandaling ipataw ko sa inyo ang mabigat na parusa bunga ng matinding poot ko sa inyo. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.
 5:16 Mangyayari ito sa sandaling padalhan ko kayo ng matinding taggutom at iba't ibang kahirapan.
 5:17 "Padadalhan ko kayo ng salot at mababangis na hayop na siyang lalapa sa inyong mga anak. Magkakamatay kayo at patuloy kong uusigin. Akong si Yahweh ang may sabi nito.'"
 6:1 ( Ang Pahayag Laban sa mga Bundok ng Israel ) Sinabi pa sa akin ni Yahweh:
 6:2 '"Humarap ka sa mga bundok ng Israel at magpahayag laban sa kanila."
 6:3 Sabihin mo: Mga Bundok ng Israel, dinggin ninyo itong ipinasasabi ni Yahweh: Tutugisin ko kayo ng taga. Gigibain ko ang inyong dambana sa mga burol.
 6:4 Gagawin kong pook ng lagim ang inyong mga altar. Gigibain ko ang dambana ninyong sunugan ng insenso, at papatayin ko kayo sa harap ng inyong mga diyus-diyusan.
 6:5 Ang mga patay na Israelita'y ibubunton ko sa harapan ng inyong mga diyus-diyusan, at ikakalat ko sa inyong altar ang mga buto ninyo.
 6:6 Saanman kayo magtayo ng bayan, ito'y gigibain ko. Wawasakin ko ang inyong dambana sa mataas na dako. Dudurugin ko ang inyong mga diyus-diyusan, ibabagsak ang inyong mga dambanang sunugan ng insenso, at ipagtatapon ang inyong mga ginawa.
 6:7 Maraming mamamatay sa inyo. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.
 6:8 '"May ilan akong ititira sa inyo ngunit mangangalat sila sa iba't ibang panig ng daigdig,"
 6:9 at mabibihag ng ibang bansa. Kapag sila'y naroon na sa dakong pagdadalahan sa kanila, maaalaala nila kung gaano kalaki ang pagdaramdam ko dahil sa pagtalikod nila sa akin upang maglingkod sa mga diyus-diyusan. At sila mismo'y masusuklam sa kanilang sarili dahil sa ginawa nilang kasamaan.
 6:10 "Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh at malalaman nilang hindi panakot lamang ang parusang ipapataw ko sa kanila.' ( Ang mga Kasalanan ng Israel )"
 6:11 "Ipinasasabi ni Yahweh: 'Ikaw ay pumalakpak, magpapadyak at iyong sabihing mabuti nga sa sambahayan ng Israel. Uubusin kayo sa pamamagitan ng tabak, ng salot at ng taggutom."
 6:12 Ang nasa malayo ay mamamatay sa salot, at sa tabak naman ang nasa malapit. Ang matirang buhay ay papatayin naman sa gutom. Ganyan ang gagawin ko upang ipadama sa kanila ang aking matinding galit.
 6:13 Makikilala nga nilang ako si Yahweh kapag nakita nilang naghalang ang patay sa harap ng kanilang mga diyus-diyusan, sa mga burol, mga bundok, sa ilalim ng mga punongkahoy at malalagong puno ng ensina, o sa alinmang dakong handugan nila ng mababangong samyo para sa kanilang mga diyus-diyusan.
 6:14 "Parurusahan ko nga sila at alinmang lugar na tirahan nila'y paghaharian ko ng lagim mula sa kaparangan ng Diblat. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.'"
 7:1 ( Dumating na ang Wakas ) Sinabi pa sa akin ni Yahweh:
 7:2 '"Sabihin mo sa bayang Israel: Dumating na ang wakas! Dumating na ang wakas sa apat na sulok ng daigdig."
 7:3 Dumating na ngayon ang inyong hangganan. Ibubuhos ko na sa inyo ang aking matinding poot at hahatulan ko kayo ayon sa inyong gawa. Parurusahan ko kayo dahil sa inyong kasamaan.
 7:4 "Wala akong patatawarin isa man. Parurusahan ko kayo dahil sa inyong kasamaan. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.' "
 7:5 "Ipinasasabi pa ni Yahweh: 'Hindi na magtatagal at sunud-sunod na kasawian ang aabot sa inyo."
 7:6 Dumating na ang wakas! Ito na ang inyong hangganan.
 7:7 Dumating na ang inyong katapusan, mga mamamayan ng lupain. Dumating na ang panahon, malapit na ang araw ng kaguluhan. Tapos na ang masasayang araw sa ituktok ng bundok.
 7:8 Ibubuhos ko ngayon sa inyo ang aking poot. Uubusin ko sa inyo ang matinding galit ko. Hahatulan ko kayo ayon sa inyong gawa. Parurusahan ko kayo dahil sa inyong kasamaan.
 7:9 Wala akong patatawarin isa man. Parurusahan ko nga kayo dahil sa inyong kasamaan. Sa gayo'y malalaman ninyo na akong si Yahweh ay marunong magparusa.
 7:10 '"Ngayon na ang araw! Ito na ang inyong katapusan. Sukdulan na ang kapalaluan. Laganap ang karahasan."
 7:11 Laganap na ang karahasan at kasamaan. Walang ititira sa kanila, lahat ay mawawala: kasaganaan, kayamanan, kabantugan.
 7:12 Dumarating na ang panahon. Malapit na ang araw. Nagsisisi ang mga namili at natutuwa ang nagbili; ang poot ng Diyos ay nag-aalab sa kanila at sila'y pare-parehong babagsakan ng poot ng Diyos.
 7:13 Ang mga ipinagbili ay di na mababalik sa nagbili kahit sila mabuhay; wala nang saulian dahil sa kaguluhan. Sila'y pare-parehong babagsakan ng poot ng Diyos at dahil sa kanilang kasamaan, walang matitirang buhay. ( Ang Parusa sa Israel )
 7:14 '"Humudyat na ang trompeta at handa na ang lahat ngunit walang lumabas upang makipagbaka pagkat pare-pareho silang inabot ng aking poot."
 7:15 Nasa labas ng bayan ang tabak, nasa loob naman ang salot at taggutom. Ang nasa bukid ay namamatay sa tabak. Ang nasa loob ng bayan ay nauubos sa salot at taggutom.
 7:16 Kung may makatakas man sa bundok, sila'y mangangatog sa takot dahil sa kanilang kasamaan.
 7:17 Lahat ng kamay ay nanghihina at bawat tuhod ay nangangatog.
 7:18 Bawat isa'y nakabalot ng sako, pinaghaharian ng matinding takot, nakatungo dahil sa laki ng kahihiyan.
 7:19 Ipinaghahagis na sa lupa ang kanilang pilak. Ang mga ginto'y wala nang halaga. Ang pilak at ginto nila'y walang maitulong sa kanila sa araw ng poot ni Yahweh. Hindi mapawi ng mga ito ang kanilang gutom, hindi nila ito makain. Ibinagsak sila ng sariling kasamaan.
 7:20 Ang naggagandahan nilang hiyas na ginamit sa kapalaluan at ginawang diyus-diyusan at iba pang kasuklam-suklam na mga bagay ay winalan ko ng kabuluhan.
 7:21 Ang pilak at ginto nila'y pababayaan kong nakawin ng ibang tao at ipasasamsam sa mga taong walang Diyos, pati itinuturing nilang sagrado upang ipasalaula sa mga ito.
 7:22 Sila'y tatalikdan ko. Pababayaan kong salaulain pati ang aking Templo. Papasukin ito ng mga magnanakaw, sasalaulain, at gagawing isang dakong mapanglaw.
 7:23 '"Naghahari ang kaguluhan; laganap ang patayan sa lunsod at ito'y pinaghaharian ng karahasan."
 7:24 Ang mga tirahan nila'y ipasasamsam ko sa pinaka-masasamang bayan. Wawakasan ko na ang kanilang pagpapalalo at babayaan kong masalaula ang kanilang banal na dako.
 7:25 Darating sa kanila ang ligalig. Hahanapin nila ang kapanatagan ngunit di nila makikita.
 7:26 Darating din sa kanila ang sapin-saping kapahamakan at nakapangingilabot na balita. Anupat sasangguni sila sa propeta ngunit wala itong maipapahayag sa kanila. Hihingi sila ng payo sa mga saserdote ngunit walang maisasagot sa kanila. Pati ang matatanda'y walang masasabi sa kanila.
 7:27 "Mananaghoy ang hari, sasakmalin ng takot ang mga pinuno at manginginig sa takot ang mga karaniwang tao. Gagawin ko sa kanila ang nararapat sa kanilang gawa at hahatulan sila ayon sa kanilang pamumuhay. Sa gayon, malalaman nilang ako si Yahweh.'"
 8:1 ( Ang Pangitain Tungkol sa Kasuklam-suklam na Gawain ng Israel ) Ika-5 araw ng ika-6 na buwan ng ika-6 na taon. Kaharap ko noon sa aming bahay ang matatanda ng Juda nang ako'y lukuban ng kapangyarihan ni Yahweh.
 8:2 Nagkaroon ako ng pangitain. May nakita akong parang tao. Ang ibaba ng kanyang baywang ay parang apoy at sa itaas ay maningning na parang makinis na tanso.
 8:3 Nakita kong iniunat ang tila kamay. Hinawakan ako nito sa buhok at itinaas sa kalagitnaan ng langit at ng lupa. Dinala ako sa Jerusalem, sa pagpasok sa patyo, sa gawing hilaga, sa may kinalalagyan ng rebulto na naging dahilan ng paninibugho ni Yahweh.
 8:4 At naroon ang kaningningan ng Diyos ng Israel, tulad ng nakita ko sa pangitain sa kapatagan.
 8:5 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, tumingin ka sa gawing hilaga.' Tumingin nga ako at sa pagpasok sa altar ay nakita ko ang diyus-diyusang sanhi ng kanyang paninibugho."
 8:6 "Sinabi niya sa akin, 'Nakita mo na ang kasuklam-suklam na bagay na ginagawa ng bayang Israel upang ako'y palayasin sa aking santwaryo? Higit pa riyan ang ipakikita ko sa iyo.' "
 8:7 At dinala niya ako sa may pinto ng patyo. Ang nakita ko'y isang butas sa pader.
 8:8 "Sinabi niya sa akin, 'Lakhan mo ang butas ng pader.' Gayon nga ang ginawa ko at may nakita akong pinto."
 8:9 "Sinabi niya sa akin, 'Pumasok ka at tingnan mo ang kasuklam-suklam nilang gawain.'"
 8:10 Pumasok nga ako at sa palibot ng pader ay nakita ko ang larawan ng lahat ng hayop na gumagapang, nakapandidiring mga halimaw, at ang iba't ibang diyus-diyusan ng Israel.
 8:11 Sa harap ng mga ito, nakatayo ang pitumpung matatanda ng Israel sa pangunguna ni Jaazanias na anak ni Safan. Bawat isa'y nagsusunog ng kamanyang.
 8:12 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, nakita mo ang ginagawa nila sa madilim na silid na ito? Sinasabi pa nilang hindi ko sila makikita roon pagkat wala ako roon."
 8:13 "Masahol pa riyan ang makikita mo.' "
 8:14 Dinala niya ako sa pintuan sa hilaga ng pagpasok sa Templo, at doo'y may mga babaing nananangis para kay Tamuz.
 8:15 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, masahol pa riyan ang makikita mo.' "
 8:16 Dinala niya ako sa patyo sa loob ng Templo. Sa pagitan ng balkonahe at ng altar ay may nakita akong mga dalawampu't limang tao. Nakatalikod sila sa Templo, nakaharap sa silangan at sumasamba sa araw.
 8:17 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Nakikita mo ba iyan? Maliit na bagay ba ang ginagawa ng sambahayan ng Juda na punuin ng karahasan ang lupain? Lalo lang nila akong ginagalit sa ginagawa nilang iyan."
 8:18 "Kaya nga, parurusahan ko sila. Wala akong patatawarin isa man sa kanila. Dumaing man sila sa akin, hindi ko sila didinggin.'"
 9:1 ( Ang Pagpuksa sa Masasama ) "Sumigaw si Yahweh, 'Halikayo, mga itinalaga upang magpahirap sa lunsod. Dalhin ninyo ang inyong mga sandata.'"
 9:2 Mula sa pintuan sa hilaga ay pumasok ang anim na taong tigi-tig-isa ng sandata. May kasama silang nakasuot ng kayong lino at may panulat sa baywang. Tumayo sila sa may altar na tanso.
 9:3 Noon, ang kaningningan ni Yahweh ay lumagay sa itaas ng kerubin sa may pagpasok ng Templo. Tinawag niya ang lalaking nakadamit ng kayong lino at may panulat sa baywang.
 9:4 "Sinabi niya rito, 'Libutin mo ang lunsod ng Jerusalem at lagyan mo ng tanda sa noo ang lahat ng nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon.'"
 9:5 "Sa iba naman ay narinig kong sinabi niya, 'Sumunod kayo sa kanya at patayin ninyo ang mga tagaroon. Huwag kayong magtitira"
 9:6 "maliban sa mga may tanda sa noo. Patayin ninyong lahat ang mga tagaroon: matanda, binata, dalaga, babae at bata. Umpisahan ninyo sa santwaryo.' Inuna nga nilang patayin ang matatanda ng bayan sa harap ng bahay."
 9:7 "Sinabi niya sa kanila, 'Parumihin ninyo ang Templo at punuin ninyo ng bangkay ang patyo. Lakad na kayo!' Lumakad sila at pumatay nang pumatay sa lunsod."
 9:8 "Ako'y naiwang mag-isa. Habang pumapatay sila, nagpatirapa ako at nanangis. Sinabi ko, 'Yahweh, aking Diyos, dahil ba sa galit mo sa Jerusalem ay uubusin mo ang nalalabing Israelita?' "
 9:9 "Sinabi niya sa akin, 'Napakalaki ng pagkakasala ng Israel at ng Juda. Dumadanak ang dugo sa lupain. Nawawala ang katarungan. Sinasabi pa nilang hindi ko sila makikita pagkat umalis na ako sa lupain."
 9:10 "Kaya, pagbabayarin ko sila sa ginagawa nila. Wala akong patatawarin isa man sa kanila.' "
 9:11 "At bumalik ang lalaking nakakayong lino, at sinabi kay Yahweh, 'Nagawa ko na ang ipinagagawa mo sa akin.'"
 10:1 ( Inalis ni Yahweh ang Kaningningan Niya sa Templo ) Tumingin ako sa ulunan ng mga kerubin at may nakita akong parang trono na waring yari sa sapiro.
 10:2 "Sinabi ni Yahweh sa lalaking nakakayong lino, 'Pumunta ka sa gitna ng mga gulong na umiikot sa ibaba ng kerubin. Dumakot ka ng baga at isabog mo sa buong lunsod.' Gayon nga ang ginawa ng lalaking nabanggit."
 10:3 Noon, ang mga kerubin ay nasa gawing timog ng Templo. Pagpasok ng lalaki sa patyo sa loob, ito'y napuno ng makapal na ulap.
 10:4 Ang kaningningan ni Yahweh ay umalis sa may kerubin at lumipat sa may pagpasok ng Templo. Napuno rin ito ng ulap at ang buong patyo'y nagliwanag sa kaningningan ni Yahweh.
 10:5 Ang pagaspas ng pakpak ng mga kerubin ay dinig hanggang sa patyo sa labas, wari'y ugong ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
 10:6 Nang sabihin nga niya sa lalaking nakadamit lino na siya'y kumuha ng baga sa gitna ng mga gulong sa ibaba ng mga kerubin, pumunta ito at tumayo sa tabi ng isang gulong.
 10:7 Ang isa sa mga kerubin ay dumakot ng baga sa kanilang kalagitnaan at ibinigay sa lalaki; at ito'y umalis.
 10:8 Ang mga kerubin ay may mga tila kamay nga ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.
 10:9 Nang ako'y tumingin, nakita kong may isang gulong sa tabi ng bawat kerubin. Ang mga gulong ay kumikislap, tulad ng topasyo.
 10:10 Magkakamukha ang mga ito at parang iisa.
 10:11 Sila'y nakababaling kahit saan, hindi na kailangang pumihit. Saanman gumawi ang nasa unahan, sumusunod ang iba nang hindi na pumipihit.
 10:12 Ang kanilang katawan, likod, kamay, pakpak, pati mga gulong ay puno ng mata. Ang mga kerubin ay tigi-tig-isa ng gulong,
 10:13 at ang tawag sa kanila ay Mga Umiikot na Gulong.
 10:14 Bawat kerubin ay tig-aapat ng mukha: kerubin, tao, leon, at agila.
 10:15 Ang mga kerubin ay tumayo. Ito rin ang mga nilalang na buhay na nakita ko sa may Ilog Kebar.
 10:16 Paglakad ng mga ito, lumalakad din ang mga gulong; pagtaas ng mga ito, tumataas din ang mga gulong.
 10:17 Pagtigil nila, tumitigil din ang mga gulong. Pagtaas noong isa, sunod ang ikalawa pagkat iisa ang nagpapagalaw sa mga nilalang na buhay at sa mga gulong.
 10:18 Ang kaningningan ni Yahweh ay umalis sa may pagpasok ng Templo at lumagay sa may ulunan ng kerubin.
 10:19 Lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong, at tumigil sa may pintuan ng Templo sa gawing silangan. Nasa ulunan pa rin nila ang kaningningan ng Diyos ng Israel.
 10:20 Ang mga ito ay siya ring apat na nilalang na nakita ko sa may Ilog Kebar at nalaman kong sila'y mga kerubin.
 10:21 Sila'y tig-aapat ng mukha at tig-aapat din ng pakpak at may mga tila kamay sa ilalim ng kanilang mga pakpak.
 10:22 Ang mukha nila'y tulad din nang makita ko sila sa may Ilog Kebar. Kung saan gumawi yaong isa ay doon din yaong iba.
 11:1 ( Pinatay ang Masasamang Pinuno ) Dinala ako ng Espiritu sa pintuan ng Templo sa gawing silangan. May dalawampu't limang tao roon, kasama si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatia na anak ni Benaya; sila'y mga pinuno ng bayan.
 11:2 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, sila ang nagpupunla ng masamang isipan sa lunsod na ito."
 11:3 Sinasabi nila sa mga tao na hindi na dapat magtayo uli ng mga bahay pagkat ang siyudad na ito ang matibay na tanggulan.
 11:4 "Kaya, magpahayag ka laban sa kanila.' "
 11:5 "Nilukuban ako ng Espiritu ni Yahweh at sinabi sa akin, 'Sabihin mong ipinasasabi ni Yahweh: Mga Israelita, hindi lingid sa akin ang inyong mga pinagsasabi. Alam ko ang binabalak ninyo."
 11:6 Patuloy ang patayan ninyo sa lunsod na ito at nagkalat ang bangkay sa mga lansangan.
 11:7 Kaya, ito ang sinasabi ko: Ang lunsod ay natulad sa kaldero at ang karne ay ang mga bangkay. Hindi kayo dapat manatili rito.
 11:8 Takot kayo sa tabak kaya ipasasalakay ko kayo sa mga taong bihasa sa paggamit ng tabak.
 11:9 Iaalis ko kayo sa lunsod na ito at ipabibihag sa mga taga-ibang bayan bilang parusa sa inyo.
 11:10 Mamamatay kayo sa tabak sa may hangganan ng Israel. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.
 11:11 Samakatwid, hindi ninyo magiging tanggulan ang Jerusalem at hindi kayo magiging ligtas sa loob nito. Parurusahan ko kayo kahit saan kayo magpunta.
 11:12 "Ipakikilala ko sa inyo kung sino ako pagkat hindi kayo lumakad ayon sa aking mga tuntunin at hindi ninyo sinunod ang aking mga utos. Sa halip, namuhay kayo ayon sa tuntunin ng mga bansang nakapaligid sa inyo.' "
 11:13 "Nang kasalukuyan akong nagpapahayag, patay na bumagsak si Pelatia. Dahil dito'y tumatangis akong nagpatirapa. Itinanong ko, 'Yahweh, uubusin mo rin ba ang natitira pang Israelita?' ( Muling Titipunin ang mga Labi ng Israel )"
 11:14 Sinabi sa akin ni Yahweh,
 11:15 '"Tao, ang mga kapatid mo at mga itinapong tulad mo, ang buong sambahayan ni Israel, ay pinagsabihan ng mga nakatira ngayon sa Jerusalem ng, 'Lumayo kayo kay Yahweh, ang lupaing ito'y ibinigay na sa amin.'"
 11:16 Kaya, ganito ang sabihin mo sa kanila: 'Pinangalat ko sila sa iba't ibang dako kaya maaari nila akong sambahing pansamantala saanman sila napatapon.'
 11:17 Sabihin mo nga na muli ko silang titipunin mula sa mga bansang kinatapunan nila at ibibigay ko uli sa kanila ang lupain.
 11:18 At pagbabalik nila roon, aalisin nila ang mga kasuklam-suklam na mga bagay roon.
 11:19 Bibigyan ko sila ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin nilang puso ay papalitan ko ng pusong masunurin
 11:20 upang lumakad sila ayon sa aking mga tuntunin at sumunod sa aking mga utos. Sa gayon, magiging bayan ko sila at ako ang magiging Diyos nila.
 11:21 "Ngunit pagbabayarin ko ang mga nagmatigas na sa kasuklam-suklam nilang gawain.' ( Inalis ni Yahweh ang Kanyang Kaningningan sa Jerusalem )"
 11:22 Pumaitaas ang mga kerubin, kasama ang mga gulong, at ang kaningningan ng Diyos ay nasa itaas nila.
 11:23 Ang kaningningan ni Yahweh ay umalis sa lunsod at nagpunta sa ibabaw ng bundok sa gawing silangan.
 11:24 Inilipad ako ng Espiritu at sa pamamagitan ng pangitain ay dinala ako sa Caldea, sa lugar ng mga itinapon. Pagkatapos, nawala ang pangitain.
 11:25 At sinabi ko sa mga itinapon ang lahat ng ipinakita sa akin ni Yahweh sa pamamagitan ng pangitain.
 12:1 ( Inilarawan ni Ezekiel ang Paglaya ng Israel ) Sinabi sa akin ni Yahweh,
 12:2 '"Tao, nasa gitna ka ng isang mapaghimagsik na bayan. May mga mata sila ngunit hindi nakakikita at mga taingang hindi nakaririnig"
 12:3 pagkat sila'y mapaghimagsik. Kaya nga, magbalot ka ng kailangan mo sa paglalakbay bilang isang itinapon. Bago dumating ang gabi, maglalakad ka sa lansangan nang nakikita nila at baka sakaling makaunawa sila sa kabila ng pagiging mapaghimagsik nila.
 12:4 Samantalang maliwanag pa, maghanda ka ng iyong dala-dalahan nang nakikita nila at kinagabihan ay maglalakad kang parang manlalakbay.
 12:5 Pagkatapos, bumutas ka sa pader at doon ka magdaan.
 12:6 "Pasanin mo ang iyong dala-dalahan at lumakad kang nakikita nila. Magtakip ka ng mukha para hindi mo makita ang lupain pag-alis mo pagkat ikaw ang gagawin kong pinakababala sa mga Israelita.' "
 12:7 At ginawa ko ang lahat ayon sa utos sa akin. Nang araw na iyon, naghanda ako ng aking madadala bilang isang takas. Kinagabihan, bumutas ako sa pader at nagpatuloy sa paglalakbay na nakikita nila habang pasan ko ang aking mga dala-dalahan.
 12:8 Kinaumagahan, sinabi sa akin ni Yahweh,
 12:9 '"Tao, hindi ba't itinanong sa iyo ng mapaghimagsik na mga Israelitang yaon kung ano ang iyong ginagawa?"
 12:10 Sabihin mo sa kanila na ipinasasabi ko: 'Ang pahayag na ito ay para sa pinuno ng Jerusalem at sa buong Israel.
 12:11 Sabihin mong ang ginawa mo ang pinakababala sa gagawin sa kanila: Itatapon sila, at ipabibihag.'
 12:12 Pagdilim, papasanin ng pinuno ng Jerusalem ang kanyang dala-dalahan at tatakas sa pamamagitan ng butas sa pader. Magtatakip siya ng kanyang mukha para hindi niya makita ang lupaing iiwan niya.
 12:13 Ngunit susukluban ko siya ng lambat. Huhulihin ko siya at dadalhin sa Babilonia, sa lugar ng mga Caldeo, ngunit hindi niya ito makikita pagkat mamamatay siya roon.
 12:14 Ang mga nasasakupan niya ay pangangalatin ko sa lahat ng dako, ang kanyang mga lingkod at buong hukbo. Ang mga ito'y uusigin ko sa pamamagitan ng tabak.
 12:15 At kung mapangalat ko na sila sa iba't ibang lugar, makikilala nilang ako si Yahweh.
 12:16 "Ngunit may ilan akong ititira sa kanila para saanman sila mapunta ay maisaysay nila ang kasuklam-suklam nilang gawain. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.' ( Ang Tanda ng Panginginig ng Propeta )"
 12:17 Sinabi pa sa akin ni Yahweh,
 12:18 '"Tao, manginig ka sa takot habang kumakain at umiinom."
 12:19 Sabihin mo sa kanila, 'Ipinasasabi ni Yahweh sa mga Israelita, Kakain kayo at iinom nang nanginginig sa takot. Ang lunsod ay paghaharian ng lagim pagkat magaganap ang karahasan sa kabi-kabila.
 12:20 "Ang mga lunsod ay mawawalan ng tao, at magiging pook ng lagim ang lupain. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.'' ( Ang mga Palasak na Kasabihan )"
 12:21 Sinabi sa akin ni Yahweh,
 12:22 '"Tao, laganap ngayon sa buong Israel ang kasabihang, 'Humahaba ang mga araw ngunit isa man sa mga hula'y walang katuparang natatanaw.'"
 12:23 Sabihin mo sa kanilang mawawala na ang kasabihang iyan, hindi na ito maririnig sa Israel. Sabihin mo ring malapit nang matupad ang lahat ng inihayag sa kanila.
 12:24 Mula ngayo'y mawawala na ang maling pagpapahayag sa sambayanang Israel.
 12:25 "Akong si Yahweh ang magsasabi ng dapat sabihin. Hindi na magtatagal, mga Israelitang mapaghimagsik, at mangyayari sa inyong kapanahunan ang lahat ng aking sasabihin.' "
 12:26 Sinabi pa sa akin ni Yahweh,
 12:27 '"Tao, sinasabi ng mga Israelita na ang nakikita mong mga pangitain ay hindi magkakatotoo kung ngayon lamang. Magtatagal pa raw bago mangyari ang inihahayag mo ngayon."
 12:28 "Kaya, sabihin mo sa kanilang ipinasasabi ko: 'Isa mang salita ko'y hindi magkakabula. Hindi na magtatagal at magaganap ang lahat ng ito.''"
 13:1 ( Ang Pahayag Laban sa mga Bulaang Propetang Lalaki ) Sinabi sa akin ni Yahweh,
 13:2 '"Tao, magpahayag ka laban sa mga propeta ng Israel pagkat ang ipinahahayag nila sa mga tao ay sarili nilang isipan at hindi mula sa akin. Sabihin mo sa kanilang makinig sa salita ni Yahweh!' "
 13:3 "Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Kaawa-awa ang kalagayang sasapitin ng mga propetang nagpapahayag ng sariling isipan at hindi yaong mula sa akin."
 13:4 Bayang Israel, ang iyong mga propeta ay parang mga alamid sa mga pook ng lagim.
 13:5 Hindi nila ginawa ang sirang bahagi ng pader ng sambahayan ni Israel para ito'y manatiling nakatindig sa Araw ng Paghuhukom.
 13:6 Pawang kasinungalingan ang ipinahayag nila. Ang pahayag nila'y, 'Sinasabi ni Yahweh,' kahit hindi ko sila sinusugo. Sa kabila noon, inaasam nilang pangyayarihin ko ang kanilang ipinahayag.
 13:7 "Huwad ang kanilang pangitain at kasinungalingan ang kanilang pahayag pagkat sabi nila'y pasabi ko iyon bagamat wala akong sinasabing ganoon.' "
 13:8 "Ipinasasabi nga sa kanila ni Yahweh, ng Diyos: 'Huwad ang inyong pangitain at kasinungalingan ang inyong pahayag. Kaya, ako'y laban sa inyo."
 13:9 Parurusahan ko ang mga propetang may huwad na pangitain at nagpapahayag ng kasinungalingan. Hindi sila mapapabilang sa lupong sanggunian ng aking bayan o sa aklat-talaan ng bayan ng Israel. Hindi na kayo makapapasok uli sa lupaing ito. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.
 13:10 Dinadaya ninyo ang aking bayan. Sinasabi ninyong maayos ang lahat bagaman naghahari ang kaguluhan. At kapag may nagtatayo ng mahinang pader, tinatapalan ninyo ito ng apog.
 13:11 Sabihin mo sa mga magtatapal na yaon na guguho ang pader na iyon pagkat bubuhos ang malakas na ulan, babagyo ng yelo at magpapadala ako ng unos.
 13:12 "At pagbagsak ng pader na iyan, itatanong sa inyo kung nasaan ang inyong itinapal.' "
 13:13 "Kaya, ipinasasabi ni Yahweh: 'Dahil sa aking galit, magpapadala ako ng unos. Dahil sa tindi ng aking poot, ibubuhos ko ang malakas na ulan. Dahil sa laki ng aking galit, magpapaulan ako ng yelo upang sirain ang pader na yaon."
 13:14 Ang pader na inyong tinapalan ng apog ay iguguho ko hanggang sa pundasyon nito. Pagguho nito, matatabunan kayo. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.
 13:15 Ang matinding galit ko'y ibubuhos ko sa pader na yaon at sa mga nagtapal niyon. Pagkatapos, sasabihin kong wala na ang pader pati ang mga nagtapal niyon.
 13:16 "Ang mga nagtapal ng pader ay ang mga propeta ng Israel na nagsabing maayos ang lahat sa Jerusalem ngunit kabaligtaran ang nangyari.' Ito ang sabi ni Yahweh. ( Ang Pahayag Laban sa mga Bulaang Propetang Babae )"
 13:17 "Ang sabi ni Yahweh, 'Ngayon, Tao, magpahayag ka laban sa mga kababayan mong babae na nagpahayag ayon sa kanilang sariling isipan."
 13:18 Ganito ang sabihin mo sa kanila: Kahabag-habag ang mga babaing bumibihag sa kalooban ng mga tao sa pamamagitan ng bendang ikinakabit sa mga galang-galangan at suklob sa ulo ayon sa lahi ng tao. Binibihag ba ninyo ang kalooban ng aking bayan para sa inyong kapakinabangan?
 13:19 "Ginawan ninyo ako ng malaking kalapastanganan sa harap ng aking bayan sa pamamagitan ng kaunting harina at ng durog na tinapay. Sa pamamagitan ng inyong pagsasabi ng kasinungalingan sa mga mahilig makinig ng kasinungalingan, pinapatay ninyo ang dapat mabuhay at binubuhay ang dapat mamatay.' "
 13:20 "Kaya nga ipinasasabi ni Yahweh, 'Nasusuklam ako sa mga benda ninyong may madyik para mabihag ang loob ng mga tao. Hahablutin ko iyan sa inyong mga galang-galangan, at palalayaing tulad ng ibon ang isipan ng mga taong nabihag ninyo."
 13:21 Hahaltakin ko rin ang inyong mga belo, at palalayain ko ang aking bayan mula sa inyong kapangyarihan. Hindi na ninyo sila masasakop. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.
 13:22 Tinakot ninyo ang mga matuwid dahil sa inyong kasinungalingan at pinalakas ninyo ang loob ng masasama para lalong magpatuloy sa kanilang kasamaan.
 13:23 "Kaya naman, hindi na ninyo makikita ang huwad ninyong pangitain at hindi na ninyo magagawang magpahayag ng inyong mga kasinungalingan. Ililigtas ko sa inyong kapangyarihan ang aking bayan, anupat makikilala ninyong ako si Yahweh.'"
 14:1 ( Ang Hatol Laban sa mga Sumasamba sa Diyus-diyusan ) Minsan, pumunta sa akin ang ilang matatanda ng Israel upang magpasangguni kay Yahweh.
 14:2 Ang sabi naman sa akin ni Yahweh,
 14:3 '"Tao, ang mga ito'y nahumaling na sa diyus-diyusan at naibunsod sa kasamaan. Hindi ko sila tutugunin sa pagsangguni nila sa akin."
 14:4 Sabihin mo na lamang sa kanila na ipinasasabi kong huwag sasangguni sa mga propeta ang sinumang Israelitang sumasamba sa diyus-diyusan na naging dahilan ng patuloy nilang pagkakasala. Kapag sumangguni sila, tuwiran kong ibibigay sa kanila ang sagot na nararapat sa marami nilang diyus-diyusan.
 14:5 Sa pamamagitan ng sagot kong ito, manunumbalik sa akin ang mga Israelitang ito na nahumaling sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
 14:6 '"Sabihin mo nga sa bayang Israel na ipinasasabi ko: Magsisi na kayo at tigilan na ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyusan."
 14:7 Pagkat ako ang tuwirang sasagot sa sinumang Israelita o nakikipamayan sa Israel na sasangguni sa propeta habang siya ay malayo sa akin, at patuloy sa pagsamba sa diyus-diyusan at sa kanyang kasamaan.
 14:8 Itatakwil ko ang ganoong uri ng tao. Gagawin ko siyang usap-usapan ng lahat at babala para sa iba. Sa gayon, hindi na siya mapapabilang sa Israel. Sa gayo'y makikilala ninyong ako si Yahweh.
 14:9 '"Kapag ang isang propeta ay naakit magpahayag ng mali, ako ang dumaya sa kanya. Kung magkagayon, itatakwil ko siya at hindi na ibibilang sa aking bayan."
 14:10 Siya at ang sasangguni sa kanya ay parurusahan ko. Kung ano ang ipaparusa ko sa propeta ay siya ko ring ipaparusa sa sinumang sasangguni sa kanya.
 14:11 "Gagawin ko ito para hindi na lumayo sa akin ang Israel at hindi na sila magpakasama. Kung magkagayon, sila ay magiging bayan ko at ako naman ang kanilang Diyos.' Ito nga ang sabi ni Yahweh, ng Diyos. ( Ang Hatol ng Diyos Laban sa Jerusalem )"
 14:12 Sinabi sa akin ni Yahweh,
 14:13 '"Tao, kapag ang isang bayan ay hindi naging tapat sa akin, parurusahan ko sila, at babawasan ang kanilang pagkain. Padadalhan ko sila ng taggutom hanggang sa mamatay ang mga tao, pati hayop."
 14:14 Kung magkataong naroon sina Noe, Daniel at Job, sila lamang ang maliligtas dahil sa matuwid nilang pamumuhay.
 14:15 '"Kapag pinapasok ko sa isang bansa ang mababangis na hayop, sila'y uubusin ng mga ito. Ang dakong yaon ay magiging pook ng lagim hanggang sa ang lahat ay matatakot magdaan doon dahil sa mababangis na hayop."
 14:16 Isinusumpa kong wala akong ititira isa man sa kanila. Magkataon mang naroon sina Noe, Daniel at Job, sila lamang ang maliligtas, ngunit hindi nila maililigtas isa man sa kanilang mga anak.
 14:17 '"Kapag pinadalhan ko ng tabak ang isang bansa, silang lahat ay aking papatayin, pati mga hayop."
 14:18 "Kung magkataong naroon sina Noe, Daniel at Job, sila lamang ang maliligtas; wala silang maisasama isa man sa kanilang mga anak. Buhay ako,' sabi ni Yahweh. "
 14:19 '"Kapag ang isang bansa ay pinadalhan ko ng salot at ibinuhos ko roon ang aking matinding galit, mamamatay silang lahat, pati mga hayop."
 14:20 "Buhay ako,' sabi ni Yahweh. 'Naroon man sina Noe, Daniel at Job, hindi rin nila maililigtas kahit isa sa kanilang mga anak, sila lamang tatlo ang maliligtas pagkat matuwid ang kanilang pamumuhay.' "
 14:21 "Ipinasasabi nga ni Yahweh, 'Ano pa ang maaaring asahan ng Jerusalem kapag nilipol ko ang lahat ng naroon sa pamamagitan ng tabak, taggutom, mababangis na hayop, at salot na siyang apat na paraan ng aking pagpaparusa?"
 14:22 Sakali mang may makaligtas, aalis sila sa Jerusalem. At kung makita mo ang paraan ng kanilang pamumuhay, sasabihin mong angkop lamang ang pagpaparusang ipinataw ko.
 14:23 "Mawawala ang panghihinayang mo kapag nakita mo ang masamang paraan ng kanilang pamumuhay, at sasabihin mong may sapat akong dahilan sa gayong pagpaparusa sa kanila.'"
 15:1 ( Itinulad sa Baging na Ligaw ang Jerusalem ) Sinabi sa akin ni Yahweh,
 15:2 '"Tao, ano ba ang kahigtan ng puno ng ubas kaysa punongkahoy sa gubat?"
 15:3 Mayroon ba itong ibang mapaggagamitan? Maaari ba itong gawing tulos o sabitan ng kagamitan?
 15:4 Hindi! Ito ay panggatong lamang. At kung masunog na ito'y wala nang silbi.
 15:5 "Kung noong buo pa ito ay wala nang mapaggamitan, gaano pa kung sunog na. Lalo nang hindi magagamit.' "
 15:6 "Kaya nga, ipinasasabi ni Yahweh: 'Kung paanong ang baging ay kinukuha sa gubat upang igatong, gayon ang gagawin ko sa mga taga-Jerusalem."
 15:7 Tatalikdan ko sila. Makatakas man sila sa apoy ay ito rin ang papatay sa kanila. At makikilala ninyong ako si Yahweh kapag naparusahan ko na sila.
 15:8 "Ang lupaing yaon ay gagawin kong pook ng lagim pagkat hindi sila naging tapat sa akin.'"
 16:1 ( Ang Kawalang Katapatan ng Jerusalem ) Sinabi pa sa akin ni Yahweh,
 16:2 '"Tao, ipamukha mo sa Jerusalem ang kanyang kasuklam-suklam na gawain."
 16:3 Sabihin mong ipinasasabi ni Yahweh na kanyang Diyos: Ikaw ay mula sa Canaan. Amorreo ang iyong ama at Hetea ang iyong ina.
 16:4 Nang ikaw ay isilang, hindi ka pinutulan ng pusod ni pinaliguan ni kinuskos ng asin ni binalot ng lampin.
 16:5 Walang nag-ukol ng panahon upang gawin sa iyo ang isa man sa mga bagay na dapat gawin. Wala man lamang naawa sa iyo. Basta ka na lamang inilapag sa lupa nang ikaw ay isilang.
 16:6 '"Nadaanan kitang kakawag-kawag sa sarili mong dugo. Sinabi ko sa iyo noon na mabubuhay ka"
 16:7 at lalaking tulad ng mga halaman sa parang. Lumaki ka nga at naging dalaga. Maganda ang iyong dibdib. Mahaba ang iyong buhok ngunit ikaw ay hubad.
 16:8 '"Nang madaanan kita uli, nakita kong ikaw ay ganap nang dalaga. At ibinalabal ko sa iyo ang aking kasuutan upang matakpan ang iyong kahubaran. Nangako ako sa iyo nang buong katapatan. Nakipagtipan ako sa iyo, at ikaw ay naging akin."
 16:9 Pinaliguan kita. Nilinis ko ang dugo mo sa katawan, at pinahiran kita ng langis.
 16:10 Dinamtan kita ng may magagandang burda, at sinuutan ng sandalyas na balat. Binalot kita ng pinong lino at damit na seda.
 16:11 Sinuutan kita ng pulseras sa magkabilang braso, at binigyan ng kuwintas.
 16:12 Binigyan din kita ng hikaw sa ilong at tainga. Pinutungan kita ng isang magandang korona.
 16:13 Nagayakan ka ng alahas na pilak at ginto. Ang kasuutan mo'y pinong lino, piling seda, at telang nabuburdahan nang maganda. Ang pagkain mo'y yari sa pinakamainam na harina. Pulot-pukyutan at langis ang iyong inumin. Lumaki kang walang kasingganda at nalagay sa katayuan ng isang reyna.
 16:14 Natanyag sa lahat ng bansa ang iyong kagandahan pagkat lalo itong pinatingkad ng mga palamuting iginayak ko sa iyo.
 16:15 '"Ngunit naging palalo ka dahil sa iyong kagandahan. Anupat nabuyo ka sa pagiging patutot at ang sarili mo'y ipinaangkin sa lahat ng makita mo."
 16:16 Hinubad mo ang bahagi ng iyong kasuutan, ginamit sa pagtatayo ng altar sa mga burol, at doon mo isinagawa ang iyong pagkapatutot. Wala pang nangyayaring tulad nito at wala nang mangyayari pa sa hinaharap.
 16:17 Hinubad mo rin ang ilan sa magagandang alahas na ginto at pilak na ibinigay ko sa iyo, at ginawang larawan ng mga tao at iyong sinamba.
 16:18 Binalot mo ito ng balabal mong puno ng magandang burda at sinuob ng aking langis at kamanyang.
 16:19 Tinustusan kita ng pinakapinong harina, langis at pulot-pukyutan, pati tinapay na ibinigay ko sa iyo ay inihandog mo sa kanila.
 16:20 Ang mga anak na ipinagkaloob ko sa iyo ay inihandog mo rin sa iyong diyus-diyusan. Hindi ka pa nasiyahan.
 16:21 Pinatay mo pati aking mga anak at sinunog bilang handog sa iyong diyus-diyusan.
 16:22 "Nang gawin mo ang mga kasamaang ito at ang iyong pagkapatutot ay hindi mo na naisip ang kalagayan mo noong bata ka: hubad, at kakawag-kawag sa sariling dugo.' ( Ang Pamumuhay ng Jerusalem Bilang Masamang Babae )"
 16:23 "Sinabi pa ni Yahweh, 'Kahabag-habag ang kasasapitan mo. Pagkat bukod sa mga kasamaang iyo nang nagawa,"
 16:24 nagpatayo ka pa ng nakaarkong altar at nagpagawa ng mataas na tayuan sa bawat plasa.
 16:25 Nagpagawa ka ng mataas na tuntungan sa mga panulukan ng daan at doon mo ipinaangkin ang iyong kagandahan sa bawat magdaan. Maraming beses mo itong ginawa.
 16:26 Maraming ulit ka ring nagpaangkin sa Egipto, ang makasanlibutan mong kapit-bansa, kaya labis akong nagalit sa iyo.
 16:27 Dahil dito, parurusahan kita. Babawasan ko ang iyong mana. Ipasasakop kita sa mga Filisteo, ang mga taong namumuhi sa iyo. Sila ma'y muhi sa mahalay mong gawain.
 16:28 '"Dahil sa iyong kawalang kasiyahan, napaangkin ka rin sa taga-Asiria."
 16:29 Hindi ka pa nasiyahan dito, maraming beses mo ring ipinaangkin ang iyong sarili sa bansang Caldea, ang lupain ng mga mangangalakal. Ngunit hindi ka pa rin nagkasiya rito.
 16:30 '"Naging talamak na ang iyong kasamaan! Nagawa mo ang mga bagay na itong angkop lamang gawin ng isang babaing makapal na ang mukha dahil sa kasamaan."
 16:31 Nagpatayo ka ng nakaarkong altar sa mga panulukan ng daan at ng mataas na tayuan sa bawat plasa. At masahol ka pa sa talagang patutot pagkat kung minsa'y ikaw pa ang nagbabayad sa umaangkin sa iyong kagandahan.
 16:32 O babaing mangangalunya, mas gusto mo pang pasiping sa iba kaysa iyong asawa.
 16:33 Ang mga lalaki'y bumabayad sa mga patutot, ngunit iba ka. Ikaw pa ang bumabayad sa sinumang ibig mong umangkin sa iyo para lamang magawa mo ang iyong pagiging patutot.
 16:34 Kabaligtaran ka ng karaniwang patutot. Hindi ikaw ang hinahanap, ikaw ang naghahanap. Hindi ka nagpapaupa, ikaw pa ang umuupa. Balintuna ka nga. ( Ang Hatol ng Diyos sa Jerusalem )
 16:35 '"Kaya nga, babaing ubod sama, dinggin mo ang salita ni Yahweh."
 16:36 Ito ang kanyang ipinasasabi: Winaldas mo ang iyong ari-arian, inilagay mo ang iyong sarili sa kahiya-hiyang kalagayan dahil sa pagiging patutot. Sumamba ka sa mga diyus-diyusan. Pinatay mo't inihandog sa mga ito ang iyong mga anak.
 16:37 Kaya, titipunin ko laban sa iyo ang lahat ng naging talisuyo mo, maging yaong minamahal, maging yaong kinapopootan. Sa harap nila'y huhubaran kita upang malagay ka sa ganap na kahihiyan.
 16:38 Hahatulan kitang tulad sa isang babaing taksil sa asawa at berdugo ng sariling mga anak. At sa tindi ng galit ko sa iyo, parurusahan kita ng kamatayan.
 16:39 Ibibigay kita sa mga naging talisuyo mo. Gigibain nila ang mga altar mong nakaarko at ang mataas na tayuan. Huhubdan ka nila ng iyong kasuutan at alahas. Anupat iiwan ka nilang hubad na hubad.
 16:40 Ipadudumog ka nila sa makapal na tao. Babatuhin ka nila at ipatatadtad sa tabak.
 16:41 Susunugin nila ang iyong mga bahay at parurusahan sa harapan ng kababaihan. Mapuputol na ang iyong pagpapatutot at ang pag-upa para lang angkinin ka.
 16:42 Ganyan ko ipararanas sa iyo ang matinding galit ko bunga ng panibugho. Sa gayon, mapapawi ang aking galit at papayapa na ang aking kalooban.
 16:43 "Hindi mo na naalala ang kalagayan mo noong ikaw ay bata, bagkus ay pinagalit mo ako nang lubusan dahil sa iyong kasuklam-suklam na gawain. Kaya naman, pagbabayarin kita nang husto. ( Kung Ano ang Puno ay Siyang Bunga )'Dahil sa iyong kahalayang ito at sa kasuklam-suklam mong gawain,"
 16:44 ilalapat sa iyo ang kasabihang 'Kung ano ang puno ay siyang bunga.'
 16:45 Ang ina mo ay Hetea at Amorreo ang iyong ama. Itinakwil ng ina mo ang asawa niya't mga anak. Ganoon din ang ginawa ng mga kapatid mong babae, itinakwil ang asawa't mga anak.
 16:46 Ang Samaria na siyang nakatatanda mong kapatid, pati ng kanyang sakop ay nasa gawing hilaga mo. Sa gawing timog naman, ang Sodoma na siya mong kapatid na bata, pati ng kanyang nasasakupan.
 16:47 Hindi ka pa nasiyahang tumulad sa kasamaan ng iyong mga kapatid. Mas masama ka kaysa kanila.
 16:48 '"Buhay ako,' sabi ni Yahweh. 'Ang ginawa mo at ng iyong nasasakupan ay hindi ginawa ng kapatid mong Sodoma at ng sakop nito."
 16:49 Tingnan mo ang mga kasalanan lamang ng Sodoma: siya at ang kanyang mga anak ay may maipagmamalaking kayamanan at kasaganaan sa buhay, ngunit hindi sila marunong tumulong sa mga nangangailangan,
 16:50 naging palalo sila. Bukod doon, gumawa sila ng kasuklam-suklam na mga bagay. Nang makita ko ito, pinarusahan ko sila, gaya ng iyong nalalaman.
 16:51 Ang kasalanan naman ng Samaria ay wala pa sa kalahati ng iyong kasalanan. Mas matuwid siya kaysa sa iyo pagkat mas maraming kasuklam-suklam na gawain ang iyong ginawa kaysa kanya.
 16:52 Sa iyo babagsak ang bigat ng kahihiyang akala mo ay nararapat sa iyong mga kapatid, pagkat higit na kasuklam-suklam ang iyong gawain. Kaya, mararanasan mo ang kahihiyan at kadustaan, pagkat sa mga ginawa mo'y lumabas pang mas mabuti kaysa sa iyo ang mga kapatid mo. ( Ibabalik sa Dati ang Sodoma at ang Samaria )
 16:53 '"Ibabalik ko sa dati ang Sodoma at ang mga sakop nito, ganoon din ang Samaria at ang kanyang nasasakupan; saka pa lamang kita ibabalik sa dati mong kalagayan."
 16:54 Dadanasin mo ang bigat ng parusa at ang kahihiyang bunga ng iyong ginawa. Ito'y magiging pampalubag-loob sa Sodoma at Samaria.
 16:55 Kung maibalik na sa dati ang Sodoma at Samaria, saka lamang kita ibabalik sa dati mong kalagayan.
 16:56 Hindi ba't ipinamamalita mo ang Sodoma noong panahon ng iyong kapalaluan,
 16:57 noong hindi pa nalalantad ang iyong kasamaan? Ngayon, ikaw naman ang nalagay sa gayong katayuan. Ikaw ngayon ang usap-usapan ng mga nasasakupan ng Edom. Ikaw ngayon ang kinasusuklaman ng Filisteo.
 16:58 "Ngayon ay dadanasin mo ang bigat ng parusang bunga ng iyong mahalay at kasuklam-suklam na pamumuhay.' ( Ang Walang Hanggang Tipan )"
 16:59 "Ipinasasabi ni Yahweh: 'Ilalapat ko sa iyo ang parusang angkop sa pagsira mo sa tipan at pangako."
 16:60 Gayunman, hindi ko na rin kalilimutan ang ginawa kong tipan sa iyo nang ikaw ay bata pa. Ngayon ay gagawa ako ng tipan para sa atin, hindi ito masisira kailanman.
 16:61 Kung magkagayon, maaalaala mo noong ikaw ay bata pa at mapapahiya ka sa sarili mo kapag nakasama mo na ang mga kapatid mong nakababata at nakatatanda sa iyo. Sila'y isasama ko sa iyo bagaman hindi talagang kabilang sa tipan ko sa iyo.
 16:62 Gagawin ko nga ang aking pakikipagtipan sa iyo. Sa gayo'y makikilala mong ako si Yahweh.
 16:63 "Sa sandaling ipatawad ko ang lahat mong kasalanan, matitikom ang bibig mo dahil sa laki ng kahihiyan.'"
 17:1 ( Ang Talinghaga ng Agila at ng Baging ) Sinabi sa akin ni Yahweh,
 17:2 '"Tao, bigyan mo ng palaisipan ang Israel,"
 17:3 para malaman nila na akong si Yahweh ang nagsasalita sa kanila. Ito ang talinghaga: Isang agila ang dumating sa Libano. Mahaba ang pakpak nito at malagung-malago ang balahibong iba't ibang kulay. Dumapo ito sa isang punong sedro.
 17:4 Pinutol nito ang pinakamataas na sanga niyon, tinangay at itinayo sa lupain
 17:5 at itinanim sa matabang lupa sa tabi ng tubig.
 17:6 Tumubo ito at naging baging na gumagapang sa lupa. Ang mga sanga nito'y nakaturo sa puno at ang ugat ay tumubo nang pailalim. Naging baging nga ito, nagsanga at nagsupling.
 17:7 '"Ngunit may dumating na isa pang malaking agila; malapad din ang pakpak at malago ang balahibo. Ang mga sanga at ugat ng baging ay humarap sa agilang ito sa pag-aakalang siya'y bibigyan nito ng mas maraming tubig."
 17:8 Ito'y nakatanim sa matabang lupain sa tabi ng tubig, at maaaring lumago hanggang maging punong balot ng karangalan.
 17:9 Sabihin mong ipinatatanong ko sa kanila: Patuloy kaya itong lalago? Hindi kaya maputol ang mga ugat nito o mabali ang mga sanga at dahil doo'y malanta ang mga usbong? Hindi na kakailanganin ang malakas na tao o ang magtulung-tulong ang marami para mabunot pati ugat nito.
 17:10 "Ngunit mabuhay pa kaya ito kung ilipat ng taniman? Kung magbago ng lugar, hindi kaya ito mamatay na parang binayo ng malakas na hangin?' ( Ang Kahulugan ng Talinghaga )"
 17:11 Sinabi sa akin ni Yahweh,
 17:12 '"Itanong mo sa mapaghimagsik na bayan ng Israel kung alam nila ang kahulugan ng palaisipang ito. Sabihin mong ang hari ng Babilonia ay lumusob sa Jerusalem. Binihag nito ang hari roon pati ng mga pinuno, at iniuwi sa Babilonia."
 17:13 Kinuha niya ang isa sa mga pinuno at gumawa sila ng kasunduan at pinanumpang magtatapat dito. Binihag niya ang pamunuan ng lupain
 17:14 para hindi ito makabangon laban sa kanya, bagkus ay ganap na tumupad sa mga tuntunin ng kasunduan.
 17:15 Ngunit ang pinunong pinili ng hari ng Babilonia ay naghimagsik at nagsugo sa hari ng Egipto upang humingi ng mga kabayo at maraming kawal. Akala kaya niya'y magtatagumpay siya? Hindi! Makaiwas kaya siya sa parusa kung gawin niya iyon? Hindi! Tiyak na parurusahan ko siya.
 17:16 "Buhay ako,' sabi ni Yahweh. 'Isinusumpa kong mamamatay siya sa Babilonia, sa lupain ng haring nagluklok sa kanya sa trono. Mamamatay siya pagkat hindi niya pinahalagahan ang kanyang salita. Sumira siya sa kanilang kasunduan."
 17:17 Kahit ang makapal na kawal ng Faraon ay walang magagawa sa bantayang tore at mga muog; isa mang buhay ay walang mapuputi.
 17:18 "Hindi siya makaiiwas; sumira siya sa kasunduan at pagkatapos ay hindi tumupad sa pangako.' "
 17:19 "Ipinasasabi pa ni Yahweh: 'Ako ang Diyos na buhay. Parurusahan ko siya sa pagbale-wala niya sa aking sumpa at sa pagsira sa aking tipan."
 17:20 Susukluban ko siya ng lambat at masusuot siya sa kaguluhan. Dadalhin ko siya sa Babilonia upang doon parusahan dahil sa pagtataksil niya sa akin.
 17:21 "Ang mga pili niyang tauhan ay mamamatay sa tabak at ang matitira'y ikakalat ko sa lahat ng dako. Kung magkagayo'y maaalaala mo na akong si Yahweh ang may sabi nito.' "
 17:22 "Ito nga ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Kukuha ako ng isang usbong ng sedro at aking iaayos. Ang kukunin ko'y yaong pinakamura ng pinakamataas na sanga. Itatanim ko ito sa isang mataas na bundok,"
 17:23 sa pinakamataas na bundok ng Israel upang lumago at mamungang mabuti at maging isang kahanga-hangang sedro. Sa gayon, lahat ng uri ng hayop ay makapaninirahan sa ilalim nito. Ang mga ibon nama'y makapamumugad sa mga sanga nito.
 17:24 "Kung magkagayon, malalaman ng lahat ng punongkahoy na mapabababa ko ang mataas na kahoy at maitataas ko yaong mababa; na matutuyo ko ang sariwang kahoy at mapananariwa ko yaong tuyong punongkahoy. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito at ito'y gagawin ko.'"
 18:1 ( Kamatayan sa Nagkasala ) Sinabi sa akin ni Yahweh,
 18:2 '"Ano ba ang ibig ninyong sabihin sa kasabihan ninyong, 'Ang ama ang kumakain ng maasim na ubas ngunit ang anak ang nangingilo'?' "
 18:3 '"Buhay ako,' sabi pa ni Yahweh, 'hindi ninyo magagamit ngayon ang kasabihang ito sa Israel."
 18:4 Akin ang buhay ng lahat ng tao, maging sa ama o sa anak, at ang kaluluwang magkasala ay mamamatay.
 18:5 '"Halimbawa na may isang taong masunurin sa Kautusan, tapat at lumalakad sa katuwiran."
 18:6 Hindi siya nakikisalo sa handog na inihain sa mga burol, hindi sumasamba sa mga diyus-diyusan ng Israel. Hindi siya nangangalunya ni sumisiping sa babaing pinapanahon.
 18:7 Hindi siya nandadaya ng kapwa o nagnanakaw. Ibinabalik niya agad sa may-ari ang sangla ng nangungutang sa kanya. Marunong siyang tumulong sa nangangailangan.
 18:8 Hindi siya nagpapatubo sa pagpapahiram ng pera. Siya ay makatarungan.
 18:9 Sinusunod niya ang aking mga utos at mga tuntunin. Ang ganitong tao ay matuwid at mabubuhay siya.
 18:10 '"Sakaling magkaanak siya ng magnanakaw, mamamatay-tao at hindi sumunod sa alinman sa mga tuntuning ito,"
 18:11 bagkus ay nakikisalo sa mga handaan sa mga burol, sumisiping sa asawa ng iba,
 18:12 umaapi sa mahihirap, nagnanakaw, hindi marunong magbayad ng utang, sumasamba sa diyus-diyusan, gumagawa ng mga kasuklam-suklam na gawain,
 18:13 at nagpapatubo. Palagay ba ninyo'y mabubuhay ang anak na ito? Hindi! Tiyak na mamamatay siya dahil sa mga kasuklam-suklam niyang gawain. Kung magkagayon, walang ibang dapat sisihin kundi siya.
 18:14 '"Halimbawa namang siya ay may anak. Nasaksihan ng anak na ito ang kasamaan ng kanyang ama, ngunit hindi niya ito pinarisan."
 18:15 Hindi siya nakisalo sa mga handaan sa burol, hindi sumamba sa mga diyus-diyusan, hindi sumiping sa asawa ng iba.
 18:16 Hindi rin siya gumawa ng masama kaninuman, hindi nanamsam ng sangla, at hindi nagnakaw. Siya ay matulungin sa nangangailangan,
 18:17 lumalayo sa kasamaan, hindi nagpapatubo sa pautang, sumusunod sa aking Kautusan at lumalakad ayon sa aking mga tuntunin. Mabubuhay ang anak na yaon. Hindi siya mamamatay dahil sa kasamaan ng kanyang ama.
 18:18 Ang kanyang ama ay mamamatay pagkat nagnakaw at gumawa ng masama sa kanyang kapwa.
 18:19 '"Maaaring itanong mo kung bakit di dapat pagdusahan ng anak ang kasalanan ng ama. Pagkat matuwid ang mga gawa ng anak, sumunod siyang mabuti sa aking mga tuntunin, kaya dapat siyang mabuhay."
 18:20 "Ang nagkasala ang dapat mamatay. Ang anak ay di dapat magdusa dahil sa kasalanan ng ama, at ang ama ay di dapat magdusa dahil sa kasamaan ng anak. Ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pagiging matuwid at ang masama ay mamamatay sa kanyang kasamaan.' ( Matuwid ang Tuntunin ng Diyos )"
 18:21 '"Kung ang isang taong masama ay tumalikod sa kanyang kasamaan, sumunod sa aking mga tuntunin, at gumawa ng mabuti, siya ay mabubuhay."
 18:22 Kakalimutan na ang lahat ng nagawa niyang kasalanan at mabubuhay siya dahil sa kabutihang ginawa niya sa bandang huli.
 18:23 "Hindi ko ikinasisiya ang kamatayan ng masama,' sabi pa ni Yahweh. 'Ang ibig ko nga, siya'y magsisi at magbagong buhay."
 18:24 Ngunit kung ang isang taong matuwid ay magpakasama at gumawa ng mga kasuklam-suklam na gawain, hindi siya mabubuhay. Mamamatay siya dahil sa kanyang pagtataksil at sa kasalanang nagawa. Mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng kabutihang ginawa niya noong una.
 18:25 '"Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko. Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot."
 18:26 Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa niya.
 18:27 At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay na matuwid ay mabubuhay.
 18:28 Dahil sa pagtalikod sa nagawa niyang kasamaan noong una, mabubuhay siya, hindi mamamatay.
 18:29 Maaari ngang sabihin ninyong hindi tama ang ginagawa ko. Sasabihin ko namang ang ginagawa ninyo ang hindi tama.
 18:30 '"Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa."
 18:31 Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay pagkat di kayo dapat mamatay, mga Israelita.
 18:32 "Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, kaya magpakabuti na kayo upang mabuhay.'"
 19:1 ( Pamimighati para sa mga Pinuno ng Israel ) Ihayag mo ang iyong panambitan para sa mga pinuno ng Israel.
 19:2 Sabihin mo:  Ang iyong ina ay walang iniwan sa isang leon.  Pinalaki niya ang kanyang mga anak,  Nakatira siyang kasama ng karamihan  sa piling ng mababangis na leon.
 19:3 Isa sa kanyang mga anak ay tinuruan niya  Kaya ito ay natutong manila at manlapa ng tao.
 19:4 Nang mabalitaan ito ng mga bansa sa paligid,  Hinuli siya sa patibong, ikinulong at dinala sa Egipto.
 19:5 Naghintay siya nang naghintay  hanggang sa mawalan ng pag-asa;  Kaya, inaruga ang isa pang anak niya,  na nang lumaki'y naging isang mabalasik na leon.
 19:6 Sumama siya sa ibang leong tulad niya  At siya'y natutong manlapa ng tao.
 19:7 Iginuho niya ang mga tanggulan ng kalaban  at kanyang winasak ang kanilang mga bayan.  Ang buong lupain, lahat ng mamamayan  ay nangingilabot sa kanyang atungal.
 19:8 At nagkaisa laban sa kanya ang mga  bansa sa palibot.  May umang na patibong sa kabi-kabila.  Iniumang nila ang kanilang mga lambat at siya ay nahuli.
 19:9 Siya ay ikinulong nila't dinala sa hari ng Babilonia;  Pinabantayan siyang mabuti.  Mula noon, ang ungal niya'y di na narinig sa mga bundok ng Israel.
 19:10 Ang iyong ina ay tulad ng baging ng ubas,  Itinanim sa tabi ng batis  Pagkat sagana sa tubig, kaya ito ay lumago at  Namunga nang marami.
 19:11 Matitigas ang kanyang mga sanga,  Bagay na setro ng hari.  Ito'y tumaas, umabot sa mga ulap.  Namumukod nga sa taas, namamalas ng lahat.
 19:12 Ngunit dahil sa matinding galit, ito ay ibinuwal,  Bunga nito ay nalanta sa ihip ng hangin.  Ang puno ay natuyo, sa huli ay sinigan.
 19:13 At ito nga'y ibinago ng tanim sa gubat,  Sa lupaing tuyung-tuyo, kaunti ma'y walang katas.
 19:14 Ang punong yaon ay nasunog,  Bunga't sanga ay natupok.  Wala nang makuhang gagawing setro. Ito ang sumpa at mananatili hanggang sa matupad.
 20:1 ( Ang Kalooban ng Diyos ay Sinuway ng Tao ) Noon ay ika-10 araw ng ika-5 buwan ng ika-7 taon ng aming pagkatapon. Lumapit sa akin ang ilan sa matatanda ng Israel upang sumangguni kay Yahweh.
 20:2 Nang isangguni ko sila, sinabi naman sa akin ni Yahweh,
 20:3 '"Tao, sabihin mo sa kanilang ipinatatanong ko kung naparito sila upang sumangguni sa akin. Ako ang Diyos na buhay. Sabihin mong huwag silang sasangguni sa akin."
 20:4 Ikaw ang humatol sa kanila. Ikaw na ang magsabi sa kanila ng mga kasuklam-suklam na gawain ng kanilang mga ninuno.
 20:5 Sabihin mong ipinasasabi ko na nang hirangin ko ang Israel, ako'y nangako sa kanila. Nagpakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto na akong si Yahweh ang magiging Diyos nila.
 20:6 Ipinangako kong iaalis ko sila sa Egipto at dadalhin sa lupaing inilaan ko sa kanila, isang lupaing sagana sa lahat ng pangangailangan, at pinakamainam sa buong daigdig.
 20:7 Sinabi ko sa kanila noon na talikdan nila ang mga diyus-diyusan ng Egipto at huwag nilang sambahin ang mga iyon pagkat ako ang Diyos nilang si Yahweh.
 20:8 "Ngunit hindi nila ako sinunod, hindi nila ako pinakinggan. Hindi nila tinalikdan ang kasuklam-suklam na mga bagay na yaon ni iniwan ang mga diyus-diyusan ng Egipto. 'Binalak ko sanang ibuhos na sa kanila ang aking matinding poot noong nasa Egipto pa sila."
 20:9 Ngunit hindi ko ito itinuloy upang ang pangalan ko'y hindi mapulaan ng mga bansa sa paligid ng Israel, mga bansang ninanasa kong makakita sa gagawin kong pag-aalis ng Israel sa Egipto.
 20:10 Inialis ko nga sila roon at dinala sa ilang.
 20:11 Doon, ibinigay ko sa kanila ang Kautusan at mga tuntuning dapat nilang sundin upang sila'y mabuhay.
 20:12 Ibinigay ko rin sa kanila ang mga tuntunin para sa Araw ng Pamamahinga para maalaala nila na akong si Yahweh ang nagpapabanal sa kanila.
 20:13 "Ngunit maging sa ilang ay naghimagsik sila sa akin, hindi nila sinunod ang aking mga tuntunin. Ang Kautusan kong dapat sundin upang mabuhay sila ay kanilang tinanggihan, bagkus nilapastangan pa nila ang Araw ng Pamamahinga. 'At binalak ko na namang iparanas sa kanila noon ang matinding galit ko para malipol na sila."
 20:14 Ngunit hindi ko ito itinuloy upang ang pangalan ko'y hindi mapulaan ng mga bansang pinag-alisan ko sa Israel.
 20:15 At doon sa ilang, isinumpa kong hindi sila dadalhin sa lupaing ipinangako ko sa kanila, sa lupaing sagana sa lahat ng pangangailangan,
 20:16 pagkat tinalikdan nila ang aking Kautusan. Hindi sila lumakad ayon sa aking mga tuntunin, at hindi nila iginalang ang Araw ng Pamamahinga; sila'y sumamba sa kanilang mga diyus-diyusan.
 20:17 Gayunman, kinaawaan ko sila, at hindi nilipol.
 20:18 '"At sinabi ko sa kanilang mga anak na huwag nilang tutularan ang masamang pamumuhay ng kanilang mga ninuno, ni susundin ang ginawa nilang mga tuntunin at huwag sasamba sa mga diyus-diyusan."
 20:19 Ako si Yahweh, ang kanilang Diyos. Sinabi kong lumakad sila ayon sa aking mga tuntunin, at sunding mabuti ang aking Kautusan,
 20:20 at pahalagahan nila ang Araw ng Pamamahinga pagkat ito ang mag-uugnay sa kanila at sa akin, at sa ganito'y makikilala nilang ako si Yahweh, ang kanilang Diyos.
 20:21 "Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila lumakad ayon sa aking mga tuntunin ni sumunod sa aking Kautusan na kung sundin ng tao ay magdudulot sa kanya ng buhay. Hindi rin nila pinahalagahan ang Araw ng Pamamahinga. 'At inisip ko na namang ibuhos sa kanila ang aking matinding poot."
 20:22 Ngunit hindi ko rin itinuloy ito upang ang pangalan ko'y hindi mapulaan ng mga bansang pinag-alisan ko sa kanila.
 20:23 At sa ilang, isinumpa kong pangangalatin sila sa iba't ibang bansa,
 20:24 pagkat di nila sinunod ang aking mga tuntunin at Kautusan, hindi nila pinahalagahan ang Araw ng Pamamahinga, at nahumaling sila sa mga diyus-diyusan ng kanilang mga ninuno.
 20:25 Kaya't binigyan ko sila ng mga tuntuning hindi magdudulot sa kanila ng buhay.
 20:26 Binayaan ko na silang mahumaling sa paghahandog sa kanilang mga diyus-diyusan. Binayaan kong ihandog nila pati ang kanilang mga panganay upang sila mismo'y mangilabot. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.
 20:27 '"Kaya, Tao, sabihin mo sa kanila na ito ang ipinasasabi ni Yahweh na kanilang Diyos: Minsan pa'y nilapastangan ako at pinagtaksilan ng inyong mga ninuno."
 20:28 Nang dalhin ko sila sa lupaing ipinangako ko sa kanila, naghandog sila sa mga altar sa mga burol at sa ilalim ng malalagong punongkahoy. Doon sila nagsunog ng kanilang mga handog na siyang dahilan ng pagkapoot ko sa kanila. Doon din nila dinala ang mga handog na inumin.
 20:29 Itinanong ko sa kanila, 'Ano bang klaseng altar ang pinaghahandugan ninyo sa mga burol? Hanggang ngayon ang matataas na lugar na yaon ay tinatawag na Bama.'
 20:30 Sabihin mo rin sa kanila, 'Ipinasasabi ni Yahweh: Gagawin din ba ninyo ang kasuklam-suklam na gawain ng inyong mga ninuno?
 20:31 Hanggang ngayo'y naghahain kayo ng mga handog tulad ng inihain nila at sinunog ang inyong mga anak bilang handog sa mga diyus-diyusan. Bakit ngayon ay sasangguni kayo sa akin? Ako si Yahweh, ang Diyos na buhay; huwag kayong makasanggu-sangguni sa akin.'
 20:32 '"Hindi mangyayari ang iniisip ninyong pagtulad sa ibang bansa, at pagsamba sa diyus-diyusang kahoy at bato.' ( Ang Parusa at ang Pagpapatawad ng Diyos )"
 20:33 '"Isinusumpa ko,' sabi ni Yahweh, 'na gagamitan ko kayo ng kamay na bakal; parurusahan ko kayo at ibubuhos ko sa inyo ang aking matinding poot."
 20:34 Ipakikita ko sa inyo ang aking kapangyarihan. Titipunin ko kayo mula sa mga lugar na pinagtapunan ko sa inyo,
 20:35 at dadalhin sa gitna ng mga bansa upang doon parusahan.
 20:36 Kung ano ang ginawa ko sa inyong mga magulang nang sila'y nasa ilang ng Egipto, gayon ang gagawin ko sa inyo.
 20:37 Susupilin ko kayo para sundin ninyo ang aking tipan.
 20:38 "Ihihiwalay ko ang mga mapaghimagsik at makasalanan. Iaalis ko nga sila sa lupaing pinagtapunan ko sa kanila ngunit hindi sila makapaninirahan sa Israel. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.' "
 20:39 "Sinabi ni Yahweh: 'Bayan ng Israel, kung ayaw kayong makinig sa akin, huwag! Sumamba na kayo sa inyong mga diyus-diyusan hanggang gusto ninyo. Ngunit darating ang araw na hindi na ninyo ako lalapastanganin. Hindi na kayo maghahandog sa inyong mga diyus-diyusan. "
 20:40 '"Ako'y sasambahin ng buong Israel sa bundok na itinalaga ko,' sabi ni Yahweh. 'Doon ninyo ako paglilingkuran. Doon ko kayo pakikiharapan. Doon ko hihintayin ang paghahain ninyo ng mga piling handog."
 20:41 Doon ko tatanggapin ang inyong mga handog pagkatapos ko kayong tipunin mula sa mga lugar na pinagtapunan ko sa inyo, at doon ko rin ihahayag sa inyo ang aking kabanalan sa harap ng ibang bansa.
 20:42 At kung madala ko na kayo sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga magulang, makikilala ninyong ako si Yahweh.
 20:43 Doon, maaalaala ninyo ang inyong masasamang lakad at gawain. Dahil dito, masusuklam kayo sa inyong sarili.
 20:44 "At kung tanggapin ko kayong mabuti at di ko gawin ang nararapat sa inyong masasamang lakad at gawain, makikilala ninyong ako si Yahweh.' ( Ang Pahayag Laban sa Timog )"
 20:45 At sinabi sa akin ni Yahweh,
 20:46 '"Tao, humarap ka sa gawing timog, at magpahayag laban dito at sa kagubatan nito."
 20:47 Sabihin mo sa kagubatan ng timog, Dinggin mo ang salita ni Yahweh: Ipalalamon kita sa apoy. Tutupukin ko ang iyong mga punongkahoy, maging sariwa o tuyo. Di mapapatay ang apoy na ito, at lahat ay masusunog nito, mula sa timog hanggang hilaga.
 20:48 "Makikita ng lahat na akong si Yahweh ang sumunog niyon at ito'y di maaapula.' "
 20:49 "Sinabi ko, 'Yahweh, huwag mong ipagawa iyan sa akin; baka sabihin nilang ako'y nagsasalita nang di nila nauunawaan.'"
 21:1 ( Ang Tabak ni Yahweh ) Sinabi sa akin ni Yahweh,
 21:2 '"Tao, sa Jerusalem ka naman humarap at magpahayag laban sa mga dambana at bigyang babala ang Israel."
 21:3 Sabihin mo, ganito ang sabi ni Yahweh: Ako ay laban sa iyo. Bubunutin ko ang aking tabak at papatayin ang masama't mabuti.
 21:4 Ang pagbunot ko nito ay laban sa lahat ng tao, mula sa timog hanggang sa hilaga.
 21:5 Sa pamamagitan nito'y makikilala ng lahat na akong si Yahweh ang nagbunot ng tabak at hindi ko ito isusuksok uli.
 21:6 Kaya, Tao, manangis kang walang tigil at iparinig mo sa kanila.
 21:7 "Kapag itinanong nila kung bakit ka nananaghoy, sabihin mong dahil sa balitang iyong narinig. Kapag ito'y nagkatotoo, paghaharian ng takot ang lahat ng tao, mangangalay ang lahat ng kamay, panghihinaan sila ng loob, at mangangalog ang lahat ng tuhod. Dumating na ang panahon at ngayon na.' "
 21:8 Sinabi pa sa akin ni Yahweh,
 21:9 '"Tao, sabihin mo sa kanila:  Ang tabak ay inihasa na at pinakintab. "
 21:10 Pinatalim ito upang ipamatay nang walang puknat.  Pinakintab upang kumislap na parang kidlat.  Walang makahahadlang dito, pagkat di ninyo dininig ang payo.
 21:11 Ang tabak nga ay pinakintab upang gamitin.  Ito'y pinatalim para ibigay sa kamay ng berdugo.
 21:12 Managhoy ka, Tao.  Ang tabak na ito'y gagamitin sa aking bayan  at sa kanyang mga pinuno.  Sila ay papataying kasama ng buong bayan.  Kaya, malumbay ka.
 21:13 Susubukin ko ang aking bayan,  At kapag di sila nagsisi, ang lahat ng ito'y mangyayari sa kanila.
 21:14 '"Tao, magpahayag ka sa kanila. Pumalakpak ka at paulit-ulit na iwasiwas ang tabak. Ang tabak na ito'y pumapatay, naghahasik ng sindak, at pumupuksa."
 21:15 Sa gayon, mababagabag ang kanilang kalooban at marami sa kanila ang mabubuwal. Binabalaan ko sila sa pamamagitan ng tabak na ang kislap ay tulad ng kidlat; handa itong mamuksa.
 21:16 Itataga ito nang kaliwa't kanan, magkabi-kabila.
 21:17 "Papalakpak din ako para mapawi ang matindi kong poot. Akong si Yahweh ang may sabi nito.' ( Ang Tabak ng Hari ng Babilonia )"
 21:18 Sinabi pa sa akin ni Yahweh,
 21:19 '"Tao, gumawa ka ng magkasangang landas na siyang dadaanan ng hari ng Babilonia na taglay ang kanyang tabak. Ang puno nito ay magbubuhat sa isa lamang bayan. Maglagay ka ng palatandaan sa lugar na pinaghiwalayan ng dalawang daan;"
 21:20 ang isa ay patungo sa Lunsod ng Raba, sa Ammon at ang isa ay sa Juda, sa nakukutaang Lunsod ng Jerusalem.
 21:21 Pagdating ng hari ng Babilonia sa sangandaang iyon, hihinto siya upang sumangguni sa kanyang diyus-diyusan. Hahaluin niya ang kanyang mga palaso sa lalagyan, at susuriin ang atay ng hayop na panghandog.
 21:22 Mabubunot niya ang palaso na may tatak na 'Jerusalem.' Ito ang hudyat ng paglusob upang wasakin nila ang mga pintuang-bayan, at magtayo ng mga tanggulan.
 21:23 "Subalit ito'y hindi paniniwalaan ng mga taga-Jerusalem dahil sa kanilang mga kasunduang pinagtibay. Ngunit ito'y mangyayari para maalaala nila ang kanilang kasamaan at magbabala na mahuhulog sila sa kamay ng mga kaaway.' "
 21:24 "Ito nga ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Alam na ng lahat ang masasama ninyong gawain at paghihimagsik; kayo'y hinatulan ko na. Pababayaan ko kayong mahulog sa kamay ng inyong mga kaaway."
 21:25 At ngayon, masamang pinuno ng Israel, dumating na rin ang iyong oras, ang pangwakas na parusa sa iyo.
 21:26 Akong si Yahweh ang may sabi nito: Hubarin mo na ang iyong turbante at korona. Mababaligtad na ang dating katayuan: ang hamak ay dadakilain at ang mga namamahala ay aalisin sa tungkulin.
 21:27 Lubusan kong wawasakin ang lunsod sa pamamagitan ng taong pinili ko upang magsagawa nito. ( Ang Hatol Laban sa mga Ammonita )
 21:28 '"Tao, magpahayag ka laban sa mga Ammonita dahil sa paghamak nila sa Israel. Sabihin mong ako si Yahweh. Ganito ang sabihin mo:  Ang tabak ay binunot na upang ipamuksa;  Pinakintab ito upang kumislap at gumuhit na parang kidlat. "
 21:29 Huwad ang kanilang pangitain at kasinungalingan ang kanilang mga pahayag. Ang tabak ay igigilit sa kanilang lalamunan dahil sa kanilang kasamaan. Ito na ang kanilang wakas, ang pangwakas na parusa sa kanila.
 21:30 '"Isuksok uli ang tabak. Ikaw ay parurusahan ko sa bayan mong tinubuan."
 21:31 Ibubuhos ko sa iyo ang galit kong nag-aalab na parang apoy. Ibibigay kita sa mga taong walang pakundangan kung pumatay ng kapwa.
 21:32 "Tutupukin ka sa apoy. Ang iyong dugo ay mabubuhos sa sariling bayan at wala nang makagugunita pa sa iyo. Akong si Yahweh ang may pahayag nito.'"
 22:1 ( Ang Kasamaan ng Jerusalem ) Sinabi pa sa akin ni Yahweh,
 22:2 '"Tao, ikaw na ang humatol sa lunsod na itong puno ng mamamatay-tao. Ipamukha mo sa kanila ang kasuklam-suklam nilang gawain."
 22:3 Sabihin mong ito ang ipinasasabi ko sa kanila: Darating na ang iyong wakas dahil sa pagpatay mo sa maraming tao at pagsamba sa mga diyus-diyusan.
 22:4 Malaki ang pagkakasala mo dahil sa pagbububo ng dugo at sa pagkahumaling sa pagsamba sa diyus-diyusang ikaw na rin ang gumawa. Dumating na ang iyong wakas. Ikaw ay dudustain at kukutyain ng lahat ng bansa.
 22:5 Aalipustain ka ng lahat ng bansa, maging malayo, maging malapit, dahil sa labis mong kasamaan.
 22:6 '"Ang mga pinuno ng Israel ay nagtiwala sa kanilang lakas at walang habas na pumatay."
 22:7 Nawala na ang paggalang sa mga magulang. Inapi ninyo ang mga dayuhan, gayon din ang mga ulila at balo.
 22:8 Winalang-halaga ninyo ang mga bagay na itinalaga para sa akin, pati ang Araw ng Pamamahinga.
 22:9 Nagsinungaling ang ilan upang maipapatay ang kanilang magustuhan. May mga kasamahan kayong kumain ng handog sa mga diyus-diyusan. Ang iba nama'y gumagawa ng mahahalay na gawain.
 22:10 Sa kapulungan ninyo'y may sumisiping sa asawa ng kanilang ama. Ang iba nama'y sumisiping sa babaing pinapanahon.
 22:11 Mayroon namang humahalay sa asawa ng kanyang kapwa. May biyenang lalaki na sumisiping sa kanyang manugang at ang iba nama'y sa kanilang kapatid sa ina o sa ama.
 22:12 May nagpapaupa naman upang pumatay ng kapwa, at mayroon pang nagpapatubo nang malaki kung magpautang. Ako'y lubusan na ninyong kinalimutan.
 22:13 '"Ngayon, parurusahan ko kayo dahil sa inyong pagnanakaw at pagpatay."
 22:14 Tingnan ko lang kung matatagalan ninyo ang gagawin ko sa inyo. Akong si Yahweh ang may sabi nito at ito'y gagawin ko.
 22:15 Ipatatapon ko kayo sa lahat ng dako, pangangalatin sa iba't ibang bayan. Sa gayon ko puputulin ang inyong kasamaan.
 22:16 "Lalapastanganin kayo ng ibang bansa. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.' ( Ang Pugon ni Yahweh )"
 22:17 Sinabi sa akin ni Yahweh:
 22:18 '"Tao, mababa na ang tingin ko sa Israel. Siya'y tulad ng latak ng pinagtunawan ng metal---tanso, lata, bakal, at tingga---matapos dalisayin sa pugon ang pilak."
 22:19 Kaya nga, sabihin mong ito ang ipinasasabi ko: Kayo ay nahaluan, kaya titipunin ko kayo sa Jerusalem.
 22:20 Kung paanong ang pilak, tanso, bakal, tingga, at lata ay inilalagay sa tunawan upang dalisayin, gayon ang gagawin ko sa inyo. Tutunawin ko kayo sa init ng nag-aalab kong poot.
 22:21 Titipunin ko kayo para ibuhos sa inyo ang aking matinding poot, hanggang sa kayo'y matunaw.
 22:22 "Kung paanong ang pilak ay tinutunaw sa pugon, gayon ang gagawin ko sa inyo sa Jerusalem. Kapag naibuhos ko na sa inyo ang matindi kong poot, makikilala ninyong ako si Yahweh.' ( Ang Kasamaan ng mga Pinuno ng Israel )"
 22:23 Muling nagsalita sa akin si Yahweh,
 22:24 '"Tao, sabihin mo sa mga Israelita na marumi dahil sa kasalanan ang lupain kaya parurusahan ko ito dahil sa pagkapoot ko."
 22:25 Ang mga pinuno niya ay parang leong umuungal habang nilalapa ang kanyang biktima. Pumapatay sila ng maraming tao, nananamsam ng mga kayamanan. At maraming babae ang nabalo dahil sa kanila.
 22:26 Ang mga utos ko'y hindi pinakundanganan ng kanilang mga saserdote. Winawalang-halaga nila ang mga bagay na itinalaga para sa akin. Pinagsama-sama na nila ang tangi at ang karaniwang mga bagay. Hindi na rin nila itinuro kung alin ang malinis at kung alin ang marumi. Winalang-halaga nila ang Araw ng Pamamahinga. Dahil dito, hindi na rin nila ako iginagalang.
 22:27 Ang mga pinuno nila'y parang hayok na asong-gubat kung lumapa ng kanilang biktima. Sila'y walang awang pumapatay upang yumaman.
 22:28 Pinagtatakpan pa ng mga propeta ang ganitong kasamaan, tulad ng maruming pader na pinipintahan ng puti. Mga huwad ang kanilang pangitain at pawang kasinungalingan ang kanilang ipinapahayag. Sinasabi nilang, 'Ito ang ipinasasabi ni Yahweh,' kahit hindi ko ipinasasabi.
 22:29 Ang mayayaman ay nandadaya at nagnanakaw. Inaapi nila ang mahihirap, at walang tigil ang panghuhuthot sa mga taga-ibang bayan.
 22:30 Humanap ako ng isang taong makapaglalagay ng pader upang ipagsanggalang ang lunsod sa araw na ibuhos ko ang aking poot, ngunit wala akong makita.
 22:31 "Kaya, ibubuhos ko na sa kanila ang nag-aalab kong poot at sila'y aking lilipulin. Sisingilin ko na sila sa masasama nilang gawain.'"
 23:1 ( Ang Magkapatid na Makasalanan ) Sinabi sa akin ni Yahweh:
 23:2 '"Tao, may magkapatid na babae."
 23:3 Sa kanilang kabataan, sila'y napalungi at naging mga patutot sa Egipto.
 23:4 Ahola ang pangalan ng matanda at Aholiba naman ang bata. Sila'y parehong naging akin at nag-anak ng marami. Ang Ahola ay ang Samaria, at ang Jerusalem ang Aholiba.
 23:5 '"Si Ahola ay nagpakasama samantalang nasa aking pagkukupkop. Nakiapid siya sa mga taga-Asiria,"
 23:6 mga mandirigmang nakasuot ng purpura, mga gobernador, sa mga punong-kawal na pawang kasibulan, at sa mga pinunong mangangabayo.
 23:7 Nakipagtalik siya sa mga piling tauhan ng Asiria, at nakiisa sa pagsamba at paglilingkod sa diyus-diyusan ng mga ito.
 23:8 Patuloy siyang nagpakasama. Noong kabataan niya sa Egipto, siya'y napasiping sa mga kabinataan. Binayaan niyang simsimin ang kanyang bango at ibuhos sa kanya ang matinding pagnanasa.
 23:9 Kaya, pinabayaan ko na siya sa kamay ng Asiria na kanyang mangingibig.
 23:10 At siya'y ginahasa nito. Pinatay siya sa tabak, pati ang kanyang mga anak. At siya ay naging usap-usapan ng mga kababaihan. Ang parusa ay ipinaranas na sa kanya.
 23:11 '"Nakita ito ni Aholiba. Naging mas masama siya kaysa kanyang kapatid."
 23:12 Nahumaling din siya sa mga taga-Asiria: sa mga gobernador, punong-kawal, mandirigmang larawan ng kapangyarihan, mangangabayo na pawang kaakit-akit.
 23:13 At nakita kong siya man ay nagpakasamang tulad ng kanyang kapatid.
 23:14 Ngunit hindi pa siya nagkasiya roon. Nakakita siya ng larawan ng mga lalaki, nakaukit sa pader; ito'y larawan ng mga Caldeo na nakaguhit ng matingkad na pula.
 23:15 Ang mga ito'y may magagandang pamigkis. Magaganda rin ang palawit ng kanilang mga turbante. Sa malas ay pinuno silang lahat, at mukhang mga taga-Babiloniang naninirahan sa Caldea.
 23:16 Nang makita niya ang mga ito, nahumaling siya. Kaya, pinasabihan niya ang mga iyon.
 23:17 At pinuntahan siya ng mga taga-Babilonia. Sinipingan siya ng mga ito at pinagpasasaan. Pagkatapos niyang magpakasama sa piling ng mga ito, siya ay lumayo na muhing-muhi.
 23:18 Nang makita ko ang hayagan niyang pagpapakasama at pagpapaubaya, namuhi ako sa kanya, tulad ng pagkamuhi ko sa kanyang kapatid. Siya'y aking tinalikdan.
 23:19 Nagpatuloy siya sa pakikiapid tulad ng ginawa niya sa Egipto noong kanyang kabataan.
 23:20 Doo'y nagpakahaling siya sa mga kalaguyo na kung manibasib ay parang asno at kung magbuhos ng binhi ay parang kabayo.
 23:21 Ang ginagawa mo'y tulad ng ginawa mo sa pakikiapid sa Egipto. Binayaan mong simsimin ang iyong bango at himas-himasin ang iyong mga dibdib. ( Ang Hatol ng Diyos sa Nakababatang Kapatid )
 23:22 '"Kaya nga, Aholiba, ito ang sinasabi ko sa iyo: Ngayon, ang kinamuhian mong mga kalaguyo ay inudyukan ko laban sa iyo. Ipalulusob kita sa kanila mula sa iba't ibang dako."
 23:23 Darating ang mga taga-Babilonia, Caldea, Pecod, Soa, Coa, at lahat ng taga-Asiria; ang makikisig na kabinataan, gobernador, punong-kawal, pinuno at mandirigma na pawang kabayuhan.
 23:24 Ikaw ay sasalakayin nilang sakay ng mga karwahe at karo. Magmumula sila sa iba't ibang dako. Sila'y may pananggalang sa braso, at panay naka-helmet. Ipauubaya ko sa kanila ang pagpaparusa sa iyo. Hahayaan kong gawin nila sa iyo ang gusto nila.
 23:25 Ipalalasap ko sa iyo ang tindi ng aking galit. Pupungusin nila ang iyong ilong at tainga. At ang iyong mga anak ay ihahagis sa apoy.
 23:26 Huhubaran nila kayo ng kasuutan at alahas.
 23:27 "Sa ganyang paraan ko puputulin ang iyong mahalay na pamumuhay mula pa nang ikaw'y nasa Egipto. Sa gayon, hindi ka na mahuhumaling sa mga diyus-diyusan at malilimutan mo na ang Egipto.'"
 23:28 "Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Ipauubaya kita sa mga taong kinamumuhian mo."
 23:29 Ipadarama naman nila sa iyo ang kanilang kalupitan. Sasamsamin nila ang lahat ng iyong ari-arian pati iyong kasuutan. Iiwan ka nilang hubad na hubad. Nagpakasama ka.
 23:30 Nakiapid ka sa mga bansa at nakisamba sa kanilang mga diyus-diyusan.
 23:31 "Pinarisan mo ang iyong kapatid kaya naman ipalalasap ko sa iyo ang parusang ipinataw ko sa kanya.'"
 23:32 "Ito nga ang ipinasasabi ni Yahweh:  'Ang iinuman mong saro ng iyong kapatid ay malaki at malalim.  Ikaw ay pagtatawanan at tutuyain  pagkat umaapaw ang laman nito. "
 23:33 Malalasing ka at matitigib ng kalungkutan,  Pagkat ang saro ng Samaria na kapatid mo  ay saro ng pagkatakot at pagkawasak.
 23:34 "Iyong uubusin ang laman ng saro.  Pagkatapos, babasagin mo ito at sasaktan ang sarili.' "
 23:35 "Ipinasasabi pa rin ni Yahweh: 'Dahil sa iyong paglimot at pagtalikod sa akin, pagdurusahan mo ang iyong pakikiapid at mahalay na pamumuhay.' ( Ang Parusa ni Yahweh sa Magkapatid )"
 23:36 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, hahatulan mo na ba sina Ahola at Aholiba? Ipamukha mo sa kanila ang kasuklam-suklam nilang gawain."
 23:37 Sila'y naging mamamatay-tao at nakiapid. Pinatay nila ang kanilang mga anak at inihandog sa kanilang diyus-diyusan.
 23:38 Bukod dito, pinarumi pa nila ang aking Templo at winalang-halaga ang Araw ng Pamamahinga.
 23:39 Sinalaula nila ang aking Templo nang sila'y pumasok dito pagkatapos ihandog sa diyus-diyusan ang kanilang mga anak.
 23:40 Ulit-ulit pa silang nagpasundo ng mga lalaki sa malalayong dako. Nagpaayos pa silang mabuti para sa mga iyon: naglinis sila, nagkulay ng mata, at naglagay ng mga hiyas.
 23:41 Nagpagawa pa sila ng isang magarang pahingahan, at ng isang mesang ubod ng ganda at doon inilagay ang kamanyang at langis na ibinigay ko sa kanila.
 23:42 Napapaligiran sila ng mga taong nagkakaingay sa tuwa. Naroon din ang mga karaniwang tao mula sa ilang. Ang mga babae ay sinuutan nila ng pulseras at pinutungan ng magagandang korona.
 23:43 '"Nasabi ko sa aking sarili: Ang babaing yaon ay tumanda na sa pakikiapid. Lahat ng malapit ay nakikiapid sa kanya"
 23:44 pagkat ang paglapit sa kanya'y tulad ng paglapit ng isang lalaki sa isang masamang babae. Ganoon sila lumalapit kina Ahola at Aholiba para isagawa ang kanilang kahalayan.
 23:45 "Ngunit hahatulan sila ng mga taong matuwid dahil sa kanilang pakikiapid at pagpatay, pagkat mapakiapid sila at ang mga kamay nila'y tigmak ng dugo.' "
 23:46 "Kaya nga, ito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Ipalulusob na sila sa naghihintay na hukbo upang sila'y takutin at pagnakawan."
 23:47 Sila'y babatuhin ng malaking hukbong yaon at gagamitan ng tabak. Papatayin sila pati kanilang mga anak, at susunugin ang kanilang mga tirahan.
 23:48 Sa ganitong paraan ko wawakasan ang kahalayan sa lupaing yaon upang magsilbing babala sa mga kababaihan, at nang walang sumunod sa kanilang hakbang.
 23:49 "Pagbabayaran ninyong magkapatid ang inyong kahalayan, at daranasin ang bigat ng parusa sa pagsamba sa diyus-diyusan. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.'"
 24:1 ( Ang Talinghaga ng Kumukulong Palayok ) Nang ika-10 araw ng ika-10 buwan ng ika-9 na taon ng aming pagkatapon, sinabi sa akin ni Yahweh:
 24:2 '"Tao, itala mo ang araw na ito, sapagkat ngayon ay pasisimulan ng hari ng Babilonia ang pagkubkob sa Jerusalem."
 24:3 Ilahad mo ang isang talinghaga tungkol sa mapaghimagsik na bayan ng Israel. Sabihin mong ito ang ipinasasabi ni Yahweh:  Magsalang ka ng palayok at punuin ng tubig.
 24:4 Ilagay rito ang mga piling bahagi, ang hita at pitso,  at punuin din ng maiinam na butong lagain.
 24:5 "Kunin ang karneng ito sa piling tupa;  isalang at gatungan.  Pakuluan nang pakuluan ang mga laman at butong ito.' "
 24:6 "Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Kawawa ka, lunsod na mamamatay-tao, kalderong puno ng kalawang na hindi na matatanggal. Pira-piraso mo itong hanguing lahat."
 24:7 Sariwa pa ang dugong kanyang pinadanak sa lunsod. Ito'y sa bato pinatulo at di sa tuyong lupa upang matabunan sana ng alikabok.
 24:8 "Iniwan ko ang dugo sa ibabaw ng malaking bato upang hindi maitago. Sa gayon, madali akong makapaghihiganti.' "
 24:9 "Kaya nga, ipinasasabi pa ni Yahweh: 'Kawawa ka, lunsod na mga mamamatay-tao! Ako ma'y magbubunton ng kahoy na panggatong."
 24:10 Dagdagan ninyo ito ng kahoy at sindihan upang pakuluang mabuti ang lahat ng laman hanggang matuyo ang sabaw at masunog pati mga buto.
 24:11 Pagkatapos, ang kaldero ay ipapatong ko sa maraming baga hanggang sa magbaga rin ito. Sa gayon, malulusaw ang dumi nito, kung masusunog ang kalawang.
 24:12 Gayunman, ang lahat ng kalawang ay di rin maaalis ng apoy.
 24:13 Ang kalawang mo ay ang iyong kahalayan, Jerusalem. Nililinis kita ngunit ayaw ka. Kaya, hindi ka na lilinis hanggang hindi ko naibubuhos sa iyo ang aking matinding galit.
 24:14 "Akong si Yahweh ang may sabi nito at ito'y tiyak na gagawin ko. Hindi ko ito iuurong, wala akong paliligtasin. Hindi ko kayo panghihinayangan. Parurusahan ko kayo ayon sa inyong masamang gawa.' ( Ang Kamatayan ng Asawa ng Propeta )"
 24:15 Sinabi pa sa akin ni Yahweh:
 24:16 '"Tao, sa isang iglap ay kukunin ko ang taong pinakamamahal mo ngunit huwag mong itatangis ni iluluha."
 24:17 "Maaari mong daanin sa buntong-hininga ngunit tibayan mo ang iyong loob. Manahimik ka at huwag iparirinig ang iyong pagtangis. Huwag kang lalakad nang walang sapin sa paa at lambong sa ulo, na tanda ng pagluluksa. Huwag mong tatakpan ang iyong mukha ni kakain ng pagkain ng mga upahang tagaiyak.' "
 24:18 Umaga nang ako'y magsalita sa mga Israelita. Kinagabihan, namatay ang aking asawa. Kinaumagahan, ginawa ko ang iniutos sa akin ni Yahweh.
 24:19 "Tinanong ako ng mga tao, 'Ano ang ibig mong sabihin sa ginagawa mong ito?'"
 24:20 "Sinabi ko sa kanila, 'Sinabi sa akin ni Yahweh na"
 24:21 sabihin ko sa sambahayan ng Israel ang ganito: 'Ang aking Templo na siyang sagisag ng inyong kapangyarihan at kasiyahan ay sasalaulain ko, at papatayin sa tabak ang inyong mga anak.
 24:22 Tularan ninyo ang ginagawa ko: huwag kayong magluluksa ni malulungkot.
 24:23 Mag-ayos kayong tulad ng dati, nakaturbante at panyapak. Huwag kayong tatangis o luluha. Dahil sa inyong kasamaan, mangangayayat sa matinding himutok ang bawat isa sa inyo.
 24:24 Sinabi ni Yahweh na ang mangyayari kay Ezekiel ang magiging babala sa inyo. Kung mangyari na ang lahat, tularan ninyo ang kanyang ginagawa. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.'
 24:25 '"Tao, aalisin ko sa kanila ang matibay nilang Templo na siya nilang ipinagmamalaki at kasiyahan, gayon din ang kanilang mga anak."
 24:26 Sa araw na yaon, isang takas ang magbabalita sa iyo ng mga pangyayari.
 24:27 "Sa araw na yaon, makapagsasalita ka na uli; makakausap mo na ang takas na yaon. Ikaw nga ang magiging pinakababala sa kanila. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.'"
 25:1 ( Ang Pahayag Laban sa mga Ammonita ) Sinabi sa akin ni Yahweh:
 25:2 '"Tao, humarap ka sa mga anak ni Ammon at magpahayag laban sa kanila."
 25:3 Sabihin mo sa kanila na dinggin ang salita ni Yahweh: Natuwa kayo nang makita ninyong nilapastangan ang aking Templo, nang wasakin ang lupain ng Israel, at pangalatin ang mga taga-Juda.
 25:4 Dahil dito, kayo ay ipasasakop ko sa mga taga-silangan, at sila'y titirang kasama ninyo. Sila'y makakahati ninyo sa inyong pagkain at inumin.
 25:5 "Ang Raba ay gagawin kong pastulan ng mga kamelyo, at ang mga lunsod ng mga anak ni Ammon ay pastulan ng mga tupa. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.'"
 25:6 "Ipinasasabi nga ni Yahweh: 'Ikaw ay pumalakpak at lumundag sa kagalakan, bilang pagkutya sa Israel."
 25:7 "Dahil diyan, parurusahan kita. Pababayaan kong lusubin ka at looban ng ibang bansa. Ikaw ay ganap na mawawasak, anupat hindi ka na kikilanling isang bansa. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.' ( Ang Pahayag Laban sa Moab )"
 25:8 "Ito naman ang ipinasasabi ni Yahweh sa Moab: 'Sinabi mong ang Juda ay karaniwan lamang, tulad ng ibang bansa."
 25:9 Dahil dito, wawasakin ko ang Bet-jesimot, Baal-meon, at Kiryataim, ang mga lunsod na ipinagmamalaki mo sa iyong hanggahan.
 25:10 Kasama ito ng mga anak ni Ammon na ipasasakop ko sa mga taga-silangan hanggang sa ganap na malimutan ng daigdig.
 25:11 "Parurusahan ko rin ang buong Moab. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.' ( Ang Pahayag Laban sa Edom )"
 25:12 "Ito ang ipinasasabi ni Yahweh sa Edom: 'Pinaghigantihan mo ang Juda at ito'y kasalanan mong hindi mapapawi kailanman."
 25:13 Dahil dito, parurusahan kita. Papatayin ko ang iyong mga mamamayan at mga hayop hanggang sa ikaw ay maging pook ng kapanglawan. Mula sa Teman hanggang Dedan, lahat ay papatayin ko sa tabak.
 25:14 "Paghihigantihan kita sa pamamagitan ng bayan kong Israel. Sila ang gagawa sa iyo ng dapat kong gawin dahil sa matinding poot ko sa iyo. Sa gayon, malalaman mo kung gaano katindi akong maghiganti.' ( Ang Pahayag Laban sa mga Filisteo )"
 25:15 "Ito naman ang ipinasasabi ni Yahweh sa mga Filisteo: 'Pinaghigantihan mo ang Israel at ibig mong lipulin dahil sa matagal na ninyong pagkakagalit."
 25:16 Dahil dito, parurusahan ko kayo, mga Filisteo. Lilipulin ko ang mga taga-Creta pati ang naninirahan sa baybay-dagat.
 25:17 "Parurusahan ko sila nang mabigat bilang paghihiganti, at madarama nila ang tindi ng aking galit. Sa gayon, malalaman nilang ako si Yahweh.'"
 26:1 ( Ang Pahayag Laban sa Tiro ) Noong unang araw ng buwan, ng ika-11 taon ng aming pagkatapon, sinabi sa akin ni Yahweh:
 26:2 '"Tao, nang mawasak ang Jerusalem, sinabi ng Tiro: 'Ngayong bagsak na ang pangunahing bansa, ako naman ang uunlad.'"
 26:3 Dahil dito, sabihin mo sa kanyang ito ang ipinasasabi ko: Tiro, ako'y laban sa iyo. Ipadadaluhong kita sa maraming bansa, tulad ng paghampas ng maraming alon sa dagat.
 26:4 Iguguho nila ang iyong kuta at ibabagsak ang iyong mga toreng bantayan. Kakalkalin ko ang iyong lupa hanggang sa bato ang matira.
 26:5 Magiging bilaran ka na lamang ng lambat sa gitna ng dagat at hahamakin ka ng kapwa mo bansa. Akong si Yahweh ang may sabi nito.
 26:6 "Ang mga mamamayan sa kalakhan ng bansa ay papatayin sa tabak. Sa gayon, makikilala mong ako si Yahweh.' "
 26:7 "Ipinasasabi nga ni Yahweh: 'Ang Tiro ay ipasasalakay sa Haring Nabucodonosor ng Babilonia, ang pinakamakapangyarihang hari. Mula sa hilaga, darating siya kasama ang isang malaking hukbo at maraming karwahe at mangangabayo."
 26:8 Mapapatay sa digmaan ang mga nakatira sa kalakhang bahagi ng bansa. Gagawa sila ng mga hukay na pagkukublihan at iba pang kanlungan. Kukubkubin ka ng mga kawal na ang mga panangga'y parang matibay na pader.
 26:9 Ang iyong pader ay iguguho sa pamamagitan ng malalaking pambayo at ang toreng bantayan ay ibubuwal sa pamamagitan ng kagamitang bakal.
 26:10 Hindi ka makikita sa kapal ng alikabok dahil sa dami ng kanyang kabayong gagamitin sa pagsalakay sa iyo. Mayayanig ang iyong pader sa yabag ng mga kabayo, karwahe at kawal.
 26:11 Ang mga lansangan mo'y mapupuno ng kanyang mga kabayo, at papatayin sa tabak ang iyong mga mamamayan. Anupat mabubuwal pati ang pinakamalalaki mong haligi.
 26:12 Sasamsamin niya ang iyong ari-arian. Iguguho niya ang iyong mga tanggulan, gigibain ang iyong magagarang bahay, at itatambak sa dagat ang mga bato at kahoy na gumuho.
 26:13 Dahil diyan, matitigil na ang iyong masasayang awitan gayon din ang pagtugtog mo sa iyong mga lira.
 26:14 "Mag-iiwan lamang ako ng malapad na batong bilaran ng mga lambat, at hindi ka na muling itatayo bilang isang lunsod. Akong si Yahweh ang may sabi nito.' "
 26:15 "Ipinasasabi pa ni Yahweh sa Tiro: 'Ang mga lupain sa baybayin ay mayayanig sa balita ng iyong pagbagsak, sa nakapangingilabot na daing ng mga sugatan, at sa dami ng mamamatay sa iyong mamamayan."
 26:16 Dahil dito, ang mga hari ng mga pulo sa karagatan ay aalis sa kanilang luklukan, maghuhubad ng magagara nilang kasuutan, malulupasay na nanginginig, at masisindak sa nangyari sa iyo.
 26:17 Aawitin nila para sa iyo ang punebreng ito:  'Ang bantog na lunsod ay nawasak,  Pinalubog sa karagatan ang kanyang mga sasakyang-dagat.  Dati, ang mga mamamayan niya ang kinasisindakan sa karagatan.  Sila ay naghasik ng takot sa mga bayan sa baybay-dagat.
 26:18 "Ngayon, ang lahat ng pulo ay nanghihilakbot  dahil sa kanyang naging wakas.  Oo, ang mga mamamayan nito'y pawang natatakot  dahil sa balita ng kanyang pagkawasak.'' "
 26:19 "Ipinasasabi nga ni Yahweh: 'Gagawin kitang pook na mapanglaw, tulad ng isang lugar na walang nakatira."
 26:20 Palulubugin kita sa tubig, tulad ng ibinulid sa pusod ng dagat, tulad ng mga namatay noong unang panahon. Pananatilihin kita sa walang hanggang kalaliman para hindi na mapanahanan ninuman.
 26:21 "Daranasin mo ang kakila-kilabot na wakas at ganap kang mawawala. Hahanapin ka ngunit hindi na matatagpuan.'"
 27:1 ( Awit Punebre para sa Tiro ) Sinabi sa akin ni Yahweh,
 27:2 '"Tao, awitan mo ng punebre ang Tiro. Sabihin mo sa kanya:"
 27:3 Lunsod ng Tiro, lunsod na nasa bunganga ng dagat, at nakikipagkalakalan sa mga bansa sa malalayong dako. Ito ang ipinasasabi sa iyo ni Yahweh: 'Tiro, ipinagmamalaki mo ang iyong kariktan at sinasabing wala kang kapintasan.'
 27:4 Ang tahanan mo ay ang karagatan. Ikaw ay ginawang tila isang magandang sasakyang-dagat.
 27:5 Mga piling kahoy buhat sa Bundok Hermon ang tablang ginamit, at ang palo ay kahoy buhat sa Libano.
 27:6 Ang mga gaod mo ay ensina buhat pa sa Basan. Mga tablang pinong buhat pa sa Chipre ang matibay mong kubyerta at may kalupkop pang garing.
 27:7 Hinabing lino buhat sa Egipto ang iyong layag at siya mo ring bandila; telang purpura na yari sa Chipre ang karang mo.
 27:8 Mga taga-Sidon at Arvad ang iyong tagasagwan, ang mga tripulante'y mga dalubhasa mong tauhan.
 27:9 Ang mga karpintero mo'y sinanay pa sa Biblos. Ang nakipagkalakalan sa iyo ay mga tripulante ng iba't ibang barko.
 27:10 '"Mga taga-Persia, Lydia at Libia ang bumubuo ng iyong hukbo. Mga pananggalang at helmet nila'y nakapalamuti sa iyong mga dinding."
 27:11 Mga taga-Arvad ang nakapaligid sa iyo, at mga taga-Gamad ang nasa iyong bantayan. Ang kanilang mga pananggalang at helmet ang lumulubos sa iyong kagandahan.
 27:12 '"Ang Tarsis ay nakipagkalakalan sa iyo. Ang kanyang minang pilak, bakal, lata, at tingga ay ipinagpalit niya sa mga pangunahing paninda mo."
 27:13 Ang Javan, Tubal at Mesec ay nagdala sa iyo ng mga alipin at kagamitang tanso bilang kapalit ng iyong mga kalakal.
 27:14 Kabayo at asno naman ang ibiniyahe sa iyo ng Bet-togarma.
 27:15 Nakipagkalakalan din sa iyo ang mga taga-Rodes. Maraming lugar sa baybayin ang dinalhan mo ng paninda; garing at pangil naman ng elepante ang kanilang ipinalit.
 27:16 Nakipagkalakalan din sa iyo ang Siria; esmeralda, purpurang pinong lino na nabuburdahan nang maganda, batong koral, at pulang rubi ang ipinalit niya sa mga pangunahin mong paninda.
 27:17 Trigo naman, olibo, pulot-pukyutan, langis, at balsamo ang ipinalit ng Juda at Israel sa mga kalakal mo.
 27:18 Ang Damasco ay nagdadala sa iyo ng inumin na yaring Helbon, puting lana,
 27:19 inuming yaring Uzal na siyang pamalit sa kinuha niya sa iyo; mga kagamitang yaring bakal, akasya at calamo ang iyong inaangkat.
 27:20 Magagaspang na lanang panapin naman ang dinala sa iyo ng Dedan.
 27:21 Ang Arabia naman at ang mga pangunahin ng Kedar ang pinanggalingan ng kailangan mong kordero, tupang lalaki, at mga kambing.
 27:22 Nakipagkalakalan din sa iyo ang Seba at Raama; ang dala nila'y lahat ng uri ng piling pabango, mamahaling bato, at mga ginto.
 27:23 Nakipagkalakalan din sa iyo ang Haran, Cane, Eden, Assur, at Kilmad.
 27:24 Mamahaling damit na asul at burdado, alpombrang magaganda't iba't ibang kulay at natataliang mabuti ng kordon. Ang mga ito ang ibinibiyahe nila sa iyo.
 27:25 Mga bapor ng Tarsis ang pambiyahe mo ng iyong mga kalakal. Ikaw ay tigib na tigib ng kalakal sa gitna ng karagatan.
 27:26 Dinadala ka ng mga tagasagwan mo sa iba't ibang lugar ngunit binayo ka ng hanging mula sa silangan, at nawasak sa gitna ng dagat.
 27:27 Ang iyong kayamanan, kalakal, mga tagagaod, tagaugit, tagakumpuni, mamimili at mga kawal ay kasama mong nalubog sa dagat nang ikaw ay mawasak.
 27:28 Mga lugar sa baybayin ay nayanig sa sigaw ng mga tagaugit mong nalulunod sa gitna ng tubig.
 27:29 Wala nang tao isa man sa mga bapor; nag-alisan na ang mga tripulante.
 27:30 Tinangisan ka nila nang buong kapaitan. Binusan nila ng alabok ang kanilang ulo saka gumulong sa bunton ng abo.
 27:31 Nag-ahit sila ng ulo. Pagkatapos, nagbihis ng luksang kasuutan at nanangis nang kapait-paitan.
 27:32 Ang panaghoy nila'y hinaluan pa ng punebre: 'Sino ang nawasak sa gitna ng dagat na tulad ng Tiro?' tanong nila.
 27:33 Ang mga kalakal mo ay pantugon sa pangangailangan ng marami. Dahil sa yaman mo at paninda ay bumuti ang buhay ng mga hari.
 27:34 Ngayon, ikaw ay wasak na sa gitna ng karagatan. Lumubog na kasama mo ang mga kalakal at mga tauhan.
 27:35 Ang lahat sa baybay-dagat, pati nasa katihan, ay nagtatakang natatakot sa iyong sinapit.
 27:36 "Katapusan mo na, mawawala ka na nang lubusan. Lahat ng mangangalakal sa daigdig ay takot na takot at baka matulad sila sa iyong sinapit.'"
 28:1 ( Ang Pahayag Laban sa Hari ng Tiro ) Sinabi sa akin ni Yahweh:
 28:2 '"Tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro na ito ang ipinasasabi ko sa kanila: Sa iyong kapalaluan ay sinabi mong isa kang diyos. Nakaluklok kang parang diyos sa gitna ng karagatan bagamat ang totoo'y hindi ka diyos kundi tao lamang. Pinipilit mong abutin ang isipan ng isang diyos."
 28:3 Akala mo'y matalino ka pa kay Daniel. Akala mo'y alam mo ang lahat ng bagay kahit pa anong lihim.
 28:4 Sa dunong mo't kaalaman ay nagkamal ka at nakapagbunton ng pilak at ginto.
 28:5 Sa iyo ngang nalalaman sa larangan ng kalakal, patuloy na lumaki ang iyong kayamanan. Dahil dito, naging palalo ka.
 28:6 Kaya naman ito ang ipinasasabi ng Diyos na si Yahweh: Pagkat pilit mong ipinapantay sa Diyos ang sarili,
 28:7 ipalulusob kita sa pinakamalupit na kaaway sa daigdig. Wawasakin nila ang lahat ng ari-arian mo na pawang kinamtan sa tusong pamamaraan.
 28:8 Ihuhulog ka niya sa lalim na walang hanggan, papatayi't ihahagis sa pusod ng dagat.
 28:9 Sa harap kaya ng mga papatay sa iyo ay masabi mo pang ikaw ay diyos? Noon mo malalamang ikaw pala ay tao lang at may kamatayan.
 28:10 "Parang aso kang papatayin ng mga dayuhan. Akong si Yahweh ang may sabi nito.' ( Ang Pagbagsak ng Hari ng Tiro )"
 28:11 Sinabi pa sa akin ni Yahweh:
 28:12 '"Tao, itangis mo ang sasapitin ng hari ng Tiro. Sabihin mong ito ang ipinasasabi ko: Ikaw ay larawan ng kasakdalan. Puspos ng kaalaman. Ang ganda mo'y walang kapintasan."
 28:13 Tulad mo'y nasa paraiso ng Diyos, sa hardin ng Eden. Nababalot ka ng iba't ibang uri ng batong mamahalin: sardiyo, topasyo at diyamanteng nagniningning; berilo, onise at haspeng walang kahambing; sapiro, esmeralda at karbungko. Ginto ang iyong enggasto. At ang pagkaukit dito ay inihanda noong una pa, nang isilang ka sa mundo.
 28:14 Kerubin ang itinalaga kong magbabantay sa iyo. Nasa ituktok ka ng aking banal na bundok. Ang nilalakaran mo'y mga batong kumikinang.
 28:15 Wala kang kapintasan mula pa nang isilang hanggang sa maisipan mong mamuhay sa kasamaan.
 28:16 Nang lumakas ang kalakal mo, natuto kang sumuway at namuhay sa kasalanan. Kaya, ipinagtabuyan ka mula sa aking banal na bundok. Pinalayas ka ng kerubin sa kinatatayuan mong mga batong kumikinang.
 28:17 Naging palalo ka dahil sa iyong kagandahan. Ginamit mo sa kasamaan ang iyong karunungan para mapatatag ang iyong katayuan. Kaya ibinagsak kita sa lupa upang maging babala sa ibang mga bansa.
 28:18 Dahil sa masamang pamamaraan ng iyong pangangalakal, nasalaula ang Templo at nadumihan. Kaya ipinatupok kita sa apoy. Nilamon ka nga nito at nakita ng lahat na ikaw ay naging abo.
 28:19 "Katapusan mo na. Mawawala ka na nang lubusan. Lahat ng bansang nakakikilala sa iyo ay takot na takot at baka matulad sila sa iyong sinapit.' ( Ang Pahayag Laban sa Sidon )"
 28:20 Sinabi sa akin ni Yahweh:
 28:21 '"Tao, humarap ka sa Sidon at magpahayag laban sa kanya."
 28:22 Sabihin mong ito ang ipinasasabi ko: Sidon, ako ay kaaway mo. Pupurihin ako ng mga tao dahil sa gagawin ko sa iyo. Pagkatapos kong parusahan ang lahat ng naninirahan sa iyo, makikilala nilang ako si Yahweh at kung gaano ako kabanal.
 28:23 "Padadalhan kita ng mga sakit. Ang mga lansangan mo ay matitigmak ng dugo. Sa kabi-kabila, patay ang makikita dahil sa pagkumpay ng tabak nang walang pakundangan at makikilala ninyong ako si Yahweh.' ( Pagpapalain ang Israel )"
 28:24 "Sinabi ni Yahweh, 'Alinman sa mga bansang humahamak noon sa Israel ay hindi na magiging tinik na magpapahirap sa kanya. Kung magkagayon, makikilala nilang ako si Yahweh.' "
 28:25 "Ipinasasabi pa ni Yahweh: 'Kapag natipon ko nang muli ang Israel mula sa iba't ibang panig ng daigdig, malalaman ng lahat ng bansa na ako ang Banal na Diyos. Sila'y maninirahan na sa kanilang tunay na lupain, sa lupaing itinalaga ko sa aking lingkod na si Jacob."
 28:26 "Doon, magtatayo sila ng kanilang tahanan at magtatanim ng mga halaman. Payapa silang makapaninirahan doon matapos kong parusahan ang mga bansa sa paligid na humamak sa kanila. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.'"
 29:1 ( Ang Pahayag Laban sa Egipto ) Noong ika-12 araw ng ika-10 buwan ng ika-10 taon ng pagkatapon sa amin, sinabi sa akin ni Yahweh,
 29:2 '"Tao, harapin mo ang hari ng Egipto. Magpahayag ka laban sa kanya at sa buong Egipto."
 29:3 Sabihin mong ito ang ipinasasabi ko: Ako'y laban sa iyo, hari ng Egipto. Ikaw na malaking buwayang nagbabad sa tubig. Ikaw na nagsasabing ang Ilog Nilo ay iyo pagkat ikaw ang gumawa nito.
 29:4 Kakawitin ko ang panga mo. Kakapit sa kaliskis mo ang mga isdang kasama mo, at iaahon kita sa tubig, kasama ang mga isdang nakakabit sa iyo.
 29:5 Ihahagis kita sa ilang, pati ang mga isdang kasama mo sa batis. Ihahagis ko nga kayo sa gitna ng bukid. At hindi kayo titipunin, ni ililibing. Hahayaan kitang kanin ng mga hayop sa parang at ibon sa papawirin.
 29:6 '"Sa gayon, makikilala ng lahat ng Egipcio na ako si Yahweh. Mas mabuti pa ang tambo kaysa tulong na ginawa mo sa Israel."
 29:7 Nabali ito nang kanyang hawakan, at tuluyan siyang napilay. Ikaw ay bumagsak nang sumandal sa iyo ang Israel kaya nabali ang balakang nito.
 29:8 Kaya padadalhan kita ng tabak upang puksain ang mga mamamayan mo't mga hayop.
 29:9 "Ang buong Egipto ay matitiwangwang at mawawalan ng kabuluhan. Sa gayon makikilala ninyong ako si Yahweh. 'Sinabi mong iyo ang Ilog Nilo pagkat ikaw ang gumawa niyon."
 29:10 Dahil diyan, laban ako sa iyo at sa iyong Ilog Nilo. Ititiwangwang ko ang buong Egipto at gagawin kong walang kabuluhan, mula sa Migdal hanggang Sevene at sa mga hangganan sa Etiopia.
 29:11 Sa loob ng apatnapung taon, walang tao o hayop na tutuntong dito ni titira.
 29:12 "Gagawin ko itong pinakamapanglaw sa lahat ng lupain at ang mga lunsod ay apatnapung taon kong pananatilihin na isang lugar na pinabayaan. Ang mga Egipcio'y pangangalatin ko sa iba't ibang bansa.' "
 29:13 "Ipinasasabi pa ni Yahweh: 'Pagkaraan ng apatnapung taon, titipunin ko ang mga Egipcio mula sa lugar na pinagtapunan ko sa kanila."
 29:14 Ibabalik ko sa kanila ang dati nilang kabuhayan, pati ang dati nilang lupain sa timog. Doon, sila'y magiging isang hamak na kaharian.
 29:15 Siya'y magiging pinakamahina sa lahat ng kaharian, at kailanma'y hindi siya makahihigit sa iba, pagkat pananatilihin ko silang kakaunti.
 29:16 "Hindi na muling aasa sa kanya ang Israel pagkat maaalaala niya na masama ang ginawa niyang paghingi ng tulong sa Egipto. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.' ( Masasakop ang Egipto )"
 29:17 Noong unang araw ng unang buwan ng ika-27 taon ng aming pagkatapon, sinabi ni Yahweh sa akin:
 29:18 '"Tao, ang mga kawal-Babilonia ay pinahirapang mabuti ng hari nilang si Nabucodonosor laban sa Tiro. Nakalbo na silang lahat sa kasusunong ng mga kagamitan at nagkalyo ang kanilang mga balikat sa kapapasan ngunit wala ring napala."
 29:19 Kaya, ipasasakop ko sa kanya ang Egipto upang samsamin ang kayamanan nito bilang gantimpala ng kanyang mga kawal.
 29:20 Ibibigay ko sa kanya ang Egipto bilang kabayaran ng kanyang pagod sa paglilingkod niya sa akin.
 29:21 "Pag nangyari na ang mga ito, palalakasin ko ang Israel, at ikaw, Ezekiel, ang gagawin kong tagapagsalita. Pakikinggan ka ng lahat at sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.'"
 30:1 ( Ang Magiging Wakas ng Egipto ) Sinabi sa akin ni Yahweh,
 30:2 '"Tao, magpahayag ka. Sabihin mo sa kanilang ito ang ipinasasabi ko: Matinding kapighatian sa araw na yaon ang darating"
 30:3 pagkat malapit na ang araw, ang araw ni Yahweh. Magdidilim ang ulap sa araw na yaon, araw ng paghuhukom sa lahat ng bansa.
 30:4 Sisiklab ang digmaan sa Egipto. Maghahari sa Etiopia ang matinding dalamhati kapag namatay na sa Egipto ang maraming tao, sasamsamin ang kayamanan ng buong bansa at iiwanan itong wasak.
 30:5 "Sa digmaang iyon ay mapapatay ang mga upahang kawal ng Etiopia, Libia, Lydia, Arabia, Kub, at ng aking bayan.'"
 30:6 "Ipinasasabi nga ni Yahweh: 'Mapapahamak ang lahat ng tutulong sa Egipto. Ang ipinagmamalaki niyang lakas ay ibabagsak. Mula sa Migdal hanggang Sevene lahat ay kasama niyang pupuksain ng tabak."
 30:7 Siya ay magiging pinakamapanglaw sa lahat ng lupain. At ang lunsod niya'y isang pook na wasak na wasak.
 30:8 Kapag ang Egipto ay akin nang natupok at ang mga kakampi niya ay namatay nang lahat, makikilala nilang ako si Yahweh.
 30:9 '"Sa araw na yaon, ang mga tagapagbalita'y isusugo kong sakay ng mga sasakyang-dagat upang bigyang babala ang Etiopia na wala pa ring kabali-balisa. Sila'y paghaharian ng matinding kapighatian dahil sa pagkawasak na sasapitin ng Egipto; ang araw na yaon ay mabilis na dumarating.'"
 30:10 "Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Ang kasaganaan ng Egipto'y wawakasan ko na sa pamamagitan ng Haring Nabucodonosor."
 30:11 Siya at ang malulupit niyang kawal ang susuguin ko upang magwasak sa Egipto. Tabak nila'y ipamumuksa sa buong lupain. Pagdating ng araw na iyon, makikitang naghambalang ang mga bangkay sa buong lupain.
 30:12 "Tutuyuin ko ang Ilog Nilo at ipasasakop sa masasama ang Egipto. Wawasakin ng mga kaaway ang buong bansa. Akong si Yahweh ang may sabi nito.'"
 30:13 "Ipinasasabi pa ni Yahweh: 'Dudurugin ko ang mga diyus-diyusan nila. Gayon din ang gagawin ko sa mga idolo sa Menfis. Wala nang titindig na pinuno sa Egipto. Takot ang paghahariin ko sa buong lupain."
 30:14 Ang dakong timog ng Egipto ay gagawin kong pook na mapanglaw. Susunugin ko ang Zoan sa hilaga at ang punong-lunsod ng Tebes.
 30:15 Ang galit ko'y ibubuhos sa bayan ng Pelusium na tanggulan ng Egipto. Sisirain ko ang kayamanan ng Tebes.
 30:16 Tutupukin ko ang Egipto. Mamamahay ang Pelusium sa matinding pighati. Gigibain ang pader ng Tebes at babaha sa lupain.
 30:17 Ang mga binata ng On at Bubastis ay papatayin sa tabak. Ang mga babae naman ay mabibihag.
 30:18 Ang araw ng Tafnes ay magdidilim sa sandaling wakasan ko ang pananakop ng Egipto, at ang kapangyarihan niya'y putulin ko na. Matatakpan siya ng ulap, at mabibihag ang kanyang mamamayan.
 30:19 "Ganyan ang parusang igagawad ko sa Egipto. Akong si Yahweh ay makikilala nilang lahat.' "
 30:20 Noong ika-7 araw ng unang buwan ng ika-11 taon ng pagkatapon sa amin, sinabi sa akin ni Yahweh,
 30:21 '"Tao, pipilayin ko ang braso ng hari ng Egipto. Hindi ko ito pagagalingin para hindi na makahawak ng tabak."
 30:22 Ito ang sinasabi ko: Ako'y laban sa hari ng Egipto. Babaliin ko pa ang isa niyang kamay para mabitiwan ang kanyang tabak.
 30:23 Ang mga Egipcio'y pangangalatin ko sa iba't ibang bayan, ipatatapon sa lahat ng panig ng daigdig.
 30:24 Bibigyan ko ng lakas ang kanyang kaaway ngunit aalisan ko ng kapangyarihan ang hari ng Egipto hanggang sa maging sugatan siya at umuungol na malugmok sa harapan ng hari ng Babilonia.
 30:25 Pahihinain ko ang hari ng Egipto ngunit bibigyan ng lakas ang hari ng Babilonia. Pag itinuro niya sa Egipto ang tabak na ibibigay ko sa kanya, malalaman nilang ako si Yahweh.
 30:26 "Pangangalatin ko sa lahat ng bansa ang mga Egipcio at ipatatapon sa iba't ibang dako. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.'"
 31:1 ( Itinulad ang Egipto sa Sedro ) Noong unang araw ng ika-3 buwan ng ika-11 taon ng pagkatapon sa amin, sinabi sa akin ni Yahweh,
 31:2 '"Tao, sabihin mo sa hari ng Egipto at sa kanyang mga tauhan: Ano ba ang nakakatulad mo sa iyong kapangyarihan?"
 31:3 Ang katulad mo ay sedro sa Libano. Malalabay ang sanga. Malago ang dahon. Ang taas mo'y walang katulad. Ang dulo ng iyong sanga ay abot sa ulap.
 31:4 Sagana ka sa dilig; may agos pa sa ilalim ng lupang kinatatayuan mo. Ganoon din sa bawat punongkahoy sa gubat.
 31:5 Kaya ito ay tumaas, nang higit sa lahat. Ang mga sanga'y malalabay at mayabong ang dahon pagkat sagana nga sa tubig.
 31:6 At doon ang mga ibo'y gumagawa ng pugad. Sa lilim nito nagluluwal ng anak ang mga hayop. At ang mga bansa ay sumisilong sa kanya.
 31:7 Anong inam pagmasdan ang maganda niyang kaanyuan. Marami ang sanga. Mahahaba. Malalabay. Mga ugat nito ay abot sa tubig na walang patlang.
 31:8 Di ito mahihigtan kahit ng sedro sa hardin ng Diyos, ni maipaparis sa alinmang punongkahoy sa hardin ng Diyos.
 31:9 Ito'y aking pinaganda. Pinayabong ko ang mga sanga. Kaya, nananaghili sa kanya ang mga punongkahoy sa hardin ng Diyos, sa Eden.
 31:10 Dahil dito, sinasabi ko, ni Yahweh, kung ano ang mangyayari sa punongkahoy na itong tumaas hanggang sa nakikipaghalikan sa mga ulap. Ngunit habang tumataas, nagiging palalo siya.
 31:11 Kaya naman, ipasasakop ko siya sa isang makapangyarihang bansa upang maranasan niya ang pahirap na marapat sa kanya.
 31:12 Ibubuwal siya ng mararahas na bansa, saka iiwan. Mga sanga nito ay bali-baling babagsak sa mga bundok, kapatagan at tubigan. Mag-aalisan ang mga taong sumisilong sa kanya.
 31:13 Ang mga ibon ay hahapon sa puno nitong nakabuwal, at ang mga hayop na ilap ay lalakad sa mga sanga nitong naghambalang.
 31:14 "Mangyayari ito upang kahit na ang punongkahoy na sagana sa dilig ay hindi na makataas hanggang sa ulap. Silang lahat ay babayaan kong mamatay tulad ng tao. Sa gayon, lahat ay makararanas ng kamatayan sa walang hanggang kalaliman.' "
 31:15 "Ipinasasabi nga ito ni Yahweh: 'Kapag naihulog na ito sa Sheol, pababayaan ko siyang lumubog sa tubig sa ilalim ng lupa. Pipigilin ko ang agos ng mga tubig para hindi ito umagos sa ibabaw ng lupa. Dahil sa pagkamatay ng kahoy, babalutin ko ng dilim ang Bundok Libano at malalanta ang mga kahoy doon."
 31:16 Ang mga bansa'y mayayanig sa lakas ng kanyang pagbagsak sa hukay. Dahil dito, masisiyahan ang mga kahoy sa walang hanggang kalaliman, ang pinakapiling punongkahoy sa Eden at ang mga piling sedro ng Libano.
 31:17 Pare-pareho silang dadalhin sa Sheol para doon sila magsama-sama ng mga namatay na. Anupat ang lahat ng sumilong sa kanya ay mangangalat sa iba't ibang bansa.
 31:18 "Alin sa mga punongkahoy ng Eden ang maitutulad sa karangalan at kapangyarihan nito? Gayunman, ihuhulog siya sa walang hanggang kalaliman, kasama ng mga punongkahoy ng Eden. Isasama siya sa mga napatay sa tabak. 'Ang kahoy na ito ay ang Faraon at ang kanyang mga tauhan.'"
 32:1 ( Itinulad sa Buwaya ang Faraon ) Noong unang araw ng ika-12 buwan ng ika-12 taon ng pagkatapon sa amin, sinabi sa akin ni Yahweh:
 32:2 '"Tao, gawin mo ang isang panambitan sa hari ng Egipto. Sabihin mo: Ikaw ay batambatang leon sa gitna ng maraming bansa. Tulad ka ng buwaya sa mga batis ng Ilog Nilo. Kinakalambog mo ang tubig at pinarurumi ng iyong mga paa."
 32:3 Kapag natipon na ang mga bansa, pahahagisan kita ng lambat at ipaaahon sa katihan.
 32:4 Ihahagis ka sa gitna ng parang. Babayaan kong kanin ka ng mga ibon at hayop.
 32:5 Ang iyong mga laman ay isasabog sa kabundukan. Ang mga lambak ay mapupuno ng iyong bangkay.
 32:6 Ang lupain, kabundukan at mga batis ay matitigmak ng iyong dugo.
 32:7 Sa pagpapaalis ko sa iyo, tatakpan ko ang kalangitan. Tatakpan ko ng makapal na ulap ang mga bituin. Gayon din ang araw at ang buwan.
 32:8 Ang lahat ng tanglaw sa kalangitan ay pawang matatakpan. Sa lupai'y maghahari ang pusikit na kadiliman.
 32:9 '"Maraming bansa ang magugulo pag naipamalita kong ikaw ay winasak ng mga bansang hindi kilala."
 32:10 "Maraming tao ang mamamangha sa nangyari sa iyo; manginginig ang mga hari kapag iwinasiwas ko sa harapan nila ang aking tabak. Ang lahat ay manginginig sa takot kapag nakita nilang ikaw ay aking ibinagsak.'"
 32:11 "Ipinasasabi ni Yahweh sa hari ng Egipto: 'Lulusubin ka ng hari ng Babilonia."
 32:12 Ang mga mamamayan mo ay ipapapatay ko sa mga kawal ng malulupit na bansa. Lilipulin nila ang iyong mamamayan at sisirain ang mga bagay na ipinagmamalaki mo.
 32:13 Papatayin ko ang lahat ng hayop mo sa baybay tubig para wala nang kumalambog dito.
 32:14 Sa gayon ay lilinaw ang mga tubig nito at aagos na ito nang payapa.
 32:15 Kapag ikaw ay ganap ko nang nawasak at napatay ko na ang lahat ng iyong mamamayan, makikilala mong ako si Yahweh.
 32:16 "Ang babalang ito ay magiging malungkot na awit. Aawitin ito ng kababaihan para sa buong Egipto. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.' ( Ang Daigdig ng mga Patay )"
 32:17 Noong ika-15 araw ng unang buwan ng ika-12 taon ng pagkatapon sa amin, sinabi sa akin ni Yahweh,
 32:18 '"Tao, tangisan mo ang mga mamamayan ng Egipto, kasama ng mga bansang makapangyarihan. Ihagis mo sila sa walang hanggang kalaliman upang masama sa mga naroon na."
 32:19 Sabihin mo sa kanila: Hindi kayo nakahihigit sa iba. Ihuhulog din kayo sa walang hanggang kalaliman, kasama ng mga makasalanan.
 32:20 Mamamatay ang mga Egipcio, tulad ng mga namatay sa digmaan. Handa na ang tabak na papatay sa kanila.
 32:21 Sila ay buong galak na tatanggapin ng mga bayaning Egipcio at lahat ng namatay sa panig ng Egipto. Sasabihin nila, 'Narito na ang mga makasalanang kawal na napatay sa labanan; mamamahinga na ring tulad natin.'
 32:22 '"Naroon ang Asiria, napaliligiran ng mga libingan ng kanyang mga tauhan na pawang namatay sa tabak."
 32:23 Ang puntod niya'y naroon sa kaloob-looban ng walang hanggang kalaliman, napaliligiran ng kanyang mga kawal na napatay sa labanan. Naghasik sila ng takot sa daigdig noong sila'y nabubuhay pa.
 32:24 '"Naroon ang Elam na napaliligiran ng kanyang mga kasamahan na pawang namatay sa tabak. Dati'y kinatatakutan sila sa daigdig ngunit ngayon sila'y nasa kahiya-hiyang kalagayan sa walang hanggang kalaliman, kasama ng mga nauna na roon."
 32:25 Siya'y kasama ng mga napatay sa digmaan, napaliligiran ng puntod ng kanyang mga tauhan. Naghasik sila ng takot sa ibabaw ng daigdig at ngayo'y inilagay sila sa kahiya-hiyang kalagayan sa walang hanggang kalaliman kasama ng iba pang napatay ng tabak.
 32:26 '"Naroon ang Mesec at Tubal na napaliligiran ng kanilang mga tauhan na pawang napatay ng tabak, pagkat nagpunla sila ng takot sa ibabaw ng daigdig."
 32:27 Hindi sila pinarangalan tulad ng mga bayaning nauna sa kanila. Ang mga bayaning iyon ay inilibing na suot ang kanilang kagayakang pandigma at nasa ulunan ang tabak. Sila ay kinatakutan noong nabubuhay.
 32:28 Gayon mamamatay ang mga Egipcio, kasama ng mga Hentil na napatay sa digmaan.
 32:29 '"Naroon ang Edom, ang mga hari nito at mga pinuno. Sa kabila ng kanilang tinaglay na kapangyarihan, naroon sila ngayon sa walang hanggang kalaliman, kasama ng mga Hentil na napatay sa digmaan. "
 32:30 '"Naroon ang mga pinunong taga-hilaga at lahat ng taga-Sidon. Inilagay rin sila sa kahihiyan dahil sa takot na inihasik nila bunga ng kanilang kapangyarihan. Kasama sila sa walang hanggang kalaliman ng mga Hentil na napatay sa digmaan. "
 32:31 '"Kapag nakita sila ng Faraon, makadarama siya ng kasiyahan, pagkat siya man at ang kanyang buong hukbo ay pinatay sa tabak."
 32:32 "Hinayaan ko ang hari ng Egipto na magpunla ng sindak sa mga buhay. Ngunit mamamatay din ang lahat niyang kawal at masasama sa mga Hentil na napatay sa digmaan. Ang makapangyarihang si Yahweh ang nagsabi nito.'"
 33:1 ( Ang Tungkulin ng Bantay ) Sinabi sa akin ni Yahweh,
 33:2 '"Tao, ito ang sabihin mo sa iyong mga kababayan: Kapag ipinasasalakay ko ang isang bayan, siya ay pipili ng isang bantay."
 33:3 Kapag natanawan nito ang sasalakay sa kanila, hihipan niya ang trompeta bilang babala sa mga tao.
 33:4 Sinumang makarinig sa babala ngunit magwalang-bahala at pagkatapos mapatay sa tabak, walang dapat managot sa kanyang pagkamatay.
 33:5 Kasalanan na niya kung mamatay siya pagkat hindi niya pinansin ang babala; maliligtas sana siya kung siya'y nakinig.
 33:6 Ngunit kung hindi hinipan ng bantay ang trompeta pagkakita niya sa mga sasalakay at may napatay sa kanyang kababayan, ito ay pananagutan niya.
 33:7 '"Ikaw, Tao, ang ginagawa kong bantay ng Israel; anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila bilang babala."
 33:8 Kapag sinabi ko sa taong masama na siya'y mamamatay at di mo ito ipinaabot sa kanya upang makapagbagong-buhay, mamamatay nga siya sa kanyang kasamaan ngunit pananagutan mo ang kanyang kamatayan.
 33:9 "Ngunit kapag binabalaan mo ang masama gayunma'y hindi rin nagbagong-buhay, mamamatay siyang makasalanan ngunit wala kang dapat panagutan.' ( Tungkulin ng Bawat Isa )"
 33:10 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, sabihin mo sa mga Israelita ang inuulit-ulit nilang sila'y nagumon na sa kasamaan kaya hindi na sila mabubuhay."
 33:11 Sabihin mong ipinasasabi ko na akong si Yahweh, ang buhay na Diyos, ay hindi natutuwa na ang sinuma'y mamatay sa kanyang kasamaan; ibig kong siya'y magbagong-buhay. Sabihin mo ngang magbagong-buhay sila pagkat di sila dapat mamatay sa kanilang kasamaan.
 33:12 Tao, sabihin mo rin sa iyong mga kababayan na ang dating kabutihan ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kanila kung magpakasama sila. Kung ang masama ay magpakabuti, hindi siya parurusahan. Ngunit kung ang mabuti ay magpakasama, parurusahan siya.
 33:13 Sinabi ko nga na ang matuwid ay mabubuhay ngunit kapag nanghawak siya sa kanyang kabutihan at nagpakasama, mawawalan ng kabuluhan ang kanyang kabutihan; mamamatay siya sa kasamaang kanyang ginawa.
 33:14 Tungkol sa masama, sinabi kong siya ay mamamatay. Gayunman, kapag tinalikdan niya ang kasamaan at nagbagong-buhay siya,
 33:15 tumupad sa kanyang pangako, isinauli ang kanyang mga ninakaw, sumunod sa mga tuntunin ng buhay, at hindi na gumawa ng anumang kasamaan, siya ay mabubuhay.
 33:16 Hindi na aalalahanin ang dati niyang kasamaan. At dahil sa kanyang pagpapakabuti, mabubuhay siya.
 33:17 '"Tao, sinasabi ng iyong mga kababayan na hindi makatarungan ang ginagawa ko gayong ang pamumuhay nila ang hindi tama."
 33:18 Mamamatay ang matuwid na magpakasama
 33:19 ngunit ang masamang magbagong-buhay at gumawa ng mabuti ay mabubuhay.
 33:20 "Gayunma'y sinasabi ninyong hindi matuwid ang aking ginagawa. Mga Israelita, hahatulan ko kayo ayon sa inyong mga gawa.' ( Ang Pagbagsak ng Jerusalem )"
 33:21 "Nang ika-5 araw ng ika-10 buwan ng ika-12 taon ng aming pagkatapon, isang takas mula sa Jerusalem ang nagsabi sa akin, 'Wasak na ang Jerusalem.'"
 33:22 Umaga nang dumating sa akin ang balita. Noong gabi bago ito dumating, nadama ko ang kamay ni Yahweh. Hinipo niya ang aking bibig at ako'y nakapagsalita. ( Ang Kasamaan ng mga Tao )
 33:23 Sinabi sa akin ni Yahweh:
 33:24 '"Tao, sinasabi ng mga naninirahan sa wasak na lunsod ng Israel na nag-iisa si Abraham nang ibigay sa kanya ang lupaing ito. Ngayong marami na sila ay kanila na ang lupaing iyon."
 33:25 Sabihin mong ipinasasabi ko: Kumain kayo ng karneng may dugo, sumamba sa mga diyus-diyusan, at pumatay ng tao; sa kabila ba nito'y inaasam pa ninyong ariin ang lupaing ito?
 33:26 Nanalig kayo sa talim ng tabak, gumawa ng kasuklam-suklam na mga bagay at sinipingan ang asawa ng inyong kapwa; sa kabila ba nito'y inaasahan pa rin ninyong kamtin ang lupain?
 33:27 Sabihin mong ipinasasabi ko, ng Makapangyarihang si Yahweh, ang Diyos na buhay, na papatayin sa tabak ang lahat ng naninirahan sa wasak na lunsod. Ipalalapa naman sa mga hayop ang nasa kaparangan, at papatayin sa salot ang mga nasa tanggulan at mga taguan.
 33:28 Sisirain ko ang buong lupain, at aalisin ang kapangyarihang ipinagmamalaki nila. Ang matataas na lugar ng Israel ay gagawin kong dakong mapanglaw anupat ni walang magnanais dumaan doon.
 33:29 "Kung mawasak ko na ang buong lupain dahil sa kasuklam-suklam nilang gawain, makikilala nilang ako si Yahweh.' ( Ang Bunga ng Pahayag ng Propeta )"
 33:30 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, nagsasama-sama ang iyong mga kababayan at pinag-uusapan ka sa mga baybay pader at mga pintuan. Sinasabi nila sa isa't isa, 'Halikayo at tingnan natin kung ano ang ipinasasabi ni Yahweh.'"
 33:31 Sama-sama nga silang pupunta sa iyo upang pakinggan ka ngunit hindi naman nila isasagawa ang kanilang maririnig. Pupurihin nila ang iyong sinasabi ngunit kasakiman din ang maghahari sa kanila.
 33:32 Ang makakatulad mo para sa kanila ay isang mahusay na mang-aawit at batikang manunugtog. Makikinig sila sa iyo ngunit di naman isasagawa ang kanilang maririnig.
 33:33 "Kapag nangyari na ang sinasabi mo pagkat tiyak namang mangyayari, maaalaala nilang may propetang nagpauna nito sa kanila.'"
 34:1 ( Ang Pahayag Laban sa mga Pinuno ng Israel ) Sinabi sa akin ni Yahweh:
 34:2 '"Tao, magpahayag ka laban sa mga pinuno ng Israel. Sabihin mong ipinasasabi ko: Nakatakda na ang parusa sa inyo, mga pinuno ng Israel. Sarili ninyo ang inyong iniintindi at hindi ang mga tupa."
 34:3 Iniinom ninyo ang gatas, nagdaramit kayo ng lana, at nagpapatay ng mga pinatabang hayop, ngunit hindi ninyo pinakakain ang mga tupa.
 34:4 Bakit hindi ninyo pinalalakas ang mahihina, ni ginagamot ang mga maysakit, ni hinihilot ang mga pilay? Bakit hindi ninyo hinahanap ang nawawala, ni ibinabalik ang nalalayo? Sa halip ay ginagamitan ninyo sila ng kamay na bakal.
 34:5 Sila'y nangangalat, at nilalapa ng mababangis na hayop pagkat walang pastol.
 34:6 Ang mga tupa ko'y nagkalat sa mga bundok, burol at sa lahat ng panig ng daigdig, ngunit walang ibig humanap sa kanila.
 34:7 '"Dahil dito, mga pinuno, dinggin ninyo ang aking sinasabi:"
 34:8 Ako ang Diyos na buhay. Ang mga tupa ko'y pinipinsala at nilalapa ng mababangis na hayop pagkat walang nangangalaga. Hindi hinahanap ng mga pastol ang aking mga tupa. Sa halip na alagaan nila ang mga ito, ang sarili nila ang binubusog.
 34:9 Kaya nga makinig kayo, mga pastol.
 34:10 "Pakinggan ninyo itong aking sinasabi: Laban ako sa inyo. Pananagutan ninyo ang nangyayari sa aking mga tupa. Hindi ko na kayo gagawing pastol upang hindi na ninyo mabusog ang inyong sarili. Ilalayo ko sa inyo ang aking mga tupa at hindi na ninyo mapakikinabangan ang mga ito.' ( Ang Mabuting Pastol )"
 34:11 "Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking mga tupa."
 34:12 Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon ko hahanapin ang aking tupa. Kukunin ko sila saanman sila itinapon noong panahon ng kanilang kasamaan.
 34:13 Titipunin ko sila mula sa iba't ibang dako upang ibalik sa sarili nilang bayan. Doon ko sila aalagaan sa kaparangan ng Israel, sa tabi ng mga bukal ng tubig at sa magagandang pastulan.
 34:14 Aalagaan ko sila sa sariwang pastulan sa tahimik na kaburulan ng Israel. Mamamahinga sila sa sariwang pastulan at manginginain ng sariwang damo sa kaburulan ng Israel.
 34:15 Ako mismo ang magpapastol sa kanila at hahanap ng kanilang pahingahan.
 34:16 Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina, at babantayan ang malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang kailangan nilang pagkain.
 34:17 '"Sa inyo, aking kawan, ito ang sinasabi ko na inyong Diyos na si Yahweh: Ako ang magiging hukom ninyo. Pagbubukurin ko ang mabubuti't masasama, ang mga tupa at ang mga kambing."
 34:18 Hindi kayo nagkakasya sa panginginain; sinisira ninyo ang di n'yo maubos. Bakit hindi na lang kayo uminom hanggang ibig ninyo? Bakit kinakalambog pa ninyo ang tubig na natitira?
 34:19 "Ang kinakain ng aking kawan ay ang dinadapurak ninyo at ang iniinom ay yaong kinakalambog ninyo.' "
 34:20 '"Dahil dito,' sabi ni Yahweh, 'ako mismo ang magbubukod-bukod sa malulusog at mahihinang tupa."
 34:21 Ginigitgit ninyo at sinusuwag yaong mahihina hanggang sa sila'y mangalat kung saan-saan.
 34:22 Dahil dito, ako ang mangangalaga sa aking kawan at hindi ko papayagang sila'y inyong apihin. Pagbubukurin ko ang mabubuting tupa at masasama.
 34:23 Itatalaga ko sa kanila ang isang hari, tulad ng lingkod kong si David. Siya ang magiging pastol nila.
 34:24 Akong si Yahweh ang magiging Diyos nila at ang mamamahala sa kanila ay isang haring tulad ng lingkod kong si David. Akong si Yahweh ang may sabi nito.
 34:25 '"Gagawa ako ng tipan upang mabuhay sila nang mapayapa. Paaalisin ko sa lupain ang mababangis na hayop upang ang mga tupa ko'y magkaroon ng kapanatagan kahit ang nasa kaparangan o kagubatan."
 34:26 Pagpapalain ko sila at ang lupain sa palibot ng burol na itinalaga nila sa akin. At pauulanin ko sa kapanahunan. Sila'y pauulanan ko ng pagpapala.
 34:27 Mamumunga ang mga punongkahoy sa kabukiran. Mag-aani sila nang sagana buhat sa kanilang lupain at sila'y mamumuhay doon nang panatag. At kung mapalaya ko na sila mula sa umaalipin sa kanila, makikilala nilang ako si Yahweh.
 34:28 Hindi na sila lolooban ng ibang bansa ni dadaluhungin ng mababangis na hayop. Mamumuhay na sila nang matiwasay at payapa.
 34:29 Pag-aanihin ko sila nang sagana mula sa kanilang matabang lupain para hindi sila dumanas ng gutom ni kutyain ng ibang bansa.
 34:30 Malalaman ng lahat na ako ang nag-iingat sa Israel na aking bayan. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.
 34:31 "Kayo ang aking mga tupa sa aking pastulan; ako ang inyong Diyos.'"
 35:1 ( Ang Parusa ng Diyos sa Edom ) Sinabi sa akin ni Yahweh:
 35:2 '"Tao, magpahayag ka laban sa Edom."
 35:3 Sabihin mong ipinasasabi ko: Ako'y laban sa iyo, Bundok ng Edom. Gagawin kitang ilang.
 35:4 Wawasakin ko ang iyong mga lunsod at gagawin kong dako ng kapanglawan. Sa gayon, makikilala mong ako si Yahweh.
 35:5 Lagi mong nilulusob ang Israel at pinuksa mo ang kanyang mamamayan sa panahon ng pagpaparusa sa kanya.
 35:6 Dahil dito, akong si Yahweh, ang Diyos na buhay ay nagsasabi sa iyo na ikaw ay tiyak na mamamatay. Ikaw ay pumatay kaya papatayin ka rin.
 35:7 Gagawin kong ilang ang iyong lupain at sinumang maglakbay roon ay papatayin.
 35:8 Tatambakan ng bangkay ang iyong mga bundok, lambak at mga bangin.
 35:9 Gagawin kitang dako ng kapanglawan at ang iyong mga lunsod ay aalisan ko ng mga tao. Sa gayon, makikilala mong ako si Yahweh.
 35:10 '"Sinabi mong iyo ang Israel at Juda bagamat alam mong ako ang Diyos nila."
 35:11 Dahil diyan, akong si Yahweh, ang buhay na Diyos, ang nagsasabi sa iyong tiyak na pagdurusahan mo ang iyong pagkagalit, pagkainggit at pagkapoot sa aking bayan. Gagawin ko sa iyo ang ginawa mo sa kanila. Makikilala ninyong ako si Yahweh pag naparusahan ko na kayo.
 35:12 Sa gayon, malalaman din ninyo na alam ko ang inyong kalapastanganan nang sabihin ninyong ang kaburulan ng Israel ay winasak upang inyong sakupin.
 35:13 Kinalaban ninyo ako at pinagsalitaan nang kung anu-ano. Ito'y hindi lingid sa akin.
 35:14 Wawasakin kita nang lubusan at ito'y ikatutuwa ng ibang bansa.
 35:15 "Gagawin ko sa iyo ang ikinatuwa mong pagkawasak ng Israel na aking hinirang. Wawasakin kita, Bundok ng Seir, at ito ang magiging wakas ng buong Edom. Sa gayon, makikilala ng lahat na ako si Yahweh.'"
 36:1 ( Pagpapalain ang Israel ) "Sinabi sa akin ni Yahweh: 'Tao, magpahayag ka sa kaburulan ng Israel. Sabihin mo: Kaburulan ng Israel, dinggin mo ang salita ni Yahweh:"
 36:2 Sinabi sa iyo ng kaaway ninyo na, 'Mabuti nga,' at, 'Ang kataasan ay sakop na natin.'
 36:3 Kaya, magpahayag ka. Sabihin mong ito ang ipinasasabi ko: Sinakop ng mga bansa ang kaburulan ng Israel at lubusan itong winasak. Dahil dito, pinagtawanan siya ng lahat.
 36:4 Kaya, ito ngayon ang sinasabi ko tungkol sa mga bundok, burol, bangin, kapatagan at mga lunsod na wasak na naging biktima at katatawanan ng mga bansa sa paligid.
 36:5 Ipinasasabi nga ni Yahweh: Sa pag-iinit ng loob ko dahil sa panibugho, maliwanag kong ipinahayag ang aking galit sa mga bansa, lalo na sa Edom, pagkat buong pagyayabang niyang sinakop ang aking bayan. Hindi na niya ito iginalang, bagkus ay sinamsam ang lahat ng maibigan niya.
 36:6 Kaya, magpapahayag ka tungkol sa Israel. Sabihin mo sa mga bundok, burol, bangin, at kapatagan na ako'y nagsasalita sa tindi ng aking galit dahil sa pagkutyang dinanas nila mula sa ibang bansa.
 36:7 Kaya isinusumpa kong daranas din ng pagkutya ang mga bansa sa iyong paligid.
 36:8 '"Kayo naman, mga bundok ng Israel, payabungin na ninyo ang inyong mga sanga at pamungahin nang sagana para sa bayan kong Israel pagkat uuwi na sila rito."
 36:9 Nasa panig ninyo ako. Bubungkalin ang inyong lupain at tatamnan.
 36:10 Pararamihin ko ang iyong mamamayan. Doon kayo titira sa dati ninyong lunsod at higit ko kayong pasasaganain kaysa noon. Sa gayon ay malalaman ninyong ako si Yahweh.
 36:11 Pararamihin ko nga ang mga tao at mga hayop. Marami ang magiging anak nila. Pupunuin kita ng tao, tulad noong una, at higit na maraming mabubuting bagay ang gagawin ko ngayon sa iyo. Sa gayon, makikilala mong ako si Yahweh.
 36:12 Ibabalik ko kayo, mga Israelita, sa dati ninyong bayan. Magiging inyo na iyon at hindi na kayo magugutom.
 36:13 Akong si Yahweh ang nagsasabi: Sinasabi ng mga tao na ikaw ay kumakain ng tao kaya inaagaw mo ang mga mamamayan ng ibang bansa.
 36:14 Ngunit mula ngayon, hindi mo na gagawin iyon, hindi mo na uubusin ang iyong mamamayan. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.
 36:15 "Hindi ka na kukutyain ng ibang bansa at hindi na rin hahamakin ng mga tao. Hindi ka na mang-aagaw ng anak ng may anak. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.' ( Ang Bagong Kalagayan ng Israel )"
 36:16 Sinabi pa sa akin ni Yahweh:
 36:17 '"Tao, nang ang Israel ay unang tumira sa kanilang lupain, pinarumi nila ito sa kanilang kasamaan. Kaya, ang pamumuhay nila'y kasuklam-suklam sa akin."
 36:18 At dahil sa dugong pinadanak nila sa lupain, at dahil sa kanilang mga diyus-diyusan, ibinuhos ko sa kanila ang aking matinding poot.
 36:19 Itinapon ko sila at ikinalat sa iba't ibang panig ng daigdig. Ginawa ko sa kanila ang nararapat sa kanila.
 36:20 Ngunit sa mga lugar na kinapuntahan nila, binigyang-daan nila ang mga tao upang hamakin ang aking pangalan. Sinabi ng mga tao sa kanila, 'Hindi ba sila'y mga mamamayan ni Yahweh, bakit pinaalis sa kanilang bayan?'
 36:21 Nabahala ako dahil sa banal kong pangalan na ipinahamak ng mga Israelita sa mga dakong kinapuntahan nila.
 36:22 '"Kaya, sabihin mo sa Israel na ito ang ipinasasabi ko: Lahat ng ginagawa ko ay hindi dahil sa inyo, mga Israelita, kundi sa banal kong pangalan na inyong inilagay-hamak sa mga lugar na pinagtapunan ko sa inyo."
 36:23 Ipakikita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan na nalapastangan sa harap ng mga bansa. Makikilala ng lahat na ako si Yahweh kung maipakita ko na sa kanila ang aking kabanalan.
 36:24 Titipunin ko kayo mula sa iba't ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan.
 36:25 Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo'y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-diyusan.
 36:26 Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong masunurin.
 36:27 Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.
 36:28 Ititira ko kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Kayo ay magiging bayan ko at ako ang inyong Diyos.
 36:29 Lilinisin ko ang lahat ninyong karumihan; bibigyan ko kayo ng masaganang ani at hindi na kayo daranas ng gutom.
 36:30 Pamumungahin kong mabuti ang inyong mga punongkahoy at pasasaganain ang ani ng inyong bukirin upang hindi na kayo hamakin ng kapwa ninyo bansa dahil sa kagutom na inyong dinanas.
 36:31 Maaalaala rin ninyo ang inyong kasamaan, at dating kasuklam-suklam na mga gawa. Dahil dito, masusuklam kayo sa inyong mga sarili.
 36:32 "Dapat ninyong malaman na ginagawa ko ang lahat ng ito ngunit hindi dahil sa inyo. Dapat kayong mahiya dahil sa inyong kasamaan, mga Israelita.' "
 36:33 "Ipinasasabi pa ni Yahweh: 'Kapag nalinis ko na kayo sa inyong karumihan, muli kong patitirahan ang inyong mga lunsod at muling itatayo ang mga lugar na wasak."
 36:34 Ang mga ilang na dako ay muling bubungkalin. Pag nakita ito ng mga tao
 36:35 ay sasabihin nila, 'Ang lugar na ito'y dating tiwangwang ngunit ngayo'y parang hardin ng Eden. Ang mga lunsod na wasak at walang tao, ngayon ay may nakatira na, muling nakatayo at naliligid ng muog.'
 36:36 "Kung makita nilang muli nang naitayo ang mga guho at puno ng pananim ang dating tigang na lupain, makikilala ng mga bansa sa paligid na ako si Yahweh. Akong si Yahweh ang may sabi nito at ito'y gagawin ko.' "
 36:37 "Ipinasasabi pa ni Yahweh: 'Ito pa ang gagawin ko sa kanila. Ipagkakaloob ko ang hilingin nila sa akin. Pararamihin ko sila, tulad ng makapal nilang kawan."
 36:38 "Pararamihin ko silang tulad ng mga tupang panghandog, tulad ng mga tupa sa Jerusalem kung panahon ng kapistahan. Sa gayon, ang mga lugar na walang nakatira ay mapupuno ng tao. At makikilala nilang ako si Yahweh.'"
 37:1 ( Ang Lambak na Puno ng Kalansay ) Nadama ko ang kapangyarihan ni Yahweh at sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay dinala niya ako sa isang lambak na puno ng kalansay.
 37:2 Inilibot niya ako sa lugar na yaong puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na.
 37:3 "Tinanong niya ako, 'Tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?' Sumagot ako, 'Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh.' "
 37:4 "Sinabi niya sa akin, 'Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh."
 37:5 Ito ang ipinasasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay.
 37:6 "Lalagyan ko kayo ng litid at laman, at babalutin ng balat. Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.' "
 37:7 Nagpahayag nga ako, tulad ng utos sa akin. Nang ako'y nagsasalita, nagkaroon ng malakas na ugong, at nabuo ang mga kalansay.
 37:8 Nakita kong sila'y nagkaroon ng litid at laman; nabalot sila ng balat ngunit hindi pa humihinga.
 37:9 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinasasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila'y mabuhay.'"
 37:10 Nagpahayag nga ako at pumasok sa kanila ang hininga. Nabuhay nga sila at nang magtayuan, sila'y ubod ng dami, parang isang malaking hukbo.
 37:11 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, ang bansang Israel ay tulad ng mga kalansay na ito. Sinasabi nila, 'Tuyo na ang aming mga buto, wala na kaming pag-asa. Lubusan na kaming pinabayaan.'"
 37:12 Kaya nga, magpahayag ka. Sabihin mong ipinasasabi ko: Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan. Ibabangon ko kayo at iuuwi sa inyong bayan.
 37:13 Kung maibukas ko na ang inyong libingan at maibangon ko kayo, makikilala ninyong ako si Yahweh.
 37:14 "Hihingahan ko kayo upang kayo'y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayon, malalaman ninyo na akong si Yahweh ang nagsabi nito at aking gagawin.' ( Ang Pahayag Tungkol sa Pagkakaisa ng Juda at ng Israel )"
 37:15 Sinabi pa sa akin ni Yahweh,
 37:16 '"Tao, kumuha ka ng isang putol na kahoy at sulatan mo ng, 'Ang kaharian ng Juda.' Pagkatapos, kumuha ka ng isa pa at sulatan mo naman ng, 'Ang kaharian ng Israel.'"
 37:17 Pagkaraan noon, pagdugtungin mo ito na parang iisa ang hawak mo.
 37:18 Kapag itinanong nila kung ano ang ibig sabihin noon,
 37:19 sabihin mong ipinasasabi ko na darating na ang panahon at ang kaputol na kahoy na kumakatawan sa Israel ay isasama ko sa kaputol na kahoy na kumakatawan sa Juda upang sila'y maging isa na lang.
 37:20 Kailangang nakikita nilang hawak mo ang mga putol ng kahoy na iyong sinulatan
 37:21 habang sinasabi mong ito ang ipinasasabi ni Yahweh: Titipunin ko ang mga Israelita mula sa mga dakong kinatapunan nila upang ibalik sila sa sarili nilang bayan.
 37:22 Sila'y pag-iisahin ko na lamang. Isa lamang ang magiging hari nila; hindi na sila mahahati, sila'y gagawin kong isa na lamang kaharian.
 37:23 Hindi na sila sasamba sa diyus-diyusan ni gagawa ng kasuklam-suklam na mga bagay o anumang paglabag. Hindi na sila tatalikod sa akin. Lilinisin ko sila. Sila ang magiging bayan ko at ako ang magiging Diyos nila.
 37:24 Isang tulad ng lingkod kong si David ang magiging hari nila. Susundin na nilang mabuti ang aking mga utos at tuntunin.
 37:25 Sila'y doon na maninirahan sa lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno, sa lupaing ibinigay ko kay Jacob. Sila, at ang kanilang mga anak at magiging anak ng mga anak ay doon mananatili habang panahon. Isang haring tulad ni David na aking lingkod ang magiging pinuno nila magpakailanman.
 37:26 Gagawa ako ng isang tipan sa kanila. Ito ay tipan ng kapayapaan at mamamalagi magpakailanman. Pagpapalain ko sila at pararamihin. Itatayo ko sa kalagitnaan nila ang aking Templo.
 37:27 Ako'y mananatiling kasama nila magpakailanman. Ako ang magiging Diyos nila, sila ay magiging bayan ko.
 37:28 "At kung mananatili sa kalagitnaan nila ang aking Templo, malalaman ng lahat ng bansa na akong si Yahweh ang humirang sa Israel upang maging akin.'"
 38:1 ( Ang Pahayag Laban sa Gog ) Sinabi sa akin ni Yahweh:
 38:2 '"Tao, harapin mo si Gog sa lupain ng Magog at hari ng mga bansang Mesec at Tubal. Magpahayag ka laban sa kanya at sabihin mong"
 38:3 ipinasasabi ko: Ako'y laban sa iyo, Gog, pinakapuno ng mga hari ng Mesec at Tubal.
 38:4 Babaligtarin kita ngayon, tatalian sa ilong. Iaalis kita sa sarili mong bayan, ikaw at ang iyong hukbo; ang iyong mga kabayo at mangangabayo na nasa hustong kasuutang pandigma, may pananggalang at tabak.
 38:5 Kasama nila ang kalalakihan ng Persia, Etiopia at Libia na pawang may pananggalang at nakahelmet.
 38:6 Kasama rin ang Gomer pati ng kanyang hukbo at ang Bet-togarma hanggang sa dulong hilaga pati ng buong hukbo nito at ang kalalakihan ng marami pang bansa.
 38:7 '"Humanda kang lagi, ikaw at ang mga hukbong kasama mo. Tumalaga kayo anumang oras na kailangan ko."
 38:8 Pagkaraan ng maraming taon, titipunin ko kayo; lulusubin ninyo ang isang bansang itinayong muli mula sa pagkaguho. Ang naroon ay mga taong tinipon mula sa iba't ibang dako at payapang naninirahan sa mga bundok ng Israel, isang lugar na dating tiwangwang at walang naninirahan.
 38:9 Sasagasaan ninyong parang bagyo ang lugar na yaon at kakalatan ninyong parang ulap, ikaw, ang iyong hukbo at ang makapal na taong kasama mo.
 38:10 '"Ito ang ipinasasabi sa iyo ni Yahweh: Gog, sa araw na yaon, may papasok sa iyong isip at ikaw ay magbabalak ng masama."
 38:11 Isasaloob mo, 'Ang sasalakayin ko'y isang mahinang bansa. Lulupigin ko ang mga taong naninirahan nang tahimik, walang mga pader na kanlungan ni anumang harang.
 38:12 Sasakupin ko ito, sasamsaman ang naroon, at wawasakin ang lupaing dating tiwangwang at walang nakatira ngunit ngayo'y puno ng taong tinipon mula sa iba't ibang dako. Ngayo'y makapal na ang kanilang mga hayop, marami na ang ari-arian at ang lupain nila'y siyang sentro sa daigdig.'
 38:13 Sasabihin sa iyo ng Seba at Dedan, ng Tarsis at ng mga mangangalakal nito, 'Naparito ka ba upang manamsam? Tinipon mo ba ang karamihang ito upang hakutin ang mga pilak, ginto, mga hayop, at mga ari-arian, upang samsamin ang malaking kayamanang ito?'
 38:14 '"Kaya, pinapunta ako ni Yahweh sa Gog at ipinasabi ang ganito: Sa araw na yaong nananahimik ang bayan kong Israel, ikaw ay magbabalikwas."
 38:15 Isasama mo ang makapal na tao, isang malaking hukbo na pawang kabayuhan mula sa dulong hilaga.
 38:16 Ang Israel ay sasalakayin ninyo, tulad ng rumaragasang bagyo. Ipalulusob ko sa iyo ang aking bayan upang ipakilala sa mga bansa kung sino ako, at ipakita sa kanila ang aking kapangyarihan sa pamamagitan ng gagawin ko sa iyo.
 38:17 '"Ipinasasabi pa ni Yahweh: Noong araw pa, iniutos ko na sa mga lingkod kong propeta ng Israel na ipahayag nila na may isang bansang titindig laban sa Israel, at ikaw ang tinutukoy noon."
 38:18 Pagdating ng araw na yaon, kapag sinalakay na ng Gog ang Israel, aabot na sa sukdulan ang aking poot.
 38:19 At sa tindi ng aking galit, lilindol nang napakalakas sa buong Israel.
 38:20 Ang mga isda, ibon at hayop, malaki o maliit, at ang mga tao, ay manginginig sa harap ko. Ang mga bundok ay guguho, gayon din ang mga bangin at ang lahat ng muog sa lupa.
 38:21 Paghahariin ko sa Gog ang matinding takot at sila-sila'y magtatagaan.
 38:22 Parurusahan ko siya sa pamamagitan ng salot at kamatayan. Siya at ang kanyang mga hukbo ay pauulanan ko ng buhawi, apoy at asupre.
 38:23 "Sa ganyang paraan ko ipakikita sa lahat ng bansa ang aking kapangyarihan. Sa gayo'y makikilala nilang ako si Yahweh.'"
 39:1 ( Ang Pagbagsak ng Gog ) "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, magpahayag ka laban sa Gog. Sabihin mong ipinasasabi ko: Ako'y laban sa iyo, Gog, pangunahing pinuno ng Mesec at Tubal."
 39:2 Babaligtarin kita, at mula sa dulong hilaga ay itataboy sa kabundukan ng Israel.
 39:3 Pagkatapos, aagawin ko ang pana at mga palaso sa iyong mga kamay.
 39:4 Ikaw at ang iyong buong hukbo ay malilipol sa kabundukan ng Israel, pati ang makapal mong tauhan. Ang inyong mga bangkay ay pababayaan kong kanin ng mga ibon at lapain ng mababangis na hayop.
 39:5 Sinasabi kong mabubuwal ka sa kaparangan.
 39:6 Lilikha ako ng sunog sa Magog at sa baybayin ng dagat, ang lugar na hindi dating nakararanas ng gulo. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.
 39:7 "Ipakikilala ko ang aking pangalan sa gitna ng bayan kong Israel at di ko na babayaang malapastangan ito. Sa gayo'y makikilala ng lahat ng bansa na ako si Yahweh, ang Banal ng Israel.' "
 39:8 "Sinabi pa ni Yahweh, 'Dumarating na ang araw ng kaganapan ng mga bagay na ito."
 39:9 Pagkaganap ng mga bagay na ito, ang mga taga-lunsod ay lalabas ng bayan upang gawing panggatong ang makapal na gamit pandigma: pananggalang, pana, palaso, punyal, at sibat. Ang daming ito ay magiging sapat na panggatong sa loob ng pitong taon.
 39:10 "Hindi na sila kailangang mangahoy sa bukid o sa gubat. Ang mga sandatang yaon na ang kanilang igagatong. Ang mangyayari, sasamsaman nila ang sana'y mananamsam sa kanila.' ( Ang Libingan ng Gog )"
 39:11 "Sinabi pa ni Yahweh, 'Sa araw na yaon, ang Gog ay bibigyan ko ng isang libingan sa Israel, ang Lambak ng Manlalakbay, sa silangan ng Dagat na Patay. Doon siya ililibing pati ang makapal na taong kasama niya. Ang libingang ito'y tatawaging Lambak ng Hukbo ng Gog, at lilihisan ng mga manlalakbay."
 39:12 Sa paglilibing lamang sa kanila, mauubos ang pitong buwan bago mailibing ng mga Israelita ang lahat ng bangkay.
 39:13 Lahat ng tutulong sa paglilibing ay pararangalan sa araw ng aking tagumpay. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.
 39:14 Pagkaraan ng pitong buwan, magtatalaga kayo ng isang pangkat upang patuloy na maghanap at maglibing sa mga kalansay na hindi pa naililibing para malinis nang lubusan ang lupain.
 39:15 Sinuman sa kanila ang makakita ng kalansay, lalagyan niya iyon ng tanda hanggang hindi nadadala sa pinaglibingan kay Gog at sa kanyang mga kasama.
 39:16 "(Isang malapit na bayan ay tatawaging Ang Hukbo ni Gog.) Gayon ang gagawin ninyo upang ganap na malinis ang lupain.' "
 39:17 "Sinabi pa ni Yahweh, 'Tao, ito naman ang sabihin mo sa lahat ng uri ng ibon at hayop: 'Halikayo at magpakabusog sa handog na itong inihanda ko sa inyo, isang malaking handa sa mga bundok ng Israel. Magpakabusog kayo sa laman at dugo."
 39:18 Kanin ninyo ang laman ng mga mandirigma at inumin ang dugo ng mga pinuno ng daigdig. Ito ay siya ninyong pinakatupang lalaki, kordero, kambing, toro, at baka.
 39:19 Magsasawa kayo sa taba at malalango sa dugo dito sa maraming handog na inilaan ko sa inyo.
 39:20 "Sa dulang ko'y mabubusog kayo sa kabayo at mandirigmang sakay nito at sa lahat ng uri ng kawal.' Akong si Yahweh ang nagsabi nito.' ( Ibinalik sa Dati ang Israel )"
 39:21 "Sinabi ni Yahweh, 'Ipamamalas ko sa lahat ng bansa ang aking kapangyarihan sa pamamagitan ng paggamit ko sa aking kapangyarihan sa pagsasagawa ng aking pasiya."
 39:22 Mula sa araw na yaon, makikilala ng Israel na ako si Yahweh, ang kanilang Diyos.
 39:23 At malalaman ng lahat ng bansa na ang Israel ay nabihag dahil na rin sa kanilang kasamaan; dahil sa pagtataksil nila sa akin, sila ay aking pinabayaan at ibinigay sa kanilang mga kaaway upang patayin.
 39:24 "Pinabayaan ko sila pagkat iyon lang ang marapat sa kanilang kasamaan.' "
 39:25 "Ipinasasabi pa ni Yahweh: 'Ngayon, ibabalik ko ang dating kalagayan ni Jacob. Muli kong ipadarama sa sambayanang Israel ang aking pag-ibig sa kanila upang mabigyan kong karangalan ang aking pangalan."
 39:26 Ang kahihiyang sinapit nila at ang kanilang kataksilan sa akin ay malilimutan na rin nila kapag sila'y payapa nang naninirahan sa sarili nilang lupain at wala nang liligalig sa kanila.
 39:27 At kapag natipon ko na sila mula sa lupain ng kanilang mga kaaway, sa pamamagitan ng pagkalinga ko sa kanila'y ipakikita ko sa lahat ng bansa ang aking kapangyarihan.
 39:28 Sa gayon, makikilala ng Israel na ako si Yahweh na kanilang Diyos pagkat itinapon ko sila sa lahat ng panig ng daigdig at pagkatapos ay muling tinipon sa sarili nilang lupain. Titipunin ko silang lahat at walang matitira isa man sa ibang bansa.
 39:29 "Ibubuhos ko sa Israel ang aking Espiritu at hindi ko na sila tatalikdan. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.'"
 40:1 ( Ang Pangitain Tungkol sa Templo ) Noong ika-10 araw ng bagong taon at ika-25 taon ng aming pagkatapon, samakatwid ay labing-apat na taon pagkatapos masakop ang lunsod, nilukuban ako ng kapangyarihan ni Yahweh.
 40:2 Sa isang pangitain, dinala niya ako sa ituktok ng isang mataas na bundok sa Israel. Sa tapat ko, may nakita akong tila isang lunsod.
 40:3 Inilapit niya ako roon at may nakita akong isang tao sa may pagpasok ng lunsod. Siya'y tila tanso, may hawak na pising lino, at panukat.
 40:4 "Sinabi niya sa akin, 'Tao, talasan mo ang iyong mata at tainga. Tandaan mong mabuti ang lahat ng ipakikita ko sa iyo pagkat ito ang dahilan ng pagkadala sa iyo rito. Pagkatapos, masabi mo naman sa mga Israelita.' ( Ang Tarangkahan sa Gawing Silangan )"
 40:5 Ang nakita ko ay templo na napaliligiran ng pader. Kinuha noong tao ang panukat niya---sampung talampakan ang haba nito---at sinukat ang pader sa paligid ng templo: Sampung talampakan ang kapal nito, gayon din ang taas.
 40:6 Pagkatapos, pumunta siya sa tarangkahan sa gawing silangan. Pumanhik siya sa mga baytang nito at sinukat ang pintuan; ang taas nito ay sampung talampakan din.
 40:7 Sa kabila nito ay may daanan at may tigatlong silid sa magkabila. Ang mga silid na ito ay parisukat; sampung talampakan ang haba, gayon din ang luwang at ang pader sa pagitan ay walong talampakan. Sa kabila ng mga silid na ito ay may daanan patungo sa malaking bulwagan sa harap ng templo. Ang haba nito ay sampung talampakan.
 40:8 Sinukat niya ang bulwagan. Ang luwang nito ay labing-apat na talampakan. Ito ang pinakadulo ng daanan sa pintuang malapit sa templo. Ang kapal ng dulo ng pader nito ay apat na talampakan.
 40:9 (*papuloy)
 40:10 Pare-pareho ang sukat ng mga silid na ito, at magkakasingkapal ang mga pader sa pagitan.
 40:11 Sinukat din niya ang pasukan papuntang tarangkahan. Ang kabuuang luwang nito'y dalawampu't dalawang talampakan at labing-anim naman ang tarangkahan.
 40:12 Sa harap ng mga silid ng bantay-pinto ay may pader na dalawampung pulgada ang taas, gayon din ang kapal. Ang mga silid ay kuwadrado: Sampung talampakan ang haba, gayon din ang luwang.
 40:13 Pagkatapos, sinukat niya mula sa gilid ng unang silid hanggang sa huling silid. Ito'y may apatnapu't dalawang talampakan.
 40:14 Sinukat din niya ang bulwagan sa pasukan at ito'y may tatlumpu't apat na talampakan.
 40:15 Ang kabuuang haba ng daanan mula sa tarangkahan hanggang sa huling silid ay walumpu't apat na talampakan.
 40:16 Ang mga silid ay may bintana upang makita ang labas at mayroon din sa mga pader sa pagitan ng mga silid. Sa mga pader naman sa loob ng silid ay may dibuhong puno ng palma. ( Ang Patyo sa Labas )
 40:17 Dinala niya ako sa patyo sa labas. Doon ay may tatlumpung silid na nakadikit sa pader. Sa harap ng mga silid na ito ay may bahaging nalalatagan ng bato
 40:18 na abot sa gusali sa pasukan. Ito ay mababa kaysa patyo sa loob.
 40:19 May mas mataas na daanan patungo sa patyo sa loob. Sinukat noong tao ang pagitan ng dalawang daanan at umabot ng 168 talampakan. ( Ang Tarangkahan sa Gawing Hilaga )
 40:20 Pagkaraan, sinukat niya ang daanan sa gawing hilaga na papunta rin sa patyo sa labas.
 40:21 Ang tigatlong silid ng mga bantay-pinto, ang mga pader sa pagitan at ang bulwagan ay kasinlaki rin ng nasa tarangkahan sa gawing silangan. Ang haba ng daanan ay walumpu't apat na talampakan at apatnapu't dalawa naman ang luwang.
 40:22 Ang bulwagan, mga bintana, at dibuhong puno ng palma ay katulad nga ng nasa tarangkahan sa gawing silangan. Pito ang baytang nito at nasa dulo ang bulwagan paharap sa patyo.
 40:23 Sa tapat ng tarangkahang ito ay may tarangkahan ding papasok sa patyo sa loob, tulad ng sa gawing silangan. Sinukat niya ang pagitan ng tarangkahan sa hilaga at ng tarangkahan sa timog at ito'y umabot ng 168 talampakan. ( Ang Tarangkahan sa Gawing Timog )
 40:24 Dinala niya ako sa gawing timog at doo'y mayroon ding tarangkahan. Sinukat niya ito. Ito'y kasukat din ng ibang tarangkahan.
 40:25 May mga bintana rin ito sa paligid tulad ng ibang tarangkahan. Ang haba ng daanan nito ay walumpu't apat na talampakan at apatnapu't dalawa naman ang luwang.
 40:26 Pito rin ang baytang nito at nasa dulo ang bulwagan paharap sa patyo. May tig-isang dibuho ng puno ng palma ang pader ng pasilyo.
 40:27 Mayroon din itong daanan papunta sa patyo sa loob. Ang haba nito ay 168 talampakan. ( Ang Patyo sa Loob: Ang Tarangkahan sa Timog )
 40:28 Ako'y ipinasok niya sa patyo sa loob. Sa tarangkahan sa gawing timog kami nagdaan. Sinukat niya ito at kasukat din ng iba.
 40:29 Ang bulwagan, mga silid nito, at pader sa pagitan ay tulad din ng sa ibang tarangkahan. May mga bintana rin ito. Ang haba ng pasilyo ay walumpu't apat na talampakan at apatnapu't dalawa naman ang luwang.
 40:30 (*papuloy)
 40:31 Ang bulwagan nga nito ay paharap sa panlabas na patyo, may dibuho ring puno ng palma ang pader ng daanan at walo ang baytang patungo sa tarangkahang ito. ( Ang Patyo sa Loob: Ang Tarangkahan sa Silangan )
 40:32 Itinuloy niya ako sa loob ng patyo sa gawing silangan. Sinukat niya ang tarangkahan nito. Ito ay kasukat din ng iba,
 40:33 gayon din ang bulwagan, mga silid ng bantay-pinto, at ang pader sa pagitan. Naliligid ito ng mga bintana. Ang haba ng daanan ay walumpu't apat na talampakan at apatnapu't dalawa naman ang lapad.
 40:34 Paharap sa patyo sa labas ang bulwagan, may dibuho ring puno ng palma ang pader at walong baytang ang hagdan. ( Ang Patyo sa Loob: Ang Tarangkahan sa Hilaga )
 40:35 Pagkatapos, dinala niya ako sa may tarangkahan sa gawing hilaga at ito'y kanyang sinukat. Kasukat din ito ng iba,
 40:36 gayon din ang bulwagan, mga silid at ang pader sa pagitan. Ang haba ng bulwagan ay walumpu't apat na talampakan at apatnapu't dalawa naman ang lapad. Ito ay may mga bintana rin sa paligid.
 40:37 Paharap sa patyo sa labas ang bulwagan nito, may dibuho ring puno ng palma ang pader na pasilyo at walo ang baytang ng hagdan. ( Ang mga Gusali sa Tabi ng Tarangkahan sa Hilaga )
 40:38 Ang patyo sa labas ay may kasudlong; nakadikit ito sa tarangkahan sa loob sa gawing hilaga at abot sa bulwagang nakaharap sa patyo. Doon nila nililinis ang mga hayop na pinatay upang sunugin sa altar bilang handog.
 40:39 Sa magkabilang panig ng bulwagan ay may tigalawang mesa. Dito naman nila pinapatay ang mga hayop na ihahandog, kahit na susunugin, handog para sa kasalanan, o handog tungkol sa paglabag.
 40:40 May apat na mesa rin sa labas, tigalawa sa magkabila ng tarangkahan sa gawing hilaga.
 40:41 Samakatwid ay tig-apat ang mesa sa loob at labas ng bulwagan. Sa mga mesang ito pinapatay ang lahat ng hayop na panghandog.
 40:42 Yari sa tinapyas na bato ang apat na mesang patungan ng hayop na susunugin bilang handog. Ang taas nito ay dalawampung pulgada, tatlumpu ang lapad, gayon din ang haba. Dito inilalagay ang mga kasangkapang pampatay sa mga handog.
 40:43 Sa paligid ng mga mesa ay may pinakapasamanong tatlong pulgada. Sa mesa ipinapatong ang karneng panghandog.
 40:44 Dinala ako sa patyo sa loob. Doon ay may dalawang tanging silid: ang isa'y nakaharap sa timog at ang isa nama'y nakaharap sa hilaga.
 40:45 "Sinabi sa akin noong lalaki, 'Ang silid na nakaharap sa timog ay ukol sa mga saserdoteng nangangasiwa sa templo,"
 40:46 "at yaong nakaharap sa hilaga ay para naman sa mga saserdoteng nangangasiwa sa altar. Sila'y mga anak ni Zadok, ang sambahayan mula sa lipi ni Levi na siya lamang maaaring maglingkod sa harapan ni Yahweh.'"
 40:47 Sinukat ng lalaki ang patyo sa loob. Ito'y parisukat na 168 talampakan. Nasa gawing kanluran ang templo at nasa harap nito ang altar. ( Ang Patyo sa Loob at ang Templo )
 40:48 Isinama niya ako sa bulwagang papasok ng templo. Sinukat niya ang pasukan nito: siyam na talampakan ang taas at dalawampu't apat naman ang luwang. Ang kapal ng pader ay limang talampakan.
 40:49 Ang haba ng bulwagan ay tatlumpu't apat na talampakan at dalawampu ang taas. Ito ay may dalawa pang pinakatukod sa magkabila, bukod sa dalawang malalaking poste. Ang hagdan nito ay dalawampung talampakan ang taas at tatlumpu't apat ang luwang.
 41:1 Pagkatapos, ipinasok ako ng lalaking iyon sa Dakong Kabanal-banalan. Sinukat niya ang daanan nito: sampung talampakan ang taas,
 41:2 labingwalo ang luwang at walong talampakan ang kapal ng pader. Sinukat niya ang bulwagan. Ang haba nito ay animnapu't walong talampakan at tatlumpu't apat ang luwang.
 41:3 Pumasok siya sa huling silid. Sinukat niya ang daanan nito. Ang taas nito ay tatlong talampakan, sampu ang luwang at ang kapal ng pader ay labindalawang talampakan.
 41:4 "Sinukat niya ang bulwagan. Ang luwang nito ay tatlumpu't apat na talampakan, gayon din ang haba. Sinabi niya sa akin, 'Ito ang Dakong Kabanal-banalan.' ( Ang mga Silid na Nakadikit sa Pader )"
 41:5 At sinukat din niya ang panloob na pader ng templo. Ang kapal nito ay sampung talampakan. Sa pader na ito na nakapaligid sa templo ay may sunud-sunod na mga silid na tigpipitong talampakan ang luwang.
 41:6 Tatlong palapag ang mga silid, bawat palapag ay may tatlumpung silid. Ang pader ng palapag sa itaas ay manipis kaysa nasa ibaba pagkat sa gilid ng pader nakasalalay ang bawat palapag.
 41:7 Sa labas ng mga silid na ito ay may malapad na hagdanang nakadikit sa pader at siyang daanan papunta sa mga palapag. Kung tingnan sa labas ay waring pareho ang kapal ng pader mula sa ibaba hanggang sa itaas. Ngunit sa loob, ang itaas na palapag ay maluwang kaysa sumusunod na palapag.
 41:8 Nakita kong may balkonaheng walong talampakan sa paligid ng templo. Sampung talampakan ang taas nito mula sa lupa at kapantay ng pundasyon ng mga silid sa gilid.
 41:9 Ang kapal ng pader ng mga silid na ito ay walong talampakan. Sa paligid ng templo ay may bahaging bukas sa pagitan ng balkonahe at ng silid ng mga saserdote.
 41:10 (*papuloy)
 41:11 May isang pinto papunta sa lugar ng mga silid sa gawing hilaga at isa sa timog; ito'y palaging bukas. Ang luwang ng asotea sa palibot ng templo ay walong talampakan. ( Ang Gusali sa Gawing Kanluran )
 41:12 Sa dulo sa gawing kanluran ay may isang gusali na 150 talampakan ang haba at 116 ang luwang; siyam na talampakan ang kapal ng pader nito. ( Ang Kabuuang Sukat ng Templo )
 41:13 Sinukat ng lalaki ang labas ng templo. Ang haba nito ay 168 talampakan. Mula sa likod ng templo hanggang sa gusali sa kanluran ay 168 talampakan.
 41:14 Ang pagitan mula sa harap ng templo, pati ng patyo ay 168 talampakan din.
 41:15 Sinukat din niya ang haba ng gusali. Ito'y 168 talampakan pati ng mga silid sa magkabila. ( Ang Templo )Ang mga silid na pasukan sa templo, ang Dakong Banal at ang Dakong Kabanal-banalan, at ang bulwagan sa gawing labas ay
 41:16 nababalot ng tabla, mula sa sahig hanggang bintana.
 41:17 Ang loob naman ng templo ay balot ng tablang kasintaas ng pinto at may ukit na larawan ng palma at kerubin; salitan ang larawan ng palma at kerubin. Bawat kerubin ay may dalawang mukha:
 41:18 (*papuloy)
 41:19 isa ay mukha ng tao, mukha naman ng leon ang isa. Ang mga ito'y magkatalikod at parehong nakatingin sa puno ng palma. Ganito ang larawang nakaukit sa lahat ng dinding ng templo.
 41:20 Kasintaas ng pinto ang mga tablang may nakaukit na larawan ng kerubin at puno ng palma. ( Ang Altar na Kahoy )
 41:21 Ang mga hamba ng pinto ng Dakong Banal ay parisukat. Sa harap ng Dakong Kabanal-banalan ay may parang
 41:22 "altar na kahoy. Ang taas nito'y limang talampakan, apat naman ang luwang. Kahoy ang mga paa nito, gayon din ang patungan at ang dinding. Sinabi sa akin ng lalaki, 'Iyan ang mesa sa harapan ni Yahweh.' ( Ang mga Pinto )"
 41:23 Sa magkabilang dulo ng daanan papunta sa Dakong Banal ay may pinto, gayon din ang papunta sa Dakong Kabanal-banalan.
 41:24 Ang mga pinto ay tigalawang paypay; bawat paypay ay may tigalawang bisagra.
 41:25 Ang pinto papunta sa Dakong Banal ay may nakaukit ding larawan ng kerubin at puno ng palma, tulad ng nasa dinding. May kahoy na panakip sa labas ng bulwagang-pasukan.
 41:26 Sa bawat panig ng Dakong Banal ay may mga bintana at ang mga dinding ay natatakpan ng tablang may inukit na larawan ng kerubin at puno ng palma.
 42:1 ( Ang Dalawang Gusali na Malapit sa Templo ) Ako'y isinama ng lalaki sa patyo sa labas at nagtuloy kami sa gusali sa gawing hilaga ng templo at malapit sa dulo nito sa kanluran.
 42:2 Ang haba ng gusaling ito ay 168 talampakan at walumpu't apat naman ang luwang.
 42:3 Ang kabiyak nito ay nakaharap sa patyong tatlumpu't apat na talampakan ang luwang at ang kabiyak sa patyong nalalatagan ng bato. Ito ay tatlong andana.
 42:4 Sa hilaga ng gusali ay may isang daanang labing-anim na talampakan ang luwang at 168 ang haba.
 42:5 Ang mga silid sa pangatlong palapag ay maliit kaysa una at pangalawa dahil sa balkon nito.
 42:6 Ang mga silid mula sa una hanggang ikatlong palapag ay walang haligi, di tulad ng ibang gusali sa patyo sa labas.
 42:7 Ang pader sa ibaba ay may luwang na walumpu't apat na talampakan, kalahati ng kabuuang haba; sa natitirang walumpu't apat na talampakan ay may mga silid. Sa itaas na palapag ay nakahanay ang mga kuwarto mula puno hanggang dulo.
 42:8 (*papuloy)
 42:9 Sa silangang dulo ng gusali sa ilalim ng mga silid na ito ay may mga pinto palabas sa patyo. Sa gawing timog ng templo ay may isa pang gusali, hindi kalayuan sa kanlurang dulo ng templo.
 42:10 (*papuloy)
 42:11 Sa harap ng mga silid ay may daang katulad at kasukat ng nasa gawing hilaga.
 42:12 Sa dulo ng hanay ng mga silid sa gawing timog ay mayroon ding pinto.
 42:13 "Sinabi sa akin noong lalaki, 'Ang mga gusaling ito ay sagrado. Dito kakanin ng mga saserdote ang sagradong bahagi ng mga handog. Dito rin ilalagay ang mga pinakasagradong handog tulad ng handog para sa kasalanan at handog ukol sa paglabag, pagkat itinalaga ang mga silid na yaon."
 42:14 "Pagkagaling nila sa templo at ibig nilang lumabas sa patyo, huhubarin muna nila roon ang kanilang kasuutan. Iba ang kasuutang gagamitin nila pagharap sa mga tao.' ( Ang Sukat ng Paligid ng Templo )"
 42:15 Matapos sukatin noong tao ang loob ng templo, lumabas kami sa tarangkahan sa gawing silangan at sinukat niya ang labas.
 42:16 Ang gawing silangan ay 840 talampakan, gayon din ang gawing timog, kanluran, at hilaga.
 42:17 (*papuloy)
 42:18 (*papuloy)
 42:19 (*papuloy)
 42:20 Sinukat nga niya ang apat na panig. Napaliligiran ng pader upang mabukod sa karaniwan ang tanging lugar na ito.
 43:1 ( Ang Templo'y Napuno ng Kaningningan ni Yahweh ) Dinala ako ng lalaki sa tarangkahan sa gawing silangan.
 43:2 Doon, nakita kong dumarating mula sa silangan ang kaningningan ng Diyos ng Israel, parang ugong ng malaking baha. Nagliwanag ang lupa dahil sa kaningningang yaon.
 43:3 Ang pangitaing ito ay tulad ng nakita ko nang wasakin ang Jerusalem. Tulad din ito noong nakita ko sa Ilog Kebar. Ako'y sumubsob sa lupa.
 43:4 Ang nakasisilaw na liwanag ay nagdaan sa pintuan sa silangan at pumasok sa templo.
 43:5 Itinayo ako ng Espiritu at ipinasok sa patyo sa loob. Nakita kong ang buong templo'y punung-puno ng kaningningan ni Yahweh.
 43:6 Magkatabi kaming nakatayo noong lalaki. Maya-maya, may narinig akong nagsasalita sa akin mula sa templo.
 43:7 "Ang sabi, 'Tao, ito ang aking trono, at ito ang tuntungan ng aking mga paa. Ito ang magiging tahanan ko sa aking paninirahan sa gitna ng Israel. Ang pangalan ko'y di na nila lalapastanganin, ni ng kanilang mga hari, sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyusan at sa kanilang mga yumaong hari."
 43:8 Ang pintuan nila at ang aking pintuan ay may pagitan lamang na isang pader. Nilapastangan nila ang aking pangalan sa pamamagitan ng kasuklam-suklam nilang gawain kaya nilipol ko sila.
 43:9 "At ngayo'y titigil na sila sa pagsamba sa diyus-diyusan at sa yumao nilang mga hari. Kaya, maninirahan ako sa gitna nila habang panahon.' "
 43:10 "Sinabi pa ni Yahweh, 'Tao, ipaliwanag mo sa sambahayan ni Israel ang kaayusan ng templong ito upang mahiya sila sa kanilang kasamaan."
 43:11 Kung magkagayon, ilarawan mong mabuti sa kanila ang kabuuan ng templo: ang kaayusan, pasukan at labasan. Ipaliwanag mo sa kanila at isulat pagkatapos ang mga tuntunin at kautusan tungkol dito upang masunod nilang mabuti.
 43:12 "Ito ang tuntunin tungkol sa templo. Lahat ng lugar sa paligid nito sa ituktok ng bundok ay aariin ninyong kabanal-banalan.' ( Ang Altar )"
 43:13 Ito ang sukat ng altar: Ang patungan sa lupa ay may dalawampung pulgada ang lalim, gayon din ang lapad. Ang paligid nito'y lalagyan ng moldeng sampung pulgada ang lapad. Ang taas naman
 43:14 mula sa patungan ay apat na talampakan hanggang sa unang pasamano, at dalawampung pulgada ang lapad. Mula sa maliit hanggang sa malaking pasamano ay pitong talampakan pataas, at dalawampung pulgada ang lapad.
 43:15 Ang taas ng bahagi ng altar na sunugan ng mga handog ay pitong talampakan. Ang pinakasungay nito sa apat na sulok ay mataas kaysa altar.
 43:16 Ang altar ay parisukat: dalawampung talampakan ang luwang, gayon din ang haba.
 43:17 Parisukat din ang panggitnang bahagi: dalawampu't apat na talampakan ang haba gayon din ang luwang. Ito'y paliligiran ng molde na sampung pulgada ang lapad. Ang lapad ng pinakaalulod ay dalawampung pulgada. Ang hagdan ng altar ay nasa gawing silangan. ( Ang Pagtatalaga sa Altar )
 43:18 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, ito ang tuntuning ipinasasabi ko tungkol sa altar. Kapag ito'y yari na, itatalaga mo ito sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga handog at pagwiwisik ng dugo ng mga hayop na inihandog."
 43:19 Yaon lamang mga saserdote mula sa sambahayan ni Zadok at mula sa lipi ni Levi ang makapaglilingkod sa akin. Akong si Yahweh ang nag-uutos. Bibigyan mo sila ng isang torong panghandog para sa kasalanan.
 43:20 Kukuha ka ng dugo nito upang ipahid sa apat na sungay ng altar, sa apat na sulok ng panggitnang bahagi, at sa gilid. Sa ganito mo lilinisin at itatalaga ang altar.
 43:21 Ang panghandog na ito para sa kasalanan ay susunugin sa isang tanging lugar sa labas ng templo.
 43:22 Kinabukasan, isang kambing na lalaki at walang kapintasan naman ang inyong ihahandog; lilinisin din ang templo sa paraang ginawa nang ihandog ang toro.
 43:23 Pagkalinis ng altar, maghahandog kayo ng isang toro at isang lalaking tupa, parehong walang kapintasan.
 43:24 Ang mga ito'y ihahandog ninyo sa akin; aasnan muna ito ng mga saserdote bago sunugin bilang handog.
 43:25 Pitong araw kayong maghahandog; araw-araw, isang lalaking kambing, tupa at baka na pawang walang kapintasan.
 43:26 Pitong araw ninyong lilinisin ang altar upang ganap itong maitalaga sa akin.
 43:27 "Sa ikawalong araw, ang inyong handog na susunugin at handog na pagkain ay maaari na ninyong ihain sa altar. Sa gayon, ako'y malulugod sa inyong lahat. Akong si Yahweh ang may sabi nito.'"
 44:1 ( Ang Tuntunin Tungkol sa Pintuan sa Gawing Silangan ) Lumabas kami sa pinto ng templo, sa pinto sa gawing silangan. Pagkalabas namin, sumara ito nang kusa.
 44:2 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Mananatiling nakasara ang pintong ito. Walang dadaan dito pagkat ito'y dinaanan ni Yahweh."
 44:3 "Ang pinuno lamang ng Israel ang maaaring kumain sa dulang ni Yahweh; ang pasok niya ay sa tarangkahan patungo sa gawing dulo; doon din ang labas.' ( Ang mga Tuntunin sa Pagpasok sa Altar )"
 44:4 Dinala ako ng lalaki sa may pintuan sa gawing hilaga, sa may harap ng templo, at nakita kong ito'y nagliliwanag sa kaningningan ni Yahweh. Ako'y sumubsob sa lupa.
 44:5 "Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tao, pakinggan mo at tandaang mabuti itong mga tuntuning sasabihin ko sa iyo tungkol sa templo ni Yahweh. Tandaan mong mabuti kung sinu-sino ang maaaring pumasok dito at ang hindi."
 44:6 Sabihin mo sa sambahayang yaon na matigas ang ulo, sa sambahayan ni Israel: Ito ang ipinasasabi ni Yahweh na Diyos: Sambahayan ni Israel, tigilan na ninyo ang kasuklam-suklam ninyong gawain.
 44:7 Ang mga taga-ibang lupa, mga taong may maruruming puso at isipan ay pinahihintulutan ninyong pumasok sa aking templo; sa gayo'y nasasalaula ito. Nangyayari ito sa inyong paghahandog sa akin ng pagkain, taba at dugo. Sinira ninyo ang aking tipan sa pamamagitan ng kasuklam-suklam ninyong gawain.
 44:8 Sa halip na kayo ang mangalaga sa mga bagay na itinalaga sa akin, ipinaubaya ninyo sa ibang tao.
 44:9 '"Mula ngayon, akong si Yahweh ang nagsasabi sa inyo na walang taga-ibang bayang may maruming puso at hindi tuli ang maaaring pumasok sa aking templo, kahit na kasamang namamahay ng mga Israelita."
 44:10 Ang mga Levita na tumalikod sa akin at nalulong sa pagsamba sa diyus-diyusan ay parurusahan ko.
 44:11 Gayunman, sila pa rin ang maglilingkod sa aking templo at magbabantay sa mga pintuan nito. Sila pa rin ang gagawa ng mga dapat gawin sa loob ng templo. Sila rin ang magpapatay at maghahandog ng mga haing susunugin ng mga mamamayan, at maglilingkod sa akin para sa mga tao.
 44:12 Ang mga saserdoteng ito ay naglingkod sa mga diyus-diyusan, anupat naging dahilan ng kasamaan ng sambahayan ng Israel, kaya naman isinusumpa kong sila'y aking parurusahan.
 44:13 Hindi sila makalalapit sa akin, ni makapaglilingkod nang tuwiran. Hindi rin sila maaaring lumapit sa mga dakong itinalaga sa akin. Sa gayon, malalagay sila sa kahihiyan dahil sa kasuklam-suklam nilang gawain.
 44:14 "Gagawin ko na lamang silang katulong sa ibang gawain sa loob ng templo.' ( Ang mga Saserdote )"
 44:15 '"Ang mga saserdoteng anak ni Zadok at ang mga buhat sa angkan ni Levi lamang ang maaaring lumapit sa akin at maglingkod nang tuwiran, pagkat sila ang patuloy na nangalaga sa aking templo nang talikdan ako ng Israel. Kaya naman, sila lamang ang maaaring maghandog sa akin ng pagkain, taba at dugo,' sabi ni Yahweh."
 44:16 '"Sila lamang ang papasok sa aking templo at lalapit sa aking dulang upang maglingkod sa akin at magsakatuparan ng aking iniuutos."
 44:17 Kayong lino ang kasuutan nila pagpasok pa lamang sa patyo. Huwag silang magsusuot ng anumang yari sa lana habang sila'y naglilingkod sa loob ng patyong ito.
 44:18 Kayong lino rin ang gagamitin nilang turbante, gayon din ang pantalon. Huwag silang magbibigkis para hindi sila pawisan.
 44:19 Bago sila humarap sa mga tao sa patyo sa labas, huhubarin muna nila ang kasuutan sa paglilingkod sa Diyos. Itatago ito sa tanging silid, saka magbibihis ng iba upang ang kabanalan ng kasuutang yaon ay hindi makapinsala sa mga mamamayan.
 44:20 Huwag silang magpapakalbo ngunit huwag namang gaanong magpapahaba ng buhok; ito ay kanilang gugupitin sa katamtamang haba.
 44:21 Huwag silang titikim ng alak kung papasok sa patyo sa loob.
 44:22 Huwag silang mag-aasawa sa babaing hiwalay sa asawa, ni sa balo liban na lamang kung balo ng isa ring saserdote. Ang kukunin nilang asawa ay anak na dalaga o kaya'y balo ng kapwa nila saserdote.
 44:23 Ituturo nila sa mga tao kung ano ang pagkakaiba ng itinalaga kay Yahweh at ng hindi. Ituturo rin nila kung paano ang pagkilala sa malinis at sa marumi ayon sa tuntunin.
 44:24 Kung may hidwaan ang mga mamamayan, sila ang hahatol ayon sa kanilang kaalaman sa usapin. Isasagawa nila sa takdang panahon ang lahat kong mga tuntunin at Kautusan. Patuloy rin nilang susundin ang mga tuntunin ukol sa Araw ng Pamamahinga.
 44:25 Huwag silang lalapit sa kaninumang bangkay liban sa ama, ina, kapatid na lalaki o kapatid na dalaga, upang hindi sila ituring na marumi ayon sa Kautusan.
 44:26 Pagkatapos niyang isagawa ang tuntunin ng paglilinis makaraang marumihan siya ng bangkay, bibilang pa siya ng pitong araw bago ibilang na malinis ayon sa Kautusan.
 44:27 At pagpasok niya sa patyo sa loob upang maglingkod sa Banal na Dako, maghahandog siya ng kanyang handog para siya luminis at makapaglingkod uli sa templo. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.
 44:28 '"Ang mga saserdote ay hindi kasama sa partihan sa lupain; ako ang kanilang kaparte. Hindi sila bibigyan ng anumang ari-arian sa Israel, ako ang para sa kanila."
 44:29 Ang ikabubuhay nila ay ang handog na pagkain, handog para sa kasalanan at paglabag, alalaon baga'y lahat ng handog ng Israel.
 44:30 Ang pinakamainam sa mga unang bunga at lahat ng handog ng Israel ay mauukol sa mga saserdote, gayon din ang pinakamasarap ninyong pagkain. Sa gayon, patuloy ko kayong pagpapalain.
 44:31 "Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anumang hayop o ibon na kusang namatay o nilapa ng mailap na hayop.'"
 45:1 ( Tuntunin Tungkol sa Partihan ng Lupain ) Sa paghahati ninyo ng lupain, magbubukod kayo ng isang bahagi para kay Yahweh. Ito ang sukat ng inyong ibubukod: 12,955 metro ang haba, at 10,364 naman ang luwang.
 45:2 Susukat kayo rito ng 259 metro parisukat para tayuan ng templo at ang paligid ay lalagyan ng patyong dalawampu't anim na metro ang luwang.
 45:3 Para sa Dakong Kabanal-banalan, susukat kayo ng 12,955 metro ang haba at 5,182 ang luwang.
 45:4 Ito ang pinakatanging lugar ng lupain at siyang mauukol sa mga saserdoteng maglilingkod sa templo, sa harapan ni Yahweh; ito ang magiging tirahan nila at tayuan ng templo.
 45:5 Isa pang lote na 12,955 ang haba at 5,182 ang luwang ay para naman sa mga saserdoteng maglilingkod sa kabuuan ng templo.
 45:6 Karatig ng bahaging itinalaga para sa akin, mag-iiwan kayo ng isang lote na 12,955 metro ang haba at 2,591 naman ang luwang. Ito ay para sa lahat ng Israelita. ( Ang Lupain Ukol sa Pinuno ng Israel )
 45:7 Sa pinuno ng Israel, ang iuukol ay ang karatig ng bahaging itinangi kay Yahweh. Yaong nasa gawing kanluran ay sagad sa dagat, at yaong sa gawing silangan ay abot sa ilog. Ito ay magkakasinlaki ng kaparte ng bawat lipi.
 45:8 Ito ay para sa kanila at nang hindi na nila apihin ang iba pang lipi ng Israel. ( Ang mga Tuntunin para sa Pinuno )
 45:9 "Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Mga pinuno ng Israel, tigilan na ninyo ang karahasan at pang-aapi sa aking bayan. Sa halip, pairalin ninyo ang katarungan at ang katuwiran. Tigilan na ninyo ang pang-aagaw sa lupain ng aking bayan. "
 45:10 '"Ang inyong timbangan ay kailangang maaayos at walang daya; at ang inyong mga takalan ay kailangang husto sa sukat."
 45:11 Ang takalang efa at ang takalang bat ay kailangang pareho ang sukat, tig-ikasampung bahagi ng homer; ang homer naman ay yaong husto sa sukat.
 45:12 Ang takalang siklo ay katumbas ng dalawampung gera. Ang limang siklo ninyo ay limang siklo at ang sampu ay sampu. Ang inyong mina ay katumbas ng animnapung siklo.
 45:13 '"Ito naman ang inyong ihahandog: ikaanim na bahagi ng isang homer na trigo at sebada."
 45:14 Sa isang koro ng langis, ikasampung bahagi ng efa (ang isang koro ay sampung timbangang bat, tulad ng homer.)
 45:15 "Sa tupa, isa sa bawat 200. Ito ang inyong handog na pagkain, susunugin, at pangkapayapaan bilang kabayaran nila,' sabi ni Yahweh."
 45:16 '"Ang mga handog na ito ay ibibigay sa pinuno ng Israel."
 45:17 "Ang pinuno ng Israel ang mamamahala sa mga handog na susunugin, pagkain, inumin para sa mga pista, pagdiriwang kung bagong buwan, mga Araw ng Pamamahinga, at sa lahat ng takdang pagdiriwang ng bayang Israel. Siya rin ang bahala sa mga handog para sa kasalanan, handog na susunugin at handog pangkapayapaan, bilang kabayaran sa kasalanan ng bayang Israel.' ( Mga Kapistahan )"
 45:18 "Ipinasasabi ni Yahweh: 'Sa unang araw ng unang buwan, pipili kayo ng isang toro na walang kapintasan upang gamitin sa paglilinis ng templo."
 45:19 Ang saserdoteng nanunungkulan ay sasahod ng dugo ng handog para sa kasalanan. Ipapahid niya iyon sa poste sa pinto ng templo, sa apat na sulok ng altar, at sa mga poste sa pintuan patungo sa patyo sa loob.
 45:20 Ganito rin ang gagawin sa ikapitong araw para sa sinumang nagkamali o nagkasala nang di sinasadya. Ganito ninyo lilinisin ang templo.
 45:21 '"Sa ikalabing-apat naman ng unang buwan, ipagdiriwang ninyo ang pista ng Paskuwa; pitong araw na hindi kayo kakain ng tinapay na may lebadura."
 45:22 Sa araw na yaon, ang pinuno ng Israel ay maghahanda ng isang toro bilang handog para sa kasalanan niya at ng buong bayan.
 45:23 Sa pitong araw na kapistahan, maghahanda siya araw-araw ng isang toro at isang tupang walang kapintasan bilang handog na susunugin, at isang kambing na lalaki bilang handog naman para sa kasalanan.
 45:24 Maghahanda rin siya ng tatlumpu't pitong litro ng handog na pagkain, katumbas ng isang toro; ganoon din para sa tupa. Ang langis naman ay anim na litro sa bawat toro o tupa.
 45:25 '"Ganito rin ang ihahanda sa pitong araw na Pista ng Manlalakbay tuwing ika-15 ng ika-7 buwan, bilang handog para sa kasalanan, handog na susunugin, at handog na pagkain.'"
 46:1 ( Ang Pinuno at ang mga Pista ) "Ipinasasabi ni Yahweh: 'Ang daanan sa gawing silangan papunta sa patyo sa loob ay mananatiling nakasara sa loob ng anim na araw ng paggawa at ibubukas lamang kung Araw ng Pamamahinga at Pista ng Bagong Buwan."
 46:2 Ang pinuno ay papasok sa bulwagan at tatayo sa may poste ng tarangkahan habang inihahandog ng saserdote ang handog na susunugin pati ng haing pangkapayapaan; doon lamang siya sasamba sa labas. Pagkatapos, lalabas siya ngunit iiwang bukas ang pinto hanggang sa gabi.
 46:3 Ang bayan naman ay sasamba kay Yahweh kung Araw ng Pamamahinga at bagong buwan ngunit doon lamang sila sa may pintuan.
 46:4 Kung Araw ng Pamamahinga, ang ihahandog ng pinuno ay anim na kordero at isang tupang lalaki na pawang walang kapintasan.
 46:5 Sa tupang lalaki ay tatlumpu't pitong litrong handog na pagkain kasama ng anim na litrong langis; sa bawat kordero ay isang dakot na pagkain bukod sa anim na litrong langis.
 46:6 Kung bagong buwan, ang ihahandog niya'y isang toro, anim na kordero, at isang tupang lalaki na pawang walang kapintasan.
 46:7 Sa bawat toro at tupang lalaki ay tatlumpu't anim na litro ng handog na pagkain, bukod sa anim na litrong langis at isang dakot naman sa bawat kordero, bukod pa rin ang anim na litrong langis.
 46:8 Ang pinuno ay sa bulwagan ng tarangkahan dadaan at doon din lalabas.
 46:9 '"Pagsamba naman ng mga tao tuwing takdang kapistahan, lahat ng papasok sa pinto sa hilaga ay sa timog lalabas, at lahat ng pumasok sa timog ay sa hilaga lalabas. Walang pahihintulutang lumabas sa pintong pinasukan niya; lahat ay tuluy-tuloy."
 46:10 Ang pinuno ay kasabay nilang papasok at lalabas ng templo.
 46:11 '"Tuwing kapistahan at bawat takdang panahon, ang handog na pagkain ay tatlumpu't anim na litro sa bawat toro o tupang lalaki, at isang dakot sa bawat kordero, bukod sa anim na litrong langis."
 46:12 Kung ang pinuno ay maghahain ng handog na susunugin o handog pangkapayapaan, bilang kusang handog, doon siya pararaanin sa pinto sa gawing silangan; gagawin niya ito kung Araw ng Pamamahinga. Paglabas niya, isasara ang pinto. ( Ang mga Handog Araw-araw )
 46:13 '"Tuwing umaga, maghahanda ng isang korderong walang kapintasan bilang handog na susunugin."
 46:14 Ito'y sasamahan ng mahigit na anim na litrong handog na pagkain, at dalawang litrong langis na pangmasa sa harina. Ito ang inyong tuntunin ukol sa pang-araw-araw na handog kay Yahweh.
 46:15 "Araw-araw ay ganyan ang kordero, pagkain at langis na inyong ihahandog.' ( Ang Pinuno at ang Lupain )"
 46:16 "Ipinasasabi ni Yahweh: 'Kapag ang anak ng pinuno ay pinamanahan niya ng kanyang ari-arian, yaon ay mananatiling pag-aari ng anak."
 46:17 Ngunit kapag binigyan ang isang alipin, ang ibinigay ay kanya lamang hanggang sa panahon ng pagiging alipin niya. Paglaya niya, ibabalik niya sa pinuno ang ari-ariang ibinigay sa kanya pagkat yaon ay para sa mga anak nito.
 46:18 "Ang pinuno ay hindi dapat mangamkam ng ari-arian ng mga mamamayan. Ang ari-arian lamang niya ang maaari niyang ibigay sa kanyang mga anak. Sa gayon, maiiwasang agawan ng ari-arian ang sinuman sa aking mamamayan.' ( Ang Lutuan ng mga Handog )"
 46:19 Dinala ako ng lalaki sa hanay ng mga silid ng saserdote sa gawing timog at doo'y itinuro niya sa akin ang isang lugar sa gawing kanluran.
 46:20 "Sinabi niya sa akin, 'Ang handog para sa kasalanan at ang handog na pagkain ay diyan lulutuin ng mga saserdote. Huwag itong ilalabas para hindi mapinsala ng kabanalan niyon ang mga tao.' "
 46:21 Dinala niya ako sa patyo sa labas, at ibinaybay sa apat na sulok nito. Sa bawat sulok ay may patyo;
 46:22 maliit at pare-pareho ang laki. Animnapu't apat na talampakan ang haba ng bawat isa, at limampu ang luwang.
 46:23 Napaliligiran ito ng mababang pader at may apuyan sa tabi.
 46:24 "Sinabi niya sa akin, 'Dito naman iluluto ng mga katulong ang handog ng mga mamamayan.'"
 47:1 ( Ang Batis mula sa Templo ) Bumalik kami sa pintuan ng templo. Sa ilalim nito'y may agos ng tubig papunta sa silangan. (Ang templo'y paharap sa silangan.) Ito'y nagmumula sa gawing timog na bahagi ng templo, sa gawing timog ng altar.
 47:2 Lumabas kami sa pintuan sa gawing hilaga at iniligid niya ako papalabas sa pintuan sa gawing silangan. Doon ay may mahinang agos ng tubig mula sa gawing timog ng hagdanan.
 47:3 Nagtuloy kami sa gawing silangan; may hawak siyang panukat. Sumukat siya ng 500 metro. Pagkatapos, lumusong kami sa tubig na hanggang bukung-bukong.
 47:4 Sumukat uli siya ng 500 metro at nang lumusong kami sa tubig, ito'y hanggang baywang.
 47:5 Sumukat uli siya ng 500 metro ngunit yaon ay isa nang ilog at hindi na ako makalusong. Malalim ang tubig at kailangang languyin upang matawid.
 47:6 "Sinabi niya sa akin, 'Tao, tandaan mo ang lugar na ito.' Naglakad kami sa pampang ng nasabing ilog."
 47:7 Nang ako'y pabalik na, nakita ko ang makapal na puno sa magkabilang pampang ng ilog.
 47:8 "Sinabi niya sa akin, 'Ang tubig na ito ay papunta sa dakong silangan, hanggang Dagat na Patay. Pag-abot nito sa Dagat na Patay, malilinis ang tubig nito."
 47:9 Lahat ng lugar na maagusan nito ay magkakaroon ng lahat ng uri ng hayop at isda. Pagdating ng agos nito sa Dagat na Patay, magiging tabang ang tubig ng dagat. Lahat ng lugar na abutin nito ay magkakaroon ng buhay.
 47:10 Pupuntahan ito ng mga mangingisda. Ang En-gadi hanggang En-eglain ay magiging lugar ng pangisdaan pagkat iba't ibang uri ang isda rito, tulad ng nasa Dagat na Malaki.
 47:11 Ngunit ang mga latian ay mananatiling maalat para may makunan ng asin.
 47:12 "Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punongkahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga pagkat ang didilig dito ay ang tubig na umaagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon.' ( Ang mga Hangganan )"
 47:13 "Ipinasasabi ni Yahweh: 'Ito ang gagawing paghahati ng lupain para sa labindalawang lipi ng Israel; dalawang bahagi ang mauuwi sa lipi ni Jose."
 47:14 Pare-pareho ang gagawing hati. Ang lupaing ito ang aking ipinangako sa inyong mga magulang upang maging inyo.
 47:15 '"Ito ang hangganan ng buong lupain, sa hilaga; ang Dagat na Malaki, tuloy ng Hetlon, sa may pagpasok ng Hamat at tuloy ng Sedad,"
 47:16 Berota, Sibraim (na nasa may hangganan ng Damasco at Hamat), hanggang sa Hazerhatico, sa hangganan ng Hawan.
 47:17 Samakatwid, ang hangganan sa hilaga ay mula sa Dagat na Malaki hanggang Hazar-enon, sa gawing hilaga ng Damasco.
 47:18 '"Sa silangan: mula sa Hazar-enon, pagitan ng Damasco at Hauran, sa baybayin ng Jordan, pagitan ng Galaad at Israel, sa dagat sa gawing silangan hanggang Tamar. "
 47:19 '"Sa timog: mula sa Tamar hanggang sa tubigan ng Meriba-cades, binaybay ang Batis ng Egipto hanggang sa Dagat na Malaki. "
 47:20 '"Sa kanluran: ang Dagat na Malaki hanggang sa tapat ng pagpasok sa Hamat. "
 47:21 '"Ito ang lupaing hahatiin mo sa mga lipi ng Israel."
 47:22 Ito ang pinakamana mo at ng mga taga-ibang lugar na kasama ninyo at nagkaanak nang kasama ninyo. Sila'y ituturing na parang tunay na Israelita at kahati sa lupaing mamanahin ng Israel.
 47:23 "Ang mapupunta sa kanila ay magmumula sa bahagi ng liping kinabibilangan niya.'"
 48:1 ( Ang Paghahati ng Lupain ) Ito ang magiging ayos ng partihan ng bawat lipi: mula sa dulong hilaga, sa gawi ng Hetlon hanggang Lebohamat at Hazar-enan sa gawing timog ng Damasco, mula sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Dan.
 48:2 Kahangga ng lipi ni Dan, mula sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Aser.
 48:3 Kahangga ng lipi ni Aser mula sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Neftali.
 48:4 Kahangga ng lipi ni Neftali mula sa silangan hanggang kanluran, isang bahagi para sa lipi ni Manases.
 48:5 Kahangga ng lipi ni Manases mula sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Efraim.
 48:6 Kahangga ng lipi ni Efraim, mula sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Ruben.
 48:7 Kahangga ng lipi ni Ruben, mula sa silangan hanggang kanluran, ay para naman sa lipi ni Juda. ( Ang Gitnang Bahagi ng Lupain )
 48:8 Ang bahaging kahangga ng lipi ni Juda ay ibubukod; ang sukat nito ay sampung milyang parisukat. Sa loob nito itatayo ang templo.
 48:9 Ang iuukol ninyo kay Yahweh ay 12,955 metro ang haba at 10,364 ang luwang.
 48:10 Ganito naman ang gagawing hati sa bahaging iniukol kay Yahweh: ang inilaang bahagi ay mauuwi sa mga saserdote: 12,955 metro ang haba, at 5,182 naman ang luwang. Ang templo ni Yahweh ay sa gitna nito itatayo.
 48:11 Ang bahaging ito ay para sa mga saserdote, sa mga anak ni Zadok pagkat patuloy nilang sinunod ang aking mga utos kahit noong tumalikod sa akin ang Israel. Di nila tinularan ang mga Levita.
 48:12 Ang bahaging ito ng lupaing itatalaga kay Yahweh ay tanging para sa kanila.
 48:13 Karatig nito sa gawing timog ay para naman sa mga Levita; 12,955 metro ang haba at 5,182 naman ang luwang.
 48:14 Hindi nila ito maaaring ipagbili o ipagpalit; ni hindi nila ito maaaring isalin sa iba pagkat itinalaga kay Yahweh.
 48:15 Ang natitirang 2,591 metro sa luwang, at 12,955 metro sa haba ay para sa lahat. Maaari itong tirhan at gamitin ng kahit sino at sa gitna nito ang lunsod.
 48:16 Ito naman ang sukat ng lunsod: 2,332 metro ang haba, gayon din ang luwang.
 48:17 Sa paligid nito ay mag-iiwan kayo ng bakanteng 129 metro't kalahati.
 48:18 Yaong natitira pa sa magkabilang dulo na humahangga sa bahaging iniukol kay Yahweh na tig-5,182 metro ay para naman sa mga mag-aasikaso ng lunsod; lahat ng aanihin dito ay ukol sa kanila.
 48:19 Ang mga manggagawang ito sa lunsod ay mula sa iba't ibang lipi ng Israel.
 48:20 Lahat-lahat ng inyong ibubukod ukol kay Yahweh at sa lunsod ay 12,955 metrong parisukat. ( Ang Kaparte ng Pinuno )
 48:21 Ang natitira sa magkabilang panig ng itinalaga kay Yahweh at ng bahagi para sa lunsod ay ukol naman sa pinuno. Ang ukol kay Yahweh
 48:22 at sa lunsod ay nasa gitna ng dalawang bahagi ukol sa pinuno at ito naman ay nakapagitan sa bahaging ukol sa lipi nina Juda at Benjamin. ( Ang Kaparte ng Ibang Lipi )
 48:23 Ito naman ang para sa iba pang lipi: mula rin sa silangan hanggang kanluran ay para sa lipi ni Benjamin.
 48:24 Karatig ng bahagi ng lipi ni Benjamin ang bahagi naman ukol sa lipi ni Simeon.
 48:25 Karatig ng lipi ni Simeon ang ukol sa lipi ni Isacar;
 48:26 karatig ng lipi ni Isacar ang ukol sa lipi ni Zabulon;
 48:27 karatig ng lipi ni Zabulon ang ukol sa lipi ni Gad.
 48:28 Sa timog, ang hangganan ng ukol sa lipi ni Gad ay mula sa Tamar hanggang sa may bukal ng Cades, sa hangganan ng Egipto hanggang sa Dagat na Malaki.
 48:29 Ganyan ang magiging paghahati ng lupain sa mga lipi ng Israel. ( Ang mga Pintuan ng Jerusalem )
 48:30 Ganito naman ang tungkol sa mga pintuan ng lunsod: Sa hilaga---ang luwang ay 2,332 metro---
 48:31 ay tatlong pinto para sa lipi nina Ruben, Juda at Levi. Ang pangalan ng mga pintong ito ay isusunod sa pangalan ng mga lipi ng Israel.
 48:32 Sa gawing silangan---ang luwang ay 2,332 metro---ay tatlong pinto rin para naman sa lipi nina Jose, Benjamin at Dan.
 48:33 Sa gawing timog---ang luwang ay 2,332 metro---ay tatlo rin ang pinto at para naman sa lipi ni Simeon, Isacar at Zabulon.
 48:34 Sa gawing kanluran---ang luwang ay 2,332 metro---ay tatlong pinto rin at para naman sa lipi nina Gad, Aser at Neftali.
 48:35 Ang sukat sa paligid ng lunsod ay 9,337 metro. Mula ngayon, ang ipapangalan sa lunsod ay, 'Naroon si Yahweh.'

다음검색
현재 게시글 추가 기능 열기

댓글

댓글 리스트
맨위로

카페 검색

카페 검색어 입력폼