CAFE

Tagalog 성경

1. Genesis (창세기)

작성자드림|작성시간12.01.07|조회수2,282 목록 댓글 0

01. Genesis

 

 1:1 Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit, 
 1:2 ang lupa ay wala pang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at umiihip ang malakas na hangin sa ibabaw ng tubig. 
 1:3 "Sinabi ng Diyos: 'Magkaroon ng liwanag!' At nagkaroon nga." 
 1:4 Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan. Pinagbukod niya ang liwanag at ang dilim. 
 1:5 Ang liwanag ay tinawag niyang Araw, at ang dilim naman ay tinawag na Gabi. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang unang araw. 
 1:6 "Sinabi ng Diyos: 'Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig upang ito'y magkahiwalay!'" 
 1:7 At nangyari ito. Ginawa ng Diyos ang kalawakan na pumagitan sa tubig na nasa itaas at nasa ibaba. 
 1:8 Langit ang itinawag niya sa kalawakan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ika-2 araw. 
 1:9 "Sinabi ng Diyos: 'Magsama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit upang lumitaw ang lupa.' At ito'y nangyari." 
 1:10 Ang lupa ay tinawag niyang Daigdig, at Karagatan naman ang nagsamasamang tubig. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan. 
 1:11 "Pagkatapos, sinabi ng Diyos: 'Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng halamang namumunga at nagbubutil!' At nangyari ito." 
 1:12 Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman. Nasiyahan siya sa kanyang ginawa nang ito'y mamasdan. 
 1:13 Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ika-3 araw. 
 1:14 "Sinabi pa ng Diyos: 'Magkaroon ng mga tanglaw sa langit para mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan." 
 1:15 "Mula sa langit, ang mga ito'y magsasabog ng liwanag sa daigdig.' At gayon nga ang nangyari." 
 1:16 Nilikha ng Diyos ang dalawang malaking tanglaw: ang Araw, upang tumanglaw sa maghapon, at ang Buwan, upang magbigay liwanag kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin. 
 1:17 Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang magsabog ng liwanag sa daigdig, 
 1:18 tumanglaw kung araw o gabi, at magbukod sa liwanag at dilim. Pinagmasdan ng Diyos ang kanyang ginawa at siya'y nasiyahan. 
 1:19 Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ika-4 na araw. 
 1:20 "Sinabi pa ng Diyos: 'Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid.'" 
 1:21 Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig, at lahat ng uri ng ibon. Minasdan niya ang kanyang ginawa, at siya'y nasiyahan. 
 1:22 "Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: 'Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig at punuin ang karagatan; magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig.'" 
 1:23 Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ika-5 araw. 
 1:24 "Sinabi ng Diyos: 'Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa---maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.' At gayon nga ang nangyari." 
 1:25 Nilikha nga niya ang lahat ng ito, at siya'y lubos na nasiyahan nang mamasdan ang mga ito. 
 1:26 "Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos: 'Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.'" 
 1:27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, 
 1:28 "at sila'y pinagpala. Wika niya, 'Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit." 
 1:29 Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na inyong makakain. 
 1:30 "Ang lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.' At ito nga ang nangyari." 
 1:31 Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga---ito ang ika-6 na araw. 
 2:1 Gayon nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon. 
 2:2 Sa loob ng anim na araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siya'y nagpahinga sa ika-7 araw. 
 2:3 Pinagpala niya ang ika-7 araw at itinangi, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat. 
 2:4 Ganito ang pagkalikha sa lupa at sa langit. ( Ang Halamanan ng Eden )Nang likhain ni Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit, 
 2:5 wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat wala pang ulan noon at wala pa ring magsasaka. 
 2:6 Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa lupa. 
 2:7 Nilikha ng Diyos ang tao mula sa alabok, hiningahan sa ilong, at nagkaroon ng buhay. 
 2:8 Naglagay si Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang. 
 2:9 Pinasibol niya roon ang lahat ng uri ng kahoy na nakalulugod sa paningin at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan, naroon ang punong nagbibigay-buhay, at ang punong nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. 
 2:10 Umaagos sa Eden ang isang ilog na dumidilig sa halamanan. Paglabas doon, ito'y nahahati sa apat na sanga. 
 2:11 Ang una ay tinawag na Pison, at ito'y umaagos sa lupain ng Havila. 
 2:12 Lantay ang ginto roon at marami ring bedelio at batong onice. 
 2:13 Ang ika-2 sanga ng ilog ay tinawag namang Gihon, at umaagos sa lupain ng Etiopia. 
 2:14 Tigris naman ang itinawag sa ika-3 sanga, at umaagos naman ito sa silangan ng Asiria. Ang ika-4 na sanga ay ang Eufrates. 
 2:15 Inilagay ni Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pangalagaan at pagyamanin. 
 2:16 "Sinabi niya sa tao, 'Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan," 
 2:17 "maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakanin ang bungang iyon; mamamatay ka kapag kumain ka niyon.' " 
 2:18 "Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ni Yahweh, 'Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.'" 
 2:19 Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. 
 2:20 Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya. 
 2:21 Kaya't pinatulog ni Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. 
 2:22 Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki. 
 2:23 "Sinabi ng lalaki,  'Sa wakas, narito ang isang tulad ko,  Laman ng aking laman, buto ng aking buto;  Babae ang siyang itatawag sa kaniya  Sapagkat sa lalaki nagmula siya.'" 
 2:24 Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila'y nagiging iisa. 
 2:25 Kapwa sila hubad, gayunma'y hindi sila nahihiya. 
 3:1 "Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ni Yahweh. Minsa'y tinanong nito ang babae, 'Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kang kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?' " 
 3:2 "Tumugon ang babae, 'Hindi naman! Ipinakakain sa amin ang anumang bunga sa halamanan," 
 3:3 "huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon, mamamatay kami.' " 
 3:4 '"Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay,' wika ng ahas." 
 3:5 '"Gayon ang sabi ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon, magkakaroon kayo ng pagkaunawa. Kayo'y magiging parang Diyos; malalaman ninyo ang mabuti at masama.' " 
 3:6 Napakaganda sa paningin ng babae ang punongkahoy at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Nabuo sa isipan niya na mabuti ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain. Kumuha rin siya para sa kanyang asawa, at kumain din ito. 
 3:7 Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtagnitagni at ginawang panakip sa katawan. 
 3:8 Pagdadapit-hapon, narinig nilang naglalakad sa halamanan si Yahweh, kaya't nagtago sila sa kahuyan. 
 3:9 "Datapwat tinawag ni Yahweh ang lalaki at tinanong, 'Saan ka naroon?' " 
 3:10 '"Natakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat ako'y hubad,' tugon ng lalaki. " 
 3:11 '"Sinong may sabi sa iyong hubad ka?' tanong ng Diyos. 'Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?' " 
 3:12 '"Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,' tugon ng lalaki. " 
 3:13 '"Bakit mo naman ginawa iyon?' tanong ng Diyos sa babae. 'Mangyari po'y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,' tugon naman niya. ( Inihayag ng Diyos ang Kaparusahan )" 
 3:14 "At sinabi ni Yahweh sa ahas:  'Sa iyong ginawa'y may parusang dapat,  Na tanging ikaw lang yaong magdaranas;  Ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad,  At alikabok ang pagkaing dapat. " 
 3:15 "Kayo ng babae'y laging mag-aaway,  Binhi mo't binhi niya'y laging maglalaban.  Ito ang dudurog ng ulo mong iyan,  At ang sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.' " 
 3:16 "Sa babae nama'y ito ang salaysay:  'Sa pagbubuntis mo ay mahihirapan,  Lalo kung sumapit ang 'yong pagluluwal;  Ang lalaking ito na asawang hirang,  Susundin mong lagi habang nabubuhay.' " 
 3:17 "Hinarap naman ng Diyos si Adan at ganito ang sinabi:  'Pagkat nakinig ka sa asawang hirang  Nang iyong kainin yaong bungang bawal;  Sa nangyaring ito, ang lupang tanima'y  Aking susumpain magpakailanman,  Ang lupaing ito para pag-anihan  Pagpapawisan mo habang nabubuhay. " 
 3:18 Mga damo't tinik ang 'yong aanihin,  Halaman sa gubat ang iyong kakanin; 
 3:19 "Upang pag-anihan ang iyong  bukirin,  Magpakahirap ka hanggang sa malibing.  Yamang sa alabok, doon ka nanggaling  Sa lupang alabok ay babalik ka rin.' " 
 3:20 Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan. 
 3:21 Ang mag-asawa'y binigyan ni Yahweh ng mga damit na yari sa balat ng hayop. ( Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva ) 
 3:22 "Sinabi ni Yahweh: 'Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Hindi na siya dapat tulutang kumain ng bungangkahoy ng buhay at baka hindi na siya mamatay.'" 
 3:23 Kaya, pinalayas sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan. 
 3:24 Pinalayas nga siya ng Diyos, at sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay siya ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay. 
 4:1 "Sinipingan ni Adan ang kanyang asawa at ito'y nagdalantao. Nang isilang ang kanyang panganay na lalaki ay sinabi ni Eva: 'Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa tulong ni Yahweh.' Kaya Cain ang ipinangalan niya rito." 
 4:2 Sinundan si Cain ng isa pang anak na lalaki, at Abel naman ang ipinangalan dito. Naging pastol ito at si Cain naman ay magsasaka. 
 4:3 Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid. 
 4:4 Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog, 
 4:5 ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit. 
 4:6 "Kaya, sinabi ni Yahweh: 'Anong ikagagalit mo, Cain? Bakit ganyan ang mukha mo?" 
 4:7 "Kung mabuti ang ginawa mo, dapat kang magsaya. Kung masama naman, ang kasalana'y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lupigin ka at pagharian. Kailangang pagtagumpayan mo ito.' " 
 4:8 "Isang araw, nilapitan ni Cain ang kanyang kapatid. Wika niya, 'Abel, mamasyal tayo.' Sumama naman ito, ngunit pagdating sa kabukira'y pinatay niya ito. " 
 4:9 "Tinanong ni Yahweh si Cain, 'Nasaan si Abel?' 'Hindi ko alam,' tugon niya. 'Bakit, ako ba'y tagapag-alaga ng aking kapatid?' " 
 4:10 "At sinabi ni Yahweh, 'Cain, nakapangingilabot ang ginawa mo. Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid, at humihingi ng paghihiganti." 
 4:11 Susumpain ka't palalayasin sa lupaing ito, lupang natigmak sa dugo ng kapatid mo na iyong pinaslang. 
 4:12 "Bungkalin mo man ang lupang ito upang tamnan, hindi ka mag-aani; wala kang matatahanan at magiging lagalag ka sa daigdig.' " 
 4:13 '"Napakabigat namang parusa ito!' sabi ni Cain kay Yahweh." 
 4:14 '"Ngayong pinalalayas mo ako sa lupaing ito upang malayo sa iyong paningin, at maglagalag sa daigdig, papatayin ako ng sinumang makakikita sa akin.' " 
 4:15 '"Hindi,' sagot ni Yahweh. 'Parurusahan ng pitong ibayo ang sinumang papatay kay Cain.' At nilagyan niya ng palatandaan si Cain upang maging babala sa sinuman na ito'y di dapat patayin." 
 4:16 Iniwan ni Cain si Yahweh at tumira siya sa lupain ng Nod, isang lugar sa silangan ng Eden. ( Ang Lahi ni Cain ) 
 4:17 Sinipingan ni Cain ang kanyang asawa, nagdalantao ito at nagkaanak ng isang lalaki. Ang sanggol ay tinawag niyang Enoc. Nagtayo siya ng isang lunsod at tinawag ding Enoc, bilang alaala sa kanyang anak. 
 4:18 Si Enoc ang ama ni Irad na ama ni Mehujael. Anak naman nito si Metusael na ama ni Lamec. 
 4:19 Nag-asawa si Lamec ng dalawa, sina Ada at Zilla. 
 4:20 Naging anak ni Ada si Jabal, ang pinagmulan ng mga nagpapastol ng mga baka at ng mga tumitira sa tolda. 
 4:21 Kapatid nito si Jubal na siya namang pinagmulan ng mga manunugtog ng alpa at plauta. 
 4:22 Naging anak naman ni Zilla si Tubal-cain; sa kanya nagmula ang lahat ng panday ng mga kagamitang tanso at bakal. Si Tubal-cain ay may kapatid na babae na ang ngalan naman ay Naama. 
 4:23 "Sinabi ni Lamec sa dalawa niyang asawa:  'Dinggin ninyo itong aking sasabihin,  Ada at Zilla, asawa kong giliw;  May pinatay akong isang kabataan,  Ako ay sinaktan kaya ko pinatay. " 
 4:24 "Kung saktan si Cain, ang parusang gawad  Sa gagawa nito'y pitong patong agad;  Ngunit kapag ako ang siyang sinaktan,  Pitumpu't pitong patong ang kaparusahan.' ( Ang Lahi ni Set )" 
 4:25 "Muling sinipingan ni Adan ang kanyang asawa, at ito'y nanganak ng isa pang lalaki. Sinabi ng ina: 'Binigyan ako ng Diyos ng kapalit ni Abel'; at ito'y tinawag niyang Set." 
 4:26 Si Set ang ama ni Enos. Noon nagsimula ang mga tao ng pagdalangin sa Diyos at pagtawag sa kanya ng Yahweh. 
 5:1 Ito ang aklat ng lahi ni Adan. Nang likhain ng Diyos ang tao, ginawa niya itong kalarawan niya. 
 5:2 Lumikha siya ng isang lalaki at isang babae, at matapos pagpalain, sila'y tinawag niyang Tao. 
 5:3 Si Adan ay 130 taon nang maging anak niya si Set. 
 5:4 Nabuhay pa siya nang 800 taon, at nagkaroon pa ng mga anak na lalaki't babae 
 5:5 bago namatay sa gulang na 930 taon. 
 5:6 Si Set ay 105 taon nang maging anak si Enos. 
 5:7 Nabuhay pa siya nang 807 taon at nagkaroon din ng ibang mga anak. 
 5:8 Siya'y namatay sa gulang na 912 taon. 
 5:9 Siyamnapung taon naman si Enos nang maging anak niya si Cainan. 
 5:10 Nabuhay pa siya nang 815 taon at nagkaroon din ng ibang mga anak. 
 5:11 Namatay siya sa gulang na 905 taon. 
 5:12 Si Cainan naman ay pitumpung taon nang maging anak si Mahalalel. 
 5:13 Nabuhay pa siya nang 840 taon at nagkaroon din ng ibang mga anak. 
 5:14 Siya'y namatay sa gulang na 910 taon. 
 5:15 Animnapu't limang taon si Mahalalel nang maging anak si Jared. 
 5:16 Siya'y nabuhay pa nang 830 taon at nagkaroon din ng ibang mga anak, 
 5:17 bago namatay sa gulang na 895 taon. 
 5:18 Si Jared ay 162 nang maging anak niya si Enoc. 
 5:19 Nabuhay pa siya nang 800 taon at nagkaroon din ng ibang mga anak 
 5:20 bago namatay sa gulang na 962 taon. 
 5:21 Animnapu't limang taon naman si Enoc nang maging anak niya si Matusalem. 
 5:22 Nabuhay siya nang 300 taon pa na kasama ang Diyos, at nagkaroon din ng ibang mga anak. 
 5:23 Umabot siya nang 365 taon, 
 5:24 at sa buong panahong iyon ay kasama nga niya ang Diyos. Pagkatapos, nawala siya sapagkat kinuha ng Diyos. 
 5:25 Si Matusalem ay 187 taon nang maging anak niya si Lamec. 
 5:26 Siya'y nabuhay pa nang 782 taon, nagkaroon din ng ibang mga anak, 
 5:27 at namatay sa gulang na 969 na taon. 
 5:28 Si Lamec naman ay 182 taon nang magkaroon ng anak. 
 5:29 "Sinabi niya, 'Mula sa lupang ito na sinumpa ni Yahweh, ipinanganak ang lulunas sa lahat ng ating mga pagpapagal at pagpapakasakit.' Kaya't Noe ang ipinangalan niya sa kanyang anak." 
 5:30 Nabuhay si Lamec nang 595 taon pa at siya'y nagkaroon din ng ibang mga anak, 
 5:31 bago namatay sa gulang na 777 taon. 
 5:32 Si Noe nama'y 500 taon na nang maging anak niya sina Sem, Cam at Jafet. 
 6:1 Makapal na ang tao sa daigdig nang panahong iyon. Marami silang anak na babae, 
 6:2 at ang mga ito'y magaganda. Nang makita sila ng mga anak ng Diyos, ang mga ito'y pumili sa kanila ng kanya-kanyang asawa. 
 6:3 "Sinabi ni Yahweh: 'Hindi ko ipahihintulot na mabuhay nang matagal ang tao, sapagkat siya'y makalaman. Hindi na lalampas sa 120 taon ang kanyang buhay sa daigdig.'" 
 6:4 Mula noon, lumitaw ang mga higante. Ito ang supling ng mga anak ng Diyos sa kanilang napangasawang mga anak ng tao. Ang mga higanteng yaon ay tinanghal na mga dakilang bayani at tanyag na tao nang kanilang kapanahunan. 
 6:5 Nakita ni Yahweh na labis na ang kasamaan ng tao, at wala na itong iniisip na mabuti. 
 6:6 Kaya't ikinalungkot niya ang pagkalalang sa tao. 
 6:7 "Sinabi niya, 'Lilipulin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipulin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Bakit ba nilalang ko pa ang mga ito?'" 
 6:8 Sa mga nilalang niya'y si Noe lamang ang naging kalugud-lugod sa kanya. ( Si Noe ) 
 6:9 Napakabuting tao ni Noe; siya na lamang ang natitirang matuwid nang panahong iyon, palibhasa'y namumuhay na kasama ng Diyos. 
 6:10 Siya'y may tatlong anak na lalaki, sina Sem, Cam at Jafet. 
 6:11 Maliban kay Noe, ang lahat ng tao'y masasama at laganap ang kasamaan kahit saan. 
 6:12 Ito ang kalagayang nakita ng Diyos sa lahat ng dako. ( Pinagawa ng Daong si Noe ) 
 6:13 "Sinabi ng Diyos kay Noe, 'Lilipulin ko na ang tao sa daigdig. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan." 
 6:14 Kaya pumutol ka ng kahoy na sipres at gumawa ka ng isang daong na may mga silid. Pahiran mo ng alkitran ang loob at labas. 
 6:15 Ang daong na gagawin mo ay 450 talampakan ang haba, pitumpu't lima ang luwang, at apatnapu't lima ang taas. 
 6:16 Atipan mo ito at lagyan ng bintana sa paligid, isang talampakan at kalahati mula sa dulo ng atip. Gawin mong tatlong grado ang daong at lagyan mo ng pintuan sa tagiliran. 
 6:17 Palulubugin ko sa tubig ang buong daigdig at malilipol ang lahat ng may buhay sa balat ng lupa. 
 6:18 Ngunit ako'y makikipagtipan sa iyo: Isama mo ang iyong asawa at mga anak na lalaki, pati mga asawa nila, at pumasok kayo sa daong. 
 6:19 Magsakay ka ng isang pares ng bawat uri ng hayop at huwag mong pababayaang mamatay. 
 6:20 Magsakay ka rin ng isang pares sa bawat uri ng ibon at hayop at mga gumagapang sa lupa. Alagaan mo rin ang mga ito. 
 6:21 "Maglaan ka ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyong magkakasama.'" 
 6:22 At ginawa nga ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos. 
 7:1 "Sinabi ni Yahweh kay Noe: 'Pumasok kayong mag-anak sa daong. Sa lahat ng tao'y ikaw lamang ang karapat-dapat sa akin." 
 7:2 Magdala ka ng pitong pares sa bawat hayop na malinis, at isang pares naman sa di malinis. 
 7:3 Pitong pares din sa bawat uri ng ibon ang iyong dadalhin. Gawin mo ito upang ang bawat uri ng ibon at hayop ay maligtas; sa gayo'y daraming muli ang mga ito. 
 7:4 "Pagkaraan ng isang linggo, pauulanin ko nang apatnapung araw at apatnapung gabi upang lipulin ang lahat ng aking nilikha sa daigdig.'" 
 7:5 At ginawa nga ni Noe ang bawat iniutos ni Yahweh. 
 7:6 Si Noe ay 600 taon nang bumaha sa daigdig. 
 7:7 Pumasok nga siya sa daong kasama ang kanyang asawa, mga anak, at manugang upang maligtas sa baha. 
 7:8 Sa bawat uri ng hayop, malinis o hindi, sa bawat uri ng ibon at maliliit na hayop, 
 7:9 ay nagsama siya sa daong ayon sa utos ng Diyos. 
 7:10 Pagkaraan ng isang linggo, bumaha nga sa daigdig. 
 7:11 Si Noe ay 600 taon nga noon. Noong ika-17 araw ng ika-2 buwan, nabuksan ang lahat ng bukal, nabutas ang langit 
 7:12 at bumuhos ang ulan sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. 
 7:13 Pumasok noon sa daong ang mag-asawang Noe kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki: sina Sem, Cam at Jafet at ang kani-kanilang asawa. 
 7:14 Pinapasok din niya ang bawat uri ng hayop---mailap at maamo, lumalakad at gumagapang sa lupa, at bawat uri ng ibon. 
 7:15 Isang lalaki at isang babae ng bawat may buhay ang isinama ni Noe, 
 7:16 ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ni Yahweh ang pinto ng daong. 
 7:17 Apatnapung araw na bumaha sa daigdig. Lumaki ang tubig at lumutang ang daong. 
 7:18 Palaki nang palaki ang tubig ngunit palutang-lutang ang daong. 
 7:19 Patuloy pang lumaki ang tubig hanggang sa lumubog ang lahat ng bundok, 
 7:20 at tumaas pa nang dalawampu't limang talampakan sa taluktok ng pinakamataas na bundok. 
 7:21 Namatay ang bawat may buhay sa lupa---mga ibon, maamo at mailap na mga hayop, lahat ng gumagapang sa lupa at lahat ng tao. 
 7:22 Namatay nga ang lahat ng mga ito. 
 7:23 Ang mga tao't mga hayop sa daigdig ay nilipol ng Diyos, maliban kay Noe at sa kanyang mga kasama sa daong. 
 7:24 Hindi humupa ang tubig sa loob ng 150 araw. 
 8:1 Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at ang lahat ng hayop na kasama niya sa daong. Kaya't pinaihip niya ang hangin, at nagsimulang humupa ang tubig. 
 8:2 Huminto ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan. 
 8:3 Patuloy na humupa ang tubig at pagkaraan ng 150 araw, iyon ay mababa na. 
 8:4 Sumadsad ang daong sa Bundok ng Ararat noong ika-17 araw ng ika-7 buwan. 
 8:5 Patuloy ang paghupa ng tubig at nang unang araw ng ika-10 buwan, lumitaw ang taluktok ng mga bundok. 
 8:6 Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng daong, 
 8:7 at pinalipad ang isang uwak. Ito'y lumigid nang lumigid hanggang ang tubig ay matuyo sa lupa. 
 8:8 Sunod niyang pinalipad ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig. 
 8:9 Palibhasa'y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya't nagbalik ito; hinuli ito ni Noe at muling ipinasok sa daong. 
 8:10 Pagkaraan ng pitong araw, muli niyang pinalipad ang kalapati. 
 8:11 Pagbabalik nito kinagabihan, ito'y may tangay na sariwang dahon ng olibo. Natiyak ni Noe na kati na ang tubig. 
 8:12 Nagpalipas uli ng pitong araw si Noe saka pinalipad uli ang kalapati, ngunit hindi na ito nagbalik. 
 8:13 Noon ay 601 taon si Noe. Nang unang araw ng unang buwan, inalis ni Noe ang takip ng daong at nakita niyang natutuyo na ang lupa. 
 8:14 Nang ika-27 araw ng ika-2 buwan, tuyung-tuyo na ang lupa. 
 8:15 Sinabi ng Diyos kay Noe, 
 8:16 '"Lumabas na kayo sa daong." 
 8:17 "Palabasin mo na rin ang lahat ng mga hayop na naroon---maamo at mailap, gumagapang at lumalakad sa lupa at pati ang mga ibon. Bayaan mo silang dumami at mangalat sa buong daigdig.'" 
 8:18 At inilabas nga ni Noe ang kanyang asawa, mga anak at mga manugang. 
 8:19 Lahat ng hayop, mailap at maamo, lahat ng gumagapang at lumalakad, pati ang mga ibon ay sunud-sunod na lumabas sa daong, sama-sama ang magkakauri. ( Naghandog si Noe ) 
 8:20 Si Noe ay nagtayo ng dambana para kay Yahweh. Kumuha siya ng isa sa bawat hayop at ibong malinis, at sinunog bilang handog. 
 8:21 "Nang masamyo ni Yahweh ang halimuyak nito, sinabi niya sa sarili, 'Hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa gawa ng tao. Alam kong masama ang kanyang isipan mula sa kanyang kabataan. Hindi ko na lilipulin uli ang anumang may buhay. " 
 8:22 "Hanggang naririto't buo ang daigdig,  Tagtanim, tag-ani, palaging sasapit;  Tag-araw, tag-ulan, taglamig,tag-init,  Ang araw at gabi'y hindi mapapatid.'" 
 9:1 "Si Noe at ang kanyang mga anak ay pinagpala ng Diyos: 'Magkaroon kayo ng maraming anak at kalatan ninyo ang buong daigdig." 
 9:2 Matatakot sa inyo ang lahat ng hayop, pati mga ibon, ang lahat ng gumagapang sa lupa at ang mga isda. Ang lahat ng ito ay inilalagay ko sa ilalim ng inyong kapangyarihan. 
 9:3 Ibinibigay ko sa inyo ang mga hayop at mga halamang luntian upang maging pagkain ninyo. 
 9:4 Isang bagay lamang ang hindi ninyo makakain, ang karneng hindi inalisan ng dugo na siyang sagisag ng buhay. 
 9:5 Papatayin ang sinumang papatay sa inyo, maging ito'y hayop. Sisingilin ko ang sinumang taong papatay ng kanyang kapwa. 
 9:6 Sinumang pumatay ng kanyang kapwa  Ay buhay ang bayad sa kanyang ginawa,  Sapagkat ang tao'y nilalang, nilikha  Ayon sa larawan ng Diyos na dakila. 
 9:7 '"Magkaroon nga kayo ng maraming anak upang kalatan nila ang buong daigdig.' " 
 9:8 Sinabi ng Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak, 
 9:9 '"Ako'y nakikipagtipan sa inyo ngayon, pati na sa inyong magiging mga anak," 
 9:10 gayon din sa lahat ng mga bagay na may buhay sa paligid ninyo---mga ibon, maaamo't maiilap na hayop na kasama ninyo sa daong. 
 9:11 "Ito ang masasabi ko sa aking pakikipagtipan sa inyo: Kailanma'y hindi ko na lilipulin sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay. Wala nang baha na gugunaw sa daigdig.'" 
 9:12 "Sinabi pa ng Diyos, 'Ito ang magiging palatandaan ng walang hanggang tipan na ginagawa ko sa inyo at sa lahat ng hayop:" 
 9:13 Palilitawin ko sa mga ulap ang aking bahaghari, at iyan ang magiging tanda ng aking pakikipagtipan sa inyo. 
 9:14 Tuwing magkakaroon ng ulap at lilitaw ang bahaghari, 
 9:15 aalalahanin ko ang aking pangako sa inyo at sa lahat ng hayop. Hindi ko na lilipulin sa baha ang lahat ng may buhay. 
 9:16 "Tuwing lilitaw ang bahaghari, magugunita ko ang walang hanggang tipan na ginawa ko sa inyo at sa lahat ng may buhay sa balat ng lupa.' " 
 9:17 "Sinabi ng Diyos kay Noe, 'Ito ang tanda ng aking pangako sa lahat ng nabubuhay sa lupa.' ( Si Noe at ang Kanyang mga Anak )" 
 9:18 Ito ang mga anak ni Noe na nakasama niya sa daong: si Sem, si Jafet, at si Cam na ama ni Canaan. 
 9:19 Ang tatlong ito ang pinagmulan ng lahat ng tao sa daigdig. 
 9:20 Si Noe ay isang magsasaka at siya ang kauna-unahang nagtanim ng ubas. 
 9:21 Minsan, uminom siya ng alak at nalasing. Nakatulog siyang hubad na hubad. 
 9:22 Sa gayong ayos, nakita siya ni Cam at ibinalita ito sa kanyang mga kapatid. 
 9:23 Kaya't kumuha sina Sem at Jafet ng balabal, iniladlad sa likuran nila at magkatuwang na lumakad nang patalikod patungo sa tolda, at tinakpan ang katawan ng ama nila. Ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama. 
 9:24 Nang matauhan si Noe, at malaman ang ginawa ng bunsong anak, 
 9:25 "sinabi niya:  'O ikaw, Canaan, ngayo'y susumpain,  Sa iyong kapatid ay paaalipin.' " 
 9:26 "Sinabi pa rin niya,  'Purihin si Yahweh, ang Diyos ni Sem,  Itong si Canaa'y maglilingkod kaySem. " 
 9:27 "Ang buhay naman ni Jafet ay uunlad  At darami pati ang kanyang anak;  Sa lahi ni Sem, sila'y mapipisan  At paglilingkuran din nitong si Canaan.' " 
 9:28 Si Noe ay nabuhay pa nang 350 taon pagkatapos ng baha, 
 9:29 kaya't inabot niya ang 950 taon bago siya namatay. 
 10:1 Pagkatapos ng baha, nagkaanak sina Sem, Cam at Jafet, ang tatlong anak ni Noe. Ito ang kanilang talaan ng mga angkan. 
 10:2 Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Mesec at Tiras. 
 10:3 Sina Askenaz, Rifat at Togarma ang mga anak na lalaki ni Gomer. 
 10:4 Ang kay Javan naman ay sina Elisa, Tarsis, Kitim at Dodanim. 
 10:5 Ito ang mga anak at apo ni Jafet. Sa kanila nagmula ang mga bansa sa baybay-dagat at mga pulo. Bawat isa'y nagkaroon ng sariling lupain at wika. 
 10:6 Ang mga anak na lalaki ni Cam ay sina Cus, Egipto, Put at Canaan. 
 10:7 Sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca ang mga anak na lalaki ni Cus. Ang kay Raama naman ay sina Saba at Dedan. 
 10:8 Si Nimrod, isa pang anak na lalaki ni Cus, ang kauna-unahan sa daigdig na naging dakila at makapangyarihan. 
 10:9 "Siya rin ang pinakamahusay na mangangaso, kaya lumitaw ang kasabihang: 'Mahusay mangasong tulad ni Nimrod.'" 
 10:10 Kabilang sa kauna-unahang kaharian na sakop niya ang Babilonia, Erec, Acad at Calne, pawang nasa lupain ng Sinar. 
 10:11 Mula rito'y pumunta siya sa Asiria at itinatag ang mga lunsod ng Ninive, Rohobot-ir, Cale 
 10:12 at ang Resen sa pagitan ng Ninive at Cale, ang pangunahing lunsod. 
 10:13 Si Egipto ang ama ng mga taga-Lud, Anam, Lehab at Naftuh, 
 10:14 gayon din ng mga taga-Patrus, Casluh at Caftor na pinagmulan ng mga Filisteo. 
 10:15 Ang panganay ni Canaan ay si Sidon na sinundan ni Het. 
 10:16 Kay Canaan din nagmula ang mga Jebuseo, Amorreo at Gergeseo; 
 10:17 mga Heveo, Araceo at Sineo; 
 10:18 ang mga Arvadeo, Zemareo at Hamoteo. Simula noo'y nangalat ang mga Cananeo. 
 10:19 Mula sa Sidon ang kanilang hangganan sa gawing timog ay umabot sa Gerar na malapit sa Gaza. Umabot naman sa Sodoma, Gomorra, Adma at Zeboim na malapit sa Lasa sa gawing silangan. 
 10:20 Ito ang lahi ni Cam na kumalat sa iba't ibang lupain at naging iba't ibang bansa na may kani-kanilang wika. 
 10:21 Si Sem, ang kapatid na matanda ni Jafet, ang pinagmulan naman ng lahi ni Heber. 
 10:22 Ang kanyang mga anak ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud at Aram. 
 10:23 Ang mga anak naman ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter at Mas. 
 10:24 Si Arfaxad ang ama ni Selah na ama naman ni Heber. 
 10:25 Dalawa ang anak ni Heber: ang isa'y tinawag na Peleg, sapagkat noong panahon niya nahati ang mga tao sa daigdig; 
 10:26 ang pangalawa'y si Joctan, ang ama nina Almodad, Selef, Hazarmavet at Jerah; 
 10:27 Hadoram, Uzal at Dikla; 
 10:28 Obal, Abimael at Saba; 
 10:29 Ofir, Havila at Jobab. Ito ang mga anak na lalaki ni Joctan. 
 10:30 Ang lupain nila'y mula sa Mesa hanggang Sefar sa kaburulan sa silangan. 
 10:31 Ito ang lahi ni Sem ayon sa kani-kanilang angkan, wika at bansa. 
 10:32 Iyan ang mga bansang nagmula sa mga anak ni Noe at ang mga lahing kanilang pinagbuhatan. Sa kanila nagmula ang lahat ng bansa sa daigdig, pagkatapos ng baha. 
 11:1 Sa simula'y iisa ang wika ng lahat ng tao sa daigdig. 
 11:2 Sa kanilang pagpapalipat-lipat, nagawi sila sa silangan, sa isang kapatagan sa Sinar. Dito sila huminto at namayan. 
 11:3 Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuing mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. 
 11:4 "Ang sabi nila, 'Ngayo'y magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa langit upang matanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak.' " 
 11:5 Bumaba si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinatayo ng mga tao. 
 11:6 "Sinabi niya, 'Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng kanilang mga binabalangkas; hindi magluluwat at gagawa sila ng anumang kanilang maibigan." 
 11:7 "Ang mabuti'y puntahan natin at guluhin ang kanilang wika upang huwag silang magkaunawaan.'" 
 11:8 At pinangalat ni Yahweh ang mga tao sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lunsod. 
 11:9 Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, pinapangalat nga niya ang mga tao sa buong daigdig. ( Ang Lahi ni Sem ) 
 11:10 Ito ang mga lipi ni Sem. Dalawang taon makalipas ang baha, si Sem ay nagkaanak ng isang lalaki; at Arfaxad ang ipinangalan dito. Si Sem ay 100 taon na noon. 
 11:11 Nabuhay pa siya nang 500 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak. 
 11:12 Nang si Arfaxad ay tatlumpu't limang taon na, nagkaanak siya ng isang lalaki; at ito'y pinanganlang Selah. 
 11:13 Nabuhay pa siya nang 403 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak. 
 11:14 Tatlumpung taon na noon si Selah nang maging anak niya si Heber. 
 11:15 Nabuhay pa siya nang 403 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. 
 11:16 Sa gulang na tatlumpu't apat na taon, naging anak ni Heber si Peleg. 
 11:17 Nabuhay pa siya nang 430 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. 
 11:18 Sa gulang na tatlumpung taon, naging anak ni Peleg si Reu. 
 11:19 Nabuhay pa siya nang 209 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak. 
 11:20 Si Reu naman ay tatlumpu't dalawang taon na nang maging anak niya si Serug. 
 11:21 Nabuhay pa siya nang 207 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. 
 11:22 Si Serug ay tatlumpung taon nang maging anak niya si Nacor. 
 11:23 Nabuhay pa siya nang 200 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. 
 11:24 Naging anak naman ni Nacor si Tare nang siya'y dalawampu't siyam na taon. 
 11:25 Nabuhay pa siya nang 119 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. 
 11:26 Pitumpung taon na si Tare nang magkaanak ng tatlong lalaki: sina Abram, Nacor at Haran. 
 11:27 Ito naman ang lipi ni Tare. Anak ni Tare sina Abram, Nacor at Haran na ama ni Lot. 
 11:28 Buhay pa si Tare nang mamatay si Haran sa kanyang sariling bayan ng Ur, Caldea. 
 11:29 Napangasawa ni Abram si Sarai at napangasawa naman ni Nacor si Milca na anak ni Haran na ama ni Isca. 
 11:30 Si Sarai ay hindi magkaanak sapagkat baog siya. 
 11:31 Umalis si Tare sa Lunsod ng Ur, Caldea, kasama ang kanyang anak na si Abram, ang asawa nitong si Sarai at si Lot na anak ni Haran. Papunta sila sa Canaan ngunit nang dumating sa Haran, doon na sila nanirahan. 
 11:32 Doon namatay si Tare sa gulang na 205 taon. 
 12:1 ( Tinawag ng Diyos si Abram ) "Sinabi ni Yahweh kay Abram: 'Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo." 
 12:2 Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin kong isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at mababantog ang iyong pangalan at magiging pagpapala sa marami. 
 12:3 "Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain,  Ngunit kapag sinumpa ka, sila'y aking susumpain;  Ang lahat ng mga bansa pihong ako'y hihimukin,  Na, tulad mong pinagpala, sila ay pagpalain din.' " 
 12:4 Sumunod nga si Abram sa utos ni Yahweh; nilisan niya ang Haran noong siya'y pitumpu't limang taon. 
 12:5 Isinama niya ang kanyang asawang si Sarai at si Lot na pamangkin niya. Dinala niyang lahat ang kanyang mga alipin at kayamanan at nagtungo sa Canaan. 
 12:6 Nagtuloy siya sa isang banal na lugar sa Siquem, sa puno ng roble ng More. (Noo'y naroon pa ang mga Cananeo.) 
 12:7 "Napakita kay Abram si Yahweh. Sinabi sa kanya: 'Ito ang bayang ibibigay ko sa iyong lahi.' At nagtayo si Abram ng dambana para kay Yahweh." 
 12:8 Buhat doon, nagtuloy sila sa kaburulan sa silangan ng Betel at huminto sa pagitan nito at ng Hai. Nagtayo rin siya roon ng dambana at sumamba kay Yahweh. 
 12:9 Mula roon, unti-unti silang nagpatuloy papunta sa gawing timog ng Canaan. Humihimpil sila habang daan ayon sa hinihingi ng pagkakataon. ( Pumunta si Abram sa Egipto ) 
 12:10 Nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon kaya si Abram ay dumaku-dako pa sa timog, sa lupain ng Egipto, upang doon muna manirahan. 
 12:11 "Nang malapit na sila sa hanggahan, sinabi niya kay Sarai, 'Asawa ko, ikaw ay maganda." 
 12:12 Pag nakita ka ng mga Egipcio, baka patayin nila ako para makuha ka. 
 12:13 "Ang mabuti'y sabihin mong magkapatid tayo. Alang-alang sa iyo, hindi nila ako papatayin.'" 
 12:14 Nang bumagtas sila sa hanggahan, napuna nga ng mga Egipcio na maganda si Sarai. 
 12:15 Ibinalita ito ng mga pinuno sa Faraon kaya't iniutos nitong kunin si Sarai at dalhin sa palasyo. 
 12:16 Dahil sa kanya, pati si Abram ay tinanggap na mabuti at pinagkalooban pa ng mga kawan ng tupa at kambing, baka, asno, kamelyo at mga alipin. 
 12:17 Sa ginawang ito, nagalit si Yahweh kay Faraon, kaya't siya at ang buong palasyo ay nagdanas nang katakut-takot na karamdaman. 
 12:18 "Si Abram ay ipinatawag ng Faraon at tinanong, 'Bakit mo ito ginawa sa akin? Bakit hindi mo sinabing asawa mo siya?" 
 12:19 "Ang sabi mo'y kapatid mo siya, kaya ko naman kinuhang asawa. Hala, isama mo siya at lumayas na kayo!'" 
 12:20 Iniutos niya sa kanyang mga tauhan na paalisin ang mag-asawa, dala ang lahat nilang ari-arian. 
 13:1 ( Nagkahiwalay si Abram at si Lot ) Mula sa Egipto, si Abram ay naglakbay na pahilaga patungong Negeb, kasama ang kanyang asawa at ang pamangkin niyang si Lot, dala ang lahat niyang ari-arian. 
 13:2 Mayaman na noon si Abram; marami na ang kanyang mga tupa, kambing, baka, at marami na rin siyang natipong ginto at pilak. 
 13:3 Mula sa Negeb, unti-unti siyang naglakbay pabalik sa dati niyang pinagkampuhan, sa pagitan ng Betel at Hai. 
 13:4 Pumunta siya sa dating pinagtayuan niya ng dambana, at sumamba kay Yahweh. 
 13:5 Si Lot, na laging kasama ni Abram ay marami na ring tupa, kambing at baka. Mayroon na rin siyang sariling sambahayan at mga tauhan. 
 13:6 Hindi sapat ang pastulan para sa mga kawan nilang dalawa, sapagkat napakarami na nilang hayop. 
 13:7 Dahil dito, madalas mag-away ang kanilang mga tagapag-alaga. (Noon, ang mga Cananeo at Perezeo ay naninirahan pa sa dakong iyon.) 
 13:8 "Kinausap ni Abram si Lot, 'Hindi dapat mag-away ang mga tauhan natin, sapagkat magkamag-anak tayo." 
 13:9 "Ang mabuti'y maghiwalay tayo. Piliin mo ang dakong gusto mo, at doon ako sa kabila.' " 
 13:10 Iginala ni Lot ang kanyang paningin at nakita niyang ang Kapatagan ng Jordan hanggang sa Zoar ay sagana sa tubig, tulad ng halamanan ni Yahweh at ng lupain ng Egipto. (Noo'y hindi pa natutupok ang Sodoma at Gomorra.) 
 13:11 Kaya pinili niya ang dakong silangan sa Kapatagan ng Jordan, at naghiwalay nga sila ni Abram. 
 13:12 Nanatili si Abram sa Canaan, samantalang si Lot ay namayan sa mga lunsod sa kapatagang malapit sa Sodoma. 
 13:13 Sa lugar na ito'y napakasama ng mga mamamayan; namumuhay sila nang laban kay Yahweh. ( Si Abram ay Napasa-Hebron ) 
 13:14 "Pagkaalis ni Lot, sinabi ni Yahweh kay Abram, 'Tumanaw ka sa palibot mo." 
 13:15 Ang lahat ng lupaing natatanaw mo ay ibibigay ko sa iyo, sa iyong anak at sa magiging anak niya. Walang makaaagaw niyan sa iyo. 
 13:16 Ang iyong mga inapo ay gagawin kong sindami ng alikabok sa lupa. 
 13:17 "Libutin mo na ang buong lupain; ang lahat ng iya'y ibibigay ko sa iyo.'" 
 13:18 Lumipat nga si Abram sa Hebron, at doon tumira sa tabi ng puno ng roble sa Mamre. Nagtayo siya roon ng dambana para kay Yahweh. 
 14:1 ( Iniligtas ni Abram si Lot ) Nang panahon nina Haring Amrafel ng Sinar, Arioc ng Elasar, Kedorlaomer ng Elam at Tidal ng Goyim, nagkaroon ng digmaan sa Canaan. 
 14:2 Dinigma ng mga haring ito sina Haring Bera ng Sodoma, Birsa ng Gomorra, Sinab ng Adma, Semeber ng Zeboim at Zoar ng Bela. 
 14:3 Sila'y labindalawang taon na nasakop ni Kedorlaomer, ngunit nang ika-13 taon, nagkaisa-isa silang umaklas laban sa kanya. Tinipon nila ang kanilang mga hukbo sa kapatagan ng Sidim na naging Dagat na Patay. 
 14:4 (*papuloy) 
 14:5 Isang taon buhat nang sila'y umaklas, dumating si Kedorlaomer, kasama ang mga haring kakampi niya upang sila'y muling sakupin. Nalupig na niya ang mga bansang kanyang dinaanan: ang mga Refaita sa Astarot-carnaim, ang mga Zuzita sa Ham at ang mga Emita sa Save-kiryataim. 
 14:6 Tinalo na rin nila ang mga Horeo sa kabundukan ng Seir hanggang sa Elparan, sa gilid ng disyerto. 
 14:7 Buhat doo'y bumaling silang patungo sa Cades (o Enmispat) at sinakop ang lupain ng mga Amalecita at ng mga Amorreo sa Hazazon-tamar. 
 14:8 Tinipon nga ng mga hari ng Sodoma, Gomorra, Adma, Zeboim at Bela ang kanilang mga hukbo sa Kapatagan ng Sidim. Doon nila hinarap 
 14:9 sina Haring Kedorlaomer ng Elam, Tidal ng Goyim, Amrafel ng Sinar at Arioc ng Elasar---lima laban sa apat. 
 14:10 Natalo ang limang hari, at nang sila'y tumakas sa labanan, ang hari ng Sodoma at ang hari ng Gomorra ay nahulog sa balon ng alkitran na marami sa dakong iyon. Ang iba'y nakatakas papunta sa kabundukan. 
 14:11 Kaya't sinamsam ng apat na hari ang lahat ng ari-ariang natagpuan sa Sodoma at Gomorra pati ang pagkain doon. 
 14:12 Binihag din nila si Lot na nakatira sa Sodoma, at dinala ang lahat niyang ari-arian. 
 14:13 Ang nangyaring ito'y ibinalita ng isang takas kay Abram, na noo'y nakatira sa tabi ng sagradong kahuyan ni Mamre, isang Amorreo. Ito at ang mga kapatid niyang sina Escol at Aner ay kasapi ni Abram. 
 14:14 Pagkarinig niya sa nangyari sa kanyang pamangking si Lot, tinawag niya ang kanyang mga tauhan at nakatipon siya ng 318 mandirigma. Sinundan nila ang mga kalabang hari hanggang sa Dan. 
 14:15 Pagdating doon, nagdalawang pangkat sila at, pagsapit ng gabi, sinalakay nila ang kaaway. Nalupig nila ang mga ito at tinugis hanggang Hoba sa hilaga ng Damasco. 
 14:16 Nabawi nilang lahat ang nasamsam na ari-arian at nailigtas si Lot at ang kanyang mga kasamahan. ( Pinagpala ni Melquisedec si Abram ) 
 14:17 Sa pagbabalik ni Abram, sinalubong siya ng hari ng Sodoma sa Kapatagan ng Save (tinawag ding Kapatagan ng Hari). 
 14:18 Sinalubong din siya ni Melquisedec, hari ng Salem at saserdote ng Kataas-taasang Diyos. Dinalhan siya ng tinapay at alak, 
 14:19 "at pinagpala ng ganito:  'Pagpalain ka nawa, Abram,  Ng Diyos na Kataas-taasan  Na lumikha ng langit at lupa. " 
 14:20 "Purihin ang Kataas-taasang Diyos  Na nagbigay sa iyo ng tagumpay!' At ibinigay ni Abram kay Melquisedec ang ikapu ng lahat ng kanyang nasamsam. " 
 14:21 "Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, 'Iyo na ang lahat ng bagay na nakuha mo, ibalik mo na lamang sa akin ang lahat kong mga tauhan.' " 
 14:22 "Ngunit sumagot si Abram, 'Sumumpa ako sa harapan ni Yahweh, ang Kataas-taasang Diyos na lumikha ng langit at lupa." 
 14:23 Nangako ako na hindi kukuha ng anuman sa iyo kahit kaputol na sinulid o tali ng sandalyas, para wala kang masabi na ikaw ang nagpayaman kay Abram. 
 14:24 "Wala akong kukuning anuman para sa akin. Ang mga nagamit lamang ng aking mga tauhan ang aking tatanggapin, at ang bahaging nauukol sa aking mga kakampi. Kukunin nina Aner, Escol at Mamre ang bahaging nauukol sa kanila.'" 
 15:1 ( Nakipagtipan ang Diyos kay Abram ) "Pagkaraan ng lahat ng ito, si Abram ay nagkaroon ng isang pangitain. Narinig niyang sinabi sa kanya ni Yahweh:  'Abram, h'wag kang matatakot ni mangangamba man,  Kalasag mo ako, kita'y iingatan  At ikaw ay aking gagantimpalaan.' " 
 15:2 "Ngunit sinabi ni Abram, 'Yahweh, ano pang gantimpala ang ibibigay mo sa akin? Wala naman akong anak! Wala akong tagapagmana kundi si Eliezer na taga-Damasco." 
 15:3 "Hindi mo ako pinagkalooban ng anak, kaya isa kong alipin ang magmamana ng aking ari-arian.' " 
 15:4 "Sinabi ni Yahweh, 'Hindi alipin ang magmamana ng iyong ari-arian; anak mo ang magmamana.'" 
 15:5 "At inilabas siya nito at sinabi sa kanya: 'Masdan mo ang mga bituin! Mabibilang mo ba iyan? Ganyan karami ang magiging anak mo at apo.'" 
 15:6 Nanalig si Abram, at dahil dito'y kinalugdan siya ni Yahweh. 
 15:7 "Sinabi pa ni Yahweh kay Abram, 'Ako ang kumuha sa iyo sa Ur ng Caldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito.' " 
 15:8 "Itinanong naman ni Abram: 'Yahweh, aking Diyos, paano ko malalamang ito'y magiging akin?' " 
 15:9 "Sinabi sa kanya, 'Dalhan mo ako ng isang baka, isang kambing, at isang tupa, bawat isa'y tatlong taon ang gulang. Magdala ka rin ng isang kalapati at isang batubato.'" 
 15:10 Dinala nga ni Abram ang lahat ng iyon at biniyak ang bawat isa maliban sa mga ibon. 
 15:11 Inihanay niyang magkakatapat ang pinaghating hayop. Bumaba ang mga buwitre upang kanin ito, ngunit itinaboy sila ni Abram. 
 15:12 Nang kumikiling na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram, at nagkaroon ng isang nakatatakot na pangitain. 
 15:13 "Sinabi ni Yahweh, 'Ang iyong mga anak at apo ay mangingibang-bayan at magiging alipin doon sa loob ng 400 taon." 
 15:14 Ngunit parurusahan ko ang bansang iyon, at pag-alis nila roon, marami silang kayamanang madadala. 
 15:15 Pahahabain ko ang iyong buhay at magiging mapayapa ang iyong pagkamatay. 
 15:16 "Daraan muna ang apat na salinlahi bago sila makabalik dito, sapagkat hihintayin kong maging sukdulan ang sama ng mga Amorreo bago ko sila parusahan at palayasin.' " 
 15:17 Pagkalubog ng araw at laganap na ang dilim, biglang may lumitaw na palayok na umuusok, at maningas na sulo na dumaan sa pagitan ng pinatay na mga hayop. 
 15:18 "At nang araw na yaon, nakipagtipan si Yahweh kay Abram, wika niya: 'Nangangako ako na ibibigay sa lahi mo ang lupaing ito, mula sa hanggahan ng Egipto hanggang sa Ilog Eufrates," 
 15:19 kasama ang lupain ng mga Cineo, Cenizeo at Cadmoneo; 
 15:20 ng mga Heteo, Perezeo at Refaita, 
 15:21 "gayon din ang lupain ng mga Amorreo, Cananeo, Gergeseo at Jebuseo.'" 
 16:1 ( Si Agar at si Ismael ) Hindi magkaanak si Sarai na asawa ni Abram. Kaya naalaala niya si Agar, ang alipin niyang babaeng taga-Egipto. 
 16:2 "Sinabi niya, 'Abram, yamang pinagkaitan ako ni Yahweh ng anak, ang alipin ko ang sipingan mo. Baka sakaling magkaanak siya para sa akin!'" 
 16:3 At ipinaubaya nga ni Sarai sa kanyang asawa si Agar. (Sampung taon na si Abram na naninirahan sa Canaan nang ito'y nangyari.) 
 16:4 Matapos silang magsama bilang mag-asawa, nagdalantao si Agar. Ito'y ipinagmalaki niya at hinamak pa si Sarai. 
 16:5 "Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram, 'Ikaw ang dahilan ng paghamak ni Agar sa akin! Alam mong ako ang nagkaloob sa iyo ng alipin kong ito; bakit niya ako hinahamak ngayong siya'y nagdadalantao? Si Yahweh na ang humatol kung sino sa atin ang matuwid.' " 
 16:6 "At sumagot si Abram, 'Ibinabalik ko siya sa iyo at gawin mo sa kanya ang gusto mo.' Pinagmalupitan ni Sarai si Agar, kaya ito'y tumakas. " 
 16:7 Sinalubong siya ng anghel ni Yahweh sa tabi ng isang bukal na nasa ilang. Ang bukal na ito ay malapit sa lansangang patungo sa Shur. 
 16:8 "Tinanong siya, 'Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?' 'Tumakas po ako sa aking panginoon,' ang sagot niya. " 
 16:9 '"Magbalik ka at pailalim sa kanyang kapangyarihan,' wika ng anghel." 
 16:10 "At idinugtong pa:  'Ang mga anak mo ay pararamihin,  At sa karamiha'y di kayang bilangin; " 
 16:11 Di na magluluwat, ikaw'y magsusupling,  Ngalang itatawag sa kanya'y Ismael;  Dininig ni Yahweh, iyong mga daing. 
 16:12 "Ngunit ang anak mo'y magiging mailap,  Hayop na asno ang makakatulad;  Maraming kalaban, kaaway ng lahat,  Di makikisama sa mga kaanak.' " 
 16:13 "Nasabi ni Agar sa sarili, 'Nakita ko rito ang nakakikita sa akin.' Kaya't tinawag niya si Yahweh nang ganito: 'Ikaw ang Diyos na Nakakikita.'" 
 16:14 "Kaya't ang balon sa pagitan ng Cades at Bered ay tinatawag ng mga tao na, 'Balon ng Buhay na Nakakikita.' " 
 16:15 Nagsilang nga si Agar ng isang lalaki at ito'y pinangalanang Ismael. 
 16:16 Noo'y walumpu't anim na taon na si Abram. 
 17:1 ( Ang Pagtutuli---Palatandaan ng Tipan ) "Nang siyamnapu't siyam na taon na si Abram, napakita sa kanya si Yahweh at sinabi: 'Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay." 
 17:2 "Ako'y makikipagtipan sa iyo at pararamihin ko kayo.'" 
 17:3 Pagkarinig nito'y nagpatirapa si Abram. Sinabi pa sa kanya ng Diyos, 
 17:4 '"Ito ang ating tipan: Ikaw ay magiging ama ng maraming bansa." 
 17:5 Hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham, sapagkat ginagawa kitang ama ng maraming bansa. 
 17:6 Pararamihin ko ang iyong mga inapo at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila. 
 17:7 '"Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi, at ako'y magiging Diyos ninyo habang panahon." 
 17:8 Ibibigay ko sa inyo ang lupaing ito na inyong tinitirhan ngayon. Magiging inyo na ang buong lupain ng Canaan habang panahon, at ako ang magiging Diyos ninyo. 
 17:9 '"Kayo naman ay dapat maging tapat sa ating tipan, ikaw at ang iyong lahi,' sabi pa ng Diyos kay Abraham." 
 17:10 '"Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa inyo ay tutuliin," 
 17:11 at iyan ang magiging palatandaan ng ating tipan. 
 17:12 Lahat ng lalaki na isisilang sa inyong lahi, gayon din sa mga alipin at dayuhan, ay tutuliin pagsapit ng ika-8 araw. 
 17:13 Ang tandang ito sa inyong katawan ang magiging katibayan ng ating walang hanggang tipan. 
 17:14 "Ang sinumang lalaking hindi tuli ay ititiwalag sa iyong lahi sapagkat hindi siya tumupad sa ating kasunduan.' " 
 17:15 "Sinabi pa rin ng Diyos kay Abraham: 'Hindi na Sarai ang itatawag mo sa iyong asawa kundi Sara" 
 17:16 "sapagkat siya'y pagpapalain ko: magkakaanak siya at magiging ina ng maraming bansa; may magiging hari sa kanyang mga inapo.' " 
 17:17 "Nagpatirapang muli si Abraham, ngunit napatawa siya nang kanyang maisip na siya'y matanda na. Nasabi niya sa sarili, magkakaanak ako ngayong ako'y 100 taon na? At si Sara! maglilihi pa ba iyon gayong siyamnapung taon na?'" 
 17:18 "At sinabi niya sa Diyos, 'Mabuti pang si Ismael na ang inyong kalingain at pahabain ang buhay.' " 
 17:19 '"Nagkakamali ka Abraham; si Sara ay magkakaanak ng isang lalaki at tatawagin mong Isaac,' wika ng Diyos. 'Makikipagtipan ako sa kanya at sa kanyang lahi magpakailanman." 
 17:20 Tungkol naman kay Ismael, ipagkakaloob ko ang kahilingan mo: Pagpapalain ko siya at pararamihin ang kanyang lipi. Magkakaanak siya ng labindalawang prinsipe, at magiging bansang makapangyarihan ang kanyang angkan. 
 17:21 "Ngunit hindi sa kanya matutupad ang ating tipan. Matutupad iyon kay Isaac, ang magiging anak ni Sara na isisilang sa darating na taon, sa ganito ring panahon.'" 
 17:22 Pagkasabi nito, nilisan ng Diyos si Abraham. 
 17:23 Nang araw ring iyon, ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham si Ismael at lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan, maging aliping ipinanganak doon o binili man. 
 17:24 Si Abraham ay siyamnapu't siyam na taon na nang tuliin, 
 17:25 si Ismael naman ay labintatlo. 
 17:26 Iisang araw nang tuliin sila, 
 17:27 at noon ding araw na iyon tinuli ang kanyang mga alipin. 
 18:1 ( Ipinangako ang Pagsilang ni Isaac ) Napakita si Yahweh kay Abraham sa Mamre sa may sagradong mga punongkahoy. Noo'y kainitan ng araw at nakaupo siya sa pintuan ng kanyang tolda. 
 18:2 Walang anu-ano'y may nakita siyang tatlong lalaking nakatayo. Patakbo siyang sumalubong, yumukod nang halos sayad sa lupa ang mukha, 
 18:3 "at sinabi: 'Mga ginoo, kung inyong mamarapatin, magtuloy po kayo sa amin." 
 18:4 Dito muna kayo sa lilim ng punong ito, at ikukuha ko kayo ng tubig na panghugas sa inyong mga paa. 
 18:5 "Magpapahanda tuloy ako ng pagkain para manauli ang lakas ninyo bago kayo magpatuloy sa inyong paglalakbay. Ikinagagalak ko kayong paglingkuran habang naririto kayo sa amin.' Sila'y tumugon, 'Salamat, ikaw ang masusunod.' " 
 18:6 "Si Abraham ay nagdudumaling pumasok sa tolda at sinabi kay Sara, 'Madali ka, kumuha ka ng tatlumpung librang harina, at gumawa ka ng tinapay.'" 
 18:7 Pumili naman siya ng isang matabang guya sa kulungan, at ipinaluto sa isang alipin. 
 18:8 Kumuha rin siya ng keso at sariwang gatas at inihain sa mga panauhin kasama ang nilutong karne. Hindi siya lumalayo sa tabi ng mga panauhin habang sila'y kumakain. 
 18:9 "Samantalang sila'y kumakain, tinanong nila si Abraham: 'Nasaan ang asawa mong si Sara?' 'Nandoon po sa tolda,' tugon naman nito. " 
 18:10 "Sinabi ng panauhin, 'Babalik ako sa isang taon, sa ganito ring panahon, at pagbabalik ko'y may anak na siya.' Nakikinig naman noon si Sara sa may pintuan sa kanyang likuran." 
 18:11 Silang mag-asawa'y kapwa matanda na at hindi na dinaratnan si Sara. 
 18:12 "Napatawa ito nang lihim at ang wika, 'Ngayon pa namang ako'y lanta na at laos na ang aking asawa, saka pa ba kami magkakaanak?' " 
 18:13 '"Bakit natawa si Sara, at sinabi pang ngayong tumanda siya'y saka magkakaanak?' tanong ni Yahweh." 
 18:14 '"Mayroon bang di maaari sa akin? Tulad ng sinabi ko, babalik ako sa isang taon at pagbalik ko'y may anak na siya.' " 
 18:15 "Dahil sa takot, tumanggi si Sara at ang wika, 'Hindi po ako tumawa.' Ngunit sinabi niya, 'Huwag ka nang magkaila, talagang tumawa ka.' ( Idinalangin ni Abraham ang Sodoma )" 
 18:16 Nang umalis ang tatlong lalaki, inihatid sila ni Abraham sa labasan. Umahon sila sa isang dako na natatanaw ang Sodoma. 
 18:17 "Sinabi ni Yahweh, 'Hindi ko dapat ilihim kay Abraham ang aking gagawin," 
 18:18 yamang pinili ko siyang maging ama ng isang makapangyarihang bansa. Lahat ng lahi sa daigdig ay pagpapalain ko sa pamamagitan niya. 
 18:19 "Pinili ko siya upang ipasunod niya sa kanyang lahi ang aking mga utos, sa pamamagitan ng paggawa nang matuwid at pagpapairal ng katarungan. Sa gayo'y matutupad ko ang aking pangako sa kanya.' " 
 18:20 "Kaya't sinabi pa ni Yahweh: 'Katakut-takot na ang sumbong sa akin laban sa Sodoma at Gomorra, at napakalaki ng kanilang kasalanan." 
 18:21 "Paroroon ako at aalamin ko kung ito'y totoo.' " 
 18:22 Umalis ang mga lalaki at nagpunta sa Sodoma, ngunit nanatili si Yahweh sa tabi ni Abraham. 
 18:23 "Itinanong ni Abraham, 'Lilipulin po ba ninyo ang lahat ng tao, may kasalanan man o wala?" 
 18:24 Sakaling may limampung matuwid sa lunsod, wawasakin po ba ninyo iyon? Hindi ba ninyo patatawarin ang lunsod dahil sa limampung iyon? 
 18:25 "Naniniwala akong hindi ninyo idaramay ang mabubuti. Hindi ninyo gagawin iyon sapagkat kung ganito ang mangyayari, parehong magdurusa ang masama at mabuti. Hindi ito mangyayari! Makatarungan ang Hukom ng buong daigdig!' " 
 18:26 "At tumugon si Yahweh, 'Hindi ko ipahahamak ang lunsod dahil sa limampung matuwid.' " 
 18:27 '"Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan,' wika ni Abraham, 'wala po akong karapatang magsalita sa inyo, pagkat alabok lamang ako." 
 18:28 "Kung wala pong limampu, at apatnapu't lima lamang ang matuwid, wawasakin ba ninyo ang lunsod?' 'Hindi, hindi ko wawasakin dahil sa apatnapu't limang iyon,' tugon ni Yahweh. " 
 18:29 "Nagtanong na muli si Abraham, 'Kung apatnapu lamang?' 'Hindi ko wawasakin ang lunsod dahil sa apatnapung iyon,' tugon sa kanya. " 
 18:30 '"Huwag sana kayong magagalit, magtatanong pa ako. Kung tatlumpu lamang ang taong matuwid doon, hindi rin ninyo wawasakin?' Sinagot siya, 'Hindi ko wawasakin ang lunsod dahil sa tatlumpung iyon.' " 
 18:31 "Sinabi pa ni Abraham, 'Mangangahas po uli ako. Kung dalawampu lamang ang matuwid na naroon?' 'Hindi ko pa rin wawasakin ang lunsod dahil sa dalawampung iyon,' muling tugon sa kanya. " 
 18:32 "Sa katapusa'y sinabi ni Abraham, 'Ito na po lamang ang itatanong ko: Kung sampu lamang ang matuwid na naroon?' 'Hindi ko pa rin wawasakin ang lunsod dahil sa sampung iyon,' tugon ni Yahweh." 
 18:33 Pagkasabi nito, umalis na siya at umuwi naman si Abraham. 
 19:1 ( Ang Labis na Kasamaan ng mga Lalaki sa Sodoma ) Nang gabing dumating sa Sodoma ang dalawang anghel, nakaupo si Lot sa may pintuan ng lunsod. Pagkakita sa kanila, siya'y tumayo at sinalubong sila. Nagpatirapa siya sa harapan ng mga anghel. 
 19:2 '"Mga ginoo,' wika niya, 'kayo po'y inaanyayahan ko sa amin. Doon na kayo maghugas ng paa at magpalipas ng gabi. Bukas na ng umaga kayo magpatuloy ng paglalakbay.' Ngunit sumagot sila, 'Salamat, dito na lang kami magpapalipas ng gabi.' " 
 19:3 Ngunit sila'y pinilit niyang mabuti kaya sumama na rin sa wakas. At ipinaghanda sila ni Lot ng masarap na hapunan. 
 19:4 Nang matutulog na sila, pinaligiran ng mga taga-Sodoma ang bahay. Lahat ng lalaki ng lunsod, bata at matanda ay naroon. 
 19:5 "Pasigaw nilang tinanong si Lot, 'Nasaan ang mga panauhin mo? Palabasin mo't sisipingan namin!' " 
 19:6 Lumabas si Lot at isinara ang pinto. 
 19:7 "Sinabi niya sa mga tao, 'Huwag, mga kaibigan, napakasama ng gagawin ninyong iyan." 
 19:8 "Ako'y may dalawang anak na dalaga, sila na ang ibibigay ko sa inyo, huwag lamang ninyong galawin ang mga lalaking ito. Mga panauhin ko sila at dapat ko silang ingatan.' " 
 19:9 "Ngunit sumigaw sila, 'Huwag kang makialam, dayuhan! Sino kang magtuturo sa amin ng aming gagawin? Tumabi ka kung hindi mo gustong masaktan!' At itinulak nila si Lot at tinangkang wasakin ang pinto." 
 19:10 Ngunit hinaltak siya ng kanyang mga panauhin, at isinara ang pinto. 
 19:11 Pagkatapos, binulag nila ang mga tao sa labas kaya't hindi makita ng mga ito ang pinto. ( Iniwan ni Lot ang Sodoma ) 
 19:12 "Sinabi ng dalawang panauhin kay Lot, 'Madali ka! Isama mong lahat ang iyong mga anak at kamag-anak. Umalis na kayo," 
 19:13 "sapagkat gugunawin namin ang lunsod na ito! Dininig ni Yahweh ang mabibigat na sumbong laban sa mga taga-Sodoma at naparito kami upang wasakin ang lunsod na ito.' " 
 19:14 "Pinuntahan ni Lot ang mga mapapangasawa ng kanyang mga anak na babae at sinabi sa kanila, 'Kayo'y umalis agad sapagkat wawasakin ni Yahweh ang lunsod na ito.' Ngunit inisip nilang nagbibiro lamang si Lot. " 
 19:15 "Nang magbubukang-liwayway, inapura ng mga anghel si Lot, 'Madali! Ialis mo na ang iyong asawa't mga anak nang hindi kayo madamay sa pagkawasak ng lunsod.'" 
 19:16 Nag-aatubili pa si Lot datapwat sa habag ni Yahweh, halos kaladkarin na sila ng mga lalaki, palabas ng lunsod. 
 19:17 "Pagkatapos, sinabi ng isa sa mga anghel, 'Iligtas ninyo ang inyong sarili! Huwag kayong lilingon o hihinto sa kapatagan! Magtago kayo sa kaburulan para hindi kayo mamatay!' " 
 19:18 "Ngunit sumagot si Lot, 'Huwag na roon, Ginoo." 
 19:19 Sabagay napakalaki na ang utang na loob ko sa inyo; iniligtas na ninyo ako. Ngunit napakalayo ng mga kaburulan. Baka hindi na ako makarating doon. 
 19:20 "Hindi ba maaaring doon na lamang sa maliit na bayang iyon?' " 
 19:21 '"Oo, doon na kayo magpunta, at hindi ko wawasakin ang bayang iyon." 
 19:22 "Kaya, madali ka! Hindi ko maitutuloy ang gagawin ko hangga't wala kayo roon.' Maliit ang bayang iyon kaya tinawag na Zoar. ( Winasak ang Sodoma at Gomorra )" 
 19:23 Mataas na ang araw nang sapitin ni Lot ang Zoar. 
 19:24 Ang Sodoma at Gomorra ay saka pa lamang pinaulanan ng Diyos ng nagniningas na asupre. 
 19:25 Tinupok ni Yahweh ang mga lunsod na iyon at ang buong kapatagan, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim. 
 19:26 Ngunit lumingon ang asawa ni Lot kaya't siya'y naging haliging asin. 
 19:27 Kinabukasan, si Abraham ay nagmamadaling pumunta sa dakong pinagtagpuan nila ni Yahweh. 
 19:28 Mula roon, tinanaw niya ang Sodoma at Gomorra, at ang buong kapatagan. Nakita niyang pumapailanglang ang makapal na usok na parang nagmumula sa malaking hurno. 
 19:29 Nang gunawin ng Diyos ang mga lunsod na iyon, hindi rin nawaglit sa kanyang isipan si Abraham kaya iniligtas niya si Lot. ( Ang Pasimula ng mga Moabita at Ammonita ) 
 19:30 Sa takot ni Lot na manatili sa Zoar, sila ng dalawa niyang anak ay umahon sa kaburulan at nanirahan sa isang yungib doon. 
 19:31 "Minsan, nag-usap ang magkapatid. Sinabi ng nakatatanda, 'Wala nang natitirang lalaki sa daigdig. Matanda na ang ating ama at maaaring hindi na tayo magkaanak." 
 19:32 "Mabuti'y lasingin natin siya at ating sipingan para magkaanak tayo.'" 
 19:33 Gayon nga ang ginawa nila nang gabing iyon. Sa kalasingan ni Lot, hindi niya namalayang sinipingan siya ng anak niyang panganay. 
 19:34 "Kinabukasa'y sinabi ng panganay sa bunso, 'Kagabi'y sumiping ako sa ating ama; lasingin natin siya uli mamaya, at ikaw naman ang sumiping nang pareho tayong magkaanak.'" 
 19:35 Nilasing nga nila uli si Lot nang gabing yaon, at ang bunso naman ang sumiping. Tulad ng dati, hindi alam ni Lot ang kanyang kasiping dahil sa kalasingan. 
 19:36 Bunga nito, kapwa nagdalantao ang magkapatid. 
 19:37 Nagkaanak ng lalaki ang panganay at tinawag niyang Moab. Sa kanya nagmula ang mga Moabita. 
 19:38 Lalaki rin ang naging anak ng bunso at tinawag naman niya itong Ben-ammi. Sa kanya naman nagmula ang mga Ammonita. 
 20:1 ( Si Abraham at si Abimelec ) Nilisan ni Abraham ang Mamre at nagpunta sa lupain ng Negeb sa pagitan ng Cades at Shur, at tumira sa Gerar. Habang siya'y naroon, 
 20:2 kapatid ang pakilala niya kay Sara, kaya ito'y ipinakuha ni Abimelec, hari ng Gerar. 
 20:3 "Sa isang panaginip, napakita sa kanya ang Diyos at sinabi: 'Mamamatay ka, sapagkat may asawa ang babaing kinuha mo.' " 
 20:4 "Noon ay hindi pa nagagalaw ni Abimelec si Sara, kaya't sinabi niya, 'Panginoon, papatayin ba ninyo ang taong walang kasalanan?" 
 20:5 "Kapatid ang pakilala ni Abraham kay Sara, at gayon din naman ang pakilala nito kay Abraham. Ginawa ko po ito na malinis ang aking layunin, kaya wala akong kasalanan.' " 
 20:6 "Sumagot ang Diyos, 'Oo, alam kong malinis ang layunin mo, kaya naman hindi ko na hinintay na masipingan mo siya para huwag ka nang magkasala sa akin." 
 20:7 "Ibalik mo siya agad sa kanyang asawa. Propeta ang asawa niya, at kung ipananalangin ka niya, hindi ka mamamatay. Kapag di mo siya ibinalik, hindi lamang ikaw ang mamamatay, pati ang buo mong sambahayan.' " 
 20:8 Kinabukasan, sinabi ni Abimelec sa mga alipin niya ang mga bagay na ito, at gayon na lamang ang kanilang takot. 
 20:9 "Sa gayon, ipinatawag ni Abimelec si Abraham at tinanong, 'Bakit mo ginawa ito? Ano ba'ng kasalanan ko at dinalhan mo ng kapahamakang ito ang aking kaharian. Hindi tama ang ginawa mo!" 
 20:10 "Bakit mo nga ginawa ito?' " 
 20:11 "Sumagot si Abraham, 'Ang akala ko po'y walang takot sa Diyos ang mga tagarito at nangangamba akong baka patayin nila ako para makuha ang aking asawa." 
 20:12 Ang totoo po'y kapatid ko siya sa ama. 
 20:13 "Kaya po nang sabihin sa akin ng Diyos na lisanin ko ang aking mga kasamahan, sinabi ko sa aking asawa, 'May mabuti kang magagawa para sa akin; saanman tayo pumunta, sabihin mong tayo'y magkapatid.'' " 
 20:14 Sa halip na parusahan, binigyan ni Abimelec si Abraham ng mga tupa, baka at mga alipin nang ibalik niya si Sara. 
 20:15 "Sinabi pa niya kay Abraham, 'Sa buong lupaing ito, pumili ka na ng gusto mong tirahan.'" 
 20:16 "Kay Sara, ito naman ang sinabi: 'Binibigyan ko ang iyong kapatid ng 1,000 pirasong pilak, bilang katunayan na ang dangal mo'y hindi nadungisan. Sa gayon, hindi iisipin ninuman na ikaw ay may ginawang masama.' " 
 20:17 Dahil sa pagkakuha ng hari kay Sara, pinarusahan ni Yahweh ang lahat ng babae sa sambahayan ni Abimelec: hindi sila magkaanak. At upang malunasan ito, ipinanalangin sila ni Abraham. Gumaling naman si Abimelec, at mula noon, ang kanyang asawa't mga aliping babae ay nagkaanak. 
 20:18 (*papuloy) 
 21:1 ( Ang Kapanganakan ni Isaac ) Nilingap ni Yahweh si Sara at tinupad ang kanyang pangako. 
 21:2 Ayon sa sinabi ng Diyos, si Sara ay nagdalantao, at nanganak ng lalaki, bagamat matanda na noon si Abraham. 
 21:3 Isaac ang ipinangalan ni Abraham sa kanyang anak. 
 21:4 Ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham ang bata walong araw pagkasilang nito. 
 21:5 Si Abraham ay 100 taon nang ipanganak si Isaac. 
 21:6 "Sinabi ni Sara, 'Nakakatawa ang ginawang ito sa akin ng Diyos at sinumang makarinig nito'y pihong matatawa rin.'" 
 21:7 "At sinabi pa niya, 'Sa edad na iyon ni Abraham, sinong makapagsasabi sa kanyang ako'y mag-aalaga pa ng bata? Gayunman, nagkaanak pa rin kami kahit siya'y matanda na.' " 
 21:8 Lumaki ang bata, at nang ito'y awatin, naghanda nang malaki si Abraham. ( Pinalayas si Agar at si Ismael ) 
 21:9 Minsan, si Ismael na anak ni Agar ay nakikipaglaro kay Isaac. 
 21:10 "Nang makita ito ni Sara, sinabi kay Abraham, 'Palayasin mo ang mag-inang iyan! Ang anak ng ating alipin ay huwag mong pamamanahan; si Isaac ang dapat magmana ng lahat!'" 
 21:11 Labis itong ikinalungkot ni Abraham sapagkat anak din niya si Ismael. 
 21:12 "Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham: 'Huwag kang mabahala tungkol sa mag-ina. Sundin mo na ang gusto ni Sara, sapagkat kay Isaac magmumula ang lahing sinabi ko sa iyo." 
 21:13 "Magkakaanak din ng marami ang anak mong iyan kay Agar, at sila'y magiging isang bansa, yamang anak mo rin si Ismael.' " 
 21:14 Kinaumagahan, ang mag-ina'y ipinaghanda ni Abraham ng baong pagkain at inumin bago sila pinaalis. Isinama ni Agar ang kanyang anak at nagpagala-gala siya sa ilang ng Beer-seba. 
 21:15 Nang maubos ang dalang tubig, iniwan niya ang kanyang anak sa lilim ng punongkahoy, 
 21:16 "at naupo nang may 100 metro mula sa kinaroroonan ng bata. Wika niya sa sarili: 'Di ko matitiis na makitang mamatay ang aking anak.' Samantalang nakaupo siyang nag-iisip, umiiyak naman si Ismael. " 
 21:17 "Ito'y narinig ng Diyos, at nagsalita mula sa langit ang anghel ng Diyos: 'Agar, anong bumabagabag sa iyo? Huwag kang matakot. Naririnig ng Diyos ang iyak ng iyong anak." 
 21:18 "Lapitan mo siya at patahanin. Gagawin kong isang dakilang bansa ang kanyang lipi.'" 
 21:19 Pinagliwanag ng Diyos ang kanyang paningin at nakita niya ang isang balon. Pinuno niya ng tubig ang dalang sisidlan at pinainom ang bata. 
 21:20 Hindi pinabayaan ng Diyos si Ismael; siya'y lumaki sa ilang ng Paran at naging mahusay na mangangaso. 
 21:21 Ikinuha siya ng kanyang ina ng mapapangasawa sa lupain ng Egipto. ( Ang Kasunduan nina Abraham at Abimelec ) 
 21:22 "Nang panahong iyon, isinama ni Haring Abimelec si Picol, puno ng hukbo, at sila'y nagpunta kay Abraham. Sinabi rito ng hari, 'Sa lahat ng gawain mo'y pinagpapala ka ng Diyos." 
 21:23 "Isumpa mo sa harapan niya na magiging tapat ka sa akin at sa aking lahi, kung paanong ako'y naging tapat sa iyo. Ipangako mong magiging tapat ka rin sa akin at sa lupaing ito na iyong tinitirahan.' " 
 21:24 '"Nangangako ako,' tugon naman ni Abraham. " 
 21:25 Ngunit nagreklamo si Abraham kay Abimelec tungkol sa isang balon na inagaw ng mga alipin ng hari. 
 21:26 '"Hindi ko nalalaman iyon,' wika ni Abimelec, 'bakit ngayon mo lamang sinabi sa akin?'" 
 21:27 Nagkasundo ang dalawa, at binigyan ni Abraham si Abimelec ng ilang tupa't baka. 
 21:28 Ibinukod ni Abraham ang pitong kordero ng kanyang kawan. 
 21:29 '"Anong kahulugan nito?' tanong ni Abimelec. " 
 21:30 "Sumagot si Abraham, 'Ito'y para sa iyo, bilang pagsang-ayon mo na akin ang balong ito.'" 
 21:31 Ang lugar na iyon ay tinawag na Beer-seba, sapagkat doon nagsumpaan ang dalawa. 
 21:32 Matapos ang sumpaang iyon, bumalik na sa lupain ng mga Filisteo sina Abimelec at ang puno ng kanyang hukbo. 
 21:33 Pagkaalis nila'y nagtanim naman si Abraham ng punong roble sa Beer-seba at sinamba si Yahweh, ang Diyos na Walang Hanggan. 
 21:34 Mahabang panahong namayan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo. 
 22:1 ( Utos kay Abraham na Ihandog si Isaac ) Pagkalipas ng ilang panahon, sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos at tumugon naman siya. 
 22:2 "Sinabi sa kanya, 'Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya sa akin.' " 
 22:3 Kinabukasan, maagang bumangon si Abraham, at sumakay sa asno, kasama si Isaac at ang dalawang aliping lalaki. May dala silang kahoy na panggatong. 
 22:4 Matapos ang tatlong araw na paglalakbay, natanaw nila ang dakong kanilang patutunguhan. 
 22:5 "Kaya't sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin, 'Bantayan na ninyo rito ang asno at kami na lamang ni Isaac ang magtutuloy. Sasamba lamang kami sa dako roon, at babalikan namin kayo.' " 
 22:6 Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na panggatong, dala naman niya ang apoy at patalim, at magkasama silang lumakad. 
 22:7 "Tinawag ni Isaac ang pansin ng ama, 'Ama!' 'Ano iyon, anak?' tugong patanong ni Abraham. 'Mayroon na tayong apoy at panggatong, ngunit nasaan ang korderong ihahandog?' tanong ni Isaac. " 
 22:8 "Sumagot si Abraham, 'Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon sa atin.' Kaya't nagpatuloy sila sa paglakad. " 
 22:9 Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos, gumawa ng dambana si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac, matapos gapusin. 
 22:10 Nang sasaksakin na niya ang bata, 
 22:11 "tinawag siya ng anghel ni Yahweh at mula sa langit ay sinabi: 'Abraham, Abraham!" 
 22:12 "Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.' " 
 22:13 Paglingon niya'y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. 
 22:14 "Ang lugar na iyo'y tinawag ni Abraham na, 'Ang Panginoon ang Nagkakaloob.' At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao: 'Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan.' " 
 22:15 Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ni Yahweh. 
 22:16 "Wika nito, 'Akong si Yahweh ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak," 
 22:17 pagpapalain kita. Ang lahi mo'y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Lulupigin nila ang mga lunsod ng kanilang mga kaaway. 
 22:18 "Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.'" 
 22:19 Binalikan ni Abraham ang kanyang mga alipin, at sama-sama silang umuwi sa Beer-seba. ( Ang mga Lipi ni Nacor ) 
 22:20 Hindi nagtagal, nabalitaan ni Abraham na si Milca, ang asawa ng kanyang kapatid na si Nacor, ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki. 
 22:21 Ang panganay ay si Hus, sumunod si Buz at pagkatapos ay si Kemuel na ama ni Aram. 
 22:22 Ang iba pang naging anak ni Nacor kay Milca, ayon sa pagkakasunud-sunod ay ito: si Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf at Betuel. 
 22:23 Si Betuel ang ama ni Rebeca. Ito ang walong anak ni Nacor kay Milca. 
 22:24 Kay Reuma na asawa rin ni Nacor, naging anak naman niya sina Tebah, Gaham, Tahas at Maaca. 
 23:1 ( Namatay si Sara at Bumili si Abraham ng Libingan ) Nabuhay si Sara nang 127 taon. 
 23:2 Namatay siya sa Kiryat-arba (tinatawag ding Hebron) sa lupain ng Canaan. Ito'y labis na ikinalungkot ni Abraham. 
 23:3 Sandaling iniwan ni Abraham ang bangkay at nakipag-usap sa mga Heteo. Wika niya, 
 23:4 '"Ako'y nakikipamayan lamang sa inyo. Kung maaari, pagbilhan ninyo ako ng dakong mapaglilibingan sa aking asawa.' " 
 23:5 Sumagot ang mga Heteo, 
 23:6 '"Ikaw ang dakilang prinsipe at kinikilala naming pinuno; pumili ka na ng lugar na gusto mo para paglibingan sa iyong asawa.' " 
 23:7 Tumindig si Abraham at yumukod sa harapan ng mga tao. 
 23:8 "Sinabi niya: 'Kung talagang hindi kayo tutol na dito ko ilibing ang aking asawa, tulungan ninyo akong makiusap kay Efron na anak ni Zohar." 
 23:9 "Nais kong bilhin sa inyong harapan ang yungib sa tabi ng kanyang lupain sa Macpela upang gawing libingan. Babayaran ko siya ng hustong halaga.' " 
 23:10 Nagkataong si Efron ay kasama ng nagkakatipong mga Heteo sa may pintuan ng lunsod. Kaya, sinabi niya kay Abraham na naririnig ng lahat, 
 23:11 '"Hindi lamang ang yungib, kundi ang lupang kinalalagyan nito ay ibinibigay ko na rin sa inyo upang paglibingan sa inyong asawa. Saksi ko ang lahat ng naririto.' " 
 23:12 Yumukod uli si Abraham sa harapan ng mga naroroon, 
 23:13 "at sinabi niya kay Efron na naririnig ng lahat: 'Mabuti! Kung gayon, sabihin mo kung magkano at babayaran ko.' " 
 23:14 At sumagot si Efron kay Abraham, 
 23:15 '"Ginoo, 400 pirasong pilak ang halaga ng lupa. Huwag na nating pag-usapan; basta't paglibingan na ninyo.'" 
 23:16 Nagkasundo sila at sa harapan ng mga tao'y tumimbang si Abraham ng halagang 400 pirasong pilak, ayon sa halaga ng salaping umiiral noon sa pamilihan. 
 23:17 Kaya't ang parang na iyon ni Efron sa Macpela, katapat na silangan ng Mamre, pati na ang yungib at kahuyan sa paligid nito 
 23:18 ay naging pag-aari ni Abraham. Sinaksihan ito ng mga Heteong dumalo sa pagpupulong na iyon. 
 23:19 At inilibing nga ni Abraham si Sara sa yungib na iyon sa Macpela, sa lupain ng Canaan. Ito'y tinatawag ngayong Hebron. 
 23:20 Ang lupa ngang iyon at ang yungib ay nabili ni Abraham sa mga Heteo at ginawa niyang libingan. 
 24:1 ( Nag-asawa si Isaac ) Matandang-matanda na noon si Abraham, at pinagpapalang mabuti ni Yahweh. 
 24:2 "Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala: 'Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita, at manumpa ka." 
 24:3 Ipangako mo sa akin sa ngalan ni Yahweh, ang Diyos ng langit at lupa, na hindi ka sa Canaan pipili ng mapapangasawa ni Isaac. 
 24:4 "Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya.' " 
 24:5 '"Kung ayaw pong sumama ng mapipili ko, maaari po bang si Isaac na ang pumunta roon?' tanong ng alipin. " 
 24:6 '"Aba, hindi! Huwag mong papupuntahin doon si Isaac,' tugon ni Abraham." 
 24:7 '"Nilisan ko ang tahanan ng aking ama at iniwan ang lupain ng aking mga kamag-anak sapagkat dito ako pinapunta ni Yahweh, ang Diyos ng kalangitan. Nangako siyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi. Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak." 
 24:8 "Ngayon, kung ayaw sumama ng mapipili mo, wala ka nang pananagutan sa akin. Ngunit huwag mong papupuntahin doon ang anak ko!'" 
 24:9 Kaya't inilagay ng alipin ang kanyang kamay sa pagitan ng hita ng amo niyang si Abraham, at nanumpang susundin ito. 
 24:10 Naghanda ng sampung kamelyo ang alipin. Matapos nilang kargahan ng maraming panregalo, naglakbay siya patungong Mesopotamia, sa lunsod na tinitirhan ni Nacor. 
 24:11 Pagsapit sa labas ng lunsod, huminto siya at pinaluhod sa tabi ng balong naroon ang mga kamelyo. Sa gayong oras, tuwing magdarapit-hapon, dumarating ang mga babae para umigib. 
 24:12 "Siya'y nanalangin nang ganito: 'Yahweh, Diyos ni Abraham, pagpalain po ninyo ang aking lakad; tuparin po ninyo ang inyong pangako sa aking amo." 
 24:13 "Tatayo po ako rito sa tabi ng balon at hihintayin ang pagdating ng mga babae buhat sa lunsod, para umigib. Ako po'y makikiinom sa isa sa kanila. Kapag sinabi niyang, 'Uminom ka, at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo, iyon na sana ang babaing inihanda ninyo para sa inyong aliping si Isaac. Sa gayon malalaman ko na tinupad na ninyo ang inyong pangako sa aking amo.' " 
 24:14 (*papuloy) 
 24:15 Hindi pa natatapos ang kanyang panalangin, dumating si Rebeca na anak ni Betuel at apo ni Milca na asawa ni Nacor na kapatid ni Abraham. 
 24:16 Siya'y dalaga pa at napakaganda. Lumusong siya sa bukal, pinuno ang kanyang banga, at umahon. 
 24:17 "Sumalubong agad ang alipin at sinabi, 'Maaari bang makiinom?' " 
 24:18 '"Aba, opo,' sagot ng babae. At inalalayan niya ang banga habang umiinom ang alipin." 
 24:19 "Nang ito'y makainom na ay sinabi pa ng dalaga, 'Paiinumin ko na rin po ang inyong mga kamelyo.'" 
 24:20 Isinalin niya sa painuman ang laman ng banga at pabalik-balik siyang sumalok hanggang sa mapainom ang lahat ng kamelyo. 
 24:21 Tahimik na nagmamasid ang alipin at iniisip kung iyon na ang tugon ni Yahweh sa kanyang dalangin. 
 24:22 Matapos makainom ang mga kamelyo, inilabas ng alipin ang dala niyang hikaw at dalawang pulseras na pawang lantay na ginto, at ibinigay sa dalaga. 
 24:23 "Pagkatapos, ito'y tinanong niya: 'Kanino kang anak? Maaari ba kaming makituloy sa inyo ngayong gabi?' " 
 24:24 "Sumagot ang babae, 'Ako po'y anak ni Betuel na anak nina Nacor at Milca." 
 24:25 "Maluwag po sa amin at maraming pagkain pati sa inyong mga hayop.' " 
 24:26 Sa tuwa ng alipin, lumuhod siya at sumamba kay Yahweh. 
 24:27 "Wika niya, 'Purihin si Yahweh, ang Diyos ni Abraham! Hindi siya sumira sa kanyang pangako. Pinatnubayan niya ako sa pagpunta sa bahay ng kapatid ng aking amo.' " 
 24:28 Nagdudumaling umuwi ang dalaga at isinalaysay sa kanyang ina ang lahat. 
 24:29 Si Rebeca ay may nakatatandang kapatid na lalaki. Laban ang ngalan nito. Tumakbo siyang papunta sa balong kinaroroonan ng lalaki 
 24:30 nang marinig niya ang salaysay ng kanyang kapatid at makita ang hikaw at ang mga pulseras na suot nito. Nakita nga niya ang tao sa tabi ng balon, pati ang kanyang mga kamelyo. 
 24:31 "Sinabi ni Laban, 'Bakit nandiyan pa kayo? Tayo na po sa amin, lalaking pinagpala ni Yahweh! Nakahanda na po ang pagpapahingahan ninyo at ang sisilungan ng inyong mga kamelyo.' " 
 24:32 Sumama nga ang alipin. Pagdating sa bahay, ibinaba ni Laban ang karga ng mga kamelyo at pinakain ang mga hayop. Ang alipin nama'y binigyan niya ng tubig upang maghugas ng paa pati ang mga kasama nito. 
 24:33 "Dinulutan siya ng pagkain, ngunit sinabi ng alipin: 'Sasabihin ko muna ang aking pakay bago ako kumain.' 'Sige, sabihin ninyo,' wika ni Laban. " 
 24:34 "Ganito ang salaysay niya: 'Ako po'y alipin ni Abraham." 
 24:35 Pinagpala ni Yahweh ang aking amo. Pinarami ang kanyang mga kawan ng tupa, kambing at baka. Pinagkalooban siya ng maraming pilak at ginto, mga aliping babae at lalaki, mga kamelyo at asno. 
 24:36 Niloob po ni Yahweh na ang asawa niyang si Sara ay magkaanak pa bagamat matanda na. Ang anak na ito ang tanging tagapagmana ng kanilang kayamanan. 
 24:37 Ako po'y pinanumpa niya na di ko babayaang taga-Canaan ang mapangasawa ng anak niyang ito. 
 24:38 Dito po niya ako pinapunta sa mga kamag-anak ng kanyang mga magulang upang ihanap ng mapapangasawa ang kanyang anak. 
 24:39 Tinanong ko po siya ng ganito: 'Kung ang babaing mapili ko ay hindi sumama sa akin, ano po naman ang aking gagawin?' 
 24:40 Ang sagot po niya'y sasamahan ako ng anghel ni Yahweh upang magtagumpay sa aking lakad. Dito raw sa angkan ng kanyang ama ako kumuha ng mapapangasawa ng kanyang anak. Iyan po ang utos sa akin. 
 24:41 'Kung sundin mo ito,' ang sabi pa sa akin, 'natupad mo na ang iyong tungkulin. Kung tanggihan ka naman ng aking mga kamag-anak, wala ka nang pananagutan sa akin.' 
 24:42 '"Pagsapit ko po sa may balon kanina, ako'y nanalangin nang ganito: 'O Yahweh, Diyos ni Abraham:" 
 24:43 Tatayo po ako sa may balong ito at pag may dumating na dalaga upang umigib, ako'y makikiinom. 
 24:44 Kapag ako'y pinainom pati ang aking mga kamelyo, iyon na po sana ang pinili ninyo upang mapangasawa ng anak ng aking amo.' 
 24:45 Hindi pa natatapos ang aking panalangin, dumating nga si Rebeca. Lumusong siya sa bukal at sumalok ng tubig. Nakiusap po ako sa kanyang ako'y painumin. 
 24:46 At hindi lamang ako ang pinainom, pati po ang aking mga kamelyo. 
 24:47 Tinanong ko po siya, 'Kanino kang anak?' Ang sagot po'y, 'Kay Betuel na anak ng mag-asawang Nacor at Milca.' Kaya't kinabitan ko siya ng hikaw sa ilong at sinuutan ng mga pulseras. 
 24:48 Pagkatapos, ako'y nagpatirapa sa lupa at sumamba kay Yahweh, sa Diyos ng amo kong si Abraham, pagkat pinatnubayan niya ako at inihatid sa tahanang ito. At dito ko nga nasumpungan ang dalagang dapat mapangasawa ng kanyang anak. 
 24:49 "Kaya hinihiling ko na sabihin ninyo sa akin kung sang-ayon kayo sa hangad ng aking amo. Kung hindi naman, sabihin din ninyo at nang malaman ko naman kung ano ang aking gagawin.' " 
 24:50 "Sumagot ang mag-amang Betuel at Laban, 'Yamang ang bagay na ito'y mula kay Yahweh, wala na kaming masasabing anuman." 
 24:51 "Isama mo si Rebeca pag-uwi mo upang mapangasawa ng anak ng iyong amo.'" 
 24:52 Pagkarinig nito, ang alipin ni Abraham ay muling nagpatirapa at nagpuri kay Yahweh. 
 24:53 At inilabas niya ang mga damit at mga hiyas na ginto't pilak para kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling regalo ang kapatid nitong si Laban at ang kanilang ina. 
 24:54 Pagkatapos, ang alipin at ang mga kasama nito ay kumain na at uminom, at doon na nga nagpalipas ng gabi. Kinabukasa'y nagpaalam na siya. 
 24:55 Ngunit hiniling ng ina at ng kapatid ni Rebeca na magparaan muna ng isang linggo o sampung araw bago umalis. 
 24:56 "Sinabi ng alipin, 'Yamang pinagtagumpay ako ni Yahweh sa aking lakad, pahintulutan na po ninyo akong magbalik sa aking amo.' " 
 24:57 '"Kung gayon,' sabi nila, 'tawagin natin si Rebeca at itanong ang kanyang kapasyahan.'" 
 24:58 '"Sasama ka na ba sa taong ito?' tanong nila. 'Opo,' tugon niya." 
 24:59 Si Rebeca at ang kanyang yaya ay pinahintulutan nilang sumama sa alipin ni Abraham at mga kasama nito, 
 24:60 "matapos basbasan nang ganito:  'Ikaw nawa, O Rebeca'y maging ina ng marami.  Mga lunsod ng kaaway, malupig ng iyong lahi.' " 
 24:61 Nang handa na ang lahat, si Rebeca at ang mga utusan niyang babae ay sumakay sa kamelyo, at umalis kasunod ng aliping kumuha sa kanya. 
 24:62 Nang panahong iyon, si Isaac ay naninirahan sa lupain ng Negeb. Minsan, napadako siya sa ilang ng Beer-lahai-roi. 
 24:63 Nang magtatakip-silim, siya'y namasyal sa bukirin at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo. 
 24:64 Natanaw ni Rebeca si Isaac kaya't bumaba siya sa sinasakyang kamelyo, 
 24:65 "lumapit sa aliping kumaon sa kanya at nagtanong, 'Sinong lalaki iyong papalapit sa atin?' 'Siya po ang aking amo,' tugon nito. Kumuha ng belo si Rebeca at nagtalukbong. " 
 24:66 Pagtatagpo nila'y isinalaysay ng alipin kay Isaac ang mga pangyayari, 
 24:67 kaya't tinanggap ni Isaac si Rebeca bilang asawa at dinala sa kanyang tolda. Ang babae ay napamahal sa kanya at naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina. 
 25:1 ( Mga Sumunod pang Lahi ni Abraham ) Bukod kay Sara, naging asawa rin ni Abraham si Ketura. 
 25:2 Ang mga anak niya rito ay sina Zimram, Jocsan, Medan, Madian, Isbac at Suah. 
 25:3 Si Jocsan ang ama nina Seba at Dedan. Kay Dedan nagmula ang mga Asurim, Letusim at Leumim. 
 25:4 Ang mga anak naman ni Madian ay sina Efa, Efer, Enoc, Abida at Eldaa. Lahat sila'y buhat kay Ketura. 
 25:5 Kay Isaac ipinamana ni Abraham ang lahat niyang ari-arian. 
 25:6 Ngunit bago siya namatay, pinagbibigyan na niya ng regalo ang mga anak niya sa ibang asawa, at pinapunta sa lupain sa dakong silangan para malayo kay Isaac. ( Namatay si Abraham ) 
 25:7 Si Abraham ay nabuhay nang 175 taon. 
 25:8 Matandang-matanda na siya nang mamatay. 
 25:9 Inilibing siya nina Isaac at Ismael sa yungib ng Macpela sa silangan ng Mamre, sa parang na dating kay Efron, anak ni Zohar na Heteo. 
 25:10 Ang parang na ito ang binili ni Abraham sa mga Heteo at dito sila nalibing ni Sara. 
 25:11 Pagkamatay ni Abraham, patuloy na pinagpala ng Diyos si Isaac. Doon siya tumira sa Beer-lahai-roi. ( Ang Lahi ni Ismael ) 
 25:12 Ito naman ang lahi ni Ismael, anak ni Abraham kay Agar, ang Egipciang alipin ni Sara. 
 25:13 Si Nebayot ang panganay, sumunod sina Kedar, Abdeel at Mibsam. 
 25:14 Sumunod pa sina Misma, Duma at Massa; 
 25:15 pagkatapos ay sina Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Cedema. 
 25:16 Ito ang labindalawang anak ni Ismael. Bawat isa'y naging pinuno ng kanyang lipi at bawat lipi'y nanirahan sa kanya-kanyang lupain. 
 25:17 Namatay si Ismael sa gulang na 137 taon, at siya'y inilibing. 
 25:18 Ang lahi ni Ismael ay doon tumira sa lupain sa pagitan ng Havila at Shur, sa daang patungo sa Asiria sa silangan ng Egipto. Nakabukod sila sa ibang lipi ni Abraham. ( Ipinanganak sina Esau at Jacob ) 
 25:19 Ito naman ang kasaysayan ni Isaac, ang anak ni Abraham. 
 25:20 Apatnapung taon na si Isaac nang mapangasawa niya si Rebeca, anak na dalaga ni Betuel, isang Arameong taga-Mesopotamia. Si Rebeca'y kapatid ni Laban, isa ring Arameo. 
 25:21 Hindi magkaanak si Rebeca, kaya't nanalangin kay Yahweh si Isaac. Dininig naman siya at si Rebeca'y naglihi. 
 25:22 "Kambal ang kanyang dinadala at nasa tiyan pa'y nagtutulakan na ang dalawa. Kaya't nasabi ng ina, 'Kung ngayon pa'y ganito na ang kalagayan, bakit pa ako mabubuhay?' At siya'y nanalangin." 
 25:23 "Ganito ang tugon ni Yahweh:  'Dalawang sanggol ang dala mo sa loob ng iyong tiyan,  Larawan ng dal'wang bansa na magiging magkalaban;  Mas malakas yaong bata kaya naman balang araw,  Ang matanda ang alipin nitong bunsong iluluwal.' " 
 25:24 Dumating ang panahon at nanganak nga siya ng kambal. 
 25:25 Mamula-mula ang kutis ng una at mabalahibo ang katawan, kaya't Esau ang ipinangalan dito. 
 25:26 Nang lumabas ang pangalawa, nakahawak ito sa sakong ng kanyang kakambal, kaya Jacob naman ang itinawag sa kanya. Animnapung taon si Isaac noon. ( Ipinagbili ni Esau ang Kanyang Karapatan ) 
 25:27 Lumaking malulusog ang mga bata. Naging mahusay na mangangaso si Esau at sa kaparangan na halos tumitira. Si Jacob naman ay tahimik at lagi sa bahay. 
 25:28 Higit ang pagtingin ni Isaac kay Esau, palibhasa'y kinawiwilihan niyang kanin ang mga nahuhuli nito sa pangangaso, samantalang si Jacob naman ang mahal ni Rebeca. 
 25:29 Minsan, si Jacob ay nagluluto ng pulang buto ng sitaw. Siya namang pagdating ni Esau mula sa pangangaso. 
 25:30 "Sinabi niya, 'Gutom na gutom na ako, bigyan mo ako ng mapulang niluluto mo.' (Mula noo'y tinawag siyang Edom.) " 
 25:31 "Sumagot si Jacob, 'Oo, iyo nang lahat ito kung ibibigay mo sa akin ang karapatan ng pagiging panganay.' " 
 25:32 '"Payag na ako,' wika ni Esau, 'aanhin ko pa ang pagkapanganay kung mamamatay naman ako sa gutom?' " 
 25:33 '"Kung gayon,' sabi ni Jacob, 'sumumpa ka muna.' Sumumpa nga si Esau, at ibinigay kay Jacob ang karapatan ng pagiging panganay." 
 25:34 Ibinigay naman ni Jacob kay Esau ang niluto niyang gulay at binigyan pa ito ng tinapay. Matapos kumai't uminom, umalis na agad si Esau. Iyon lamang ang halaga sa kanya ng kanyang karapatan sa pagkapanganay. 
 26:1 ( Si Isaac sa Gerar at sa Beer-seba ) Tulad ng nangyari nang panahon ni Abraham, nagkaroon uli ng taggutom sa lupain ng Canaan, kaya't nakarating si Isaac sa Gerar, sakop ni Abimelec na hari ng mga Filisteo. 
 26:2 "Napakita si Yahweh kay Isaac at ang sabi, 'Huwag kang pupunta sa Egipto; doon ka tumira sa lupaing ituturo ko sa iyo." 
 26:3 Dito ka muna. Ako'y sasaiyo at pagpapalain kita. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi ang buong lupaing ito, tulad ng aking pangako sa iyong amang si Abraham. 
 26:4 Pararamihin kong gaya ng mga bituin ang iyong lahi, at lahat ng lupaing ito'y ibibigay ko sa kanila. At hihilingin sa akin ng lahat ng bansa sa daigdig na sila'y pagpalain ko tulad ng ginagawa ko sa iyong angkan. 
 26:5 "Pagpapalain kita dahil kay Abraham, pagkat sinunod niya ako at tinupad ang aking mga utos.' " 
 26:6 Doon nga tumira si Isaac sa Gerar. 
 26:7 Kung tinatanong siya ng mga tagaroon tungkol kay Rebeca, sinasabi niyang ito'y kanyang kapatid. Inililihim niyang mag-asawa sila sa takot na siya'y patayin para makuha si Rebeca, sapagkat ito'y maganda. 
 26:8 Hindi pa sila nagtatagal sa dakong iyon, nadungawan minsan ni Abimelec na sina Isaac at Rebeca ay naglalambingan. 
 26:9 "Ipinatawag agad ni Abimelec si Isaac at ang wika, 'Tiyak na asawa mo ang babaing iyon, hindi ba? Bakit ang sabi mo'y kapatid mo?' 'Natatakot po ako na baka ako'y patayin kung sabihin kong asawa ko siya,' tugon ni Isaac. " 
 26:10 '"Bakit mo ito ginawa sa amin?' wika ni Abimelec. 'Kung siya'y ginalaw ng isa sa mga tauhan ko, isinubo mo pa kami sa kapahamakan!'" 
 26:11 "At sinabi ni Abimelec sa kanyang nasasakupan, 'Papatayin ang sinumang umapi sa mag-asawang ito.' " 
 26:12 Si Isaac ay nagsaka nang taong iyon, at makasandaang ibayo ang kanyang inani. Pinagpala siya ni Yahweh, 
 26:13 at patuloy na lumago ang kanyang kabuhayan, anupat siya'y yumaman. 
 26:14 Nainggit sa kanya ang mga Filisteo sapagkat marami siyang alipin at mga kawan ng tupa at baka. 
 26:15 Kaya't tinabunan nila ang mga balong ginawa ng mga alipin ni Abraham noong ito'y nabubuhay pa. 
 26:16 "Sinabi ni Abimelec, 'Umalis ka na, Isaac; ikaw ay makapangyarihan na kaysa amin.'" 
 26:17 Kaya, umalis si Isaac at doon tumigil sa kapatagan ng Gerar. 
 26:18 Ipinahukay niya uli ang mga balon ni Abraham na tinabunan ng mga Filisteo. At ang mga balong iyo'y tinawag ni Isaac sa dating tawag dito ng kanyang ama. 
 26:19 Ang mga tauhan ni Isaac ay nakahukay ng isang malakas na bukal sa kapatagan, 
 26:20 "ngunit inangkin ito ng mga taga-Gerar, kaya't tinawag niya iyong 'Balon ng Away,' sapagkat sila'y inaway ng mga tagaroon. " 
 26:21 "Nang makahukay uli sila, nakipagtalo na naman sa kanila ang mga taga-Gerar, kaya't tinawag naman itong 'Balon ng Pagtatalo.'" 
 26:22 "Lumayo sila roon at humukay ng ibang balon. Wala nang umangkin nito, kaya't tinawag niyang 'Balon ng Kalayaan.' 'Uunlad tayo sa lupaing ito,' wika niya, 'pagkat dito tayo binigyan ni Yahweh ng kalayaan.' " 
 26:23 Umalis si Isaac at nagpunta sa Beer-seba. 
 26:24 "Nang gabing yaon, napakita sa kanya si Yahweh at ang sabi:  'Ako ang Diyos ng iyong magulang,  Huwag kang matatakot, kita'y sasamahan;  Pagpapalain ka, at ang iyong angka'y  Pararamihin ko; ito'y alang-alang  Sa aking alipi't lingkod na Abraham.' " 
 26:25 Nagtayo si Isaac ng dambana roon at sinamba si Yahweh. Tumigil sila sa lugar na iyon at humukay uli ng balon ang kanyang mga alipin. ( Ang Kasunduan ni Isaac at ni Abimelec ) 
 26:26 Dumating si Abimelec buhat sa Gerar kasama si Ahuzat na kanyang tagapayo at si Picol, puno ng kanyang hukbo. 
 26:27 "Tinanong siya ni Isaac, 'Bakit mo ako dinalaw? Hindi ba't ako'y pinaalis mo na sa iyong bayan?' " 
 26:28 "Ito ang tugon nila: 'Naniniwala na kami ngayon na sumasaiyo ang Diyos; nais naming makipagkasundo sa iyo. Ipangako mong" 
 26:29 "di mo kami pipinsalain, sapagkat hindi ka naman namin pininsala. Pinakitaan ka namin ng mabuti at di ka ginambala sa iyong pag-alis. Ikaw ngayon ang pinagpapala ni Yahweh.'" 
 26:30 Naghanda si Isaac ng malaking salu-salo at sila'y nagkaina't nag-inuman. 
 26:31 Kinaumagahan, sila'y nagsumpaan na magiging magkaibigan, at masayang naghiwalay. Naging matalik na magkaibigan sila mula noon. 
 26:32 Nang araw ring iyon, ibinalita ng mga alipin ni Isaac na sila'y nakahukay na ng tubig. 
 26:33 Tinawag niyang Seba ang balong iyon. Kaya, hanggang ngayon ay Beer-seba ang tawag sa lunsod na itinayo roon. ( Nag-asawa ng mga Dayuhan si Esau ) 
 26:34 Apatnapung taon si Esau nang siya'y mag-asawa; si Judit na anak ng Heteong si Beeri ang naging asawa niya. Napangasawa rin niya si Basemat, anak naman ni Elon, isa ring Heteo. 
 26:35 Ang dalawang ito ang naging dahilan ng pamimighati ni Isaac at ni Rebeca. 
 27:1 ( Nakamtan ni Jacob ang Pagpapala ) Si Isaac ay matanda na at halos di na makakita. Kaya ipinatawag niya si Esau, ang anak niyang panganay. 
 27:2 "Sinabi niya rito: 'Anak, matanda na ako at malapit nang mamatay." 
 27:3 Mabuti pa'y lumabas ka at mangaso. Ihuli mo ako ng usa 
 27:4 "at lutuin ang putahing gusto ko. Pagkakain ko'y igagawad ko sa iyo ang aking basbas bago ako mamatay.' " 
 27:5 Nakikinig pala si Rebeca samantalang kinakausap ni Isaac si Esau. Kaya't nang umalis ito upang sundin ang bilin ng ama, 
 27:6 "tinawag niya si Jacob at sinabi, 'Narinig ko ang sinabi ng iyong ama kay Esau:" 
 27:7 'Ihuli mo ako ng usa at lutuin mo para sa akin. Pagkakain ko, babasbasan kita sa harapan ni Yahweh bago ako mamatay.' 
 27:8 Ganito ang gawin mo, anak: 
 27:9 Kumuha ka agad ng dalawang kambing na mataba at iluluto ko para sa iyong ama. 
 27:10 "Ipakain mo sa kanya nang ikaw ang magawaran ng basbas bago siya mamatay!' " 
 27:11 '"Ngunit, inay!' tugon ni Jacob, 'mabalahibo si Esau, samantalang ako'y hindi." 
 27:12 "Malalaman ni ama na nililinlang ko siya kapag ako'y kanyang nahipo; susumpain niya ako sa halip na basbasan.' " 
 27:13 "Sumagot ang ina, 'Basta sumunod ka, anak; ako na ang bahala. Kumuha ka na ng kambing.'" 
 27:14 Kumuha nga si Jacob, at iniluto ng kanyang ina ang putahing gustung-gusto ng kanyang ama. 
 27:15 Binihisan ni Rebeca si Jacob ng pinakamagarang damit ni Esau na iniingatan niya. 
 27:16 Ang mga braso at leeg ni Jacob na walang balahibo'y binalutan niya ng balat ng kambing. 
 27:17 Pagkatapos, ipinadala sa anak ang putahe na may kasama pang tinapay na niluto rin niya. 
 27:18 "Lumapit si Jacob kay Isaac. 'Ama!' wika niya. 'Sino ka ba?' tanong nito. " 
 27:19 '"Ako po'y si Esau,' sagot ni Jacob. 'Nagawa ko na po ang inyong iniuutos sa akin. Narito na po ang gusto ninyong pagkain; bumangon na kayo at kanin na ninyo ito nang ako'y mabasbasan pagkatapos.' " 
 27:20 '"Kadali mo naman! Saan ka nakahuli nito?' tanong ni Isaac. 'Tinulungan po ako ni Yahweh na inyong Diyos,' sagot ni Jacob. " 
 27:21 "Nagtanong na muli si Isaac, 'Ikaw ba'y talagang si Esau? Lumapit ka nga rito nang malaman ko kung ikaw nga.'" 
 27:22 "Lumapit naman si Jacob at siya'y hinipo ng ama. 'Kay Jacob ang tinig ngunit ang bisig ay parang kay Esau!' pabulong na wika ni Isaac." 
 27:23 Hindi niya nakilala si Jacob, sapagkat ang mga bisig nito'y mabalahibo ring tulad ng kay Esau. Babasbasan na sana ni Isaac si Jacob, 
 27:24 "ngunit muli pang nagtanong, 'Ikaw nga ba si Esau?' 'Ako nga po,' tugon ni Jacob. " 
 27:25 "Kaya't sinabi ni Isaac, 'Kung gayon, akin na ang pagkain at pagkakain ko'y babasbasan kita.' Iniabot ni Jacob ang pagkain at binigyan pa niya ng alak." 
 27:26 '"Halika anak, at hagkan mo ako,' sabi ng ama." 
 27:27 "Niyakap ni Jacob ang ama at naamoy nito ang kanyang kasuutan, kaya't siya'y binasbasan:  'Ang masamyong halimuyak  ng anak ko, ang katulad  Ay samyo ng kabukirang  si Yahweh ang nagbasbas; " 
 27:28 Bigyan nawa ikaw ng Diyos,  ng hamog buhat sa itaas,  Nang tumaba ang lupa mo't  ikaw nama'y makaranas  Ng saganang pag-aani at alak  na masasarap. 
 27:29 "Bayaan ang mga bansa'y  paalipin at gumalang,  Kilanlin kang panginoon ng  lahat mong mga angkan,  Gumalang din ang lipi mo sa  panig ng iyong inang.  Sila nawang sumusumpa sa iyo  ay sumpain din,  Ngunit yaong nagpapala sa iyo  ay pagpalain.' " 
 27:30 Matapos igawad ni Isaac ang kanyang basbas, umalis si Jacob. Siya namang pagdating ni Esau na may dalang usa. 
 27:31 "Niluto niya ito nang masarap at dinala sa ama. Sinabi niya, 'Maupo kayo, ama, at kanin ninyo ang dala kong pagkain upang ako'y inyong mabasbasan.' " 
 27:32 '"Sino ka ba?' tanong ni Isaac. 'Si Esau po, ang inyong panganay,' tugon naman niya. " 
 27:33 "Nanginig ang buong katawan ni Isaac. Wika niya, 'Kung gayo'y sino ang naunang nagdala sa akin ng pagkain? Katatapos ko lang kumain nang ikaw'y dumating. Binendisyunan ko siya at tataglayin niya iyon magpakailanman.' " 
 27:34 "Humagulgol ng iyak si Esau nang marinig ito at nagsumamo: 'Bendisyunan din ninyo ako, ama!' " 
 27:35 "Ngunit sinabi ni Isaac, 'Nilinlang ako ng iyong kapatid kaya nakuha niya ang bendisyon ko para sa iyo.' " 
 27:36 '"Pangalawa na itong pang-aagaw niya sa akin,' wika ni Esau, 'kaya pala Jacob ang kanyang pangalan! Kinuha na niya ang aking karapatan bilang panganay, at ngayo'y inagaw pa rin niya ang aking bendisyon! Wala ba kayong nalalabing bendisyon para sa akin?' " 
 27:37 '"Wala na akong magagawa, anak,' wika ni Isaac. 'Siya'y panginoon mo na ngayon; ginawa ko nang alipin niya ang kanyang mga kamag-anak. Ibinigay ko na sa kanya ang kasaganaan sa pagkain at inumin, kaya wala nang nalalabi para sa iyo.' " 
 27:38 "Ngunit patuloy na nagsumamo sa kanyang ama si Esau, 'Bakit, isa lang ba ang inyong bendisyon? Idamay na rin ninyo ako.' At patuloy siyang nanangis. " 
 27:39 "Sinabi ni Isaac sa kanya:  'Hindi ka magtatamasa nitong  yaman sa daigdig,  Pati hamog sa itaas magkukulang  ang 'yong bukid; " 
 27:40 "Upang ikaw ay mabuhay ang  patalim ang 'yong gamit,  Ngunit ikaw ay aliping maglilingkod  sa kapatid;  Para ikaw ay lumaya, kailangang  maghimagsik.' " 
 27:41 "Namuhi si Esau kay Jacob pagkat ito ang binasbasan ng kanyang ama. Kaya't ganito ang binuo niya sa kanyang isipan: 'Pagkamatay ng aking ama, at ito'y hindi na magtatagal, papatayin ko si Jacob!' " 
 27:42 "Hindi nalingid kay Rebeca ang balak na ito ni Esau, kaya't ipinagbigay-alam niya agad kay Jacob. Sinabi niya, 'Anak, binabalak ng iyong kapatid na ikaw ay patayin upang makapaghiganti siya." 
 27:43 Umalis kang madali! Pumunta ka sa Haran at doon ka muna tumira sa aking kapatid na si Laban. 
 27:44 Doon ka muna hanggang hindi naglulubag ang galit ng iyong kapatid; 
 27:45 "malilimutan din niya ang ginawa mo sa kanya. Hayaan mo't pababalitaan kita kung maaari ka nang bumalik. Masaklap man sa loob ko ang malayo ka sa akin, lalong di ko matitiis ang kayo'y kapwa tuluyang mawala sa akin.' ( Pinapunta ni Isaac si Jacob kay Laban )" 
 27:46 "Sinabi ni Rebeca kay Isaac, 'Hirap na hirap na ang loob ko sa mga Heteang ito. Kapag Hetea ring tulad nila ang napangasawa ni Jacob, mabuti pang mamatay na ako.'" 
 28:1 "Kaya tinawag ni Isaac si Jacob at matapos batiin ay sinabi, 'Huwag kang mag-aasawa ng Cananea." 
 28:2 Pumunta ka sa Mesopotamia, sa bayan ng iyong Lolo Betuel. Doon ka pumili ng mapapangasawa sa mga pinsan mo, sa mga anak ng iyong Tiyo Laban. 
 28:3 Nawa'y pagpalain ka ng Diyos na Makapangyarihan sa Lahat sa iyong pag-aasawa at magkaroon ng maraming anak upang ikaw ay maging ama ng maraming bansa. 
 28:4 "Pagpalain ka nawa niya gayon din ang iyong lahi, paris ng ginawa niya kay Abraham. Mapasaiyo nawa ang lugar na ito na iyong tinitirahan, ang lupang ipinangako ng Diyos kay Abraham.'" 
 28:5 Pinaalis nga ni Isaac si Jacob at ito'y nagpunta sa Mesopotamia, sa kanyang Tiyo Laban na anak ni Betuel na taga-Aram. Si Laban ay kapatid ni Rebeca na ina nina Jacob at Esau. ( Nag-asawa si Esau ng Isa pa ) 
 28:6 Nalaman ni Esau na pinapunta ni Isaac si Jacob sa Mesopotamia upang doon mag-asawa. Nalaman din niya na noong binebendisyunan si Jacob ay pinagbawalan itong mag-asawa ng babaing Cananea. 
 28:7 Sinunod ni Jacob ang kanyang ama't ina at nagpunta nga sa Mesopotamia. 
 28:8 Nang mabatid ni Esau na ayaw ng kanyang ama sa babaing Cananea, 
 28:9 nagpunta siya sa kanyang Tiyo Ismael na anak din ng kanyang Lolo Abraham. Nag-asawa siya ng isa pa, ang pinsan niyang si Mahalat na kapatid ni Nebayot at anak ni Ismael. ( Nanaginip si Jacob sa Betel ) 
 28:10 Umalis nga si Jacob sa Beer-seba at nagpunta sa Haran. 
 28:11 Inabot siya nang paglubog ng araw sa isang lugar at minabuti niyang doon na magpalipas ng gabi. Isang bato ang inunan niya sa kanyang pagtulog. 
 28:12 Nang gabing yaon, siya'y nanaginip. May nakita siyang hagdan na abot sa langit at nagmamanhik manaog doon ang mga anghel. 
 28:13 "Walang anu-ano'y nakita niya si Yahweh sa tabi niya. Wika sa kanya, 'Ako si Yahweh, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ang lupang ito na iyong hinihigan ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi." 
 28:14 Darami sila na parang alikabok sa lupa at malalaganapan nila ang apat na sulok ng daigdig. Sa pamamagitan mo at ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa. 
 28:15 "Tandaan mo, susubaybayan kita at ipagtatanggol saan ka man magpunta, at ibabalik kita sa lupaing ito. Hindi kita hihiwalayan hanggang sa matupad ang lahat ng sinabi ko sa iyo.' " 
 28:16 "Nagising si Jacob at ang sabi, 'Hindi ko alam na narito pala si Yahweh!" 
 28:17 "Nakapangingilabot ang lugar na ito; ito ang bahay ng Diyos at pintuan ng kalangitan.' " 
 28:18 Maagang gumising si Jacob nang umagang iyon. Kinuha niya ang inunang bato at itinayo bilang isang alaala. Binusan niya ito ng langis at itinalaga sa Diyos. 
 28:19 Tinawag niyang Betel ang lugar na yaon na dati'y tinatawag na Luz. 
 28:20 "Nangako si Jacob nang ganito: 'O Diyos, kung ako'y sasamahan ninyo at iingatan sa paglalakbay na ito, pakakani't pararamtan," 
 28:21 at makababalik na muli sa bahay ng aking ama, kayo po ang magiging Diyos ko. 
 28:22 "Sasambahin kayo sa lugar na ito na pinagtayuan ko ng batong alaalang ito, at iaalay ko sa inyo ang ikapu ng anumang ipinagkakaloob ninyo sa akin.'" 
 29:1 ( Dumating si Jacob kina Laban ) Nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay hanggang sa dumating siya sa lupain ng mga taga-Silangan. 
 29:2 May nakita siyang isang balon sa kaparangan. Sa paligid nito'y may tatlong kawan ng mga tupang nagpapahinga, sapagkat doon pinaiinom ang mga ito. Ang balon ay may takip na malaking bato, 
 29:3 at binubuksan lamang ito pag natitipon na ang mga kawan. Matapos painumin ang mga ito, muli nilang tinatakpan ang balon. 
 29:4 "Tinanong ni Jacob ang mga pastol na naroon, 'Tagasaan kayo, mga kaibigan?' 'Taga-Haran,' tugon nila. " 
 29:5 '"Kilala ba ninyo si Laban na anak ni Nacor?' tanong niyang muli. 'Oo,' wika naman nila. " 
 29:6 '"Kumusta siya?' tanong pa niya. 'Mabuti,' tugon naman nila. 'Hayun at dumarating si Raquel, ang anak niyang dalaga! Kasama niya ang kanyang kawan.' " 
 29:7 '"Maaga pa naman,' wika ni Jacob, 'bakit hindi ninyo painumin ang mga tupa at dalhin muna sa pastulan bago ikulong?' " 
 29:8 '"Aba, hindi maaari!' tugon ng mga pastol. 'Ang lahat ng pastol ay kailangang narito bago buksan ang balon; saka pa kami maaaring magpainom.' " 
 29:9 Nakikipag-usap pa si Jacob nang dumating si Raquel na aboy nga ang kawan ng kanyang ama. 
 29:10 Nang makita ni Jacob si Raquel, binuksan niya ang balon at pinainom ang mga tupa. 
 29:11 Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak siya sa tuwa. 
 29:12 "Sinabi niya, 'Ako'y pamangkin ng iyong ama, anak ng iyong Tiya Rebeca!' Patakbong umuwi si Raquel at ibinalita ito sa ama." 
 29:13 Sinalubong naman agad ni Laban ang kanyang pamangkin. Niyakap niya ito at hinagkan, saka isinama sa kanila. Nang maisalaysay ni Jacob ang lahat, 
 29:14 "sinabi sa kanya ni Laban, 'Tunay na ikaw ay laman ng aking laman at dugo ng aking dugo!' At doon na siya tumira. ( Naglingkod Dahil kina Raquel at Lea )" 
 29:15 "Pagkalipas ng isang buwan, sinabi ni Laban kay Jacob, 'Hindi ngayo't magkamag-anak tayo ay pagtatrabahuhin kita nang walang bayad; magkano bang dapat kong iupa sa iyo?'" 
 29:16 Si Laban ay may dalawang anak na dalaga: si Lea ang nakatatanda at si Raquel naman ang mas bata. 
 29:17 Mapupungay ang mata ni Lea, ngunit mas maganda si Raquel, at balingkinitan pa. 
 29:18 "Nabighani si Jacob kay Raquel, kaya't ang sabi niya kay Laban, 'Paglilingkuran ko kayo nang pitong taon para kay Raquel.' " 
 29:19 "Sinabi ni Laban, 'Mas gusto ko ngang ikaw ang mapangasawa niya kaysa iba. Sige, dito ka na.'" 
 29:20 Pitong taong naglingkod si Jacob upang matamo si Raquel, ngunit iyon ay katumbas lamang ng ilang araw dahil sa laki ng kanyang pag-ibig dito. 
 29:21 "Sinabi ni Jacob kay Laban, 'Dumating na po ang panahong dapat kaming makasal ng inyong anak.'" 
 29:22 Naghanda nang malaki si Laban at inanyayahan ang lahat ng tagaroon. 
 29:23 Ngunit nang gabing yaon, hindi alam ni Jacob na ang pinasiping sa kanya ay si Lea, sa halip na si Raquel. 
 29:24 (Ibinigay ni Laban kay Lea ang kanyang aliping si Zilpa.) 
 29:25 "Kinaumagahan, nakita ni Jacob na si Lea ang kanyang kasiping. Kaya sinabi niya kay Laban, 'Bakit ninyo ito ginawa sa akin? Bakit ninyo ako nilinlang? Naglingkod ako sa inyo para kay Raquel, hindi po ba?' " 
 29:26 "Sumagot si Laban, 'Totoo, ngunit hindi kaugalian dito na mauna pang mag-asawa ang nakababatang kapatid." 
 29:27 "Bayaan mo munang makaraan ang pagdiriwang na ito. Pagkatapos ng sanlinggo, ibibigay ko sa iyo si Raquel kung maglilingkod ka sa akin ng pitong taon pa.' " 
 29:28 Sumang-ayon naman si Jacob at nang matapos ang pagdiriwang, ibinigay nga sa kanya ni Laban si Raquel bilang asawa. 
 29:29 (Ibinigay ni Laban kay Raquel ang alipin niyang si Bilha.) 
 29:30 Sa wakas, naangkin ni Jacob si Raquel; mas mahal niya ito kay Lea. At naglingkod pa si Jacob kay Laban nang pitong taon pa. ( Ang mga Anak ni Jacob ) 
 29:31 Alam ni Yahweh na si Lea ay di gaanong mahal ni Jacob, kaya't niloob niyang magkaanak na ito, samantalang si Raquel ay hindi pa. 
 29:32 "Lalaki ang unang anak ni Lea. 'Alam ni Yahweh ang aking suliranin,' sabi niya. 'Ngayon, pihong mamahalin ako ng aking asawa.' Kaya't Ruben ang ipinangalan niya rito." 
 29:33 "Nagdalantao siyang muli at lalaki na naman ang kanyang naging anak. 'Kaloob din ito sa akin ni Yahweh,' sabi niya, 'dahil sa sinabi kong ako'y mamahalin ng aking asawa.' Kaya't tinawag naman niya itong Simeon." 
 29:34 "Muling nagdalantao si Lea at lalaki uli ang naging anak. Sinabi niya, 'Lalo akong mamahalin ng aking asawa, sapagkat tatlong lalaki na ang aming anak.' At tinawag niya itong Levi." 
 29:35 "Nagdalantao siyang muli at lalaki na naman ang kanyang anak. Sinabi niya, 'Ngayo'y pupurihin ko si Yahweh.' Kaya't tinawag niya itong Juda. Mula noo'y hindi na siya nagkaanak." 
 29:1 ( Dumating si Jacob kina Laban ) Nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay hanggang sa dumating siya sa lupain ng mga taga-Silangan. 
 29:2 May nakita siyang isang balon sa kaparangan. Sa paligid nito'y may tatlong kawan ng mga tupang nagpapahinga, sapagkat doon pinaiinom ang mga ito. Ang balon ay may takip na malaking bato, 
 29:3 at binubuksan lamang ito pag natitipon na ang mga kawan. Matapos painumin ang mga ito, muli nilang tinatakpan ang balon. 
 29:4 "Tinanong ni Jacob ang mga pastol na naroon, 'Tagasaan kayo, mga kaibigan?' 'Taga-Haran,' tugon nila. " 
 29:5 '"Kilala ba ninyo si Laban na anak ni Nacor?' tanong niyang muli. 'Oo,' wika naman nila. " 
 29:6 '"Kumusta siya?' tanong pa niya. 'Mabuti,' tugon naman nila. 'Hayun at dumarating si Raquel, ang anak niyang dalaga! Kasama niya ang kanyang kawan.' " 
 29:7 '"Maaga pa naman,' wika ni Jacob, 'bakit hindi ninyo painumin ang mga tupa at dalhin muna sa pastulan bago ikulong?' " 
 29:8 '"Aba, hindi maaari!' tugon ng mga pastol. 'Ang lahat ng pastol ay kailangang narito bago buksan ang balon; saka pa kami maaaring magpainom.' " 
 29:9 Nakikipag-usap pa si Jacob nang dumating si Raquel na aboy nga ang kawan ng kanyang ama. 
 29:10 Nang makita ni Jacob si Raquel, binuksan niya ang balon at pinainom ang mga tupa. 
 29:11 Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak siya sa tuwa. 
 29:12 "Sinabi niya, 'Ako'y pamangkin ng iyong ama, anak ng iyong Tiya Rebeca!' Patakbong umuwi si Raquel at ibinalita ito sa ama." 
 29:13 Sinalubong naman agad ni Laban ang kanyang pamangkin. Niyakap niya ito at hinagkan, saka isinama sa kanila. Nang maisalaysay ni Jacob ang lahat, 
 29:14 "sinabi sa kanya ni Laban, 'Tunay na ikaw ay laman ng aking laman at dugo ng aking dugo!' At doon na siya tumira. ( Naglingkod Dahil kina Raquel at Lea )" 
 29:15 "Pagkalipas ng isang buwan, sinabi ni Laban kay Jacob, 'Hindi ngayo't magkamag-anak tayo ay pagtatrabahuhin kita nang walang bayad; magkano bang dapat kong iupa sa iyo?'" 
 29:16 Si Laban ay may dalawang anak na dalaga: si Lea ang nakatatanda at si Raquel naman ang mas bata. 
 29:17 Mapupungay ang mata ni Lea, ngunit mas maganda si Raquel, at balingkinitan pa. 
 29:18 "Nabighani si Jacob kay Raquel, kaya't ang sabi niya kay Laban, 'Paglilingkuran ko kayo nang pitong taon para kay Raquel.' " 
 29:19 "Sinabi ni Laban, 'Mas gusto ko ngang ikaw ang mapangasawa niya kaysa iba. Sige, dito ka na.'" 
 29:20 Pitong taong naglingkod si Jacob upang matamo si Raquel, ngunit iyon ay katumbas lamang ng ilang araw dahil sa laki ng kanyang pag-ibig dito. 
 29:21 "Sinabi ni Jacob kay Laban, 'Dumating na po ang panahong dapat kaming makasal ng inyong anak.'" 
 29:22 Naghanda nang malaki si Laban at inanyayahan ang lahat ng tagaroon. 
 29:23 Ngunit nang gabing yaon, hindi alam ni Jacob na ang pinasiping sa kanya ay si Lea, sa halip na si Raquel. 
 29:24 (Ibinigay ni Laban kay Lea ang kanyang aliping si Zilpa.) 
 29:25 "Kinaumagahan, nakita ni Jacob na si Lea ang kanyang kasiping. Kaya sinabi niya kay Laban, 'Bakit ninyo ito ginawa sa akin? Bakit ninyo ako nilinlang? Naglingkod ako sa inyo para kay Raquel, hindi po ba?' " 
 29:26 "Sumagot si Laban, 'Totoo, ngunit hindi kaugalian dito na mauna pang mag-asawa ang nakababatang kapatid." 
 29:27 "Bayaan mo munang makaraan ang pagdiriwang na ito. Pagkatapos ng sanlinggo, ibibigay ko sa iyo si Raquel kung maglilingkod ka sa akin ng pitong taon pa.' " 
 29:28 Sumang-ayon naman si Jacob at nang matapos ang pagdiriwang, ibinigay nga sa kanya ni Laban si Raquel bilang asawa. 
 29:29 (Ibinigay ni Laban kay Raquel ang alipin niyang si Bilha.) 
 29:30 Sa wakas, naangkin ni Jacob si Raquel; mas mahal niya ito kay Lea. At naglingkod pa si Jacob kay Laban nang pitong taon pa. ( Ang mga Anak ni Jacob ) 
 29:31 Alam ni Yahweh na si Lea ay di gaanong mahal ni Jacob, kaya't niloob niyang magkaanak na ito, samantalang si Raquel ay hindi pa. 
 29:32 "Lalaki ang unang anak ni Lea. 'Alam ni Yahweh ang aking suliranin,' sabi niya. 'Ngayon, pihong mamahalin ako ng aking asawa.' Kaya't Ruben ang ipinangalan niya rito." 
 29:33 "Nagdalantao siyang muli at lalaki na naman ang kanyang naging anak. 'Kaloob din ito sa akin ni Yahweh,' sabi niya, 'dahil sa sinabi kong ako'y mamahalin ng aking asawa.' Kaya't tinawag naman niya itong Simeon." 
 29:34 "Muling nagdalantao si Lea at lalaki uli ang naging anak. Sinabi niya, 'Lalo akong mamahalin ng aking asawa, sapagkat tatlong lalaki na ang aming anak.' At tinawag niya itong Levi." 
 29:35 "Nagdalantao siyang muli at lalaki na naman ang kanyang anak. Sinabi niya, 'Ngayo'y pupurihin ko si Yahweh.' Kaya't tinawag niya itong Juda. Mula noo'y hindi na siya nagkaanak." 
 29:1 ( Dumating si Jacob kina Laban ) Nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay hanggang sa dumating siya sa lupain ng mga taga-Silangan. 
 29:2 May nakita siyang isang balon sa kaparangan. Sa paligid nito'y may tatlong kawan ng mga tupang nagpapahinga, sapagkat doon pinaiinom ang mga ito. Ang balon ay may takip na malaking bato, 
 29:3 at binubuksan lamang ito pag natitipon na ang mga kawan. Matapos painumin ang mga ito, muli nilang tinatakpan ang balon. 
 29:4 "Tinanong ni Jacob ang mga pastol na naroon, 'Tagasaan kayo, mga kaibigan?' 'Taga-Haran,' tugon nila. " 
 29:5 '"Kilala ba ninyo si Laban na anak ni Nacor?' tanong niyang muli. 'Oo,' wika naman nila. " 
 29:6 '"Kumusta siya?' tanong pa niya. 'Mabuti,' tugon naman nila. 'Hayun at dumarating si Raquel, ang anak niyang dalaga! Kasama niya ang kanyang kawan.' " 
 29:7 '"Maaga pa naman,' wika ni Jacob, 'bakit hindi ninyo painumin ang mga tupa at dalhin muna sa pastulan bago ikulong?' " 
 29:8 '"Aba, hindi maaari!' tugon ng mga pastol. 'Ang lahat ng pastol ay kailangang narito bago buksan ang balon; saka pa kami maaaring magpainom.' " 
 29:9 Nakikipag-usap pa si Jacob nang dumating si Raquel na aboy nga ang kawan ng kanyang ama. 
 29:10 Nang makita ni Jacob si Raquel, binuksan niya ang balon at pinainom ang mga tupa. 
 29:11 Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak siya sa tuwa. 
 29:12 "Sinabi niya, 'Ako'y pamangkin ng iyong ama, anak ng iyong Tiya Rebeca!' Patakbong umuwi si Raquel at ibinalita ito sa ama." 
 29:13 Sinalubong naman agad ni Laban ang kanyang pamangkin. Niyakap niya ito at hinagkan, saka isinama sa kanila. Nang maisalaysay ni Jacob ang lahat, 
 29:14 "sinabi sa kanya ni Laban, 'Tunay na ikaw ay laman ng aking laman at dugo ng aking dugo!' At doon na siya tumira. ( Naglingkod Dahil kina Raquel at Lea )" 
 29:15 "Pagkalipas ng isang buwan, sinabi ni Laban kay Jacob, 'Hindi ngayo't magkamag-anak tayo ay pagtatrabahuhin kita nang walang bayad; magkano bang dapat kong iupa sa iyo?'" 
 29:16 Si Laban ay may dalawang anak na dalaga: si Lea ang nakatatanda at si Raquel naman ang mas bata. 
 29:17 Mapupungay ang mata ni Lea, ngunit mas maganda si Raquel, at balingkinitan pa. 
 29:18 "Nabighani si Jacob kay Raquel, kaya't ang sabi niya kay Laban, 'Paglilingkuran ko kayo nang pitong taon para kay Raquel.' " 
 29:19 "Sinabi ni Laban, 'Mas gusto ko ngang ikaw ang mapangasawa niya kaysa iba. Sige, dito ka na.'" 
 29:20 Pitong taong naglingkod si Jacob upang matamo si Raquel, ngunit iyon ay katumbas lamang ng ilang araw dahil sa laki ng kanyang pag-ibig dito. 
 29:21 "Sinabi ni Jacob kay Laban, 'Dumating na po ang panahong dapat kaming makasal ng inyong anak.'" 
 29:22 Naghanda nang malaki si Laban at inanyayahan ang lahat ng tagaroon. 
 29:23 Ngunit nang gabing yaon, hindi alam ni Jacob na ang pinasiping sa kanya ay si Lea, sa halip na si Raquel. 
 29:24 (Ibinigay ni Laban kay Lea ang kanyang aliping si Zilpa.) 
 29:25 "Kinaumagahan, nakita ni Jacob na si Lea ang kanyang kasiping. Kaya sinabi niya kay Laban, 'Bakit ninyo ito ginawa sa akin? Bakit ninyo ako nilinlang? Naglingkod ako sa inyo para kay Raquel, hindi po ba?' " 
 29:26 "Sumagot si Laban, 'Totoo, ngunit hindi kaugalian dito na mauna pang mag-asawa ang nakababatang kapatid." 
 29:27 "Bayaan mo munang makaraan ang pagdiriwang na ito. Pagkatapos ng sanlinggo, ibibigay ko sa iyo si Raquel kung maglilingkod ka sa akin ng pitong taon pa.' " 
 29:28 Sumang-ayon naman si Jacob at nang matapos ang pagdiriwang, ibinigay nga sa kanya ni Laban si Raquel bilang asawa. 
 29:29 (Ibinigay ni Laban kay Raquel ang alipin niyang si Bilha.) 
 29:30 Sa wakas, naangkin ni Jacob si Raquel; mas mahal niya ito kay Lea. At naglingkod pa si Jacob kay Laban nang pitong taon pa. ( Ang mga Anak ni Jacob ) 
 29:31 Alam ni Yahweh na si Lea ay di gaanong mahal ni Jacob, kaya't niloob niyang magkaanak na ito, samantalang si Raquel ay hindi pa. 
 29:32 "Lalaki ang unang anak ni Lea. 'Alam ni Yahweh ang aking suliranin,' sabi niya. 'Ngayon, pihong mamahalin ako ng aking asawa.' Kaya't Ruben ang ipinangalan niya rito." 
 29:33 "Nagdalantao siyang muli at lalaki na naman ang kanyang naging anak. 'Kaloob din ito sa akin ni Yahweh,' sabi niya, 'dahil sa sinabi kong ako'y mamahalin ng aking asawa.' Kaya't tinawag naman niya itong Simeon." 
 29:34 "Muling nagdalantao si Lea at lalaki uli ang naging anak. Sinabi niya, 'Lalo akong mamahalin ng aking asawa, sapagkat tatlong lalaki na ang aming anak.' At tinawag niya itong Levi." 
 29:35 "Nagdalantao siyang muli at lalaki na naman ang kanyang anak. Sinabi niya, 'Ngayo'y pupurihin ko si Yahweh.' Kaya't tinawag niya itong Juda. Mula noo'y hindi na siya nagkaanak." 
 30:1 "Nanaghili si Raquel sa kanyang kapatid sapagkat hindi siya magkaanak. Sinabi niya kay Jacob, 'Mamamatay ako kapag hindi pa tayo nagkaanak.' " 
 30:2 "Nagalit si Jacob at sinabi kay Raquel, 'Nasa akin ba iyon? Hindi ko maaaring pangunahan ang Diyos! Siya, at hindi ako ang pumipigil sa iyo upang hindi ka magkaanak.' " 
 30:3 '"Kung gayon,' sabi ni Raquel, 'sipingan mo ang alipin kong si Bilha upang magkaanak ako sa pamamagitan niya.' " 
 30:4 At pinasiping niya kay Jacob ang kanyang aliping si Bilha. 
 30:5 Nagdalantao ito at nanganak ng lalaki. 
 30:6 '"Sumang-ayon sa akin ang Diyos,' wika ni Raquel. 'Dininig niya ang aking dalangin at pinagkalooban ako ng anak na lalaki.' Kaya Dan ang ipinangalan niya rito." 
 30:7 Muling nagdalantao si Bilha at nanganak ng isa pang lalaki. 
 30:8 "Sinabi ni Raquel, 'Naging mahigpit ang labanan naming magkapatid, ngunit ako ang nagtagumpay.' Kaya, tinawag niyang Neftali ang bata. " 
 30:9 Nang hindi na manganak si Lea, ibinigay naman niya kay Jacob si Zilpa, 
 30:10 at nagkaanak ito ng lalaki. 
 30:11 '"Mapalad ako,' sabi ni Lea, 'kaya, Gad ang ipapangalan ko sa kanya.'" 
 30:12 Si Zilpa'y muling nagdalantao at nagkaanak ng isa pang lalaki. 
 30:13 "Sinabi ni Lea, 'Masayang-masaya ako! Masaya ang itataguri sa akin ng mga babae.' Kaya't tinawag niyang Aser ang bata. " 
 30:14 "Anihan na noon ng trigo. Samantalang naglalakad sa kaparangan, si Ruben ay nakasumpong ng bunga ng mandragora at dinala niya ito kay Lea na kanyang ina. 'Bigyan mo naman ako ng mandragorang dala ng iyong anak,' pakiusap ni Raquel kay Lea. " 
 30:15 "Sinagot siya ni Lea, 'Hindi ka pa ba nasisiyahang kunin ang aking asawa, at pati mandragora ng aking anak ay pinagmimithian mo pa?' Sinabi ni Raquel, 'Bigyan mo lamang ako ng mandragora'y iyo na si Jacob ngayong gabi.' " 
 30:16 "Gabi na nang dumating noon si Jacob galing sa kaparangan. Sinalubong agad siya ni Lea at sinabi, 'Sa akin ka sisiping ngayong gabi; si Raquel ay binigyan ko ng mandragorang dala ng aking anak para sa karapatang ito.' Nagsiping nga sila nang gabing iyon," 
 30:17 at dininig ng Diyos ang dalangin ni Lea. Nagdalantao siya at ito ang panlimang anak nila ni Jacob. 
 30:18 "Kaya't sinabi ni Lea, 'Ginantimpalaan ako ng Diyos sapagkat ipinagkaloob ko sa aking asawa ang aking alipin'; at pinangalanan niyang Isacar ang kanyang anak." 
 30:19 Muling nagdalantao si Lea, at ito ang pang-anim niyang anak. 
 30:20 '"Napakainam itong kaloob sa akin ng Diyos!' sabi niya. 'Pihong lubusan na akong mamahalin ng aking asawa, sapagkat anim na ang aming anak.' Ang anak niyang ito'y tinawag naman niyang Zabulon." 
 30:21 Di nalaunan, nagkaanak naman siya ng babae, at ito'y tinawag niyang Dina. 
 30:22 Sa wakas, nahabag din ang Diyos kay Raquel at dininig ang kanyang dalangin. 
 30:23 "Nagdalantao siya at nagkaanak ng isang lalaki. Kaya't sinabi niya, 'Tinubos din ako ng Diyos sa aking kadustaan at niloob na ako'y magkaanak.'" 
 30:24 "At tinawag niyang Jose ang kanyang anak. 'Sana'y bigyan ako ni Yahweh ng isa pa,' ang wika niya. ( Ang Kasunduan ni Jacob at ni Laban )" 
 30:25 "Nang maipanganak si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, 'Pahintulutan na po ninyo akong makauwi." 
 30:26 "Isasama ko na po ang aking mga asawa at mga anak. Marahil po nama'y sapat na ang aking ipinaglingkod sa inyo dahil sa kanila.' " 
 30:27 "Sinabi ni Laban, 'Kung mamarapatin mo'y ito ang sasabihin ko: Batay sa karanasan ko sa panghuhula, tunay na pinagpala ako ni Yahweh dahil sa iyo." 
 30:28 "Sabihin mo kung magkano ang dapat kong ibayad sa iyo at babayaran kita, huwag ka lamang umalis.' " 
 30:29 "Sumagot si Jacob, 'Alam naman ninyo kung paano ako naglingkod sa inyo at kung paano dumami ang inyong kawan sa aking pangangasiwa." 
 30:30 "Ang kaunti ninyong kabuhayan bago ako dumating ay maunlad na ngayon, sapagkat pinagpala kayo ni Yahweh dahil sa akin. Kaya, dapat namang iukol ko na ngayon ang aking panahon sa aking sambahayan.' " 
 30:31 '"Ano ang gusto mong ibayad ko sa iyo?' tanong ni Laban. Tumugon si Jacob, 'Hindi ko po kailangang ako'y upahan ninyo. Patuloy kong aalagaan ang inyong kawan, kung sasang-ayon kayo sa isang kundisyon." 
 30:32 Pupunta ako sa inyong kawan ngayon din at ibubukod ko ang mga korderong itim, gayon din ang mga bisirong kambing na may tagping puti. Iyon na po ang para sa akin. 
 30:33 "Sa darating na panahon, madali ninyong malalaman kung ako'y tapat sa inyo o hindi. Tuwing titingnan ninyo ang mga hayop na naging upa ninyo sa akin, at mayroon kayong makitang hindi itim na kordero o kaya'y kambing na walang tagpi, masasabi ninyong ninakaw ko iyon sa inyo.' " 
 30:34 '"Mabuti!' tugon ni Laban, 'iyan ang ating gagawin.'" 
 30:35 Ngunit nang araw ring yaon, ibinukod ni Laban ang lahat ng kambing na may tagpi maging barako o inahin, gayon din ang mga tupang itim at ito'y pinaalagaan niya sa kanyang mga anak na lalaki. 
 30:36 Iniwan niya kay Jacob ang natira sa kawan at silang mag-aama'y lumayo nang may tatlong araw na paglalakbay, dala ang alaga nilang kawan. 
 30:37 Pumutol si Jacob ng mga sariwang sanga ng estorake, almendro, at platano at binalatan niya ang ibang parte upang magmukhang may batik. 
 30:38 Inilagay niya ito sa painuman upang makita ng mga hayop tuwing iinom. Sa ganoong pagkakataon nag-aasawahan ang mga hayop. 
 30:39 Napaglihihan ang mga batik-batik na sanga, kaya batik-batik ang kanilang bisiro. 
 30:40 Ibinukod niya ang mga hayop na tagpian at itim sa kawan ni Laban upang ang mga ito ang laging natatanaw ng mga tupang puti habang nanginginain. Sa gayon, parami nang parami ang sarili niyang kawan at ito'y hindi niya inihahalo sa kawan ni Laban. 
 30:41 Ang batik-batik na sanga ng kahoy ay inilalagay lamang ni Jacob sa painuman kung malulusog na hayop ang nag-aasawahan. 
 30:42 Ngunit hindi niya ito ginagawa kung ang mga hayop na nag-aasawahan ay hindi malulusog. Kaya't malulusog ang kanyang mga hayop samantalang ang kay Laban ay hindi. 
 30:43 Anupat yumaman siya; lumaki ang kanyang kawan at dumami ang kanyang alipin, kamelyo at asno. 
 31:1 ( Nilayasan ni Jacob si Laban ) Nabalitaan ni Jacob na laging sinasabi ng kanyang mga bayaw na kinamkam na niyang lahat ang ari-arian ng kanilang ama at galing dito ang lahat daw niyang kayamanan. 
 31:2 Napuna rin niyang nagbago na si Laban ng pagtingin sa kanya. 
 31:3 "Minsan, sinabi sa kanya ni Yahweh, 'Magbalik ka na sa lupain ng iyong mga magulang at sasamahan kita.' " 
 31:4 Pinasabihan ni Jacob si Raquel at si Lea na tagpuin siya sa parang na kinaroroonan ng mga kawan. 
 31:5 "Sinabi niya sa kanila, 'Napansin kong iba na ang pagtingin sa akin ng inyong ama, di na tulad ng dati. Subalit di ako pinabayaan ng Diyos ng aking mga magulang." 
 31:6 Alam ninyong ginugol ko ang aking buong lakas sa paglilingkod sa inyong ama. 
 31:7 Sa kabila noon, dinadaya pa rin niya ako. Sampung beses nang binabago niya ang upa sa akin ngunit hindi ipinahintulot ng Diyos na ako'y maapi. 
 31:8 Kapag sinabi ni Laban na ang iuupa sa akin ay yaong may tagpi o kaya ay itim, ang buong kawan ay nanganganak nang gayon. 
 31:9 Ang Diyos ang may kaloob na mapasaakin ang kawan ng inyong ama. 
 31:10 '"Sa panahon ng pag-aasawahan ng mga hayop, ako'y nanaginip. Nakita ko na pawang may tagpi ang lahat ng barakong kambing." 
 31:11 Sa aking panaginip, tinawag ako ng anghel ng Diyos at ako nama'y tumugon. 
 31:12 Ang wika sa akin: 'Jacob, masdan mo ang lahat ng mga barakong kambing, silang lahat ay may tagpi. Ginawa ko ito sapagkat alam kong dinadaya ka ni Laban. 
 31:13 "Ako ang Diyos na napakita sa iyo sa Betel. Doo'y gumawa ka ng isang panata; pinahiran mo ng langis ang bato bilang alaala. Gumayak ka at iwan mo ang lupaing ito; umuwi ka na sa inyo.'' " 
 31:14 "Sinabi naman nina Raquel at Lea, 'Wala na kaming mamanahin kay ama." 
 31:15 Dayuhan na ang palagay niya sa amin. Ipinagbili niya kami, at nilustay ang lahat ng pinagbilhan sa amin. 
 31:16 "Kaya, ang lahat ng kayamanang inalis ng Diyos kay ama ay sa amin at sa aming mga anak. Gawin mo ang sinasabi sa iyo ng Diyos.' " 
 31:17 Isinakay niya sa kamelyo ang kanyang mga asawa't mga anak. 
 31:18 Dinala niya ang kanyang mga kawan at lahat ng kayamanang natipon niya sa Mesopotamia at bumalik sa Canaan, sa lupain ng kanyang ama. 
 31:19 Wala noon si Laban pagkat naggugupit ng balahibo ng tupa. Sinamantala iyon ni Raquel upang kunin ang mga diyus-diyusan sa tolda ng kanyang ama. 
 31:20 Hindi sinabi ni Jacob sa kanyang biyenan ang kanilang pag-alis. 
 31:21 Tinawid niya ang Ilog Eufrates patungong Bundok ng Galaad, dala ang lahat niyang ari-arian. ( Tinugis ni Laban si Jacob ) 
 31:22 Makaraan ang tatlong araw, nalaman ni Laban ang pag-alis nina Jacob. 
 31:23 Isinama niya ang kanyang mga tauhan at hinabol nila si Jacob. Inabot nila ito sa Bundok ng Galaad, pagkaraan ng pitong araw. 
 31:24 Nang gabing yaon, si Laban ay kinausap ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip. Sinabi sa kanyang huwag aanuhin si Jacob. 
 31:25 Nang dumating si Laban, si Jacob ay nakapagtayo na ng kanyang tolda sa kaburulan. Nagtayo rin ng tolda si Laban sa kaburulang iyon, sa Bundok ng Galaad. 
 31:26 "Si Jacob ay tinanong ni Laban, 'Bakit mo ako nilinlang at itinakas ang aking mga anak na parang mga bihag?" 
 31:27 Bakit mo inilihim sa akin ang iyong pag-alis? Sana'y inihatid ko kayo na may tugtugan at awitan sa saliw ng pandereta at kudyapi. 
 31:28 Hindi mo man lamang ako binigyan ng pagkakataong mahagkan ang aking mga anak at mga apo bago sila umalis. Napakalaking kahangalan ang ginawa mong ito. 
 31:29 Kung sabagay kaya kitang saktan, ngunit hindi ko ito gagawin. Sinusuwerte ka, sapagkat kagabi'y sinabi sa akin ng Diyos ng iyong ama na huwag kitang aanuhin sa anumang paraan. 
 31:30 "Alam kong kaya mo ginawa ito ay sapagkat sabik na sabik ka nang umuwi. Ang ipinagdaramdam ko lamang ay ninakaw mo pati ang aking mga diyus-diyusan.' " 
 31:31 "Sumagot si Jacob, 'Natakot po ako na baka hindi ninyo pasamahin sa akin ang inyong mga anak." 
 31:32 "Ngayon, kung makita ninyo ang inyong diyus-diyusan sa sinuman sa amin, dapat siyang mamatay. Saksi ang naritong mga lalaki; tingnan ninyo kung mayroon kayong anumang ari-arian dito at kunin ninyo.' Hindi alam ni Jacob na si Raquel ang kumuha ng mga diyus-diyusan ni Laban. " 
 31:33 Hinalughog ni Laban ang tolda ni Jacob, ang kay Lea, at gayon din ang sa dalawang aliping babae, ngunit hindi niya nakita ang kanyang mga diyus-diyusan. Pumasok din siya sa tolda ni Raquel, 
 31:34 ngunit naitago na nito ang mga diyus-diyusan sa supot-panapin ng kamelyo at kanyang inupan. Hinalughog na mabuti ni Laban ang buong tolda, ngunit wala siyang nakita. 
 31:35 "Sinabi ni Raquel sa kanyang ama, 'Huwag po kayong magagalit sa akin kung sa harapan ninyo'y hindi ako makatayo, sapagkat ako po'y nireregla.' Patuloy na naghanap si Laban, ngunit hindi rin niya nakita ang kanyang mga diyus-diyusan. " 
 31:36 "Halos magputok ang dibdib ni Jacob sa tindi ng galit. Tinanong niya si Laban, 'Ano bang pagkakasala ang ginawa ko sa inyo? May batas ba akong nilabag at gayon na lamang ang paghahalughog ninyo?" 
 31:37 Kung may nakuha kayong ari-arian sa sinuman sa amin, ilabas ninyo at pahatol tayo sa ating mga kasamahan! 
 31:38 Dalawampung taon tayong nagkasama. Patuloy ang pagdami ng inyong mga tupa't kambing, at ni isang tupang barako sa kawan ninyo'y di ko pinangahasang kanin. 
 31:39 Kung may tupang sinila ng mababangis na hayop, hindi ko na ipinakikita sa inyo. Pinapalitan ko agad. Pinipilit ninyo akong magbayad ng anumang nawawala, maging iyo'y nawala sa gabi o sa araw. 
 31:40 Mahabang panahon akong nagtiis ng matinding init ng araw, at lamig ng gabi. Kulang na kulang ako sa tulog. 
 31:41 Iyan ang naranasan ko sa loob ng dalawampung taong kasama ninyo. Labing-apat na taon akong naglingkod sa inyo dahil sa dalawa ninyong anak na babae, at anim na taon pa para sa inyong mga kawan. Sa kabila noon, sampung beses ninyong binago ang ating partihan. 
 31:42 "Mabuti na lamang at kasama ko ang Diyos ng aking mga magulang, ang Diyos ni Abraham na sinamba ni Isaac. Kung hindi, marahil ay pinalayas ninyo ako nang walang kadala-dala. Hindi lingid sa Diyos ang aking sulirani't pagpapakasakit, kaya, kagabi'y hinatulan niya kayo.' ( Ang Kasunduan ni Jacob at ni Laban )" 
 31:43 "Sinabi ni Laban kay Jacob, 'Ang lahat ng dala mo'y akin: aking mga anak, aking mga apo at aking mga kawan. Ngunit ano pa ang magagawa ko?" 
 31:44 "Ang mabuti'y gumawa tayo ng kasunduan. Magbunton tayo ng bato at gawin nating alaala.' " 
 31:45 Naglagay si Jacob ng isang bato bilang isang alaala. 
 31:46 Sinabi niya sa kanyang mga tauhan na maglagay rin doon ng bato. Pagkatapos, kumain sila sa tabi ng buntong bato. 
 31:47 Ito'y tinawag ni Laban na Jegar-sahaduta at Gal-ed naman ang itinawag doon ni Jacob, 
 31:48 "sapagkat sinabi ni Laban, 'Ang talumpok na ito ng mga bato ang tagapagpaalaala ng kasunduan nating dalawa.'" 
 31:49 "Tinawag ding Mizpa ang lugar na iyon sapagkat sinabi ni Laban, 'Bantayan nawa tayo ni Yahweh samantalang tayo'y magkalayo." 
 31:50 "Kapag inapi mo ang aking mga anak, o nag-asawa ka ng iba, alalahanin mo na wala man ako roon, ang Diyos ang saksi sa ating kasunduan.'" 
 31:51 "Pagkatapos, sinabi ni Laban, 'Narito sa pagitan natin ang mga batong ibinunton ko, at narito rin ang batong inilagay mo." 
 31:52 Ang mga ito ang ating palatandaan. Ito rin ang magiging hanggahan natin upang maiwasan ang paglusob sa isa't isa. 
 31:53 "Ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Nacor ang hahatol sa atin.' At sa ngalan ng Diyos, sumumpa si Jacob na tutupad siya sa kasunduang ito." 
 31:54 Pagkatapos, nagpatay siya ng isang hayop at ito'y inihandog doon sa bundok. Nagsalu-salo sila at doon na rin nagpalipas ng gabi pagkatapos. 
 31:55 Kinaumagahan, umuwi na si Laban matapos hagkan ang kanyang mga anak at mga apo. 
 32:1 ( Humanda si Jacob na Salubungin si Esau ) Si Jacob ay nagpatuloy ng paglalakbay at sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos. 
 32:2 "Sinabi niya, 'Ito ang hukbo ng Diyos,' kaya tinawag niyang Mahanaim ang lugar na iyon. " 
 32:3 Nagpadala siya ng mga sugo sa kapatid niyang si Esau sa lupain ng Seir, sakop ng bansang Edom. 
 32:4 "Ganito ang kanyang ipinasabi: 'Ako ang abang kapatid mong si Jacob. Matagal na akong naninirahan sa Tiyo Laban at ngayon lamang ako uuwi." 
 32:5 "Marami akong mga baka, asno, tupa, kambing at mga alipin. Pinauna ko ang mga sugong ito upang ipamanhik sa iyo na magkasundo na tayo.' " 
 32:6 "Pagbabalik ng mga sugo, sinabi nila, 'Nakausap po namin si Esau at ngayon po'y nasa daan na siya at may kasamang 400 lalaki upang salubungin kayo.'" 
 32:7 Sinidlan ng takot si Jacob at labis na nabahala. Kaya't pinagdalawa niyang pangkat ang kanyang mga tauhan pati mga hayop 
 32:8 upang, kung salakayin sila ni Esau, ang isang pangkat ay makaligtas. 
 32:9 "At nanalangin si Jacob, 'Diyos ni Abraham at ni Isaac, tulungan po ninyo ako! Sinabi po ninyong ako'y bumalik sa aming lupain at mga kamag-anak, at hindi ninyo ako pababayaan." 
 32:10 Hindi po ako karapat-dapat sa lahat ng kagandahang-loob ninyo sa akin. Nang tumawid po ako sa Jordan, wala akong dala kundi tungkod, ngunit ngayon sa aking pagbabalik, dalawang pangkat na ang aking kasama. 
 32:11 Iligtas ninyo ako sa kapangyarihan ng aking kapatid na si Esau. Nangangamba po akong pagkikita nami'y patayin niya kami pati mga babae at mga bata. 
 32:12 "Nangako po kayong hindi ninyo ako pababayaan. Sinabi ninyong pararamihin ninyo ang aking mga inanak, sindami ng mga buhangin sa dagat.' " 
 32:13 Kinabukasan, si Jacob ay naghanda ng regalo para kay Esau. Pumili siya ng 
 32:14 dalawampung barako at 200 inahing kambing, 200 inahing tupa at dalawampung barako, 
 32:15 tatlumpung gatasang kamelyo na may mga bisiro, apatnapung inahing baka at sampung toro at dalawampung inahing asno at sampung lalaki. 
 32:16 "Bawat kawan ay ipinabahala niya sa isang alipin. Sinabi niya sa kanila, 'Mauna kayo sa akin, ngunit huwag kayong magsasabay-sabay; magkakaroon ng pagitan ang bawat pangkat.'" 
 32:17 "Sinabi niya sa naunang alipin, 'Kung masalubong mo ang aking kapatid at tanungin ka, 'Sino ang iyong panginoon? Saan ka pupunta? Kaninong mga hayop ito?'" 
 32:18 "Sabihin mong ang mga hayop na dala mo'y ipinabibigay ko sa kanya. Sabihin mo ring kasunod na ninyo ako.'" 
 32:19 Ganito rin ang iniutos niya sa pangalawa, pangatlo at sa lahat ng aliping kasama ng kawan. 
 32:20 Ipinasabi rin niya sa mga ito na siya'y kasunod nila. Inisip ni Jacob na sa ganitong paraa'y patatawarin siya ni Esau, kung sila'y magtagpo, dahil sa mga alaalang padala niya. 
 32:21 Ang mga alaalang ito'y nauna sa kanya; namahinga muna siya sa kanyang kampo nang gabing iyon. ( Nakipagbuno si Jacob Doon sa Peniel ) 
 32:22 Gumising nang gabi ring yaon si Jacob at itinawid sa Ilog Jaboc ang dalawa niyang asawa, labing-isang anak at dalawang aliping babae. 
 32:23 Pagkatapos, itinawid ang lahat niyang ari-arian, 
 32:24 at mag-isang nagbalik sa kabila. Doon, nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang magbubukang-liwayway. 
 32:25 Nang maramdaman ng lalaki na hindi niya magagapi si Jacob, pinalo niya ito sa balakang at ito'y nalinsad. 
 32:26 "Sinabi ng lalaki, 'Bitiwan mo na ako at magbubukang-liwayway na!' 'Hindi kita bibitiwan hangga't hindi mo ako binebendisyunan,' wika ni Jacob." 
 32:27 Tinanong ng lalaki kung sino siya, at sinabi niyang siya'y si Jacob. 
 32:28 "Sinabi sa kanya ng lalaki, 'Mula ngayo'y Israel na ang itatawag sa iyo, hindi na Jacob, sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.' " 
 32:29 '"Ano pong ngalan ninyo?' tanong ni Jacob. 'Bakit gusto mo pang malaman?' sagot naman ng lalaki. At binasbasan niya si Jacob. " 
 32:30 "Sinabi ni Jacob, 'Nakita ko nang mukhaan ang Diyos, gayunma'y buhay pa rin ako.' At tinawag niyang Peniel ang lugar na iyon." 
 32:31 Sikat na ang araw nang umalis siya roon at pipilay-pilay na lumakad. 
 32:32 Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayo'y hindi kinakain ng mga Israelita ang litid ng pigi ng hayop, sapagkat iyon ang bahaging napilay kay Jacob. 
 33:1 ( Nagkita si Jacob at si Esau ) Natanaw ni Jacob na dumarating si Esau kasama ang 400 niyang tauhan. Kaya't pinasama niya ang mga bata sa kani-kanilang ina. 
 33:2 Nasa unahan ang dalawang aliping babae at ang kanilang mga anak, kasunod si Lea at ang kanyang mga anak, at sa hulihan si Raquel at ang anak nitong si Jose. 
 33:3 Umuna si Jacob sa kanilang lahat at makapitong yumukod hanggang sa makarating sa harapan ng kapatid. 
 33:4 Siya'y patakbong sinalubong ni Esau, niyakap nang mahigpit at hinagkan. Parehong umiiyak ang magkapatid. 
 33:5 "Nang makita ni Esau ang mga babae at mga bata, itinanong niya kung sino sila. 'Iyan ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos,' tugon ni Jacob." 
 33:6 Nagsilapit ang mga aliping babae na kasama ang mga bata at yumukod; 
 33:7 sumunod si Lea at ang kasamang mga bata, at sa katapus-tapusa'y si Jose at si Raquel. Yumukod silang lahat at nagbigay-galang kay Esau. 
 33:8 '"Ano naman ang mga kawan na nasalubong ko?' tanong ni Esau. 'Iyon ay mga pasalubong ko sa iyo,' sagot niya. " 
 33:9 "Ngunit sinabi ni Esau, 'Sapat na sa akin ang kabuhayan ko. Ingatan mo na iyon para sa iyo.' " 
 33:10 "Sinabi ni Jacob, 'Huwag! Iyan ay talagang para sa iyo; tanggapin mo na kung talagang ako'y pinatatawad mo. Pagkakita ko sa mukha mo at madama ang kagandahang-loob mo sa akin, para ko nang nakita ang Diyos!" 
 33:11 "Kaya, tanggapin mo na ang aking munting nakayanan. Naging mabuti sa akin ang Diyos; hindi ako nagkulang sa anumang bagay.' At hindi niya nilubayan si Esau hanggang sa tanggapin nito ang kanyang kaloob. " 
 33:12 '"Tayo'y babalik na, at ako ang mauuna sa paglakad,' wika ni Esau. " 
 33:13 "Sinabi ni Jacob, 'Ang mga bata'y mahinang lumakad. Inaalaala ko rin ang mga tupa at bakang may bisiro. Kung tayo'y magmadali para makatipid ng isang araw, baka naman mamatay ang mga ito." 
 33:14 "Mabuti pa, mauna ka na at kami'y susunod sa inyo. Sisikapin ko namang bilis-bilisan ang lakad hanggang kaya ng mga hayop at bata at mag-aabot din tayo sa Seir.' " 
 33:15 '"Kung gayon, pasasamahan ko kayo sa ilang tauhan ko,' wika ni Esau. 'Huwag na! Labis-labis na ang iyong kagandahang-loob sa akin,' sabi naman ni Jacob." 
 33:16 Nang araw na iyon ay umuna na si Esau patungong Seir. 
 33:17 Nagtuloy naman si Jacob sa Sucot at nagtayo roon ng kanyang tirahan at kulungan ng mga hayop. Kaya, tinawag na Sucot ang lugar na iyon. 
 33:18 Mula sa Sucot, si Jacob ay tumawid sa Siquem at nagtayo ng kanyang tolda sa isang parang sa tapat ng lunsod. Sa wakas, nakabalik siya sa Canaan matapos manirahan nang matagal sa Mesopotamia. 
 33:19 Ang parang na pinagtayuan niya ng tolda ay binili niya sa tagapagmana ni Hamor na ama ni Siquem sa halagang 100 pirasong pilak. 
 33:20 Doon siya nagtayo ng dambana at tinawag niyang El-Elohe-Israel, na ang ibig sabihin, ang Diyos ay Diyos ng Israel. 
 34:1 ( Ginahasa si Dina ) Si Dina, ang anak na dalaga ni Jacob kay Lea ay dumalaw sa ilang kababaihan doon. 
 34:2 Nakita siya ni Siquem, anak na binata ni Hamor na pinuno roon. Sapilitan siyang isinama nito at ginahasa. 
 34:3 Napamahal na sa kanya si Dina at sinikap niyang aliwin ito. 
 34:4 Sinabi ni Siquem sa kanyang ama na lakaring mapangasawa niya ang dalaga. 
 34:5 Nalaman ni Jacob ang nangyari sa kanyang anak, ngunit hindi muna siya kumibo sapagkat nagpapastol noon ng baka ang kanyang mga anak na lalaki. 
 34:6 Nagpunta naman si Hamor kay Jacob upang makipag-usap. 
 34:7 Siya namang pagdating ng mga anak na lalaki ni Jacob mula sa kaparangan. Nabigla sila nang mabalitaan ang nangyari sa kapatid, at gayon na lamang ang kanilang galit dahil sa ginawa ni Siquem. Ito'y itinuring nilang isang paglapastangan sa buong angkan ni Jacob. 
 34:8 "Sinabi ni Hamor, 'Yaman din lamang na iniibig ni Siquem si Dina, bakit hindi pa natin sila ipakasal?" 
 34:9 Magkaisa na tayo! Bayaan nating mapangasawa ng aming mga binata ang inyong mga dalaga, at ng aming mga dalaga ang inyong mga binata. 
 34:10 "Dito na kayo mamuhay sa aming bansa. Maaari kayong tumira kung saan ninyo ibig; maaari kayong maghanapbuhay at magkaroon ng ari-arian.' " 
 34:11 "Nakiusap ding mabuti si Siquem sa ama at mga kapatid ni Dina. Sinabi niya, 'Pagbigyan na po ninyo ang aking hangarin, at humiling naman kayo ng gusto ninyo." 
 34:12 "Sabihin po ninyo kung ano ang dote na dapat kong ibigay at kung magkano pa ang kailangan kong ipagkaloob sa inyo, makasal lamang kami.' " 
 34:13 Dahil sa nangyari kay Dina, ang mga anak na lalaki ni Jacob ay naging maingat sa pagsagot sa mag-amang Siquem. 
 34:14 "Sinabi nila, 'Malaking kahihiyan namin kung hindi tuli ang mapangasawa ng aming kapatid." 
 34:15 Papayag lamang kami kung ikaw at ang lahat ng mga lalaking nasasakupan ninyo ay patutuli. 
 34:16 Pagkatapos, maaari na ninyong mapangasawa ang aming mga dalaga at ang inyo nama'y mapapangasawa namin. Magiging magkababayan na tayo at mamumuhay tayong magkakasama. 
 34:17 "Kung di kayo sasang-ayon, isasama na namin si Dina at aalis na kami.' " 
 34:18 Pumayag naman ang mag-amang Hamor at Siquem. 
 34:19 Hindi na sila nag-atubili sapagkat napakalaki ng pag-ibig ni Siquem kay Dina. Si Siquem ay iginagalang ng lahat sa kanilang sambahayan. 
 34:20 Tinipon ng mag-ama ang lahat ng lalaki sa Siquem, sa may pintuan ng lunsod. Sinabi nila, 
 34:21 '"Napakabuting makisama ng mga dayuhang dumating dito sa atin. Dito na natin sila patirahin, maluwang din lamang ang ating lupain. Pakasalan natin ang kanilang mga dalaga at sila nama'y gayon din." 
 34:22 Ngunit mangyayari lamang ito kung ang ating mga kalalakihan ay patutuli na tulad nila. 
 34:23 "Sa gayon, ang kanilang ari-arian, mga kawan at bakahan ay mapapasaatin. Sumang-ayon na tayong mamuhay silang kasama natin.'" 
 34:24 Sumang-ayon naman sa hamon na ito ang mga lalaki, at ang lahat ay napatuli. 
 34:25 Nang ika-3 araw na sukdulan ang kirot ng sugat ng mga tinuli, ang lunsod ay pinasok nina Simeon at Levi, mga kapatid ni Dina, at pinagpapatay ang mga lalaki roon na walang kamalay-malay. 
 34:26 Pinatay nila pati ang mag-amang Hamor at Siquem, at itinakas si Dina. 
 34:27 Ang mga sugatan nama'y inutas ng ibang anak ni Jacob at pagkatapos, sinamsam nila ang anumang mahalagang ari-arian doon. Ginawa nila ito dahil sa nalugsong puri ng kanilang kapatid. 
 34:28 Sinamsam nila pati mga kawan, mga bakahan, mga asno at lahat ng bagay maging sa bayan at sa bukid. 
 34:29 Dinala nilang lahat ang mga kayamanan, binihag ang mga babae't mga bata, at walang itinirang anuman. 
 34:30 "Sinabi ni Jacob kina Simeon at Levi, 'Binigyan ninyo ako ng napakalaking suliranin. Ngayon, kamumuhian tayo ng mga Cananeo at Perezeo. Pag nagkaisa silang salakayin tayo, wala tayong sapat na tauhang magtatanggol; maaari nilang lipulin ang aking sambahayan.' " 
 34:31 "Ngunit sila'y sumagot, 'Matitiis po ba naming lapastanganin nila ang aming kapatid at itulad sa masamang babae?'" 
 35:1 ( Binasbasan ng Diyos si Jacob sa Betel ) "Sinabi ng Diyos kay Jacob, 'Pumunta ka sa Betel at doon ka manirahan. Ipagtayo mo roon ng dambana ang Diyos na napakita sa iyo samantalang tumatakas ka sa iyong kapatid na si Esau.' " 
 35:2 "Kaya't sinabi ni Jacob sa kanyang sambahayan at sa lahat ng kasama niya, 'Itapon ninyong lahat ang diyus-diyusang taglay ninyo, maglinis kayo ng inyong katawan ayon sa kautusan, at magbihis pagkatapos." 
 35:3 "Aalis tayo rito at pupunta sa Betel. Magtatayo ako roon ng dambana para sa Diyos na kasama ko saanman at laging tumutulong sa akin sa panahon ng kagipitan.'" 
 35:4 Ibinigay nila kay Jacob ang kanilang diyus-diyusan at ang suot nilang mga hikaw. Ang lahat ng ito'y ibinaon sa tabi ng punong roble na malapit sa Siquem. 
 35:5 Ang mga tagaroon ay natakot kay Jacob at sa kanyang mga anak na lalaki, kaya't walang nangahas humabol sa kanila nang sila'y umalis. 
 35:6 Nang dumating sila sa Luz, sa lupain ng Canaan, 
 35:7 gumawa siya ng dambana at tinawag na Betel ang lugar na yaon, sapagkat doon napakita sa kanya ang Diyos nang siya'y tumatakas sa kanyang kapatid. 
 35:8 "Namatay si Debora, ang nag-alaga kay Rebeca, at inilibing sa tabi ng punong roble sa makababa ng Betel. At ang dakong iyo'y tinawag na 'Roble ng Pagluha.' " 
 35:9 Pagbabalik ni Jacob mula sa Mesopotamia, muling napakita sa kanya ang Diyos at siya'y pinagpala. 
 35:10 '"Jacob ang pangalan mo,' sabi ng Diyos, 'ngunit mula ngayon, Israel na ang itatawag sa iyo.'" 
 35:11 "Sinabi pa sa kanya, 'Ako ang Makapangyarihang Diyos; magkakaroon ka ng maraming anak. Darami ang iyong mga inapo at sa kanila'y may magiging hari. Magmumula sa lahi mo ang maraming bansa." 
 35:12 "Ang mga lupaing aking ipinangako kay Abraham at kay Isaac ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak.'" 
 35:13 At iniwan siya ng Diyos. 
 35:14 Naglagay si Jacob ng batong pananda sa dakong pinagtagpuan nila. Binusan niya ito ng langis matapos lagyan ng inuming handog. 
 35:15 Tinawag niyang Betel ang dakong iyon. ( Namatay si Raquel ) 
 35:16 Umalis sila sa Betel. Nang sila'y malapit na sa Efrata, naramdaman ni Raquel na manganganak na siya at napakatindi ng kanyang hirap. 
 35:17 "Sinabi sa kanya ng hilot, 'Huwag kang matakot, lalaki na naman ang isisilang mo.'" 
 35:18 Nasa bingit na siya ng kamatayan, at bago siya nalagutan ng hininga, ang sanggol ay tinawag niyang Benoni, ngunit Benjamin naman ang ipinangalan ni Jacob. 
 35:19 Namatay si Raquel at inilibing sa may lansangang patungo sa Efrata na ngayon ay Betlehem. 
 35:20 "Ang puntod ay nilagyan ni Jacob ng batong pananda at tinawag na, 'Bantayog ni Raquel'; naroon pa ito hanggang ngayon." 
 35:21 Nagpatuloy ng paglalakbay si Israel at doon nagkampo sa kabilang panig ng tore ng Eder. ( Ang mga Anak ni Jacob ) 
 35:22 Samantalang sina Israel ay nasa lupaing iyon, si Ruben ay natuksong sumiping kay Bilha, isa sa mga asawa ng kanyang ama. Nagalit si Jacob nang malaman ito. Labindalawa ang mga anak na lalaki ni Jacob: 
 35:23 kay Lea, ang naging anak niya'y sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zabulon; 
 35:24 kay Raquel, si Jose at si Benjamin; 
 35:25 kay Bilha na alipin ni Raquel, si Dan at si Neftali; 
 35:26 kay Zilpa naman na alipin ni Lea, ang naging anak niya'y sina Gad at Aser. Sa Mesopotamia ipinanganak ang lahat ng ito. ( Namatay si Isaac ) 
 35:27 Dumalaw si Jacob sa kanyang amang si Isaac sa Mamre, na tinatawag ding Kiryat-arba o Hebron. Dito rin tumira si Abraham. 
 35:28 Si Isaac ay 180 taon 
 35:29 nang mamatay at mamahinga sa piling ng kanyang mga ninuno. Siya'y inilibing nina Esau at Jacob. 
 36:1 ( Ang Lahi ni Esau ) Ito ang mga anak ni Esau na tinatawag ding Edom. 
 36:2 Ang napangasawa ni Esau ay mga Cananea: si Ada, anak ni Elon na Heteo; si Aholibama, anak ni Ana at apo ni Zibeon na Heveo; 
 36:3 at si Basemat na anak naman ni Ismael at kapatid ni Nebayot. 
 36:4 Ang anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz; kay Basemat ay si Reuel; 
 36:5 at kay Aholibama ay sina Jeus, Jalam at Core. Silang lahat ay ipinanganak sa Canaan. 
 36:6 Nangibang lupain si Esau kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, mga tauhan, pati ang mga baka at dinala ang lahat ng ari-arian. 
 36:7 Iniwan niya si Jacob sa Canaan, sapagkat ang lupaing ito'y hindi na sapat sa mga kawan nila. 
 36:8 Sa Seir nanirahan si Esau. 
 36:9 Ito ang mga anak ni Esau, ang pinagmulan ng mga Edomita sa kaburulan ng Seir: 
 36:10 si Elifaz, anak kay Ada; at si Reuel, kay Basemat. 
 36:11 Ang mga anak naman ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz. 
 36:12 At si Amalec ang naging anak ni Elifaz kay Timna. Ito ang mga apo ni Esau kay Ada. 
 36:13 Ito naman ang mga apo ni Esau kay Reuel na anak ni Basemat: Nahat, Zera, Sama at Miza. 
 36:14 Ang mga anak ni Esau kay Aholibama, anak ni Ana at apo ni Zibeon ay sina Jeus, Jalam at Core. 
 36:15 Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau: Teman, Omar, Zefo at Kenaz; 
 36:16 Core, Gatam at Amalec, mga anak ni Elifaz na kanyang panganay at apo ni Ada. Sila'y naging pinuno sa lupain ng Edom. 
 36:17 Naging mga pinuno rin sa lupain ng Edom sina Nahat, Zera, Sama, at Miza na mga anak ni Reuel. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat. 
 36:18 Sina Jeus, Jalam at Core, ang naging pinuno sa mga anak ni Esau kay Aholibama, anak ni Ana. 
 36:19 Ang mga iyan ang naging pinuno sa lahi ni Esau. ( Ang Lahi ni Seir ) 
 36:20 Ito ang mga anak ni Seir, ang Horeo: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 
 36:21 Dison, Ezer at Disan. Sila ang mga pinuno ng mga Horeo at taal na tagaroon. 
 36:22 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Heman. Si Timna ay kapatid na babae ni Lotan. 
 36:23 Ito naman ang mga anak ni Sobal: Alvan, Manahat, Ebal, Sefo at Onam. 
 36:24 Ang kay Zibeon naman ay sina Aya at Ana. (Si Ana ang nakatuklas ng mainit na bukal sa ilang samantalang inaalagaan ang mga asno ng kanyang ama.) 
 36:25 Ang anak ni Ana ay si Dison at ang kapatid nitong babae na si Aholibama. 
 36:26 Ang mga anak naman ni Dison ay sina Hemdan, Esban, Itran at Keran. 
 36:27 Sina Bilhan, Zaavan at Acan ang mga anak naman ni Ezer. 
 36:28 At ang kay Disan ay sina Hus at Aran. 
 36:29 Ito ang mga pinuno ng mga Horeo sa lupain ng Seir ayon sa kanilang angkan: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 
 36:30 Dison, Ezer at Disan. ( Ang mga Hari ng Edom ) 
 36:31 Ito naman ang naging hari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng haring Israelita. 
 36:32 Si Bela, ang anak ni Beor, ay naghari sa Lunsod ng Dinaba. 
 36:33 Pagkamatay niya, pumalit si Jobab, na anak ni Zerah, taga-Bosra. 
 36:34 Nang mamatay naman si Jobab, pumalit si Husam na Temanita. 
 36:35 Namatay si Husam, at humalili naman si Hadad, anak ni Bedad na tumalo sa mga Medianita sa lupain ng Moab. Avit ang tawag sa kanyang lunsod. 
 36:36 Pagkamatay ni Hadad, siya'y pinalitan ni Samla na taga-Masreca. 
 36:37 Si Saul namang taga-Rehobot sa Eufrates ang sumunod na namahala pagkamatay ni Samla. 
 36:38 Pagkamatay ni Saul, ang naghari ay si Baal-hanan na anak ni Acbor. 
 36:39 Pagkamatay ni Baal-hanan, pumalit si Hadar. Ang ngalan ng lunsod niya ay Pau. Si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Mezahab ang kanyang asawa. 
 36:40 Ito ang mga liping nagmula kay Esau ayon sa kanilang tirahan: Timna, Alva, Jetet, 
 36:41 Aholibama, Ela at Pinon, 
 36:42 Kenaz, Teman at Mibzar, 
 36:43 Magdiel at Iram. Ito ang mga bansa ng Edom ayon sa kani-kanilang tirahan. Si Esau ang ninuno ng mga Edomita. 
 37:1 ( Si Jose at ang Kanyang mga Kapatid ) Si Jacob ay nanatili sa Canaan, sa tinirahan ng kanyang ama. 
 37:2 Ito ang kanyang kasaysayan: Nang si Jose ay labimpitong taon na, nag-aalaga siya ng kawan kasama ng kanyang mga kapatid sa ama, ang mga anak nina Bilha at Zilpa. Alam niya ang masasamang gawain ng kanyang mga kapatid kaya't ang mga ito'y isinumbong niya sa kanilang ama. 
 37:3 Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito'y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas. 
 37:4 Dinamdam ito ng kanyang mga kapatid at ayaw nilang pakisamahang mabuti si Jose. 
 37:5 Minsan nanaginip siya at lalo silang namuhi nang ito'y sabihin niya. 
 37:6 '"Napanaginipan ko,' wika ni Jose," 
 37:7 '"na tayo ay nasa bukid at nagbibigkis ng trigo. Tumayo raw ang aking binigkis at yumukod sa paligid nito ang inyong mga binigkis.' " 
 37:8 '"Ano! Ang ibig mo bang sabihin ay maghahari ka sa amin?' tanong nila. At lalo silang nagalit kay Jose. " 
 37:9 "Nanaginip uli si Jose at isinalaysay sa kanyang mga kapatid: 'Nakita ko sa aking panaginip na ang araw, ang buwan at labing-isang bituin ay yumukod sa aking harapan.' " 
 37:10 "Sinabi rin niya ito sa kanyang ama, at ito'y nagalit din sa kanya. 'Anong ibig mong sabihin?' tanong ng ama. 'Kami ng iyong ina't mga kapatid ay yuyukod sa harapan mo?'" 
 37:11 Inggit na inggit kay Jose ang kanyang mga kapatid; hindi naman ito maubos-maisip ng kanyang ama. ( Ipinagbili si Jose at Dinala sa Egipto ) 
 37:12 Nasa Siquem ang mga kapatid ni Jose at doon inaalagaan ang kawan ng kanilang ama. 
 37:13 "Sinabi ni Israel, 'Gumayak ka at sumunod sa iyong mga kapatid.' 'Opo,' tugon ni Jose. " 
 37:14 "Sinabi pa ng kanyang ama, 'Tingnan mo kung sila'y nasa mabuting kalagayan. Bumalik ka agad at nang malaman ko.' Lumakad nga si Jose. Sumapit siya sa Siquem, sa Lambak ng Hebron." 
 37:15 Nakita siya ng isang lalaki at tinanong kung anong hinahanap niya. 
 37:16 '"Hinahanap ko po ang aking mga kapatid na nagpapastol ng aming kawan,' tugon niya. 'Saan ko po kaya sila makikita?' " 
 37:17 "Sinabi ng lalaki, 'Umalis na sila at ang dinig ko'y sa Dotan pupunta.' Sumunod si Jose at natagpuan nga roon ang mga kapatid. " 
 37:18 Malayo pa siya'y natanaw na ng mga ito. Nagkaisa silang patayin siya. 
 37:19 "Sinabi nila, 'Ayan na ang mapanaginipin!" 
 37:20 "Patayin natin at ihulog sa balon, at sabihing sinila ng mabangis na hayop. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanyang mga panaginip.' " 
 37:21 "Narinig ito ni Ruben at binalak niyang iligtas si Jose. Sabi niya, 'Huwag, huwag nating patayin." 
 37:22 "Huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; ihulog na lamang natin sa balon.' Sinabi niya ito, sapagkat ang balak niya ay iligtas ang kapatid." 
 37:23 Paglapit ni Jose, hinubdan nila ito, 
 37:24 at inihulog sa isang tuyong balon. 
 37:25 Habang sila'y kumakain, may natanaw silang pangkat ng mga Ismaelitang mula sa Galaad. Ang kanilang mga kamelyo ay may kargang mga gagawing pabango na dadalhin sa Egipto. 
 37:26 "Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, 'Wala tayong mapapala kung patayin natin ang ating kapatid." 
 37:27 "Mabuti pa'y ipagbili na lamang natin siya sa mga Ismaelita kaysa ating saktan! Siya'y kapatid din natin: laman ng ating laman at dugo ng ating dugo.' At sila'y nagkasundo." 
 37:28 Nang malapit na ang mga mangangalakal, iniahon nila si Jose at ipinagbili sa halagang dalawampung pirasong pilak. At si Jose'y dinala ng mga Ismaelita sa Egipto. 
 37:29 Pagbabalik ni Ruben sa balon, nakita niyang wala na roon si Jose. Sa laki ng kanyang pagdaramdam, ginahak niya ang kanyang damit. 
 37:30 "Lumapit siya sa kanyang mga kapatid at ang sabi, 'Wala na sa balon si Jose! Ano ang gagawin ko ngayon?' " 
 37:31 Nagpatay sila ng kambing at itinubog sa dugo nito ang hinubad na damit ni Jose. 
 37:32 "Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, 'Nakita po namin ang damit na ito, tingnan nga ninyo kung ito ang sa mahal ninyong anak.'" 
 37:33 "Nakilala niya agad ang damit. 'Kanya nga ito! Pinatay ng mabangis na hayop ang anak ko! Pihong nagkaluray-luray ang kanyang katawan.'" 
 37:34 Ginahak ni Jacob ang suot niyang damit, at nagpamigkis ng kayong itim. Ipinagluksa niya nang mahabang panahon ang kanyang anak. 
 37:35 "Inaliw siya ng lahat niyang mga anak ngunit patuloy ang kanyang pamimighati. Sinabi niya, 'Mamamatay na akong nagdadalamhati dahil sa pagkawala ng aking anak na ito.' Patuloy siyang nagluksa dahil kay Jose. " 
 37:36 Samantala, pagdating sa Egipto, si Jose'y ipinagbili ng mga Ismaelita kay Potifar, punong kawal ng Faraon at kapitan ng mga tanod sa palasyo. 
 38:1 ( Si Juda at si Tamar ) Hindi nagtagal at humiwalay si Juda sa kanyang mga kapatid at nagpunta sa Adullam at nakipanirahan kay Hira. 
 38:2 Napangasawa niya roon ang anak ni Sua, isang Cananeo. 
 38:3 Nagkaanak sila ng tatlong lalaki: Er ang ipinangalan sa panganay, 
 38:4 ang pangalawa'y Onan, 
 38:5 at Sela naman ang pangatlo. Si Juda ay nasa Kizib nang ipanganak si Sela. 
 38:6 Pinapag-asawa ni Juda ang kanyang panganay na si Er at ang napangasawa nito'y si Tamar. 
 38:7 Napakasama ng ugali ni Er, kaya't nagalit sa kanya si Yahweh at siya'y pinatay. 
 38:8 "Kaya't sinabi ni Juda kay Onan, 'Tungkulin mong sipingan ang balo ng iyong kapatid upang magkaroon siya ng mga anak sa pamamagitan mo.'" 
 38:9 Alam ni Onan na hindi ituturing na kanya ang magiging anak niya sa kanyang hipag. Kaya itinatapon niya sa labas ang kanyang binhi upang huwag magkaanak ang kanyang kapatid sa pamamagitan niya. 
 38:10 Ito'y kasuklam-suklam kay Yahweh kaya't pinatay rin siya. 
 38:11 "Sinabi ni Juda kay Tamar, 'Umuwi ka na muna sa inyo at hintayin mong lumaki ang bunso kong si Sela.' Sinabi niya ito dahil sa takot na baka mangyari kay Sela ang sinapit ng kanyang mga kapatid. Kaya't umuwi muna si Tamar sa kanyang ama. " 
 38:12 Hindi nagtagal at namatay ang asawa ni Juda. Matapos ang pagluluksa, nagpunta si Juda sa Timnat para tingnan ang paggugupit ng kanyang mga tupa. Kasama niya ang kaibigan niyang si Hira na taga-Adullam. 
 38:13 May nagsabi kay Tamar na pupunta sa Timnat ang kanyang biyenan. 
 38:14 Pagkarinig nito, hinubad niya ang kanyang damit-panluksa. Nagtalukbong siya at naupo sa pagpasok ng Enaim, bayang nadadaanan patungo sa Timnat. Ginawa niya ito pagkat alam niyang binata na si Sela, ngunit hindi pa sila ipinakakasal ng kanyang biyenan. 
 38:15 Nakita ni Juda si Tamar; inakala niyang ito'y patutot sapagkat may takip ang mukha. 
 38:16 "Lumapit siya at sinabi, 'Halika't paligayahin mo ako.' Hindi niya alam na ito ang kanyang manugang. 'Anong ibabayad mo sa akin?' tanong ng babae. " 
 38:17 "Sumagot si Juda, 'Padadalhan kita ng isang batang kambing.' 'Payag ako,' sabi ng babae, 'kung bibigyan mo ako ng isang sangla hangga't hindi ko tinatanggap ang ipadadala mo.' " 
 38:18 '"Anong sangla ang gusto mo?' tanong ni Juda. Sumagot siya, 'Ang iyong singsing na pantatak kasama ang kadena at ang tungkod mo.' Ibinigay niya ang hiningi ng babae at sila'y nagsiping. Nagdalantao si Tamar." 
 38:19 Pagkatapos, umuwi siya at inalis ang kanyang talukbong at isinuot na muli ang kanyang damit-panluksa. 
 38:20 Pag-uwi ni Juda, sinugo niya ang kaibigan niyang taga-Adullam upang dalhin sa babae ang ipinangako niyang kambing, at kunin naman ang iniwang sangla. 
 38:21 Nagtanung-tanong siya sa mga lalaking tagaroon, at ang sagot ng mga ito'y walang gayong babae roon. 
 38:22 Nagbalik kay Juda ang kanyang kaibigan at sinabi ang naging bunga ng kanyang lakad. 
 38:23 "Kaya't sinabi ni Juda, 'Hayaan mo na sa kanya ang iniwan kong sangla, baka tayo'y pagtawanan pa ng mga tao. Dinala mo na sa kanya ang kambing, ngunit wala siya roon!' " 
 38:24 "Makaraan ang tatlong buwan, may nagsabi kay Juda, 'Ang manugang mong si Tamar ay naglaro ng apoy at ngayo'y nagdadalantao.' 'Ilabas ninyo siya at sunugin!' ang utos ni Juda. " 
 38:25 "Habang siya'y kinakaladkad na palabas, ipinasabi niya sa kanyang biyenan, 'Ang may-ari ng mga ito ang nakabuntis sa akin. Tingnan mo kung kanino ang singsing, kadena at tungkod na ito.' " 
 38:26 "Nakilala ni Juda ang iniwan niyang sangla, kaya't sinabi niya, 'Wala siyang kasalanan, ako ang nagkulang; dapat sana'y ipinakasal ko siya kay Sela.' At hindi niya ito muling sinipingan. " 
 38:27 Dumating ang panahon ng pagluluwal ni Tamar at nasumpungang kambal ang kanyang iluluwal. 
 38:28 Samantalang siya'y nagdaramdam, lumabas ang kamay ng isa at ito'y tinalian ng hilot ng pulang sinulid upang makilala ang unang inianak. 
 38:29 "Ngunit iniurong ng sanggol ang kanyang kamay at naunang lumabas ang kanyang kakambal. Sinabi ng hilot, 'Ano't nakipagsiksikan kang palabas?' Dahil dito, Fares ang ipinangalan sa bata." 
 38:30 Ang sanggol na may taling pulang sinulid ang huling iniluwal. At ito'y pinanganlang Zara. 
 39:1 ( Si Jose at ang Asawa ni Potifar ) Pagdating sa Egipto, si Jose'y ipinagbili ng mga Ismaelita kay Potifar, ang kapitan ng mga tanod sa palasyo ng Faraon. 
 39:2 Sa buong panahon ng paglilingkod niya sa bahay ni Potifar, sumasakanya si Yahweh. Anumang kanyang gawin ay nagtatagumpay. 
 39:3 Napansin ito ni Potifar. 
 39:4 Sa tuwa niya'y ginawa niya itong katiwala sa bahay at sa lahat niyang ari-arian. 
 39:5 Mula noon, pinagpala ni Yahweh ang buong sambahayan ni Potifar dahil kay Jose. Umunlad ang kanyang kabuhayan. 
 39:6 Ipinagkatiwala ni Potifar kay Jose ang lahat, maliban sa pagpili ng kanyang kakanin. Si Jose'y matipuno at makisig. 
 39:7 "Dumating ang panahon na kinahumalingan siya ng asawa ni Potifar. Sinabi nito, 'Sipingan mo ako.' " 
 39:8 "Tumanggi si Jose at ang sabi, 'Panatag po ang kalooban ng aking panginoon sapagkat ako'y narito. Ginawa niya akong katiwala," 
 39:9 "at ipinabahala niya sa akin ang lahat sa bahay na ito, maliban sa inyo na kanyang asawa. Hindi ko po magagawa ang ganyang kataksilan at pagkakasala sa Diyos.'" 
 39:10 Hindi pinansin ni Jose ang araw-araw na pagsusumamo sa kanya ng babae. 
 39:11 Ngunit isang araw, nasa bahay si Jose upang gampanan ang kanyang tungkulin. Nagkataong wala roon ang ibang mga utusan. 
 39:12 "Walang anu-ano'y hinawakan siya ng babae at sinabi, 'Halika't sipingan mo na ako!' Patakbong lumabas siya ngunit nakuha ng babae ang kanyang balabal." 
 39:13 Sa pangyayaring ito, 
 39:14 "nagsisigaw ito at tinawag ang mga katulong na lalaki, 'Tingnan ninyo! Dinalhan tayo ng asawa ko ng Hebreong ito para tayo hamakin. Sukat ba namang pasukin ako sa aking silid at gusto akong pagsamantalahan! Mabuti na lamang at ako'y nakasigaw;" 
 39:15 "pagsigaw ko'y kumaripas siya ng takbo, at naiwan sa akin ang kanyang damit.' " 
 39:16 Itinago niya ang balabal ni Jose hanggang sa dumating ang asawa. 
 39:17 "Sinabi niya rito, 'Naku! Ang Hebreong dinala mo rito, bigla na lamang pumasok sa aking silid at ibig akong pagsamantalahan." 
 39:18 "Nang ako'y sumigaw, kumaripas ng takbo at naiwan sa akin ang kanyang balabal.' " 
 39:19 Nagalit si Potifar nang marinig ang sinabi ng asawa, 
 39:20 kaya't ipinahuli niya si Jose at isinama sa mga bilanggong tauhan ng Faraon. 
 39:21 Ngunit si Jose ay hindi pinabayaan ni Yahweh. Ang bantay ng bilangguan ay naging napakabait sa kanya. 
 39:22 Si Jose ay ginawa niyang tagapamahala ng lahat ng mga bilanggo, at siya ang tanging nagpapasiya kung ano ang gagawin sa loob ng bilangguan. 
 39:23 Hindi na halos nakikialam ang bantay ng bilangguan sa ginagawa ni Jose, sapagkat alam niyang si Yahweh ay kasama nito sa lahat niyang gawain. 
 40:1 ( Ipinaliwanag ni Jose ang mga Panaginip ) Minsan, ang tagapangasiwa ng mga inumin ng Faraon at ang punong panadero'y kapwa nagkasala sa kanilang panginoon. 
 40:2 Sa galit nito, 
 40:3 sila'y ipinakulong sa bahay ng punong guwardiya ng piitang pinagdalhan kay Jose. 
 40:4 Si Jose ang naatasan ng kapitan na tumingin at maglingkod sa dalawang bilanggo, kaya't matagal silang magkasama sa bilangguan. 
 40:5 Isang gabi, ang tagapangasiwa ng mga inumin at ang punong panadero ay kapwa nanaginip. 
 40:6 Kinaumagahan, nang dumalaw si Jose, napuna niyang nababalisa ang dalawa. 
 40:7 Tinanong niya kung bakit, 
 40:8 "at sila'y nagpaliwanag. 'Alam mo, kapwa kami nanaginip, ngunit wala isa mang makapagpaliwanag ng kahulugan.' 'Ang Diyos lamang ang magpapaunawa sa atin ng kahulugan ng mga panaginip,' sabi ni Jose. 'Ano ba ang napanaginipan ninyo?' " 
 40:9 "Ang tagapangasiwa ng inumin ang unang nagsalaysay. Wika niya, 'Napanaginipan kong sa harapan ko'y may puno ng ubas" 
 40:10 na may tatlong sanga. Pagsipot ng dahon nito, namulaklak na rin at kaagad nahinog ang mga bunga. 
 40:11 "Hawak ko noon ang saro ng Faraon, kaya't pinisa ko ang ubas at ibinigay sa Faraon.' " 
 40:12 '"Ito ang kahulugan ng panaginip mo,' wika ni Jose. 'Ang tatlong sanga ay tatlong araw." 
 40:13 Sa loob ng tatlong araw, ipatatawag ka ng Faraon at patatawarin. Ibabalik ka sa dati mong tungkulin. 
 40:14 Kaya, kapag naroon ka na, banggitin mo naman ako sa Faraon. 
 40:15 "Ang totoo'y kinuha lamang ako sa lupain ng mga Hebreo, at wala akong nalalamang dahilan upang mabilanggo.' " 
 40:16 "Pagkakita ng punong panadero na maganda ang kahulugan ng panaginip ng kanyang kasama, sinabi nito kay Jose, 'Ako'y nanaginip din. Ako'y may sunong daw na tatlong bakol." 
 40:17 "Ang nasa ibabaw ay may lamang iba't ibang pagkaing hinurno para sa Faraon, ngunit ang pagkaing iyo'y tinutuka ng mga ibon.' " 
 40:18 "Sinabi ni Jose, 'Ito ang kahulugan ng panaginip mo:" 
 40:19 "sa loob ng tatlong araw ay ipatatawag ka rin ng Faraon at pupugutan ka. Pagkatapos, ibibitin sa kahoy ang iyong bangkay at hahayaang tukain ng mga ibon.' " 
 40:20 Ang ika-3 araw ay kaarawan ng Faraon, at naghanda siya ng isang salusalo para sa kanyang mga kagawad. Iniharap niya sa kanyang mga panauhin ang tagapangasiwa ng mga inumin at ang punong panadero. 
 40:21 Ibinalik niya sa tungkulin ang tagapangasiwa ng mga inumin, 
 40:22 ngunit ipinabitay ang punong panadero. Natupad ang sinabi ni Jose sa dalawa, 
 40:23 ngunit siya'y nakalimutan ng tagapangasiwa ng mga inumin. 
 41:1 ( Ipinaliwanag ni Jose ang mga Panaginip ng Faraon ) Pagkaraan ng dalawang taon, ang Faraon naman ang nanaginip. Napanaginipan niyang siya'y nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo. 
 41:2 Walang anu-ano, may pitong magaganda't matatabang baka na umahon sa ilog at nanginain ng damo. 
 41:3 Umahon din mula sa ilog na iyon ang pitong pangit at payat na baka. 
 41:4 Lumapit ang mga ito at kinain ang pitong matatabang baka. At nagising ang Faraon. 
 41:5 Nakatulog siyang muli at nanaginip na naman. May pitong uhay na sumipot sa isang puno ng trigo. Masagana at matataba ang mga butil nito. 
 41:6 Walang anu-ano'y may sumipot na pitong uhay na madadalang at payat ang mga butil dahil sa hampas ng hangin. 
 41:7 Kinain ng mga payat ang matatabang uhay, at nagising ang Faraon. Noon niya nalamang siya pala'y nananaginip. 
 41:8 Pagsapit ng umaga'y nabagabag siya, kaya't ipinatawag niyang lahat ang mga salamangkero at marurunong sa buong Egipto. Sinabi niya ang kanyang mga panaginip, ngunit isa ma'y walang makapagpaliwanag. 
 41:9 "Lumapit sa Faraon ang tagapangasiwa ng mga inumin at sinabi sa kanya, 'Ako po'y may malaking pagkukulang na nagawa." 
 41:10 Nang magalit po kayo sa amin ng punong panadero at ipabilanggo ninyo kami sa tahanan ng kapitan ng mga tanod, 
 41:11 kami po'y kapwa nanaginip. 
 41:12 Isa pong binatang Hebreo na alipin ng kapitan ng mga tanod ang kasama namin doon. Siya po ang nagpaliwanag ng aming panaginip. 
 41:13 "Sinabi po niyang ako'y mababalik sa tungkulin at ang punong panadero'y bibitayin; nangyari pong lahat ang kanyang sinabi.' " 
 41:14 Ipinatawag agad ng Faraon si Jose. Nang mailabas na sa bilangguan, siya'y nag-ahit, nagbihis at madaling humarap sa hari. 
 41:15 "Sinabi ng Faraon sa kanya, 'Ako'y nanaginip ngunit walang makapagsabi sa akin ng kahulugan niyon. Nabalitaan kong mahusay kang magpaliwanag ng mga panaginip.' " 
 41:16 '"Hindi po sa akin galing ang katugunan,' sabi ni Jose, 'ang Diyos po lamang ang nagbibigay ng katugunan.' " 
 41:17 "Sinabi ng Faraon, 'Ako raw ay nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo." 
 41:18 May pitong magaganda at matatabang bakang umahon sa ilog at nanginain. 
 41:19 Walang anu-ano'y pitong mga payat na baka, pinakapangit na sa nakita ko sa buong Egipto, ang umahon din sa ilog. 
 41:20 Kinain ng mga payat ang matatabang baka, 
 41:21 ngunit parang walang anumang nangyari. Matapos kanin ang matataba, iyon pa rin ang ayos ng mga payat, napakapangit pa rin, at ako'y nagising. 
 41:22 Muli akong nakatulog at nanaginip na naman. May nakita akong pitong uhay sa isang puno ng trigo na hitik na hitik ng hinog na butil. 
 41:23 Sa puno ring ito, may sumipot na pitong uhay, ngunit napakapayat ng mga butil, palibhasa'y hinampas ng hangin. 
 41:24 "Kinain ng mga payat na uhay ang matataba. Isinalaysay ko na ito sa mga salamangkero, ngunit walang makapagpaliwanag sa akin.' " 
 41:25 '"Iisa po ang kahulugan ng dalawa ninyong panaginip,' wika ni Jose. 'Ipinaaalam sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin." 
 41:26 Ang pitong matatabang baka po ay pitong taon, iyon din po ang kahulugan ng pitong uhay na matataba ang butil. 
 41:27 Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom. 
 41:28 Gaya ng sinabi ko sa inyo, iyan po ang gagawin ng Diyos. 
 41:29 Pitong taon na mananagana sa buong Egipto. 
 41:30 Ang susunod naman ay pitong taon ng taggutom at dahil sa kapinsalaang idudulot nito, malilimutan na sa Egipto ang nagdaang panahon ng kasaganaan. 
 41:31 Mangyayari ito dahil sa katakut-takot na hirap na daranasin sa panahon ng taggutom. 
 41:32 Dalawang ulit po ang inyong panaginip, mahal na Faraon, upang ipahiwatig sa inyo na itinakda na ng Diyos ang bagay na ito, at malapit nang matupad. 
 41:33 '"Ang mabuti po'y pumili kayo ng taong matalino at may kakayahan upang siyang mamahala sa Egipto." 
 41:34 Maglagay kayo sa buong bansa ng mga tagalikom ng ika-5 bahagi ng lahat ng aanihin sa loob ng pitong taong pananagana. 
 41:35 Lahat ng pagkain sa panahong iyon ay dapat tipunin, ikamalig sa mga lunsod at pabantayang mabuti. Bigyan ninyo ng kapangyarihan ang mga kagawad upang maisakatuparan ang lahat ng ito. 
 41:36 "Ang tinipong pagkain ay ihahanda para sa pitong taon ng taggutom na tiyak na darating sa Egipto; sa gayon, hindi magugutom ang mamamayan sa buong bansa.' ( Ginawang Tagapamahala sa Egipto si Jose )" 
 41:37 Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga kagawad ang panukala ni Jose. 
 41:38 "Sinabi nila, 'Bakit pa tayo hahanap ng iba, samantalang siya na ang pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos?'" 
 41:39 "Kaya't sinabi ng Faraon kay Jose, 'Ang Diyos ang nagpakita sa iyo ng lahat ng ito, kaya't wala nang uuna pa sa iyo sa karunungan at pang-unawa." 
 41:40 Ikaw ang mamamahala sa buong bansa, at susundin ka ng lahat. Ito na lamang aking trono ang kaibhan mo sa akin. 
 41:41 "At ngayon, inilalagay kitang gobernador ng buong Egipto!'" 
 41:42 Hinugot ni Faraon sa kanyang daliri ang singsing na pantatak at isinuot kay Jose; binihisan niya ito ng damit na lino at sinabitan ng gintong kadena sa leeg. 
 41:43 "Ipinagamit sa kanya ang pangalawang sasakyan ng hari, at binigyan siya ng tanod pandangal upang sumigaw sa kanyang unahan: 'Tabi kayo!' Sa gayon, ipinailalim sa kanya ang pamamahala sa buong Egipto." 
 41:44 "Sinabi ng Faraon kay Jose, 'Ako ang Faraon at ikaw ang aking pangalawa, ngunit kung wala kang pahintulot, walang sinuman sa Egipto na makagagawa ng anuman.'" 
 41:45 Binigyan niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si Asenat na anak ni Potifera, ang saserdote sa Heliopolis. Bilang gobernador, nilibot ni Jose ang buong lupain ng Egipto. 
 41:46 Tatlumpung taon si Jose nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Pagkaalis niya sa harapan ng hari, nilibot niya ang buong Egipto. 
 41:47 Pitong taon na nag-ani nang sagana sa buong lupain. 
 41:48 Tinipon ni Jose ang lahat ng pagkain sa Egipto at ikinamalig sa mga lunsod. Sa loob ng pitong taon ng kasaganaan, tinipon niya sa bawat lunsod ang mga pagkaing inani sa palibot nito. 
 41:49 Ang natipon niyang trigo ay sindami ng buhangin sa dagat, anupat sa wakas ay hindi na niya tinatakal dahil sa dami. 
 41:50 Bago dumating ang taggutom, nagkaanak si Jose ng dalawang lalaki kay Asenat. 
 41:51 "Tinawag niyang Manases ang panganay, sapagkat wika niya, 'Niloob ng Diyos na malimot ko ang aking naging hirap sa bahay ng aking ama.'" 
 41:52 "Efraim naman ang ipinangalan sa pangalawa, sapagkat ang wika niya, 'Pinagkalooban ako ng Diyos ng mga anak sa lupain ng aking paghihirap.' " 
 41:53 Natapos ang pitong taon ng kasaganaan sa Egipto. 
 41:54 At sumunod ang pitong taong taggutom, tulad ng sinabi ni Jose. Sa buong Egipto'y may pagkain, samantalang nagkakagutom sa ibang bansa. 
 41:55 "Nang wala nang makain ang mamamayan, sila'y dumaing sa Faraon. Sinabi niya sa mga taga-Egipto, 'Magpunta kayo kay Jose, at sundin ninyo ang kanyang sasabihin.'" 
 41:56 Lumaganap ang taggutom sa buong bansa. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig, at pinagbilhan ng trigo ang mga taga-Egipto. Palubha nang palubha ang taggutom sa buong Egipto. 
 41:57 Lumaganap din ito sa ibang mga bansa, kaya't ang mga mamamayan nila'y pumunta sa Egipto upang bumili ng pagkain kay Jose. 
 42:1 ( Nagpunta sa Egipto ang mga Kapatid ni Jose ) "Nabalitaan ni Jacob na maraming pagkain sa Egipto, kaya sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki, 'Ano pa ang ginagawa ninyo? Pumunta kayo sa Egipto at bumili agad ng pagkain upang hindi tayo mamatay ng gutom." 
 42:2 "Balita ko'y maraming pagkain doon.'" 
 42:3 Pumunta nga sa Egipto ang sampung mga kapatid ni Jose upang bumili ng pagkain. 
 42:4 Si Benjamin, ang tunay na kapatid ni Jose, ay hindi na pinasama ni Jacob sa takot na mamatay ring tulad ni Jose. 
 42:5 Kasama ng ibang taga-Canaan, lumakad ang mga anak ni Israel upang bumili ng pagkain. Laganap na ang taggutom sa buong Canaan. 
 42:6 Si Jose, bilang gobernador ng Egipto, ang nagbibili ng pagkain sa mga tao. Kaya sa kanya pumunta ang kanyang mga kapatid. Paglapit ng mga ito, sila'y yumukod sa kanyang harapan. 
 42:7 "Nakilala agad ni Jose ang mga kapatid niya, ngunit hindi siya nagpahalata. 'Tagasaan kayo?' mabalasik niyang tanong. 'Taga-Canaan po. Naparito po kami upang bumili ng pagkain,' tugon nila. " 
 42:8 Nakilala nga ni Jose ang kanyang mga kapatid ngunit hindi siya namumukhaan ng mga ito. 
 42:9 "Naalaala niya ang kanyang mga panaginip tungkol sa kanila, kaya't sinabi niya, 'Kayo'y mga espiya, at naparito kayo upang maniktik, hindi ba?' " 
 42:10 '"Aba, hindi po! Kami po'y bumibili lamang ng pagkain." 
 42:11 "Magkakapatid po kami at mga taong tapat, hindi po kami mga espiya.' " 
 42:12 '"Hindi ako naniniwala,' wika ni Jose. 'Naparito kayo upang tiktikan kami!' " 
 42:13 "Kaya't nagmakaawa sila, 'Ginoo, kami po'y labindalawang magkakapatid; nasa Canaan po ang aming ama. Pinaiwan po ang bunso naming kapatid; ang isa po nama'y patay na.' " 
 42:14 "Sinabi ni Jose, 'Tulad ng sinabi ko, kayo'y mga espiya!" 
 42:15 At isinusumpa ko sa ngalan ng Faraon: hindi kayo makaaalis hanggang hindi ninyo dinadala rito ang inyong bunsong kapatid. 
 42:16 "Hala! Umuwi ang isa sa inyo at kunin siya; ang iba'y ikukulong dito hanggang hindi ninyo napatutunayan ang inyong sinasabi. Kung hindi, mga espiya nga kayo!'" 
 42:17 Tatlong araw niyang ikinulong ang kanyang mga kapatid. 
 42:18 "Pagsapit ng ika-3 araw, sinabi ni Jose sa kanila, 'Ako'y may takot sa Diyos; bibigyan ko kayo ng pagkakataong mabuhay kung gagawin ninyo ito:" 
 42:19 Ang sabi ninyo'y tapat kayo, hindi ba? Kung gayon, isa lamang sa inyo ang ibibilanggo; ang iba'y magdala na ng pagkaing binili ninyo para sa inyong sambahayan. 
 42:20 "Ngunit bumalik kayo agad na dala ang bunso ninyong kapatid. Dito ko malalaman na kayo'y nagsasabi ng totoo, at hindi kayo maaano.' Sumang-ayon ang lahat. " 
 42:21 "Pagkatapos, ang wika nila sa isa't isa, 'Nagbabayad na tayo ngayon sa ginawa natin sa ating kapatid. Nakikita natin ang paghihirap ng kanyang kalooban noon ngunit hindi natin pinansin ang kanyang pagmamakaawa. Kaya tayo naman ngayon ang nasa kagipitan.' " 
 42:22 '"Iyan na nga ba ang sinasabi ko,' wika ni Ruben. 'Nagsusumamo ako sa inyong huwag saktan ang bata, ngunit hindi kayo nakinig; ngayon, pinagbabayad tayo sa kanyang kamatayan.'" 
 42:23 Hindi nila alam na nauunawaan ni Jose ang kanilang usapan, sapagkat gumagamit pa ito ng interprete kung humaharap sa kanila. 
 42:24 Iniwan muna sila ni Jose dahil sa hindi niya mapigil ang pag-iyak. Nang panatag na ang kanyang kalooban, bumalik siya at ibinukod si Simeon. Ipinagapos niya ito sa harapan nila. ( Nagbalik ang mga Kapatid ni Jose sa Canaan ) 
 42:25 Iniutos ni Jose na sidlan ng trigo ang kanilang mga sako at ilagay doon ang salaping ibinayad nila. Pinabigyan pa sila ng makakain habang daan. Nasunod na lahat ang utos ni Jose. 
 42:26 Ikinarga ng magkakapatid sa mga asno ang kanilang biniling pagkain, at sila'y umalis. 
 42:27 Pagsapit ng gabi, tumigil sila upang magpahinga. Binuksan ng isa ang kanyang sako upang pakainin ang asno niya at nakita ang salapi sa loob ng sako. 
 42:28 "Napasigaw ito, 'Ibinalik sa akin ang aking salapi! Heto sa aking sako!' Sa kanilang pagtataka, naitanong ng isa't isa, 'Ano ang ginawang ito sa atin ng Diyos?' " 
 42:29 Pagsapit nila sa Canaan, isinalaysay nila kay Jacob ang nangyari sa kanila. Sinabi nila, 
 42:30 '"Ama, napakabagsik pong magsalita ng gobernador sa Egipto. Akalain ba naman ninyong pagbintangan pa kaming mga espiya!" 
 42:31 Sinabi po naming mga tapat na tao kami at hindi mga espiya. 
 42:32 Ipinagtapat pa naming kami'y labindalawang magkakapatid na lalaki at iisa ang aming ama. Sinabi po namin na patay na ang isa naming kapatid, at ang bunso nama'y kasama ninyo rito sa Canaan. 
 42:33 Pagkatapos po naming sabihin ito, akalain ninyong susubukan daw niya kung kami'y nagsasabi ng totoo! Pinaiwan po si Simeon, at pinauwi na kaming dala ang pagkaing aming binili. 
 42:34 "Ngunit mahigpit po ang bilin niya na bumalik kaming kasama ang aming bunsong kapatid, katunayang kami'y nagsasabi ng totoo. Kung magagawa namin ito, nangako po siyang palalayain si Simeon at pahihintulutan kaming magnegosyo sa kanyang bansa.' " 
 42:35 Nang isalin nila ang kani-kanilang sako, nakita nila ang salaping kanilang ibinayad. Kaya't pati si Jacob ay natakot. 
 42:36 "Sinabi niya, 'Iiwan ba ninyo akong mag-isa? Wala na si Jose, wala rin si Simeon, ngayo'y gusto pa ninyong isama si Benjamin? Napakabigat namang pasanin ito para sa akin!' " 
 42:37 "Sinabi ni Ruben, 'Ama, kung hindi ko maibalik sa inyo si Benjamin, patayin na ninyo ang dalawa kong anak. Ipaubaya ninyo sa akin si Benjamin at ibabalik ko siya.' " 
 42:38 "Ngunit sinabi ni Jacob, 'Hindi ko mapasasama sa inyo ang aking anak, patay na ang kanyang kapatid at siya na lamang ang nasa akin. Sa tanda ko nang ito, kung siya'y masasawi sa daan, hindi ko na mababata; mamamatay na rin ako.'" 
 43:1 ( Nagbalik kay Jose ang Magkakapatid na Kasama si Benjamin ) Lalong lumubha ang taggutom sa Canaan. 
 43:2 "Nang maubos na ng sambahayan ni Jacob ang pagkaing binili sa Egipto, sinabi niya sa kanyang mga anak, 'Bumili uli kayo ng pagkain sa Egipto.' " 
 43:3 "Sinabi ni Juda sa kanya, 'Mahigpit po ang bilin sa amin ng gobernador doon na huwag na kaming pakikita sa kanya kung hindi namin kasama ang kapatid naming bunso." 
 43:4 Kung pasasamahin ninyo siya, bibili po kami ng pagkain doon. 
 43:5 "Kung hindi ninyo pahihintulutan, hindi po kami makapupunta roon.' " 
 43:6 "Sinabi ni Israel, 'Bakit ba naman sinabi pa ninyong mayroon pa kayong ibang kapatid? Ako ang pinahihirapan ninyo sa nangyaring ito.' " 
 43:7 "Nagpaliwanag sila, 'Inusisa pong mabuti ang ating sambahayan. Itinanong sa amin kung mayroon pa kaming ama at iba pang kapatid. Sumasagot po lamang kami sa kanyang tanong. Hindi po namin alam na pati si Benjamin ay pipiliting iharap namin sa kanya.' " 
 43:8 "Kaya sinabi ni Juda kay Israel, 'Ama, mamamatay tayo ng gutom. Pasamahin na ninyo si Benjamin at nang makaalis na kami." 
 43:9 Iginagarantiya ko ang aking buhay. Ako po ang bahala sa kanya. Kung hindi ko siya maibalik nang walang kapansanan, ako ang buntunan ninyo ng sisi. 
 43:10 "Kung hindi ninyo kami pinaghintay nang matagal, marahil ay dalawang balik na ang nagawa namin ngayon.' " 
 43:11 "Sinabi ni Israel, 'Kung iyon ang mabuti, payag na ako. Ngunit magdala kayo ng handog sa gobernador, kaunting balsamo, pulut-pukyutan, astragalo, laudano, alponsigo at almendro at ihandog ninyo sa gobernador." 
 43:12 Doblehin ninyo ang dalang salapi, sapagkat kailangan ninyong ibalik ang salaping inilagay niya sa inyong mga sako. Maaaring isang pagkakamali lamang iyon. 
 43:13 Isama na ninyo ang inyong kapatid at lumakad na kayo. 
 43:14 "Loobin nawa ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat na kahabagan kayo ng taong iyon upang mabalik sa akin si Simeon at si Benjamin. Kung hindi man sila maibalik, handa na ang loob ko.' " 
 43:15 Nagdala nga sila ng mga kaloob at salaping dapat dalhin at nagbalik sa Egipto, kasama si Benjamin. 
 43:16 "Nang makita ni Jose si Benjamin, iniutos niya sa aliping namamahala sa kanyang tahanan, 'Isama mo sila sa bahay. Magpahanda ka ng pagkain at sila'y kasalo ko mamayang tanghali.'" 
 43:17 Sinunod ng alipin ang utos ni Jose at isinama ang magkakapatid. 
 43:18 "Natakot sila nang sila'y dalhin sa bahay ni Jose. Sa loob-loob nila: 'Marahil, dinala tayo rito dahil sa salaping ibinalik sa ating mga sako nang una tayong pumarito. Maaaring bigla na lamang tayong dakpin, kunin ang ating mga asno, at tayo'y gawing mga alipin.' " 
 43:19 Kaya't nilapitan nila ang katiwala ni Jose at kinausap sa may pintuan ng bahay nito. 
 43:20 "Sinabi nila, 'Ginoo, galing na po kami ritong minsan at bumili ng pagkain." 
 43:21 Nang kami'y nagpapahinga sa daan, binuksan namin ang aming mga sako at nakita sa loob ang lahat ng salaping ibinayad namin sa pagkain. Heto po't dala namin para ibalik sa inyo. 
 43:22 "May dala po kaming bukod na pambili ng pagkain. Hindi po namin alam kung sino ang naglagay sa mga sako ng salaping iyon.' " 
 43:23 '"Huwag kayong mag-alaala,' sabi ng alipin. 'Huwag kayong matakot. Ang Diyos ng inyong ama ang naglagay ng salaping iyon. Tinanggap ko na ang inyong kabayaran sa binili ninyong una.' Inilabas ng katiwala si Simeon at isinama sa kanila. " 
 43:24 Sila'y pinapasok ng katiwala sa bahay ni Jose, pinaghugas ng mga paa, at pinakain ang kanilang mga asno. 
 43:25 Pagkatapos, inilabas ng magkakapatid ang kanilang handog para ipagkaloob kay Jose pagdating nito. Narinig nilang doon sila magsasalu-salo. 
 43:26 Pagdating ni Jose, yumukod silang lahat sa kanyang harapan at ibinigay ang dala nilang handog. 
 43:27 "Kinumusta sila ni Jose at pagkatapos ay tinanong, 'Kumusta naman ang inyong ama? Malakas pa ba siya?' " 
 43:28 '"Ginoo, buhay pa po siya at malakas,' tugon nila. At sila'y lumuhod at yumukod na muli sa harapan niya. " 
 43:29 "Pagkakita ni Jose kay Benjamin, siya ay nagtanong, 'Ito ba ang sinasabi ninyong bunsong kapatid? Pagpalain ka ng Diyos!'" 
 43:30 Hindi mapaglabanan ni Jose ang kanyang damdamin at halos siya'y mapaiyak dahil sa pagkakita sa kanyang kapatid. Kaya't siya'y pumasok sa kanyang silid at doon umiyak. 
 43:31 Nang mapayapa na niya ang kanyang kalooban, naghilamos siya, lumabas, at nagpahain ng pagkain. 
 43:32 Si Jose'y ipinaghaing mag-isa sa isang mesa, at ang kanyang mga kapatid ay sa ibang mesa. Magkakasalo naman ang mga Egipcio, sapagkat ikinahihiya nilang makasalo ang mga Hebreo. 
 43:33 Kaharap ni Jose ang kanyang mga kapatid na sunud-sunod ang pagkaupo ayon sa gulang. Nagkatinginan sila at takang-taka sa gayong pagkakaayos ng kanilang upo. 
 43:34 Idinudulot mula sa mesa ni Jose ang pagkain nila, at limang ibayo ang pagkaing idinudulot kay Benjamin. Masaya silang kumain at nag-inuman. 
 44:1 ( Ang Kopang Nawawala ) "Inutusan ni Jose ang kanyang katiwala, 'Punuin mo ng trigo ang kanilang mga sako at bago mo sarha'y ilagay mo ang salaping ibinayad nila." 
 44:2 "Sa sako ng pinakabunso, ilagay mo pa ang aking inumang pilak.' Tinupad naman ng katiwala ang iniutos sa kanya." 
 44:3 Kinabukasan, maaga pa'y umalis na ang magkakapatid, sakay ng kanilang mga asno. 
 44:4 "Hindi pa sila nakalalayo sa lunsod, inutusan ni Jose ang kanyang katiwala, 'Habulin mo ang mga taong iyon, at sabihin mo sa kanila, 'Bakit naman ganoon ang iginanti ninyo sa kabutihang ipinakita namin sa inyo?" 
 44:5 "Sukat na pag-interesan pa ninyo ang inumang pilak! Iyon ang iniinuman ng aking panginoon, at siya rin niyang ginagamit sa panghuhula. Kakila-kilabot iyang ginawa ninyo!'' " 
 44:6 Inabutan sila ng katiwala, at gayon nga ang sinabi sa kanila. 
 44:7 "Sumagot naman sila, 'Ano pong ibig ninyong sabihin? Bakit kayo nagsalita ng ganyan? Ni sa pag-iisip, hindi namin magagawa iyan!" 
 44:8 Nakita naman ninyo, nakarating na kami sa Canaan, gayunma'y ibinalik pa rin namin sa inyo ang salaping natuklasan namin sa loob ng aming sako. Bakit kami magnanakaw ng pilak o ginto sa tahanan ng inyong panginoon? 
 44:9 "Ginoo, ang sinuman sa aming kakitaan ng inumang sinasabi ninyo ay dapat mamatay, at alipinin ninyo kaming lahat.' " 
 44:10 '"Mabuti,' tugon ng katiwala. 'Basta kung kanino makita ang kopa siya ay gagawing alipin; makalalaya na ang iba.'" 
 44:11 Ibinaba nila ang kanilang mga sako at pinagbubuksan. 
 44:12 Isa-isang hinalughog ng katiwala mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, at natagpuan ang kopa sa sako ni Benjamin. 
 44:13 Ginahak nila ang kanilang damit sa tindi ng kalungkutan, ikinargang muli sa asno ang kanilang sako, at bumalik sa lunsod. 
 44:14 Nasa bahay pa si Jose nang magbalik si Juda at ang kanyang mga kapatid. Pagdating doon sila'y yumukod sa kanyang harapan. 
 44:15 "Sinabi ni Jose, 'Ano itong ginawa ninyo? Hindi ba ninyo alam na marunong akong manghula? Wala kayong maitatago sa akin!' " 
 44:16 '"Wala na po kaming masasabi,' tugon ni Juda. 'Wala po kaming maikakatwiran sa mga pangyayari. Diyos na po ang nagbunyag ng aming pagkakasala. Kaya, hindi lamang ang kinakitaan ng kopa, kundi lahat kami'y alipin na ninyo ngayon.' " 
 44:17 "Sinabi ni Jose, 'Hindi! Hindi ko gagawin iyon. Ang kinakitaan lamang ng kopa ang gagawin kong alipin; ang iba ay makauuwi na sa inyong ama.' ( Nagmakaawa si Juda )" 
 44:18 "Lumapit si Juda kay Jose at ang wika, 'Nakikiusap po ako, ginoo, kung inyong mamarapatin. Huwag sana ninyong ikagagalit. Ang palagay ko sa inyo'y para na kayong Faraon." 
 44:19 Ginoo, tinanong ninyo kung mayroon pa kaming ama at kapatid. 
 44:20 Ang tugon po namin ay may ama kaming matanda na at bunsong kapatid na anak niya sa katandaan. Sinabi pa naming patay na ang kapatid nito at siya na lamang ang buhay na anak ng kanyang ina, kaya mahal na mahal siya ng aming ama. 
 44:21 Iniutos ninyong dalhin namin siya rito upang inyong makita. 
 44:22 Ipinaliwanag po naming mahirap ilayo sa aming ama ang bata sapagkat maaaring ikamatay niya ito. 
 44:23 Ang wika naman ninyo'y hindi na ninyo kami tatanggapin dito kung hindi namin siya maihaharap sa inyo. 
 44:24 '"Ang lahat ng ito'y sinabi namin sa aming ama nang umuwi kami." 
 44:25 Muli kaming inutusan ng aming ama na pumarito upang bumili ng pagkain. 
 44:26 Ipinaalaala namin sa kanya na hindi ninyo kami tatanggapin kung hindi kasama ang bunso naming kapatid. 
 44:27 Sinabi po niya sa amin: 'Alam naman ninyo na dalawa lamang ang anak ng kanilang ina. 
 44:28 Wala na ang isa; maaaring niluray ng mabangis na hayop. 
 44:29 At kung ang natitira ay isasama pa ninyo, maaaring mamatay ako sa dalamhati.' 
 44:30 '"Ang buhay po ng aming ama ay karugtong na ng buhay ng bata, kaya kung babalik kami na hindi ito kasama," 
 44:31 pihong siya'y mamamatay. Matanda na po siya at maaaring ako ang bagsakan ng sisi kung siya'y mamatay. 
 44:32 Ang isa pa'y iginarantiya ko ang aking buhay para sa bata. Sinabi ko po na kung siya'y hindi ko maibabalik, ako ang buntunan niya ng sisi. 
 44:33 Kaya kung papayag kayo, ako na ang alipinin ninyo sa halip ng aking bunsong kapatid. Pahintulutan na ninyong isama siya ng iba kong mga kapatid. 
 44:34 "Hindi po ako makauuwi kung hindi kasama si Benjamin. Hindi ko po mababata ang matinding dagok na darating sa aming ama, kung iyon ang mangyayari.'" 
 45:1 ( Nagpakilala na si Jose ) Hindi mapigil ni Jose ang kanyang damdamin, kaya pinaalis niya ang kanyang mga tagapaglingkod. Nang sila na lamang ang naroon, ipinagtapat ni Jose sa kanyang mga kapatid kung sino siya. 
 45:2 Sa lakas ng kanyang iyak, narinig siya ng mga Egipcio, kaya't ang balita'y mabilis na nakarating sa palasyo. 
 45:3 '"Ako si Jose!' ang pagtatapat niya sa kanyang mga kapatid. 'Buhay pa bang talaga ang ating ama?' Nagulantang sila sa kanilang narinig at hindi nakasagot." 
 45:4 '"Lumapit kayo,' wika ni Jose. Lumapit nga sila, at nagpatuloy siya ng pagsasalita, 'Ako nga si Jose, ang inyong kapatid na ipinagbili ninyo sa Egipto." 
 45:5 Ngunit huwag na ninyong ikalungkot ang nangyari. Huwag ninyong sisihin ang inyong sarili sa ginawa ninyo sa akin. Ang Diyos ang nagpadala sa akin dito upang iligtas ang inyong buhay. 
 45:6 Dalawang taon pa lamang ang taggutom na nakararaan, lima pa ang darating at walang aanihin sa mga bukirin. 
 45:7 Pinauna ako rito ng Diyos upang huwag malipol ang ating lahi. Dinala niya ako rito upang marami ang maligtas. 
 45:8 "Kaya, hindi kayo kundi ang Diyos ang nagpadala sa akin dito. Ginawa niya akong tagapayo ng Faraon, tagapangasiwa ng kanyang sambahayan at tagapamahala ng buong Egipto.' " 
 45:9 "Sinabi pa ni Jose, 'Bumalik kayo agad sa ating ama at ibalita ninyo na ako ang pinamamahala ng Diyos sa buong Egipto. Sabihin ninyong pumarito agad sa lalong madaling panahon." 
 45:10 Doon siya titira sa lupain ng Gosen para mapalapit sa akin. Ang lahat niyang mga anak, mga apo, mga tupa, kambing, baka at lahat ng inyong ari-arian ay kanyang dalhin. 
 45:11 Doo'y mapangangalagaan ko kayo. Limang taon pa ang taggutom, at hindi ko gustong makita ang sinuman sa inyo na nagdarahop. 
 45:12 Hindi na maikakaila sa inyo ngayon, maging kay Benjamin kung sino ang kausap ninyo. 
 45:13 "Ibalita ninyo sa ating ama kung sino ako sa Egipto, at sabihin ninyong lahat ang inyong nakita. Hihintayin ko siya sa lalong madaling panahon.' " 
 45:14 Umiiyak niyang niyakap si Benjamin, at ito nama'y umiiyak ding yumakap kay Jose. 
 45:15 Patuloy siyang umiiyak habang isa-isang hinahagkan ang ibang kapatid. 
 45:16 Nakarating sa palasyo ang balita na ang mga kapatid ni Jose ay dumating. Ikinagalak ito ng Faraon at ng kanyang mga kagawad. 
 45:17 "Sinabi ng Faraon kay Jose, 'Pakargahan mo ng pagkain ang mga hayop ng iyong mga kapatid, at pabalikin mo sila sa Canaan." 
 45:18 Sabihin mong dalhin dito ang inyong ama at ang buong sambahayan nila. Ibibigay ko sa kanila ang pinakamatabang lupain upang malasap nila ang masaganang pamumuhay rito. 
 45:19 Sabihin mo ring magdala na sila ng mga sasakyan para magamit ng kanilang mga asawa at mga anak paglipat sa Egipto. 
 45:20 "Huwag na nilang panghinayangang iwanan ang kanilang ari-arian doon, pagkat ang pinakamabuting lupain dito ang ibibigay ko sa kanila.' " 
 45:21 Sinunod ng mga anak ni Israel ang utos na ito. Binigyan sila ni Jose ng mga sasakyan, gaya ng utos ng Faraon, at pinadalhan din ng pagkain sa kanilang paglalakbay. 
 45:22 Ang bawat isa'y binigyan ng isang bihisan, maliban kay Benjamin. Lima ang kanyang bihisan at pinadalhan pa ng 300 pirasong pilak. 
 45:23 Pinadalhan niya ang kanyang ama ng pinakamabuting produkto ng Egipto, karga ng sampung asno. Sampung asno rin ang may kargang trigo, tinapay at iba't ibang pagkain upang mabaon ng kanilang ama sa paglalakbay. 
 45:24 "Inutusan ni Jose na lumakad na ang kanyang mga kapatid ngunit bago umalis ay sinabi sa kanila, 'Huwag na kayong magtatalu-talo sa daan.' " 
 45:25 Umalis nga sila sa Egipto at umuwi sa Canaan. 
 45:26 "Pagdating doo'y sinabi nila kay Jacob, 'Ama, buhay pa po si Jose! Siya ngayon ang namamahala sa buong Egipto!' Natigilan si Jacob, halos hindi siya makapaniwala sa balitang ito. " 
 45:27 Ngunit nang maisalaysay sa kanya ang bilin ni Jose at makita ang mga kariton na sasakyan niya, sumigla ang kanyang kalooban. 
 45:28 '"Salamat sa Diyos!' wika ni Jacob. 'Buhay pa pala ang aking anak! Pupuntahan ko siya bago ako mamatay.'" 
 46:1 ( Nagpunta sa Egipto ang Buong Sambahayan ni Jacob ) Lumakad na nga si Israel, dala ang kanyang ari-arian. Pagdating sa Beer-seba, naghandog siya sa Diyos ng kanyang amang si Isaac. 
 46:2 "Pagsapit ng gabi, tinawag siya ng Diyos sa isang pangitain, 'Jacob, Jacob!' 'Nakikinig po ako,' tugon niya. " 
 46:3 '"Ako ang Diyos ng iyong ama,' wika sa kanya. 'Huwag kang matakot na pumunta sa Egipto. Doon, ang lahi mo'y magiging isang malaking bansa." 
 46:4 "Sasamahan ko kayo roon at ibabalik na muli rito. Nasa piling mo si Jose pag ikaw ay namatay.' " 
 46:5 Mula sa Beer-seba, naglakbay si Jacob. Siya, at ang kanyang mga apo at mga manugang ay isinakay ng kanyang mga anak sa mga karitong ipinadala ng Faraon. 
 46:6 Dinala rin nila sa Egipto ang mga hayop at ari-arian nila sa Canaan. Kasama nga niya 
 46:7 ang kanyang mga anak, mga manugang at mga apo. 
 46:8 Ito ang talaan ng angkan ni Israel na nagpunta sa Egipto---si Jacob at ang kanyang mga anak at mga apo: si Ruben na kanyang panganay 
 46:9 at ang mga anak nitong sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi; 
 46:10 si Simeon at ang mga anak nitong sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at si Saul na anak ng babaing Cananea. 
 46:11 Si Levi at ang mga anak nitong sina Gerson, Coat at Merari; 
 46:12 si Juda at ang mga anak nitong sina Sela, Fares at Zara. (Si Er at Onan ay namatay sa Canaan.) Ang mga anak ni Fares na sina Hezron at Hamul. 
 46:13 Si Isacar at ang mga anak nitong sina Tola, Pua, Job at Simron. 
 46:14 Si Zabulon at ang mga anak nitong sina Sered, Elon at Jahleel. 
 46:15 Ito ang mga anak at apo ni Jacob kay Lea na pawang ipinanganak sa Mesopotamia. Kabilang dito si Dina, ang anak na dalaga ni Jacob. Tatlumpu't tatlo silang lahat. 
 46:16 Kasama rin sa talaang ito si Gad at ang mga anak nito na sina Zifion, Hagui, Suni, Ezbon, Eri, Arodi at Areli; 
 46:17 si Aser at ang mga anak nito na sina Jimna, Isua, Isui, Beria at ang babaing kapatid nilang si Sera. Ang mga anak ni Beria ay sina Heber at Malquiel. 
 46:18 Ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Zilpa, ang aliping ibinigay ni Laban kay Lea, ay labing-anim. 
 46:19 Kabilang din sa talaang ito ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Raquel: sina Jose at Benjamin; 
 46:20 sina Manases at Efraim, mga anak ni Jose kay Asenat, anak ni Potifera na saserdote sa Heliopolis. (Ang dalawang ito'y sa Egipto isinilang.) 
 46:21 Ang mga anak ni Benjamin na sina Bela, Bequer, Asbel, Gera, Naaman, Ehi, Ros, Mupim, Hupim at Ard. 
 46:22 Labing-apat ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Raquel. 
 46:23 Kabilang pa rin dito si Dan at ang bugtong niyang anak na si Husim; 
 46:24 si Neftali at ang mga anak nito na sina Jahzeel, Guni, Jeser at Silem. 
 46:25 Pito ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Bilha, ang aliping ibinigay ni Laban kay Raquel. 
 46:26 Animnapu't anim ang mga anak at mga apo ni Jacob na nagpunta sa Egipto. Hindi kabilang dito ang kanyang mga manugang. 
 46:27 Dalawa ang naging anak ni Jose sa Egipto, kaya ang kabuuang bilang ng sambahayan ni Jacob na natipon doon ay pitumpu. ( Si Jacob at ang Kanyang Sambahayan sa Egipto ) 
 46:28 Si Juda ang sinugo ni Israel kay Jose upang siya'y salubungin. 
 46:29 Dali-daling ipinahanda ni Jose ang sasakyan niya at sinalubong ang kanyang ama sa Gosen. Nang sila'y magkita, agad niyang niyakap ang kanyang ama, at napaiyak siya sa tuwa. 
 46:30 "Sinabi naman ni Israel, 'Ngayo'y handa na akong mamatay pagkat nakita na kitang buhay.' " 
 46:31 "Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid at sa buong sambahayan ni Jacob, 'Ibabalita ko sa Faraon na dumating na kayo buhat sa Canaan." 
 46:32 Sasabihin kong kayo'y mga pastol; dala ninyo ang inyong mga kawan, at lahat ninyong ari-arian. 
 46:33 Kung ipatawag kayo ng Faraon at tanungin kung ano ang inyong gawain, 
 46:34 "sabihin ninyong kayo'y mag-aalaga ng mga baka buhat sa pagkabata, tulad ng inyong mga ninuno. Sa gayon, makapananahan kayo sa lupaing ito.' Ganito ang sabi niya sapagkat ang mga taga-Egipto'y namumuhi sa mga pastol." 
 47:1 "Isinama ni Jose ang lima sa kanyang mga kapatid at nagpunta sa Faraon. Sinabi niya, 'Dumating na po ang aking ama't mga kapatid buhat sa Canaan, dala ang kanilang mga kawan, at lahat ng ari-arian. Naroon po sila ngayon sa Gosen.'" 
 47:2 At iniharap niya sa Faraon ang kanyang mga kapatid. 
 47:3 "Tinanong sila ng Faraon, 'Ano ang trabaho ninyo?' 'Kami po'y mga pastol, tulad ng aming mga ninuno,' tugon nila." 
 47:4 '"Napadako po kami rito sapagkat sa amin sa Canaan ay wala na kaming mapagpastulan. Kung maaari po, doon na ninyo kami patirahin sa lupain ng Gosen.' " 
 47:5 "Sinabi ng Faraon kay Jose, 'Narito na ang iyong ama at mga kapatid." 
 47:6 "Yamang ikaw ang namamahala sa buong Egipto, ibigay mo sa kanila ang pinakamainam na lupain. Doon mo sila patirahin sa Gosen. Kung may mapipili kang mahuhusay na pastol, sila ang pamahalain mo sa aking mga kawan.' " 
 47:7 Isinama ni Jose ang kanyang ama sa palasyo at pagdating doo'y binasbasan ni Jacob ang Faraon. 
 47:8 '"Ilang taon na kayo?' tanong ng Faraon kay Jacob. " 
 47:9 "Sumagot siya, 'Ako po ay 130 taon na. Maikli at mahirap ang aking naging buhay dito sa lupa. Malayung-malayo sa naging buhay ng aking mga ninuno.'" 
 47:10 Matapos magpaalam sa Faraon, umalis na si Jacob. 
 47:11 Sa utos ng Faraon, ibinigay ni Jose sa kanyang ama at mga kapatid ang pinakamabuting lupain ng Rameses sa bansang Egipto. 
 47:12 Ang buong sambahayan ni Jacob hanggang sa kaliit-liitan ay kinalinga ni Jose. ( Ang Pamamahala ni Jose sa Panahon ng Taggutom ) 
 47:13 Nang maubos na ang pagkain sa buong Canaan at Egipto, at ang mga tao'y hirap na hirap na sa gutom, 
 47:14 kay Jose bumibili ng pagkain ang lahat. Tinitipon naman ni Jose ang pinagbilhan at dinadala sa kabang-yaman ng Faraon. 
 47:15 "Dumating ang panahong wala nang maibayad ang mga tao, kaya't sinabi nila kay Jose, 'Mamamatay kami ng gutom, bigyan mo kami ng pagkain.' " 
 47:16 '"Kung wala na kayong salapi,' wika ni Jose, 'hayop na lamang ang ipalit ninyo sa pagkaing ibibigay ko sa inyo.'" 
 47:17 At gayon nga ang kanilang ginawa; ipinagpalit nila ang kanilang mga kabayo, tupa, kambing, baka at asno sa pagkaing kinukuha nila. Isang taon silang binibigyan ni Jose ng pagkain bilang kapalit ng mga hayop. 
 47:18 "Nang sumunod na taon, lumapit na naman sa kanya ang mga tao. Sinabi nila, 'Hindi namin maikakaila sa inyong kamahalan na ngayo'y ubos na ang lahat naming salapi at mga hayupan. Wala na pong nalalabi sa amin kundi ang aming katawan at bukirin." 
 47:19 "Kaya, tulungan naman ninyo kami; huwag ninyo kaming bayaang mamatay ng gutom at matiwangwang ang aming lupain. Bigyan ninyo kami ng makakain at binhing pananim nang kami'y huwag mamatay. Payag na po kaming maging alipin ng Faraon at masangla sa kanya ang aming lupain.' " 
 47:20 Nangyari nga ito, kaya't nakuha ni Jose para sa Faraon ang lahat ng lupain ng mga taga-Egipto dahil sa tindi ng taggutom noon. 
 47:21 Ang lahat ng tao sa Egipto ay naging alipin ng Faraon. 
 47:22 Ang hindi lamang nabili ni Jose ay ang lupain ng mga saserdote, sapagkat ang mga ito ay may sapat na sustento ng Faraon. 
 47:23 "Sinabi ni Jose sa mga tao, 'Ngayo'y nabili ko na kayo at ang inyong mga lupain para sa Faraon. Bibigyan ko kayo ng binhing itatanim." 
 47:24 "Ibibigay ninyo sa Faraon ang ika-5 bahagi ng inyong aanihin. Inyo na ang nalalabi para itanim uli at maging pagkain ng inyong sambahayan.' " 
 47:25 "Sumagot ang mga tao, 'Napakabuti ninyo sa amin; iniligtas ninyo kami. Handa po kaming maglingkod sa Faraon.'" 
 47:26 Mula noon, ginawang batas ni Jose sa lupain ng Egipto na ang ika-5 bahagi ng ani ay para sa Faraon. Umiiral pa hanggang ngayon ang batas na ito, maliban sa lupa ng mga saserdote pagkat ito'y hindi saklaw ng Faraon. ( Huling Habilin ni Jacob ) 
 47:27 Ang mga Israelita ay yumaman sa Egipto, at dumami ang kanilang lahi. 
 47:28 Labimpitong taong tumira roon si Jacob at umabot siya ng 147 taon. 
 47:29 "Nang maramdaman niyang malapit na siyang mamatay, tinawag niya si Jose at sinabi, 'Ilagay mo sa pagitan ng aking mga hita ang iyong kamay at ipangako mong magiging tapat ka sa akin, at hindi mo ako ililibing sa Egipto." 
 47:30 "Ipipisan mo ako sa libingan ng aking mga magulang.' 'Masusunod po ang nais ninyo,' tugon ni Jose. " 
 47:31 "Sinabi ni Jacob, 'Kung gayon, sumumpa ka sa akin.' Nanumpa nga si Jose, at si Jacob ay yumuko sa may ulunan ng higaan." 
 48:1 ( Binasbasan ni Jacob sina Efraim at Manases ) Nabalitaan ni Jose na maysakit ang kanyang ama, kaya't isinama niya ang dalawang anak na lalaki, sina Manases at Efraim at dinalaw ang matanda. 
 48:2 Nang sabihin kay Jacob na dumating si Jose, nagpilit siyang bumangon at naupo sa kanyang higaan. 
 48:3 "Sinabi niya kay Jose, 'Nang ako'y nasa Luz, napakita sa akin ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat at binasbasan ako." 
 48:4 Sinabi niya na darami ang aking mga anak. Anupat ang aking lahi ay magiging isang malaking bansa, at ibibigay niya sa kanila ang lupaing iyon habang panahon. 
 48:5 Ang dalawa mong anak na isinilang dito sa Egipto bago ako dumating ay ibibilang sa aking mga anak. Kaya, tulad nina Ruben at Simeon, sina Efraim at Manases ay magiging tagapagmana ko rin. 
 48:6 Ngunit ang susunod mong mga anak ay mananatiling iyo at ibibilang na lamang sa lipi ng dalawa nilang kapatid. 
 48:7 "Ipinasiya ko ito alang-alang kay Raquel na iyong ina. Nang pabalik ako buhat sa Mesopotamia, namatay siya sa Canaan, malapit sa Efrata. At dinamdam ko nang labis ang kanyang pagpanaw. Doon ko na siya inilibing.' (Ang Efrata ay ang Betlehem.) " 
 48:8 "Pagkakita ni Israel sa mga anak ni Jose, tinanong ito, 'Ito ba ang iyong mga anak?' " 
 48:9 '"Opo! Sila po ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos dito sa Egipto,' tugon niya. Sinabi ni Israel, 'Ilapit mo sila sa akin at babasbasan ko.'" 
 48:10 Halos hindi na makakita noon si Israel dahil sa kanyang katandaan. Inilapit nga ni Jose ang mga bata at sila'y niyakap at hinagkan ng matanda. 
 48:11 "Sinabi ni Israel kay Jose, 'Wala na akong pag-asang makikita pa kita. Ngayon, nakita ko pati iyong mga anak.' " 
 48:12 Inalis ni Jose ang mga bata sa kandungan ni Israel at yumuko siya sa harapan nito. 
 48:13 Pagkatapos, inilapit niya sa matanda ang dalawang bata: si Efraim sa gawing kaliwa at si Manases sa gawing kanan nito. 
 48:14 Ngunit pinagkurus ni Jacob ang kanyang kamay at ipinatong ang kanan sa ulo ng nakababatang si Efraim at ang kaliwa sa ulo ni Manases. 
 48:15 "At sila'y binasbasan:  'Pagpalain nawa kayo at palaging subaybayan,  Ng Diyos na tinalima ni Isaac at ni Abraham;  Niyong Diyos na sa aki'y nangalaga't pumatnubay  Simula sa pagkabata't magpahanggang ngayon pa man. " 
 48:16 "At pati na yaong anghel na sa akin ay nagligtas,  Pagpalain nawa kayo, tanggapin ang kanyang basbas;  Ang ngalan ko, at ang ngalan ni Abraham at ni Isaac,  Maingatan nawa ninyo at taglayin oras-oras.  Nawa kayo ay lumago, dumami at lumaganap.' " 
 48:17 Nang makita ni Jose ang ginawa ng kanyang ama, hinawakan niya ang kanang kamay nito upang ilipat sa ulo ni Manases. 
 48:18 "Wika niya, 'Ito po ang matanda, ama. Sa kanya ninyo ipatong ang inyong kanang kamay.' " 
 48:19 "Ngunit sinabi ni Jacob, 'Alam ko iyan, anak, alam ko. Alam kong magiging dakila si Manases, pati ang kanyang mga anak, ngunit lalong magiging dakila ang nakababata niyang kapatid. Ang kanyang lahi ay magiging dakilang mga bansa.' " 
 48:20 "Sinabi pa niya ito:  'Yaong mga Israelita, sa Diyos ang hihilingin,  Yamang kayo'y pinagpala, sila ma'y pagpalain din.  Sa kanilang kahilingan, ganito ang sasabihin:  'Kayo nawa ay matulad kay Efraim at Manases.'' Iyan ang nangyari kung paano nauna si Efraim kay Manases. " 
 48:21 "Pagkatapos nito, sinabi ni Israel, 'Jose, ako'y mamamatay na ngunit huwag kang mababahala. Sasaiyo ang Diyos at kayo'y ibabalik niya sa lupain ng inyong mga ninuno." 
 48:22 "Ikaw ang tanging magmamana ng Siquem na natamo ko sa pakikipagbaka laban sa mga Amorreo.'" 
 49:1 ( Ang Hula ni Jacob sa Kanyang mga Anak ) "Ipinatawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi, 'Lumapit kayo sa akin, at sasabihin ko sa inyo ang inyong hinaharap: " 
 49:2 '"Kayo mga anak, magsilapit sa akin,  Akong inyong ama ay sumandaling dinggin. " 
 49:3 '"Si Ruben ang aking panganay na anak,  Sa lahat kong supling ay pinakamalakas;  Mapusok ang loob, baha ang katulad, " 
 49:4 Ang bawat madaanan ay nananambulat.  Sa kabila nito'y hindi ka sisikat,  Hindi mangunguna, hindi matatanyag;  Pagkat ang ama mo ay iyong hinamak,  Dangal ng asawa ay iyong winasak. 
 49:5 '"Kayong magkapatid na Simeon at Levi,  Ang sandata ninyo'y ipinanduduhagi; " 
 49:6 Sa usapan ninyo'y di ako sasali,  Sa inyong gawain, hindi babahagi.  Kapag nagagalit agad pumapatay,  Lumpo pati hayop kung makatuwaan. 
 49:7 Kayo'y susumpain, sa bangis at galit  Sa ugali ninyo na mapagmalabis;  Kayo'y mangangalat sa buong lupain,  Sa buong Israel ay pangangalatin. 
 49:8 '"Ikaw naman, Juda, ay papupurihan  Niyong mga anak ng Ina mong mahal,  Hawak mo sa leeg ang iyong kaaway,  Lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang. " 
 49:9 Mabangis na leon, ang iyong larawan,  Muling nagkukubli matapos pumatay;  Ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay,  Walang mangangahas lumapit sinuman. 
 49:10 Hawak niya'y setrong tuon sa paanan,  Sagisag ng lakas at kapangyarihan;  Ito'y tataglayin hanggang sa dumatal  Ang tunay na Haring dito'y magtatangan. 
 49:11 Yaong batang asno'y doon natatali,  Sa puno ng ubas na tanging pinili;  Sa alak ng ubas na lubhang matapang,  Mga damit niya'y doon nilalabhan. 
 49:12 Mata'y namumula dahilan sa alak,  Ngipi'y pumuputi sa inuming gatas. 
 49:13 '"Sa baybaying-dagat doon ka, Zabulon,  Ang sasakyang-dagat sa iyo kakanlong;  Ang iyong lupai'y aabot sa Sidon. " 
 49:14 '"Malakas na asno, gayon ka, Isacar,  Ngunit sa kulungan ka maglulumagak. " 
 49:15 Nang kanyang makita yaong pahingaha't  Ang lupain doo'y tunay na mainam,  Tiniis na niyang makuba sa pasan,  Napaalipin na kahit mahirapan. 
 49:16 '"Si Dan ay magiging isang pangunahin,  Katulad ng ibang puno ng Israel. " 
 49:17 Ahas na mabagsik sa tabi ng daan,  Na handang tuklawin kabayong daratal;  Upang maihulog yaong taong sakay. 
 49:18 '"Sa pagliligtas mo, O Diyos, maghihintay. " 
 49:19 '"Haharangin si Gad ng mga tulisan,  Lalabanan niya at magtatakbuhan. " 
 49:20 '"Ang bukid ni Aser ay pag-aanihan  Ng mga pagkain ng taong marangal. " 
 49:21 '"Si Neftali naman ay tulad ng usa,  Malaya't ang dalang balita'y  maganda. " 
 49:22 '"Si Jose ay asno ang nakakaparis  Mailap na asno sa tabi ng batis;  Kabayong mailap sa may bundok-libis. " 
 49:23 Mga mangangaso ang nagpapahirap,  Hinahabol siya ng palaso't sibat; 
 49:24 Subalit nawasak ang kanilang busog,  Matipunong bisig ay nanghinang lubos;  Ang dahilan nito'y ang Diyos ni Jacob,  Pastol ng Israel, matibay na muog. 
 49:25 Diyos ng iyong ama'y siyang sasaklolo,  Ang Dakilang Diyos magbabasbas sa 'yo.  Magbuhat sa langit, bubuhos ang ulan,  Malalim na tubig sa lupa'y bubukal;  Dibdib na malusog, pati bahay-bata'y  Pagpapalain di't kanyang babasbasan. 
 49:26 Darami ang ani, bulaklak gayon din,  Maalamat na bundok ay pagpapalain;  Pati mga burol magkakamit-aliw.  Pagpapalang ito nawa ay makamit  Ni Joseng nawalay sa mga kapatid. 
 49:27 '"Tulad ni Benjami'y lobong pumapatay,  Sumisila ito ng inaalmusal.  Kung gabi, ang huli'y pinaghahatian.' " 
 49:28 Ito ang labindalawang anak ni Israel, at gayon sila pinagpala ng kanilang ama ayon sa magiging hinaharap nila. ( Namatay at Inilibing si Jacob ) 
 49:29 "Pagkatapos, sinabi ni Jacob sa kanyang mga anak, 'Ngayo'y papanaw na ako upang mapisan sa mga kasamang namayapa na. Doon ninyo ako ililibing sa pinaglibingan sa aking mga magulang, sa yungib sa tapat ng bukid ni Efrong Heteo." 
 49:30 Ang libingang iyo'y nasa silangan ng Mamre, sa may Canaan. Binili iyon ni Abraham, 
 49:31 at doon siya inilibing pati ang kanyang asawang si Sara. Doon din inilibing ang mag-asawang Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea. 
 49:32 "Ang bukid at yungib na iyo'y binili nga sa mga Heteo.'" 
 49:33 Matapos masabi ang lahat ng ito, siya ay nalagutan ng hininga. 
 50:1 Niyakap ni Jose ang kanyang ama at umiiyak na hinagkan. 
 50:2 Pagkatapos, inutusan niya ang kanyang mga manggagamot na embalsamuhin ang bangkay. 
 50:3 Ayon sa kaugalian ng mga Egipcio, apatnapung araw ang ginugol nila sa paggawa nito. Pitumpung araw na nagluksa ang bansang Egipto. 
 50:4 "Pagkatapos ng pagluluksa, sinabi ni Jose sa mga kagawad ng Faraon, 'Pakisabi nga ninyo sa Faraon na" 
 50:5 "hiniling ng aking ama bago namatay na doon ko siya ilibing sa libingan na kanyang inihanda sa Canaan. At aking naipangakong susundin ko ang kanyang bilin. Kaya, humihingi ako ng pahintulot na dalhin ko roon ang kanyang bangkay at babalik agad ako pagkatapos.' " 
 50:6 "Sumagot ang Faraon, 'Lumakad ka na at ilibing mo siya ayon sa iyong pangako sa kanya.' " 
 50:7 Sumama kay Jose para makipaglibing ang lahat ng kagawad ng Faraon, ang mga may matataas na katungkulan sa palasyo at ang mga kilalang mamamayan sa buong Egipto. 
 50:8 Kasama rin ni Jose ang kanyang mga kapatid at ang buong sambahayan ng kanyang ama. Ang naiwan lamang sa Gosen ay ang maliliit na bata, mga kawan ng tupa, kambing at baka. 
 50:9 May mga nangangabayo, may mga sakay sa karwahe---anupat napakarami nila. 
 50:10 Pagsapit nila sa giikan sa Atad, sa silangan ng Ilog Jordan, huminto muna sila. Nagdaos sila roon ng luksang-parangal sa yumao, at pitong araw na nagdalamhati roon si Jose. 
 50:11 "Nasaksihan ng mga taga-Canaan ang ginawang pagpaparangal na ito, kaya't nasabi nila, 'Ganito palang magluksa ang mga taga-Egipto!' Dahil dito'y tinawag na Abelmizraim ang dakong iyon. " 
 50:12 Sinunod nga ng mga anak ni Jacob ang hiling ng kanilang ama. 
 50:13 Dinala nila sa Canaan ang bangkay at doon inilibing sa yungib na nasa parang na binili kay Efron. 
 50:14 Matapos ilibing ang ama, si Jose'y nagbalik sa Egipto, kasama ang kanyang mga kapatid at lahat ng kasama sa paglilibing. ( Binigyan ni Jose ng Kapanatagan ang mga Kapatid ) 
 50:15 "Mula nang mamatay ang kanilang ama, nag-alala na ang mga kapatid ni Jose. Sabi nila, 'Paano kung galit pa sa atin si Jose at gantihan tayo sa kalupitang ginawa natin sa kanya?'" 
 50:16 "Nagpasugo sila kay Jose at ipinasabi ang ganito: 'Bago namatay ang ating ama, ipinagbilin niya na sabihin ito sa iyo:" 
 50:17 "'Nakikiusap ako na patawarin mo na ang iyong mga kapatid sa ginawa nila sa iyo.' Kaya naman ngayon, namamanhik kami sa iyo na patawarin mo na kami alang-alang sa Diyos ng ating ama.' Napaiyak si Jose nang marinig ito. " 
 50:18 "Lumapit na lahat ang kanyang mga kapatid at yumuko sa harapan niya. 'Kami'y mga alipin mo,' wika nila. " 
 50:19 "Ngunit sinabi ni Jose, 'Huwag kayong matakot, hindi ko kayo paghihigantihan!" 
 50:20 Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami. 
 50:21 "Kaya, huwag na kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo at sa inyong mga anak.' Pagkarinig nito, napanatag ang kanilang kalooban. ( Ang Pagkamatay ni Jose )" 
 50:22 Nanatili nga si Jose sa Egipto kasama ang kanyang mga kapatid. Umabot siya ng 110 taon bago namatay. 
 50:23 Inabot pa siya ng mga apo ni Efraim, gayon din ng mga apo niya kay Maquir na anak ni Manases. Ang mga ito'y kinalong pa niya nang isilang. 
 50:24 "Sinabi niya sa kanyang mga kapatid, 'Malapit na akong mamatay, ngunit huwag kayong mag-alala. Iingatan kayo ng Diyos at ibabalik sa lupaing ipinangako niya kina Abraham, Isaac at Jacob.'" 
 50:25 "Pagkatapos, ipinagbilin niya sa mga anak ni Israel ang gagawin sa kanyang bangkay. Wika niya, 'Isumpa ninyo sa akin na pag kayo'y nilingap na ng Diyos at inialis sa lupaing ito, dadalhin ninyo ang aking mga buto.'" 
 50:26 Namatay nga si Jose sa gulang na 110 taon. Siya'y inembalsamo sa Egipto at inilagay sa isang kabaong. 

다음검색
현재 게시글 추가 기능 열기

댓글

댓글 리스트
맨위로

카페 검색

카페 검색어 입력폼