CAFE

Tagalog 성경

02. Exodo (출애굽기)

작성자드림|작성시간12.01.07|조회수1,189 목록 댓글 0

02. Exodo

 

 1:1 ( Ang Pang-aapi sa mga Israelita ) Ito ang mga anak ni Jacob na kasama niyang pumunta sa Egipto, pati ng kani-kanilang sambahayan: 
 1:2 sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, 
 1:3 Isacar, Zabulon, Benjamin, 
 1:4 Dan, Neftali, Gad at Aser; 
 1:5 sila'y pitumpung lahat. Si Jose ay malaon nang nasa Egipto. 
 1:6 At namatay si Jose, ang kanyang mga kapatid at ang kanilang salinlahi. 
 1:7 Ngunit mabilis ang pagdami ng mga Israelita kaya't sila'y naging makapangyarihan at nalaganapan nila ang buong lupain. 
 1:8 Lumipas ang panahon at ang Egipto'y nagkaroon ng ibang hari na walang anumang alam tungkol kay Jose. 
 1:9 "Sinabi niya sa kanyang mga kababayan, 'Nanganganib tayo sa mga Israelita. Sila'y patuloy na dumarami at lumalakas pa kaysa atin." 
 1:10 "Kailangang gumawa tayo ng paraan para mapigil ang kanilang pagdami. Baka tayo salakayin ng ating mga kaaway at umanib pa sila sa mga ito at pagkatapos ay umalis sa ating lupain.'" 
 1:11 Kaya't naglagay sila ng mababagsik na tagapangasiwa upang pahirapan ang mga Israelita; ipinagawa ng Faraon sa mga ito ang mga Lunsod ng Pitom at Rameses, lunsod na tinggalan ng mga pagkain at kagamitan. 
 1:12 Ngunit habang sinisikil, lalo namang dumarami at lumalaganap ang mga Israelita kaya't sila'y kinapootan at kinatakutan ng mga Egipcio. 
 1:13 Dahil dito, ang mga Israelita'y lalong sinikil 
 1:14 at pinahirapan ng mga Egipcio sa paggawa ng tisa at ng iba't ibang mabibigat na gawaing bukid. 
 1:15 Isang araw, ipinatawag ng Faraon sina Sifra at Pua, ang mga hilot na nagpapaanak sa mga Hebrea, at tinagubilinan ng ganito: 
 1:16 '"Sa pagpapaanak ninyo sa mga Hebrea, kung lalaki ang bata, patayin ninyo!'" 
 1:17 Ngunit dahil sa takot nila sa Diyos, hindi sinunod ng mga hilot ang utos ng hari; hindi nila pinatay ang mga sanggol na lalaki. 
 1:18 "Dahil dito'y ipinatawag sila ng hari at tinanong, 'Bakit hindi ninyo pinatay ang mga sanggol na lalaking isinisilang ng mga Hebrea?' " 
 1:19 '"Mangyari po, iba ang mga Hebrea sa mga Egipcia. Madali po silang manganak kaya nakalabas na ang bata kung datnan namin,' sagot nila." 
 1:20 At hindi napigil ang pagdami ng mga Israelita. Ang mga hilot naman ay kinalugdan ng Diyos. 
 1:21 Pinagkalooban niya sila ng sariling sambahayan. 
 1:22 Iniutos naman ng Faraon sa mga Egipcio na itapon sa Ilog Nilo ang lahat ng lalaking isisilang ng mga Hebrea at bayaan lamang mabuhay ang mga babae. 
 2:1 ( Ang Pagliligtas kay Moises ) May mag-asawang buhat sa lipi ni Levi 
 2:2 na nagkaanak ng lalaki. Napakaganda ng bata kaya't tatlong buwang itinago ng ina. 
 2:3 Nang hindi na ito maaaring itago pa, kumuha siya ng isang basket na yari sa tangkay ng tambo at pinahiran ng alkitran. Pagkatapos, isinilid niya rito ang bata at inilagay sa talahiban sa gilid ng ilog. 
 2:4 Ang ate naman ng bata ay lumagay sa di kalayuan upang tingnan kung ano ang mangyayari. 
 2:5 Maliligo noon sa ilog ang anak na babae ng Faraon. Natanaw niya ang basket kaya't ito'y ipinakuha sa kanyang katulong na naglalakad-lakad naman sa tabing ilog. 
 2:6 "Nang maiabot sa kanya ang basket, inalis niya ang takip nito at nakita ang batang umiiyak. Naawa siya at kanyang nasabi, 'Ito'y anak ng isang Hebrea.' " 
 2:7 "Ang kapatid naman ng bata ay lumapit sa prinsesa at kanyang sinabi, 'Kung ibig po ninyo, ihahanap ko kayo ng isang Hebreang mag-aalaga sa batang iyan.' " 
 2:8 '"Sige, ihanap mo ako,' sagot ng prinsesa. Umalis ang batang babae at tinawag ang kanyang ina." 
 2:9 "Nang dumating ito, sinabi ng prinsesa, 'Alagaan mo ang batang ito at uupahan kita.' Kinuha ng ina ang bata at inalagaan." 
 2:10 "Nang malaki na ang bata, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa, at siya'y itinuring na anak nito. Sinabi niya, 'Napulot ko siya sa tubig, kaya Moises ang ipapangalan ko sa kanya.' ( Tumakas si Moises )" 
 2:11 Nang binata na si Moises, dinalaw niya ang kanyang mga kababayan at nakita ang hirap na tinitiis ng mga ito dahil sa mabibigat na gawain. Nakita pa niyang sinasaktan ng isang Egipcio ang isang Hebreo. 
 2:12 Luminga-linga siya. Nang walang makitang tao, pinatay niya ang Egipcio at ibinaon sa buhangin. 
 2:13 "Nagbalik siya kinabukasan at may nakita siyang dalawang Hebreong nag-aaway. Tinanong niya ang may kasalanan, 'Bakit mo sinasaktan ang kapwa mo Hebreo?' " 
 2:14 '"Sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang mangasiwa at humatol sa amin? Papatayin mo rin ba ako, tulad ng ginawa mo sa Egipcio?' ganting tanong nito sa kanya. Natakot si Moises nang marinig niya ito at noon niya nalaman na may nakakita pala sa ginawa niya sa Egipcio." 
 2:15 Nakarating ang balita kay Faraon kaya ibig niyang ipapatay si Moises, ngunit ito'y nakatakas at nakarating sa Madian. Pagdating sa Madian, naupo siya sa tabi ng isang balon. 
 2:16 Dumating naman ang pitong anak na babae ng saserdote roon upang sumalok ng tubig at painumin ang kawan ng kanilang ama. 
 2:17 Ngunit may dumating na mga pastol at binulabog ang mga tupa. Nakita ni Moises ang pangyayari kaya sinaklolohan niya ang mga babae at tinulungang magpainom sa kawan. 
 2:18 "Maagang nakauwi ang mga babae, kaya tinanong sila ng ama nilang si Reuel, 'Bakit maaga kayo ngayon?' " 
 2:19 '"Mangyari po, ipinagtanggol kami ng isang Egipcio laban sa mga pastol. Isinalok niya kami ng tubig at pagkatapos pinainom pa niya ang kawan,' sagot nila. " 
 2:20 '"Nasaan siya? Bakit di ninyo isinama rito at nang makasalo natin sa pagkain?' sunud-sunod na tanong ng ama. At ipinatawag nga niya si Moises." 
 2:21 Mula noon, doon na nanirahan si Moises at napangasawa niya tuloy si Zipora na anak ni Reuel. 
 2:22 "Dumating ang araw na si Zipora'y nanganak ng isang lalaki. Gersom ang ipinangalan sa kanya ni Moises sapagkat aniya, 'Ako'y dayuhan dito.' " 
 2:23 Pagkalipas ng mahabang panahon, namatay ang Faraon ngunit inalipin pa rin ng mga Egipcio ang mga Israelita. Kaya't dumaraing sila sa tindi ng hirap. 
 2:24 Narinig ng Diyos ang kanilang daing at naalaala niya ang kanyang Tipan kina Abraham, Isaac at Jacob. 
 2:25 Nakita niya ang kalagayan ng mga Israelita at siya'y nahabag sa kanila. 
 3:1 ( Ang Pagkatawag kay Moises ) Samantala, mula nang tumira si Moises sa Madian, siya na ang nag-aalaga sa kawan ng biyenan niyang si Jetro. Minsan, itinaboy niya ang kawan pabagtas ng disyerto at nakarating siya sa Horeb, sa Bundok ng Diyos. 
 3:2 Doon, ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kanya, parang ningas sa gitna ng isang mababang punongkahoy. Kitang-kita ni Moises na nagliliyab ito ngunit hindi nasusunog. 
 3:3 "Kaya't nasabi niya sa kanyang sarili, 'Kataka-taka ito! Tingnan ko ngang mabuti kung bakit di nasusunog gayong nagliliyab.' " 
 3:4 "Nang lalapit na si Moises, tinawag siya ni Yahweh buhat sa nagliliyab na punongkahoy, 'Moises, Moises.' 'Ano po iyon?' sagot niya. " 
 3:5 "Sinabi ng Diyos, 'Huwag kang lumapit. Hubarin mo ang iyong sandalyas sapagkat banal na dako ang kinatatayuan mo." 
 3:6 "Ako ang Diyos ng iyong mga magulang---nina Abraham, Isaac at Jacob.' Tinakpan ni Moises ang kanyang mukha pagkat natatakot siyang tumingin sa Diyos. " 
 3:7 "Sinabi sa kanya ni Yahweh, 'Nakita kong labis na pinahihirapan ng mga Egipcio ang aking bayan. Alam ko ang hirap nilang tinitiis at narinig ko ang kanilang daing." 
 3:8 Kaya, bumaba ako upang sila'y iligtas, ialis sa Egipto at ihatid sa lupaing mayaman, malawak at sagana sa lahat ng bagay. Ito'y ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amorreo, Perezeo, Heveo at Jebuseo. 
 3:9 Naririnig ko nga ang daing ng aking bayan at alam ko ang pang-aaping ginagawa sa kanila ng mga Egipcio. 
 3:10 "Kaya, papupuntahin kita sa Faraon upang ilabas mo sa Egipto ang aking bayan.' " 
 3:11 "Sumagot si Moises, 'Sino po akong haharap sa Faraon at maglalabas ng bayang Israel mula sa Egipto?' " 
 3:12 '"Huwag kang mag-alaala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang aking bayan,' sabi ni Yahweh. " 
 3:13 "Sinabi ni Moises, 'Pupunta ako sa mga Israelita at sasabihin sa kanilang ako'y sinugo ng Diyos ng aming ninuno. Ngunit ano po ang sasabihin ko kung itanong nila kung sino ang nagsugo sa akin?' " 
 3:14 "Sinabi ng Diyos, 'Ako'y si Ako Nga. Sabihin mong sinugo ka ni Ako Nga," 
 3:15 ni Yahweh, ng Diyos ng inyong mga ninuno, ng Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin magpakailanman. 
 3:16 Lumakad ka na at tipunin mo ang mga lider ng Israel. Sabihin mo sa kanilang napakita ako sa iyo, akong si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, nina Abraham, Isaac at Jacob. Sabihin mong ako'y bumaba at nakita ko ang ginagawa sa kanila ng mga Egipcio. 
 3:17 Dahil dito, iaalis ko sila sa bansang iyon na nagpapahirap sa kanila. Dadalhin ko sila sa mayaman at masaganang lupain ng mga Cananeo, ng mga Heteo, ng mga Amorreo, ng mga Perezeo, ng mga Heveo at ng mga Jebuseo. 
 3:18 Pakikinggan ka nila. Pagkatapos, isama mo ang mga lider at pumunta kayo sa Faraon. Sabihin mong akong si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo, ay napakita sa iyo at kayo'y maglalakbay ng tatlong araw papunta sa ilang, upang maghandog sa akin. 
 3:19 Alam kong hindi siya papayag hangga't hindi siya dinadaan sa dahas. 
 3:20 "Kaya, ipadadama ko sa kanila ang bigat ng aking kamay; parurusahan ko ang buong Egipto sa pamamagitan ng mga kababalaghan. Pagkaraan noon, papayagan na niya kayong umalis.' " 
 3:21 "Idinugtong pa ng Diyos, 'Pagagaanin ko sa inyo ang loob ng mga Egipcio upang may madala kayo pag-alis." 
 3:22 "Lahat ng babae ay manghihingi ng damit, alahas na ginto o pilak sa kanilang mga kapitbahay at sinumang babaing nandoroon. Ipasusuot ninyo ang mga ito sa inyong mga anak. Sa ganitong paraan masasamsam ang ari-arian ng mga Egipcio.'" 
 4:1 ( Binigyan ng Diyos ng Kapangyarihan si Moises ) "Itinanong ni Moises, 'Anong gagawin ko kung hindi makinig sa akin ang mga Israelita at hindi maniwalang napakita kayo sa akin?' " 
 4:2 '"Ano iyang tangan mo?' ganting tanong sa kanya ni Yahweh. 'Tungkod po,' sagot ni Moises. " 
 4:3 '"Bitiwan mo!' utos ni Yahweh. Binitiwan nga ni Moises at ito'y naging ahas pagsayad sa lupa, kaya't siya'y napaurong." 
 4:4 "Sinabi sa kanya ni Yahweh, 'Hawakan mo sa buntot ang ahas.' Hinawakan nga ni Moises at ito'y naging tungkod uli." 
 4:5 '"Ganyan ang gagawin mo para maniwala silang napakita ako sa iyo, ang Diyos ng inyong mga ninuno, nina Abraham, Isaac at Jacob,' sabi ni Yahweh. " 
 4:6 '"Ipaloob mo ang iyong kamay sa damit mo, sa tapat ng iyong dibdib,' sabi pa ni Yahweh. Gayon nga ang ginawa ni Moises at nang ilabas niya, ito'y lipos ng ketong." 
 4:7 '"Ipaloob mo uli,' utos ni Yahweh at sumunod naman si Moises. Nang ilabas niya uli ang kanyang kamay, wala nang ketong." 
 4:8 "Sinabi ng Diyos, 'Kung ayaw ka pa nilang paniwalaan sa unang kababalaghan, malamang na paniniwalaan ka na nila sa ikalawa." 
 4:9 "Kung ayaw pa rin nilang makinig sa iyo, kumuha ka ng tubig sa Ilog Nilo, ibuhos mo sa lupa at ang tubig na iyon ay magiging dugo.' " 
 4:10 "Sinabi ni Moises, 'Panginoon, sa mula't mula pa'y hindi po ako mahusay magsalita. Makapal po ang aking dila. Heto nga't pautal-utal akong magsalita.' " 
 4:11 "Sinabi ni Yahweh, 'Sino ba ang gumagawa sa bibig ng tao? Sino ang may kapangyarihan para maging bingi o pipi ang isang tao? At sino rin ba ang nagbibigay ng paningin at may kapangyarihang bumulag? Hindi ba akong si Yahweh?" 
 4:12 "Kaya nga, lumakad ka na't tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo ang iyong sasabihin.' " 
 4:13 '"Yahweh, isinasamo ko pong iba na ang inyong suguin,' sagot ni Moises. " 
 4:14 "Dahil dito, nagalit si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, 'Hindi ba kapatid mo ang Levitang si Aaron? Alam kong mahusay siyang magsalita. Darating na siya at makikipagkita sa iyo; matutuwa siya sa pagkikita ninyo." 
 4:15 Kausapin mo siya at sabihin mo ang dapat niyang sabihin. Tutulungan ko kayo sa pagsasalita at ituturo ko sa inyo ang inyong dapat gawin. 
 4:16 Siya ang magiging tagapagsalita mo sa mga tao at ikaw ang magiging parang Diyos na magsasabi sa kanya kung ano ang sasabihin niya. 
 4:17 "Dalhin mo ang iyong tungkod pagkat iyan ang gagamitin mo sa paggawa ng kababalaghan.' ( Ang Pagbabalik sa Egipto )" 
 4:18 "Umuwi si Moises upang magpaalam sa biyenan niyang si Jetro. Sinabi niya, 'Babalik po ako sa Egipto. Dadalawin ko po ang aking mga kamag-anak doon para malaman ko naman kung buhay pa sila.' Pumayag naman si Jetro. " 
 4:19 "Matapos magpaalam, sinabi sa kanya ni Yahweh, 'Moises, magbalik ka na sa Egipto sapagkat wala nang lahat ang mga taong ibig pumatay sa iyo.'" 
 4:20 Kaya, isinakay niya sa asno ang kanyang asawa't mga anak at naglakbay sila patungong Egipto; dala niya ang kanyang tungkod. 
 4:21 "Sinabi sa kanya ni Yahweh, 'Pagdating mo sa Egipto, gagawa ka ng kababalaghan sa harapan ng Faraon. Ngunit pagmamatigasin ko siya upang hindi niya payagang umalis ang mga tao." 
 4:22 Kung magkagayon, ganito ang sabihin mo sa kanya: 'Ipinasasabi ni Yahweh, Ang Israel ay aking anak na panganay. 
 4:23 "Payagan mo siyang umalis para sumamba sa akin. Kapag hindi mo pinayagan, papatayin ko ang iyong panganay.'' " 
 4:24 Isang gabi, samantalang namamahinga sina Moises, nilapitan siya ni Yahweh at tangkang papatayin. 
 4:25 "Kaya't si Zipora'y kumuha ng isang matalim na bato at tinuli ang kanyang anak. Pagkatapos, ipinahid niya kay Moises ang pinagtulian, saka sinabi, 'Ngayo'y kasal ka na sa akin sa pamamagitan ng dugo.'" 
 4:26 "Dahil dito, niloob ni Yahweh na mabuhay pa si Moises. Kaya, sinabi ni Zipora: 'Nakasal kami sa pamamagitan ng dugo ng pagtutuli.' " 
 4:27 "Samantala, sinabi ni Yahweh kay Aaron, 'Salubungin mo sa ilang si Moises.' Sinalubong nga niya si Moises sa Bundok ng Diyos at hinagkan nang sila'y magkita." 
 4:28 Sinabi ni Moises kay Aaron ang lahat ng sinabi sa kanya ni Yahweh, pati ang mga kababalaghang ipinagagawa sa kanya. 
 4:29 At magkasama silang lumakad upang tipunin ang mga lider ng Israel. 
 4:30 Lahat ng sinabi ni Yahweh kay Moises ay sinabi ni Aaron sa kanila. Pagkatapos, gumawa si Moises ng kababalaghan sa harapan nila 
 4:31 at naniwala sa kanila ang buong bayan. Nang marinig nilang sila'y dinalaw ni Yahweh at hindi lingid dito ang pang-aaping ginagawa sa kanila ng mga Egipcio, yumukod sila at sumamba kay Yahweh. 
 5:1 ( Si Moises at si Aaron sa Harapan ng Faraon ) "Pagkalipas ng ilang araw, nagpunta sa Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi nila, 'Ipinasasabi ni Yahweh, ng Diyos ng Israel, na payagan ninyong pumunta sa ilang ang kanyang bayan upang magpista bilang parangal sa kanya.' " 
 5:2 '"Sinong Yahweh? Sino siyang mag-uutos sa akin na payagan kong umalis ang mga Israelita? Wala akong kilalang Yahweh. Hindi! Hindi ako papayag umalis ang mga Israelita,' sagot ng Faraon. " 
 5:3 "Sinabi nila, 'Napakita po sa amin ang aming Diyos kaya isinasamo naming payagan na ninyo kaming maglakbay nang tatlong araw papunta sa ilang upang maghandog kay Yahweh na aming Diyos. Kung hindi, lilipulin niya kami sa sakit, o sa digmaan.' " 
 5:4 '"At bakit ninyo aaksayahin doon ang inyong panahon? Sige, bumalik kayo sa inyong trabaho." 
 5:5 "Mas marami na nga ang mga Hebreo kaysa mga Egipcio ay ibig pa ninyong tumigil sa pagtatrabaho?' sabi sa kanila ng Faraon. " 
 5:6 Nang araw ring yaon, ipinatawag ng Faraon ang mga tagapangasiwang Egipcio at ang mga kapatas na Israelita. Sinabi niya, 
 5:7 '"Huwag na ninyo silang bibigyan ng dayaming gamit sa paggawa ng tisa. Hayaan ninyong sila ang manguha ng gagamitin nila." 
 5:8 At ang dami ng gagawin nila ay tulad din ng dati, huwag babawasan kahit isa. Natatamad lang ang mga iyan kaya nagpapaalam na maghandog sa kanilang Diyos. 
 5:9 "Damihan ninyong lalo ang kanilang gawain at lalo silang higpitan sa pagtatrabaho para hindi na makapakinig ng kung anu-anong kalokohan.' " 
 5:10 "Pagkasalita ng Faraon, lumakad ang mga tagapangasiwang Egipcio at ang mga kapatas. Sinabi nila sa mga tao, 'Ipinasasabi ng Faraon na hindi na kayo bibigyan ng dayami." 
 5:11 "Kayo na ang bahalang manguha ng kailangan ninyo kung saan mayroon, at ang tisang gagawin ninyo araw-araw ay sindami rin ng dati.'" 
 5:12 Nagalugad ng mga tao ang buong Egipto sa paghahanap ng dayami. 
 5:13 Sila'y inaapura ng mga tagapangasiwa at pilit na pinagagawa ng tisang sindami rin noong sila'y binibigyan pa ng dayami. 
 5:14 "Kapag kulang ang kanilang nagawa, ang mga kapatas na Israelita ay binubugbog ng mga tagapangasiwa, at tinatanong: 'Bakit kakaunti ang nayari ninyo ngayon?' " 
 5:15 "Dahil dito, dumaing sa Faraon ang mga kapatas, 'Bakit po naman ninyo kami ginaganito?" 
 5:16 "Pinagagawa pa po kami ng tisa ngunit hindi na binibigyan ng dayami. At ngayon po'y binubugbog pa kami, gayong ang mga tauhan ninyo ang may pagkukulang!' " 
 5:17 "Sinabi ng Faraon, 'Mga batugan! Tinatamad lang kayo kaya ninyo hinihiling sa akin na payagan kayong maghandog sa inyong Panginoon." 
 5:18 "Hala, magbalik na kayo sa inyong gawain. Hindi kayo bibigyan ng dayami, at ang gagawin ninyong tisa ay sindami ng dati ninyong ginagawa.' " 
 5:19 Nakita ng mga kapatas ang hirap ng kanilang katayuan nang sabihin sa kanilang sindami rin ng dati ang kanilang gagawin. 
 5:20 Pag-uwi nila mula sa pakikipag-usap sa Faraon, nakita nila sa daan sina Moises at Aaron na naghihintay sa kanila. 
 5:21 "Sinabi nila sa dalawa, 'Parusahan sana kayo ni Yahweh. Dahil sa ginawa ninyong ito, nagalit sa amin ang Faraon at ang mga tauhan niya, kaya kami'y halos patayin nila sa hirap.' ( Nanalangin si Moises )" 
 5:22 "Kaya, nanalangin si Moises, 'Yahweh, bakit po ninyo hinahayaang magkaganito ang inyong bayan? Bakit pa ninyo ako sinugo kung ganito rin lamang ang mangyayari?" 
 5:23 "Mula nang makipag-usap ako sa Faraon ay inapi na nito ang inyong bayan, ngunit wala kayong ginagawa upang tulungan sila.'" 
 6:1 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Makikita mo ngayon kung ano ang gagawin ko sa Faraon. Hindi lamang siya mapipilitang pumayag na kayo'y umalis, itataboy pa niya kayo.' ( Inulit ang Pagsusugo kay Moises )" 
 6:2 "Sinabi ng Diyos kay Moises, 'Ako si Yahweh." 
 6:3 Napakita ako kina Abraham, Isaac at Jacob bilang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ngunit hindi ako napakilala sa kanila sa pangalang Yahweh. 
 6:4 Nakipagtipan ako sa kanila at aking ipinangako na ibibigay sa kanila ang Canaan, ang lupaing tinirhan nila noon bilang dayuhan. 
 6:5 Narinig ko ang daing ng bayang Israel na inaalipin ng mga Egipcio, at hindi ko nalilimutan ang tipan ko sa kanilang mga ninuno. 
 6:6 Kaya ito ang sabihin mo sa mga Israelita: 'Ako si Yahweh. Ililigtas ko kayo sa pagpapahirap ng mga Egipcio. Ipadadama ko sa kanila ang bigat ng aking kamay; parurusahan ko sila at kayo'y hahanguin ko sa pagkaalipin. 
 6:7 Aampunin ko kayong mga Israelita at ako ang magiging Diyos ninyo. At makikilala ninyong ako si Yahweh, ang inyong Diyos, ang nagligtas sa inyo sa pagpapahirap ng mga Egipcio. 
 6:8 "Dadalhin ko kayo sa lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac at Jacob at yao'y ibibigay ko sa inyo. Ako si Yahweh.''" 
 6:9 Sinabi ito ni Moises sa mga Israelita, ngunit ayaw na nilang maniwala pagkat dala na sila dahil sa matinding hirap nilang dinanas. 
 6:10 Pag-uusap nila uli, sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 6:11 '"Pumunta ka sa Faraon, at sabihin mong payagan nang umalis ang mga Israelita.' " 
 6:12 '"Kung ang mga Israelita ay ayaw makinig sa akin, ang Faraon pa kaya---lalo na't ako'y hindi mahusay magsalita?' sagot ni Moises. " 
 6:13 "Ngunit sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, 'Sabihin ninyo sa mga Israelita at sa Faraon na kayong dalawa ay inutusan ko upang ialis sa Egipto ang mga Israelita.' ( Ang Lahing Pinagmulan nina Moises at Aaron )" 
 6:14 Ito ang mga punong sambahayan ng lahing pinagmulan nina Moises at Aaron: ang kay Ruben na siyang panganay ni Israel ay sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi. 
 6:15 Ang kay Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul na anak ng isang Cananea. 
 6:16 Kay Levi naman ay sina Gerson, Coat at Merari. Si Levi ay nabuhay nang 137 taon. 
 6:17 Ang naging anak naman ni Gerson ay sina Libni at Seimei. 
 6:18 Ang kay Coat naman ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Ang itinagal ng buhay ni Coat ay 133 taon. 
 6:19 Naging anak ni Merari sina Mahali at Musi. Ito ang mga sambahayan sa lipi ni Levi. 
 6:20 Napangasawa ni Amram si Jocabed na kapatid ng kanyang ama at naging anak nila sina Aaron at Moises. Si Amram ay nabuhay nang 137 taon. 
 6:21 Naging anak ni Izar sina Core, Nefeg at Zicri. 
 6:22 Ang mga anak naman ni Uziel ay sina Misael, Elzafan at Sitri. 
 6:23 Napangasawa ni Aaron si Elisabet na kapatid ni Naason at anak ni Aminadab. Naging anak nila sina Nadab, Abiu, Eleazar at Itamar. 
 6:24 Ang mga anak ni Core ay sina Asir, Elcana at Abiasaf. Ito ang mga sambahayan sa lipi ni Core. 
 6:25 Napangasawa ni Eleazar na anak ni Aaron, ang isang anak ni Futiel at naging anak nila si Finees. Ito ang mga puno ng sambahayan ng mga Levita ayon sa kani-kanilang lipi. 
 6:26 Ang Aaron at Moises na ito ang inutusan ni Yahweh na sa pag-alis ng Israel sa Egipto ay ihanda ang buong bayan sa pakikilaban. 
 6:27 Sila ang nagsa- bi sa Faraon na palayain ang mga Israe- lita. ( Inutusan sina Moises at Aaron ) 
 6:28 Nang si Moises ay kausapin ni Yahweh sa Egipto, 
 6:29 "ganito ang sinabi sa kanya: 'Ako si Yahweh. Sabihin mo sa Faraon, sa hari ng Egipto, ang lahat ng sinabi ko sa iyo.' " 
 6:30 '"Paano ako pakikinggan ng Faraon gayong hindi ako mahusay magsalita?' sagot ni Moises." 
 7:1 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Gagawin kitang parang Diyos sa harapan ng Faraon, at ang kapatid mong si Aaron ang magiging tagapagsalita mo." 
 7:2 Lahat ng sabihin ko sa iyo ay sasabihin mo kay Aaron; siya naman ang magsasabi sa Faraon na payagan na kayong umalis ng Egipto. 
 7:3 Ngunit pagmamatigasin ko ang Faraon, at gumawa man ako ng maraming kababalaghan sa Egipto 
 7:4 ay hindi siya makikinig sa iyo. Kung magkagayon ipadarama ko sa kanila ang bigat ng aking kamay. Parurusahan ko ang buong Egipto at ilalabas ko mula roon ang aking mga hukbo, ang aking bayan, ang mga Israelita. 
 7:5 "Makikilala ng mga Egipcio na ako si Yahweh kapag natikman nila ang bigat ng aking kamay at inilabas ko na sa Egipto ang mga Israelita.'" 
 7:6 At ginawa nina Moises at Aaron ang lahat ng iniutos ni Yahweh. 
 7:7 Walumpung taon si Moises at walumpu't tatlo naman si Aaron nang makipag-usap sila sa Faraon. ( Ang Tungkod ni Aaron ) 
 7:8 Sinabi pa ni Yahweh kina Moises at Aaron, 
 7:9 '"Kapag sinabi sa inyo ng Faraon na magpakita kayo ng kababalaghan bilang katunayan ng pagkasugo ko sa inyo, sabihin mo kay Aaron na ihagis ang kanyang tungkod sa harapan ng Faraon at iyo'y magiging ahas.'" 
 7:10 Nagpunta nga sila sa Faraon tulad ng sinabi ni Yahweh. Pagdating doon, inihagis ni Aaron ang kanyang tungkod sa harapan ng Faraon at ng mga tauhan nito. At naging ahas nga ang tungkod. 
 7:11 Nang magkagayon ipinatawag ng Faraon ang mga paham at mga salamangkero at ipinagaya ang ginawa ni Aaron. 
 7:12 Inihagis nila sa lupa ang kanilang mga tungkod at naging ahas din, ngunit ang mga ito'y nilulon ng tungkod ni Aaron. 
 7:13 Gayunma'y nagmatigas pa rin ang Faraon at hindi nakinig kina Moises at Aaron, gaya ng ipinagpauna ni Yahweh. ( Naging Dugo ang Tubig ) 
 7:14 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Nagmamatigas ang Faraon. Ayaw pa ring paalisin ang mga Israelita." 
 7:15 Kaya, bukas ng umaga, dalhin mo ang tungkod na naging ahas, at hintayin mo ang Faraon pagpunta niya sa tabing ilog. 
 7:16 Sabihin mong pinapunta ka ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo at ipinasasabing payagan na niya ang mga Israelitang sumamba sa akin sa ilang. Sabihin mo ring dahil sa hindi niya pagsunod sa akin, kaya 
 7:17 ipinasasabi kong ako'y tiyak na kikilalanin niya sa pamamagitan nitong ipinagagawa ko sa iyo. Pagkasabi mo nito, ihampas mo sa Ilog Nilo ang tungkod na ito at magiging dugo ang tubig 
 7:18 "at mamamatay ang mga isda. Dahil dito, babaho ang ilog at hindi maiinom ng mga Egipcio ang tubig nito.' " 
 7:19 "Idinugtong pa ni Yahweh, 'Pagkatapos, sabihin mo kay Aaron na itaas ang kanyang tungkod at sumpain ang lahat ng tubig sa Egipto. Ang lahat ng tubig sa mga ilog, kanal at lawa ay magiging dugo, pati ang nasa mga batya at tapayan.' " 
 7:20 Ginawa nina Moises at Aaron ang iniutos sa kanila ni Yahweh. Sa harapan ng Faraon at ng mga tauhan nito ay inihampas ni Aaron sa tubig ang kanyang tungkod at naging dugo nga ang tubig. 
 7:21 Namatay ang mga isda, bumaho ang ilog, anupat hindi mainom ng mga Egipcio ang tubig nito. Naging dugo rin ang lahat ng tubig sa buong Egipto. 
 7:22 Ngunit nagaya rin ito ng mga salamangkerong Egipcio sa pamamagitan ng kanilang lihim na karunungan kaya't lalong nagmatigas ang Faraon. Ayaw pa rin niyang pakinggan sina Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yahweh. 
 7:23 Ang ginawa nila'y hindi pinansin ng Faraon, kaya't umuwi na ito sa palasyo. 
 7:24 Samantala, ang mga Egipcio ay humukay sa tabing-ilog upang makunan ng inumin sapagkat hindi nila mainom ang tubig sa ilog. 
 7:25 At lumipas ang pitong araw mula nang hampasin ni Yahweh ang tubig. 
 8:1 ( Ang Salot ng Palaka ) "Pagkaraan noon, sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Pumunta ka sa Faraon. Sabihin mong ito ang ipinasasabi ko: Payagan mo nang umalis ang mga Israelita upang sumamba sa akin." 
 8:2 Kapag hindi ka pumayag, patuloy kong pahihirapan ang buong Egipto. 
 8:3 Ang ilog ay pupunuin ko ng palaka. Papasukin nito ang palasyo at aakyatin pati higaan mo. Papasukin din ng mga ito ang bahay ng mga tauhan mo at ng lahat ng Egipcio, ganoon din ang mga lutuan at taguan ng pagkain. 
 8:4 "Ikaw, ang iyong mga tauhan, at ang buong bayan ay pahihirapan nito.' " 
 8:5 "Sinabi pa ni Yahweh, 'Sabihin mo naman kay Aaron na itapat niya sa ilog ang kanyang tungkod, gayon din sa mga kanal at mga lawa upang punuin ng palaka ang buong Egipto.'" 
 8:6 Gayon nga ang ginawa ni Aaron. Umahon sa ilog ang mga palakang di mabilang sa dami at kumalat sa buong Egipto. 
 8:7 Ngunit nagaya rin ito ng mga salamangkero sa pamamagitan ng lihim nilang karunungan. 
 8:8 "At ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi niya, 'Hilingin ninyo kay Yahweh na alisin ang mga palakang ito at papayagan ko na kayong maghandog sa kanya.' " 
 8:9 "Sinabi ni Moises, 'Karangalan ko pong malaman kung kailan ninyo ibig na idalangin ko kayo kay Yahweh, pati ang inyong mga tauhan at nasasakupan. At mawawala na ang mga palaka, maliban sa nasa ilog. " 
 8:10 '"Bukas kung ganoon,' sabi ng Faraon. 'Matutupad po ayon sa inyong sinabi para malaman ninyo na walang makapapantay kay Yahweh." 
 8:11 "Mawawala ang mga palaka at ang matitira lamang ay ang nasa ilog.'" 
 8:12 Lumakad na sina Moises at Aaron. At tulad ng pangako nila, idinalangin ni Moises na alisin ang mga palakang nagpapahirap sa Faraon. 
 8:13 Tinugon naman siya ni Yahweh; namatay na lahat ang mga palaka sa mga bahay at mga bukid. 
 8:14 Ibinunton ng mga Egipcio ang mga palakang patay na umaalingasaw sa buong Egipto. 
 8:15 Ngunit nagmatigas uli ang Faraon nang siya'y makahinga na naman nang maluwag. At tulad ng sinabi ni Yahweh, hindi pa rin siya nakinig kina Moises at Aaron. ( Ang Salot ng Niknik ) 
 8:16 Inutusan ni Yahweh si Moises na sabihin kay Aaron na ihampas sa lupa ang tungkod upang maging niknik ang lahat ng alikabok sa buong Egipto. 
 8:17 Inihampas nga ni Aaron ang tungkod at ang lahat ng alikabok sa buong Egipto ay naging niknik na labis na nagpahirap sa mga tao't mga hayop. 
 8:18 Pinilit ng mga salamangkero na magpalitaw rin ng niknik sa pamamagitan ng lihim nilang karunungan ngunit wala silang nagawa. At ang mga tao't hayop ay patuloy na pinahirapan ng mga niknik. 
 8:19 "Dahil dito'y sinabi ng mga salamangkero sa Faraon, 'Ito'y kapangyarihan na ng Diyos.' Ngunit hindi rin natinag ang kalooban ng Faraon; hindi rin siya nakinig kina Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yahweh. ( Ang Salot ng Langaw )" 
 8:20 "Dahil dito, sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Bukas ng umaga, hintayin mo ang Faraon pagpunta niya sa ilog at sabihin mong payagan na niyang umalis ang mga Israelita upang sumamba sa akin." 
 8:21 Kapag hindi niya pinayagan, padadagsaan ko siya ng makapal na langaw, pati ang kanyang mga tauhan at mga kababayan. Ang buong Egipto ay mapupuno nito, anupat matatakluban pati ang sahig ng mga bahay. 
 8:22 Ngunit ngayon, ililigtas ko ang lupain ng Gosen, ang tirahan ng mga Israelita. Hindi ko sila padadalhan ng isa mang langaw para malaman ninyong akong si Yahweh ang siyang makapangyarihan sa lupaing ito. 
 8:23 "Sa pamamagitan ng kababalaghang gagawin ko bukas, ipakikita ko na iba ang pagtingin ko sa aking bayan kaysa sa kanyang bayan.'" 
 8:24 Kinabukasan, ginawa nga ito ni Yahweh. Dumagsa sa Egipto ang makapal na langaw hanggang sa mapuno ang palasyo ng Faraon, ang bahay ng mga tauhan niya at ang buong Egipto. Anupat nasalanta ang buong bansa. 
 8:25 "Kaya, ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron at sinabi, 'Sige, maghandog na kayo sa inyong Diyos, huwag lamang kayong lalabas ng Egipto.' " 
 8:26 "Sumagot si Moises, 'Hindi po maaari dito sa Egipto. Magagalit po sa amin ang mga Egipcio kapag nakita nila kaming naghahandog kay Yahweh sa paraang kasuklam-suklam sa kanila. Walang pagsalang babatuhin nila kami hanggang mamatay." 
 8:27 "Ang kailangan po'y maglakbay kami ng tatlong araw at sa ilang namin handugan si Yahweh tulad ng utos niya sa amin.' " 
 8:28 "Sinabi ng Faraon, 'Papayagan ko kayong umalis, ngunit huwag kayong pakalalayo. At idalangin din ninyo ako.' " 
 8:29 "Sumagot si Moises, 'Pag-alis ko po rito'y idadalangin ko kay Yahweh na alisin sa inyo ang mga langaw, gayon din sa inyong mga tauhan at nasasakupan. Ngunit huwag na ninyo kaming dadayain; huwag ninyo kaming hahadlangan sa paghahandog namin kay Yahweh.' " 
 8:30 Umalis si Moises at nanalangin. 
 8:31 Tinugon naman siya ni Yahweh, at umalis nga ang mga langaw; walang natira isa man. 
 8:32 Ngunit nagmatigas pa rin ang Faraon; hindi pinayagang umalis ang mga Israelita. 
 9:1 ( Ang Salot sa mga Hayop ) "Dahil dito, sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Pumunta ka sa Faraon at sabihin mong ipinasasabi ni Yahweh, ng Diyos ng mga Hebreo, na payagan na niyang umalis ang mga Israelita upang sumamba sa akin." 
 9:2 Kapag pinigil pa niya kayo, 
 9:3 padadaanan ko ng nakakikilabot na salot ang kanyang mga hayop: ang mga kabayo, asno, kamelyo, baka, tupa at kambing. 
 9:4 Mamamatay ang lahat ng mga hayop ng mga Egipcio, ngunit isa mang hayop ng mga Israelita ay walang mamamatay. 
 9:5 "Naitakda ko na ang oras, bukas mangyayari ito.' " 
 9:6 Kinabukasan, ginawa nga ni Yahweh ang kanyang sinabi at namatay ang lahat ng hayop ng mga Egipcio, ngunit isa ma'y walang namatay sa hayop ng mga Israelita. 
 9:7 At nang patingnan ng Faraon, wala ngang namatay sa hayop ng mga Israelita. Ngunit nagmatigas pa rin siya. ( Ang Salot ng Bukol ) 
 9:8 "Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, 'Dumakot kayo ng abo sa pugon at ito'y pataas na ihahagis ni Moises na nakikita ng Faraon." 
 9:9 "Mapupuno ng alikabok ang buong Egipto at ang lahat ng tao at hayop sa lupain ay matatadtad ng mga bukol na nagnanaknak.'" 
 9:10 Kumuha nga sila ng abo sa pugon at pumunta sa Faraon. Pagdating doon, pataas na inihagis ni Moises ang abo at natadtad nga ng mga bukol na nagnanaknak ang mga tao't mga hayop sa buong Egipto. 
 9:11 Ang mga salamangkero'y hindi na nakaharap kay Moises sapagkat sila ma'y tadtad din ng mga bukol na nagnanaknak. 
 9:12 Samantala, ang Faraon ay pinagmatigas pa rin ni Yahweh. Hindi niya pinansin ang mga Israelita, tulad ng sinabi ni Yahweh kay Moises. ( Ang Malakas na Ulan ng Yelo ) 
 9:13 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Bukas ng umagang-umaga, pumunta ka sa Faraon. Sabihin mong iniuutos ko na payagan na niya na sumamba sa akin ang mga Israelita." 
 9:14 Kapag hindi pa siya pumayag, manganganib na ang buhay niya, ng kanyang mga tauhan at nasasakupan sa tindi ng parusang ipadadala ko sa kanila, upang malaman nilang ako'y walang katulad sa buong daigdig. 
 9:15 Kung siya at ang buong bayan ay pinadalhan ko agad ng salot na sakit, sana'y patay na silang lahat. 
 9:16 Ngunit hindi ko ginawa iyon upang ipakita sa kanya ang aking kapangyarihan at sa gayo'y kilanlin ako ng buong daigdig. 
 9:17 Ngunit hanggang ngayo'y hinahadlangan pa niya ang aking bayan---ayaw pa rin niyang payagang umalis. 
 9:18 Kaya, bukas sa ganitong oras, pauulanan ko sila ng yelo na walang kasinlakas sa buong kasaysayan ng Egipto. 
 9:19 "Pasilungin mo ang lahat ng tao at isilong ang lahat ng hayop, sapagkat lahat ng bagsakan nito ay mamamatay.'" 
 9:20 Ang ibang tauhan ng Faraon ay natakot sa ipinasabi ni Yahweh kaya pinasilong nila ang kanilang mga alipin at mga hayop 
 9:21 ngunit ipinagwalang-bahala ito ng iba at hinayaan nila sa labas ang kanilang mga alipin at mga hayop. 
 9:22 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Iunat mong pataas ang iyong kamay at uulan ng yelo sa buong Egipto, at babagsak ito sa mga tao't mga hayop na nasa labas, pati sa mga halaman.'" 
 9:23 Itinaas nga ni Moises ang kanyang tungkod. Gumuhit ang kidlat, dumagundong ang kulog at umulan ng yelo sa buong Egipto. 
 9:24 Malakas na malakas ang bagyo ng yelo at sala-salabat ang kidlat. Ito ang pinakamalakas na ulan ng yelo sa kasaysayan ng Egipto. 
 9:25 Bumagsak ito sa buong Egipto at namatay ang lahat ng hindi nakasilong, maging tao, maging hayop. Nasalanta ang lahat ng mabagsakan, pati mga halaman at mga punongkahoy. 
 9:26 Ngunit ang Gosen na tinitirhan ng mga Israelita ay hindi inabot ng ulang ito. 
 9:27 "Kaya, ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi niya, 'Ngayon ko natanto na nagkasala ako kay Yahweh. Siya ang matuwid at kami ng aking mga kababayan ang mali." 
 9:28 "Idalangin ninyo kami sa kanya sapagkat hirap na hirap na kami sa ulan ng yelo at sa malakas na kulog. Ipinangangako kong kayo'y papayagan ko nang umalis sa lalong madaling panahon.' " 
 9:29 "Sinabi ni Moises, 'Pagkalabas ko ng lunsod, dadalangin ako kay Yahweh. Mawawala ang mga kulog at titigil ang ulan ng yelo. Sa gayo'y malalaman ninyo na si Yahweh ang siyang may-ari ng daigdig," 
 9:30 "bagamat alam kong kayo at ang inyong mga tauhan ay hindi pa natatakot sa kanya.' " 
 9:31 Ang mga tanim na lino at ang mga sebada ay sirang-sira sapagkat may uhay na ang sebada at namumulaklak na ang lino. 
 9:32 Hindi naano ang trigo at ang espelta sapagkat huling tumubo ang mga ito. 
 9:33 Umalis si Moises at lumabas ng lunsod. Nanalangin siya kay Yahweh at tumigil ang kulog at ang ulan ng yelo. 
 9:34 Nang makita ng Faraon na tila na ang ulan at wala nang kulog, nagmatigas na naman siya. Dahil dito, muli siyang nagkasala pati na ang kanyang mga tauhan. 
 9:35 Lalo siyang nagmatigas sa pagpigil sa mga Israelita, tulad ng sinabi ni Yahweh kay Moises. 
 10:1 ( Ang Salot ng Balang ) "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Pumunta ka sa Faraon. Pinagmatigas ko siya at ang kanyang mga tauhan para maipakita ko sa kanila ang aking kapangyarihan." 
 10:2 "Ginagawa ko ang mga kababalaghang ito upang masabi ninyo sa inyong mga anak at apo kung paano ko pinaglaruan ang mga Egipcio at sa gayo'y malalaman ninyong lahat na ako si Yahweh.' " 
 10:3 "Pumunta sa Faraon sina Moises at Aaron at sinabi, 'Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Hanggang kailan ka pa magmamatigas? Payagan mo nang umalis ang mga Israelita upang sumamba sa akin." 
 10:4 Kapag hindi mo pa sila pinayagan, padadalhan ko bukas ng makapal na balang ang iyong bansa. 
 10:5 Mapupuno nito ang buong Egipto, anupat wala kang matatapakan kundi balang. Uubusin nito ang lahat ng hindi nasira ng ulan ng yelo, pati ang mga punongkahoy. 
 10:6 "Papasukin ng mga ito ang iyong palasyo at ang bahay ng iyong mga tauhan at mga nasasakupan. Ang salot na ito ay higit na matindi kaysa alinmang salot ng balang na naranasan ng inyong mga ninuno.'' Pagkasabi nito'y umalis si Moises. " 
 10:7 "Sinabi sa Faraon ng kanyang mga tauhan, 'Hanggang kailan pa kaya tayo guguluhin ng taong ito? Payagan na ninyo silang umalis upang sumamba sa kanilang Yahweh. Hindi ba ninyo nakikitang salanta na ang buong Egipto?' " 
 10:8 "Kaya, ipinasundo ng Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi niya, 'Kung payagan ko kayong umalis upang sumamba kay Yahweh, sinu-sino ang inyong isasama?' " 
 10:9 "Sumagot si Moises, 'Lahat po kami, mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda. Dadalhin din naming lahat ang aming mga tupa, kambing at mga baka. Kailangan pong kasamang lahat sapagkat ipagpipista namin si Yahweh.' " 
 10:10 "Sinabi ng Faraon, 'Tawagin na ninyo ang inyong Panginoon, hindi ko papayagang isama ninyo ang inyu-inyong asawa't mga anak. Maliwanag na may binabalak kayong hindi mabuti." 
 10:11 "Hindi ako papayag na isama ninyo ang lahat, kayo na lang mga lalaki ang umalis upang sumamba sa inyong Yahweh kung iyan ang gusto ninyo.' Pagkasabi nito'y ipinagtabuyan sila ng Faraon. " 
 10:12 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Iunat mong pataas ang iyong kamay at dadagsa sa buong Egipto ang makapal na balang. Uubusin ng mga ito ang mga halamang hindi nasira ng ulan ng yelo.'" 
 10:13 Itinaas nga ni Moises ang kanyang tungkod. Maghapo't magdamag na pinaihip ni Yahweh sa buong Egipto ang hangin mula sa silangan. Kinaumagahan, tangay na ng hangin ang makapal na balang 
 10:14 at ito'y dumagsa sa buong Egipto. Kailanma'y hindi nagkaroon ng gayon karaming balang sa lupaing ito at hindi na magkakaroon pang muli. 
 10:15 Nangitim ang lupa sa dami ng balang; inubos ng mga ito ang lahat ng halaman, pati mga bunga ng kahoy na hindi nasira ng ulan ng yelo. Anupat walang halaman o punongkahoy na naiwang may dahon sa buong lupain. 
 10:16 "Dali-daling ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi niya, 'Nagkasala ako kay Yahweh na inyong Diyos, gayon din sa inyo." 
 10:17 "Patawarin ninyo ako at ipinakikiusap kong idalangin ninyo kay Yahweh na alisin na sa akin ang napakabigat na parusang ito.'" 
 10:18 Iniwan ni Moises ang Faraon at siya'y nanalangin. 
 10:19 Binago naman ni Yahweh ang takbo ng hangin. Pinaihip niya ang malakas na hangin mula sa kanluran at tinangay nito ang lahat ng balang papunta sa Dagat ng mga Tambo; isa ma'y walang natira sa Egipto. 
 10:20 Ngunit ang Faraon ay pinagmatigas ni Yahweh; hindi niya pinayagang umalis ang mga Israelita. ( Pinagdilim sa Egipto ) 
 10:21 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Iunat mong pataas ang iyong kamay, at mababalot ng pusikit na karimlan ang buong Egipto.'" 
 10:22 Gayon nga ang ginawa ni Moises at nagdilim sa buong lupain sa loob ng tatlong araw. 
 10:23 Di magkita-kita ang mga tao sa buong Egipto, anupat tatlong araw na walang umalis sa kinatatayuan. Madilim na madilim sa buong Egipto ngunit hindi nagdilim kahit bahagya sa lugar ng mga Israelita. 
 10:24 "Tinawag ng Faraon si Moises. Sinabi niya, 'Makalalakad na kayo upang sumamba kay Yahweh. Maaari ninyong isama ang inyong sambahayan, ngunit iiwan ninyo ang lahat ng tupa, kambing at baka.' " 
 10:25 "Sumagot si Moises, 'Kung gayon, kailangang bigyan ninyo kami ng mga hayop na ihahandog namin kay Yahweh." 
 10:26 "Ngunit hindi! Kailangang dalhin din namin ang lahat naming hayop at walang maiiwan kahit balahibo sapagkat pipiliin pa namin sa mga ito ang ihahandog namin kay Yahweh. At hindi namin malalaman kung alin ang ihahandog namin sa kanya hanggang hindi kami dumarating sa lugar na pagdarausan namin ng pagsamba.' " 
 10:27 Ang Faraon ay pinagmatigas pa rin ni Yahweh; ayaw na naman niyang paalisin ang mga Israelita. 
 10:28 "Sinabi niya kay Moises, 'Lumayas ka na at huwag nang pakikita sa akin. Ipapapatay na kita pag ikaw ay nakita ko pa.' " 
 10:29 '"Masusunod ang gusto ninyo,' sagot ni Moises. 'Hindi na ako pakikita sa inyo.'" 
 11:1 ( Ipinahayag ni Moises ang Pagkamatay ng mga Panganay ) "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Isa na lamang salot ang ipadadala ko sa Faraon at sa buong Egipto at tiyak na paaalisin na niya kayo. Hindi lamang siya papayag na kayo'y umalis---itataboy pa niya kayo." 
 11:2 "Sabihin mo sa mga Israelita, ma-babae o ma-lalaki, na hingin nila ang mga alahas na pilak o ginto ng kanilang mga kapitbahay.'" 
 11:3 Niloob ni Yahweh na igalang ng mga Egipcio ang mga Israelita. Ang katunayan, si Moises ay dinakila sa buong Egipto, maging ng mga tauhan ng Faraon at ng buong bayan. 
 11:4 "Sinabi ni Moises sa Faraon, 'Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: 'Paghahatinggabi, maglalakad ako sa buong Egipto," 
 11:5 at mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki, mula sa anak na magmamana ng trono ng Faraon, hanggang sa anak ng hamak na aliping babae na tagagiling; pati panganay ng mga hayop ay mamamatay. 
 11:6 Walang maririnig sa buong Egipto kundi ang malakas na panaghoy na hindi pa naririnig at hindi na maririnig kailanman. 
 11:7 Ngunit ang mga Israelita, maging tao maging hayop, ay hindi man lamang aangilan ng aso. Dito'y mapatutunayan mo na ang mga Israelita ay itinangi ni Yahweh sa mga Egipcio.' 
 11:8 "Lahat ng tauhan mo'y maninikluhod sa akin at sasabihin: 'Lumayas ka nang kasama ang mga kababayan mo.' At aalis na nga ako.' Pagkasabi nito'y galit na galit na iniwan ni Moises ang Faraon. " 
 11:9 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Hindi ka pakikinggan ng Faraon. Sa gayon maipakikita ko sa Egipto ang aking kapangyarihan.'" 
 11:10 Ginawa nina Moises at Aaron ang lahat ng kababalaghang ito, ngunit hindi rin pumayag ang Faraon na umalis ang mga Israelita sa lupain ng Egipto. 
 12:1 ( Ang Paskuwa ) Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, 
 12:2 '"Mula ngayon, ang buwang ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo." 
 12:3 At sabihin ninyo sa buong pamayanan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwang ito, bawat puno ng sambahayan ay pipili ng isang kordero o bisirong kambing para sa kanyang pamilya. 
 12:4 Kung maliit ang pamilya at hindi makauubos ng isang buong kordero, magsasalo sila ng kalapit na pamilya, na hindi rin makauubos ng isang buo. Ang dami ng magsasalu-salo sa isang kordero ay ibabatay sa dami ng makakain ng bawat isa. 
 12:5 Kailangang ang kordero ay lalaki, isang taong gulang, walang pinsala o kapintasan. Kung walang tupa ay kahit kambing. 
 12:6 Aalagaan itong mabuti hanggang sa ikalabing apat ng buwan at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin ng buong bayan ang kani-kanilang kordero. 
 12:7 Kukuha sila ng dugo nito at ipapahid sa mga hamba at sombrero ng pintuan ng bahay na kakainan ng kordero. 
 12:8 Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito at kakaning kasama ng tinapay na walang lebadura at ng mapapait na gulay. 
 12:9 Huwag ninyong kakanin nang hilaw o nilaga ang kordero; litsunin ito nang buo, kasama ang ulo, ang mga pata at ang laman-loob. 
 12:10 Huwag kayong magtitira para sa kinabukasan. Kung may matira, sunugin pagkaumaga. 
 12:11 Ganito naman ang magiging ayos ninyo sa pagkain nito: nakabigkis, nakasandalyas at may tangang tungkod; dalidali ang inyong pagkain nito. Ito ang Paskuwa ni Yahweh. 
 12:12 '"Sa gabing yaon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki, maging tao o hayop man. At parurusahan ko ang lahat ng diyus-diyusan sa Egipto. Ako si Yahweh." 
 12:13 Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita kong may pahid na dugo, at walang pinsalang mangyayari sa inyo sa pagpaparusa ko sa buong Egipto. Ang dugo ang siyang magiging palatandaan na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon. 
 12:14 Ang araw na ito'y ipagdiriwang ninyo magpakailanman bilang pista ni Yahweh. ( Ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura ) 
 12:15 '"Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang lebadura. Sa unang araw pa lamang, aalisin ninyo sa inyong tahanan ang lahat ng lebadura, sapagkat ititiwalag ang sinumang kumain ng tinapay na may lebadura sa loob ng pitong araw na yaon." 
 12:16 Ang una at ikapitong araw ay gagamitin ninyo sa pagsamba. Sa loob ng dalawang araw na ito, walang gagawa ng anuman liban sa paghahanda ng pagkain. 
 12:17 Ang pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura ay gaganapin ninyo taun-taon sapagkat sa araw na ito, inilabas ko sa Egipto ang inyong mga hukbo. Ito'y gagawin ninyo habang panahon. 
 12:18 Tinapay na walang lebadura ang inyong kakanin simula sa gabi ng ikalabing-apat na araw hanggang sa gabi ng ikadalawampu't isa ng unang buwan ng taon. 
 12:19 Sa loob ng pitong araw, huwag magkakaroon ng lebadura sa inyong bahay. Ititiwalag sa pamayanan ng Israel ang sinumang kumain ng tinapay na may lebadura, maging siya'y taga-ibang bayan o katutubong Israelita. 
 12:20 "Saanman kayo naroroon, huwag kayong kakain ng tinapay na may lebadura tuwing ganitong panahon. Ang kakanin ninyo'y tinapay na walang lebadura.' ( Ang Unang Paskuwa )" 
 12:21 "Tinawag nga ni Moises ang mga lider ng Israel at sinabi, 'Pumili kayo ng isang kordero para sa inyu-inyong pamilya at ito'y patayin ninyo para sa Paskuwa." 
 12:22 Kumuha kayo ng sanga ng isopo, basain ito ng dugo ng kordero at ipahid sa mga hamba at sombrero ng inyong pintuan. At isa man sa inyo ay huwag lalabas ng bahay hanggang kinabukasan. 
 12:23 Sa gabing yaon, lilibutin ni Yahweh ang buong Egipto at papatayin ang mga Egipcio. Lahat ng bahay na makita niyang may pahid na dugo sa mga hamba at sombrero ng pintuan ay di niya babayaang pasukin ng mamumuksa. 
 12:24 Sundin ninyo ang mga tuntuning ito at palagiang ganapin, pati ng inyong mga anak. 
 12:25 Patuloy ninyong ganapin ito maging sa lupaing ipinangako sa inyo ni Yahweh. 
 12:26 Kapag itinanong ng inyong mga anak kung bakit ninyo ginagawa ito, 
 12:27 "sabihin ninyong ito'y pag-aalaala sa Paskuwa ni Yahweh nang lampasan niya ang bahay ng mga Israelita at patayin niya ang mga Egipcio.' Nang masabi ito ni Moises, nanikluhod ang buong bayan at sumamba sa Diyos." 
 12:28 Pagkatapos, umuwi na sila at tinupad ang iniutos ni Yahweh sa pamamagitan nina Moises at Aaron. ( Namatay ang Lahat ng Panganay ) 
 12:29 Nang hatinggabing yaon, pinatay ni Yahweh ang lahat ng panganay na lalaki sa buong Egipto, mula sa panganay ng Faraon at tagapagmana ng trono, hanggang sa anak ng bilanggong nasa piitan; namatay din ang panganay ng mga hayop. 
 12:30 Nang gabing yaon, nagising ang Faraon, ang kanyang mga tauhan at lahat ng Egipcio at nagkaroon ng napakalakas na iyakan sa buong Egipto, sapagkat lahat ng bahay ay namatayan ng panganay na lalaki. 
 12:31 "Noon di'y ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron at kanyang sinabi, 'Sige, umalis na kayo sa Egipto! Lumakad na kayo at sumamba kay Yahweh tulad ng hinihiling ninyo." 
 12:32 "Dalhin na ninyo pati inyong mga tupa, kambing at baka. Umalis na kayo at ipanalangin din ninyo ako.' " 
 12:33 "Itinataboy na rin sila ng mga Egipcio. Sinabi sa kanila, 'Mamamatay kaming lahat pag di pa kayo umalis dito.'" 
 12:34 Kaya, binalot nila ng tapis ang minamasang harina na di na nakuhang lagyan ng lebadura, ni alisin sa sisidlan; pinasan nila iyon at umalis. 
 12:35 Noo'y nakuha na nila sa mga Egipcio ang mga alahas na pilak at ginto at mga damit, tulad ng iniutos sa kanila ni Moises. 
 12:36 Ibinigay ng mga Egipcio ang anumang hingin ng mga Israelita sapagkat niloob na ni Yahweh na sila'y igalang ng mga ito. Sa ganitong paraan, nasamsam nila ang ari-arian ng mga Egipcio. ( Ang Pag-alis ng mga Israelita sa Egipto ) 
 12:37 Mula sa Rameses, naglakbay ang mga Israelita patungong Sucot; humigit-kumulang sa 600,000 ang mga lalaki bukod pa sa mga babae at mga bata. 
 12:38 Maraming hindi Israelita ang sumama sa kanila; marami silang dalang tupa, kambing at baka. 
 12:39 At niluto nila ang dala nilang gagawing tinapay na wala pang lebadura. Hindi nila ito nakuhang lagyan ng lebadura sapagkat apurahan ang kanilang pag-alis sa Egipto; wala na silang panahong magluto ng pagkain. 
 12:40 Ang mga Israelita ay nanirahan sa Egipto nang 430 taon. 
 12:41 Huling araw ng ika-430 taon nang umalis sa Egipto ang mga hukbo ni Yahweh. 
 12:42 Nang magdamag na yaon sila iniligtas ni Yahweh at inilabas sa Egipto, kaya ang magdamag na yaon ay itinalaga nila sa pag-aalaala sa pagliligtas sa kanila ni Yahweh. Ang pag-aalaalang yaon ay patuloy nilang gagawin habang panahon. ( Ang mga Tuntunin Tungkol sa Paskuwa ) 
 12:43 "Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, 'Ito ang mga tuntunin tungkol sa Paskuwa: Bawal kumain nito ang mga dayuhan;" 
 12:44 ngunit ang alilang binili ninyo ay maaaring pakanin nito kung tuli na. 
 12:45 Hindi rin maaaring kumain nito ang mga dayuhang nakikipanuluyan lamang sa inyo, o kaya'y ang mga upahang manggagawa. 
 12:46 Sa loob ng bahay kakanin ang korderong Pampaskuwa, huwag ilalabas kahit kapiraso nito at huwag ding babaliin kahit isang buto. 
 12:47 Ang Pista ng Paskuwa ay ipagdiriwang ng buong Israel. 
 12:48 Lahat ng dayuhang nakikipamayan sa inyo na gustong makipagdiwang sa Paskuwa ay kailangang tuliin muna bago pasalihin sa pagdiriwang. Sa gayo'y magiging para na silang katutubong Israelita. Huwag hahayaang kumain nito ang sinumang hindi tuli. 
 12:49 "Lahat ay saklaw ng mga tuntuning ito, maging siya'y katutubong Israelita o dayuhan.'" 
 12:50 Sinunod na lahat ng mga Israelita ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron. 
 12:51 Nang araw na yaon, sila'y inilabas niya sa Egipto, na nakahanay upang makilaban. 
 13:1 ( Ang Pagtatalaga sa Panganay ) Sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 13:2 '"Itatalaga ninyo sa akin ang mga panganay sapagkat akin ang lahat ng panganay na lalaki sa Israel, maging tao o hayop.' ( Ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura )" 
 13:3 "Sinabi naman ni Moises sa mga Israelita, 'Aalalahanin ninyo ang araw na ito ng inyong paglaya sa pagkaalipin sa bansang Egipto; mula roo'y inilabas kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Huwag kayong kakain ng tinapay na may lebadura." 
 13:4 Aalis kayo ng Egipto sa araw na ito ng buwan ng Abib. 
 13:5 Dadalhin kayo ni Yahweh sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno, sa mayaman at masaganang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amorreo, Heveo at Jebuseo. Pagdating doon, ipagdiriwang ninyo taun-taon ang araw na ito. 
 13:6 Ang kakanin ninyo sa loob ng pitong araw ay tinapay na walang lebadura, at sa ikapitong araw ay ipagpipista ninyo si Yahweh. 
 13:7 Tinapay na walang lebadura ang kakanin ninyo sa loob ng pitong araw. At sa panahong yaon, huwag magkakaroon ng lebadura o tinapay na may lebadura sa inyong lupain. 
 13:8 Sa araw na yaon, sasabihin ng bawat isa sa kanyang mga anak: 'Ginagawa natin ito bilang pag-aalaala sa pagliligtas sa amin ni Yahweh nang ialis niya kami sa Egipto.' 
 13:9 Ang pag-aalaalang ito'y magiging parang isang tanda sa inyong kamay, o sa inyong noo, upang hindi ninyo malimutan ang mga utos ni Yahweh, pagkat inilabas niya kayo sa Egipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 
 13:10 "Gaganapin ninyo ang pag-aalaalang ito sa takdang araw taun-taon.' ( Ang mga Panganay )" 
 13:11 '"Dadalhin kayo ni Yahweh sa lupain ng mga Cananeo, sa lupaing ipinangako niya sa inyo at sa inyong mga ninuno. Pagdating doon," 
 13:12 italaga ninyo sa kanya ang lahat ng panganay na lalaki. Kanya rin ang lahat ng panganay na lalaki ng inyong mga hayop. 
 13:13 Lahat ng panganay na lalaki ng mga asno ay tutubusin ninyo ng kordero; kung ayaw ninyong tubusin, baliin ninyo ang leeg nito. Tutubusin din ninyo ang mga anak ninyong panganay. 
 13:14 Darating ang araw na itatanong ng inyong mga anak kung bakit ninyo ginagawa ito. Kung magkagayon, sabihin ninyong kayo'y iniligtas ni Yahweh mula sa pagkaalipin sa Egipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 
 13:15 Sabihin ninyo na nang magmatigas ang Faraon at ayaw kayong payagang umalis sa Egipto, pinatay ni Yahweh ang lahat nilang panganay, maging tao o hayop. Ito ang dahilan kaya ninyo inihahandog sa kanya ang lahat ng panganay na lalaki, ngunit ang anak ninyong panganay ay inyong tinutubos. 
 13:16 "Ang paghahandog na ito'y magsisilbing palatandaan, tulad ng tatak sa inyong kamay o sa inyong noo; ito'y pag-aalaala sa ginawa ni Yahweh nang kayo'y ialis niya sa Egipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.' ( Ang Haliging Apoy at Ulap )" 
 13:17 Nang payagan na ng Faraon ang mga Israelita, hindi sa daan patungong Pilistia sila pinaraan ng Diyos bagaman iyon ang pinakamalapit. Ayaw niyang ang mga Israelita'y masuong agad sa digmaan, baka magbago pa ng isip at tuloy magbalik sa Egipto. 
 13:18 Kaya, sila'y pinaligid niya sa ilang, patungong Dagat ng mga Tambo; sila'y handang-handa sa pakikilaban. 
 13:19 "Ang kalansay ni Jose ay dinala ni Moises sa kanilang pag-alis bilang pagtupad sa kahilingan nito. Ang sinabi noon ni Jose, 'Tiyak na ililigtas kayo ni Yahweh; pag-alis ninyo rito'y dalhin ninyo ang aking kalansay.' " 
 13:20 Umalis sila ng Sucot at tumigil muna sa Etam bago pumasok ng ilang. 
 13:21 Sa kanilang paglalakbay araw-gabi, patuloy silang pinapatnubayan ni Yahweh: kung araw ay sa pamamagitan ng haliging ulap at kung gabi'y sa pamamagitan naman ng haliging apoy na tumatanglaw sa kanila. 
 13:22 Laging nasa unahan nila ang haliging ulap kung araw at ang haliging apoy kung gabi. 
 14:1 ( Hinabol ng mga Egipcio ang mga Israelita ) Sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 14:2 '"Pabalikin mo ang mga Israelita at doon pagkampuhin sa tapat ng Pihahirot, ng Baal-zefon, sa pagitan ng Migdol at ng dagat." 
 14:3 Aakalain ng Faraon na kayo'y nagkakaligawligaw sa ilang sapagkat hindi ninyo malaman ang lalabasan. 
 14:4 "Pagmamatigasin ko ang Faraon at tutugisin niya kayo ngunit ipakikita ko sa kanya at sa kanyang mga tauhan ang aking kapangyarihan. Sa gayo'y malalaman ng mga Egipcio na ako si Yahweh.' Sinunod ng mga Israelita ang sinabi sa kanila. " 
 14:5 "Nang makarating sa Faraon ang balita tungkol sa pag-alis ng mga Israelita, nagbago siya ng isip, pati ang kanyang mga tauhan. Sinabi nila, 'Bakit natin pinayagang umalis ang mga Israelita? Di wala nang maglilingkod sa atin!'" 
 14:6 Ipinahanda ng Faraon ang kanyang mga karwaheng pandigma at ang kanyang mga kawal. 
 14:7 Ang dala niya'y 600 piling karwaheng pandigma, kasama rin ang lahat ng karwahe sa buong Egipto; bawat isa'y may sakay na punong kawal. 
 14:8 Ang Faraon ay pinagmatigas ni Yahweh at hinabol niya ang mga Israelita na noo'y naglalakbay na sa pamamatnubay niya. 
 14:9 Hinabol nga sila ng mga Egipcio, ng mga kawal ng Faraon, sakay ng kanilang karwahe. Inabot nila ang mga Israelita, sa tabing dagat, malapit sa Pihahirot sa tapat ng Baal-zefon. 
 14:10 Pinagharian ng matinding takot ang mga Israelita nang makita nilang dumarating ang Faraon at ang mga Egipcio. Kaya, dumaing sila kay Yahweh. 
 14:11 "Sinabi nila kay Moises, 'Wala na bang mapaglilibingan sa amin sa Egipto kaya mo kami dinala sa ilang para dito mamatay? Inialis mo kami sa Egipto, tingnan mo ang nangyari!" 
 14:12 "Hindi ba't bago tayo umalis ay sinabi na namin sa iyo na ganito nga ang aming sasapitin? Sinabi na namin sa iyo na huwag kaming pakialaman, at pabayaan na kaming manatiling alipin ng mga Egipcio sapagkat ibig pa namin ang manatiling alipin kaysa mamatay dito sa ilang.' " 
 14:13 "Sumagot si Moises, 'Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh. Hindi na ninyo makikita uli ang mga Egipciong iyan." 
 14:14 "Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, wala kayong gagawing anuman.' ( Ang Pagtawid sa Dagat ng mga Tambo )" 
 14:15 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Bakit mo ako tinatawag? Palakarin mo ang mga Israelita." 
 14:16 Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang iyong tungkod; mahahati ang tubig at matutuyo ang lalakaran ninyo. 
 14:17 Lalo kong pagmamatigasin ang mga Egipcio at pasusundan ko kayo sa kanila, ngunit doon ko sila lilipulin: ang mga Egipcio, ang mga kawal ng Faraon, pati ang kanilang mga karwahe. Ipakikita ko sa kanila ang aking kapangyarihan. 
 14:18 "Sa gayon, malalaman ng mga Egipciong iyan na ako si Yahweh.' " 
 14:19 Ang anghel ng Diyos na pumapatnubay sa paglalakbay ng mga Israelita ay nagpatihuli sa kanila, gayon din ang haliging ulap. 
 14:20 Ang ulap ay lumagay sa pagitan ng mga Israelita at ng mga Egipcio at lumatag ang kadiliman. Dumating ang gabi at ang mga Egipcio ay di makalapit sa mga Israelita. 
 14:21 Itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na pinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula sa silangan at nahati ang tubig. 
 14:22 Ang mga Israelita'y bumagtas sa dagat na ang nilakara'y tuyong lupa, sa pagitan ng animo'y pader na tubig. 
 14:23 Hinabol sila ng mga Egipcio, ng mga kawal, karwahe at kabayuhan ng Faraon. 
 14:24 Nang magbubukang-liwayway na, ang mga Egipcio'y ginulo ni Yahweh mula sa haliging apoy at ulap. 
 14:25 "Nalubog ang gulong ng mga karwahe at hindi na sila makatugis nang matulin. Kaya sinabi nila, 'Umalis na tayo rito sapagkat si Yahweh na ang kalaban natin.' " 
 14:26 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Itapat mo ang iyong tungkod sa ibabaw ng dagat at tatabunan ng tubig ang mga Egipcio pati ng kanilang karwahe.'" 
 14:27 Ganoon nga ang ginawa ni Moises, at pagbubukang-liwayway, nanumbalik sa dati ang dagat. Ang mga Egipcio'y nagsikap makatakas ngunit pinalakas ni Yahweh ang dating ng tubig kaya't sila'y nalunod na lahat. 
 14:28 Nang manauli ang dagat, natabunan ang mga karwahe't kabayo ng Faraon, pati ng kanyang mga kawal at walang natira isa man. 
 14:29 Ngunit ang mga Israelita'y nakatawid sa dagat, na tuyo ang dinaanan, sa pagitan ng animo'y pader na tubig. 
 14:30 Nang araw na yaon ang mga Israelita'y iniligtas ni Yahweh sa mga Egipcio; nakita nila ang bangkay ng mga Egipcio, nagkalat sa baybay-dagat. 
 14:31 Dahil sa kapangyarihang ipinakita ni Yahweh laban sa mga Egipcio, nagkaroon sila ng takot sa kanya at sumampalataya sila sa kanya at sa alagad niyang si Moises. 
 15:1 ( Ang Awit ni Moises ) "Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita para kay Yahweh:  'Itong si Yahweh ay aawitan ko  Sa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay;  Ang mga kabayo't kawal ng kaaway  Sa pusod ng dagat, lahat natabunan. " 
 15:2 Ako'y pinalakas niya't pinatatag,  Siya ang sa aki'y nagkupkop, nag-ingat,  Diyos ng magulang ko, aking manliligtas. 
 15:3 Siya'y mandirigma na walang kapantay,  Yahweh ang kanyang pangalan. 
 15:4 '"Nang ang mga kawal ng Faraon,  Sa Dagat ng mga Tambo ay mangagsilusong,  Ang lahat ng ito ay kanyang nilunod  Pati na sasakya'y kanyang pinalubog. " 
 15:5 Sila'y natabunan ng alon ng dagat,  Tulad nila'y batong lumubog kaagad. 
 15:6 Ang mga bisig mo ay walang katulad,  Wala ngang katulad, walang kasinlakas,  Sa isang hampas mo, kaaway nangalat,  Nangadurog mandin sa 'yong mga palad. 
 15:7 Iyong nilulupig ang mga kaaway,  Napakadakila ng iyong tagumpay;  Sa alab at init ng poot mong taglay,  Para silang damo na sinisilaban. 
 15:8 Hininga mo'y parang hanging umiihip  Kayang pataasin pati na ang tubig;  Napahihinto mo ang agos ng batis,  Pati kalaliman ay natutuyo mo kung siya mong nais. 
 15:9 Wika ng kaaway,  'Aking tutugisin, tiyak aabutan,  Kukunin kong lahat  Ang makikita ko kahit anong bagay  Hahati-hatiin yaong kayamanan.  Sa aking patalim at lakas na taglay,  Kakamkaming lahat ang ari-arian.' 
 15:10 Ang isang hinga mo'y  Malakas na hanging nagpapadaluyong,  Para silang tingga  Na nagsisilubog kung takpan ng alon. 
 15:11 '"Ikaw Yahweh,  Sinong mga diyos ang iyong kamukha?  Sinong kamukha mo  Na ang kabanalan ay kahanga-hanga?  Sino ang tulad mo  Na kahanga-hanga't dakila ang gawa? " 
 15:12 Nang ang iyong kamay  Ang kanang kamay mo, nang iyong itaas,  Sila sa daigdig, naglaho at sukat. 
 15:13 '"Tapat kang mangako,  Ang iyong tinubos iyong inaakay  Sa bayan mong banal. " 
 15:14 Ito'y nabalita,  At kinatakutan ng maraming bansa;  Parang manganganak  Mga Filisteo'y natakot na lubha. 
 15:15 Pawang nangagimbal  Ang mga pinunong taga bansang Edom,  At nangasindak din  Ang mga dakilang tauhan ng Moab,  Lahat sa Canaa'y nasiraan ng loob. 
 15:16 Lahat sa kanila'y sinidlan ng takot  Dahil sa taglay mo na di birong lakas.  Sila'y parang batong di makakilos  Hanggang makaraan,  O Dakilang Yahweh, yaong iyong bayan,  Makaraang lahat ang iyong tauhan. 
 15:17 Sila'y dadalhin mo sa pinili mong bundok.  Sa lugar na itinangi mo, para maging iyong lubos  At sa santwaryong natayo ayon sa iyong loob. 
 15:18 "Ikaw, Yahweh, maghahari magpa-kailanman.' ( Ang Awit ni Miriam )" 
 15:19 Ang mga Israelita'y hinabol nga ng mga kawal ng Faraon. Nang ang mga kawal ay nasa gitna na ng dagat, muling pinaagos ni Yahweh ang tubig at natabunan ng alon ang mga kawal ng Faraon. Samantala, ang mga Israelita'y tumawid na tuyo ang dinaanan. 
 15:20 Pagkatapos, kumuha si Miriam, ang propetisang kapatid ni Aaron, ng isang pandereta. Tinugtog niya ito at nagsayawan ang mga babae. 
 15:21 "Habang sila'y nagsasayaw, ganito ang inaawit ni Miriam:  'Purihin si Yahweh dahil sa  kanyang tagumpay  Nilunod niya sa dagat ang mga  kaaway.' ( Ang Batis ng Mapait na Tubig )" 
 15:22 Pinagayak ni Moises ang mga Israelita, at umalis sila ng Dagat ng mga Tambo patungong ilang ng Shur. Tatlong araw na silang naglalakbay ay wala pa silang nakikitang tubig. 
 15:23 Sa wakas, dumating sila sa batis ng Mara, ngunit hindi nila mainom ang tubig nito dahil sa kapaitan. Kaya, tinawag nila itong Batis na Mapait. 
 15:24 "Nagreklamo kay Moises ang mga Israelita, 'Ano ngayon ang iinumin namin?'" 
 15:25 Dahil dito, dumaing si Moises kay Yahweh. Itinuro naman sa kanya ang isang putol na kahoy. Kinuha ito ni Moises at inihagis sa tubig; nawala ang pait niyon. Doon, sinubok sila ni Yahweh at binigyan ng tuntunin. 
 15:26 "Ang sabi niya, 'Kung ako ay buong puso ninyong susundin, kung gagawin ninyo ang matuwid at susundin ang aking kautusan at mga tuntunin, hindi ko ipararanas sa inyo ang alinman sa mga sakit na ipinadala ko sa Egipto. Akong si Yahweh ang inyong manggagamot.' " 
 15:27 Pagkatapos, nakarating sila sa Elim. Doon ay may labindalawang balon at pitumpung puno ng palma at sila'y nagkampo sa tabi ng mga balon. 
 16:1 ( Ang Manna at mga Pugo ) Mula sa Elim, nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita, at ikalabinlima ng ikalawang buwan nang sila'y dumating sa ilang ng Sin, sa pagitan ng Elim at Sinai. 
 16:2 Ang mga Israelita'y nagreklamo kina Moises at Aaron. 
 16:3 "Sinabi nila, 'Mabuti pa sana'y pinatay na kami ni Yahweh sa Egipto. Doon, nakakakain kami ng karne at tinapay hanggang gusto namin. Dito naman sa ilang na pinagdalhan ninyo sa amin, mamamatay kami sa gutom.' " 
 16:4 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Pauulanan ko kayo ng tinapay mula sa langit. Araw-araw, palalabasin mo ng bahay ang mga tao para mamulot ng kakanin nila sa maghapon. Sa pamamagitan nito'y susubukin ko kung hanggang saan nila susundin ang aking mga tagubilin." 
 16:5 "Tuwing ikaanim na araw, doble sa karaniwan ang kanilang pupulutin at ihahanda.' " 
 16:6 "Pagkatapos ng pakikipag-usap nila kay Yahweh, sinabi nina Moises at Aaron sa mga Israelita, 'Ngayong hapon ay mapatutunayan ninyo na si Yahweh ang naglabas sa inyo sa Egipto." 
 16:7 "At bukas ng umaga, makikita ninyo ang kanyang kapangyarihan. Narinig niya ang inyong reklamo laban sa kanya. Laban sa kanya, sapagkat tuwing gagawin ninyo ito ay siya ang inyong inirereklamo, hindi kami.'" 
 16:8 "Idinugtong pa ni Moises, 'Ngayong hapon, bibigyan niya kayo ng karne. Bukas ng umaga ay tinapay ang ibibigay niya sa inyo hanggang gusto ninyo. Iyan ang tugon niya sa inyo. Ang totoo, anumang reklamo ninyo ay laban sa kanya, hindi sa amin, sapagkat sino ba kami para pagreklamuhan ninyo?' " 
 16:9 "Sinabi ni Moises kay Aaron, 'Ang buong bayan ay paharapin mo kay Yahweh sapagkat narinig niya ang kanilang reklamo.'" 
 16:10 Nang sabihin ito ni Aaron, ang buong bayan ay humarap kay Yahweh, sa gawi ng disyerto, at bigla na lamang nilang nakita sa ulap ang kaningningan ni Yahweh. 
 16:11 Sinabi niya kay Moises, 
 16:12 '"Narinig ko ang reklamo ng mga Israelita. Sabihin mo sa kanila na pagtatakip-silim, bibigyan ko sila ng karne. Sa umaga, bibigyan ko sila ng tinapay hanggang gusto nila. Sa gayo'y malalaman nilang ako si Yahweh, ang kanilang Diyos.' " 
 16:13 Nang magtakip-silim, dumagsa sa kampo ang napakaraming pugo. Kinaumagahan naman ay makapal na makapal ang hamog sa paligid ng kampo. 
 16:14 Nang mapawi ang hamog, nakita nilang ang lupa'y nalalatagan ng maliliit at maninipis na mga bagay na animo'y pinipig. 
 16:15 "Hindi nila alam kung ano iyon, kaya nagtanungan sila, 'Ano kaya ito?' Sinabi ni Moises, 'Iyan ang tinapay na bigay sa inyo ni Yahweh." 
 16:16 "At ito ang utos niya tungkol diyan: Bawat isa sa inyo ay kukuha ng kailangan niya at ng mga kasama niya sa tolda, kalahating salop sa isang tao.' " 
 16:17 Namulot nga ang mga Israelita---may kumuha ng marami at may kumuha ng kaunti. 
 16:18 Ngunit nang takalin nila ang kanilang nakuha, ang kumuha ng marami ay hindi lumabis, at ang kumuha ng kaunti ay hindi naman kinulang. Sapat lang sa kanila ang kanilang nakuha. 
 16:19 "Sinabi sa kanila ni Moises, 'Huwag kayong magtitira para sa kinabukasan.'" 
 16:20 Ngunit ang ilan sa kanila'y hindi nakinig kay Moises. Kinabukasan, inuod ang itinira nila. Kaya, nagalit sa kanila si Moises. 
 16:21 Mula noon, tuwing umaga'y namumulot sila nang ayon sa kanilang kailangan. Pag-init ng araw, ito'y natutunaw. 
 16:22 Nang ikaanim na araw, doble ang kanilang napulot, isang salop para sa isang tao. Nagpunta kay Moises ang mga lider ng bayan at sinabi ang nangyari. 
 16:23 "Ipinaliwanag naman ni Moises sa kanila, 'Ito ang utos ni Yahweh: 'Bukas ay Araw ng Pamamahinga, araw na nakatalaga kay Yahweh. Lutuin na ninyo ngayon ang gusto ninyong lutuin. Ang hindi mauubos ay itira ninyo para bukas.''" 
 16:24 Tulad ng sinabi sa kanila ni Moises, nagtira sila para sa kinabukasan, at yao'y di nasira, ni hindi inuod. 
 16:25 "At sinabi ni Moises, 'Ito ang kakanin ninyo ngayon. Ngayon ay Araw ng Pamamahinga; wala kayong makukuha niyan ngayon." 
 16:26 "Anim na araw kayong mamumulot niyan; sa ikapito, Araw ng Pamamahinga, ay wala kayong makukuha.'" 
 16:27 Ngunit nang ikapitong araw ay may lumabas ng bukid para mamulot at wala nga silang nakuha. 
 16:28 "Kaya sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Hanggang kailan pa kayo susuway sa aking mga utos?" 
 16:29 "Tandaan ninyo na akong si Yahweh ang nagtakda sa inyo ng Araw ng Pamamahinga. Kaya, tuwing ikaanim na araw ay binibigyan ko kayo ng pagkain para sa dalawang araw. Sa ikapitong araw ay walang aalis ng bahay.'" 
 16:30 At mula noon, hindi na sila gumawa kung ikapitong araw. 
 16:31 Manna ang itinawag ng mga Israelita sa pagkaing pinupulot nila. Ito'y kamukha ng buto ng kulantro, maputi at lasang galyetas na minasa sa pulot-pukyutan. 
 16:32 "Sinabi sa kanila ni Moises, 'Ito ang utos ni Yahweh: 'Kumuha kayo ng isang sisidlan at punuin ninyo ng manna. Ito'y itatago ninyo para makita ng inyong magiging mga anak at mga apo ang pagkaing ibinigay ko sa inyo nang ilabas ko kayo sa Egipto.''" 
 16:33 "Sinabi naman ni Moises kay Aaron, 'Kumuha ka ng isang banga at lagyan mo ng kalahating salop na manna. Pagkatapos, ilagay mo sa harapan ni Yahweh upang itago para sa ating magiging mga anak at mga apo.'" 
 16:34 Gaya ng iniutos ni Yahweh kay Moises, inilagay ni Aaron sa harap ng Kaban ng Tipan ang banga ng manna. 
 16:35 Manna ang kinain ng mga Israelita sa loob ng apatnapung taon, hanggang sa dumating sila sa Canaan. 
 16:36 (Ang kalahating salop ay katumbas ng ikasampung bahagi ng kanilang takalan.) 
 17:1 ( Ang Bukal Mula sa Malaking Bato ) Mula sa disyerto ng Sin, nagpatuloy ang mga Israelita at yugtu-yugto silang naglakbay ayon sa utos ni Yahweh. At sila'y nagkampo sa Refidim. Walang tubig doon, 
 17:2 "kaya nagalit sila kay Moises. Sinabi nila, 'Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.' 'Bakit kayo magagalit? Bakit hindi kayo magtiwala kay Yahweh?' sagot ni Moises. " 
 17:3 "Ngunit talagang uhaw na uhaw na ang mga Israelita, kaya sinumbatan nila si Moises, 'Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa uhaw pati mga anak namin at mga hayop?' " 
 17:4 "Kaya, taimtim na nanalangin si Moises kay Yahweh, 'Ano ang gagawin ko sa mga taong ito? Ibig na nila akong batuhin?'" 
 17:5 "Sumagot si Yahweh, 'Magsama ka ng ilang pinuno ng sambahayan ng Israel at mauna kayo sa mga Israelita. Dalhin mo ang iyong tungkod na inihampas mo sa ilog at lumakad na kayo." 
 17:6 "Hihintayin ko kayo sa ibabaw ng malaking bato sa Horeb. Hampasin mo ito at bubukal ang tubig na maiinom ng mga tao.' Gayon nga ang ginawa ni Moises; at ito'y nasaksihan ng mga kasama niyang lider ng Israel. " 
 17:7 "Ang lugar na yaon ay pinangalanan nilang 'Masa' at 'Meriba' dahil sa doo'y nagtalu-talo ang mga Israelita at sinubok nila si Yahweh. Ang pinagtalunan nila ay kung pinapatnubayan sila ni Yahweh o hindi. ( Ang Labanan ng mga Israelita at ng mga Amalecita )" 
 17:8 Nang ang mga Israelita'y nasa Refidim, sinalakay sila ng mga Amalecita. 
 17:9 "Sinabi ni Moises kay Josue, 'Pumili ka ng ilang tauhan natin at pangunahan mo sa pakikipaglaban sa mga Amalecita. Tatangnan ko naman ang tungkod na ibinigay sa akin ng Diyos at ako'y tatayo sa ibabaw ng burol.'" 
 17:10 Sinunod ni Josue ang utos ni Moises at hinarap niya ang mga Amalecita. Si Moises naman, kasama sina Aaron at Hur ay nagpunta sa burol. 
 17:11 Kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag nakababa, nananalo naman ang mga Amalecita. 
 17:12 Nangawit na si Moises kaya sina Aaron at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo roon si Moises habang hawak nilang pataas ang mga kamay nito hanggang sa lumubog ang araw. 
 17:13 Dahil doo'y nalupig ni Josue ang mga Amalecita. 
 17:14 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Isulat mo ang pangyayaring ito upang hindi ninyo malimutan, at sabihin mo naman kay Josue na lilipulin ko ang mga Amalecita.'" 
 17:15 "Nagtayo si Moises ng isang altar at tinawag niya itong, 'Si Yahweh ang aking watawat.'" 
 17:16 "At sinabi niya sa mga tao, 'Hawakan ninyo ang watawat ni Yahweh! Patuloy niya tayong pangungunahan sa ating pakikilaban sa mga Amalecita.'" 
 18:1 ( Dinalaw ni Jetro si Moises ) Nabalitaan ni Jetro, biyenan ni Moises at saserdote sa Madian, ang mga ginawa ni Yahweh para kay Moises at sa mga Israelita, kung paanong inilabas niya ang mga ito sa lupain ng Egipto. 
 18:2 Si Jetro ang nag-aruga kay Zipora nang ito'y pauwiin ni Moises sa Madian 
 18:3 "kasama ang dalawa nilang anak. Gersom ang pangalan ng una sapagkat ang sabi ni Moises nang ito'y isilang: 'Ako'y naninirahan sa ibang lupain.'" 
 18:4 "Ang pangalawa nama'y Eliezer, sapagkat ang sabi niya: 'Tinulungan ako ng Diyos ng aking mga ninuno; iniligtas niya ako sa tabak ng Faraon.'" 
 18:5 Isinama ni Jetro ang asawa ni Moises at ang dalawang anak nito, at pumunta sa kinahihimpilan nina Moises sa ilang, sa tabi ng Bundok ng Diyos. 
 18:6 "Pagdating doon, ipinasabi niya kay Moises: 'Darating ako riyan, kasama ang iyong asawa't dalawang anak.'" 
 18:7 Kaya't sinalubong sila ni Moises. Nagbigay-galang siya sa biyenan, niyakap ito, at isinama sa kanyang tolda; doon sila nagkumustahan at masayang nagbalitaan. 
 18:8 Isinalaysay ni Moises ang lahat ng ginawa ni Yahweh sa Faraon at sa mga Egipcio, at kung paano niya iniligtas ang mga Israelita. Isinalaysay rin niya ang mga hirap na inabot nila sa paglalakbay at kung paano sila tinulungan ni Yahweh. 
 18:9 Natuwa si Jetro sa kabutihang ginawa sa kanila ni Yahweh at sa pagliligtas sa kanila sa mga Egipcio. 
 18:10 "Sinabi niya, 'Purihin si Yahweh na nagligtas sa inyo mula sa kamay ng Faraon at ng mga Egipcio! Purihin si Yahweh na humango sa mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto!" 
 18:11 "Napatunayan ko ngayon na siya ay higit sa ibang mga diyos dahil sa ginawa niya sa mga Egipcio.'" 
 18:12 At si Jetro ay nagdala ng handog na susunugin para sa Diyos. Dumating si Aaron at ang mga lider ng Israel, at kumain sila, kasalo ng biyenan ni Moises. ( Ang Paghirang sa mga Hukom ) 
 18:13 Kinabukasan, naupo si Moises upang hatulan ang mga tao tungkol sa di nila pagkakaunawaan. Inabot siya ng gabi sa dami ng tao. 
 18:14 "Nang makita ni Jetro ang hirap na inaabot niya sa kanyang ginagawa, tinanong siya, 'Ano ba ang ginagawa mo sa mga tao? Bakit maghapon kang nakaupo na napapaligiran nila?' " 
 18:15 "Sumagot si Moises, 'Mangyari po lumalapit sila sa akin para alamin ang kalooban ng Diyos." 
 18:16 "Kapag may dalawang tao na hindi nagkakaunawaan, dumudulog sila sa akin at sinasabi ko naman sa kanila kung sino ang may katwiran. Bukod doon, ipinaliliwanag ko sa kanila ang mga utos ng Diyos.' " 
 18:17 "Sinabi ni Jetro, 'Hindi ganyan ang dapat mong gawin." 
 18:18 Pinahihirapan mo ang iyong sarili pati ang mga tao. Malaking gawain iyan para sa iyo at hindi mo kayang mag-isa. 
 18:19 Pakinggan mo itong ipapayo ko sa iyo at tutulungan ka ng Diyos. Ikaw ang lalapit sa Diyos para sa kanila at magdadala sa kanya ng kanilang mga suliranin. 
 18:20 Ikaw ang magtuturo sa kanila ng mga kautusan at mga palatuntunan, at ikaw rin ang magpapaliwanag sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin. 
 18:21 Ngunit pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at di masusuhulan. Italaga mo silang tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampu. 
 18:22 Sila na ang bahalang humatol sa maliliit na usapin, at ang mabibigat na kaso lamang ang ihaharap sa iyo. Sa gayon, hindi ka masyadong mahihirapan sapagkat matutulungan ka nila sa iyong gawain. 
 18:23 "Kung ganoon ang gagawin mo, tulad ng ibig ng Diyos, hindi ka mahihirapan at madali pang maaayos ang anumang suliranin nila.' " 
 18:24 Matamang pinakinggan ni Moises ang sinabi ng kanyang biyenan at sinunod niya ito. 
 18:25 Pumili nga siya ng mga lalaking may kakayahan at itinalagang tagapangasiwa sa Israel: iba'y sa libu-libo, iba'y sa daan-daan, iba'y sa lima-limampu at iba'y sa sampu-sampu. 
 18:26 Sila ang naging palagiang hukom ng bayan. Lahat na lamang ng malalaking usapin ang idinudulog nila kay Moises at sila na ang lumulutas sa maliliit na kaso. 
 18:27 Si Jetro'y nagpaalam na kay Moises at umuwi sa sariling bayan. 
 19:1 ( Ang mga Israelita sa Bundok ng Sinai ) Ang mga Israelita'y nakarating sa ilang ng Sinai noong ikatlong buwan buhat nang umalis sila sa Egipto. 
 19:2 Mula sa Refidim, nagpatuloy sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa tapat ng bundok. 
 19:3 "Si Moises naman ay umakyat sa bundok upang makipag-usap sa Diyos. Sinabi sa kanya ni Yahweh, 'Ito ang sabihin mo sa buong angkan ni Jacob, sa buong Israel." 
 19:4 'Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Egipcio. At tulad ng pangangalaga ng isang agila sa kanyang mga inakay, kayo'y aking kinupkop. 
 19:5 Kung susundin ninyo ako at hindi kayo sisira sa pakikipagtipan ko sa inyo, kayo ang magiging bayan kong hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi. 
 19:6 "Kayo'y gagawin kong bayan ng mga saserdote na maglilingkod sa akin, nakatalaga sa akin.' Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.'" 
 19:7 Kaya tinipon ni Moises ang mga lider ng Israel at sinabi ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yahweh. 
 19:8 "Sila nama'y parang iisang taong sumagot, 'Susundin namin ang lahat ng iniutos ni Yahweh.' Si Moises ay nagbalik kay Yahweh at sinabi ang tugon ng mga tao. " 
 19:9 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Magsasalita ako sa iyo mula sa makapal na ulap nang naririnig ng mga tao upang sila'y maniwala sa iyo habang panahon.' At sinabi ni Moises kay Yahweh ang pasiya ng mga tao." 
 19:10 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Sabihin mo sa mga tao na humanda sa pagsamba sa akin ngayon at bukas. Kailangang labhan nila ang kanilang mga kasuutan" 
 19:11 at humanda sa makalawa, sapagkat ako, si Yahweh, ay bababa sa Bundok ng Sinai para makita ng mga tao. 
 19:12 Lagyan mo ng hanggahan ang paligid ng bundok, at sabihin mo sa kanila na huwag aakyat sa bundok ni sasalingin ang anumang nasa loob ng hanggahan. Sinumang gumawa nito ay papatayin 
 19:13 "sa pamamagitan ng bato o pana, maging tao o hayop. At sinumang patayin sa ganitong dahilan ay huwag ding sasalingin. Kapag narinig na ninyo ang mahabang tunog ng tambuli, saka pa lamang kayo makaaakyat sa bundok.' " 
 19:14 Mula sa bundok, bumaba si Moises at pinahanda ang mga tao upang sumamba; at nilinis nila ang kanilang mga kasuutan. 
 19:15 "Sinabi sa kanila ni Moises, 'Humanda kayo sa makalawa; huwag kayong magsisiping.' " 
 19:16 Kinaumagahan ng ikatlong araw, nagkukulog sa bundok at sala-salabat ang kidlat. Ang bundok ay nabalot ng makapal na ulap at narinig ang isang malakas na tunog ng tambuli. Lahat ng tao sa buong kampamento ay nanginig sa takot. 
 19:17 Pinangunahan ni Moises ang mga tao papunta sa paanan ng bundok upang humarap sa Diyos. 
 19:18 Ang Bundok ng Sinai ay nababalot ng usok sapagkat bumaba si Yahweh sa anyo ng apoy. Pumailanlang ang usok, tulad ng usok ng isang pugon, at ang mga tao'y pinagharian ng takot. 
 19:19 Palakas nang palakas ang tunog ng tambuli. Nagsalita si Moises at sinagot siya ng Diyos sa pamamagitan ng kulog. 
 19:20 Si Yahweh ay bumaba sa tuktok ng Bundok ng Sinai at pinaakyat niya roon si Moises. 
 19:21 "Sinabi niya, 'Bumaba ka at sabihin mo sa mga tao na huwag lalampas ng hanggahan sa kagustuhang makita ako sapagkat marami ang mamamatay." 
 19:22 "Pati ang mga saserdoteng lalapit sa akin ay kailangang maglinis ng kanilang sarili; kung hindi'y parurusahan ko sila.' " 
 19:23 "Sinabi ni Moises kay Yahweh, 'Hindi po aakyat dito ang mga tao sapagkat pinalagyan na ninyo ng hanggahan ang paligid ng bundok at itinuturing naming banal ang nakapaloob doon.' " 
 19:24 "Sinabi ni Yahweh, 'Bumaba ka at isama mo rito si Aaron. Ang mga saserdote at ang mga tao ay huwag mong palalampasin sa hanggahan. Sinumang lumampas ay parurusahan ko.'" 
 19:25 Bumaba nga si Moises at sinabi ito sa mga tao. 
 20:1 ( Ang Sampung Utos ) Ito ang sinabi ng Diyos: 
 20:2 '"Ako si Yahweh, ang inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Egipto at humango sa inyo sa pagkaalipin. " 
 20:3 '"Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos, maliban sa akin. " 
 20:4 '"Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya'y larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid, nasa lupa o nasa tubig." 
 20:5 Huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa alinman sa mga diyus-diyusang iyan sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuin. Parurusahan ko ang lahat ng aayaw sa akin pati ang kanilang mga anak hanggang sa ikaapat na salinlahi. 
 20:6 Ngunit ang lahat ng umiibig sa akin ay pagpapalain ko hanggang sa kanilang kaapu-apuhan. 
 20:7 '"Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhan ang pangalang Yahweh sapagkat parurusahan ko ang sinumang bumanggit nito nang walang kabuluhan. " 
 20:8 '"Italaga ninyo sa akin ang Araw ng Pamamahinga." 
 20:9 Anim na araw kayong gagawa ng inyong gawain. 
 20:10 Ang ikapitong araw ay Araw ng Pamamahinga, at itatalaga ninyo sa akin. Sa ikapitong araw, walang gagawa isa man sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga katulong, ang inyong mga hayop o sinumang naninirahan sa inyong bayan. 
 20:11 Anim na araw na ginawa ko ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito; namahinga ako sa ikapitong araw. Itinangi ko ito at itinalaga para sa akin. 
 20:12 '"Igalang ninyo ang inyong ama't ina. Sa gayo'y mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinigay ko sa inyo. " 
 20:13 '"Huwag kayong papatay. " 
 20:14 '"Huwag kayong mangangalunya. " 
 20:15 '"Huwag kayong magnanakaw. " 
 20:16 '"Huwag kayong sasaksi sa di katotohanan laban sa inyong kapwa. " 
 20:17 '"Huwag ninyong pag-iimbutan ang sambahayan ng inyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alila, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya.' ( Natakot ang mga Israelita )" 
 20:18 Nanginig sa takot ang mga Israelita nang marinig nila ang dagundong ng kulog, tunog ng tambuli at makita ang kidlat at ang usok sa bundok. Nanatili silang nakatayo sa malayo. 
 20:19 "Nang lumapit sa kanila si Moises, sinabi nila, 'Ikaw ang magsalita sa amin at makikinig kami; huwag ang Diyos at baka kami mamatay.' " 
 20:20 "Sinabi sa kanila ni Moises, 'Huwag kayong matakot, sapagkat sinusubok lang kayo ng Diyos. Ibig lang niyang magkaroon kayo ng takot sa kanya pagkat ayaw niya kayong magkasala.'" 
 20:21 Ngunit nanatili rin sa malayo ang mga tao; si Moises lamang ang lumalapit sa makapal na ulap na kinaroroonan ng Diyos. ( Ang mga Utos Tungkol sa mga Altar ) 
 20:22 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Sabihin mo ito sa mga Israelita: Narinig ninyo nang ako'y magsalita mula sa langit." 
 20:23 Huwag kayong gagawa ng anumang diyus-diyusan, maging pilak o ginto. 
 20:24 Gumawa kayo ng altar na lupa at doon ninyo susunugin ang inyong mga handog para sa kapayapaan; doon din ninyo susunugin ang handog ninyong mga tupa at mga baka. Doon ninyo ako sasambahin sa lugar na ituturo ko sa inyo. Ako'y paroroon at pagpapalain ko kayo. 
 20:25 Kung gagamit kayo ng bato sa altar na inyong gagawin, huwag ninyong tatapyasin; kapag tinapyas ninyo, hindi na karapat-dapat sa akin. 
 20:26 "Huwag kayong aakyat sa baitang ng altar kung wala kayong salawal.'" 
 21:1 ( Ang Batas sa mga Alipin ) '"Ito ang tuntuning ibibigay mo sa bayang Israel." 
 21:2 Kapag ang isang tao'y bumili ng aliping Hebreo, maglilingkod ito sa kanya sa loob ng anim na taon. Sa ikapito, makalalaya na siya na hindi kailangang tubusin. 
 21:3 Kung ang alipin ay walang asawa nang bilhin, aalis siyang walang asawa. Ngunit kung may-asawa siya nang mabili, kasama niya sa pag-alis ang kanyang asawa. 
 21:4 Kung sa kanyang pagkaalipin ay ikinuha siya ng asawa at nagkaanak sila, ang babae at ang mga anak ay maiiwan sa amo; siya lamang ang lalaya. 
 21:5 Ngunit kung ayaw na niyang umalis sapagkat mahal niya ang kanyang asawa't anak, gayon din ang kanyang amo 
 21:6 patutunayan niya ito sa harapan ng Diyos: dadalhin siya sa pintuan, sa tabi ng hamba ng pinto at bubutasan ang isa niyang tainga. Sa gayon, magiging alipin siya habang buhay. 
 21:7 '"Kapag ipinagbili ng ama ang kanyang anak na babae upang maging alipin, hindi ito palalayain tulad ng aliping lalaki." 
 21:8 Ngunit kung siya'y ibinilang na asawa ng kanyang amo, hindi siya maibabalik sa pagkaalipin. Kung hindi na nasisiyahan sa kanya ang amo, siya'y ipatutubos nito sa kanyang sariling angkan. Hindi siya maaaring ipagbili ng amo sa mga dayuhan; hindi ito makatarungan sa kanya. 
 21:9 Kung siya nama'y binili para sa anak ng amo, ituturing siya nito na parang tunay na anak. 
 21:10 At kung mag-asawa ng iba ang lalaki, siya'y patuloy na bibigyan ng kanyang kakanin, daramtin at mga karapatan bilang asawa. 
 21:11 "Kapag hindi natupad ang tatlong bagay na ito, dapat siyang palayain na hindi na kailangang tubusin.' ( Mga Batas Tungkol sa mga Karahasan )" 
 21:12 '"Sinumang manakit at makamatay sa kanyang kapwa ay papatayin din." 
 21:13 Ngunit kung hindi sinadya o binalak ang pagpatay, ang nakamatay ay maaaring magtago sa lugar na itatalaga ko sa ganitong pangyayari. 
 21:14 Ngunit kung ang pagpatay ay dahil sa galit, darakpin ang pumatay at papatayin kahit siya magtago sa altar. 
 21:15 '"Sinumang magbuhat ng kamay sa kanyang ama o ina ay papatayin. " 
 21:16 '"Sinumang dumukot ng kapwa upang ipagbili o alipinin ay papatayin. " 
 21:17 '"Sinumang manungayaw sa kanyang ama o ina ay papatayin. " 
 21:18 '"Ang manuntok o mamukpok ng bato sa pag-aaway ay hindi parurusahan kung ang sinuntok o pinukpok ay hindi namatay, at nakalakad uli sa katagalan kahit nakatungkod. Ngunit kung ang sinuntok o pinukpok ay maratay, siya ay aalagaan ng nanakit at babayaran pa ang panahong hindi niya naipagtrabaho. " 
 21:19 (*papuloy) 
 21:20 '"Kapag sinaktan ng isang tao ang kanyang alipin, maging babae o lalaki, at ito'y namatay noon din, parurusahan ang taong yaon." 
 21:21 Ngunit kung ang alipin ay mabuhay ng isa o dalawang araw, hindi parurusahan ang amo sapagkat kanya ang alipin. 
 21:22 '"Kung ang nag-aaway ay makasakit ng nagdadalantao at dahil doo'y nakunan ito, ngunit walang ibang pinsala, ang nakasakit ay magbabayad ng halagang hihingin ng asawa ng babae ayon sa kapasyahan ng tagahatol." 
 21:23 Ngunit kung may iba pang pinsalang tinamo ang babae, parurusahan ang nakasakit: buhay sa buhay, 
 21:24 mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa, 
 21:25 sunog sa sunog, sugat sa sugat o galos sa galos. 
 21:26 '"Kapag pinalo ng amo ang kanyang alipin, lalaki o babae, at ito'y nabulag, palalayain niya ang aliping yaon bilang kabayaran sa mata nito." 
 21:27 "Ganoon din ang kanyang gagawin kung ito'y mabungi, bilang kabayaran naman sa ngipin nito.' ( Ang Pananagutan ng May-ari )" 
 21:28 '"Kapag ang isang baka ay nanuwag ng tao at namatay ito, babatuhin ang baka hanggang sa mamatay, ngunit huwag kakanin ang karne nito; walang pananagutan ang may-ari ng baka." 
 21:29 Kung ito'y dati nang nanunuwag ngunit pinabayaan pa ng may-ari matapos tawagin ang kanyang pansin, papatayin din siya kapag nakamatay ang baka. 
 21:30 Gayunman, kung hahalagahan ang buhay ng namatay, babayaran ito ng may-ari at hindi na siya papatayin. 
 21:31 Kahit bata ang mapatay ng baka, iyan din ang tuntunin. 
 21:32 Kung alipin ang napatay sa suwag, ang amo ng alipin ay babayaran ng may-ari ng baka; tatlumpung pirasong pilak ang ibabayad at babatuhin ang baka hanggang sa mamatay. 
 21:33 '"Kapag naiwang bukas ang isang balon, o kaya'y may humukay ngunit hindi tinakpan, at may baka o asnong nahulog doon," 
 21:34 ang nahulog na hayop ay babayaran ng may-ari ng balon ngunit kanya na ang hayop. 
 21:35 Kapag ang napatay naman sa suwag ay baka ng iba, ipagbibili ang nanuwag at ang pinagbilhan ay paghahatian ng dalawang may-ari, pati ang karne ng bakang napatay. 
 21:36 "Ngunit kung ito'y dating nanunuwag at hindi ikinulong ng may-ari, ay papalitan niya ang napatay na baka at ito nama'y kanya na.'" 
 22:1 ( Batas Tungkol sa Ninakaw ) '"Pag ang isang tao'y nagnakaw ng baka o tupa at ito'y pinatay o ipinagbili, papalitan niya ito: lima ang ipapalit sa isang baka, at apat naman sa isang tupa." 
 22:2 "Kailangan siyang magbayad. Kung walang ibabayad, siya ang ipagbibili at ang pinagbilhan ang ibabayad sa kanyang ninakaw. Kung ang ninakaw naman ay makita sa kanya at buhay pa, doble lamang ang ibabayad niya. 'Kapag ang magnanakaw ay pumasok nang gabi at napatay ng maybahay, walang pananagutan ang nakapatay. Kung ang pagkapatay ay naganap pagkasikat ng araw, mananagot ang nakapatay. " 
 22:3 (*papuloy) 
 22:4 (*papuloy) 
 22:5 '"Kapag ang hayop na alaga ay nakawala at nakapanira sa bukid ng iba, papalitan ng may-ari ang anumang nasira ng kanyang hayop. Ang ibabayad niya ay yaong pinakamainam na ani ng kanyang bukirin. " 
 22:6 '"Kapag may nagsiga, kumalat ang apoy at nakasunog ng mga mandala o ng pananim ng iba, ito ay babayaran ng nagsiga. " 
 22:7 '"Kapag ang salapi o anumang ari-arian ng isang tao'y ipinagkatiwala sa kanyang kapwa at yao'y nawala sa bahay, pagbabayarin nang doble ang kumuha kung mahuli." 
 22:8 Kung hindi naman mahuli ang nagnakaw, ang pinagkatiwalaan ay panunumpain sa harapan ng Diyos para patunayang wala siyang kinalaman sa pagkawala ng inihabilin sa kanya. 
 22:9 '"Anumang usapin tungkol sa pang-aangkin ng nawawalang asno, baka, tupa, damit o anumang bagay, ay dadalhin sa harapan ng Diyos. Ang mapatunayang nang-aangkin ay magbabayad nang doble sa talagang may-ari. " 
 22:10 '"Kung mamatay, mapinsala o mawala ang isang asno, baka, tupa o anumang hayop na paalaga ngunit walang nakakita sa pangyayari," 
 22:11 ang nag-aalaga ay manunumpa sa harapan ni Yahweh upang patunayan na wala siyang kinalaman sa pangyayari. Ito'y dapat paniwalaan ng may-ari at wala nang pananagutan ang tagapag-alaga. 
 22:12 Ngunit kung ninakaw ang hayop, magbabayad ang tagapag-alaga. 
 22:13 Kung ang hayop naman ay pinatay ng isang hayop na mabangis, ipakikita ng tagapag-alaga ang bahaging natira at wala siyang pananagutan. 
 22:14 '"Kapag ang isang tao'y nanghiram ng isang hayop at ito'y mamatay o mapinsala nang hindi nakikita ng may-ari, babayaran ito ng nanghiram." 
 22:15 "Ngunit kung naroon ang may-ari, hindi ito babayaran, lalo na kung inupahan; ang upa ang magiging kabayaran.' ( Tuntunin Tungkol sa Pananampalataya at Kabutihang-asal )" 
 22:16 '"Kapag ang isang dalagang hindi pa nakatakdang ikasal ay narahuyo at sinipingan ng isang lalaki, siya ay pakakasalan ng lalaking iyon at bibigyan ng kaukulang dote." 
 22:17 Kung hindi pumayag ang ama na ipakasal ang babae, ibibigay na lang sa ama ang halagang katumbas ng dote. 
 22:18 '"Ang mga mangkukulam ay papatayin. " 
 22:19 '"Sinumang makiapid sa hayop ay papatayin. " 
 22:20 '"Sinumang maghandog sa diyus-diyusan ay papatayin sapagkat kay Yahweh lamang dapat maghandog. " 
 22:21 '"Huwag ninyong aapihin ang mga taga-ibang bayan; alalahanin ninyong nangibang-bayan din kayo sa Egipto." 
 22:22 Huwag din ninyong aapihin ang mga babaing balo at ang mga ulila. 
 22:23 Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, diringgin ko sila. 
 22:24 Dahil dito, kapopootan ko kayo at lilipulin sa pamamagitan ng digmaan. Sa gayo'y mababalo rin ang inyu-inyong asawa at mauulila ang inyong mga anak. 
 22:25 '"Kapag nangutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga usurero." 
 22:26 Kapag may nagsanla sa inyo ng balabal, ibalik ninyo iyon sa kanya bago lumubog ang araw 
 22:27 sapagkat iyon lamang ang pambalot niya sa katawan; wala siyang kukumutin sa pagtulog. Kapag siya'y dumaing sa akin, diringgin ko siya sapagkat ako'y mahabagin. 
 22:28 '"Huwag ninyong lalapastanganin ang Diyos ni tutungayawin ang inyong mga pinuno. " 
 22:29 '"Huwag ninyong kalilimutang maghandog ng inaning butil, alak na mula sa katas ng ubas at langis. 'Ihahandog ninyo sa akin ang inyong mga panganay na lalaki." 
 22:30 Ihahandog din ninyo sa akin ang panganay ng inyong mga baka at tupa. Huwag ihihiwalay sa ina ang panganay ninyong lalaki hanggang sa ikapitong araw mula sa kapanganakan; sa ikawalong araw, ihahandog siya sa akin. 
 22:31 '"Kayo'y nakatalaga sa akin. Kaya huwag kayong kakain ng karne ng hayop na pinatay ng kapwa hayop; bayaan ninyong kainin yaon ng mga aso.'" 
 23:1 ( Ang mga Tuntunin Tungkol sa Katarungan ) '"Huwag kayong gagawa ng anumang pahayag na walang katotohanan. Huwag kayong magsisinungaling para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan." 
 23:2 Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan. 
 23:3 Ngunit huwag rin ninyong kikilingan ang mahihirap dahil lang sa kanilang kalagayan. 
 23:4 '"Kung makita ninyong nakawawala ang baka o asno ng inyong kaaway, hulihin ninyo ito at dalhin sa may-ari." 
 23:5 Kapag nakita ninyong nakabuwal ang asno ng inyong kaaway dahil sa bigat ng dala, tulungan ninyo ang may-ari na ibangon ang hayop. 
 23:6 '"Huwag ninyong pagkakaitan ng katarungan ang mahihirap." 
 23:7 Huwag kayong magbibintang nang walang katotohanan. Huwag ninyong hahatulan ng kamatayan ang isang taong walang kasalanan; parurusahan ko ang sinumang gagawa ng gayon. 
 23:8 Huwag kayong tatanggap ng suhol sapagkat ang suhol ay bumubulag sa tao at ikinaaapi naman ng mga walang sala. 
 23:9 '"Huwag ninyong aapihin ang sinumang taga-ibang bayan; naranasan na ninyo ang maging dayuhan sapagkat kayo ma'y naging dayuhan din sa Egipto.' ( Ang Ikapitong Taon at ang Ikapitong Araw )" 
 23:10 '"Anim na taon ninyong tatamnan ang inyong mga bukirin at anim na taon din ninyong aanihin ang bunga." 
 23:11 Sa ikapitong taon, huwag ninyo itong tatamnan at huwag din ninyong aanihin ang anumang tutubo roon. Bayaan na ninyo iyon sa mga kapatid ninyong mahirap, at ang matira ay ipaubaya na ninyo sa mga maiilap na hayop. Ganoon din ang gagawin ninyo sa inyong mga ubasan at taniman ng olibo. 
 23:12 '"Anim na araw kayong gagawa; sa ikapito ay titigil kayo para makapahinga ang inyong mga baka, asno, alipin at ang mga upahang taga-ibang bayan. " 
 23:13 '"Pakinggan ninyong mabuti itong mga sinasabi ko sa inyo. Huwag kayong mananalangin sa mga diyus-diyusan, ni babanggitin man ang kanilang pangalan.' ( Ang Tatlong Pangunahing Pista )" 
 23:14 '"Ipagpipista ninyo ako nang tatlong beses isang taon." 
 23:15 Ipagdiriwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. Tulad ng sinabi ko sa inyo, pitong araw na huwag kayong kakain ng tinapay na may lebadura. Ito'y gagawin ninyo sa takdang araw ng buwan ng Abib, ang buwan ng pag-alis ninyo sa Egipto. Walang haharap sa akin nang walang dalang handog. 
 23:16 '"Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Pag-aani tuwing aanihin ninyo ang unang bunga ng inyong mga bukirin. 'At ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Pamimitas sa pagtatapos ng taon, sa pitasan ng ubas at ng mga bungangkahoy." 
 23:17 Tatlong beses isang taon, lahat ng lalaki ay haharap sa akin, kay Yahweh na inyong Diyos. 
 23:18 '"Huwag ninyong sasamahan ng tinapay na may lebadura ang mga hayop na ihahandog ninyo sa akin, at huwag ninyong hahayaang matira sa kinabukasan ang taba ng mga hayop na handog ninyo sa pagpipista sa akin. " 
 23:19 '"Dadalhin ninyo sa bahay ko ang pinakamagandang ani ng inyong mga bukirin. 'Huwag kayong magluluto ng kordero na hindi pa awat sa ina.' ( Mga Pangako at mga Tagubilin )" 
 23:20 '"Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupain na aking inihanda sa inyo." 
 23:21 Pakikinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya'y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag naghimagsik kayo sa kanya. 
 23:22 Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway. 
 23:23 Pangungunahan kayo ng aking anghel patungo sa lupain ng mga Amorreo, Heteo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo, at sila'y lilipulin ko. 
 23:24 Huwag ninyong yuyukuran o sasambahin ang kanilang mga diyus-diyusan, ni tutularan ang kanilang ginagawa. Durugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyusan pati mga haliging ginamit nila sa pagsamba. 
 23:25 Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Kung magkagayon, pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman. 
 23:26 Isa man sa mga babaing Israelita ay walang makukunan o mababaog. At bibigyan ko kayo ng mahabang buhay. 
 23:27 '"Dahil sa gagawin ko, masisindak ang lahat ng haharap sa inyo. Malilito ang mga bansang daratnan ninyo, at magtatakbuhan dahil sa takot." 
 23:28 Bago kayo dumating doon, magpapadala ako ng makapal na putakti at palalayasin nito ang mga Heveo, Cananeo at Heteo sa kanilang lupain. 
 23:29 Hindi ko muna sila paaalising lahat sa loob ng isang taon para hindi mapabayaan ang lupain at nang hindi dumami ang mga maiilap na hayop. 
 23:30 Unti-unti ko silang paaalisin hanggang sa dumami ang inyong mga anak. 
 23:31 Ang magiging hanggahan ng inyong lupain ay mula sa Dagat ng mga Tambo hanggang sa Dagat ng mga Filisteo at mula sa ilang hanggang sa Ilog-Eufrates. Ipalulupig ko sa inyo ang mga tagaroon at sila'y inyong palalayasin. 
 23:32 Huwag kayong makikipagkaisa sa kanila o sa kanilang mga diyus-diyusan. 
 23:33 "Huwag ninyo silang patitirahing kasama ninyo sa lupaing sasakupin ninyo, at baka mahikayat nila kayong magkasala sa akin. Kapag pinaglingkuran ninyo ang kanilang mga diyus-diyusan, iyon ang magiging simula ng inyong kapahamakan.'" 
 24:1 ( Pinagtibay ang Tipan ) "Pagkatapos, sinabi naman ni Yahweh kay Moises, 'Umakyat ka rito sa bundok. Isama mo sina Aaron, Nadab, Abiu at ang pitumpu sa mga lider ng Israel. Paluhurin mo sila sa isang lugar na malayo sa akin, at" 
 24:2 "ikaw lang ang lalapit sa akin. Sabihin mo naman sa buong bayan na huwag aakyat sa bundok.' " 
 24:3 "Lahat ng iniutos ni Yahweh ay sinabi ni Moises sa mga Israelita. Ang mga ito nama'y parang iisang taong sumagot, 'Lahat ng iniuutos ni Yahweh ay susundin namin.'" 
 24:4 Isinulat ni Moises ang lahat ng utos ni Yahweh. Kinabukasan, maagang-maaga siyang nagtayo ng altar sa paanan ng bundok. Nagtayo rin siya ng labindalawang bato, na kumakatawan sa labindalawang lipi ni Israel. 
 24:5 Pagkatapos, inutusan niya ang ilang kabataang lalaki na magdala sa altar ng mga handog na susunugin. Sila rin ang inutusan niyang pumatay ng mga hayop na gagamiting handog sa pakikipagtipan kay Yahweh. 
 24:6 Ang kalahati ng dugo ng pinatay na hayop ay inilagay niya sa malalaking mangkok at ang kalahati'y ibinuhos niya sa altar. 
 24:7 "Kinuha niya ang aklat ng tipan at binasa nang malakas. Sabay-sabay namang tumugon ang mga Israelita, 'Susundin namin ang lahat ng utos ni Yahweh.' " 
 24:8 "Pagkatapos, kinuha ni Moises ang mga mangkok ng dugo at winisikan ang mga tao. Sinabi niya, 'Ang dugong ito ang siyang katibayan ng pakikipagtipang ginawa sa inyo ni Yahweh sa pagbibigay sa inyo ng kautusang ito.' " 
 24:9 Umakyat nga sa bundok sina Moises, Aaron, Nadab, Abiu at ang pitumpung lider ng Israel. 
 24:10 Doo'y nakita nila ang Diyos ng Israel. Ang kanyang tuntungan ay animo sapirong bughaw at nakasisilaw na parang langit. 
 24:11 Ngunit hindi sila naano bagamat nakita nila ang Diyos. At sila'y kumain doon at uminom. ( Si Moises sa Bundok ng Sinai ) 
 24:12 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Umakyat ka rini. Maghintay ka at ibibigay ko sa iyo ang mga tapyas ng batong kinasusulatan ng mga Kautusan at ng mga tagubilin. Sinulat ko ito upang maging tuntunin ng mga tao.'" 
 24:13 Umakyat nga si Moises, kasama si Josue. 
 24:14 "Bago siya lumakad, sinabi niya sa mga lider ng Israel, 'Hintayin ninyo kami rito. Kasama ninyong maiiwan sina Aaron at Hur; sila ang inyong lapitan sakaling may gusot na mangyari sa inyo.' " 
 24:15 Umakyat si Moises sa bundok at ito'y natakpan ng ulap. 
 24:16 Ang Bundok ng Sinai ay nalukuban ng kapangyarihan ni Yahweh; anim na araw itong nabalot ng ulap. Nang ikapitong araw, si Moises ay tinawag ni Yahweh mula sa gitna ng ulap. 
 24:17 Nakita rin ng mga Israelita ang kapangyarihan ni Yahweh na wari nila'y maliyab na apoy sa taluktok ng bundok. 
 24:18 Umakyat nga roon si Moises at napaloob siya sa ulap sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. 
 25:1 ( Mga Ihahandog para sa Santwaryo ) Sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 25:2 '"Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sa akin, at ikaw ang tatanggap ng anumang ihahandog nila." 
 25:3 Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso; 
 25:4 lanang asul, murado at pula; mga pinong kayong lino at hinabing balahibo ng kambing; 
 25:5 pulang katad ng lalaking tupa, mainam na balat, at tablang akasya; 
 25:6 langis para sa ilawan at pampabango para sa langis na pantalaga at sa kamanyang. 
 25:7 Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mga alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng punong saserdote. 
 25:8 Ipagpagawa mo ako ng santwaryo na titirhan kong kasama nila. 
 25:9 "Ang santwaryo at ang lahat ng kagamitang ilalagay roon ay gagawin mo ayon sa planong ibibigay ko sa iyo.' ( Ang Kaban ng Tipan )" 
 25:10 '"Gumawa kayo ng isang kabang yari sa akasya: apatnapu't limang pulgada ang haba, dalawampu't pito ang luwang, at ganoon din ang taas." 
 25:11 Babalutin ninyo ito ng lantay na ginto sa loob at labas, ang mga labi naman ay kalupkupan ninyo ng muldurang ginto. 
 25:12 Gagawa rin kayo ng apat na argolyang ginto na ikakabit sa apat na paa ng kaban. 
 25:13 Gagawa rin kayo ng pasanang akasya, babalutin din ng ginto 
 25:14 at isuot ninyo sa mga argolya ng kaban. 
 25:15 Huwag ninyong aalisin sa argolya ang mga pasanan. 
 25:16 Ang dalawang tapyas na bato ng tipang ibibigay ko sa iyo ay ilalagay mo sa kaban. 
 25:17 '"Gagawa ka ng Luklukan ng Awa na yari sa lantay na ginto. Ang haba nito'y apatnapu't limang pulgada at dalawampu't pito naman ang luwang." 
 25:18 Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito, 
 25:19 tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay parang iisa. 
 25:20 Gawin mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na parang nilulukuban ang Luklukan ng Awa. 
 25:21 Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. 
 25:22 "Doon kita tatagpuin sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.' ( Ang Mesa ng Tinapay na Handog sa Diyos )" 
 25:23 '"Gagawa ka ng isang mesang akasya na tatlumpu't anim na pulgada ang haba, labingwalo ang luwang at dalawampu't pito ang taas." 
 25:24 Takpan mo ng ginto ang ibabaw nito at paligiran mo ng muldurang ginto. 
 25:25 Lagyan mo ang paligid nito ng sinepang apat na pulgada ang lapad at paligiran din ng muldurang ginto. 
 25:26 Gumawa ka ng apat na argolyang ginto at ikabit mo sa apat na sulok, sa tapat ng paa nito, 
 25:27 sa malapit sa sinepa. Sa mga argolyang ito isusuot ang mga pasanan. 
 25:28 Akasya ang gagawin ninyong pasanan at babalutin din ng ginto. 
 25:29 Gumawa rin kayo ng mga kagamitang ginto: plato, kopa, banga at mangkok para sa mga handog na inumin. 
 25:30 "Ang mga tinapay na handog ninyo sa akin ay ilalagay ninyo sa mesa sa harapan ko.' ( Ang Lalagyan ng Ilaw )" 
 25:31 '"Gagawa kayo ng ilawang ginto. Ang paa at tangkay nito'y pinitpit na ginto; ang mga sanga at palamuting bulaklak ay gawin mong parang nakatubo sa tangkay ng ilawan." 
 25:32 Lalagyan mo ito ng anim na sanga, tatlo sa magkabila. 
 25:33 Bawat sanga'y lagyan mo ng tatlong buko na kamukha ng bulaklak ng almendro, may tampok at talulot. 
 25:34 Ang tangkay naman ay kakabitan mo rin ng apat na bulaklak na tulad ng nasa sanga. 
 25:35 Lalagyan mo ng buko sa ilalim ng mga sanga, isa sa ilalim ng bawat dalawang sanga. 
 25:36 Ang mga buko at ang mga sanga'y gagawin ninyong parang tubo sa tangkay, parang iisang piraso ng pinitpit na ginto. 
 25:37 Gagawa kayo ng pitong ilaw para sa mga patungang ito. Iayos ninyo ito upang ang liwanag nito'y nasa harap ng ilawan. 
 25:38 Ang panipit ng mitsa at ang bandeha ay lantay na ginto rin. 
 25:39 Sa lahat ng ito ay 100 librang ginto ang gagamitin ninyo. 
 25:40 "Sundin mong mabuti ang planong ipinakita ko sa iyo sa bundok.'" 
 26:1 ( Ang Tabernakulo ng Diyos ) '"Igawa ninyo ako ng tabernakulo. Ang gagamitin ninyo'y sampung papa na yari sa lino at lanang asul, murado at pula. Ito'y buburdahan ninyo ng larawan ng kerubin, at" 
 26:2 pare-pareho ang sukat: labing-apat na yarda ang haba at dalawa naman ang luwang. 
 26:3 Pagkakabit-kabitin ninyo ito ng tiglilima. 
 26:4 Ang tig-isang gilid nito'y lagyan ninyo ng pinakataingang yari sa taling asul. 
 26:5 Tiglilimampung tainga ang ilalagay ninyo sa bawat piraso. 
 26:6 Gagawa ka ng limampung kawit na ginto at ang mga ito ang gagamitin ninyo para pagkabitin ang dalawang piraso. 
 26:7 '"Magpahabi ka rin ng labing-isang papa ng damit mula sa balahibo ng kambing na siyang gagawing bubong ng tabernakulo." 
 26:8 Bawat isa nito'y labinlimang yarda ang haba at dalawa naman ang luwang. 
 26:9 Pagtagni-tagniin ang limang piraso at gayon din ang gawin sa anim na natitira. Ang ikaanim ay ilulupi at siyang ilalagay sa harap ng tolda. 
 26:10 Bawat piraso ay palagyan mo ng tiglilimampung tainga sa isang gilid. 
 26:11 Gumawa kayo ng limampung kawit na tanso at isuot ninyo sa mga tainga para pagkabitin ang dalawang piraso. 
 26:12 Ang kalahating papa ay ilaladlad sa likuran upang maging takip. 
 26:13 Ang kalahating yardang sobra sa mga tabi ay siyang takip sa gilid. 
 26:14 Ito ay lalagyan pa ng dalawang patong ng pulang katad: ang ilalim ay katad ng tupang lalaki at ang ibabaw ay balat na mainam. 
 26:15 '"Ang tabernakulo'y igagawa mo ng mga bastidor na akasya;" 
 26:16 bawat isa nito'y labinlimang talampakan ang haba at dalawampu't pitong pulgada ang luwang. 
 26:17 Bawat bastidor ay lalagyan ng tigalawang mitsa. 
 26:18 Sa gawing timog, dalawampung bastidor ang gagawin 
 26:19 at ikakabit sa apatnapung patungang pilak, dalawang patungan sa bawat bastidor. 
 26:20 Dalawampung bastidor din ang gagawin para sa gawing hilaga 
 26:21 at apatnapung patungan, dalawa rin sa bawat bastidor. 
 26:22 Sa likod naman, sa gawing kanluran ay anim na bastidor ang ilalagay 
 26:23 at dalawa para sa mga sulok. 
 26:24 Ang mga bastidor na panulok ay pagkakabitin mula sa ibaba hanggang sa may argolya sa itaas. 
 26:25 Kaya, walong lahat ang bastidor sa likuran at labing-anim naman ang patungan. 
 26:26 '"Gagawa rin kayo ng trabisanyong akasya, lima sa isang tabi," 
 26:27 lima sa kabila, at lima sa likod, sa gawing kanluran. 
 26:28 Ang mga trabisanyong panggitna ay abot sa magkabilang dulo ng dingding. 
 26:29 Ang mga bastidor ay babalutin ninyo ng ginto at kakabitan ng mga argolyang ginto na pagsusuutan ng mga trabisanyo na binalot din ng ginto. 
 26:30 Gawin ninyo ang tabernakulo ayon sa planong ipinakita ko sa iyo sa bundok. 
 26:31 '"Magpagawa ka ng kurtinang yari sa puting lino at lanang asul, murado at pula. Ito ay buburdahan ng larawan ng kerubin." 
 26:32 Isasabit ninyo ito sa mga kawit na ginto na nakakabit sa tumaling akasya na binalot din ng ginto at nakatindig sa tapat ng patungang pilak. 
 26:33 Isasabit ninyo ang tabing na ito sa tapat ng kawit sa atip ng tabernakulo at ilagay sa likod ng tabing ang Kaban ng Tipan. Ang tabing na ito ang siyang magiging dibisyon ng Dakong Banal at ng Dakong Kabanal-banalan. 
 26:34 Ang Luklukan ng Awa ay ilalagay sa ibabaw ng Kaban ng Tipan na nasa Dakong Kabanal-banalan. 
 26:35 Ang mesa ay sa labas ng kurtina, sa gawing hilaga ng Dakong Banal ilalagay, at sa gawing timog naman ang patungan ng ilaw. 
 26:36 '"Ang pintuan ng tabernakulo'y lalagyan ninyo ng kurtinang iba't ibang kulay na hinabi sa lanang asul, murado at pula, at pinong lino. Ito'y buburdahan nang maganda." 
 26:37 "Gagawa kayo ng limang posteng akasya para sa tabing. Babalutin ito ng ginto, kakabitan ng argolyang ginto at itatayo sa limang tuntungang tanso.'" 
 27:1 ( Ang Altar ) '"Gagawa kayo ng isang altar na akasya; pitong talampaka't kalahati ang luwang, ganoon din ang haba at ang taas ay apat at kalahating talampakan." 
 27:2 Ang apat na sulok niyon ay lalagyan ninyo ng tulis na parang sungay na gagawin ninyong kaisang piraso ng altar at babalutin ng tanso sa loob at labas. 
 27:3 Gagawa rin kayo ng mga kasangkapang tanso para sa altar: lalagyan ng sunog na taba, pala, mangkok, pangalawit at lalagyan ng apoy. 
 27:4 Gagawa rin kayo ng sala-salang tanso, at ang bawat sulok nito ay kakabitan ninyo ng isang argolyang tanso na siyang bitbitan. 
 27:5 Ikakabit ninyo ang sala-sala sa ilalim ng tuntungan ng altar at ito ang magsisilbing dingding sa gawing ibaba. 
 27:6 Gumawa rin kayo ng pasanang akasya na babalutin din ng tanso. 
 27:7 Isusuot ninyo ang mga ito sa mga argolya ng altar kung ito'y kailangang buhatin. 
 27:8 "Kaya nga't ang altar na gagawin ninyo ay may guwang sa gitna, ayon sa balangkas na ipinakita ko sa iyo sa bundok.' ( Ang Patyo ng Tabernakulo )" 
 27:9 '"Ang tabernakulo'y igagawa mo ng patyo na tatabingan ng mamahaling lino sa paligid. Sa gawing timog ay limampung yarda ang haba ng tabing" 
 27:10 na isasabit sa dalawampung posteng tanso na nakatindig sa dalawampung patungang tanso. Ang mga kawit ng poste ay pilak, gayon din ang mga baras na sabitan. 
 27:11 Ang ilalagay sa gawing hilaga ay tulad din ng nasa gawing timog; limampung yarda ang haba ng mga tabing na nakasabit sa dalawampung posteng tanso na nakatindig sa dalawampung patungang tanso. Pilak din ang mga kawit ng poste, gayon din ang baras. 
 27:12 Sa gawing kanluran naman, dalawampu't limang yarda ang haba ng tabing na isasabit sa sampung posteng nakatindig sa sampung patungan. 
 27:13 Ang luwang ng harapan sa gawing silangan ay dalawampu't limang yarda rin. 
 27:14 Ang isang tabi ng pintuan nito'y lalagyan ng kurtinang may pitong yarda't kalahati ang haba, na nakasabit sa tatlong posteng may kanya-kanyang tuntungan. 
 27:15 Ganoon din sa kabilang gilid, pitong yarda't kalahati ang haba ng kurtinang nakasabit sa tatlong posteng may kanya-kanyang tuntungan. 
 27:16 Ang kurtina naman sa pinto mismo ay sampung yarda ang haba, yari sa asul, murado at pulang lana, pinong lino na maganda ang burda. Isasabit ito sa apat na posteng nakatuntong sa apat na patungan. 
 27:17 Lahat ng poste sa patyo ay pagkakabitin ng baras na pilak; pilak din ang mga kawit ngunit tanso ang mga tuntungan. 
 27:18 Ang haba ng patyo ay 150 talampakan at pitumpu't lima naman ang luwang. Ang mga tabing na pawang yari sa mamahaling lino ay pitong talampakan at kalahati ang taas; ang mga patungan ay pawang tanso. 
 27:19 "Lahat ng kagamitan sa tabernakulo, pati mga tulos ay panay tanso.' ( Ang Pangangalaga sa Ilawan )" 
 27:20 '"Ang mga Israelita'y papagdalhin mo ng pinakamainam na langis ng olibo para sa mga ilaw upang ito'y manatiling nagniningas." 
 27:21 "Aalagaan ito ni Aaron at ng kanyang mga anak, sa Toldang Tipanan. Ito'y ilalagay sa labas ng tabing, sa tapat ng Kaban ng Tipan. Hindi nila ito pababayaang mamatay mula hapon hanggang umaga at habang panahong gagawin ito ng mga Israelita at ng kanilang buong lahi.'" 
 28:1 ( Ang Kasuutan ng mga Saserdote ) '"Ipatawag mo ang kapatid mong si Aaron at ang mga anak niyang sina Nadab, Abiu, Eleazar at Itamar. Ibukod mo sila sa karamihan ng mga Israelita upang maglingkod sa akin bilang mga saserdote." 
 28:2 Ipagpagawa mo si Aaron ng kasuutang angkop sa kanyang gawain para magmukhang kagalang-galang at magandang tingnan. 
 28:3 Ang mga kasuutang ito ay ipagawa mo sa mga taong binigyan ko ng kaalaman sa paggawa nito. Kailangan ito ni Aaron sa paglilingkod sa akin bilang saserdote. 
 28:4 Ito ang kasuutang ipagagawa mo: pektoral, efod, abito, binurdahang tunika, turbante at pamigkis. Ipagpagawa mo ng sagradong kasuutan si Aaron at ang mga anak niyang lalaki upang magamit nila sa paglilingkod sa akin bilang mga saserdote. 
 28:5 "Ang mga kasuutang ipagagawa mo ay gagamitan ng ginto, lanang asul, murado at pula, at pinong sinulid na lino.' ( Ang Efod )" 
 28:6 '"Ang efod ay yayariin sa ginto, lanang asul, murado at pula, at hinabing pinong lino at buburdahan nang maganda." 
 28:7 Palalagyan mo ito ng dalawang tirante na siyang magdudugtong sa harap at likod. 
 28:8 Kakabitan ito ng pamigkis na yari din sa ginto, lanang asul, murado at pula, at hinabing pinong lino. 
 28:9 '"Kumuha ka ng dalawang batong kornalina at ipaukit mo roon ang pangalan ng labindalawang lipi ni Israel," 
 28:10 tig-anim sa bawat bato ayon sa pagkakasunod ng kanilang kapanganakan. 
 28:11 Ipagagawa mo ito sa mahusay na platero at grabador, at paliligiran ng enggasteng ginto. 
 28:12 Ikakabit ito sa tirante ng efod bilang tagapagpaalaala sa labindalawang lipi ni Israel. Sa ganitong paraan, dadalhin ni Aaron sa kanyang mga balikat ang mga pangalan ng labindalawang lipi ni Israel upang sila'y maalaala ni Yahweh. 
 28:13 '"Magpapagawa ka rin ng dalawa pang enggasteng ginto," 
 28:14 "at dalawang lubid na ginto na ikabit mo sa dalawang enggaste.' ( Ang Pektoral )" 
 28:15 '"Gagawa ka rin ng pektoral na gagamitin ng saserdote sa pag-alam ng kalooban ni Yahweh. Buburdahan ito nang maganda, tulad ng efod. Ang gagamitin dito'y ginto, lanang asul, murado at pula, at pinong lino." 
 28:16 Ito'y gagawin ninyong parisukat, siyam na pulgada ang lapad at ang haba, at magkataklob. 
 28:17 Lalagyan ito ng apat na hilera ng mga mamahaling bato. Ang unang hilera ay rubi, topasyo at karbungko; 
 28:18 ang pangalawang hilera ay esmeralda, sapiro at brilyante; 
 28:19 ang pangatlo ay jacinto, agata at ametista; 
 28:20 ang pang-apat nama'y berilo, kornalina at jaspe. Ang mga ito'y ilalagay sa enggasteng ginto. 
 28:21 Lahat-lahat ay labindalawang mamahaling bato ang gagamitin, sa bawat isa'y nakaukit ang pangalan ng isang lipi ng Israel. 
 28:22 Gumawa ka ng dalawang maliliit na lubid na ginto at ikakabit sa pektoral. 
 28:23 Kabitan mo ito ng dalawang argolyang ginto sa mga sulok sa itaas, 
 28:24 at dito itatali ang dalawang lubid na ginto. 
 28:25 Ang kabilang dulo ng mga ito ay ikakabit naman sa dalawang enggaste na nasa tirante ng efod, sa gawing harapan. 
 28:26 Kabitan mo rin ng tig-isang argolyang ginto sa magkabilang sulok sa ibaba, sa bandang loob, malapit sa efod. 
 28:27 Gumawa ka ng dalawa pang argolyang ginto, ikabit mo ito sa tirante ng efod, sa harapan, sa tabi ng dugtungan, sa gawing itaas ng pamigkis. 
 28:28 Ang argolya ng pektoral at ang argolya ng efod ay pagkakabitin ng lubid na asul para huwag magkahiwalay. 
 28:29 '"Kaya, pagpasok ni Aaron sa Dakong Banal na suot ang pektoral, dala niya, sa tapat ng kanyang puso, ang pangalan ng mga lipi ng Israel para sila'y maalaala ni Yahweh." 
 28:30 Ilalagay naman sa pektoral ang Urim at Tumim upang ito'y nasa tapat din ng puso ni Aaron pagharap niya kay Yahweh. Tuwing siya'y haharap kay Yahweh, dala niya sa tapat ng kanyang puso ang kagamitan sa pag-alam ng kalooban ko para sa Israel. ( Ang Iba pang Kasuutan ng Saserdote )[ (Exo. 39:22-31) ] 
 28:31 '"Lanang asul ang ipagagawa mong barong kasuson ng efod." 
 28:32 Lalagyan ito ng butas sa suutan ng ulo at lalagyan ng tutop ang paligid ng butas tulad ng karaniwang baro, para hindi matastas. 
 28:33 Gagawa ka ng palawit na parang bunga ng granada na yari sa lanang asul, murado at pula, at ikakabit mo sa laylayan. Pagkatapos, lalagyan mo ng kampanilya ang pagitan ng mga palawit. 
 28:34 Ang magiging ayos nito ay isang hilera ng magkasalit na kampanilya at palawit sa buong laylayan. 
 28:35 Ito'y isusuot ni Aaron tuwing gaganap ng tungkulin bilang saserdote upang marinig ang tunog ng kampanilya tuwing siya'y pupunta at aalis sa harapan ni Yahweh. Sa gayon, hindi siya mamamatay. 
 28:36 '"Gagawa ka rin ng isang palamuting ginto na may sulat na ganito: 'Nakatalaga kay Yahweh.'" 
 28:37 Itatali mo ito ng asul na lubid sa turbante, 
 28:38 sa tapat ng noo ni Aaron; siya ang magdadala ng anumang pagkukulang ng mga Israelita sa kanilang paghahandog kay Yahweh. Sa gayo'y magiging kalugud-lugod sa kanya ang kanilang mga handog. 
 28:39 '"Ipagpagawa mo si Aaron ng abito at turbanteng yari sa pinong lino at pamigkis na buburdahan nang maganda. " 
 28:40 '"Ang mga anak naman ni Aaron ay ipagpapagawa mo ng abito, pamigkis at karaniwang turbante para sila'y maging kagalang-galang at magandang tingnan." 
 28:41 Ipasuot mo ito kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki. Papahiran mo sila ng langis, itatalaga at ilalaan sa paglilingkod sa akin bilang mga saserdote. 
 28:42 Ipagpapagawa mo rin sila ng salawal na hanggang hita para hindi makitaan. 
 28:43 "Si Aaron at ang mga anak niyang lalaki ay magsusuot nito pagpunta sa tabernakulo o paglapit sa altar sa Dakong Banal para hindi magkasala at nang hindi sila mamatay. Ito ay panatilihing tuntunin para kay Aaron at sa kanyang kaapu-apuhan.'" 
 29:1 ( Ang Pagtatalaga kina Aaron ) '"Ganito ang gagawin mo sa pagtatalaga kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki bilang mga saserdote: Kumuha ka ng isang torete at dalawang tupang lalaki na walang kapintasan." 
 29:2 Kumuha ka rin ng tinapay na walang lebadura, bibingkang walang paalsa at minasa sa langis, at biskuwit na wala ring lebadura at pinahiran ng langis. Lahat ng ito'y kailangang yari sa pinakamainam na harinang trigo. 
 29:3 Ilagay mo ito sa isang basket at ihandog sa akin, kasama ng torete at ng dalawang tupang lalaki. 
 29:4 '"Si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki ay isama mo sa pintuan ng tabernakulo at paliguan mo roon." 
 29:5 Isuot mo sa kanya ang abito, ang barong kasuson ng efod, ang efod at ang pektoral, saka itali ang pamigkis. 
 29:6 Isuot mo kay Aaron ang turbante at itali rito ang plakang kinasusulatan ng pagtatalaga. 
 29:7 Pagkatapos, pahiran mo ng langis na pantalaga ang kanyang ulo bilang pagtatalaga sa kanya. 
 29:8 '"Isunod mo naman ang kanyang mga anak. Suutan mo sila ng abito," 
 29:9 talian ng pamigkis sa baywang at suutan ng turbante. Sa gayon, magiging saserdote sila sa bisa ng aking utos. Ganyan ang gagawin mo sa pagtatalaga kay Aaron at sa kanyang mga anak. 
 29:10 '"Dalhin mo sa harap ng tabernakulo ang torete at sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ipatong sa ulo nito ang kanilang mga kamay:" 
 29:11 Sa gayong ayos, patayin mo ang torete sa harapan ni Yahweh, sa may pintuan ng tabernakulo. 
 29:12 Sahurin mo ang dugo nito at sa pamamagitan ng iyong daliri, pahiran mo ng dugo ang mga sungay ng altar. Ang matitirang dugo ay ibuhos mo sa paanan ng altar. 
 29:13 Pagkatapos, kunin mo ang taba ng mga laman-loob, ang taba ng atay at ang dalawang bato kasama ng taba nito, at sunugin ninyo sa altar bilang handog. 
 29:14 Ang balat, ang karne at ang laman-loob ay susunugin sa labas ng kampo sapagkat ito'y handog para sa kasalanan. 
 29:15 '"Kunin mo ang isa sa dalawang tupa at ipatong sa ulo nito ang kamay ni Aaron at ng kanyang mga anak." 
 29:16 Patayin mo ang tupa, sahurin mo ang dugo at iwisik sa mga gilid ng altar. 
 29:17 Pagkatapos, katayin mo ang tupa, linisin ang laman-loob pati ang mga paa at ipatong mo sa ibang bahagi nito at sa ulo. 
 29:18 Sa gayong ayos, sunugin mo sa altar upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh. 
 29:19 '"Kunin mo ang isa pang tupa at ipatong din sa ulo nito ang kamay ni Aaron at ng kanyang mga anak." 
 29:20 Patayin mo ang tupa at sahurin ang dugo. Pahiran mo nito ang lambi ng kanan nilang tainga at ang hinlalaki ng kanang kamay at paa. Ang dugong matitira ay iwisik mo sa lahat ng bahagi ng altar. 
 29:21 Kumuha ka ng kaunting dugo sa altar at kaunting langis. Iwisik mo ito kay Aaron at sa kanyang mga anak, pati sa kanilang kasuutan. Sa ganitong paraan, siya at ang kanyang mga anak pati ang kanilang kasuutan ay matatalaga kay Yahweh. 
 29:22 '"Kunin mo ang taba ng tupa: ang taba sa buntot, ang tabang nakabalot sa laman-loob, ang taba ng atay, ang dalawang bato kasama ang taba at ang kanang hita sapagkat ang tupang ito'y handog sa pagtatalaga." 
 29:23 Kumuha ka ng isang tinapay at isang bibingka na parehong walang lebadura at niluto sa langis. Kumuha ka rin ng isang biskuwit na wala ring lebadura sa basket na nasa harapan ni Yahweh. 
 29:24 Lahat ng ito'y pahawakan mo kay Aaron at sa kanyang mga anak upang ialay nila kay Yahweh. 
 29:25 Pagkatapos, kunin mo ito sa kanila at sunugin sa altar, sa ibabaw ng handog na sinusunog, upang magbigay ng mabangong samyo sa akin. 
 29:26 '"Kunin mo ang bandang dibdib ng tupang ginamit sa pagtatalaga kay Aaron, at ialay mo kay Yahweh; ito naman ang magiging kaparte mo. " 
 29:27 '"Iaalay mo nga ang dibdib pati ang hitang nauukol kay Aaron at sa kanyang mga anak." 
 29:28 At mula ngayon, ang mga nabanggit na bahagi ng hayop na ihahandog ay mauuwi kay Aaron at sa kanyang mga anak, bilang kaloob ng mga Israelita. Ang mga bahaging nabanggit ay para sa mga saserdote, alaala ng mga Israelita mula sa kanilang handog na pangkapayapaan. Ito'y handog nila kay Yahweh. 
 29:29 '"Pagkamatay ni Aaron, ang sagrado niyang kasuutan ay ibibigay sa kanyang mga anak at kanila namang isusuot sa pagpapahid sa kanila ng langis at pagtatalaga tulad ng ginawa sa kanilang ama." 
 29:30 Pitong araw na isusuot ito ng sinumang hahalili kay Aaron pagpasok niya sa tabernakulo. 
 29:31 '"Kunin mo ang tupang ginamit sa pagtatalaga at ilaga mo ito sa isang lugar na sagrado." 
 29:32 Ipakain mo ito kay Aaron at sa kanyang mga anak, kasama ng tinapay na nasa basket, doon sa pintuan ng tabernakulo. 
 29:33 Kakanin nila ang inihandog para sa kasalanan nang sila'y italaga. Mga saserdote lamang ang kakain nito sapagkat ito'y sagrado. 
 29:34 Kung hindi maubos ang tupa o ang tinapay, sunugin ito kinaumagahan at huwag kakanin sapagkat ito'y sagrado. 
 29:35 '"Sundin mong lahat ang iniutos ko sa iyo tungkol sa pagtatalaga kay Aaron at sa kanyang mga anak; pitong araw mo itong gagawin." 
 29:36 Araw-araw, maghahandog ka ng isang bakang lalaki para sa kasalanan. Gagawin mo ito upang maalis sa altar ang kasalanan. Pagkatapos, busan mo ito ng langis at italaga. 
 29:37 "Pitong araw kang maghahandog ukol sa kasalanan at pagtatalaga. Pagkatapos, ito'y ituturing na sagrado at anumang malagay rito ay magiging sagrado.' ( Ang Paghahandog Araw-araw )" 
 29:38 '"Ganito ang gagawin ninyong paghahandog sa altar araw-araw: Kumuha kayo ng dalawang tupang isang taon ang gulang at siya ninyong ihahandog," 
 29:39 isa sa umaga, isa sa hapon. 
 29:40 Ang ihahandog sa umaga ay samahan ninyo ng isang salop na pinakamainam na harinang minasa sa anim na litrong langis. Maglagay rin kayo ng anim na litrong alak bilang handog na inumin. 
 29:41 Ang ihahandog naman sa hapon ay samahan din ninyo ng handog na pagkain at inumin upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh. 
 29:42 Ang paghahandog na ito'y gagawin ninyo habang panahon. Gaganapin ninyo ito sa harapan ko, sa may pintuan ng tabernakulo. Doon ko kayo tatagpuin. Doon ako makikipag-usap sa inyo. 
 29:43 Doon ko nga tatagpuin ang mga Israelita at ang pook na iyon ay pababanalin ng aking kapangyarihan. 
 29:44 Gagawin kong sagrado ang tabernakulo, ganoon din ang altar, at ibubukod ko si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki upang maglingkod sa akin bilang mga saserdote. 
 29:45 Ako'y sasakanila at ako ang magiging Diyos nila. 
 29:46 "Makikilala nilang ako si Yahweh, ang Diyos na nagligtas sa kanila sa Egipto. Maninirahan akong kasama nila; ako si Yahweh, ang kanilang Diyos.'" 
 30:1 ( Ang Altar na Sunugan ng Kamanyang ) '"Gumawa ka ng altar na akasyang sunugan ng kamanyang." 
 30:2 Gawin mo itong parisukat: labingwalong pulgada ang haba, gayon din ang luwang at tatlumpu't anim na pulgada ang taas. Ang apat na sulok nito ay lalagyan mo ng sungay na parang kaisang piraso ng altar. 
 30:3 Babalutin mo ito ng lantay na ginto at lilistunan ng ginto ang paligid. 
 30:4 Kakabitan ito ng argolyang ginto sa magkabilang gilid, sa ibaba ng liston para suutan ng pasanan 
 30:5 na yari sa akasyang balot din ng ginto. 
 30:6 Pagkayari, ilalagay ito sa labas ng tabing ng Kaban ng Tipan at ng Luklukan ng Awa. Dito ko kayo tatagpuin. 
 30:7 Tuwing umaga, magsusunog dito ng kamanyang si Aaron, pag-aayos niya sa mga ilaw. 
 30:8 Ganoon din ang gagawin niya kung gabi, pag-aayos sa mga ilaw. Araw-araw, gagawin ninyo ito at ng inyong magiging kaapu-apuhan. 
 30:9 Huwag kayong magsusunog dito ng kamanyang na iba sa iniuutos ko. Huwag din kayong magdadala rito ng handog na susunugin, maging hayop, pagkain o inumin. 
 30:10 "Minsan isang taon, gaganapin ni Aaron ang seremonya sa paglilinis ng kasalanan. Ang apat na tulis ng altar ay papahiran ng dugo ng hayop na handog para sa kasalanan. Gawin ninyo ito habang panahon. Ang altar na ito'y sagrado at nakatalaga kay Yahweh.' ( Ang Buwis para sa Templo )" 
 30:11 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 30:12 '"Pagkuha mo ng senso ng mga Israelita, bawat isa'y hihingan mo ng pantubos sa kanilang buhay. Ihahandog nila ito sa akin para walang kapahamakang umabot sa kanila habang ginagawa ang senso." 
 30:13 Lahat ng mabilang sa senso ay magbabayad ng kalahating siklo ayon sa timbangan ng templo, bilang handog sa akin. 
 30:14 Lahat ng dalawampung taon pataas ang isasama sa senso. 
 30:15 Pareho ang halagang ibabayad na pantubos ng mayayaman at ng mahihirap. 
 30:16 "Lahat ng ibabayad nila ay gagamitin sa mga kailangan sa tabernakulo. Ang halagang ibibigay nila'y pantubos ng kanilang buhay, at sa pamamagitan nito, maaalaala ko ang mga Israelita.' ( Ang Palangganang Hugasan )" 
 30:17 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 30:18 '"Gumawa ka rin ng palangganang tanso at ng tansong patungan nito. Ilalagay mo ito sa pagitan ng altar at ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, punuin mo ng tubig." 
 30:19 Ito ang gagamitin ni Aaron at ng kanyang mga anak sa paghuhugas ng kanilang paa't kamay. 
 30:20 Kailangang sila'y maghugas bago pumasok sa Toldang Tipanan o bago magsunog ng handog sa altar. Kung hindi, sila'y mamamatay. 
 30:21 "Kailangan ngang maghugas muna sila ng paa't kamay upang hindi sila mamatay. Ito'y tuntuning susundin nila at ng kanilang lahi habang panahon.' ( Ang Langis na Pampahid at ang Kamanyang )" 
 30:22 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 30:23 '"Pumili ka ng pinakamainam na pabango: dalawampung librang mira, tigsasampung librang kanela at mabangong tambo" 
 30:24 at dalawampung librang kasia. Pagkatapos, kumuha ka ng limang litrong langis. 
 30:25 Paghalu-haluin mo ito tulad ng ginagawa ng mahuhusay na manggagawa ng pabango at ito ang langis na gagamitin mo sa pagtatalaga. 
 30:26 Pahiran mo nito ang Toldang Tipanan at ang Kaban ng Tipan, 
 30:27 ganoon din ang mesa at lahat ng kagamitan nito, ang ilawan at mga kasangkapang kaugnay nito at ang altar na sunugan ng kamanyang. 
 30:28 Pahiran mo rin ang altar na sunugan ng mga handog at mga kasangkapan nito, ang palangganang hugasan at ang patungan nito. 
 30:29 Ganyan ang gagawin mo sa pagtatalaga ng mga kasangkapang nabanggit upang ito'y maging sagrado; magiging sagrado rin ang lahat ng madaiti rito. 
 30:30 '"Pagkatapos, si Aaron naman at ang kanyang mga anak ang bubusan ng langis na ito upang lubos silang matalaga sa akin bilang mga saserdote." 
 30:31 Sabihin mo sa mga Israelita na ang langis na ito'y sagrado at siya ninyong gagamitin habang panahon. 
 30:32 Huwag ninyo itong gagamitin sa karaniwang tao at huwag gagayahin ang paggawa nito. Ito'y sagrado at kailangang igalang. 
 30:33 "Ititiwalag ang sinumang gumaya rito at ang sinumang karaniwang tao na gumamit nito.' ( Ang Kamanyang )" 
 30:34 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Kumuha ka ng magkakasindaming estacte, onice, galbano at kamanyang." 
 30:35 Paghalu-haluin mo ito tulad ng ginagawa ng mahusay na manggagawa ng pabango at gawin mong pansuob. Timplahan mo ito ng malinis at sagradong asin. 
 30:36 Dikdikin mo nang pino ang kaunti nito at ilagay sa harap ng Kaban ng Tipan, sa dakong itinangi ko para tagpuin kayo. Aariin ninyo itong sagrado. 
 30:37 Huwag ninyong gagayahin ito kung gagawa kayo ng kamanyang na pansariling gamit. Aariin ninyong ito'y bukod-tangi kay Yahweh. 
 30:38 "Ititiwalag ang sinumang gumamit nito bilang pabango.'" 
 31:1 ( Ang Gagawa ng Toldang Tipanan ) Sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 31:2 '"Hinirang ko na si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur na kabilang sa lipi ni Juda." 
 31:3 Pinuspos ko siya ng Espiritu ng Diyos, at ngayo'y dalubhasa sa lahat ng masining na gawain. 
 31:4 Mahusay siyang magdisenyo at kayang-kayang iukit ito maging sa ginto, pilak o tanso. 
 31:5 Mahusay rin siyang maglilok at magtabas ng mamahaling bato. Dalubhasa nga siya sa lahat ng masining na gawain. 
 31:6 Pinili ko para makatulong niya si Aholiab, anak ni Ahisamac na buhat naman sa lipi ni Dan. Binigyan ko rin ng kakayahan ang ibang mahuhusay na manggagawa upang sila ang gumawa ng lahat ng iniuutos ko sa iyo. 
 31:7 Sila ang gagawa ng tabernakulo, ng Kaban ng Tipan, ng Luklukan ng Awa at lahat ng kasangkapan sa templo. 
 31:8 Sila rin ang gagawa ng mesang patungan ng handog na pagkain at ng lahat ng kagamitan nito; ng ilawang ginto at mga kagamitan nito; ng altar na sunugan ng kamanyang; 
 31:9 ng altar na sunugan ng mga handog at ang mga kasangkapan nito; ng palangganang hugasan at ng patungan nito. 
 31:10 Sila ang gagawa ng mga kasuutan ni Aaron at ng kanyang mga anak. 
 31:11 "Sila rin ang maghahalo ng langis na gamit sa pagtatalaga at ng kamanyang para sa Dakong Banal. Sundin mong lahat ang sinasabi kong ito sa iyo.' ( Ang Araw ng Pamamahinga )" 
 31:12 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 31:13 '"Sabihin mo sa mga Israelita na ipangingilin ang araw na ipinahinga ko sapagkat ito ang magsisilbing palatandaan sa inyo at sa inyong kaapu-apuhan na kayo'y aking hinirang para maging bayan ko." 
 31:14 Ipangilin ninyo ang Araw ng Pamamahinga sapagkat itinangi ko ito para sa inyo. Papatayin ang sinumang hindi magpahalaga rito at itatapon ang sinumang gumawa sa araw na ito. 
 31:15 Gawin ninyo sa loob ng anim na araw lahat ng kailangan ninyong gawin. Ang ikapitong araw ay Araw ng Pamamahinga at para sa akin. Papatayin ang sinumang gumawa sa araw na yaon. 
 31:16 Ipangingilin ito ng lahat ng inyong salinlahi habang panahon. 
 31:17 "Ito'y isang palatandaan ko at ng bansang Israel at mananatili habang panahon. Sapagkat sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang lupa at nagpahinga ako sa ikapitong araw.' " 
 31:18 Matapos sabihin ni Yahweh kay Moises ang lahat ng ito sa Bundok ng Sinai, ibinigay niya rito ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng Kautusan na siya mismo ang sumulat. 
 32:1 ( Ang Guyang Ginto ) "Nang magtagal si Moises sa bundok, ang mga Israelita'y lumapit kay Aaron. Sinabi nila, 'Igawa mo kami ng isang diyos na mangunguna sa amin. Hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa Moises na iyan na naglabas sa amin sa Egipto.' " 
 32:2 '"Kung gayon, tipunin ninyo ang mga hikaw na ginto ng inyong asawa't mga anak at dalhin sa akin,' sagot ni Aaron." 
 32:3 Ganoon nga ang kanilang ginawa. 
 32:4 "Kinuha ni Aaron ang mga hikaw at tinunaw; ibinuhos niya sa isang hulmahan at ginawang hugis ng guya. Pagkayari, sinabi nila: 'Israel, narito ang diyos mong nag-alis sa iyo sa Egipto!' " 
 32:5 "Nang ito'y makita ni Aaron, gumawa siya ng altar sa harap nito at sinabi sa mga tao, 'Ipagpipista natin bukas si Yahweh.'" 
 32:6 Kinaumagahan, naghandog sila ng mga hayop at sinunog sa altar. Nagpatay pa sila ng hayop na kanilang pinagsalu-saluhan. Sila'y kumain, uminom at nagdiwang. 
 32:7 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Balikan mo ngayon din ang mga Israelitang inialis mo sa Egipto, naroon at nagpapakasama." 
 32:8 Tinalikdan nila agad ang mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila'y iyon ang diyos na nag-alis sa kanila sa Egipto. 
 32:9 Kilala ko ang mga taong iyan at alam kong matigas ang kanilang ulo. 
 32:10 "Kung gusto mo, lilipulin ko sila at sa iyo ko pagmumulain ang isang malaking bansa.' " 
 32:11 "Nagsumamo si Moises kay Yahweh: 'Huwag po! Huwag ninyong lilipulin ang mga taong inialis ninyo sa Egipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan." 
 32:12 Kapag nilipol ninyo sila, masasabi ng mga Egipcio na ang mga Israelita'y inialis ninyo sa Egipto upang lipulin sa kabundukan. Huwag na po kayong magalit sa kanila at huwag na ninyong ituloy ang inyong balak laban sa kanila. 
 32:13 "Alalahanin ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako ninyo sa kanila na ang lahi nila'y pararamihing tulad ng mga bituin sa langit at magiging kanila habang panahon ang lupang ipinangako ninyo.'" 
 32:14 Hindi nga itinuloy ni Yahweh ang balak na paglipol sa mga Israelita. 
 32:15 Pagkaraan noon, si Moises ay bumaba na ng bundok. Dala niya ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng mga utos na 
 32:16 ang Diyos mismo ang sumulat. 
 32:17 "Nang pabalik na sila, narinig ni Josue ang sigawan ng mga tao. Sinabi niya kay Moises, 'Parang may digmaan sa kampo.' " 
 32:18 '"Ang naririnig ko'y hindi sigaw ng tagumpay o ng pagkatalo, kundi awitan,' sagot ni Moises. " 
 32:19 Nang sila'y malapit na sa kampo, nakita ni Moises ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Dahil dito, nagalit siya. Ibinalibag niya sa paanan ng bundok ang mga tapyas na bato at ito'y nadurog. 
 32:20 Kinuha niya ang guya at sinunog. Pagkatapos, dinurog niya ito nang pino saka ibinuhos sa tubig at ipinainom sa mga Israelita. 
 32:21 "Hinarap niya si Aaron, 'Ano ba ang nangyari sa iyo at pumayag kang gawin ang kasamaang ito?' " 
 32:22 "Sumagot si Aaron, 'Huwag ka nang magalit sa akin, kapatid ko. Alam mo naman kung gaano katigas ang kanilang ulo. Hindi ko sila mapigil sa paggawa ng kasamaang ito." 
 32:23 Sinabi nila sa akin na igawa ko sila ng diyos na mangunguna sa kanila sapagkat hindi nila alam kung ano na ang nangyari sa iyo. 
 32:24 "Kaya't tinanong ko sila kung sino ang may ginto. Ibinigay nila sa akin ang mga alahas, tinunaw ko sa apoy at lumabas ang guyang iyon.' " 
 32:25 Nakita ni Moises na nagkakagulo ang mga tao mula nang sila'y pabayaan ni Aaron na sumamba sa diyus-diyusan. Nalimutan nilang sila'y nanganganib sa mga kaaway na nakapaligid. 
 32:26 "Kaya't tumayo si Moises sa pintuan ng kampo at sumigaw, 'Lumapit sa akin ang lahat ng nasa panig ni Yahweh!' At lumapit sa kanya ang mga Levita." 
 32:27 "Sinabi niya sa kanila, 'Ipinasasabi ni Yahweh, ng Diyos ng Israel: 'Kunin ninyo ang inyong mga tabak, galugarin ninyo ang buong kampo at patayin ang lahat ng inyong makita, maging kapatid, kaibigan o sinuman.''" 
 32:28 Sinunod ng mga Levita ang utos ni Moises at may 3,000 tao ang napatay nila nang araw ring yaon. 
 32:29 "Sinabi ni Moises, 'Ngayo'y itinalaga ninyo ang inyong sarili sa paglilingkod kay Yahweh dahil sa pagkapatay ninyo sa inyong mga anak at mga kapatid. Kaya, tatanggapin ninyo ngayon ang kanyang pagpapala.' " 
 32:30 "Kinabukasan, sinabi ni Moises sa mga tao, 'Napakalaki ng nagawa ninyong kasalanan. Aahon ako ngayon sa bundok at makikipagkita kay Yahweh, baka sakaling maihingi ko kayo ng tawad.'" 
 32:31 "Umahon nga sa bundok si Moises at dumaing kay Yahweh. Sinabi niya, 'Napakalaking pagkakasala ang nagawa ng mga tao; gumawa sila ng diyus-diyusang ginto." 
 32:32 "Ipinakikiusap ko pong patawarin na ninyo sila. Kung hindi ninyo sila mapatatawad, burahin na rin ninyo sa inyong aklat ang aking pangalan.' " 
 32:33 "Sumagot si Yahweh, 'Kung sino ang nagkasala sa akin ay siya kong buburahin sa aking aklat." 
 32:34 "Ngayon, pangunahan mo sila sa lugar na sinabi ko sa iyo at papatnubayan kayo ng aking anghel. Ngunit darating ang araw na parurusahan ko ang mga Israelita dahil sa kanilang mga kasalanan.' " 
 32:35 At pinagkasakit niya ang mga tao sapagkat pinagawa nila ng guya si Aaron. 
 33:1 ( Nagpatuloy ng Paglalakbay ang Israel ) "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Umalis na kayo rito at magtuloy sa lupaing aking ipinangako kina Abraham, Isaac at Jacob na ibibigay ko sa kanilang lahi." 
 33:2 "Ang pupuntahan ninyo'y isang mayaman at masaganang lupain. Pauunahin ko sa inyo ang isang anghel upang palayasin ang mga Cananeo, Amorreo, Heteo, Perezeo, Heveo at Jebuseo. Hindi ako ang sasama sa inyo at baka malipol ko lamang kayo sa daan dahil sa katigasan ng inyong ulo.' " 
 33:3 (*papuloy) 
 33:4 Nang malaman ito ng mga Israelita, labis silang nalungkot at isa ma'y walang nagsuot ng alahas. 
 33:5 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Sabihin mo sa mga Israelita na matitigas ang ulo nila. Baka kung ako ang sasama sa kanilang paglalakbay ay malipol ko lang sila. Ipaalis mo ang kanilang mga alahas para malaman ko kung ano ang gagawin ko sa kanila.'" 
 33:6 Kaya't mula sa Bundok ng Horeb, hindi na sila nagsuot ng alahas. ( Ang Toldang Tipanan ) 
 33:7 Nakaugalian na ni Moises na ang tabernakulo'y itayo sa isang lugar na malayu-layo sa kampo; tinawag iyong Dakong Tipanan ng Diyos at ng mga tao. Doon pumupunta ang sinumang nais sumangguni kay Yahweh. 
 33:8 Tuwing papasok doon si Moises, ang mga Israelita'y tumatayo sa pintuan ng kanilang tolda at tinitingnan siya hanggang sa siya'y makapasok. 
 33:9 Kapag nasa loob na si Moises, bumababa naman sa may pinto ng Toldang Tipanan ang haliging ulap at mula roo'y makikipag-usap sa kanya si Yahweh. 
 33:10 Kapag nakita ng mga Israelita na nasa pintuan ng tolda ang haliging ulap, lumalagay naman sila sa pintuan ng kanilang tolda at yumuyuko. 
 33:11 Ang pakikipag-usap ni Yahweh kay Moises ay tuwiran, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan. Pagkatapos, si Moises ay bumabalik na sa kampo ngunit naiiwan sa tolda si Josue, ang katulong niya. ( Nangako si Yahweh na Sila'y Papatnubayan ) 
 33:12 "Sinabi ni Moises kay Yahweh, 'Iniutos ninyo sa aking pangunahan ko ang bayang ito papunta sa lupaing ipinangako ninyo. Ngunit di ninyo binanggit kung sino ang makakatulong ko. Sinabi pa ninyong lugod na lugod kayo sa akin." 
 33:13 "Kung ito'y totoo, ipinakikiusap kong sabihin ninyo sa akin ang inyong mga panukala para malaman ko upang patuloy kayong malugod sa akin. Alalahanin din ninyo na ang bayang Israel ay inyo.' " 
 33:14 '"Sasamahan ko kayo hanggang sa lupaing patutunguhan ninyo at iyon ay lubusan kong ipasasakop sa inyo,' sagot ni Yahweh. " 
 33:15 "Sinabi ni Moises, 'Kung hindi ninyo kami sasamahan, huwag na ninyo kaming ialis dito." 
 33:16 "Pagkat kung hindi kayo sasama sa amin, paano malalaman ng lahat na kami'y inyong kinalulugdan? Kung sasama kayo sa amin, maliwanag na kami'y higit sa iba.' " 
 33:17 '"Sige, gagawin ko ang hiling mo sapagkat ako'y lugod na lugod sa iyo at kilalang-kilala kita,' sabi ni Yahweh. " 
 33:18 "Itinanong ni Moises, 'Maaari ko bang makita ang tunay ninyong anyo?' " 
 33:19 '"Makikita mong lahat ang aking katangian at sasabihin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh. Ipadarama ko ang aking pag-ibig at awa sa sinumang aking kinalulugdan," 
 33:20 ngunit hindi mo maaaring makita ang aking mukha sapagkat tiyak na mamamatay ang sinumang makakita niyon. 
 33:21 Dito sa tabi ko'y may matatayuan kang bato. 
 33:22 Pagdaan ko, ipapasok kita sa isang siwang nito at tatakpan kita ng aking kamay. 
 33:23 "Pagkalampas ko'y aalisin ko na ang aking kamay at makikita mo ang likod ko, ngunit hindi ang aking mukha,' sagot ni Yahweh." 
 34:1 ( Ang Pangalawang Tapyas na Bato ) "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Tumapyas ka ng dalawang batong tulad noong una at isusulat ko roon ang nasa mga tapyas na batong sinira mo." 
 34:2 Bukas, gumayak ka nang maaga at magpunta ka sa akin sa taluktok ng Bundok ng Sinai. 
 34:3 "Huwag kang magsasama ng kahit sino. Walang pupunta isa man sa bundok at ni isang tupa o baka ay huwag hahayaang manginain doon.'" 
 34:4 Tulad ng sinabi ni Yahweh, si Moises ay tumapyas ng dalawang bato at dinala kinaumagahan sa Bundok ng Sinai. 
 34:5 Si Yahweh ay bumaba sa ulap, lumagay sa tabi ni Moises at binanggit ang kanyang pangalan: Yahweh. 
 34:6 "Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises. Sinabi niya, 'Akong si Yahweh ay mapagmahal at maawain. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako'y nananatiling tapat." 
 34:7 "Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinatatawad ang kanilang kasamaan, pagsalangsang at pagkakasala. Ngunit hindi ko pinalalampas ang kasalanan ng ama at ang pagpaparusa ko'y hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.' " 
 34:8 Nanikluhod si Moises at sumamba kay Yahweh. 
 34:9 "Sinabi niya, 'Kung talagang kinalulugdan ninyo ako, isinasamo kong samahan ninyo kami kahit na matigas ang ulo ng lahing ito. Patawarin na ninyo kami at tanggapin bilang inyong bayan.' ( Inulit ang Tipan )" 
 34:10 "Sinabi ni Yahweh, 'Makikipagtipan ako sa inyo. Sa harapan ng iyong bayan ay gagawa ako ng mga himalang hindi pa nangyayari sa daigdig kahit kailan. Dahil dito, makikita ng mga Israelita kung gaano ako kadakila." 
 34:11 Sundin ninyo ang aking mga utos at palalayasin ko sa pupuntahan ninyo ang mga Amorreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo. 
 34:12 Huwag kayong makikipagkaisa sa mga daratnan ninyo roon sapagkat iyon ang magiging simula ng inyong kapahamakan. 
 34:13 Sa halip, sirain ninyo ang kanilang mga altar, durugin ninyo ang mga batong ginagamit nila sa kanilang pagsamba at ibuwal ang mga haliging kinikilala nilang sagrado. 
 34:14 '"Huwag kayong sasamba sa ibang diyos sapagkat akong si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin; ang pangalan ko'y Mapanibughuin." 
 34:15 Huwag kayong makikipagkaisa sa mga tagaroon. Baka mahikayat nila kayong kumain ng mga handog sa kanilang mga diyus-diyusan kapag sila'y sumasamba sa mga ito. 
 34:16 Huwag ninyong hahayaan na ang mga anak ninyong lalaki ay mag-asawa ng mga tagaroon. Baka mahikayat sila ng mga ito na maglingkod sa kanilang mga diyus-diyusan kapag sila'y sumasamba sa mga ito. 
 34:17 '"Huwag kayong gagawa ng diyus-diyusang metal. " 
 34:18 '"Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. Tulad ng sinabi ko sa inyo, pitong araw kayong huwag kakain ng tinapay na may lebadura sa buwan ng Abib sapagkat yaon ang araw ng pagkaalis ninyo sa Egipto. " 
 34:19 '"Akin ang lahat ng panganay na lalaki, maging tao o hayop." 
 34:20 Ang panganay na asno ay papalitan ninyo ng tupa. Kung ayaw ninyong palitan, baliin ninyo ang leeg. Papalitan din ninyo ng tupa ang mga panganay ninyong lalaki. Huwag kayong haharap sa akin nang walang dalang handog. 
 34:21 '"Anim na araw kayong gagawa; magpapahinga kayo sa ikapito, kahit sa panahon ng pagbubungkal ng lupa o pag-aani. " 
 34:22 '"Ipagdiriwang ninyo ang Pista ng mga Linggo, ang unang pag-aani ng trigo, gayon din ang Pista ng Pag-aani ng mga bungangkahoy tuwing matatapos ang taon. " 
 34:23 '"Makaitlo isang taon, ang mga lalaking Israelita ay haharap sa akin." 
 34:24 Kapag napalayas ko na ang mga taong daratnan ninyo at nasakop na ninyo nang lubusan ang kanilang lupain, wala nang sasalakay sa inyo sa mga araw na yaong kayo'y haharap sa akin. 
 34:25 '"Huwag ninyong sasamahan ng tinapay na may lebadura ang hayop na ihahandog ninyo sa akin. Huwag din kayong magtitira ng anumang bahagi ng hayop na pinatay para sa Pista ng Paskuwa. " 
 34:26 '"Dadalhin ninyo sa bahay ko ang pinakamabuti sa inyong mga ani bilang handog. 'Huwag kayong magluluto ng kordero sa gatas ng kanyang ina.' " 
 34:27 "Pagkatapos noon, sinabi niya kay Moises, 'Isulat mo ang mga sinabi ko sapagkat ito ang mga tuntunin ng pakikipagtipan ko sa iyo at sa Israel.'" 
 34:28 Si Moises ay apatnapung araw at apatnapung gabing kasama ni Yahweh, hindi kumakain o umiinom. Isinulat niya sa mga tapyas na bato ang mga tuntunin ng tipan, ang sampung utos. ( Bumaba sa Bundok si Moises ) 
 34:29 Mula sa Bundok ng Sinai, bumaba si Moises na dala ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng mga utos. Hindi niya namamalayan na dahil sa pakikipag-usap niya kay Yahweh ay nagniningning pala ang kanyang mukha. 
 34:30 Nang makita ito ni Aaron at ng mga Israelita, natakot silang lumapit. 
 34:31 Kaya tinawag sila ni Moises. Lumapit naman si Aaron at ang mga lider sa Israel at sila'y nag-usap. 
 34:32 Pagkaraan noon, lumapit sa kanila ang lahat ng Israelita at sinabi sa kanila ni Moises ang mga utos na ibinigay sa kanya ni Yahweh nang sila'y mag-usap sa Bundok ng Sinai. 
 34:33 Pagkasabi nito, tinakpan niya ang kanyang mukha. 
 34:34 Tuwing papasok si Moises sa tabernakulo upang makipag-usap kay Yahweh, inaalis niya ang takip ng kanyang mukha. Paglabas, sinasabi niya sa mga tao kung ano ang iniuutos ni Yahweh, 
 34:35 at makikita na naman nila na nagniningning ang kanyang mukha. Sa gayon, tatakpan niya uli ito hanggang sa muli niyang pakikipag-usap kay Yahweh. 
 35:1 ( Ang mga Tuntunin sa Araw ng Pamamahinga ) "Tinipon ni Moises ang buong Israel at kanyang sinabi, 'Ito ang iniuutos sa inyo ni Yahweh:" 
 35:2 Anim na araw kayong gagawa, ang ikapito'y itatangi ninyo. Ito ay Araw ng Pamamahinga at nakatalaga sa kanya. Papatayin ang sinumang gumawa sa araw na yaon, 
 35:3 "kahit magparikit lamang ng apoy.' ( Ang mga Handog para sa Santwaryo )" 
 35:4 "Sinabi ni Moises sa mga Israelita, 'Ito ang iniuutos ni Yahweh:" 
 35:5 Maghahandog kayo kay Yahweh. Ito ang maaari ninyong ihandog: ginto, pilak at tanso; 
 35:6 lanang pula, asul at murado, pinong sinulid na lino, balahibo ng kambing, 
 35:7 pinulang balat ng tupa, balat ng kambing at akasya. 
 35:8 Maaari rin kayong maghandog ng langis para sa ilaw, pabangong panghalo sa langis na pantalaga at kamanyang, 
 35:9 "batong kornalina at mamahaling batong pampalamuti sa efod at pektoral ng punong saserdote.' ( Ang mga Kagamitan sa Toldang Tipanan )" 
 35:10 '"Tipunin mo ang lahat ng mahuhusay na manggagawa at sila ang pagawin" 
 35:11 ng tabernakulo, ng tolda at ng mga tabing nito, ng mga kawit at ng mga bastidor, ng mga trabisanyo, ng mga tukod at ng mga patungan nito. 
 35:12 Sila rin ang gagawa ng Kaban ng Tipan at ng mga pasanan nito, gayon din ng Luklukan ng Awa at ng tabing nito. 
 35:13 Sila rin ang gagawa ng mesa, ng mga paa at lahat ng kagamitan nito, ng lalagyan ng tinapay na ihahandog sa Diyos, 
 35:14 ng ilawan, ng mga kagamitan nito, ng mga ilaw at langis para rito. 
 35:15 Sila rin ang gagawa ng altar na sunugan ng kamanyang, ng kurtinang ilalagay sa pintuan ng Toldang Tipanan, 
 35:16 ng altar na sunugan ng mga handog, ng sala-salang tanso, ng mga pasanan at ng mga kagamitang kasama ng altar, ng palanggana at ng patungan nito. 
 35:17 Sila rin ang gagawa ng mga tabing ng patyo, ng mga tukod na pagkakabitan, at ng mga patungan ng tukod pati ng kurtina sa pintuan. 
 35:18 Sila rin ang gagawa ng tulos, ng mga lubid na gagamitin sa tipanan at sa mga tabing, 
 35:19 "ng mamahaling kasuutan ng mga saserdote na gagamitin pagpasok nila sa Dakong Banal---ng mga damit na gagamitin ni Aaron at ng kanyang mga anak sa kanilang paglilingkod sa akin bilang mga saserdote.' ( Dinala ang mga Handog )" 
 35:20 Ang mga Israelita'y nagbalikan na sa kani-kanilang tolda. 
 35:21 Lahat ng ibig tumulong ay naghandog kay Yahweh ng inaakala nilang magagamit sa paggawa ng tabernakulo, ng mga kagamitan sa pagsamba at ng kasuutan ng mga saserdote. 
 35:22 Babae't lalaki ay naghandog. May nagdala ng alpiler, hikaw, singsing, kuwintas at iba pang alahas na ginto. Dinala ng bawat isa ang kanyang alahas na ginto at inihandog kay Yahweh. 
 35:23 May naghandog din ng lanang asul, murado at pula, ng pinong lino, telang yari sa balahibo ng kambing, pinulang balat ng tupa at balat ng kambing. 
 35:24 Ang iba nama'y naghandog ng pilak o tansong kagamitan, ng akasya para sa tabernakulo. 
 35:25 Ang mga babae namang marunong magsulid ay gumawa ng sinulid na lanang asul, murado at pula, gayon din ng pinong lino, at ito ang kanilang inihandog. 
 35:26 May nagsulid naman ng balahibo ng kambing. 
 35:27 Ang mga lider ay naghandog ng kornalina, mga alahas na ipapalamuti sa efod at sa pektoral ng punong saserdote. 
 35:28 May nagdala naman ng langis para sa ilawan, ng pabangong ihahalo sa langis na pantalaga at sa kamanyang. 
 35:29 Lahat ng Israelita, lalaki at babae na may maitutulong ay nagdala ng handog kay Yahweh para sa ipinagagawa niya sa pamamagitan ni Moises. ( Ang mga Gagawa sa Toldang Tipanan ) 
 35:30 "Sinabi ni Moises sa mga Israelita, 'Pinili ni Yahweh si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, buhat sa lipi ni Juda." 
 35:31 Siya'y pinuspos niya ng Espiritu ng Diyos kaya't dalubhasa siya sa lahat ng gawain. 
 35:32 Mahusay siya sa paggawa ng magagandang dibuho at kayang-kaya niyang iukit ito sa ginto, pilak o tanso. 
 35:33 Bihasa siyang magtabas ng mamahaling bato, mahusay lumilok at dalubhasa sa anumang gawaing pansining. 
 35:34 Siya at si Aholiab na anak ni Ahisamac ay binigyan ni Yahweh ng kakayahan para maituro nila sa iba ang kanilang nalalaman. 
 35:35 Sila'y binigyan niya ng pambihirang kakayahang gumawa ng gawain ng mga dalubhasang mag-uukit, dibuhista, pangkaraniwang manghahabi at ng manghahabi ng lanang asul, murado at pula at ng pinong lino. Kaya nilang gawin ang anumang uri ng gawain. 
 36:1 '"Si Bezalel, si Aholiab at ang lahat ng manggagawang binigyan ni Yahweh ng kaalaman at kakayahan ang gagawa ng lahat ng kailangan sa santwaryo, ayon sa sinabi ni Yahweh.' ( Marami ang Handog ng mga Israelita )" 
 36:2 Tinawag ni Moises sina Bezalel, Aholiab, ang lahat ng binigyan ng kakayahan ni Yahweh at ang lahat ng ibig tumulong at pinagsimula na. 
 36:3 Ibinigay niya sa kanila ang lahat ng handog ng mga Israelita para sa gagawing santwaryo. Patuloy pa rin sa paghahandog ang mga Israelita tuwing umaga, 
 36:4 kaya't nagpunta kay Moises ang mga manggagawa. 
 36:5 "Sinabi nila, 'Labis na po ang handog ng mga tao ngunit patuloy pa rin sila ng pagdadala.' " 
 36:6 "Kaya iniutos ni Moises, 'Huwag na kayong maghahandog para sa gagawing santwaryo.' Noon lamang tumigil ang mga tao sa pagdadala ng handog." 
 36:7 Gayunman, lumabis pa rin ang mga handog na naroon. ( Ang Paggawa ng Toldang Tipanan ) 
 36:8 Lahat ng pinakamahusay na manggagawa ang gumawa sa Toldang Tipanan. Ang ginamit dito ay sampung pirasong papa ng damit na hinabi sa pinong lino at lanang asul, murado at pula na may burdang larawan ng kerubin. 
 36:9 Ang haba ng bawat piraso ay labing-apat na yarda at dalawa naman ang lapad. 
 36:10 Ang mga ito ay pinagtagni-tagni nila nang tiglilima. 
 36:11 Gumawa sila ng mga silo mula sa asul na kordon at ikinabit sa gilid ng bawat piraso, 
 36:12 tiglilimampung silo bawat isa. 
 36:13 Gumawa sila ng limampung kawit na ginto at sa pamamagitan nito'y pinagkabit ang dalawang piraso. Kaya ang sampung papa ng damit na ginamit sa Toldang Tipanan ay parang isang piraso lamang. 
 36:14 Pagkatapos, gumawa sila ng labing-isang pirasong damit na yari sa balahibo ng kambing upang itakip sa tolda. 
 36:15 Bawat isa nito'y labinlimang yarda ang haba at dalawa naman ang lapad. 
 36:16 Pinagtagni-tagni nila ang limang piraso; ganoon din ang anim na natira. 
 36:17 Kinabitan nila ng tiglilimampung silo ang gilid ng bawat piraso. 
 36:18 Pagkatapos, gumawa sila ng limampung kawit na tanso at sa pamamagitan nito'y pinagkabit nila ang dalawang piraso para maging isa lamang. 
 36:19 Tinakpan nila ito ng pinulang balat ng tupa at pinatungan pa ng balat ng kambing. 
 36:20 Gumawa rin sila ng mga bastidor na akasya para sa tabernakulo. 
 36:21 Bawat bastidor ay labinlimang talampakan ang haba at dalawampu't pitong pulgada ang lapad. 
 36:22 Bawat bastidor ay may mitsa para sa pagdudugtong. 
 36:23 Dalawampung bastidor ang ginawa nila para sa gawing timog 
 36:24 at apatnapung patungang pilak na may suutan ng mitsa. 
 36:25 Dalawampu rin ang ginawa nilang bastidor sa gawing hilaga 
 36:26 at apatnapung patungang pilak din, dalawa sa bawat bastidor. 
 36:27 Para sa likod, sa gawing kanluran ay anim na bastidor 
 36:28 at dalawa naman para sa mga sulok. 
 36:29 Ang mga bastidor sa magkabilang sulok ay magkadikit mula ibaba hanggang itaas, sa may unang argolya. 
 36:30 Samakatwid, walo ang bastidor na nagamit sa likod at may tigalawang patungang pilak ang bawat isa. 
 36:31 Gumawa rin siya ng trabisanyong akasya, lima sa isang gilid, 
 36:32 lima sa kabila at lima rin sa likod. 
 36:33 Ang panggitnang trabisanyo ay abot sa magkabilang gilid ng tabernakulo. 
 36:34 Binalot nila ng ginto ang mga bastidor at kinabitan ng argolyang ginto na pagsusu- utan ng mga trabisanyong balot din ng ginto. 
 36:35 Gumawa rin sila ng kurtinang yari sa pinong lino at lanang asul, murado at pula; ito'y binurdahan nila ng larawan ng kerubin. 
 36:36 Gumawa sila ng apat na posteng akasya na kabitan ng tabing. Binalot nila ito ng ginto, kinabitan ng kawit na ginto rin at itinayo sa apat na tuntungang pilak. 
 36:37 Para sa pintuan, gumawa sila ng kurtinang yari sa pinong lino at lanang asul, murado at pula at binurdahan nang maganda. 
 36:38 Gumawa sila ng limang posteng pagsasabitan ng kurtina. Kinabitan nila iyon ng mga kawit, ang dulo'y binalot ng ginto, gayon din ang mga bara at itinayo sa limang tuntungang tanso. 
 37:1 ( Ang Kaban ng Tipan ) Yari sa akasya ang ginawa ni Bezalel na Kaban ng Tipan: apatnapu't limang pulgada ang haba, dalawampu't pito ang luwang at ganoon din ang taas. 
 37:2 Binalot niya ng ginto ang loob at labas, at nilistunan ng ginto ang labi. 
 37:3 Gumawa siya ng apat na argolyang ginto at ikinabit sa apat na paa ng kaban, tigalawa sa magkabila. 
 37:4 Gumawa rin siya ng pasanang akasya at binalot ng ginto. 
 37:5 Isinuot niya ang mga ito sa mga argolya sa magkabilang gilid upang gawing pasanan nito. 
 37:6 Ginawa rin niya ang Luklukan ng Awa. Ito'y dalisay na ginto, apatnapu't limang pulgada ang haba at dalawampu't pito naman ang luwang. 
 37:7 Ang magkabilang dulo nito ay iginawa niya ng dalawang kerubing yari sa lantay na ginto, 
 37:8 tig-isa sa magkabilang dulo. Ikinabit niya itong mabuti sa Luklukan ng Awa, kaya ito at ang mga kerubin ay parang iisang piraso. 
 37:9 Magkaharap ang mga kerubin at nakatungo sa Luklukan ng Awa. Nakabuka ang kanilang mga pakpak na parang nilulukuban ito. ( Ang Mesa ) 
 37:10 Gumawa rin ng mesang akasya si Bezalel; tatlumpu't anim na pulgada ang haba nito, labingwalo ang lapad at dalawampu't pito ang taas. 
 37:11 Binalot niya ito ng ginto at nilistunan din ng ginto ang paligid. 
 37:12 Nilagyan niya ito ng sinepang apat na pulgada ang lapad at pinaligiran din ng muldurang ginto. 
 37:13 Gumawa siya ng apat na argolyang ginto at ikinabit sa mga sulok sa may paa nito, 
 37:14 malapit sa sinepa. 
 37:15 Iginawa rin niya ang mesa ng mga pasanang akasyang binalot ng ginto. 
 37:16 Gumawa rin siya ng mga kagamitang ginto para sa mesa: mga plato, tasa, banga at mangkok para sa handog na inumin. ( Ang Ilawan ) 
 37:17 Gumawa siya ng ilawang ginto. Ang tagdan nito'y pinitpit na ginto, gayon din ang patungan. Ang mga palamuti nitong bulaklak, ang buko at mga talulot ay parang iisang piraso. 
 37:18 Anim ang sanga nito, tigatlo sa magkabila. 
 37:19 Bawat sanga ay may tatlong magagandang bulaklak na parang almendro, may tampok at may talulot. 
 37:20 Ang tagdan ay may tig-apat ding buko tulad ng nasa sanga. 
 37:21 May isang buko ng bulaklak sa ilalim ng bawat pares na sanga. 
 37:22 Ang mga buko, mga sanga at ang tagdan ng ilawan ay iisang piraso ng pinitpit na ginto. 
 37:23 Ang ilawan ay iginawa niya ng pitong ilaw na may kasamang pang-ipit ng mitsa at bandeha na pawang lantay na ginto. 
 37:24 Ang nagamit sa ilawan ay 100 librang ginto. ( Ang Paggawa sa Altar na Sunugan ng Kamanyang ) 
 37:25 Ang ginawa niyang altar na sunugan ng kamanyang ay akasya. Ito ay parisukat, labingwalong pulgada ang haba, ganoon din ang lapad at tatlong talampakan ang taas. Ang altar at ang mga sungay nito ay parang iisang piraso. 
 37:26 Ang ibabaw nito'y nilatagan ng dalisay na ginto; ang mga gilid at ang mga sungay ay binalot din ng ginto. Pagkatapos, nilagyan ng muldurang ginto ang paligid nito. 
 37:27 Gumawa siya ng dalawang argolyang ginto at ikinabit sa magkabilang gilid, sa ibaba ng liston para pagsuutan ng pasanan. 
 37:28 Gumawa pa rin siya ng pasanang akasya at ito'y binalot din ng ginto. ( Ang Langis na Pampahid at ang Kamanyang ) 
 37:29 Si Bezalel din ang naghalo ng langis na pantalaga at ng dalisay na kamanyang at ito'y parang ginawa ng talagang manggagawa ng pabango. 
 38:1 ( Ang Altar ) Akasya rin ang ginamit ni Bezalel sa paggawa ng altar na sunugan ng handog. Ito'y parisukat, pitong talampaka't kalahati ang haba, ganoon din ang luwang; apat na talampaka't kalahati naman ang taas. 
 38:2 Ang mga sulok nito'y nilagyan niya ng sungay na parang binuo mula sa altar, at binalot ng tanso. 
 38:3 Gumawa rin siya ng mga kagamitang tanso para sa altar: palayok, pala, palanggana, malaking tinidor at apuyan. 
 38:4 Gumawa siya ng sala-salang tanso at ikinabit sa ilalim ng baitang, sa kalahatian ng altar. 
 38:5 Gumawa siya ng apat na argolya at ikinabit sa apat na sulok ng sala-sala, para pagsuutan ng pasanan. 
 38:6 Akasya rin ang ginawa niyang pasanan. Binalot niya ito ng tanso 
 38:7 at isinuot sa mga argolya sa gilid ng altar. Tabla ang ginamit niya sa paggawa ng altar kaya't ito'y may guwang sa gitna. ( Ang Palangganang Tanso ) 
 38:8 Gumawa nga siya ng palangganang tanso, at tanso rin ang patungan. Ang ginamit niya rito ay ang salaming tanso ng mga babaing naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo. ( Ang Patyo ng Toldang Tipanan ) 
 38:9 Pagkatapos, ginawa niya ang patyo na pinaligiran niya ng mamahaling telang lino. Sa gawing timog ay limampung yarda ang haba ng tabing 
 38:10 at ito'y ikinabit niya sa dalawampung posteng tanso na itinayo sa dalawampung tuntungang tanso rin. Pilak naman ang mga kawit at baras na ginamit niya. 
 38:11 Gayon din ang ginawa niya sa gawing hilaga: limampung yarda ang mga tabing na ikinabit sa dalawampung posteng tanso na itinayo sa dalawampung tuntungang tanso; pilak din ang mga kawit at baras na ginamit dito. 
 38:12 Sa gawing kanluran naman, dalawampu't limang yarda ang haba ng tabing. Isinabit niya ito sa sampung posteng nakatindig sa sampung tuntungan, may kawit at baras na pilak. 
 38:13 Pitumpu't limang talampakan ang luwang ng harapan ng patyo, sa gawing silangan. 
 38:14 Sa isang gilid ng pintuan ay may tabing na pitong yarda't kalahati ang lapad at nakasabit sa tatlong posteng nakatindig sa tatlong tuntungan. 
 38:15 Ganoon din sa kabilang gilid. Kaya ang dalawang gilid ng pintuan ay may tig-isang kurtinang pitong yarda't kalahati ang lapad, tigatlong poste at tigatlong tuntungan ng poste. 
 38:16 Lahat ng tabing ng patyo ay mamahaling kayong lino. 
 38:17 Tanso ang tuntungan ng mga poste at pilak naman ang mga kawit ng poste, gayon din ang mga baras. 
 38:18 Ang tabing ng pintuan ay mamahaling lino at lanang asul, murado at pula. Magandang-maganda ang burda nito. Ang lapad nito'y sampung yarda, dalawa't kalahati naman ang taas, tulad ng tabing sa patyo. 
 38:19 Ito'y nakasabit sa apat na posteng nakatindig sa apat na tuntungang tanso. Ang mga kawit nito at gabilya ay pawang pilak. 
 38:20 Tanso naman ang mga tulos na ginamit sa Toldang Tipanan at sa tabing ng patyo. ( Ang Metal na Ginamit sa Tabernakulo ) 
 38:21 Ito ang listahan ng mga metal na nagamit sa tabernakulo na pinaglagyan sa Kaban ng Tipan. Ang listahang ito'y ipinagawa ni Moises sa mga Levita sa pangunguna ni Itamar na anak ni Aaron. 
 38:22 Lahat ng iniutos ni Yahweh kay Moises ay ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, buhat sa lipi ni Juda. 
 38:23 Ang pangunahin niyang katulong na si Aholiab ay anak ni Ahisamac at buhat naman sa lipi ni Dan. Siya ay mahusay mag-ukit, isang dibuhista at manghahabi ng pinong lino at lanang asul, murado at pula. 
 38:24 Lahat ng gintong nagamit sa santwaryo ay umabot sa 2,195 libra, ayon sa timbangan sa templo. Ang lahat ng ito'y handog kay Yahweh. 
 38:25 Ang pilak namang ibinigay ng mga napabilang sa senso ay umabot sa 7,550 libra, ayon din sa timbangan sa templo. 
 38:26 Ito ang kabuuan ng lahat ng ibinayad ng mga napabilang sa senso, na umabot naman sa 603,550, mula sa dalawampung taon pataas. Bawat isa'y nagbigay ng kaukulang halaga ayon sa timbangan sa templo. 
 38:27 Ang pilak na nagamit sa mga tuntungan ng santwaryo at tabing ng patyo ay 7,500 libra: 100 tuntungan na tig-75 libra. 
 38:28 Ang pitumpung libra ay ginamit sa mga kawit ng poste, sa mga dulo nito at sa mga baras. 
 38:29 Ang tansong inihandog kay Yahweh ay umabot naman sa 5,310 libra. 
 38:30 Ito ay ginamit sa mga tuntungan sa pintuan, sa altar at sa sala-salang tanso gayon din sa lahat ng gamit sa altar, 
 38:31 sa tuntungan sa paligid ng patyo, at tuntungan ng hamba ng pinto, at sa lahat ng tulos na ginamit sa paligid ng tabernakulo. 
 39:1 ( Ang Kasuutan ng mga Saserdote ) Ginawa nila ang kasuutan ni Aaron ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises. Lanang asul, murado at pula ang ginamit nila sa kasuutan ng mga saserdote. 
 39:2 Mainam na lino, lanang asul, murado at pula ang ginamit nila sa efod. 
 39:3 Ang ginto ay pinitpit nila nang manipis at ginupit nang pino, parang sinulid at inihalo sa paghabi sa lanang asul, murado at pula at sa mainam na lino. 
 39:4 Ang efod ay kinabitan nila ng malapad na tirante na siyang nagdudugtong sa likod at harap. 
 39:5 Kinabitan din nila ito ng isang magandang sinturong kamukha ng efod na yari rin sa mainam na lino, at lanang asul, murado at pula at binurdahan din ng mga hibla ng ginto. 
 39:6 Tumabas sila ng mga batong kornalina. Iniayos nila ito sa enggasteng ginto at iniukit dito ang pangalan ng mga anak ni Israel. Nang mayari, para itong isang magandang pantatak. 
 39:7 Ang mga bato'y ikinabit nila sa tirante ng efod upang maalaala ang mga anak ni Israel. Ginawa rin nila ito ayon sa utos ni Yahweh. 
 39:8 Gumawa rin sila ng pektoral. Magandang-maganda ang burda nito, tulad ng efod, at yari din sa mainam na lino, at lanang asul, murado at pula at may suksok na ginto. 
 39:9 Ito'y magkataklob at parisukat: siyam na pulgada ang haba, ganoon din ang lapad. 
 39:10 Kinabitan nila ito ng apat na hilera ng mamahaling bato: Sa unang hanay ay rubi, topasyo at karbungko. 
 39:11 Sa ikalawa naman ay esmeralda, sapiro at brilyante; 
 39:12 sa pangatlo'y jacinto, agata at ametista. 
 39:13 At sa pang-apat ay berilo, kornalina at jaspe. Lahat ng ito ay nakalagay sa enggasteng ginto. 
 39:14 Labindalawang lahat ang batong ginamit; sa bawat isa'y nakaukit nang maganda ang pangalan ng bawat anak ni Israel. 
 39:15 Naglubid sila ng pinitpit na ginto at ito ang ginawang panali sa pektoral. 
 39:16 Gumawa rin sila ng dalawang enggaste at dalawang singsing na ginto na ikinabit nila sa dalawang sulok ng pektoral, sa gawing itaas. 
 39:17 Itinali nila sa singsing ang tig-isang dulo ng mga nilubid na ginto. 
 39:18 Ang kabilang dulo naman ay itinali nila sa dalawang enggaste sa tirante ng efod. 
 39:19 Gumawa rin sila ng dalawang singsing at ikinabit sa dalawang sulok sa gawing ibaba ng pektoral. 
 39:20 Gumawa rin sila ng dalawang singsing na ginto at ikinabit sa ibaba ng tirante, sa may tahi, sa itaas ng pamigkis ng efod. 
 39:21 Ang singsing ng pektoral at ng efod ay pinagkabit nila ng kordong asul para hindi magkahiwalay. Ito'y ginawa nila ayon sa utos ni Yahweh. 
 39:22 Gumawa sila ng maluwang na barong kasuson ng efod. Ito'y yari sa lanang asul, 
 39:23 at may suutan ng leeg; ang butas ay may tutop para hindi matastas. 
 39:24 Ang laylayan nito'y nilagyan nila ng mga palawit na tila maliliit na bunga ng granada; ang mga ito'y yari sa pinong lino, at lanang asul, murado at pula. 
 39:25 Gumawa rin sila ng mga kampanilyang ginto at ikinabit sa laylayan, sa pagitan ng mga palawit. 
 39:26 Kaya ang laylayan ay may isang hilera ng mga palawit na mukhang granada at mga kampanilyang ginto. Ito'y ginawa nila ayon sa utos ni Yahweh. 
 39:27 Gumawa rin sila ng abito para kay Aaron at sa kanyang mga anak. Ang mga ito'y yari sa pinong lino, 
 39:28 ganoon din ang turbante, ang mga gora at ang mga korto. 
 39:29 Ang pamigkis naman ay yari sa pinong lino, lanang asul, murado at pula at binurdahan nang maganda ayon sa utos ni Yahweh. 
 39:30 "Ang turbante'y iginawa nila ng palamuting ginto at may nakaukit na ganitong mga salita: 'Nakatalaga kay Yahweh.'" 
 39:31 Ito'y itinali nila sa turbante sa pamamagitan ng kordong asul, tulad ng utos ni Yahweh. ( Ang Kayarian ) 
 39:32 Natapos nilang gawin ang Toldang Tipanan ayon sa iniutos ni Yahweh; gayon din ang lahat ng kagamitan doon. 
 39:33 Ipinakita nila kay Moises ang lahat: ang tabernakulo, ang tolda at lahat ng gamit dito, ang mga kawit, ang mga bastidor, trabisanyo, tukod at mga tuntungan nito; 
 39:34 ang mga pang-atip na pinulang balat ng tupa, balat ng kambing at ang mga tabing; 
 39:35 ang Kaban ng Tipan, ang mga pasanan nito at ang Luklukan ng Habag. 
 39:36 Ipinakita rin nila ang mesa at ang mga kagamitan nito, ang tinapay na panghandog sa Diyos, 
 39:37 ang ilawang ginto, ang mga ilaw at ang iba pang kagamitan nito, at ang langis para sa mga ilaw; 
 39:38 ang altar na ginto, ang langis na pantalaga, ang kamanyang at ang tabing para sa pintuan ng tolda. 
 39:39 Ipinakita rin nila ang altar na tanso, kasama ang sala-salang tanso, ang mga pasanan at lahat ng kagamitan ng altar, ang palangganang tanso at ang patungan nito; 
 39:40 ang mga tabing para sa patyo, ang mga tukod at ang mga tuntungan nito, ang tabing sa pagpasok sa patyo, ang mga tali, ang mga tulos para sa tolda at lahat ng kagamitan sa paglilingkod sa loob ng Toldang Tipanan. 
 39:41 Ipinakita rin nila ang sagradong kasuutan ng mga saserdote; ang sagradong kasuutan ng saserdoteng si Aaron, at ang kasuutan ng kanyang mga anak na maglilingkod bilang mga saserdote. 
 39:42 Lahat ng ito'y ginawa ng mga Israelita ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises. 
 39:43 Ang mga ito'y isa-isang tiningnan ni Moises, at binasbasan nang matiyak na nayari ayon sa iniutos ni Yahweh. 
 40:1 ( Ang Pagtatayo at ang Pagtatalaga sa Toldang Tipanan ) Sinabi ni Yahweh kay Moises, 
 40:2 '"Sa unang araw ng unang buwan, itayo mo ang Toldang Tipanan." 
 40:3 Ilagay mo sa loob nito ang Kaban ng Tipan, at tabingan mo. 
 40:4 Ipasok mo ang mesa at ipatong mo roon ang kagamitan niyon. Ipasok mo rin ang ilawan at iayos ang mga ilaw. 
 40:5 Ang altar na gintong sunugan ng kamanyang ay ilagay mo sa tapat ng Kaban ng Tipan at kabitan mo ng tabing ang pintuan nito. 
 40:6 Ang altar namang sunugan ng mga handog ay ilagay mo sa harap ng Toldang Tipanan. 
 40:7 Ilagay mo naman sa pagitan ng altar at ng tolda ang palanggana, at lagyan mo ng tubig. 
 40:8 Pagkatapos, paligiran mo ng tabing ang patyo at ikabit ang tabing ng pintuan nito. 
 40:9 '"Pagkatapos, kunin mo ang langis na pantalaga at wisikan mo ang buong tolda at ang lahat ng kagamitan doon. Italaga mo iyon at ang lahat ng kagamitan doon upang maging sagrado." 
 40:10 Isunod mong italaga ang altar na sunugan ng mga handog at ang mga kasangkapan nito upang maging ganap na sagrado. 
 40:11 Pahiran mo ng langis ang palanggana at ang patungan nito upang maging sagrado rin. 
 40:12 '"Si Aaron at ang kanyang mga anak ay dalhin mo sa pintuan ng tabernakulo at paliguan mo roon." 
 40:13 Pagkatapos, isuot mo kay Aaron ang sagradong kasuutan at pahiran mo siya ng langis. Sa ganitong paraan mo siya itatalaga bilang saserdote ko. 
 40:14 Palapitin mo rin ang kanyang mga anak. Bihisan mo 
 40:15 "at pahiran ng langis tulad ng ginawa mo sa kanilang ama upang makapaglingkod sila sa akin bilang mga saserdote. Dahil sa pagkapahid mo sa kanila ng langis, mananatili silang mga saserdote habang buhay.' " 
 40:16 Ginawa ni Moises ang lahat ayon sa utos ni Yahweh. 
 40:17 Kaya, ang tabernakulo'y itinayo nila noong unang araw ng unang buwan ng ikalawang taon mula nang umalis sila sa Egipto. 
 40:18 Si Moises ang nagtayo ng tabernakulo. Inilagay niya ang mga tuntungan nito, itinayo ang mga bastidor, isinuot sa mga argolya ang mga trabisanyo at itinayo ang mga poste. 
 40:19 Nilatagan niya ng lona ang ibabaw nito at inatipan, tulad ng utos ni Yahweh. 
 40:20 Isinilid niya sa Kaban ang mga tapyas na batong kinasusulatan ng mga utos. Isinuot sa mga argolya ng Kaban ang mga pasanan at ipinatong ang Luklukan ng Awa. 
 40:21 Ipinasok niya sa tolda ang Kaban ng Tipan at tinabingan, ayon sa utos ni Yahweh. 
 40:22 Ang mesa ay inilagay niya sa loob ng tolda, sa gawing hilaga, sa labas ng tabing. 
 40:23 Tulad ng utos ni Yahweh, ipinatong niya sa mesa ang tinapay na panghandog. 
 40:24 Inilagay niya ang ilawan sa gawing timog, sa tapat ng mesa at 
 40:25 iniayos ang mga ilaw, tulad ng utos ni Yahweh. 
 40:26 Inilagay niya sa loob ng tabernakulo ang altar na ginto, sa harap ng tabing. 
 40:27 Dito niya sinunog ang kamanyang, tulad ng utos sa kanya ni Yahweh. 
 40:28 Ikinabit niya ang tabing sa pintuan ng tolda. 
 40:29 Ang altar na sunugan ng mga handog ay inilagay niya sa harap ng pintuan ng tabernakulo at dito niya inialay ang mga handog na susunugin at mga handog na pagkain, tulad ng utos ni Yahweh. 
 40:30 Inilagay niya ang palanggana sa pagitan ng Toldang Tipanan at ng altar at nilagyan ng tubig. 
 40:31 Doon naghuhugas ng paa't kamay sina Moises, Aaron at ang kanyang mga anak. 
 40:32 Tuwing papasok sila sa Toldang Tipanan o paglapit sa altar, naghuhugas sila tulad ng utos ni Yahweh kay Moises. 
 40:33 Pinaligiran niya ng tabing ang tolda at ang altar; tinabingan din niya ang pintuan ng patyo. Ginawa ni Moises ang lahat ng dapat gawin. ( Ang Ulap at ang Tabernakulo ) 
 40:34 Nang mayari ang tabernakulo, nabalot ito ng ulap at napuspos ng kaningningan ni Yahweh. 
 40:35 Hindi makapasok si Moises pagkat nanatili sa loob ang ulap at napuspos nga ito ng kaluwalhatian ni Yahweh. 
 40:36 Sa paglalakbay ng mga Israelita, nagpapatuloy lamang sila tuwing tataas ang ulap mula sa tabernakulo. 
 40:37 Kapag hindi tumaas ang ulap, hindi sila nagpapatuloy; hanggang hindi tumataas ang ulap, hindi sila lumalakad. 
 40:38 Kung araw, ang ulap ng kapangyarihan ni Yahweh ay nasa tapat ng tabernakulo; kung gabi nama'y ang haliging apoy. Ito'y nasa isang lugar na kitang-kita ng mga Israelita at siya nilang tanglaw sa kanilang paglalakbay. 

다음검색
현재 게시글 추가 기능 열기

댓글

댓글 리스트
맨위로

카페 검색

카페 검색어 입력폼