CAFE

Tagalog 성경

40. Mateo (마태복음)

작성자드림|작성시간12.01.17|조회수3,172 목록 댓글 1

40. Mateo

 

 1:1 ( Talaan ng mga Angkang Pinagmulan ni Jesu-Cristo )[ (Lu. 3:23-38) ] Ito ang lahi ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.
 1:2 Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid.
 1:3 Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram.
 1:4 Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon.
 1:5 Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse
 1:6 na ama ni Haring David. Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias.
 1:7 Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa.
 1:8 Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias.
 1:9 Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias.
 1:10 Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias.
 1:11 Si Josias ang ama ni Jeconias at ng kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.
 1:12 Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Salatiel na ama ni Zorobabel.
 1:13 Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor.
 1:14 Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud.
 1:15 Si Eliud ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob.
 1:16 At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Jesus na tinatawag na Cristo.
 1:17 Samakatwid, labing-apat ang salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia, at labing-apat din mula sa pagkakatapon sa Babilonia hanggang kay Cristo. ( Ang Pagkapanganak kay Jesu-Cristo )[ (Lu. 2:1-7) ]
 1:18 Ganito ang pagkapanganak kay Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria'y natagpuang nagdadalang-tao. (Ito'y sa pamamagitan ng Espiritu Santo.)
 1:19 Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan{ a} ito nang lihim.
 1:20 "Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, 'Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya'y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo."
 1:21 "Manganganak siya ng isang lalaki at ito'y panganganlan mong Jesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.' "
 1:22 Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:
 1:23 '"Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki,  At tatawagin itong Emmanuel' (ang kahuluga'y 'Kasama natin ang Diyos'). "
 1:24 Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria.
 1:25 Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinanganlan nga niyang Jesus.
 2:1 ( Ang Pagdalaw ng mga Pantas ) Si Jesus ay ipinanganak sa Betlehem ng Judea noong kapanahunan ni Haring Herodes. Dumating naman sa Jerusalem ang ilang Pantas mula sa Silangan
 2:2 "at nagtanung-tanong doon: 'Nasaan ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin sa Silangan ang kanyang tala at naparito kami upang sambahin siya.' "
 2:3 Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayon din ang buong Jerusalem.
 2:4 Kaya't tinipon niya ang lahat ng punong saserdote at mga eskriba sa Israel at itinanong sa kanila kung saan ipanganganak ang Mesias.
 2:5 '"Sa Betlehem po ng Judea,' tugon nila. 'Ganito ang sinulat ng propeta: "
 2:6 "'At ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda,  Ay hindi nga huli sa mga pangunahing bayan ng Juda.  Sapagkat sa iyo lilitaw ang isang pinuno  Na mamamahala sa aking bayang Israel.'' "
 2:7 Nang mabatid ito, lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga Pantas at itinanong kung kailan lumitaw ang tala.
 2:8 "At pinalakad niya sila patungong Betlehem matapos pagbilinan ng ganito: 'Humayo kayo at inyong hanaping mabuti ang sanggol. Kapag inyong natagpuan, ibalita agad ninyo sa akin upang ako ma'y makasamba sa kanya.'"
 2:9 At lumakad na nga ang mga Pantas. Muli silang pinangunahan ng talang nakita nila sa Silangan hanggang sa sumapit ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata.
 2:10 Gayon na lamang ang galak ng mga Pantas nang makita ang tala!
 2:11 Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ng kanyang inang si Maria. Lumapit sila at nagpatirapa at sinamba ang bata. Binuksan nila ang kanilang mga sisidlan at inihandog sa kanya ang dala nilang ginto, kamanyang at mira.
 2:12 Nang sila'y pabalik na, sinabi sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes. Kaya, nag-iba na sila ng daan pauwi. ( Ang Pagtakas Patungo sa Egipto )
 2:13 "Pagkaalis nila, napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, 'Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.'"
 2:14 Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyo'y dinala sa Egipto ang mag-ina.
 2:15 "Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, 'Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.' ( Ipinapatay ang Maliliit na Batang Lalaki )"
 2:16 Galit na galit si Herodes nang malamang siya'y napaglalangan ng mga Pantas. Kaya't ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga palibot na pook---lahat ng may gulang na dalawang taon pababa, alinsunod sa panahon ng paglitaw ng tala na natiyak niya sa mga Pantas.
 2:17 Sa gayo'y natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias:
 2:18 '"Narinig sa Rama ang malakas na panaghoy.  Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak.  Hindi siya maaliw sa tindi ng kalungkutan  Dahil sa pagkamatay nila.' ( Pagbabalik Mula sa Egipto )"
 2:19 Pagkamatay ni Herodes, isang anghel ng Panginoon ang napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto.
 2:20 '"Magbangon ka,' sabi sa kanya, 'iuwi mo na sa Israel ang mag-ina, sapagkat patay na ang nagtangka sa buhay ng bata.'"
 2:21 Nagbangon siya at iniuwi nga sa Israel ang mag-ina.
 2:22 Ngunit nang mabalitaan niyang si Arquelao ang naghahari sa Judea, kahalili ng kanyang amang si Herodes, siya'y natakot na pumunta roon. Muli siyang sinabihan sa panaginip, kaya't nagtungo siya sa Galilea.
 2:23 "Sa Nazaret sila nanirahan upang matupad ang sinabi ng mga propeta, 'Siya'y tatawaging Nazareno.'"
 3:1 ( Ang Pangangaral ni Juan Bautista )[ (Mc. 1:1-8; Lu. 3:1-18; Jn. 1:19-28) ] Nang panahong iyon, si Juan Bautista'y dumating sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral.
 3:2 "Sinabi niya, 'Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos!'"
 3:3 "Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin nito,  'Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang:  'Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,  Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!'' "
 3:4 Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan, at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai'y balang at pulot-pukyutan.
 3:5 At pumunta sa kanya ang mga taga-Jerusalem, taga-Judea, at mga naninirahan sa magkabilang panig ng Jordan.
 3:6 Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.
 3:7 "Ngunit nang makita niyang marami sa mga Pariseo at mga Saduseo ang lumalapit upang pabautismo, sinabi niya sa kanila, 'Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa parusang darating?"
 3:8 Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na kayo'y nagsisisi.
 3:9 At huwag ninyong ipangahas na kayo'y anak ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo: Ang Diyos ay makalilikha ng mga tunay na anak ni Abraham mula sa mga batong ito.
 3:10 Ngayon pa'y nakaamba na ang palakol sa ugat ng punongkahoy; ang bawat punongkahoy na hindi mabuti ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy.
 3:11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng pagsisisi ninyo't pagtalikod sa inyong mga kasalanan; ngunit ang dumarating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya'y makapangyarihan kaysa akin, hindi ako karapat-dapat kahit tagadala ng kanyang panyapak.
 3:12 "Hawak niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo, ngunit ang ipa'y susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.' ( Binautismuhan si Jesus )[ (Mc. 1:9-11; Lu. 3:21-22) ]"
 3:13 Si Jesus ay dumating naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabautismo.
 3:14 "Sinansala siya ni Juan na ang wika, 'Ako po ang kailangang bautismuhan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin!'"
 3:15 "Ngunit tinugon siya ni Jesus, 'Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.' At pumayag si Juan."
 3:16 Nang mabautismuhan si Jesus, umahon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati.
 3:17 "At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, 'Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!'"
 4:1 ( Ang Pagtukso kay Jesus )[ (Mc. 1:12-13; Lu. 4:1-13) ] Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.
 4:2 Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Jesus, at siya'y nagutom.
 4:3 "Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, 'Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mong tinapay ang mga batong ito.'"
 4:4 "Ngunit sumagot si Jesus, 'Nasusulat,  'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao,  Kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.'' "
 4:5 Pagkatapos nito'y dinala siya ng diyablo sa taluktok ng templo sa Banal na Lunsod.
 4:6 '"Kung ikaw ang Anak ng Diyos,' sabi sa kanya, 'magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,  'Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka,' at  'Aalalayan ka nila,  Upang hindi ka matisod sa bato.'' "
 4:7 "Sumagot si Jesus, 'Nasusulat din naman, 'Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.'' "
 4:8 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Mula roo'y ipinatanaw sa kanya ang lahat ng kaharian ng sanlibutan at ang kayamanan ng mga ito.
 4:9 "At sinabi ng diyablo, 'Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito, kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.'"
 4:10 "Sumagot si Jesus, 'Lumayas ka, Satanas! Sapagkat nasusulat,  'Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo;  Siya lamang ang iyong paglilingkuran.'' "
 4:11 At iniwan siya ng diyablo. Dumating ang mga anghel at naglingkod sa kanya. ( Sinimulan ni Jesus ang Kanyang Gawain sa Galilea )[ (Mc. 1:14-15; Lu. 4:14-15) ]
 4:12 Nabalitaan ni Jesus na ibinilanggo si Juan, kaya't bumalik siya sa Galilea.
 4:13 Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan kundi sa Capernaum. Ang bayang ito'y nasa baybayin ng Lawa ng Galilea, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali.
 4:14 Sa gayo'y natupad ang sinabi ni Propeta Isaias:
 4:15 '"Ang lupain ng Zabulon at lupain ng Neftali--- Daanan sa gawing dagat sa ibayo ng Jordan,  Galilea ng mga Hentil! "
 4:16 "Itong bayang nag-apuhap sa gitna ng kadiliman  Sa wakas ay nakakita ng maningning niyang ilaw!  Liwanag na taglay nito'y siya ngayong tumatanglaw  Sa lahat ng nalugami sa lilim ng kamatayan!' "
 4:17 "Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Ang sabi niya, 'Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos.' ( Pagtawag sa Apat na Mangingisda )[ (Mc. 1:16-20; Lu. 5:1-11) ]"
 4:18 Sa paglalakad ni Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag na Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sila'y naghahagis ng lambat.
 4:19 "Sinabi niya sa kanila, 'Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.'"
 4:20 Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus.
 4:21 Nagpatuloy siya ng paglakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa bangka, kasama ng kanilang ama, at naghahayuma ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus.
 4:22 Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus. ( Nangaral at Nagpagaling si Jesus )[ (Lu. 6:17-19) ]
 4:23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo sa mga sinagoga at ipinangangaral ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang mga tao sa kanilang mga sakit at karamdaman.
 4:24 Siya'y nabantog sa buong Siria kaya't dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga pinahihirapan ng iba't ibang karamdaman: mga inaalihan ng mga demonyo, mga himatayin, mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling.
 4:25 At sinundan siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, Decapolis, Jerusalem, Judea, at maging sa ibayo ng Jordan.
 5:1 ( Sermon sa Bundok ) Nang makita ni Jesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya'y lumapit ang kanyang mga alagad,
 5:2 at sila'y tinuruan niya ng ganito: ( Ang Mapalad )[ (Lu. 6:20-23) ]
 5:3 '"Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos,  sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. "
 5:4 '"Mapalad ang mga nahahapis,  sapagkat aaliwin sila ng Diyos. "
 5:5 '"Mapalad ang mga mapagpakumbaba,  sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.{ a} "
 5:6 '"Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos,  sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.{ b} "
 5:7 '"Mapalad ang mga mahabagin,  sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. "
 5:8 '"Mapalad ang mga may malinis na puso,  sapagkat makikita nila ang Diyos. "
 5:9 '"Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo,  sapagkat sila'y ituturing ng Diyos na mga anak niya. "
 5:10 '"Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,  sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. "
 5:11 '"Mapalad kayo kapag dahil sa aki'y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan."
 5:12 "Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayon din ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.' ( Asin at Ilaw )[ (Mc. 9:50; Lu. 14:34-35) ]"
 5:13 '"Kayo'y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan, kaya't itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao. "
 5:14 '"Kayo'y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol."
 5:15 Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.
 5:16 "Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.' ( Ang Turo Tungkol sa Kautusan )"
 5:17 '"Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon."
 5:18 Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi nagaganap ang lahat.
 5:19 Kaya't sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.
 5:20 "Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.' ( Ang Turo Tungkol sa Pagkagalit )"
 5:21 '"Narinig ninyo na noong una'y iniutos sa mga tao, 'Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.'"
 5:22 Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; ang humamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid 'Ulol ka!' ay mapapasaapoy ng impiyerno.
 5:23 Kaya't kung naghahandog ka sa Diyos, at maalaala mo na may sama ng loob sa iyo ang kapatid mo,
 5:24 iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyos.
 5:25 '"Kung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya habang may panahon, bago ka niya iharap sa hukom. At kung hindi'y ibibigay ka niya sa hukom, na magbibigay naman sa iyo sa tanod, at ikaw ay mabibilanggo."
 5:26 "Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahulihulihang kusing.' ( Ang Turo Tungkol sa Pakikiapid )"
 5:27 '"Narinig ninyo na noong una'y iniutos sa mga tao, 'Huwag kang makikiapid.'"
 5:28 Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: ang sinumang tumingin nang may mahalay na pagnanasa sa isang babae, sa isip niya'y nakiapid na siya sa babaing iyon.
 5:29 Kung ang mata mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo at itapon! Sapagkat mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng katawan kaysa buo ang iyong katawang itapon sa impiyerno.
 5:30 "Kung ang iyong kamay ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng katawan kaysa buo ang iyong katawang itapon sa impiyerno.' ( Ang Turo Tungkol sa Diborsiyo )[ (Mt. 19:9; Mc. 10:11-12; Lu. 16:18) ]"
 5:31 '"Sinabi rin naman, 'Kapag pinahiwalay ng lalaki ang kanyang asawa, ito'y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.'"
 5:32 "Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: kapag pinahiwalay ng isang lalaki ang kanyang asawa nang hindi naman ito nangangalunya, at ito'y nag-asawang muli, ang lalaking iyo'y nagkasala---itinulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya. At sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya.' ( Ang Turo Tungkol sa Panunumpa )"
 5:33 '"Narinig pa ninyo na noong una'y iniutos sa mga tao, 'Huwag kang sisira sa iyong pinanumpaang pangako bagkus ay tupdin mo ang iyong sinumpaan sa Panginoon.'"
 5:34 Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong sumumpa kung nangangako kayo. Huwag ninyong sabihing, 'Saksi ko ang langit,' sapagkat ito'y trono ng Diyos;
 5:35 o kaya'y 'Saksi ko ang lupa,' sapagkat ito'y tuntungan ng kanyang mga paa. Huwag din ninyong sabihing, 'Saksi ko ang Jerusalem,' sapagkat ito'y lunsod ng dakilang Hari.
 5:36 Ni huwag mong sabihing, 'Mamatay man ako,'{ c} sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo'y hindi mo mapapuputi o mapaiitim.
 5:37 "Sabihin mo na lang na 'Oo' kung oo at 'Hindi' kung hindi; sapagkat buhat na sa Masama ang anumang sumpang idaragdag dito.' ( Ang Turo Tungkol sa Pagpaparaya )[ (Lu. 6:29-30) ]"
 5:38 '"Narinig ninyo na sinabi, 'Mata sa mata at ngipin sa ngipin.'"
 5:39 Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila.
 5:40 Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal.
 5:41 Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro.
 5:42 "Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.' ( Ibigin ang Kaaway )[ (Lu. 6:27-28, 32-36) ]"
 5:43 '"Narinig na ninyong sinabi, 'Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.'"
 5:44 Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,
 5:45 upang kayo'y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.
 5:46 Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba't ginagawa rin ito ng mga publikano?
 5:47 At kung ang binabati lamang ninyo'y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil!
 5:48 "Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit.'"
 6:1 ( Ang Turo Tungkol sa Paglilimos ) '"Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit. "
 6:2 '"Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito,{ a} katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala."
 6:3 Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan{ b}
 6:4 "upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.' ( Ang Turo Tungkol sa Pananalangin )[ (Lu. 11:2-4) ]"
 6:5 '"At kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala."
 6:6 Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.
 6:7 '"Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng napakaraming salita, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita."
 6:8 Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng inyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya.
 6:9 Ganito kayo mananalangin:  'Ama naming nasa langit,  Sambahin nawa ang pangalan mo.
 6:10 Ikaw nawa ang maghari sa amin,  Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
 6:11 Bigyan mo kami ng pagkaing kai- langan namin sa araw na ito;
 6:12 At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,  Tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.
 6:13 At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,  Kundi ilayo mo kami sa Masama!  [Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan, magpakailanman! Amen.]'
 6:14 Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit.
 6:15 "Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.' ( Ang Turo Tungkol sa Pag-aayuno )"
 6:16 '"Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala."
 6:17 Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos
 6:18 "upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya, na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.' ( Ang Kayamanan sa Langit )[ (Lu. 12:33-34) ]"
 6:19 '"Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang tanga at kalawang, at may nakapapasok na magnanakaw."
 6:20 Sa halip, impukin ninyo ay mga kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang tanga at kalawang, at walang nakapapasok na magnanakaw.
 6:21 "Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso.' ( Ang Ilaw ng Katawan )[ (Lu. 11:34-36) ]"
 6:22 '"Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya't kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan."
 6:23 "Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya't kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!' ( Diyos o Kayamanan )[ (Lu. 16:13; 12:22-31) ]"
 6:24 '"Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan. "
 6:25 '"Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain [at inumin] na kailangan ninyo upang mabuhay, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit?"
 6:26 Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya'y nagtitipon sa bangan. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?
 6:27 Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay{ c} nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
 6:28 '"At bakit kayo nababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man."
 6:29 Ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya.
 6:30 Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya!
 6:31 Kaya't huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakanin, iinumin, o daramtin.
 6:32 Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.
 6:33 Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo.
 6:34 "Kaya, huwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas; saka na ninyo harapin kapag ito'y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin.'"
 7:1 ( Ang Paghatol sa Kapwa )[ (Lu. 6:37-38, 41-42) ] '"Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa, upang hindi kayo hatulan ng Diyos."
 7:2 Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa hatol na inihahatol ninyo sa iba. Ang panukat ninyo sa iba ay siya ring ipanunukat sa inyo.
 7:3 Bakit mo nakikita ang puwing sa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang puwing mong gatahilan sa iyong mata?
 7:4 Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Halika't aalisin ko ang puwing mo,' gayong gatahilan ang nasa mata mo?
 7:5 Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang puwing na gatahilan at sa gayo'y makakikita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.
 7:6 '"Huwag ninyong ibigay sa aso ang bagay na banal, sapagkat kayo'y babalingan at lalapain nila pagkatapos. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon.' ( Humingi, Humanap, Kumatok )[ (Lu. 11:9-13) ]"
 7:7 '"Humingi kayo, at kayo'y bibigyan; humanap kayo, at kayo'y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto'y bubuksan para sa inyo."
 7:8 Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi, nakasusumpong ang bawat humahanap, at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok.
 7:9 Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kung humihingi ng tinapay?
 7:10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kung humihingi ng isda?
 7:11 Kung kayo na masasama, ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya!
 7:12 '"Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta.' ( Ang Makipot na Pintuan )[ (Lu. 13:24) ]"
 7:13 '"Pumasok kayo sa makipot na pintuan; sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami."
 7:14 "Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti lang ang nakasusumpong niyon.' ( Sa Gawa Makikilala )[ (Lu. 6:43-44) ]"
 7:15 '"Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo'y tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat."
 7:16 Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma?{ a}
 7:17 Nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy.
 7:18 Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy.
 7:19 Ang bawat puno na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy.
 7:20 "Kaya nga, makikilala ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta.' ( Kailanma'y Hindi Ko Kayo Nakilala )[ (Lu. 13:25-27) ]"
 7:21 '"Hindi lahat ng tumatawag sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit."
 7:22 Pagdating ng huling Araw, marami ang magsasabi sa akin, 'Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!'
 7:23 "At sasabihin ko sa kanila, 'Kailanma'y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama!'' ( Dalawang Uri ng Taong Nagtayo ng Bahay )[ (Lu. 6:47-49) ]"
 7:24 '"Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato."
 7:25 Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato.
 7:26 Ang bawat nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan.
 7:27 "Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak.' ( Ang Kapangyarihan ni Jesus )"
 7:28 Nang masabi na ni Jesus ang mga pananalitang ito, ang mga tao'y namangha.
 7:29 Sapagkat nagturo siya na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.
 8:1 ( Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin )[ (Mc. 1:40-45; Lu. 5:12-16) ] Nang makababa si Jesus mula sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao.
 8:2 "Lumapit sa kanya ang isang ketongin at lumuhod sa harapan niya. 'Ginoo,' ang wika niya, 'kung ibig po ninyo, ako'y inyong mapagagaling.'"
 8:3 "Hinipo siya ni Jesus at sinabi, 'Ibig ko, gumaling ka.' At pagdaka'y nawala ang kanyang ketong."
 8:4 '"Huwag mo itong sasabihin kaninuman,' bilin ni Jesus. 'Pumunta ka't pasuri sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na.' ( Ang Pagpapagaling sa Alipin ng Kapitan )[ (Lu. 7:1-10) ]"
 8:5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitang Romano at nakiusap sa kanya:
 8:6 '"Ginoo, ang alipin ko po'y naparalisis. Siya'y nararatay sa amin at lubhang nahihirapan.'"
 8:7 '"Paroroon ako at pagagalingin siya,' sabi ni Jesus."
 8:8 "Ngunit sumagot sa kanya ang kapitan, 'Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin."
 8:9 "Ako'y nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at ako man ay may nasasakupang mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, 'Humayo ka!' siya'y humahayo; at sa iba, 'Halika!' siya'y lumalapit; at sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' at ginagawa niya.'"
 8:10 "Namangha si Jesus nang marinig ito, at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, 'Sinasabi ko sa inyo, na hindi ako nakatagpo kahit sa Israel ng ganito kalaking pananalig."
 8:11 Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.
 8:12 "Ngunit marami sa lipi ng Israel{ a} ang itatapon sa kadiliman sa labas; doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin.'"
 8:13 "At sinabi ni Jesus sa kapitan, 'Umuwi na kayo; mangyayari ang hinihiling ninyo ayon sa inyong pananalig.' Noon di'y gumaling ang alipin ng kapitan. ( Maraming Pinagaling si Jesus )[ (Mc. 1:29-34; Lu. 4:38-41) ]"
 8:14 Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at doo'y nakita niya ang biyenan nito, nakahiga at inaapoy ng lagnat.
 8:15 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at nawala ang lagnat nito. Pagkatapos, bumangon ito at naglingkod sa kanya.
 8:16 Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming inaalihan ng mga demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu, at pinagaling ang lahat ng may karamdaman.
 8:17 "Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias,  'Kinuha niya ang ating mga kahinaan  At binata ang ating mga karamdaman.' ( Pagsunod kay Jesus )[ (Lu. 9:57-62) ]"
 8:18 Nang makita ni Jesus ang makapal na tao sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga kasama na maghandang tumawid sa ibayo.
 8:19 "Nilapitan siya ng isang eskriba at sinabi sa kanya, 'Guro, susunod po ako sa inyo saanman kayo pumaroon.'"
 8:20 "Sumagot si Jesus: 'May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.'"
 8:21 "Isa naman sa mga alagad ang nagsabi sa kanya, 'Panginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ang aking ama?'"
 8:22 "Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, 'Sumunod ka sa akin, at ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay.' ( Pinatigil ni Jesus ang Unos )[ (Mc. 4:35-41; Lu. 8:22-25) ]"
 8:23 Sumakay si Jesus sa bangka, kasama ang kanyang mga alagad.
 8:24 Bumugso sa lawa ang isang malakas na unos, at halos matabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog noon si Jesus.
 8:25 "Kaya't nilapitan siya ng mga alagad at ginising. 'Panginoon, tulungan ninyo kami!' sabi nila. 'Lulubog tayo!'"
 8:26 "At sinabi niya sa kanila, 'Ano't kayo'y natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!' Bumangon siya, sinaway ang hangin at ang dagat, at tumahimik ang mga ito."
 8:27 "Namangha silang lahat at ang sabi, 'Anong tao ito? Kahit ang hangin at ang dagat ay tumatalima sa kanya!' ( Pinagaling ang mga Gadarenong Inaalihan ng mga Demonyo )[ (Mc. 5:1-20; Lu. 8:26-39) ]"
 8:28 Nang dumating si Jesus sa ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking galing sa libingan. Sila'y inaalihan ng mga demonyo at napakababangis kaya't walang mangahas dumaan doon.
 8:29 "Pagdaka'y sumigaw sila: 'Ano ang pakialam mo sa amin, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami nang hindi pa panahon?'"
 8:30 Sa di kalayuan ay may malaking kawan ng baboy na nanginginain.
 8:31 "At namanhik sa kanya ang mga demonyo, 'Kung kami'y palalayasin mo, bayaan mo kaming pumasok sa mga baboy na iyon.'"
 8:32 "Sinabi ni Jesus, 'Humayo kayo.' Kaya't lumabas sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ay biglang sumibad ng takbo tungo sa bangin, nahulog sa lawa, at nalunod. "
 8:33 Patakbong umuwi ng bayan ang mga tagapag-alaga ng kawan at pagdating doon ay ipinamalita ang lahat ng bagay, pati ang nangyari sa mga inalihan ng demonyo.
 8:34 Kaya't lumabas ang buong bayan upang salubungin si Jesus. Pagkakita sa kanya, ipinamanhik nilang siya'y umalis sa kanilang lupain.
 9:1 ( Pinagaling ni Jesus ang Isang Paralitiko )[ (Mc. 2:1-12; Lu. 5:17-26) ] Sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy sa sariling bayan.
 9:2 "Pagdating niya roon, dinala sa kanya ng ilang katao ang isang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, 'Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.'"
 9:3 "Isinaloob ng ilang eskribang naroon, 'Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos.'"
 9:4 "Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, 'Bakit kayo nag-iisip nang ganyan?"
 9:5 Alin ba ang mas madali: ang sabihing, 'Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,' o ang sabihing, 'Tumindig ka at lumakad'?
 9:6 "Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa ang Anak ng Tao'y may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.' At sinabi niya sa paralitiko, 'Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka.'"
 9:7 Tumindig nga ang lalaki at umuwi.
 9:8 Nang makita ito ng mga tao, sila'y natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan sa mga tao. ( Ang Pagtawag kay Mateo )[ (Mc. 2:13-17; Lu. 5:27-32) ]
 9:9 "Umalis si Jesus sa lugar na iyon. Sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala'y Mateo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, 'Sumunod ka sa akin.' Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya. "
 9:10 Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila'y magkakasalong kumain.
 9:11 "Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, 'Bakit sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan ang inyong guro?'"
 9:12 "Narinig ito ni Jesus at siya ang sumagot, 'Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit."
 9:13 "Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, 'Habag ang ibig ko at hindi hain.' Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.' ( Tinanong si Jesus Tungkol sa Pag-aayuno )[ (Mc. 2:18-22; Lu. 5:33-39) ]"
 9:14 "Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, 'Malimit kaming mag-ayuno, gayon din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?'"
 9:15 "Sumagot siya, 'Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno. "
 9:16 '"Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa isang lumang kasuutan; sapagkat mababatak nito ang tinagpian, at lalong lalaki ang punit."
 9:17 "Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayon ang ginawa, puputok ang balat, matatapon ang alak, at mawawasak ang sisidlan. Sa halip ay isinisilid ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat, at sa gayo'y kapwa nagtatagal.' ( Muling Binuhay ang Anak ng Pinuno at Pinagaling ang Isang Babae )[ (Mc. 5:21-43; Lu. 8:40-56) ]"
 9:18 "Samantalang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito, may dumating na isang pinuno ng mga Judio. Lumuhod ito sa harapan niya at ang sabi, 'Kamamatay lang po ng aking anak na babae; ngunit sumama lamang kayo sa akin at ipatong ang inyong kamay sa kanya ay mabubuhay siya.'"
 9:19 Tumindig si Jesus at sumama sa kanya, gayon din ang kanyang mga alagad.
 9:20 Sumunod din ang isang babaing may labindalawang taon nang dinudugo. Lumapit ito sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng kanyang damit.
 9:21 "Sapagkat sinabi niya sa sarili, 'Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.'"
 9:22 "Bumaling si Jesus at pagkakita sa kanya'y sinabi, 'Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananalig.' Noon di'y gumaling ang babae. "
 9:23 Nang dumating si Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang maraming taong nagkakaingay.
 9:24 "Sinabi niya, 'Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata; natutulog lang!' At siya'y pinagtawanan nila."
 9:25 Ngunit nang mapalabas na ang mga tao, pumasok siya, hinawakan sa kamay ang bata at ito'y nagbangon.
 9:26 At ang balita tungkol sa pangyayaring ito ay kumalat sa buong lupaing yaon. ( Nakakita ang Dalawang Bulag! )
 9:27 "Pag-alis ni Jesus sa lugar na iyon, sinundan-sundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila na ang wika, 'Anak ni David, mahabag kayo sa amin!'"
 9:28 "Pagpasok ni Jesus sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Jesus, 'Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?' 'Opo, Panginoon,' sagot nila."
 9:29 "At hinipo niya ang kanilang mga mata, at sinabi, 'Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong paniniwala.'"
 9:30 At nakakita na sila. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Jesus na huwag sasabihin ito kaninuman.
 9:31 Ngunit nang sila'y makaalis, ibinalita nila sa buong lupaing yaon ang ginawa sa kanila ni Jesus. ( Nakapagsalita ang Isang Pipi! )
 9:32 Pagkaalis nila, dinala kay Jesus ang isang piping inaalihan ng demonyo.
 9:33 "Pinalayas ni Jesus ang demonyo at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao, at sinabi nila, 'Kailanma'y walang nakitang katulad nito sa Israel!'"
 9:34 "Datapwat sinabi ng mga Pariseo, 'Ang prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.' ( Nahabag si Jesus sa mga Tao )"
 9:35 Nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman.
 9:36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol.
 9:37 "Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, 'Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani."
 9:38 "Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.'"
 10:1 ( Ang Labindalawang Alagad )[ (Mc. 3:13-19; Lu. 6:12-16) ] Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman.
 10:2 Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo;
 10:3 sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo;
 10:4 si Simong makabayan{ a} at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Jesus. ( Sinugo ni Jesus ang Labindalawa )[ (Mc. 6:7-13; Lu. 9:1-6) ]
 10:5 "Ang labindalawang ito'y sinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan: 'Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano."
 10:6 Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel.
 10:7 Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos.
 10:8 Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.
 10:9 Huwag kayong magdala ng salapi---maging ginto, pilak, o tanso---sa inyong mga lukbutan.
 10:10 Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay.
 10:11 '"At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo'y nasa lugar na iyon."
 10:12 Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, 'Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!'
 10:13 Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo ito.
 10:14 At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa.
 10:15 "Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma at taga-Gomorra.' ( Mga Pag-uusig na Darating )[ (Mc. 13:9-13; Lu. 12:12-17) ]"
 10:16 '"Ngayon, sinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Maging matalino kayo, gaya ng mga ahas, at matapat, gaya ng mga kalapati."
 10:17 Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga.
 10:18 Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil.
 10:19 Kapag nililitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito'y ipagkakaloob sa inyo.
 10:20 Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.
 10:21 '"Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay."
 10:22 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.
 10:23 Kapag inuusig nila kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo: hindi pa ninyo napupuntahan ang lahat ng bayan ng Israel ay darating na ang Anak ng Tao.
 10:24 '"Walang alagad na higit kaysa kanyang guro, at walang aliping higit sa kanyang panginoon."
 10:25 "Masiyahan ang alagad na matulad sa kanyang guro, at ang alipin na matulad sa kanyang panginoon. Kung ang puno ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo na nilang aalimurahin ang kanyang mga kasambahay!' ( Ang Dapat Katakutan )[ (Lu. 12:2-7) ]"
 10:26 '"Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad, o nalilihim na di mabubunyag."
 10:27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan.{ b}
 10:28 Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo'y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno.
 10:29 Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama.
 10:30 Maging ang buhok ninyo'y bilang na lahat.
 10:31 "Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.' ( Pagkilala kay Cristo )[ (Lu. 12:8-9) ]"
 10:32 '"Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit."
 10:33 "Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.' ( Hindi Kapayapaan Kundi Tabak )[ (Lu. 12:51-53; 14:26-27) ]"
 10:34 '"Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan."
 10:35 Sapagkat naparito ako upang papaglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae.
 10:36 At ang kaaway ng isang tao'y ang kanya na ring kasambahay.
 10:37 '"Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin."
 10:38 Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
 10:39 "Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.' ( Mga Gantimpala )[ (Mc. 9:41) ]"
 10:40 '"Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin."
 10:41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya'y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid.
 10:42 "At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito'y alagad ko---tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala.'"
 11:1 ( Ang mga Sinugo ni Juan Bautista )[ (Lu. 7:18-35) ] Matapos tagubilinan ang labindalawang alagad, umalis si Jesus upang magturo at mangaral sa mga bayang malapit doon.
 11:2 Nabalitaan ni Juan Bautista, na noo'y nasa bilangguan, ang mga ginagawa ni Cristo. Kaya't nagsugo si Juan ng kanyang mga alagad
 11:3 "at ipinatanong sa kanya, 'Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?'"
 11:4 "Sumagot si Jesus, 'Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita:"
 11:5 nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
 11:6 "Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!' "
 11:7 "Pag-alis ng mga alagad ni Juan, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: 'Bakit kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isa bang tambo na inuugoy ng hangin?"
 11:8 Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagdaramit ng maringal ay nasa palasyo ng mga hari!
 11:9 Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa propeta.
 11:10 Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan: 'Narito ang sugo ko na aking ipinadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.'
 11:11 Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, wala pang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa kanya.
 11:12 Mula nang mangaral si Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Diyos ay nagdaranas ng karahasan at inaagaw ng mararahas.
 11:13 Sapagkat ang mga propeta at ang Kautusan ay nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos hanggang sa dumating si Juan.
 11:14 Kung maniniwala kayo, siya ang Elias na darating.
 11:15 Ang may pandinig ay makinig!
 11:16 '"Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro,"
 11:17 'Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!'
 11:18 Sapagkat naparito si Juan na nag-aayuno at di umiinom ng alak, at sinasabi nila, 'Inaalihan siya ng demonyo!'
 11:19 "Naparito rin ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom, at sinasabi naman nila, 'Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!' Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa.' ( Babala sa mga Bayang Di-nagsisisi )[ (Lu. 10:13-15) ]"
 11:20 Pagkatapos, sinumbatan ni Jesus ang mga bayang ginawan niya ng maraming kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan.
 11:21 '"Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, malaon na sanang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo ang mga tagaroon upang ipakilalang sila'y nagsisisi."
 11:22 Ngunit sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang sasapitin ninyo kaysa sasapitin ng mga taga-Tiro at taga-Sidon.
 11:23 At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, sana'y nananatili pa ito hanggang ngayon.
 11:24 "Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa inyo kaysa dinanas ng Sodoma.' ( Lumapit sa Akin at Mamahinga )[ (Lu. 10:21-22) ]"
 11:25 "Nang panahong iyo'y sinabi ni Jesus, 'Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata."
 11:26 Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo.
 11:27 '"Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak. "
 11:28 '"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko."
 11:29 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako'y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa.
 11:30 "Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.'"
 12:1 ( Ang Katanungan Tungkol sa Araw ng Pamamahinga )[ (Mc. 2:23-28; Lu. 6:1-5) ] Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus sa triguhan. Nagutom ang kasama niyang mga alagad kaya't nangitil sila ng uhay at kinain ang mga butil.
 12:2 "Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, 'Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga.'"
 12:3 "Sumagot si Jesus, 'Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama?"
 12:4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog sa Diyos at pinakain din niya ang kanyang mga kasama. Labag sa Kautusan na kanin nila ang tinapay na iyon sapagkat ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.
 12:5 Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kautusan ni Moises na tuwing Araw ng Pamamahinga, lumalabag sa batas tungkol sa araw na ito ang mga saserdote sa templo, gayunma'y hindi nila ipinagkakasala iyon?
 12:6 Sinasabi ko sa inyo, naririto ang isang higit na dakila kaysa templo.
 12:7 Hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala kung alam ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito, 'Habag ang ibig ko, hindi hain.'
 12:8 "Sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.' ( Ang Lalaking Patay ang Isang Kamay )[ (Mc. 3:1-6; Lu. 6:6-11) ]"
 12:9 Umalis si Jesus at pumunta sa sinagoga.
 12:10 "May isang lalaki roong patay ang isang kamay. Naroon din ang ilang taong naghahanap ng pagkakataon upang maparatangan si Jesus. Kaya't siya'y tinanong nila, 'Naaayon ba sa Kautusan na magpagaling kung Araw ng Pamamahinga?'"
 12:11 "Sumagot siya, 'Kung ang sinuman sa inyo'y may tupang mahulog sa balon kung Araw ng Pamamahinga, hindi ba niya iaahon ito?"
 12:12 "Higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't naaayon sa Kautusan ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.'"
 12:13 "Pagkatapos, sinabi niya sa tao, 'Iunat mo ang iyong kamay.' Iniunat nga nito ang kanyang kamay at ito'y gumaling."
 12:14 Umalis naman ang mga Pariseo at nag-usap-usap kung paano ipapapatay si Jesus. ( Ang Lingkod na Hinirang )
 12:15 Alam ito ni Jesus kaya't umalis siya roon. Maraming sumunod sa kanya at pinagaling niya ang lahat ng maysakit,
 12:16 ngunit mahigpit niyang ipinagbilin sa kanila na huwag ipamamalita ang tungkol sa kanya.
 12:17 Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias:
 12:18 '"Naririto ang lingkod ko na ako rin ang humirang,  Minamahal ko nang labis, lubos kong kinalulugdan;  Ang banal kong Espiritu sa kanya ay ibibigay,  Sa lahat ng mga bansa ibabadha'y katarungan. "
 12:19 Hindi siya makikipagtalo, mahinahon kung mangusap,  Ang tinig niya sa lansanga'y tinig lamang na paanas;
 12:20 Hindi niya puputulin yaong tambong nakahapay,  Ni hindi rin papatayin ang umaandap na ilawan,  Hanggang itong katarunga'y mapagtagumpay niyang ganap;
 12:21 "At ang pag-asa ng tao sa kanya ay ilalagak.' ( Si Jesus at si Beelzebul )[ (Mc. 3:20-30; Lu. 11:14-23) ]"
 12:22 May dinala kay Jesus na isang lalaking bulag at pipi na inaalihan ng demonyo. Pinagaling niya ang lalaki, anupat ito'y nakapagsalita at nakakita.
 12:23 "Nagtaka ang lahat, at ang sabi, 'Ito na kaya ang Anak ni David?'"
 12:24 "Nang marinig ito ng mga Pariseo ay sinabi nila, 'Nakapagpapalayas ng mga demonyo ang taong iyan sapagkat binigyan siya ni Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ng kapangyarihang gumawa niyon.'"
 12:25 "Batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya't sinabi niya, 'Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat. At mawawasak ang alinmang bayan o bahay na nagkakabaha-bahagi at nagkakalaban-laban."
 12:26 Kung si Satanas ang nagpapalayas kay Satanas, kinakalaban niya ang kanyang sarili! Paano ngang makapananatili ang kanyang kaharian?
 12:27 Kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayon? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo!
 12:28 Kung ang Espiritu ng Diyos ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
 12:29 '"Paanong mapapasok ang bahay ng isang malakas na tao kung hindi siya gagapusin? Kung gapos na, saka pa lamang malolooban ang bahay niya. "
 12:30 '"Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon ay nagkakalat."
 12:31 Kaya sinasabi ko sa inyo: ipatatawad sa mga tao ang anumang kasalanan at panlalait, ngunit hindi ipatatawad ang anumang panlalait sa Espiritu Santo.
 12:32 "Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o magpakailanman.' ( Sa Bunga Nakikilala )[ (Lu. 6:43-45) ]"
 12:33 '"Ipalagay ninyong mabuti ang punongkahoy kung mabuti ang bunga nito, at ipalagay naman ninyong masama ang punongkahoy kung masama ang bunga nito. Sapagkat sa bunga nakikilala ang puno."
 12:34 Kayong lahi ng mga ulupong! Paano kayong makapagsasabi ng mabubuting bagay gayong kayo'y masasama? Sapagkat kung ano ang bukambibig, iyon ang laman ng dibdib.
 12:35 Mabuti ang sinasabi{ a} ng mabuting tao, sapagkat puno ng kabutihan ang kanyang puso. Masama ang sinasabi ng masamang tao, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso.
 12:36 '"Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat salitang walang kabuluhan na sinabi niya."
 12:37 "Sapagkat ikaw ay pawawalang-sala o parurusahan, batay sa iyong mga salita.' ( Hinanapan si Jesus ng Palatandaang Mula sa Langit )[ (Mc. 8:11-12; Lu. 11:29-32) ]"
 12:38 "Sinabi naman sa kanya ng ilang eskriba at Pariseo, 'Guro, maaari po bang pagpakitaan ninyo kami ng tanda mula sa langit?'"
 12:39 "Sumagot si Jesus, 'Lahing masama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap kayo ng tanda ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Propeta Jonas."
 12:40 Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, gayon din ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing sasa ilalim ng lupa.
 12:41 Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at ito'y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!
 12:42 "Sa araw na yaon, titindig din ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at ito'y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto!' ( Ang Pagbabalik ng Masamang Espiritu )[ (Lu. 11:24-26) ]"
 12:43 '"Kapag lumabas mula sa isang tao ang masamang espiritu, ito'y gumagala sa mga tigang na lupa at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan,"
 12:44 ay sinasabi niya sa sarili, 'Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.' Pagbabalik niya ay makikita niya itong walang laman, malinis at maayos.
 12:45 "Kaya yumayaon siya at nagsasama pa ng pitong espiritung masama kaysa kanya; pumapasok sila at naninirahan doon. Kaya't sumasama kaysa rati ang huling kalagayan ng taong yaon. Ganyan din ang mangyayari sa masamang lahing ito.' ( Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus )[ (Mc. 3:31-35; Lu. 8:19-21) ]"
 12:46 Samantalang nagsasalita pa si Jesus, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig siyang makausap. [
 12:47 "May nagsabi sa kanya, 'Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ibig kayong makausap.']"
 12:48 "Ngunit sinabi ni Jesus, 'Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid?'"
 12:49 "Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, 'Ito ang aking ina at mga kapatid!"
 12:50 "Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.'"
 13:1 ( Ang Talinghaga Tungkol sa Manghahasik )[ (Mc. 4:1-9; Lu. 8:4-8) ] Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa.
 13:2 Pinagkalipumpunan siya ng makapal na tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Nasa dalampasigan naman ang mga tao.
 13:3 "At nagturo siya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga. 'May isang magsasakang lumabas upang maghasik."
 13:4 Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon.
 13:5 May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon,
 13:6 ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa'y walang gaanong ugat.
 13:7 May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon.
 13:8 Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay.
 13:9 "Ang may pandinig ay makinig!' ( Ang Layunin ng mga Talinghaga )[ (Mc. 4:10-12; Lu. 8:9-10) ]"
 13:10 "Lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus: 'Bakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?'"
 13:11 "Sumagot siya, 'Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila."
 13:12 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.
 13:13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa.
 13:14 Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi:  'Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa,  At tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakikita.
 13:15 Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga taong ito;  Mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,  At ipinikit nila ang kanilang mga mata.  Kung di gayon, disin sana'y nakakita ang kanilang mga mata,  Nakarinig ang kanilang mga tainga,  Nakaunawa ang kanilang mga isip,  At nagbalik-loob sa akin,  At pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.'
 13:16 Mapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga!
 13:17 "Sinasabi ko sa inyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hindi ito nakita, at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito napakinggan.' ( Paliwanag sa Talinghaga Tungkol sa Manghahasik )[ (Mc. 4:13-20; Lu. 8:11-15) ]"
 13:18 '"Pakinggan nga ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik."
 13:19 Ang mga nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan. Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso.
 13:20 Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad.
 13:21 Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kaya't hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig.
 13:22 Inilalarawan naman ng nahasik sa dawagan ang nakikinig ng Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salita'y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kaya't hindi makapamunga.
 13:23 "At inilalarawan ng nahasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at nakauunawa nito. Sila'y namumunga: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.' ( Ang Talinghaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan )"
 13:24 "Inilahad din ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila. 'Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid."
 13:25 Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan.
 13:26 Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo.
 13:27 Kaya't lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, 'Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?'
 13:28 Sumagot siya, 'Isang kaaway ang may kagagawan nito.' Tinanong siya ng mga utusan, 'Bubunutin po ba namin ang mga iyon?'
 13:29 'Huwag,' sagot niya. 'Baka mabunot pati trigo.
 13:30 "Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo'y inyong tipunin sa aking kamalig.'' ( Ang Talinghaga ng Butil ng Mustasa )[ (Mc. 4:30-32; Lu. 13:18-19) ]"
 13:31 "Isa na namang talinghaga ang inilahad ni Jesus sa kanila. 'Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong nagtanim ng isang butil ng mustasa sa kanyang bukid."
 13:32 "Pinakamaliit ito sa lahat ng binhi, ngunit kapag natanim na at lumago ay nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay. Ito'y nagiging punongkahoy, anupat napamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.' ( Ang Talinghaga ng Lebadura )[ (Lu. 13:20-21) ]"
 13:33 "Nagsalaysay pa siya ng ibang talinghaga. 'Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng lebadura na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, at umalsa ang buong masa.' ( Ang Paggamit ni Jesus sa mga Talinghaga )[ (Mc. 4:33-34) ]"
 13:34 Sinabi ni Jesus sa mga tao ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinghaga at wala siyang sinabi sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga.
 13:35 "Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ng propeta:  'Magsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga,  Ihahayag ko sa kanila ang mga bagay na nalilihim mula nang likhain ang sanlibutan.' ( Kahulugan ng Talinghaga ng mga Damo sa Triguhan )"
 13:36 "Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, 'Ipaliwanag po ninyo sa amin ang talinghaga tungkol sa masasamang damo sa bukid.'"
 13:37 "Ito ang tugon ni Jesus, 'Ang Anak ng Tao ang naghahasik ng mabuting binhi."
 13:38 Ang bukid ay ang sanlibutan. Ang mga taong pinaghaharian ng Diyos ang mabuting binhi at ang mga taong pinaghaharian ng diyablo ang masasamang damo.
 13:39 Ang kaaway na naghasik ng mga iyon ay walang iba kundi ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng daigdig,{ a} at ang mga anghel ang mga tagapag-ani.
 13:40 Kung paanong iniipon ang mga damo at sinusunog, gayon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig.
 13:41 Susuguin ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel, at iipunin nila mula sa kanyang pinaghaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama,
 13:42 at ihahagis sa maningas na pugon. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin.
 13:43 "At magliliwanag na parang araw ang mga matuwid sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may pandinig ay makinig!' ( Ang Natatagong Kayamanan )"
 13:44 '"Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siya'y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.' ( Ang Perlas na Mahalaga )"
 13:45 '"Gayon din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas."
 13:46 "Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya'y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.' ( Ang Lambat )"
 13:47 '"Ang paghahari ng Diyos ay katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda."
 13:48 Nang mapuno ay hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao upang pagbukud-bukurin ang mga isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinapon ang mga walang kuwenta.
 13:49 Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal,
 13:50 "at ihahagis ang mga makasalanan sa maningas na pugon. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin.' ( Kayamanang Bago at Luma )"
 13:51 '"Nauunawaan na ba ninyo ang lahat ng ito?' tanong ni Jesus. 'Opo,' sagot nila."
 13:52 "At sinabi niya sa kanila, 'Kaya nga, ang bawat eskriba na kumikilala sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng sambahayan na kumukuha ng mga bagay na bago at luma sa kanyang taguan.' ( Hindi Tinanggap si Jesus sa Nazaret )[ (Mc. 6:1-6; Lu. 4:16-30) ]"
 13:53 Nang masabi na ni Jesus ang mga talinghagang ito, siya'y umalis doon.
 13:54 "Umuwi siya sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, 'Saan kumuha ng karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan?"
 13:55 Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki?
 13:56 "At dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?'"
 13:57 "At ayaw nilang kilanlin siya. Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, 'Ang propeta'y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sa kanyang sariling sambahayan.'"
 13:58 At dahil sa di nila pagsampalataya hindi siya gumawa roon ng maraming kababalaghan.
 14:1 ( Ang Pagkamatay ni Juan Bautista )[ (Mc. 6:14-29; Lu. 9:7-9) ] Nang makarating kay Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus,
 14:2 "sinabi niya sa kanyang mga lingkod, 'Siya'y si Juan Bautista na muling nabuhay, kaya siya nakagagawa ng mga himala!' "
 14:3 Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan. Ang dahilan ay si Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.
 14:4 "Laging sinasabi ni Juan kay Herodes, 'Hindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng inyong kapatid.'"
 14:5 Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan ngunit natatakot siya sa mga Judio, sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan Bautista.
 14:6 Nang dumating ang kaarawan ni Herodes, sumayaw sa harapan ng mga panauhin ang anak na babae ni Herodias. Labis na nasiyahan si Herodes,
 14:7 kaya't isinumpa niyang ibibigay sa dalaga ang anumang hingin nito.
 14:8 "Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi ng dalaga, 'Ibigay po ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista.'"
 14:9 Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang pangakong narinig ng mga panauhin, iniutos niyang ibigay iyon sa dalaga.
 14:10 Kaya't pinapugutan niya si Juan sa bilangguan.
 14:11 Inilagay ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga; dinala naman ito ng dalaga sa kanyang ina.
 14:12 Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang kanyang bangkay at inilibing. Pagkatapos, ibinalita nila ito kay Jesus. ( Ang Pagpapakain sa Limang Libo )[ (Mc. 6:30-44; Lu. 9:10-17; Jn. 6:1-14) ]
 14:13 Nang marinig ito ni Jesus, siya'y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila'y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya.
 14:14 Paglunsad ni Jesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.
 14:15 "Nang dapit-hapon na'y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, 'Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.'"
 14:16 '"Hindi na sila kailangang umalis pa,' sabi ni Jesus. 'Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.'"
 14:17 "Sumagot sila, 'Lilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin.'"
 14:18 '"Dalhin ninyo rito,' sabi niya."
 14:19 Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao.
 14:20 Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila'y nakapuno ng labindalawang bakol ng pira-pirasong tinapay.
 14:21 May 5,000 lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata. ( Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig )[ (Mc. 6:45-52; Jn. 6:15-21) ]
 14:22 Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao.
 14:23 Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi.
 14:24 Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin.
 14:25 At nang madaling-araw na'y sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig.
 14:26 "Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. 'Multo!' sigaw nila."
 14:27 "Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, 'Huwag kayong matakot; si Jesus ito!'"
 14:28 "At nagsalita si Pedro, 'Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.'"
 14:29 "Sumagot siya, 'Halika.' Kaya't lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Jesus."
 14:30 "Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya'y natakot at nagsimulang lumubog. 'Sagipin ninyo ako, Panginoon!' sigaw niya."
 14:31 "Agad siyang inabot ni Jesus. 'Napakaliit ng iyong pananalig!' sabi niya kay Pedro. 'Bakit ka nag-alinlangan?'"
 14:32 Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin.
 14:33 "At sinamba siya ng mga nasa bangka. 'Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!' sabi nila. ( Pinagaling ni Jesus ang mga Maysakit sa Genesaret )[ (Mc. 6:53-56) ]"
 14:34 Tumawid sila ng lawa, at dumuong sa Genesaret.
 14:35 Nakilala si Jesus ng mga tagaroon. Agad nilang ipinamalita sa buong palibot ng lupaing iyon ang pagdating ni Jesus, kaya't dinala nila sa kanya ang lahat ng maysakit.
 14:36 Hiniling nila sa kanya na ipahipo man lamang sa mga maysakit kahit ang laylayan ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumaling.
 15:1 ( Mga Minanang Turo )[ (Mc. 7:1-13) ] Minsan, lumapit kay Jesus ang ilang Pariseo at mga eskribang galing sa Jerusalem. Kanilang tinanong siya,
 15:2 '"Bakit nilalabag ng mga alagad mo ang turo na minana natin sa ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa paraang iniutos!'"
 15:3 "Sinagot sila ni Jesus, 'Bakit naman ninyo nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa inyong minanang turo?"
 15:4 Iniutos ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama't ina' at, 'Ang magsalita ng masama sa ama o ina, ay dapat mamatay.'
 15:5 Ngunit itinuturo ninyo, 'Kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina, Ang anumang maitutulong ko sa inyo ay hain sa Diyos,
 15:6 hindi na niya kailangang igalang ang kanyang ama.' Dahil sa inyong minanang turo, niwawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos.
 15:7 Mga mapagpaimbabaw! Tama ang hula ni Isaias tungkol sa inyo:
 15:8 'Paggalang na handog sa 'kin ng bayan ko'y paimbabaw lamang,  Sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal.
 15:9 "Pagpuri't pagsambang ginagawa nila'y walang kabuluhan,  Ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.'' ( Ang Nagpaparumi sa Tao )[ (Mc. 7:14-23) ]"
 15:10 "Pinalapit ni Jesus ang mga tao at kanyang sinabi, 'Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin."
 15:11 "Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao kundi ang lumalabas ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos.' "
 15:12 "Lumapit ang mga alagad at kanilang sinabi, 'Alam ninyo, nagdamdam po ang mga Pariseo sa sinabi ninyo!'"
 15:13 "Sumagot siya, 'Bubunutin ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Amang nasa langit."
 15:14 "Hayaan ninyo sila. Sila'y mga bulag na tagaakay; at kapag bulag ang umakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay.'"
 15:15 "Sinabi sa kanya ni Pedro, 'Ipaliwanag po ninyo sa amin ang talinghaga.'"
 15:16 "At sinabi niya, 'Kayo man ba'y wala ring pang-unawa?"
 15:17 Hindi ba ninyo nalalaman na anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at idinudumi?
 15:18 Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso, at ito ang nagpaparumi sa tao.
 15:19 Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang isipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan, at paninirang-puri.
 15:20 "Ang mga ito ang nagpaparumi sa tao. Ngunit ang kumain nang di muna naghuhugas ng kamay sa paraang naaayon sa minanang turo ay hindi nakapagpaparumi sa tao.' ( Ang Pananalig ng Isang Cananea )[ (Mc. 7:24-30) ]"
 15:21 Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon.
 15:22 "Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas na sinabi, 'Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.'"
 15:23 "Ngunit gaputok ma'y di tumugon si Jesus. At lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, 'Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya'y nag-iingay at susunud-sunod sa atin.'"
 15:24 "Sumagot si Jesus, 'Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo.'"
 15:25 "Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, 'Tulungan po ninyo ako, Panginoon.'"
 15:26 "Sumagot si Jesus, 'Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.'"
 15:27 '"Tunay nga po, Panginoon,' tugon ng babae, 'ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.'"
 15:28 "Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, 'Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo.' At noon di'y gumaling ang kanyang anak. ( Maraming Pinagaling si Jesus )"
 15:29 Pag-alis doon, nagbalik si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At siya'y umahon sa burol at naupo.
 15:30 Nagdatingan ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pingkaw, pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga maysakit sa harapan ni Jesus at kanyang pinagaling sila.
 15:31 Namangha ang mga tao nang makita nilang nagsasalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga pingkaw, nakalalakad na ang mga pilay, at nakakikita na ang mga bulag. At nagpuri sila sa Diyos ng Israel. ( Ang Pagpapakain sa Apat na Libo )[ (Mc. 8:1-10) ]
 15:32 "Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi, 'Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila, at wala na silang makain. Hindi ko ibig na sila'y paalising gutom; baka sila mahilo sa daan.'"
 15:33 "At sinabi ng mga alagad, 'Saan po tayo kukuha rito ng tinapay na makasasapat sa gayong karaming tao?'"
 15:34 '"Ilan ang tinapay ninyo riyan?' tanong ni Jesus sa kanila. 'Pito po,' sagot nila, 'at ilang maliliit na isda.'"
 15:35 Ang mga tao'y pinaupo ni Jesus sa lupa.
 15:36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao.
 15:37 Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.
 15:38 May 4,000 lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
 15:39 Pinayaon ni Jesus ang mga tao, saka siya sumakay sa bangka at nagtungo sa lupain ng Magadan.
 16:1 ( Hiningan ng Tanda si Jesus )[ (Mc. 8:11-13; Lu. 12:54-56) ] Lumapit kay Jesus ang ilang Pariseo at Saduseo. Ibig nilang masilo siya kaya hiningi nilang magpakita siya ng isang tanda mula sa langit.
 16:2 "Ngunit sumagot si Jesus, '[Sa dapit-hapon ay sinasabi ninyo, 'Magiging mabuti ang panahon bukas sapagkat maaliwalas ang langit.'"
 16:3 At sa umagang-umaga ay sinasabi ninyo, 'Uulan ngayon, sapagkat madilim ang langit.' Nababasa ninyo ang palatandaan sa langit, ngunit hindi ninyo mabasa ang mga palatandaan ng kasalukuyang panahon.]
 16:4 "Lahing masama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap kayo ng tanda, ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas!' At umalis siya pagkatapos. ( Lebadura ng mga Pariseo at mga Saduseo )[ (Mc. 8:14-21) ]"
 16:5 Nang tumawid sa ibayo ang mga alagad, nakalimutan nilang magdala ng tinapay.
 16:6 "Sinabi ni Jesus sa kanila, 'Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at mga Saduseo.'"
 16:7 "Nag-usap-usap ang mga alagad. Sabi nila, 'Kasi'y wala tayong dalang tinapay kaya sinabi niya iyon.'"
 16:8 "Alam ito ni Jesus kaya't sila'y tinanong niya, 'Bakit ninyo pinag-uusapan na kayo'y walang baong tinapay? Napakaliit ng inyong pananalig!"
 16:9 Hindi pa ba kayo nakauunawa? Nakalimutan na ba ninyo nang pagpira-pirasuhin ko ang limang tinapay para sa 5,000? Ilang bakol na tinapay ang lumabis?
 16:10 Gayon din ang pitong tinapay para sa 4,000, ilang malalaking bakol na tinapay ang lumabis?
 16:11 "Ano't hindi ninyo nauunawaan na hindi tungkol sa tinapay ang sinasabi ko? Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at mga Saduseo.'"
 16:12 At naunawaan nilang sila'y pinapag-iingat niya sa turo ng mga Pariseo at mga Saduseo at hindi sa lebadurang gamit sa tinapay. ( Ang Pahayag ni Pedro Tungkol kay Jesus )[ (Mc. 8:27-30; Lu. 9:18-21) ]
 16:13 "Nang dumating si Jesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, 'Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?'"
 16:14 "At sumagot sila, 'Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.'"
 16:15 '"Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?' tanong niya sa kanila."
 16:16 "Sumagot si Simon Pedro, 'Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.'"
 16:17 "Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao{ a} kundi ng aking Amang nasa langit."
 16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.{ b}
 16:19 "Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.'{ c}"
 16:20 At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Cristo. ( Unang Pagpapahayag ni Jesus Tungkol sa Kanyang Kamatayan )[ (Mc. 8:31--9:1; Lu. 9:22-27) ]
 16:21 Mula noon ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad na dapat siyang magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang ipapapatay siya. Ngunit sa ikatlong araw siya'y muling mabubuhay.
 16:22 "Niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan ng ganito: 'Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyari ito sa inyo.'"
 16:23 "Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, 'Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao.' "
 16:24 "Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 'Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin."
 16:25 Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon.
 16:26 Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito'y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay?
 16:27 Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yao'y gagantihin niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa.
 16:28 "Sinasabi ko sa inyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga't di nila nakikita ang Anak ng Tao na pumaparito bilang Hari.'"
 17:1 ( Nagbagong-anyo si Jesus )[ (Mc. 9:2-13; Lu. 9:28-36) ] Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok.
 17:2 Samantalang sila'y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit.
 17:3 Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus.
 17:4 "Kaya't sinabi ni Pedro kay Jesus, 'Panginoon, mabuti pa'y dumito na tayo.{ a} Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.'"
 17:5 "Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula rito'y may tinig na nagsabi, 'Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!'"
 17:6 Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang nang marinig nila ang tinig, at sila'y napasubasob.
 17:7 "Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinipo. 'Tumindig kayo,' sabi niya, 'huwag kayong matakot!'"
 17:8 At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Jesus.
 17:9 "At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Jesus sa kanila, 'Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.'"
 17:10 "Tinanong siya ng mga alagad, 'Bakit po sinasabi ng mga eskriba na dapat munang pumarito si Elias?'"
 17:11 "Sumagot siya, 'Paririto nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay."
 17:12 "Sinasabi ko sa inyo na pumarito na si Elias, ngunit hindi siya nakilala ng mga tao. At kanilang ginawa sa kanya ang gusto nila. Gayon din naman, pahihirapan nila ang Anak ng Tao.'"
 17:13 At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy niya. ( Pinagaling ni Jesus ang Batang Inaalihan ng Demonyo )[ (Mc. 9:14-29; Lu. 9:37-43a) ]
 17:14 Pagbabalik nila'y may dinatnan silang maraming tao. Lumapit ang isang lalaki, lumuhod sa harapan niya at ang sabi,
 17:15 '"Ginoo, mahabag po kayo sa anak kong lalaki! Siya po'y himatayin at lubhang nahihirapan kung sinusumpong, sapagkat madalas siyang mabuwal sa apoy o kaya'y mahulog sa tubig."
 17:16 "Dinala ko na siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila mapagaling.'"
 17:17 "Sumagot si Jesus, 'Lahing walang pananampalataya at matigas ang ulo! Hanggang kailan dapat akong manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!'"
 17:18 Pinagwikaan ni Jesus ang demonyo at lumabas ito, at ang bata'y gumaling agad.
 17:19 "Pagkatapos ay lumapit ang mga alagad kay Jesus at nagtanong nang walang ibang nakaririnig, 'Bakit hindi po namin mapalayas ang demonyo?'"
 17:20 "Sumagot siya, 'Dahil sa kaliitan ng inyong pananalig. Sinasabi ko sa inyo: kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon!' at lilipat ito. Walang bagay na hindi ninyo mapangyayari. ["
 17:21 "Ngunit ang ganitong uri ng demonyo ay hindi mapalalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.]' ( Muling Binanggit ni Jesus ang Tungkol sa Kanyang Kamatayan )[ (Mc. 9:30-32; Lu. 9:43b-45) ]"
 17:22 "Nang nagkakatipon sa Galilea ang mga alagad, sinabi sa kanila ni Jesus, 'Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo"
 17:23 "at papatayin, ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.' At sila'y lubhang nagdalamhati. ( Pagbabayad ng Buwis Para sa Templo )"
 17:24 "Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis para sa templo. Tinanong siya, 'Nagbabayad ba ng buwis para sa templo ang inyong Guro?'"
 17:25 '"Opo,' sagot ni Pedro. At nang dumating siya sa bahay, tinanong na siya agad ni Jesus: 'Ano ba ang palagay mo, Simon? Kanino sumisingil ng bayad sa lisensiya o buwis ang mga hari sa lupa? Sa mga mamamayan{ b} ba o sa mga dayuhan?'"
 17:26 '"Sa mga dayuhan po,' tugon niya. Sinabi ni Jesus, 'Kung gayon, hindi pinapagbabayad ang mga mamamayan."
 17:27 "Gayunman, para wala silang masabi sa atin, pumaroon ka sa lawa at ihagis mo ang kawil. Kunin mo ang unang isdang mahuhuli. Ibuka mo ang bibig nito at may makikita kang isang salaping pilak.{ c} Kunin mo ito at ibayad sa buwis nating dalawa.'"
 18:1 ( Sino ang Pinakadakila? )[ (Mc. 9:33-37; Lu. 9:46-48) ] "Nang sandaling iyo'y lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, 'Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?'"
 18:2 Tinawag ni Jesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila,
 18:3 "at sinabi, 'Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos."
 18:4 Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos.
 18:5 "Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.' ( Mga Sanhi ng Pagkakasala )[ (Mc. 9:42-48; Lu. 17:1-2) ]"
 18:6 '"Mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at ihulog sa laot ng dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig sa akin."
 18:7 Napakahirap ng kalagayan sa daigdig dahil sa mga sanhi ng pagkakasala ng tao! Hindi mawawala kailanman ang mga sanhi ng pagkakasala, ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito!
 18:8 '"Kung ang kamay o paa mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit{ a} nang putol ang isang kamay o paa kaysa may dalawang kamay o dalawang paa kang itapon naman sa impiyerno.{ b}"
 18:9 "At kung ang mata mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang bulag ang isang mata kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno.' ( Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa )[ (Lu. 15:3-7) ]"
 18:10 '"Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama. ["
 18:11 Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang iligtas ang nawawala.]
 18:12 '"Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may 100 tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu't siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw?"
 18:13 Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.
 18:14 "Gayon din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.' ( Kung Magkasala ang Isang Kapatid )"
 18:15 '"Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama."
 18:16 Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi.
 18:17 "Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa iglesya. At kung hindi pa siya makinig sa iglesya, ituring mo siyang Hentil o isang publikano.' ( Kapangyarihang Magbawal at Magpahintulot )"
 18:18 '"Sinasabi ko sa inyo: anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.{ c} "
 18:19 '"Sinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit."
 18:20 "Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.' ( Ang Talinghaga Tungkol sa Lingkod na Di-marunong Magpatawad )"
 18:21 "Lumapit noon si Pedro at nagtanong sa kanya, 'Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?'"
 18:22 "Sinagot siya ni Jesus, 'Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito."
 18:23 Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya.
 18:24 Unang dinala sa kanya ang isang may utang na eso 10,000,000.{ d}
 18:25 Dahil sa siya'y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad.
 18:26 Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: 'Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.'
 18:27 Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.
 18:28 '"Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na eso 500{ e} sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: 'Magbayad ka ng utang mo!'"
 18:29 Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: 'Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.'
 18:30 Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito'y makabayad.
 18:31 Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila'y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari.
 18:32 Kaya't ipinatawag siya ng hari. 'Ikaw---napakasama mo!' sabi niya. 'Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin.
 18:33 Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?'
 18:34 At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang.
 18:35 "Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.'"
 19:1 ( Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Paghihiwalay )[ (Mc. 10:1-12) ] Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, siya'y umalis sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan.
 19:2 Sinundan siya ng napakaraming tao, at sila'y pinagaling niya roon.
 19:3 "May mga Pariseong lumapit sa kanya at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: 'Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?'"
 19:4 "Sumagot si Jesus, 'Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula'y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae?"
 19:5 At sinabi, 'Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa.'
 19:6 "Kaya't hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.'"
 19:7 "Tinanong siya ng mga Pariseo, 'Bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?'"
 19:8 "Sumagot si Jesus, 'Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayon sa pasimula."
 19:9 "Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. [At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.]' "
 19:10 "Sinabi ng mga alagad, 'Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.'"
 19:11 "Sumagot si Jesus, 'Hindi lahat ay makatatanggap ng simulaing iyan kundi yaon lamang pinagkalooban ng Diyos."
 19:12 "Sapagkat may iba't ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan, dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba, dahil sa kagagawan ng ibang tao ay nagkagayon sila; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa ikauunlad ng paghahari ng Diyos. Ang makatatanggap ng simulaing ito ay tumanggap nito.' ( Pinagpala ni Jesus ang Maliliit na Bata )[ (Mc. 10:13-16; Lu. 18:15-17) ]"
 19:13 May nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at ipanalangin. Ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad.
 19:14 "Datapwat sinabi ni Jesus, 'Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos.'"
 19:15 Ipinatong niya sa kanila ang kanyang kamay, saka umalis. ( Ang Binatang Mayaman )[ (Mc. 10:17-31; Lu. 18:18-30) ]
 19:16 "May isa namang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong, 'Guro, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?'"
 19:17 "Sumagot si Jesus, 'Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos.'"
 19:18 '"Alin-alin po?' tanong niya. Sumagot si Jesus, 'Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi;"
 19:19 "igalang mo ang iyong ama at ina; at, ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.'"
 19:20 "Sinabi ng binata, 'Tinutupad ko na pong lahat iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?'"
 19:21 '"Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan. Kapag ginawa mo iyan, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin,' sagot ni Jesus."
 19:22 Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata, sapagkat siya'y napakayaman.
 19:23 "Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 'Sinasabi ko sa inyo: napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos!"
 19:24 "At sinasabi ko rin sa inyo: madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.'"
 19:25 "Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kaya't naitanong nila, 'Kung gayon, sino po ang maliligtas?'"
 19:26 "Tinitigan sila ni Jesus at sinabi, 'Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.' "
 19:27 "At nagsalita si Pedro, 'Tingnan po ninyo: iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin?'"
 19:28 "Sinabi sa kanila ni Jesus, 'Tandaan ninyo ito: kapag nakaluklok na ang Anak ng Tao sa kanyang maringal na trono sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay luluklok din sa labindalawang trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel."
 19:29 At ang sinumang magtiis na iwan ang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap ng makasandaang ibayo, at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan.
 19:30 "Ngunit maraming una na magiging huli, at maraming huli na magiging una.'"
 20:1 ( Ang mga Manggagawa sa Ubasan ) '"Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa."
 20:2 Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila'y pinapunta niya sa kanyang ubasan.
 20:3 Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan.
 20:4 Sinabi niya sa kanila, 'Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.'
 20:5 At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayon din ang ginawa niya.
 20:6 Nang mag-iikalima ng hapon, siya'y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?'
 20:7 'Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!' sagot nila. At sinabi niya, 'Kung gayon, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.'
 20:8 '"Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, 'Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila'y upahan, magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.'"
 20:9 Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo.
 20:10 At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa'y tumanggap din ng isang denaryo.
 20:11 Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan.
 20:12 Sabi nila, 'Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?'
 20:13 At sinabi niya sa isa sa kanila, 'Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo?
 20:14 Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo?
 20:15 Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?'
 20:16 "Kaya't ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.' ( Ikatlong Pagsasabi ni Jesus Tungkol sa Kanyang Kamatayan )[ (Mc. 10:32-34; Lu. 18:31-34) ]"
 20:17 Nang nasa daan na si Jesus patungong Jerusalem, ibinukod niya ang Labindalawa. Sinabi niya sa kanila,
 20:18 '"Aakyat tayo sa Jerusalem. Doo'y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan,"
 20:19 "at ibibigay sa mga Hentil. Siya'y tutuyain, hahagupitin at ipapako sa krus; ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw.' ( Ang Kahilingan ng Ina ni Santiago at ni Juan )[ (Mc. 10:35-45) ]"
 20:20 Lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya't lumuhod siya sa harapan ni Jesus.
 20:21 '"Ano ang ibig mo?' tanong ni Jesus. Sumagot siya, 'Sana'y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian---isa sa kanan at isa sa kaliwa.'"
 20:22 '"Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,' sabi ni Jesus sa kanila. 'Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?'{ a} 'Opo,' tugon nila."
 20:23 "Sinabi ni Jesus, 'Ang hirap na babatahin ko'y babatahin nga ninyo.{ b} Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa mga pinaghandaan ng aking Ama.' "
 20:24 Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid.
 20:25 "Kaya't pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila, 'Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod."
 20:26 Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod.
 20:27 At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo,
 20:28 "tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.' ( Pinagaling ang Dalawang Bulag )[ (Mc. 10:46-52; Lu. 18:35-43) ]"
 20:29 Pag-alis nila sa Jerico, si Jesus ay sinundan ng napakaraming tao.
 20:30 "May dalawa namang bulag na nakaupo sa tabi ng daan. Nang marinig nilang dumaraan si Jesus, sila'y nagsisigaw: 'Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!'"
 20:31 "Pinagsabihan sila ng mga tao at pinatatahimik, ngunit lalo silang nagsisigaw, 'Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!'"
 20:32 "Tumigil si Jesus, tinawag sila at tinanong, 'Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo?'"
 20:33 "Sumagot sila, 'Panginoon, loobin po ninyong makakita kami!'"
 20:34 Naawa si Jesus at hinipo ang kanilang mga mata. Agad silang nakakita at sumunod sa kanya.
 21:1 ( Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem )[ (Mc. 11:1-11; Lu. 19:28-40; Jn. 12:12-19) ] Malapit na sila sa Jerusalem. Pagdating nila sa Betfage, sa Bundok ng mga Olibo, pinauna ni Jesus ang dalawang alagad.
 21:2 "Sinabi niya sa kanila, 'Pumunta kayo sa susunod na nayon. Makikita ninyo roon ang isang inahing asno na nakatali, kasama ang kanyang bisiro. Kalagin ninyo at dalhin dito."
 21:3 "Kapag may sumita sa inyo, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hindi na kikibo iyon.' "
 21:4 Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng propeta:
 21:5 '"Sabihin ninyo sa lunsod{ a} ng Sion:  Masdan mo, dumarating ang iyong hari,  Siya'y mapagpakumbaba; nakasakay sa isang asno,  Sa isang bisiro, bisiro ng isang asno.' "
 21:6 Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Jesus.
 21:7 Dinala nila ang inahing asno at ang bisiro. Isinapin nila sa likod ng mga ito ang kanilang balabal, at sumakay si Jesus.
 21:8 Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; ang iba nama'y pumutol ng mga sanga ng kahoy at inilatag din sa daan.
 21:9 "Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya: 'Mabuhay ang Anak ni David!{ b} Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!'{ c} "
 21:10 "Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lunsod. 'Sino kaya ito?' tanong nila."
 21:11 '"Si Jesus, ang propetang taga-Nazaret, Galilea,' sagot naman ng karamihan. ( Nilinis ang Templo )[ (Mc. 11:15-19; Lu. 19:45-48; Jn. 2:13-22) ]"
 21:12 Pumasok si Jesus sa templo. Ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagbibili at namimili roon at ipinagtauban ang hapag ng mga mamamalit ng salapi at ang upuan ng mga nagtitinda ng kalapati.
 21:13 "Sinabi niya, 'Nasasaad sa Kasulatan:  'Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.'  Ngunit ginawa ninyong 'pugad ng mga magnanakaw.'' "
 21:14 May mga bulag at mga pilay na lumapit kay Jesus, at kanyang pinagaling.
 21:15 "Nagalit ang mga punong saserdote at ang mga eskriba nang makita ang mga kababalaghang ginawa niya, at ang mga batang sumisigaw sa loob ng templo, 'Mabuhay ang Anak ni David!'"
 21:16 "At sinabi kay Jesus, 'Naririnig mo ba ang sinasabi nila?' 'Naririnig ko,' tugon ni Jesus. 'Hindi pa ba ninyo nababasa ang ganitong pangungusap sa Kasulatan: 'Mula sa bibig ng mga sanggol at mga pasusuhin ay pinapamutawi mo ang wagas na papuri'?'"
 21:17 Umalis si Jesus, at lumabas ng lunsod patungong Betania. Doon siya nagpalipas ng gabi. ( Sinumpa ang Puno ng Igos )[ (Mc. 11:12-14, 20-24) ]
 21:18 Kinaumagahan, habang pabalik si Jesus sa lunsod, siya'y nagutom.
 21:19 "Nakakita siya ng isang puno ng igos sa tabi ng daan, at nilapitan ito. Ngunit wala siyang natagpuan kundi mga dahon. Kaya't sinabi niya sa puno ng igos, 'Hindi ka na mamumunga kailanman!' At pagdaka'y natuyo ito."
 21:20 "Nakita ito ng mga alagad at namangha sila. 'Paanong natuyo agad ang puno ng igos?' tanong nila."
 21:21 "Sumagot si Jesus, 'Tandaan ninyo ito: kung nananalig kayo sa Diyos at hindi nag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan! Kung sabihin ninyo sa bundok na ito, 'Umalis ka riyan; tumalon ka sa dagat,' mangyayari ang inyong sinabi."
 21:22 "At anumang hingin ninyo sa pananalangin ay tatanggapin ninyo, kung nananalig kayo.' ( Pag-aalinlangan sa Karapatan ni Jesus )[ (Mc. 11:27-33; Lu. 20:1-8) ]"
 21:23 "Pumasok si Jesus sa templo. Samantalang nagtuturo siya, lumapit sa kanya ang mga punong saserdote at ang matatanda ng bayan at siya'y tinanong, 'Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?'"
 21:24 "Sumagot si Jesus, 'Tatanungin ko rin kayo. Kapag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito."
 21:25 "Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbautismo---sa Diyos ba o sa tao?' At sila'y nag-usap-usap: 'Kung sabihin nating mula sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, 'Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?'"
 21:26 "Ngunit kung sabihin nating mula sa tao, baka naman kung ano ang gawin sa atin ng bayan, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta.'"
 21:27 "Kaya't sumagot sila kay Jesus, 'Hindi namin alam!' Sinabi niya, 'Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginagawa ko.' ( Ang Talinghaga Tungkol sa Dalawang Anak )"
 21:28 '"Ano ang palagay ninyo rito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, 'Anak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.'"
 21:29 'Ayoko po,' tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya'y naparoon.
 21:30 Lumapit din ang ama sa ikalawa at gayon din ang kanyang sinabi. 'Opo,' tugon nito, ngunit hindi naman naparoon.
 21:31 "Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?' 'Ang nakatatanda po,' sagot nila. Sinabi sa kanila ni Jesus, 'Sinasabi ko sa inyo: ang mga publikano at masasamang babae'y nauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos."
 21:32 "Sapagkat naparito sa inyo si Juan at ipinakilala ang matuwid na pamumuhay, at hindi ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga publikano at ng masasamang babae. Nakita ninyo ito, subalit hindi pa rin kayo nagsisi at naniwala sa kanya.' ( Ang Talinghaga ng Ubasan at mga Kasama )[ (Mc. 12:1-12; Lu. 20:9-19) ]"
 21:33 '"Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito'y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya'y nagtungo sa ibang lupain."
 21:34 Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte.
 21:35 Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo.
 21:36 Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayon din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito.
 21:37 Sa kahuli-huliha'y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. 'Igagalang nila ang aking anak,' wika niya sa sarili.
 21:38 Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila'y nag-usap-usap: 'Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.'
 21:39 Kaya't siya'y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.
 21:40 '"Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon?'"
 21:41 "Sumagot sila, 'Lilipulin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.'"
 21:42 "Tinanong sila ni Jesus, 'Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?  'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay  Ang siyang naging batong panulukan.  Ginawa ito ng Panginoon,  At ito'y kahanga-hanga!' "
 21:43 Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.{ d} [
 21:44 "Ang bumagsak sa batong ito ay magkakadurug-durog, at magkakaluray-luray ang mabagsakan nito.]' "
 21:45 Narinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga talinghaga ni Jesus, at naunawaan nilang sila ang pinatatamaan niya.
 21:46 Dadakpin sana nila siya, ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na propeta si Jesus.
 22:1 ( Ang Talinghaga Tungkol sa Kasalan )[ (Lu. 14:15-24) ] Muling nagsalita sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya,
 22:2 '"Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki."
 22:3 Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo.
 22:4 Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, 'Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!'
 22:5 Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa'y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa.
 22:6 Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay.
 22:7 Galit na galit ang hari. Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lunsod.
 22:8 Sinabi niya sa kanyang mga alipin, 'Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan.
 22:9 Kaya't pumunta kayo sa mga lansangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.'
 22:10 Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masasama't mabubuti, anupat napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.
 22:11 '"Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan."
 22:12 'Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?' tanong niya. Hindi nakaimik ang tao.
 22:13 Kaya't sinabi ng hari sa mga katulong, 'Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.'
 22:14 "Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.' ( Ang Pagbabayad ng Buwis )[ (Mc. 12:13-17; Lu. 20:20-26) ]"
 22:15 Umalis ang mga Pariseo at pinag-usapan kung paano nila masisilo si Jesus sa kanyang pananalita.
 22:16 "Kaya pinapunta nila sa kanya ang ilan sa kanilang mga alagad, kasama ang ilang tauhan ni Herodes. Sinabi nila, 'Guro, nalalaman naming kayo'y tapat, at itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng mga tao. Wala kayong pinangingimian sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa tao."
 22:17 "Ano po ang palagay ninyo? Naaayon ba sa Kautusan na bumuwis sa Cesar, o hindi?'"
 22:18 "Ngunit batid ni Jesus ang kanilang masamang layon kaya't sinabi niya, 'Kayong mapagpaimbabaw! Bakit ibig ninyo akong siluin?"
 22:19 "Akin na ang salaping pambuwis.' At siya'y binigyan nila ng isang denaryo."
 22:20 '"Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?' tanong ni Jesus."
 22:21 '"Sa Cesar po,' tugon nila. At sinabi niya sa kanila, 'Kung gayon, ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.'"
 22:22 Namangha sila nang marinig ito, at sila'y umalis. ( Tungkol sa Muling Pagkabuhay )[ (Mc. 12:18-27; Lu. 20:27-40) ]
 22:23 Nang araw ding yaon ay lumapit kay Jesus ang ilang Saduseo, mga taong naninindigan na hindi muling bubuhayin ang mga patay. Sinabi nila,
 22:24 '"Guro, itinuro po ni Moises na kung mamatay na walang anak ang isang lalaki, ang kanyang kapatid ay dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay."
 22:25 Noon po'y may pitong magkakapatid na lalaki rito sa amin. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak kaya naiwan ang kanyang asawa sa kanyang kapatid.
 22:26 Gayon din ang nangyari sa pangalawa, sa pangatlo hanggang sa pampito.
 22:27 Pagkamatay nilang lahat, namatay naman ang babae.
 22:28 "Ngayon, sino po sa pito ang magiging asawa niya sa muling pagkabuhay, yamang siya'y napangasawa nilang lahat?' "
 22:29 "Sumagot si Jesus, 'Maling-mali kayo, palibhasa'y di ninyo alam ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos."
 22:30 Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila ay magiging tulad ng mga anghel sa langit.
 22:31 Tungkol naman sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan ang sinabi sa inyo ng Diyos? Sinabi niya,
 22:32 "'Ako ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.' Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay.'"
 22:33 At nang marinig ito ng mga tao, namangha sila sa kanyang turo. ( Ang Pinakamahalagang Utos )[ (Mc. 12:28-34; Lu. 10:25-28) ]
 22:34 Nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo.
 22:35 At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito:
 22:36 '"Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?'"
 22:37 "Sumagot si Jesus, 'Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip."
 22:38 Ito ang pinakamahalagang utos.
 22:39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
 22:40 "Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.' ( Ang Tanong ni Jesus Tungkol sa 'Anak ni David' )[ (Mc. 12:35-37; Lu. 20:41-44) ]"
 22:41 Habang nagkakatipon ang mga Pariseo, tinanong sila ni Jesus:
 22:42 '"Ano ang pagkaalam ninyo tungkol sa Mesias? Sino ang may anak sa kanya?' 'Si David po,' sagot nila."
 22:43 '"Kung gayon,' sabi ni Jesus, 'bakit tumawag sa kanya ng Panginoon si David nang kasihan ito ng Espiritu? Ang sabi niya, "
 22:44 '"Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,  Maupo ka sa aking kanan,  Hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.'{ a} "
 22:45 "Ngayon, si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paanong masasabing anak ni David ang Mesias?'"
 22:46 Isa man sa kanila'y walang makasagot at mula noon wala nang nangahas magtanong sa kanya.
 23:1 ( Babala Laban sa mga Eskriba at mga Pariseo )[ (Mc. 12:38-39; Lu. 11:43, 46; 20:45-46) ] Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad,
 23:2 '"Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag{ a} ng Kautusan ni Moises."
 23:3 Kaya't gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral.
 23:4 Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon.
 23:5 Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit.
 23:6 Ang ibig nila'y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga.
 23:7 Ang ibig nila'y pagpugayan sila sa mga liwasang-bayan, at tawaging guro.
 23:8 Ngunit kayo---huwag kayong patawag na guro, sapagkat iisa ang inyong Guro, at kayong lahat ay magkakapatid.
 23:9 At huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit.
 23:10 Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias.
 23:11 Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo.
 23:12 "Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.' ( Tinuligsa ni Jesus ang mga Eskriba at mga Pariseo )[ (Mc. 12:40; Lu. 11:39-42, 44, 52; 20:47) ]"
 23:13 '"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Hinahadlangan ninyo ang mga tao upang hindi sila mapagharian ng Diyos. Ayaw na ninyong pasakop sa paghahari ng Diyos, hinahadlangan pa ninyo ang ibig pasakop! ["
 23:14 '"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Inuubos ninyo ang kabuhayan ng mga babaing balo, at ang sinasangkalan ninyo'y ang pagdarasal nang mahaba! Dahil dito'y lalo pang bibigat ang parusa sa inyo!] "
 23:15 '"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nilalakbay ninyo ang karagatan at ginagalugad ang buong daigdig, makahikayat lamang kayo ng kahit isang Hentil sa pananampalatayang Judio. At kung mahikayat na'y ginagawa ninyong masahol pa kaysa inyo, kaya't nagiging ibayo ang dahilan para siya'y parusahan sa impiyerno. "
 23:16 '"Sa aba ninyo, mga bulag na tagaakay! Itinuturo ninyo na kung ipanumpa ninuman ang templo, walang anuman ito, ngunit kung ang ipanumpa ay ang ginto ng templo, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa."
 23:17 Mga bulag! Mga hangal! Alin ang mas mahalaga, ang ginto o ang templong nagpapabanal sa ginto?
 23:18 Sinasabi rin ninyo na kung ipanumpa ninuman ang dambana, walang anuman ito, ngunit kung ang ipanumpa ay ang handog na nasa dambana, dapat niyang tupdin ang kanyang sumpa.
 23:19 Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga, ang handog o ang dambanang nagpapabanal sa handog?
 23:20 Kaya nga, kapag ipinanumpa ninuman ang dambana, ipinanunumpa niya iyon at ang lahat ng handog na naroon.
 23:21 Kapag ipinanumpa ninuman ang templo, ipinanunumpa niya iyon at ang tumatahan doon.
 23:22 At kapag ipinanumpa ninuman ang langit, ipinanunumpa niya ang trono ng Diyos at ang nakaluklok doon.
 23:23 '"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga{ b} ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyong kaliligtaang gawin ang iba."
 23:24 Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!
 23:25 '"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan, ngunit ang loob nito'y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala."
 23:26 Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!
 23:27 '"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo'y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay."
 23:28 "Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao'y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.' ( Paunang Sinabi ni Jesus ang Magiging Kaparusahan Nila )[ (Lu. 11:47-51) ]"
 23:29 '"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid."
 23:30 At sinasabi ninyo, 'Kung kami sana'y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.'
 23:31 Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo'y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta!
 23:32 Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!
 23:33 Mga ahas! Lahi ng mga ulupong! Hindi kayo makaiiwas na maparusahan sa impiyerno!
 23:34 Kaya nga, magsusugo ako sa inyo ng mga propeta, mga pantas at mga eskriba! Papatayin ninyo ang ilan sa kanila, at ang iba'y ipapako sa krus. Ang iba'y hahagupitin ninyo sa inyong sinagoga at uusigin sa bayan-bayan.
 23:35 Dahil dito, babagsak sa inyo ang parusa sa pagpatay sa lahat ng taong matuwid sa buong sanlibutan, magmula sa pagpatay sa walang salang si Abel hanggang sa pagpatay kay Zacarias na anak ni Baraquias. Pinatay ninyo siya sa pagitan ng dambanang sunugan ng mga handog at ng gusali ng templo.
 23:36 "Sinasabi ko sa inyo: ang parusa dahil sa lahat ng ito ay babagsak sa mga tao sa kasalukuyan.' ( Ang Pag-ibig ni Jesus sa Jerusalem )[ (Lu. 13:34-35) ]"
 23:37 '"Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo sa iyo! Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mga mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw ngunit ayaw ka."
 23:38 Kaya't lubusang pababayaan ang iyong tahanan.
 23:39 "Sinasabi ko sa inyo: hindi na ninyo ako makikita hanggang dumating ang oras na sabihin ninyo, 'Pagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!''"
 24:1 ( Tungkol sa Pagkawasak ng Templo )[ (Mc. 13:1-2; Lu. 21:5-6) ] Lumabas si Jesus sa templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng templo.
 24:2 "Ngunit sinabi niya, 'Nakikita ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!' ( Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating )[ (Mc. 13:3-13; Lu. 21:7-19) ]"
 24:3 "Nasa Bundok ng mga Olibo si Jesus. Samantalang siya'y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad: 'Kailan po ba mangyayari ang mga bagay na ito? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?'{ a} "
 24:4 "Sumagot si Jesus, 'Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninuman!"
 24:5 Sapagkat maraming paririto sa aking pangalan at magsasabi, 'Ako ang Mesias!' At marami silang maililigaw.
 24:6 Makaririnig kayo ng alingawngaw ng labanan at ng mga balita tungkol sa digmaan. Huwag kayong mababagabag. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas.
 24:7 Sapagkat makikibaka ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
 24:8 Ang lahat ng ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap.
 24:9 '"Sa mga panahong iyon, kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, at isasakdal upang pahirapan at patayin."
 24:10 Maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya at mapopoot sa isa't isa. Ipagkakanulo ng isa't isa ang kanyang kapwa.
 24:11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw nila ang marami.
 24:12 Ang kasamaa'y lalaganap anupat manlalamig ang pag-ibig ng marami.
 24:13 Ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ay siyang maliligtas.
 24:14 "At ipangangaral sa buong sanlibutan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ito'y makilala ng lahat ng bansa. Saka darating ang wakas.' ( Ang Kalapastanganang Walang Pangalawa )[ (Mc. 13:14-23; Lu. 21:20-24) ]"
 24:15 '"Makikita ninyong nagaganap sa Banal na Lugar ang Kalapastanganang Walang Pangalawa na tinutukoy ni Propeta Daniel. (Unawain ito ng bumabasa!)"
 24:16 Kapag nangyari na ito, ang mga nasa Judea ay dapat tumakas sa kabundukan.
 24:17 Ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang bumaba upang kumuha ng kahit ano sa kanyang bahay.
 24:18 At ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal.
 24:19 Kawawa ang nagdadalantao at ang nagpapasuso sa mga araw na iyon!
 24:20 Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga.
 24:21 Sapagkat sa panahong iyon, ang mga tao'y magdaranas ng napakalaking kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan.
 24:22 At kung hindi paiikliin ang panahong iyon, walang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, paiikliin ang panahong iyon.
 24:23 '"Kung may magsabi sa inyo, 'Narito ang Mesias!' o 'Nariyan siya!' huwag kayong maniniwala."
 24:24 Sapagkat may mga magpapanggap na Mesias at may mga lilitaw na mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga kagila-gilalas na tanda at mga kababalaghan upang iligaw kung maaari, pati ang mga hinirang ng Diyos.
 24:25 Tandaan ninyo: ipinagpauna ko nang sabihin ito sa inyo.
 24:26 '"Kaya't kung sabihin nila sa inyo, 'Naroon siya sa ilang,' huwag kayong pumaroon. Kung sabihin nila, 'Naroon siya sa silid,' huwag kayong maniniwala."
 24:27 Sapagkat kung gaano kabilis gumuhit ang kidlat mula sa silangan hanggang sa kanluran, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng Tao.
 24:28 '"Kung saan naroon ang bangkay, doon naman magkakatipon ang mga buwitre.' ( Ang Pagparito ng Anak ng Tao )[ (Mc. 13:24-27; Lu. 21:25-28) ]"
 24:29 '"Pagkatapos ng kapighatiang iyon, 'magdidilim ang araw, at hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang kapangyarihan sa kalawakan.'"
 24:30 Pagkatapos ay lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao, at mananangis ang lahat ng bansa. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap, dumarating na may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan.
 24:31 "Sa hudyat ng malakas na tunog ng trompeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na panig ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang, mula sa lahat ng dako.'{ b} ( Ang Aral Mula sa Puno ng Igos )[ (Mc. 13:28-31; Lu. 21:29-33) ]"
 24:32 '"Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos: kapag nananariwa at nagdadahon ang mga sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-araw."
 24:33 Gayon din naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na ang panahon ng pagparito niya---magsisimula na.
 24:34 Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang mga taong nabubuhay ngayon.
 24:35 "Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko'y hindi magkakabula.' ( Walang Taong Nakaaalam ng Araw o Oras na Yaon )[ (Mc. 13:32-37; Lu. 17:26-30, 34-36) ]"
 24:36 '"Ngunit walang nakaaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man---ang Ama lamang ang nakaaalam nito."
 24:37 Ang pagdating ng Anak ng Tao ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. Noon, ang mga tao'y nagsisikain, nagsisiinom at nag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe.
 24:38 (*papuloy)
 24:39 Dumating ang baha nang di nila namalayan at tinangay silang lahat. Gayon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.
 24:40 Sa panahong iyon, may dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.
 24:41 May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa.
 24:42 Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.
 24:43 Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya'y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay.
 24:44 "Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.' ( Ang Tapat at Di-tapat na Alipin )[ (Lu. 12:41-48) ]"
 24:45 '"Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon."
 24:46 Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon sa pagbabalik ng kanyang panginoon!
 24:47 Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian.
 24:48 Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, 'Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,'
 24:49 at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo.
 24:50 Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam.
 24:51 "Buong higpit na parurusahan{ c} siya ng panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.'"
 25:1 ( Ang Talinghaga Tungkol sa Sampung Dalaga ) '"Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos:{ a} may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa'y may dalang ilawan."
 25:2 Ang lima sa kanila'y hangal at ang lima'y matalino.
 25:3 Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis.
 25:4 Subalit ang matatalino'y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan.
 25:5 Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya't inantok silang lahat at nakatulog.
 25:6 '"Ngunit nang hatinggabi na'y may sumigaw: 'Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!'"
 25:7 Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan.
 25:8 Sinabi ng mga hangal sa matatalino, 'Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e.'
 25:9 'Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,' tugon ng matatalino. 'Mabuti pa'y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.'
 25:10 Kaya't lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.
 25:11 '"Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. 'Panginoon, papasukin po ninyo kami!' sigaw nila."
 25:12 Ngunit tumugon siya, 'Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.'
 25:13 "Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.' ( Ang Talinghaga Tungkol sa mga Aliping Pinagkatiwalaan ng Salapi )[ (Lu. 19:11-27) ]"
 25:14 '"Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad dito: May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian."
 25:15 Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan: binigyan niya ang isa ng eso 5,000, ang isa nama'y eso 2,000, at ang isa pa'y eso 1,000.{ b} Pagkatapos, siya'y umalis.
 25:16 Humayo agad ang tumanggap ng eso 5,000 at ipinangalakal iyon. At nagtubo siya ng eso 5,000.
 25:17 Gayon din naman, ang tumanggap ng eso 2,000 ay nagtubo ng eso 2,000.
 25:18 Ngunit ang tumanggap ng eso 1,000 ay humukay sa lupa at itinago ang salapi ng kanyang panginoon.
 25:19 '"Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping iyon at pinapagsulit sila."
 25:20 Lumapit ang tumanggap ng eso 5,000. Wika niya, 'Panginoon, heto po ang eso 5,000 na bigay ninyo sa akin. Heto pa po ang eso 5,000 na tinubo ko.'
 25:21 Sinabi sa kanya ng panginoon, 'Magaling! Tapat at mabuting alipin! Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!'
 25:22 Lumapit din ang tumanggap ng eso 2,000, at ang sabi, 'Panginoon, heto po ang ibinigay ninyong eso 2,000. Heto naman po ang eso 2,000 tinubo ko.'
 25:23 Sinabi ng kanyang panginoon, 'Magaling! Tapat at mabuting alipin! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!'
 25:24 At lumapit naman ang tumanggap ng eso 1,000. 'Alam ko pong kayo'y mahigpit,' aniya. 'Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani sa hindi ninyo hinasikan.
 25:25 Natakot po ako, kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salapi. Heto na po ang eso 1,000 ninyo.'
 25:26 'Masama at tamad na alipin!' tugon ng kanyang panginoon. 'Alam mo palang gumagapas ako sa hindi ko tinamnan at nag-aani sa hindi ko hinasikan!
 25:27 Bakit hindi mo iyan inilagak sa bangko, di sana'y may nakuha akong tubo ngayon?
 25:28 Kunin ninyo sa kanya ang eso 1,000 at ibigay sa may eso 10,000.
 25:29 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.
 25:30 "Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.'' ( Ang Paghuhukom )"
 25:31 '"Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono."
 25:32 Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila'y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing.
 25:33 Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ang mga kambing.
 25:34 At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan.
 25:35 Sapagkat ako'y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy.
 25:36 Ako'y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako'y nabilanggo at inyong pinuntahan.'
 25:37 Sasagot ang mga matuwid, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom?
 25:38 Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y walang maisuot at aming pinaramtan?
 25:39 At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw?'
 25:40 Sasabihin ng Hari, 'Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.'
 25:41 '"At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, 'Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! Kayo'y pasaapoy na di-mamamatay, na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon."
 25:42 Sapagkat ako'y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom.
 25:43 Ako'y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; ako'y nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan. Ako'y may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw.'
 25:44 At sasagot din sila, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran?'
 25:45 At sasabihin sa kanila ng Hari, 'Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.'
 25:46 "Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan.'"
 26:1 ( Ang Balak Laban kay Jesus )[ (Mc. 14:1-2; Lu. 22:1-2; Jn. 11:45-53) ] Matapos ituro ni Jesus ang lahat ng ito, sinabi niya sa kanyang mga alagad,
 26:2 '"Gaya ng alam ninyo, dalawang araw na lang at kapistahan na ng Paskuwa. At ipagkakanulo ang Anak ng Tao upang ipako sa krus.' "
 26:3 Ang mga punong saserdote at ang mga matatanda ng bayan ay nagkakatipon noon sa palasyo ng pinakapunong saserdoteng si Caifas.
 26:4 Binalak nilang lihim na ipadakip si Jesus at ipapatay.
 26:5 "Kaya't sinabi nila, 'Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang mga tao.' ( Binusan ng Pabango si Jesus )[ (Mc. 14:3-9; Jn. 12:1-8) ]"
 26:6 Nasa Betania si Jesus, sa bahay ni Simong ketongin.
 26:7 Samantalang siya'y kumakain, lumapit ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng mamahaling pabango. Ibinuhos niya ito sa ulo ni Jesus.
 26:8 "Nagalit ang mga alagad nang makita ito. 'Ano't inaksaya ang pabango?' tanong nila."
 26:9 '"Naipagbili sana iyon nang mahal at naibigay sa mga dukha ang pinagbilhan!'"
 26:10 "Hindi lingid kay Jesus ang kanilang sinasabi, kaya't ang wika niya, 'Bakit ninyo ginugulo ang babae? Mabuti ang ginawa niyang ito sa akin."
 26:11 Habang panaho'y kasama ninyo ang mga dukha, ngunit ako'y hindi ninyo kasama sa habang panahon.
 26:12 Hindi pa ma'y binusan na niya ako ng pabango bilang paghahanda sa paglilibing sa akin.
 26:13 "Tandaan ninyo: saanman ipangaral ang Mabuting Balita, mababanggit din ang ginawa niyang ito bilang pag-aalaala sa kanya.' ( Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus )[ (Mc. 14:10-11; Lu. 22:3-6) ]"
 26:14 Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote.
 26:15 '"Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus?' tanong niya. Noon din ay binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak."
 26:16 Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus. ( Ang Hapunang Pampaskuwa ni Jesus at ng Kanyang mga Alagad )[ (Mc. 14:12-21; Lu. 22:7-14, 21-23; Jn. 13:21-30) ]
 26:17 "Dumating ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, 'Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?'"
 26:18 "Sumagot siya, 'Pumunta kayo sa lunsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang ipinasasabi ng Guro: 'Malapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad ko'y sa bahay mo kakain ng Hapunang Pampaskuwa.''"
 26:19 Sinunod ng mga alagad ang utos ni Jesus, at inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.
 26:20 Nang gabing yaon, dumulog sa hapag si Jesus, kasama ang labindalawang alagad.
 26:21 "Samantalang sila'y kumakain, nangusap si Jesus, 'Sinasabi ko: isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.'"
 26:22 "Nanlumo ang mga alagad, at isa't isa'y nagtanong sa kanya, 'Ako po ba, Panginoon?'"
 26:23 "Sumagot siya, 'Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin."
 26:24 "Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon.'"
 26:25 "Si Judas, na magkakanulo sa kanya, ay nagtanong din, 'Guro, ako po ba?' Sumagot si Jesus, 'Ikaw na ang nagsabi.' ( Ang Banal na Hapunan )[ (Mc. 14:22-26; Lu. 22:14-20; 1 Cor. 11:23-25) ]"
 26:26 "Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, at matapos magpasalamat sa Diyos, kanyang pinagpira-piraso at ibinigay sa mga alagad. 'Kunin ninyo ito at kanin; ito ang aking katawan,' wika niya."
 26:27 "Hinawakan niya ang saro, nagpasalamat sa Diyos at ibinigay sa kanila. 'Uminom kayong lahat nito,' sabi niya."
 26:28 '"Sapagkat ito ang dugo ng tipan, ang aking dugo na mabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan."
 26:29 "Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako iinom nitong alak na mula sa ubas hanggang sa araw na ang bagong alak ay inumin kong kasalo kayo sa kaharian ng aking Ama.'"
 26:30 At pagkaawit ng isang imno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo. ( Paunang Sinabi ang Pagtatatwa ni Pedro )[ (Mc. 14:27-31; Lu. 22:31-34; Jn. 13:36-38) ]
 26:31 "Sinabi ni Jesus sa kanila, 'Sa gabing ito, ako'y iiwan ninyong lahat, gaya ng nasasaad sa Kasulatan, 'Papatayin ko ang pastol, at mangangalat ang mga tupa.'"
 26:32 "Ngunit pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.'"
 26:33 "Sumagot si Pedro, 'Kahit na po iwan kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwan.'"
 26:34 '"Tandaan mo,' sabi ni Jesus, 'sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok, makaitlo mo akong itatatwa.'"
 26:35 "Ngunit matigas na sinabi ni Pedro, 'Kahit na ako pataying kasama ninyo, hindi ko kayo itatatwa.' Gayon din ang sinabi ng lahat ng alagad. ( Nanalangin si Jesus sa Getsemani )[ (Mc. 14:32-42; Lu. 22:39-46) ]"
 26:36 "At isinama sila ni Jesus sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi niya sa kanyang mga alagad, 'Dito muna kayo; mananalangin ako sa dako roon.'"
 26:37 Ngunit isinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. At nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban.
 26:38 "Sinabi niya sa kanila, 'Ang puso ko'y tigib ng hapis na halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at makipagpuyat sa akin!'"
 26:39 "Pagkalayo nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin: 'Ama ko, kung maaari'y ilayo mo sa akin ang saro ng paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.' "
 26:40 "Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, 'Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man lamang?"
 26:41 "Magpuyat kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit mahina ang laman.' "
 26:42 "Muli siyang lumayo at nanalangin: 'Ama ko, kung hindi maiaalis ang sarong ito nang hindi ko iinumin, mangyari ang iyong kalooban.'"
 26:43 Muli siyang nagbalik at dinatnan na naman niya silang natutulog, sapagkat sila'y antok na antok.
 26:44 Iniwan niya uli ang tatlong alagad at muli siyang nanalangin, at iyon din ang sinabi.
 26:45 "Nagbalik na naman siya sa mga alagad at sinabi sa kanila, 'Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga?{ a} Dumating na ang oras na ipagkakanulo ang Anak ng Tao sa mga makasalanan."
 26:46 "Tayo na! Narito na ang magkakanulo sa akin.' ( Ang Pagdakip kay Jesus )[ (Mc. 14:43-50; Lu. 22:47-53; Jn. 18:3-12) ]"
 26:47 Nagsasalita pa si Jesus nang dumating si Judas, isa sa Labindalawa. May kasama siyang maraming tao na may dalang mga tabak at mga pamalo; galing sila sa mga punong saserdote at sa matatanda ng bayan.
 26:48 "Bago pa sila dumating doon, ibinigay na ng taksil ang ganitong hudyat: 'Ang hagkan ko ang siya nating pakay. Dakpin ninyo agad!'"
 26:49 "Kaya't nilapitan ni Judas si Jesus at binati, 'Magandang gabi po, Guro!' saka hinagkan."
 26:50 "Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Kaibigan, gawin mo na ang sadya mo.'{ b} At nilapitan siya ng mga tao at dinakip."
 26:51 Nagbunot ng tabak ang isa sa mga kasama ni Jesus. Tinaga niya ang alipin ng pinakapunong saserdote, at natigpas ang tainga niyon.
 26:52 "Sinabi ni Jesus, 'Isalong mo ang iyong tabak! Ang gumagamit ng tabak ay sa tabak mamamatay."
 26:53 Hindi mo ba alam na makahihingi ako sa aking Ama nang higit pa sa labindalawang batalyon ng mga anghel at padadalhan niya ako agad?
 26:54 "Ngunit paanong matutupad ang mga Kasulatang nagsasabi na ito'y dapat mangyari?' "
 26:55 "At binalingan niya ang mga tao at sinabi, 'Ako ba'y tulisan at naparito kayong may mga tabak at mga pamalo para dakpin ako? Araw-araw, ako'y nagtuturo sa templo, at hindi ninyo ako dinakip."
 26:56 "Ngunit nangyaring lahat ito upang matupad ang sinulat ng mga propeta.' Tumakas ang mga alagad at iniwan siyang mag-isa. ( Si Jesus sa Harap ng Sanedrin )[ (Mc. 14:53-65; Lu. 22:54-55, 63-71; Jn. 18:13-14, 19-24) ]"
 26:57 Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kanya sa bahay ni Caifas, ang pinakapunong saserdote; doo'y nagkakatipon ang mga eskriba at ang matatanda ng bayan.
 26:58 Sumunod sa kanya si Pedro, ngunit malayo ang agwat nila. Pagdating sa tahanan ng pinakapunong saserdote, pumasok siya sa patyo at naupong kasama ng mga bantay upang makita kung ano ang mangyayari.
 26:59 Naghahanap naman ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin ng saksing magsisinungaling laban kay Jesus, upang maipapatay siya.
 26:60 Ngunit wala silang matagpuan, bagamat maraming humarap at nagsabi ng kabulaanan tungkol sa kanya. Sa wakas, may dalawang humarap
 26:61 "at nagsabi, 'Sinabi ng taong ito na gigibain niya ang templo at muling itatayo sa loob ng tatlong araw.' "
 26:62 "Tumindig ang pinakapunong saserdote at sinabi kay Jesus, 'Wala ka bang maisasagot sa paratang na ito sa iyo?'"
 26:63 "Ngunit hindi umimik si Jesus. At sinabi sa kanya ng pinakapunong saserdote, 'Iniuutos ko sa iyo: sabihin mo sa amin, sa ngalan ng Diyos na buhay, kung ikaw ang Mesias, ang Anak ng Diyos.'"
 26:64 "Sumagot si Jesus, 'Kayo na ang nagsabi. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mula ngayon ay makikita ninyo 'ang Anak ng Taong nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan, at dumarating na nasa alapaap ng langit!''"
 26:65 "Nang marinig ito ng pinakapunong saserdote, winahak niya ang sariling kasuutan at sinabi, 'Ito'y kalapastanganan sa Diyos! Hindi na natin kailangan ang mga saksi. Narinig ninyo ang kanyang paglapastangan sa Diyos!"
 26:66 "Ano sa palagay ninyo?' Sumagot sila, 'Dapat siyang mamatay!' "
 26:67 Siya'y niluran nila sa mukha at pinagsusuntok. Sinampal naman siya ng iba
 26:68 "at ang sabi, 'Cristo, hulaan mo nga kung sino ang sumampal sa iyo!' ( Itinatwa ni Pedro si Jesus )[ (Mc. 14:66-72; Lu. 22:56-62; Jn. 18:15-18, 25-27) ]"
 26:69 "Samantala, si Pedro'y nakaupo sa patyo. Nilapitan siya ng isang alilang babae at ang sabi, 'Kasama ka rin ni Jesus na taga-Galilea, hindi ba?'"
 26:70 "Ngunit itinanggi niya ito sa harapan ng lahat. 'Wala akong nalalaman sa sinasabi mo,' sagot niya."
 26:71 "Pumunta sa may pintuan si Pedro. Nakita siya ng isa pang alilang babae, at sinabi sa mga naroon, 'Ang lalaking ito'y kasama ni Jesus na taga-Nazaret.'"
 26:72 "Muli siyang tumanggi: 'Isinusumpa ko, hindi ko nakikilala ang taong iyan.'"
 26:73 "Mayamaya'y lumapit kay Pedro ang mga naroon. Sinabi nila, 'Isa ka nga sa kanila. Nakikilala sa iyong pagsasalita.'"
 26:74 '"Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan,' sagot ni Pedro. Siya namang pagtilaok ng manok."
 26:75 "At naalaala ni Pedro ang sabi ni Jesus, 'Bago tumilaok ang manok, makaitlo mo akong itatatwa.' Lumabas siya at nanangis nang buong kapaitan."
 27:1 ( Dinala si Jesus kay Pilato )[ (Mc. 15:1; Lu. 23:1-2; Jn. 18:28-32) ] Kinaumagahan, nagpulong ang mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan kung paano maipapapatay si Jesus.
 27:2 Iginapos nila siya at dinala kay Gobernador Pilato. ( Ang Pagkamatay ni Judas )[ (Gw. 1:18-19) ]
 27:3 Nang makita ni Judas na si Jesus ay hinatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong saserdote at sa matatanda ng bayan ang tatlumpung salaping pilak.
 27:4 "Sinabi niya, 'Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang taong walang sala.' 'Ano ang pakialam namin? Bahala ka!' sagot nila."
 27:5 Inihagis ni Judas ang mga salaping pilak sa loob ng templo saka siya umalis at nagbigti.
 27:6 "Pinulot ng mga punong saserdote ang mga salaping pilak. Sinabi nila, 'Labag sa Kautusan na ilagay ang salaping ito sa kabang-yaman ng templo. Ito'y kabayaran sa buhay ng isang tao.'{ a}"
 27:7 Nagkaisa sila na ang salapi ay ibayad sa bukid ng magpapalayok upang gawing libingan ng mga dayuhan.
 27:8 "Kaya ang bukid na iyon ay tinawag na 'Bukid ng Dugo' hanggang sa panahong ito. "
 27:9 "Sa ganitong paraan natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias: 'Kinuha nila ang tatlumpung salaping pilak (ang inihalaga sa kanya ng mga Israelita)"
 27:10 "at ibinayad sa bukid ng magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.' ( Si Jesus sa Harapan ni Pilato )[ (Mc. 15:2-5; Lu. 23:3-5; Jn. 18:33-38) ]"
 27:11 "Iniharap si Jesus sa gobernador. 'Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?' tanong sa kanya ng gobernador. Sumagot si Jesus, 'Kayo na ang nagsasabi.'"
 27:12 Ngunit nang paratangan siya ng mga punong saserdote at ng matatanda ng bayan, hindi na siya sumagot.
 27:13 "Kaya't sinabi sa kanya ni Pilato, 'Hindi mo ba naririnig ang mga ipinararatang nila sa iyo?'"
 27:14 Ngunit hindi sumagot si Jesus gaputok man, kaya't nagtaka ang gobernador. ( Hinatulang Mamatay si Jesus )[ (Mc. 15:6-15; Lu. 23:13-25; Jn. 18:39--19:16) ]
 27:15 Tuwing Pista ng Paskuwa, kinaugalian na ng gobernador ang magpalaya ng isang bilanggo---sinumang mahiling ng taong-bayan.
 27:16 Noon ay may isang kilalang bilanggo na nagngangalang [Jesus] Barrabas.
 27:17 "Kaya't nang magkatipon ang mga tao, tinanong sila ni Pilato, 'Sino ang ibig ninyong palayain ko, si [Jesus] Barrabas o si Jesus na tinatawag na Cristo?'"
 27:18 Alam ni Pilato na inggit ang nag-udyok sa kanila na dalhin sa kanya si Jesus.
 27:19 "Hindi lamang iyan. Samantalang siya'y nakaluklok sa hukuman, nagpasabi sa kanya ang kanyang asawa, 'Huwag kang makialam sa taong iyan na walang kasalanan, sapagkat kagabi'y pinahirapan ako ng aking panaginip tungkol sa kanya.' "
 27:20 Ang mga tao nama'y sinulsulan ng mga punong saserdote at ng matatanda ng bayan na hilingin kay Pilato na si Barrabas ang palayain, at si Jesus ay ipapatay.
 27:21 "Muli silang tinanong ng gobernador, 'Sino sa dalawa ang ibig ninyong palayain ko?' 'Si Barrabas po!' sagot nila."
 27:22 "Sinabi sa kanila ni Pilato, 'Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?' Sumagot ang lahat, 'Ipako sa krus!'"
 27:23 '"Bakit, anong masama ang ginawa niya?' tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, 'Ipako sa krus!'"
 27:24 "Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at malamang pang magkagulo ang mga tao, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harapan ng mga tao. 'Wala akong pananagutan sa kamatayan ng taong ito. Bahala kayo!' sabi ni Pilato."
 27:25 "Sumagot ang mga tao, 'Pinananagutan namin at ng aming mga anak ang pagkamatay niya!'{ b}"
 27:26 At pinalaya niya si Barrabas, ngunit ipinahagupit si Jesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus. ( Nilibak ng mga Kawal si Jesus )[ (Mc. 15:16-20; Jn. 19:2-3) ]
 27:27 Si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya.
 27:28 Hinubaran nila siya at sinuutan ng isang balabal na pulang-pula.
 27:29 "Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinapaghawak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: 'Mabuhay ang Hari ng mga Judio!'"
 27:30 Siya'y pinaglulurhan; kinuha nila ang tambo at siya'y pinaghahampas sa ulo.
 27:31 At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus. ( Ipinako si Jesus sa Krus )[ (Mc. 15:21-32; Lu. 23:26-43; Jn. 19:17-27) ]
 27:32 Paglabas nila ng lunsod, kanilang nakita ang isang lalaking nagngangalang Simon, isang taga-Cirene. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus.
 27:33 Pagdating sa lugar na tinatawag na Golgota (na nangangahulugang Pook ng Bungo),
 27:34 binigyan nila si Jesus ng alak na hinaluan ng apdo. Ngunit nang matikman niya ay hindi ininom.
 27:35 Nang maipako na siya sa krus, pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit matapos magsapalaran.
 27:36 At naupo sila upang siya'y bantayan.
 27:37 "Nakasulat sa kanyang ulunan ang sakdal laban sa kanya: 'Ito'y si Jesus, ang Hari ng mga Judio.'"
 27:38 Dalawang tulisan ang kasabay niyang ipinako sa krus---isa sa kanan at isa sa kaliwa.
 27:39 Nilibak siya ng mga nagdaraan, at tatangu-tango pang
 27:40 "sinabi, 'Di ba ikaw ang gigiba ng templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw?' Iligtas mo ngayon ang iyong sarili! Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!'"
 27:41 Kinutya rin siya ng mga punong saserdote, ng mga eskriba at ng matatanda ng bayan. Sabi nila,
 27:42 '"Iniligtas ang iba ngunit ang sarili'y di mailigtas! Di ba siya ang Hari ng Israel? Bumaba lang siya ngayon sa krus, maniniwala kami sa kanya!"
 27:43 "Nananalig siya sa Diyos, at sinasabi niyang siya ang Anak ng Diyos. Iligtas siya ng Diyos kung talagang iniibig siya!'"
 27:44 At inalipusta rin siya ng mga tulisang ipinakong kasabay niya. ( Ang Pagkamatay ni Jesus )[ (Mc. 15:33-41; Lu. 23:44-49; Jn. 19:28-30) ]
 27:45 Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain.
 27:46 "Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, 'Eli, Eli, lama sabachthani?' ibig sabihi'y 'Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?'"
 27:47 "Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon, at sinabi nila, 'Tinatawag niya si Elias!'"
 27:48 Agad tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng espongha, tinigmak ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang tambo at ipinasipsip kay Jesus.
 27:49 "Ngunit sinabi naman ng iba, 'Hintay muna, tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya!'"
 27:50 Muling sumigaw si Jesus at nalagutan ng hininga.
 27:51 Biglang napunit sa gitna ang tabing ng templo, mula sa itaas hanggang sa ibaba. Nayanig ang lupa, nagbitak ang mga bato,
 27:52 nabuksan ang mga libingan, at nabuhay ang maraming banal na namatay na.
 27:53 Lumabas sila ng libingan, at nang muling mabuhay si Jesus, sila'y pumasok sa Banal na Lunsod at nakita roon ng marami.
 27:54 "Nasindak ang kapitan at ang mga kawal na nagbabantay kay Jesus nang maramdaman nila ang lindol at masaksihan ang lahat ng nangyari. 'Tunay na ito'y Anak ng Diyos!' sabi nila. "
 27:55 Naroon din ang maraming babaing nakatanaw mula sa malayo. Mula pa sa Galilea'y sumusunod na sila kay Jesus at naglilingkod sa kanya.
 27:56 Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago at ni Jose, at ang asawa ni Zebedeo. ( Ang Paglilibing kay Jesus )[ (Mc. 15:42-47; Lu. 23:50-56; Jn. 19:38-42) ]
 27:57 Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-Arimatea, na ang ngala'y Jose. Siya'y alagad din ni Jesus.
 27:58 Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya.
 27:59 Kaya't kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong lino.
 27:60 Inilagay niya ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka umalis.
 27:61 Naroon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria, na nakaupo sa tapat ng libingan. ( Ang mga Bantay sa Libingan )
 27:62 Kinabukasan, alalaong baga'y pagkatapos ng Araw ng Paghahanda, sama-samang nagpunta kay Pilato ang mga punong saserdote at ang mga Pariseo.
 27:63 "Sinabi nila, 'Naalaala po namin na sinabi ng mapagpanggap na iyon noong nabubuhay pa, na siya'y muling mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw."
 27:64 "Pabantayan nga po ninyong mabuti ang libingan hanggang sa ikatlong araw. Baka pumaroon ang kanyang mga alagad at nakawin ang bangkay, at sabihin sa mga tao na siya'y muling nabuhay. At ang pandarayang ito ay magiging masahol pa sa nauna.'"
 27:65 "Sinabi sa kanila ni Pilato, 'Kumuha kayo ng mga kawal at pabantayang mabuti ang libingan.'"
 27:66 Kaya't pumaroon sila at nilagyan ng tatak ang bato at pinabantayan ang libingan upang matiyak nilang di ito pakikialaman ninuman.
 28:1 ( Muling Nabuhay si Jesus )[ (Mc. 16:1-10; Lu. 24:1-12; Jn. 20:1-10) ] Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Jesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria.
 28:2 Biglang lumindol nang malakas. Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon.
 28:3 Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit.
 28:4 Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang animo'y patay nang makita ang anghel.
 28:5 "Ngunit sinabi nito sa mga babae, 'Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus."
 28:6 Wala na siya rito, sapagkat siya'y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.
 28:7 "Lumakad na kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay at mauuna sa Galilea. Makikita ninyo siya roon! Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo.'"
 28:8 At dali-dali silang umalis ng libingan. Pinagharian sila ng magkahalong takot at galak. At patakbong nagpunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.
 28:9 Ngunit sinalubong sila ni Jesus at binati. At lumapit sila, niyakap ang kanyang paa at sinamba siya.
 28:10 "Sinabi sa kanila ni Jesus, 'Huwag kayong matakot! Humayo kayo at sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!' ( Ang Ulat ng mga Bantay )"
 28:11 Pagkaalis ng mga babae, pumunta naman sa lunsod ang ilan sa mga kawal na nagbabantay sa libingan at ibinalita sa mga punong saserdote ang lahat ng nangyari.
 28:12 Nagtipun-tipon ang mga ito at matapos makipagpulong sa matatanda ng bayan, sinuhulan nang malaki ang mga kawal.
 28:13 "At inutusan sila na ganito ang ipamalita, 'Samantalang natutulog kami kagabi, naparito ang kanyang mga alagad at ninakaw ang bangkay.'"
 28:14 "Sinabi pa nila, 'Huwag kayong mag-alaala, makarating man ito sa gobernador. Kami ang bahala!'"
 28:15 Tinanggap ng mga bantay ang salapi at ginawa ang bilin sa kanila. Hanggang ngayon, ito pa rin ang sabi-sabi ng mga Judio. ( Sinugo ni Jesus ang Labing-isang Alagad )[ (Mc. 16:14-18; Lu. 24:36-49; Jn. 20:19-23; Gw. 1:6-8) ]
 28:16 Ang labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Jesus.
 28:17 Nang makita nila si Jesus, siya'y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan.
 28:18 "Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, 'Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa."
 28:19 Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo,
 28:20 "at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.'{ a}"

다음검색
현재 게시글 추가 기능 열기

댓글

댓글 리스트
  • 작성자물댄동산 | 작성시간 23.03.09 이 성경 버전은 무엇인가요? 마간당발리따 버전인가요?
댓글 전체보기
맨위로

카페 검색

카페 검색어 입력폼