04. Mga Bilang
1:1 ( Ang Unang Pagsesenso sa Israel ) Nakalipas ang dalawang taon mula nang umalis sa Egipto ang sambayanang Israel. Nang unang araw ng ika-2 buwan, si Moises ay kinausap ni Yahweh sa Toldang Tipanan sa ilang ng Sinai. Ang sabi ni Yahweh,
1:2 '"Gumawa ka ng talaan ng buong Israel ayon sa kani-kanilang lipi. Itala mo ang lahat ng lalaki"
1:3 mula sa gulang na dalawampu pataas, lahat ng may sapat na gulang upang mapabilang sa hukbo. Patulong ka kay Aaron
1:4 at sa puno ng bawat sambahayan.
1:5 Ang mga ito ang kakatulungin mo: si Elizur na anak ni Sedeur sa lipi ni Ruben;
1:6 si Selumiel na anak ni Zurisadai sa lipi ni Simeon;
1:7 si Naason na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda;
1:8 si Natanael na anak ni Zuar sa lipi ni Isacar;
1:9 at si Eliab na anak ni Helon sa lipi ni Zabulon.
1:10 Sa mga anak ni Jose ay ito ang kunin mo: si Elisama na anak ni Amiud sa lipi ni Efraim, at si Gamaliel na anak ni Pedazur sa lipi ni Manases.
1:11 Sa lipi naman ni Benjamin ay si Abidan na anak ni Gedeoni;
1:12 sa lipi ni Dan ay si Ahiezer na anak ni Amisadai;
1:13 sa lipi ni Aser ay si Pagiel na anak ni Ocran;
1:14 sa lipi ni Gad ay si Eliasaf na anak ni Deuel;
1:15 "at sa lipi ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan.'"
1:16 Sila ang napiling pinuno, at kinatawan ng kani-kanilang lipi.
1:17 Ang mga taong nabanggit ay isinama nina Moises at Aaron,
1:18 at noong unang araw ng ika-2 buwan, tinipon nila ang lahat ng Israelita. Itinala nila ang lahat ng lalaki mula sa gulang na dalawampu pataas, ayon sa kani-kanilang lipi.
1:19 Ginawa nila ito sa ilang ng Sinai, ayon sa utos ni Yahweh. Ito ang kanilang naitala:
1:20 Sa lipi ni Ruben na panganay ni Israel
1:21 ay 46,500.
1:22 Sa lipi ni Simeon
1:23 ay 59,300.
1:24 Sa lipi ni Gad
1:25 ay 45,650.
1:26 Sa lipi ni Juda
1:27 ay 74,600.
1:28 Sa lipi ni Isacar
1:29 ay 54,400.
1:30 Sa lipi ni Zabulon
1:31 ay 57,400.
1:32 Sa lipi ni Efraim
1:33 ay 40,500.
1:34 Sa lipi ni Manases
1:35 ay 32,200.
1:36 Sa lipi ni Benjamin
1:37 ay 35,400.
1:38 Sa lipi ni Dan
1:39 ay 62,700.
1:40 Sa lipi ni Aser
1:41 ay 41,500.
1:42 Sa lipi ni Neftali
1:43 ay 53,400.
1:44 Lahat ng lalaki sa Israel mula sa dalawampung taon pataas ay itinala nga nina Moises at Aaron sa tulong ng mga pinuno ng bawat lipi.
1:45 (*papuloy)
1:46 At ang kabuuan ay 603,550. ( Ang Paghirang sa mga Levita )
1:47 Ang mga Levita ay hindi kabilang sa sensong ito
1:48 pagkat ganito ang bilin ni Yahweh kay Moises:
1:49 '"Huwag mong isasama sa senso ng Israel ang mga Levita pagkat"
1:50 sila ang itatalaga mo sa paglilingkod sa Toldang Tipanan. Sila lamang ang makapagtatayo ng kanilang tolda sa paligid ng Toldang Tipanan at sila ang bubuhat nito.
1:51 Kung kailangang tanggalin ang Toldang Tipanan, sila ang tatanggal at kung kailangang itayo uli, sila rin ang magtatayo. At sinumang lumapit sa Toldang Tipanan liban sa kanila ay mamamatay.
1:52 Ang mga lipi ng Israel ay magtatayo ng kanya-kanyang tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat.
1:53 "Ang mga Levita naman ay magtatayo ng kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan para walang ibang makalapit dito, pagkat kapag may ibang lumapit dito, tiyak na parurusahan ko ang buong Israel. Ang mga Levita nga ang mangangalaga sa Toldang Tipanan.'"
1:54 Ang mga utos na ito ni Yahweh ay sinunod naman ng mga Israelita.
2:1 ( Ang Kampamento at ang Pinuno ng Bawat Lipi ) Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
2:2 '"Ang mga Israelita'y magtatayo ng kanilang tolda sa paligid ng Toldang Tipanan sa labas ng hanay ng mga Levita, at bawat pangkat ay sama-sama sa ilalim ng kanilang bandila."
2:3 Sa gawing silangan lalagay ang pangkat ng mga lipi nina Juda, Isacar at Zabulon. Si Naason na anak ni Aminadab ang mamumuno sa lipi ni Juda
2:4 na binubuo ng 74,600.
2:5 Si Natanael naman na anak ni Zuar ang mamumuno sa lipi ni Isacar
2:6 na binubuo ng 54,400;
2:7 si Eliab na anak ni Helon ang mamumuno sa lipi ni Zabulon
2:8 na binubuo ng 57,400.
2:9 Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 186,400. Sila ang mauuna sa bawat paglakad.
2:10 '"Sa gawing timog lalagay ang pangkat ng mga lipi nina Ruben, Simeon at Gad. Si Elizur na anak ni Sedeur ang mamumuno sa lipi ni Ruben"
2:11 na binubuo ng 46,500 katao.
2:12 Si Selumiel na anak ni Zurisadai ang mamumuno sa lipi ni Simeon
2:13 na binubuo ng 59,300.
2:14 Si Eliasaf naman na anak ni Deuel ang mamumuno sa lipi ni Gad
2:15 na binubuo ng 45,650.
2:16 Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 151,450. Ang pangkat na ito ang susunod sa pangkat na pangungunahan ng lipi ni Juda.
2:17 '"Maging sa paglilipat ng Toldang Tipanan, ang pangkat ng mga Levita ay mananatili sa gitna ng ibang mga pangkat. Sa pagpapatuloy ng paglalakbay, mananatili ang bawat pangkat sa dating ayos sa ilalim ng kani-kanilang watawat. "
2:18 '"Sa gawing kanluran lalagay ang pangkat ng mga lipi nina Efraim, Manases at Benjamin. Si Elisama na anak ni Amiud ang mamumuno sa lipi ni Efraim na binubuo"
2:19 ng 40,500.
2:20 Si Gamaliel na anak ni Pedazur ang mamumuno sa lipi ni Manases
2:21 na binubuo ng 32,200.
2:22 Si Abidan namang anak ni Gedeoni ang mamumuno sa lipi ni Benjamin
2:23 na binubuo ng 35,400.
2:24 Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 108,100. Sila ang pangatlo sa hanay.
2:25 '"Sa gawing hilaga naman lalagay ang pangkat ng mga lipi nina Dan, Aser at Neftali. Si Ahiezer na anak ni Amisadai ang mamumuno sa lipi ni Dan"
2:26 na binubuo ng 62,700.
2:27 Si Pagiel na anak ni Ocran ang mamumuno sa lipi ni Aser
2:28 na binubuo ng 41,500.
2:29 Si Ahira na anak naman ni Enan ang mamumuno sa lipi ni Neftali
2:30 na binubuo ng 53,400.
2:31 "Ang pangkat na ito ay umaabot sa 157,600. Sila ang kahuli-hulihan sa hanay ng mga kawal.' "
2:32 Iyon ang bilang ng mga Israelita ayon sa kani-kanilang lipi. Lahat-lahat ay umabot sa 603,550.
2:33 Hindi kabilang dito ang mga Levita, pagkat ipinagbilin ni Yahweh kay Moises na huwag isasama sa senso ang mga ito.
2:34 Ang lahat ay ginawa ng mga Israelita ayon sa utos ni Yahweh. Nagtayo sila ng tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat, at pangkat-pangkat na nagpatuloy sa paglalakbay.
3:1 ( Ang Tungkulin ng mga Levita ) Ito naman ang lahi nina Aaron at Moises nang kausapin siya ni Yahweh sa Bundok ng Sinai.
3:2 Ang mga anak ni Aaron ay si Nadab na siyang panganay at sina Abiu, Eleazar at Itamar.
3:3 Sila ang mga itinalagang saserdote sa Toldang Tipanan.
3:4 Ngunit sina Nadab at Abiu ay namatay sa harap ng altar sa Bundok ng Sinai nang magsunog sila ng handog kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy na hindi itinalaga para roon. Wala silang anak kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang saserdote habang nabubuhay ang kanilang ama.
3:5 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
3:6 '"Tipunin mo ang lipi ni Levi at italagang katulong ni Aaron."
3:7 Tutulungan nila si Aaron sa mga gawain sa Toldang Tipanan at ang mga mamamayan sa kanilang paghahandog.
3:8 Sila ang mangangasiwa sa mga kagamitan sa loob ng Toldang Tipanan at sila rin ang tutulong sa mga Israelita sa kanilang pagsamba.
3:9 Ang mga Levita'y gawin mo ngang tanging katulong ni Aaron at ng kanyang mga anak sa gawain nila sa Toldang Tipanan.
3:10 "Si Aaron naman at ang kanyang mga anak ay itatalaga mo bilang saserdote at sila lamang ang gaganap ng mga gawaing kaugnay nito. Sinumang hindi mula sa lipi ni Aaron na gumanap ng tungkulin ng saserdote ay papatayin.' "
3:11 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
3:12 '"Ang mga Levita'y pinili ko bilang kapalit ng mga panganay na lalaki, kaya sila'y para sa akin."
3:13 "Akin ang lahat ng panganay pagkat nang lipulin ko ang lahat ng panganay ng Egipto, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay, maging tao, maging hayop. Kaya, sila ay akin, ako si Yahweh.' "
3:14 Sinabi noon ni Yahweh kay Moises sa ilang ng Sinai,
3:15 '"Lahat ng lalaki sa lipi ni Levi, mula sa gulang na isang buwan pataas ay itala mo ayon sa kani-kanilang sambahayan.'"
3:16 Kaya, ang lipi ni Levi ay itinala ni Moises ayon sa utos sa kanya ni Yahweh.
3:17 Ito ang mga anak ni Levi: sina Gerson, Coat at Merari.
3:18 Ang mga anak naman ni Gerson ay sina Libni at Simei.
3:19 Ang mga anak ni Coat ay sina Amram, Izhar, Hebron at Uziel.
3:20 Ang mga anak naman ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ito ang talaan ng lipi ni Levi ayon sa kani-kanilang sambahayan.
3:21 Ang angkan ni Gerson na binubuo ng mga sambahayan nina Libni at Simei,
3:22 ay umabot sa 7,500 ang may edad na isang buwan pataas.
3:23 Sila'y sa gawing kanluran, sa likod ng Toldang Tipanan, nagtayo ng kanilang tolda,
3:24 at ang pinakapuno nila ay si Eliasaf na anak ni Lael.
3:25 Sila ang mangangasiwa sa kaayusan ng Toldang Tipanan,
3:26 sa bubong at sa tali nito, sa mga kurtina sa pinto at sa patyo sa paligid, at ng altar.
3:27 Ang angkan ni Coat ay binubuo ng mga sambahayan nina Amram, Izhar, Hebron at Uziel
3:28 at umabot sa 8,600.
3:29 Sila ay sa gawing timog
3:30 at pamumunuan ni Elizafan na anak ni Uziel.
3:31 Sila naman ang mangangalaga sa Kaban ng Tipan, sa mesang lalagyan ng handog, sa ilawan, sa mga altar, sa kagamitan ng mga saserdote at sa mga tabing.
3:32 Si Eleazar na anak ni Aaron ang magiging pinuno ng mga Levita at mamamahala sa mga katulong sa paglilingkod sa Toldang Tipanan.
3:33 Ang angkan ni Merari ay binubuo ng mga sambahayan nina Mahali at Musi
3:34 at umabot sa 6,200.
3:35 Ang pinuno nila ay si Zuriel na anak ni Abihail, at ang lugar na ibinigay sa kanila ay ang gawing hilaga.
3:36 Sila ang mamamahala sa mga gamit sa Toldang Tipanan tulad ng bastidor, trabisanyo, tukod, patungan ng mga tukod at lahat ng kawit na gamit dito.
3:37 Sila rin ang mangangasiwa sa mga poste, sa patungan ng mga poste, sa mga tulos at mga panali sa patyong panlabas.
3:38 Sa gawing silangan, sa harap ng Toldang Tipanan, ang magtatayo ng tolda ay sina Moises at Aaron at ang mga anak nito. Ang tungkulin nila ay sa loob ng Toldang Tipanan; gawin ang anumang kailangang gawin para sa Israel o paglilingkod para sa mga Israelita. Sinumang lumapit sa Dakong Banal liban sa kanila ay papatayin.
3:39 Lahat-lahat ng mga Levita na naitala nina Moises at Aaron ayon sa utos ni Yahweh ay 22,000. ( Ang Pagtubos sa mga Panganay )
3:40 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Itala mo ang pangalan ng mga panganay na lalaki sa buong Israel, mula sa edad na isang buwan pataas."
3:41 "Ibubukod mo ang mga Levita para sa akin, bilang kapalit ng mga panganay na lalaki ng buong sambayanan. Ibubukod mo rin ang mga hayop ng mga Levita bilang kapalit ng panganay ng mga hayop ng buong sambayanan.'"
3:42 At itinala nga ni Moises ang lahat ng panganay na lalaki sa Israel ayon sa utos sa kanya ni Yahweh.
3:43 Ang naitala niya'y umabot sa 22,273.
3:44 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
3:45 '"Italaga mo sa akin ang mga Levita bilang kapalit ng mga panganay na lalaki ng Israel, at ang hayop ng mga Levita bilang kapalit ng mga panganay ng mga hayop ng mga Israelita. Ang mga Levita ay para sa akin."
3:46 Ang panganay ng mga Israelita ay marami ng 273 kaysa mga lalaking Levita. Kaya't ang labis na ito ay ipatutubos mo
3:47 ng limang pirasong pilak bawat isa.
3:48 "Lahat ng perang makukuha mo ay ibibigay kay Aaron at sa kanyang mga anak.'"
3:49 Kinuha nga ni Moises ang pantubos sa mga panganay ng mga Israelita na humigit sa bilang ng mga Levita.
3:50 Lahat-lahat, ang nalikom niya ay umabot sa 1,365 pirasong pilak.
3:51 Ang lahat ng ito'y ibinigay ni Moises kay Aaron at sa mga anak nito bilang pagsunod sa utos ni Yahweh.
4:1 ( Ang Tungkulin ng mga Levitang Mula sa Lahi ni Coat ) Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
4:2 '"Itala ninyo ang angkan ni Coat ayon sa kani-kanilang sambahayan."
4:3 Ibukod ninyo ang lahat ng makapaglilingkod sa Toldang Tipanan, yaong mula sa edad na tatlumpu hanggang limampung taon.
4:4 Sila ang magdadala ng mga bagay na lalong banal.
4:5 '"Kung ang mga Israelita'y aalis sa lugar na kanilang pinagkakampuhan, si Aaron at ang kanyang mga anak ang magtatanggal sa mga tabing ng Toldang Tipanan at ibabalot ito sa Kaban ng Tipan."
4:6 Pagkatapos, papatungan ito ng balat ng kambing, at babalutin ng telang asul saka isusuot ang mga pasanan sa mga argolya nito.
4:7 '"Ang mesang lalagyan ng handog na tinapay ay lalatagan naman ng asul na damit, saka ipapatong sa ibabaw nito ang mga plato, mga insensaryo, mangkok at mga pitsel. Hindi na aalisin ang tinapay na handog na naroroon."
4:8 Pagkatapos, tatakpan ang lahat ng ito ng damit na pula at ng balat ng kambing, saka isusuot sa mga argolya ang mga pasanan.
4:9 '"Ang ilawan pati ang mga ilaw, pang-ipit, sisidlan ng abo at ang mga sisidlan ng langis ay babalutin din ng telang asul"
4:10 at ng balat ng kambing, kasama ang lahat ng kagamitan at saka ilalagay sa sisidlan.
4:11 '"Ang altar na ginto ay tatakpan din ng asul na damit, at babalutin ng balat ng kambing saka isusuot sa mga argolya ang mga pasanan nito."
4:12 Ang iba pang kagamitan sa Toldang Tipanan ay babalutin ng telang asul saka tatakpan ng balat ng kambing, at ilalagay sa sisidlan.
4:13 Ang abo sa altar ay aalisin bago ito takpan ng damit na purpura.
4:14 Pagkatapos, ipapatong dito ang mga kagamitan sa altar tulad ng kawali, panusok, pala at palanggana. Tatakpan ito ng balat ng kambing saka isusuot sa argolya ang mga pasanan nito.
4:15 "Pag ang Toldang Tipanan at ang lahat ng kagamitan dito'y nabalot na nina Aaron at ng kanyang mga anak, ang lahat ng ito'y dadalhin ng mga anak ni Coat. Ngunit huwag nilang sasalingin ang altar pagkat mamamatay ang sinumang humipo ng mga sagradong kagamitang ito. 'Ito nga ang mga pananagutan ng mga anak ni Coat tuwing ililipat ang Toldang Tipanan. "
4:16 '"Si Eleazar na anak ni Aaron ang mangangalaga sa langis para sa ilawan, sa kamanyang, sa karaniwang handog na pagkain at sa langis na pantalaga. Siya rin ang mamamahala sa buong Toldang Tipanan at sa lahat ng kagamitan dito.' "
4:17 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
4:18 '"Huwag ninyong pababayaang mapahamak ang sambahayan ni Coat"
4:19 sa paglapit nila sa mga sagradong kasangkapan. Para hindi sila mamatay, ituturo sa kanila ni Aaron at ng mga anak nito kung ano ang dapat nilang dalhin at kung ano ang dapat nilang gawin.
4:20 "Ngunit huwag nilang sisilipin man lamang ang mga sagradong bagay pagkat tiyak na mamamatay sila sa sandaling tingnan nila iyon.' ( Tungkulin ng mga Levitang Mula sa Lahi ni Gerson )"
4:21 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
4:22 '"Itala mo rin ang mga anak ni Gerson ayon sa kani-kanilang sambahayan."
4:23 Ang itatala mo lamang ay ang lahat ng maaaring maglingkod sa Toldang Tipanan, mula sa edad na tatlumpu hanggang limampu.
4:24 Ito ang tungkuling ibibigay mo sa kanila:
4:25 Dadalhin nila ang mga kayong asul at kayong habi sa balahibo ng kambing, at mga mainam na balat na itinatakip sa Toldang Tipanan, at ang tabing sa pintuan nito;
4:26 ang mga tali at kayong nakabakod sa patyo sa paligid ng Toldang Tipanan at ng dambana, ang tabing sa pasukan ng patyo, at ang lahat ng kagamitang kasama nito. Sila rin ang gaganap ng lahat ng gawaing kaugnay ng mga bagay na ito.
4:27 Ang lahat ng gagawin ng sambahayan ni Gerson ay pamamahalaan ni Aaron at ng kanyang mga anak. Ikaw ang magtatakda ng dapat nilang gawin.
4:28 Ito nga ang magiging gawain ng mga anak ni Gerson sa pangangasiwa ni Itamar na anak ni Aaron. ( Tungkulin ng mga Levitang Mula sa Lahi ni Merari )
4:29 '"Itala mo rin ang mga anak ni Merari ayon sa sambahayan nilang kinabibilangan,"
4:30 mula sa tatlumpu hanggang limampung taon, lahat ng makapaglilingkod sa Toldang Tipanan.
4:31 Ito naman ang ipadadala sa kanila bilang paglilingkod nila sa Toldang Tipanan: ang mga bastidor, mga pahalang at mga poste ng tolda, at ang mga patungan ng poste,
4:32 ang mga poste ng tabing sa paligid ng patyo, pati mga patungan niyon, mga tulos, mga tali at ang lahat ng kagamitang kasama ng mga ito. Sasabihin mo sa kanila kung anu-ano ang kanilang dadalhin.
4:33 "Ito ang ipagagawa mo sa mga anak ni Merari sa pangangasiwa ni Itamar.' ( Ang Talaan ng mga Levita )"
4:34 Ang mga anak ni Coat ay itinala nga nina Moises at Aaron sa tulong ng mga lider ng Israel.
4:35 Ang naitala nila na makapaglilingkod sa Toldang Tipanan, mula sa tatlumpu hanggang limampung taon,
4:36 ayon sa kani-kanilang sambahayan ay umabot sa 2,750.
4:37 Ito ang bilang ng mga anak ni Coat na naitala nina Moises at Aaron bilang pag-alinsunod sa utos ni Yahweh, at ang mga ito ay kinatulong sa paglilingkod sa Toldang Tipanan.
4:38 Ang bilang ng mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang sambahayan,
4:39 mula sa tatlumpung taon hanggang limampu, samakatwid ay ang lahat ng maaaring makatulong sa mga gawain sa Toldang Tipanan
4:40 ay 2,630.
4:41 Ito ang bilang ng mga anak ni Gerson na naitala nina Moises at Aaron bilang pag-alinsunod sa utos ni Yahweh. Ang mga ito ay kinatulong sa paglilingkod sa Toldang Tipanan.
4:42 Ang bilang naman ng mga anak ni Merari, ayon sa kanilang sambahayan,
4:43 mula sa tatlumpung taon hanggang limampu, samakatwid ay yaong maaaring makatulong sa gawain sa Toldang Tipanan
4:44 ay 3,200.
4:45 Ito ang bilang ng mga anak ni Merari na naitala nina Moises at Aaron ayon sa kani-kanilang sambahayan, bilang pagsunod sa utos ni Yahweh.
4:46 Itinala nga nina Moises at Aaron sa tulong ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng Levitang
4:47 makakatulong sa mga gawain sa Toldang Tipanan, samakatwid ay may edad na tatlumpu hanggang limampung taon.
4:48 Lahat-lahat, ang bilang nila'y umabot sa 8,580.
4:49 Ginawa ito ni Moises ayon sa utos ni Yahweh at sila'y itinalaga niya sa kani-kanilang gawain.
5:1 ( Ang mga Itinuturing na Marumi ) Sinabi ni Yahweh kay Moises,
5:2 '"Ipaalis mo sa kampamento ng Israel ang lahat ng may ketong, ang mga dinudugo at ang lahat ng naging marumi ayon sa tuntunin, pati ang mga napadaiti sa patay."
5:3 "Wala kayong itatangi maging babae, maging lalaki. Lahat ay ilalabas sa kampamento para hindi marumihan ito.'"
5:4 Tulad ng utos ni Yahweh kay Moises, lahat ng may ketong, dinudugo at naging marumi dahil sa pagkadaiti sa patay ay pinalabas nila sa kampamento. ( Ang Pagbabayad sa Nagawang Masama )
5:5 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
5:6 '"Sabihin mo ito sa mga Israelita: Sinumang gumawa ng hindi mabuti sa kanyang kapwa, maging lalaki o babae, ay lumalabag sa kalooban ni Yahweh at dahil dito, nagkasala siya."
5:7 Ang kasalanang ginawa niya ay kanyang kikilalanin, pagbabayaran nang buo at papatungan pa ng katumbas ng ika-5 bahagi nito. Ito'y ibibigay niya sa ginawan niya ng masama o sa pinakamalapit na kamag-anak nito.
5:8 Kung wala itong malapit na kamag-anak, ang ibabayad ay ihahandog kay Yahweh at mauuwi sa mga saserdote, bukod sa tupang ibibigay ng nagkasala upang ihandog bilang pantubos sa kanyang kasalanan.
5:9 Lahat ng tanging handog ng mga Israelita para kay Yahweh ay mauuwi sa saserdoteng tumanggap niyon.
5:10 "Kukunin ng bawat saserdote ang handog na ibinigay sa kanya.' ( Ang Tuntunin Tungkol sa Panibugho )"
5:11 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
5:12 '"Ito ang sabihin mo sa mga Israelita: Kung ang isang babae'y nagtaksil sa asawa,"
5:13 ngunit walang katibayan pagkat hindi nahuli sa akto,
5:14 o kung ang lalaki'y naghihinala sa kanyang asawa bagaman hindi ito gumagawa ng masama,
5:15 ang babae ay ihaharap sa saserdote. Ang lalaki'y maghahandog ng isang takal ng harinang sebada. Ang handog na ito'y hindi bubusan ng langis ni sasamahan ng kamanyang pagkat ito'y handog tungkol sa panibugho, handog upang hilinging parusahan ang babae kung nagkasala.
5:16 '"Ang babae ay dadalhin ng saserdote sa harap ng dambana."
5:17 Ang saserdote ay maglalagay ng sagradong tubig sa isang sisidlang yari sa luwad at hahaluan ng kaunting alikabok mula sa sahig ng Toldang Tipanan.
5:18 Pagkatapos, lulugayin ang buhok ng babae, at pahahawakan sa kanya ang handog ng kahilingan ng pagpaparusa. Samantala, ang tubig na magpapalitaw sa katotohanan ay hawak naman ng saserdote.
5:19 Ang babae'y panunumpain ng saserdote. Sasabihin niya, 'Kung hindi ka nagtaksil sa iyong asawa, hindi tatalab sa iyo ang sumpang taglay ng tubig na ito.
5:20 Ngunit kung nagtaksil ka sa iyong asawa,
5:21 parurusahan ka ni Yahweh upang maging halimbawa sa iyong mga kababayan: Pamamagain ni Yahweh ang iyong balakang at bahay-bata.
5:22 "Nawa ang tubig na ito'y tumagos sa kaloob-looban ng iyong katawan, at pamagain ang iyong balakang at bahay-bata.' 'Ang babae'y makalawang sasagot ng 'Amen.' "
5:23 '"Ang mga sumpang ito ay isusulat ng saserdote sa isang sulatan, huhugasan ito ng tubig ng kapaitan,"
5:24 at ipaiinom sa babae ang pinaghugasan.
5:25 Pagkatapos, ang handog tungkol sa panibugho na hawak pa ng babae ay kukunin ng saserdote, iaalay kay Yahweh at ilalagay sa altar.
5:26 Ang saserdote ay kukuha ng isang dakot na harina mula sa handog at susunugin ito sa altar. Pagkatapos, ipaiinom sa babae ang tubig ng kapaitan.
5:27 Kung siya'y napasiping sa iba, makararamdam siya ng matinding sakit, mamamaga ang kanyang balakang at bahay-bata. Sa gayon, hindi siya pamamarisan ng kanyang mga kababayan.
5:28 Ngunit kung wala siyang kasalanan, hindi tatalab sa kanya ang sumpa at maaari pa siyang mag-anak.
5:29 '"Ito nga ang tuntunin tungkol sa babaeng nagtaksil sa asawa,"
5:30 o kaya, kung naghihinala ang lalaki sa katapatan ng kanyang asawa: ang babae'y ihaharap sa dambana, at isasagawa naman ng saserdote ang lahat ng dapat gawin ayon sa Kautusan.
5:31 "Ang asawa ay hindi masasangkot sa kasalanan ng babae; ang babae lamang kung talagang nagkasala, ang magdurusa sa ginawa niyang ito.'"
6:1 ( Ang Tuntunin sa Pagtatalaga Bilang Nazareo ) Sinabi ni Yahweh kay Moises,
6:2 '"Sabihin mo sa bayang Israel: Kung ang sinuman, babae o lalaki, ay gagawa ng panata at itatalaga niya ang sarili kay Yahweh bilang Nazareo,"
6:3 huwag siyang titikim ng alak o anumang nakalalasing na inumin. Huwag din siyang iinom ng anumang inuming galing sa katas ng ubas, at huwag kakain ng ubas, o pasas.
6:4 Sa buong panahon ng kanyang panata ay huwag din siyang titikim ng anumang galing sa punong ubas kahit balat o buto ng ubas.
6:5 '"Ang isang may panata ay huwag magpapaputol ng buhok sa buong panahon ng kanyang panata; pababayaan niya itong humaba."
6:6 Sa buong panahon ng kanyang pagtatalaga kay Yahweh, huwag siyang lalapit sa patay,
6:7 kahit ito'y kanyang ama, ina o kapatid. Huwag siyang gagawa ng anumang makapagpaparumi ayon sa Kautusan, pagkat taglay niya ang pagtatalaga sa kanya bilang Nazareo.
6:8 Pananatilihin niyang malinis ang kanyang sarili sa buong panahon ng kanyang panata.
6:9 '"Kung may biglang mamatay sa kanyang tabi at masaling niya ito, pagkalipas ng pitong araw aahitin niya ang kanyang buhok pagkat narumhan siya ayon sa Kautusan."
6:10 Sa ika-8 araw, magbibigay siya sa saserdote ng dalawang inakay ng kalapati o batu-bato sa pintuan ng Toldang Tipanan.
6:11 Ang isa nito ay handog ukol sa kasalanan at ang isa'y handog na susunugin, bilang katubusan sa naging kasalanan niya sa pagkakasaling sa bangkay. Sa araw ring yaon, itatalaga niya nang panibago ang kaniyang sarili.
6:12 Ito ang pasimula ng muli niyang pagtatalaga kay Yahweh bilang Nazareo. Ang mga araw na nagdaan sa panahon ng panatang iyon ay hindi ibibilang pagkat narumhan siya nang madaiti sa patay at maghahandog siya uli ng isang kordero para sa kasalanan.
6:13 '"Ito naman ang gagawin pagkatapos ng kanyang panata bilang Nazareo. Dudulog siya sa pintuan ng Toldang Tipanan"
6:14 at maghahandog ng tatlong tupa: isang lalaking tupa na isang taong gulang bilang handog na susunugin; isang babaeng tupa na isa ring taong gulang bilang handog ukol sa kasalanan; at isang barakong tupa bilang handog na pangkapayapaan.
6:15 Bukod dito, maghahandog siya ng isang basket na tinapay na walang lebadura at niluto sa langis, at biskuwit na wala ring lebadura at may pahid na langis. Magdadala rin siya ng mga handog na pagkain at inumin.
6:16 '"Ang lahat ng ito'y dadalhin naman ng saserdote sa harapan ni Yahweh at iaalay ang handog ukol sa kasalanan at handog na susunugin."
6:17 Ang handog pangkapayapaan ay ihahandog niyang kasama ng basket ng tinapay na walang lebadura, saka isusunod ang handog na pagkain at inumin.
6:18 Pagkatapos, aahitin ng Nazareo ang kanyang buhok at susunugin sa apoy na pinagsusunugan ng handog pangkapayapaan.
6:19 '"Kukunin naman ng saserdote ang paypay ng handog pangkapayapaan, sasamahan ng isang tinapay na walang lebadura at isang biskuwit at ilalagay sa kamay ng Nazareo."
6:20 Kukunin niya uli ang mga ito at iaalay kay Yahweh. Ang mga ito'y mauuwi sa saserdote, pati ang pitso at ang hita ng handog pangkapayapaan. Sa gayon, ang Nazareo ay maaari nang uminom ng alak.
6:21 '"Iyan ang tuntunin tungkol sa panata ng Nazareo. Ngunit kung nangako pa siya ng ibang bagay bukod sa rito, kailangang tuparin din niya iyon.' ( Ang Basbas ng mga Saserdote )"
6:22 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
6:23 '"Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ito ang sasabihin nila sa pagbebendisyon nila sa mga Israelita: "
6:24 Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh;
6:25 Nawa'y kahabagan ka niya at subaybayan;
6:26 Lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.
6:27 '"Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbebendisyon sa mga Israelita at pagpapalain ko ang mga ito.'"
7:1 ( Ang mga Handog sa Pagtatalaga sa Altar ) Nang mayari ang Toldang Tipanan, pinahiran ito ni Moises ng langis at itinalaga kay Yahweh, gayon din ang mga kagamitan doon, ang dambana at ang lahat ng kagamitang ukol dito.
7:2 Nang araw na yaon, ang mga pinuno ng Israel na nakatulong sa pagkuha ng senso,
7:3 ay naghandog kay Yahweh ng anim na kariton at labindalawang toro: isang kariton sa bawat dalawang angkan at isang toro sa bawat angkan.
7:4 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
7:5 '"Tanggapin mo ang mga handog nilang ito upang magamit sa paglilipat ng Toldang Tipanan. Ibigay mo sa mga Levita ayon sa kanilang gawain.'"
7:6 Kinuha nga ni Moises ang mga kariton at toro at ibinigay sa mga Levita.
7:7 Ang dalawang kariton at apat na toro ay ibinigay niya sa mga anak ni Gerson;
7:8 ang apat na kariton at walong toro ay ibinigay niya sa mga anak ni Merari; ang lahat ay nasa ilalim ng pamamahala ni Itamar na anak ni Aaron.
7:9 Hindi na niya binigyan ang mga anak ni Coat pagkat pasan nila ang mga sagradong bagay kung kailangang ilipat ng lugar.
7:10 Ang mga pinuno ng Israel ay nagdala rin ng kani-kanilang handog para sa pagtatalaga ng altar.
7:11 "Dahil dito, sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Sabihin mo sa kanilang sila'y maghahali-halili ng paghahandog araw-araw.' "
7:12 Nang unang araw, ang naghandog ay si Naason na anak ni Aminadab at puno ng angkan ni Juda.
7:13 Ito ang kanyang mga handog: isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pang apat na libra, at isang mangkok na pilak din na tumitimbang naman ng dalawang libra't kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis bilang handog na pagkain.
7:14 Naghandog pa siya ng isang platitong yari sa ginto na tumitimbang ng apat na onsa at puno ng kamanyang.
7:15 Nagdala pa siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:16 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog para sa kasalanan.
7:17 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog na pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Naason.
7:18 Nang ika-2 araw, ang naghandog ay si Natanael na anak ni Zuar, at puno ng angkan ni Isacar.
7:19 Ang inihandog niya'y isang bandehang pilak at tumitimbang ng mahigit pang apat na libra at isang mangkok na pilak din at tumitimbang naman ng dalawang libra't kalahati. Ito'y kapwa puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis, bilang handog na pagkain.
7:20 Naghandog din siya ng isang platitong ginto at tumitimbang ng apat na onsa at ito'y puno ng kamanyang.
7:21 Nagdala pa rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:22 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:23 Nagdala siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Natanael.
7:24 Nang ika-3 araw, ang naghandog ay si Eliab na anak ni Helon, at puno ng angkan ni Zabulon.
7:25 Ito ang kanyang inihandog: isang bandehang pilak at tumitimbang ng mahigit pang apat na libra at isang mangkok na pilak din at tumitimbang naman ng dalawang libra't kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis, at ito ang handog na pagkain.
7:26 Naghandog din siya ng isang platitong ginto na tumitimbang ng apat na onsa at ito'y puno ng kamanyang.
7:27 Nagdala pa siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:28 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:29 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog na pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Eliab.
7:30 Nang ika-4 na araw, ang naghandog ay si Elizur na anak ni Sedeur, at puno ng angkan ni Ruben.
7:31 Ang inihandog niya'y isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pang apat na libra, at isang mangkok na pilak din na may timbang na dalawang libra't kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis na siyang handog na pagkain.
7:32 Naghandog din siya ng isang platitong yari sa ginto na tumitimbang ng apat na onsa at ito'y puno ng kamanyang.
7:33 Nagdala rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:34 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:35 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Elizur.
7:36 Nang ika-5 araw, ang naghandog ay si Selumiel na anak ni Zurisadai, at siyang puno ng angkan ni Simeon.
7:37 Ito ang kanyang inihandog: isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pa sa apat na libra, at isang mangkok na pilak din at tumitimbang naman ng dalawang libra't kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis na siyang handog na pagkain.
7:38 Nagdala rin siya ng isang platitong yari sa ginto na tumitimbang ng apat na onsa at ito'y puno ng kamanyang.
7:39 Naghandog pa rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:40 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:41 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Selumiel.
7:42 Nang ika-6 na araw, ang naghandog ay si Eliasaf na anak ni Deuel, at puno ng angkan ni Gad.
7:43 Ang inihandog niya'y isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pang apat na libra at isang mangkok na pilak din na tumitimbang naman ng dalawang libra't kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis na siyang handog na pagkain.
7:44 Naghandog pa siya ng isang platitong ginto na tumitimbang ng apat na onsa at ito'y puno ng kamanyang.
7:45 Nagdala rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:46 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:47 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki, at limang kordero bilang handog na pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Eliasaf.
7:48 Nang ika-7 araw, ang naghandog ay si Elisama na anak ni Amiud, at puno ng angkan ni Efraim.
7:49 Ito ang kanyang inihandog: isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pang apat na libra, at isang mangkok na pilak din, at tumitimbang ng dalawang libra't kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis na siyang pinakahandog na pagkain.
7:50 Naghandog pa siya ng isang platitong yari sa ginto na tumitimbang ng apat na onsa at ito'y puno ng kamanyang.
7:51 Nagdala rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:52 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:53 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Elisama.
7:54 Nang ika-8 araw, ang naghandog ay si Gamaliel na anak ni Pedazur, at puno ng angkan ni Manases.
7:55 Ang inihandog niya'y isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pang apat na libra, at isang mangkok na pilak din at tumitimbang naman ng dalawang libra't kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis, bilang handog na pagkain.
7:56 Naghandog pa siya ng isang platitong yari sa ginto na tumitimbang ng apat na onsa, at ito ay puno ng kamanyang.
7:57 Nagdala rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:58 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:59 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog na pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Gamaliel.
7:60 Nang ika-9 na araw, ang naghandog ay si Abidan na anak ni Gedeoni, at puno ng angkan ni Benjamin.
7:61 Ito ang kanyang inihandog: isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pang apat na libra at isang mangkok na pilak din at tumitimbang naman ng dalawang libra't kalahati. Ito'y parehong puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis at siyang handog na pagkain.
7:62 Naghandog pa siya ng isang platitong yari sa ginto na tumitimbang ng apat na onsa at ito ay puno ng kamanyang.
7:63 Nagdala rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:64 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:65 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Abidan.
7:66 Nang ika-10 araw, ang naghandog ay si Ahiezer na anak ni Amisadai, at puno ng angkan ni Dan.
7:67 Ang inihandog niya'y isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pang apat na libra, at isang mangkok na pilak din at tumitimbang naman ng dalawang libra't kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis at siyang handog na pagkain.
7:68 Naghandog pa siya ng isang platitong yari sa ginto na tumitimbang ng apat na onsa, at ito ay puno ng kamanyang.
7:69 Nagdala rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:70 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:71 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Ahiezer.
7:72 Nang ika-11 araw, ang naghandog ay si Pagiel na anak ni Ocran, at puno ng angkan ni Aser.
7:73 Ito ang kanyang inihandog: isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pang apat na libra, at isang mangkok na pilak din na tumitimbang naman ng dalawang libra't kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis at siyang handog na pagkain.
7:74 Naghandog pa siya ng isang platitong ginto na tumitimbang ng apat na onsa, at ito ay puno ng kamanyang.
7:75 Nagdala rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:76 Nagdala pa siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:77 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Pagiel.
7:78 Nang ika-12 araw, ang naghandog ay si Ahira na anak ni Enan, at puno ng angkan ni Neftali.
7:79 Ang inihandog niya'y isang bandehang pilak na tumitimbang ng mahigit pang apat na libra, at isang mangkok na pilak din at tumitimbang naman ng dalawang libra at kalahati. Ang mga ito'y puno ng pinakamainam na harinang minasa sa langis at siyang handog na pagkain.
7:80 Naghandog pa siya ng platitong yari sa ginto na tumitimbang ng apat na onsa, at ito ay puno ng kamanyang.
7:81 Naghandog pa rin siya ng isang toro, isang tupang barako at isang kordero bilang handog na susunugin.
7:82 Nagdala rin siya ng isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
7:83 Nagdala pa siya ng dalawang baka, limang tupang barako, limang kambing na lalaki at limang kordero bilang handog na pangkapayapaan. Ang mga ito nga ang inihandog ni Ahira.
7:84 Ito ang kabuuang handog ng mga puno ng Israel, nang italaga ang altar: labindalawang bandehang pilak, labindalawang mangkok na pilak din at labindalawang platitong ginto.
7:85 Bawat bandehang pilak ay tumitimbang ng mahigit pang apat na libra, at dalawang libra't kalahati ang isang mangkok, at apat na onsa naman ang bawat platito. Lahat-lahat ng kagamitang pilak ay tumitimbang ng animnapung libra.
7:86 Ang sampung platitong ginto na puno ng kamanyang at tigsasampung siklo ay umabot naman sa apatnapu't walong onsa.
7:87 Ang mga handog na susunugin ay labindalawang toro, labindalawang tupang barako at labindalawang kordero bukod pa sa mga handog na pagkain. Ang naihandog naman ukol sa kasalanan ay labindalawang kambing na lalaki.
7:88 Ang naihandog naman ukol sa handog pangkapayapaan ay dalawampu't apat na baka, animnapung tupang barako, animnapung kambing na lalaki at animnapung kordero. Iyan ang kabuuan ng handog ng mga Israelita nang italaga ang dambana matapos itong pahiran ng langis.
7:89 Nang si Moises ay pumasok sa Toldang Tipanan upang makipag-usap kay Yahweh, narinig niya ang tinig nito mula sa pagitan ng dalawang kerubin, sa ibabaw ng Luklukan ng Awa na nasa ibabaw ng Kaban ng Tipan.
8:1 ( Ang Pag-aayos ng mga Ilaw sa Toldang Tipanan ) Sinabi ni Yahweh kay Moises,
8:2 '"Sabihin mo kay Aaron na pagsisindi ng mga ilaw, iayos niya ang mga ito upang ang liwanag ay sa harap ng ilawan pumukol.'"
8:3 Gayon nga ang ginawa ni Aaron.
8:4 Ang ilawan ay yari sa pinitpit na ginto, ganoon din ang palamuting bulaklak at ang mga tangkay nito. Ginawa ito ni Moises ayon sa parisang ipinakita sa kanya ni Yahweh. ( Ang Pagtatalaga sa mga Levita )
8:5 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
8:6 '"Ibukod mo ang mga Levita at linisin ayon sa Kautusan."
8:7 Wisikan mo sila ng tubig na panlinis ng kasalanan, paahitan ang buo nilang katawan, at palabhan ang kanilang kasuutan.
8:8 Pagkatapos, pagdalhin mo sila ng dalawang batang toro; ang isa'y handog na susunugin kasama ng handog na pagkain, at ang isa'y handog para sa kasalanan.
8:9 Dalhin mo sila sa harap ng Toldang Tipanan at ihaharap sa sambayanang Israel.
8:10 Samantalang inihaharap mo sila kay Yahweh, ipapatong naman ng mga pinunong Israelita ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga Levita.
8:11 Ang mga ito'y itatalaga ni Aaron bilang tanging handog ng bayang Israel para maglingkod sa akin.
8:12 Pagkatapos, ipapatong ng mga Levita ang kanilang kamay sa ulo ng mga toro; ang isa'y handog ukol sa kasalanan at ang isa'y handog na susunugin upang sila'y maging karapat-dapat sa akin.
8:13 '"Iaalay mo sila sa akin bilang tanging handog, at itatalaga mong katulong ni Aaron at ng mga anak nito."
8:14 Ganyan mo sila ibubukod at sila'y magiging akin.
8:15 Pagkatapos mo silang linisin ayon sa Kautusan at maiharap kay Yahweh bilang tanging handog, magsisimula na sila sa paglilingkod sa Toldang Tipanan.
8:16 Sila'y nakatalaga sa akin bilang kapalit ng mga panganay na lalaki ng Israel.
8:17 Ang mga panganay ng Israel ay itinalaga kong maging akin nang gabing lipulin ko ang mga panganay ng Egipto. Kaya, sila ay akin, maging tao, maging hayop.
8:18 Hinirang ko nga ang mga Levita bilang kapalit ng mga panganay ng Israel,
8:19 "upang makatulong ni Aaron at ng mga anak nito sa paglilingkod sa Toldang Tipanan sa paghahandog ukol sa kasalanan ng Israel. Sa gayon ay mailalayo ang mga Israelita sa panganib na mamatay kapag sila'y lumapit sa santwaryo.' "
8:20 Ang mga Levita ay itinalaga nga ni Moises, ni Aaron at ng buong Israel, ayon sa utos ni Yahweh.
8:21 Nilinis ng mga Levita ang kanilang katawan gayon din ang kanilang kasuutan. Itinalaga nga sila ni Aaron, at ginanap ang paghahandog ukol sa kasalanan.
8:22 Isinagawang lahat ni Moises ang utos ni Yahweh sa kanya tungkol sa mga Levita. Pagkatapos, ginampanan na nila ang kanilang tungkulin sa loob ng Toldang Tipanan bilang katulong ni Aaron at ng mga anak nito. ( Ang Itatagal ng Panunungkulan ng mga Levita )
8:23 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
8:24 '"Ganito ang magiging tuntunin tungkol sa mga Levita: mula sa edad na dalawampu't lima, tutulong sila sa gawain sa loob ng Toldang Tipanan."
8:25 Pagdating nila ng limampung taon, pamamahingahin na sila.
8:26 "Ang gawain nila'y di na tulad ng dati. Tutulungan na lamang nila ang kanilang mga kasamahan.'"
9:1 ( Ang Pagdiriwang sa Paskuwa ) Nang unang buwan ng ika-2 taon mula nang umalis sila sa Egipto, sinabi ni Yahweh kay Moises sa Bundok ng Sinai,
9:2 '"Iutos mo sa buong Israel na ipagdiwang ang Paskuwa sa takdang panahon,"
9:3 "pagkagat ng dilim sa ika-14 ng unang buwan ayon sa mga tuntunin tungkol dito.'"
9:4 Gayon nga ang ginawa ni Moises.
9:5 Ipinagdiwang nga nila ang Paskuwa sa ilang ng Sinai noong gabi ng ika-14 na araw ng unang buwan.
9:6 Noon ay may ilang taong nakahipo ng patay, kaya hindi maaaring sumali sa pagdiriwang ng Paskuwa. Dahil dito, lumapit sila kina Moises at Aaron.
9:7 "Sinabi nila, 'Marumi kami ayon sa Kautusan pagkat kami'y humipo ng patay. Hindi ba kami maaaring maghandog kay Yahweh?' "
9:8 '"Maghintay kayo at sasangguni muna ako kay Yahweh,' sagot ni Moises. "
9:9 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
9:10 '"Ganito ang sabihin mo sa buong Israel: Kung may mga kamag-anak kayo na itinuturing na marumi dahil sa pagsaling sa bangkay, o may kababayan kayong naglalakbay at nasa ibang bayan, maaari nilang ipagdiwang ang Paskuwa."
9:11 Ito'y gaganapin nila sa kinagabihan ng ika-14 na araw ng ika-2 buwan. Sa gabing yaon, kakain din sila ng korderong pampaskuwa, tinapay na walang lebadura, at mapait na gulay.
9:12 Huwag din silang magtitira kahit kapirasong korderong pampaskuwa at huwag din nilang babaliin kahit isang buto niyon. Anupat sa pagdiriwang nila sa Paskuwa, susundin nila ang lahat ng tuntunin ukol dito.
9:13 Ang sinumang hindi makiisa sa pagdiriwang ng Paskuwa, liban na nga lamang kung itinuturing na marumi o kaya'y nasa ibang bayan, ay ibibilang na makasalanan. Itatakwil siya pagkat hindi siya naghandog kay Yahweh sa takdang panahon.
9:14 '"Ang sinumang nakikipamayan sa inyo ay maaaring sumama sa pagdiriwang ng Paskuwa kung susundin niya ang mga tuntunin tungkol dito. Iisa ang tuntunin ng Paskuwa, maging para sa taal na mamamayan at sa mga dayuhan.' ( Natakpan ng Ulap ang Toldang Tipanan )[ (Exo.40:34-38) ]"
9:15 Nang maiayos na ang Toldang Tipanan, ito ay natakpan ng ulap. Kung gabi, nagliliwanag itong parang apoy.
9:16 Ganoon nang ganoon ang nangyari: ang Toldang Tipanan ay natatakpan ng ulap kung araw at ang ulap ay nagliliwanag na parang apoy kung gabi.
9:17 Tuwing aalis ang ulap sa ibabaw ng Toldang Tipanan, ang mga Israelita'y nagpapatuloy ng kanilang paglalakbay. Kung saan ito tumigil, doon sila humihimpil.
9:18 Nagpapatuloy sila o tumitigil sa paglalakbay ayon sa palatandaang ito ni Yahweh. Hindi sila lumalakad hanggang nasa ibabaw ng Toldang Tipanan ang ulap.
9:19 Hindi sila lumalakad kahit na abutin sila ng ilang araw sa pagkakatigil. Hinihintay nila ang hudyat ni Yahweh.
9:20 Kung minsan, ang ulap ay ilang araw na nasa ibabaw ng Toldang Tipanan. Kapag ganoon, hindi sila lumalakad; lumalakad nga lamang sila ayon sa utos ni Yahweh.
9:21 Kung minsan, isang gabi lamang ito sa ibabaw ng Toldang Tipanan, at kung minsan nama'y maghapo't magdamag. Kung nasa ibabaw ito ng Toldang Tipanan, hindi nga sila lumalakad. Pag-alis nito saka lamang sila nagpapatuloy.
9:22 Kahit ito tumagal nang dalawang araw, isang buwan o mahigit pa, hindi sila lumalakad. Nagpapatuloy lamang sila kung wala ang ulap sa ibabaw ng Toldang Tipanan.
9:23 Nagpapatuloy nga sila o tumitigil sa paglalakbay ayon sa palatandaang ibinibigay ni Yahweh.
10:1 ( Ang Trompetang Pilak ) Sinabi ni Yahweh kay Moises,
10:2 '"Magpagawa ka ng dalawang trompetang yari sa pinitpit na pilak na siya mong gagamitin kung kailangang tipunin o kung kailangan nang magpatuloy sa paglalakbay ang buong Israel."
10:3 Pag hinipan nang sabay, ang buong Israel ay magtitipun-tipon sa harap ng Toldang Tipanan.
10:4 Kung isa lamang ang hihipan, ang mga pinuno lamang ng bawat sambahayan ang haharap sa iyo.
10:5 Pag-ihip mo ng unang hudyat, lalakad ang nakahimpil sa gawing silangan.
10:6 Sa ika-2 ihip, ang lalakad naman ay ang mga nakahimpil sa gawing timog.
10:7 Iba ang gagawin mong hudyat sa pagtitipon at iba ang sa paglalakbay.
10:8 Ang iihip ng trompeta ay ang mga anak lamang ni Aaron. Gagamitin ninyo ito habang panahon.
10:9 Kapag nilulusob kayo ng inyong kaaway at waring kayo'y mapipipilan, hipan mo ang trompeta upang lingapin kayo ng Diyos.
10:10 "Sa inyong mga pagdiriwang, tulad ng pista, at bagong buwan, hihipan din ninyo ang trompeta habang inihahain ang handog na susunugin at handog pangkapayapaan. Sa gayon, lilingapin ko kayo. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.' ( Ang Unang Yugto ng Paglalakbay ng mga Israelita )"
10:11 Nang ika-20 araw ng ika-2 buwan ng pangalawang taon mula nang umalis sila sa Egipto, ang ulap ay umalis sa ibabaw ng Toldang Tipanan.
10:12 Dahil dito, nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita hanggang ang ulap ay tumigil sa kaparangan ng Paran.
10:13 Ito ang una nilang paglalakbay mula nang ibigay ni Yahweh kay Moises ang mga tuntunin ukol dito.
10:14 Nauuna ang pangkat nina Juda ayon sa kani-kanilang lipi at sa pamumuno ni Naason na anak ni Aminadab.
10:15 Si Natanael naman na anak ni Zuar ang puno ng lipi ni Isacar
10:16 at si Eliab na anak ni Helon ang nangunguna sa lipi ni Zabulon.
10:17 Pagkabaklas ng Toldang Tipanan, susunod ang mga anak ni Gerson at ni Merari, na siyang may dala ng binaklas na Toldang Tipanan.
10:18 Kasunod ang pangkat nina Ruben ayon sa kanya-kanyang lipi, at pinangungunahan ni Elizur na anak ni Sedeur.
10:19 Ang lipi naman ni Simeon ay pinangungunahan ni Selumiel na anak ni Zurisadai
10:20 at si Eliasaf na anak ni Deuel naman sa lipi ni Gad.
10:21 Kasunod ng pangkat nina Ruben ang mga Levita mula sa angkan ni Coat, dala ang mga sagradong bagay. Pagdating nila sa susunod na himpilan, itatayo nila uli ang Toldang Tipanan.
10:22 Kasunod naman ang pangkat ni Efraim ayon sa kani-kanilang lipi sa ilalim ng pamumuno ni Elisama na anak ni Amiud.
10:23 Ang lipi ni Manases ay pinamumunuan ni Gamaliel na anak ni Pedazur
10:24 at ang lipi ni Benjamin ay pinangungunahan naman ni Abidan na anak ni Gedeoni.
10:25 Ang pangkat nina Dan ang kahulihulihan at siyang panlikod na tanod ng buong Israel. Sila'y pangkat-pangkat din ayon sa sambahayan at pinangungunahan ni Ahiezer na anak ni Amisadai.
10:26 Ang puno ng lipi ni Aser ay si Pagiel na anak ni Ocran
10:27 at ang pinuno naman ng lipi ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan.
10:28 Ganito nga ang ayos ng buong Israel tuwing sila'y magpapatuloy sa paglalakbay.
10:29 "Kinausap ni Moises ang bayaw niyang si Hobab, anak ng biyenan niyang si Reuel na Madianita. Ang sabi niya, 'Sumama ka sa amin at hindi ka malalagay na hamak sa lupaing ipinangako sa amin ni Yahweh.' "
10:30 '"Hindi na ako sasama sa inyo. Uuwi na lang ako sa aking mga kamag-anak,' sagot niya. "
10:31 '"Sumama ka na sa amin pagkat ikaw lamang ang lubos na nakaaalam sa lugar na ito."
10:32 "Pagdating natin doon, hahatian ka namin ng anumang biyayang ibigay sa amin ni Yahweh,' sabi ni Moises. "
10:33 At mula sa Bundok ni Yahweh, naglakbay sila nang tatlong araw. Ang Kaban ng Tipan ay iniuna sa kanila nang tatlong araw para ihanap agad ito ng mapaglalagyan.
10:34 Kung araw, nilililiman sila ng ulap habang naglalakbay.
10:35 "Tuwing ilalakad ang Kaban ng Tipan, ito ang sinasabi ni Moises: 'Pangunahan mo kami, Yahweh, at itaboy mo ang kaaway At magsisitakas ang lahat ng napopoot sa iyo.' "
10:36 "At kung sila'y humihimpil, ito naman ang sinasabi niya: 'Lukuban mo, Yahweh, ang bayang Israel.'"
11:1 ( Ang Lugar na Tinawag na Tabera ) Dahil sa hirap na dinaranas, nagreklamo ang mga Israelita. Dahil dito, nagalit si Yahweh at pinaulanan ng apoy ang isang gilid ng kanilang kampamento.
11:2 Kaya, nagmakaawa kay Moises ang mga Israelita at agad naman itong dumulog kay Yahweh. Dininig naman siya at pinatay ang apoy.
11:3 At ang lugar na iyo'y tinawag nilang Tabera pagkat sinunog ni Yahweh ang paligid nila. ( Pumili si Moises ng Pitumpung Pinuno )
11:4 "Ang mga nakisama sa paglalakbay ng mga Israelita ay labis nang nananabik sa dati nilang pagkain at nagaya sa kanila ang mga Israelita. Kaya, nagreklamo na naman sila. Ang sabi nila, 'Kailan pa ba tayo makatitikim ng masarap na pagkain?"
11:5 Mabuti pa sa Egipto! Doon, isang hingi lamang namin ay mayroon na agad isda, pipino, pakwan, sibuyas at bawang.
11:6 "Dito naman, walang makain kundi manna.' "
11:7 Ang manna ay kamukha ng buto ng kulantro at kakulay ng bedelio.
11:8 Ito ang laging pinupulot ng mga tao, ginigiling o binabayo. Kung luto, sinsarap ito ng tinapay na niluto sa langis.
11:9 Ito'y kasama ng hamog na bumabagsak kung gabi.
11:10 Hindi kaila kay Moises ang iyakan ng lahat ng sambahayan na nakatayo sa pintuan ng kani-kanilang tolda. Nagalit nang labis ang Diyos, kaya nabalisa si Moises.
11:11 "Itinanong ni Moises kay Yahweh, 'Bakit ninyo ako isinuong sa ganito kalaking pasanin? Bakit ninyo ako ginaganito? May nagawa ba akong laban sa inyo?"
11:12 Ako ba ang nagsilang sa kanila? Sila ba'y aalagaan ko tulad ng pag-aalaga ng ina sa kanyang anak, hanggang sa lupang ipinangako ninyo sa aming mga ninuno?
11:13 Ayaw nila akong tigilan sa kahihingi ng karne. Saan ako kukuha ng karne para sa ganito karaming tao?
11:14 Hindi ko sila kayang alagaang mag-isa. Napakalaki ng gawaing ito para sa akin!
11:15 "Kung ganito rin lamang ang gagawin ninyo sa akin, mabuti pa'y mamatay na ako ngayon din kaysa maghirap nang matagal.' "
11:16 "Dahil dito, sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Pumili ka ng pitumpung matatanda sa Israel, yaong mga kinikilalang pinuno ng kanilang lipi, at isama mo sa Toldang Tipanan."
11:17 Pagdating ninyo roon, bababa ako at makikipag-usap sa iyo. Babahaginan ko sila ng espiritung ibinigay ko sa iyo upang makatulong mo sila.
11:18 Sabihin mo naman sa buong bayan na humanda sila bukas at makakakain na sila ng karne. Nagrereklamo na naman sila. Itinatanong nila kung kailan pa sila makatitikim ng karne. Sinabi pang mabuti pa sa Egipto at marami silang pagkain. Kaya, bukas, ibibigay ko sa kanila ang pagkaing ibig nila.
11:19 Hindi lamang para sa isa, dalawa, lima, sampu, dalawampung araw ang ibibigay ko sa kanila,
11:20 "kundi para sa isang buwan. Panay ito ang kakanin nila hanggang sa magsawa sila at magkandasuka sa pagkain nito pagkat itinakwil nila ako na laging pumapatnubay sa kanila. Sinabi pa nilang mabuti pang hindi ko sila inialis sa Egipto.' "
11:21 '"Lahat-lahat ng kasama ko'y 600,000. Saan manggagaling ang karneng huhusto sa amin sa loob ng isang buwan?"
11:22 "Kahit na patayin ang lahat naming hayop o mahuli ang lahat ng isda sa dagat ay hindi kakasiya sa ganito karaming tao,' sagot ni Moises. "
11:23 "Sinabi ni Yahweh, 'Moises, mayroon ba akong hindi kayang gawin? Ngayon di'y ipakikita ko sa iyo kung totoo o hindi ang aking sinasabi.' "
11:24 Lumakad na si Moises at ibinalita sa mga Israelita ang sinabi ni Yahweh. Isinama niya ang pitumpung pinuno ng Israel at pinatayo sa paligid ng Toldang Tipanan.
11:25 At si Yahweh ay bumaba sa anyo ng ulap at kinausap nga si Moises. Ang pitumpung matatanda ay binahaginan niya ng espiritu, tulad ng ibinigay niya kay Moises. Sila'y napuspos ng kapangyarihan at nagpahayag noon ngunit hindi na nila inulit.
11:26 May naiwang dalawang matandang lalaki sa kampamento: Eldad ang pangalan ng isa at yaong isa'y Medad. Tinawag silang kasama ng pitumpu ngunit hindi sumama. Gayunman, binahaginan din sila ng espiritu ni Yahweh kaya sila'y nagpahayag na roon.
11:27 "Nakita pala sila ng isang binata at patakbo itong nagpunta kay Moises. Sinabi niya, 'Sina Eldad at Medad ay nagpapahayag sa kampo.' "
11:28 "Dahil dito, sinabi ni Josue na anak ni Nun at katulong ni Moises, 'Bakit di ninyo sila sawayin?' "
11:29 "Ngunit sinabi ni Moises, 'Nangangamba ka bang ako'y mababawasan ng karangalan? Mas gusto ko ngang maging propeta ang lahat ng Israelita at mapuspos ng espiritu ni Yahweh.'"
11:30 Si Moises at ang pitumpung matatanda ng bayan ay nagbalik na sa kampamento. ( Nagpadala ng Makapal na Pugo si Yahweh )
11:31 Si Yahweh ay nagpadala ng hangin mula sa kanluran na may tangay na maraming pugo mula sa kabila ng dagat. Ang mga ito'y nagliparan sa paligid ng kampamento. Tatlong talampakan ang taas ng kanilang lipad mula sa lupa at ang lawak ay isang araw na lakarin sa kabi-kabila ng kampamento.
11:32 Lumabas ng kampamento ang mga Israelita at nanghuli ng pugo hanggang kinabukasan; ang pinakakaunting nahuli ng isang tao ay sampung kaing. Ang mga ito'y ibinilad nila sa paligid ng kampamento.
11:33 Ngunit bago pa lamang nila ito kinakagat, ibinuhos na ni Yahweh ang kanyang galit sa mga Israelita at siya'y nagpadala ng isang kakila-kilabot na salot.
11:34 Ang lugar na yaon ay tinawag nilang Kibrot-hataava pagkat doon nalibing ang mga taong naging hayok sa pagkain.
11:35 Mula roon, nagpatuloy sila ng paglalakbay hanggang sa Hazerot.
12:1 ( Nag-usap sina Miriam at Aaron Laban kay Moises ) Sina Miriam at Aaron ay nag-usap laban kay Moises tungkol sa asawa niyang taga-Cus.
12:2 "Ang sabi nila, 'Si Moises lamang ba ang kinausap ni Yahweh? Hindi ba't tayo man?' Hindi kaila kay Yahweh ang usapan nilang ito."
12:3 Si Moises naman ay mapagpakumbaba higit kaninumang nabuhay sa ibabaw ng lupa.
12:4 "Walang anu-ano, sina Moises, Aaron at Miriam ay tinawag ni Yahweh. Sinabi niya, 'Magpunta kayong tatlo sa Toldang Tipanan.' At nagpunta nga sila."
12:5 Si Yahweh ay bumaba sa anyo ng haliging ulap at lumagay sa pintuan ng Toldang Tipanan. Tinawag niya sina Aaron at Miriam. Paglapit nila,
12:6 "sinabi niya, 'Pakinggan ninyo ito: Kung ang sinuma'y nais kong hiranging propeta, napakikita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip."
12:7 Ngunit kaiba ang ginawa ko kay Moises pagkat siya lamang ang lubos kong mapagtitiwalaan sa aking sambahayan.
12:8 "Kinausap ko siya nang harapan at sinabi ko sa kanya ang lahat sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng talinghaga. At siya lamang ang nakakita sa aking anyo. Bakit kayo nag-uusap laban sa kanya?'"
12:9 Pagkasabi niyon, galit na umalis si Yahweh.
12:10 Nang mawala na ang ulap sa ibabaw ng Toldang Tipanan, si Miriam ay namumuti sa ketong. Nang makita ito ni Aaron,
12:11 "sinabi niya kay Moises, 'Kapatid ko, isinasamo kong huwag mo kaming parusahan dahil sa aming kamangmangan at kasamaan."
12:12 "Huwag mong pabayaang matulad siya sa isang buhay na patay, parang ipinanganak nang wala ang kabiyak ng katawan.'"
12:13 Kaya, si Moises ay dumaing kay Yahweh na pagalingin si Miriam.
12:14 "Ngunit ang sagot ni Yahweh, 'Kung siya'y hiyain ng kanyang ama, hindi ba siya magtatago ng pitong araw? Bayaan ninyo siya ng pitong araw sa labas ng kampamento.'"
12:15 Kaya si Miriam ay pitong araw na nasa labas ng kampamento. Hindi lumakad ang bansang Israel hanggang hindi nakapapasok ng kampamento si Miriam.
12:16 Mula sa Hazerot, patuloy silang naglakbay. Pagdating sa ilang ng Paran, tumigil sila.
13:1 ( Sinugo sa Canaan ang Labindalawang Tiktik )[ (Deut. 1:19-33) ] Sinabi ni Yahweh kay Moises,
13:2 '"Piliin mo ang kinikilalang puno ng bawat lipi at patiktikan mo ang Canaan, ang lupaing ibibigay ko sa inyo.'"
13:3 Gayon nga ang ginawa ni Moises.
13:4 Ito ang mga napili niya: si Samua na anak ni Zacur buhat sa lipi ni Ruben,
13:5 si Safat na anak ni Hori buhat sa lipi ni Simeon,
13:6 si Caleb na anak ni Jefone buhat sa lipi ni Juda,
13:7 si Igal na anak ni Jose buhat sa lipi ni Isacar,
13:8 si Oseas na anak ni Nun buhat sa lipi ni Efraim,
13:9 si Palti na anak ni Rafu buhat sa lipi ni Benjamin,
13:10 si Gadiel na anak ni Sodi buhat sa lipi ni Zabulon,
13:11 si Gadi na anak ni Susi buhat sa lipi ni Manases,
13:12 si Amiel na anak ni Gemali buhat sa lipi ni Dan,
13:13 si Setur na anak ni Micael buhat sa lipi ni Aser,
13:14 si Nahabi na anak ni Vapsi buhat sa lipi ni Neftali,
13:15 at si Geuel na anak ni Maqui buhat sa lipi ni Gad.
13:16 Sila ang sinugo ni Moises upang maniktik sa Canaan; si Oseas na anak ni Nun ay tinawag niyang Josue.
13:17 "Bago lumakad ang mga tiktik, pinagbilinan sila ni Moises: 'Sa Negeb kayo dumaan saka magtuloy sa kaburulan."
13:18 Pag-aralan ninyong mabuti ang lupain. Tingnan ninyo kung malalakas o mahihina ang mga tao roon, kung marami o kakaunti.
13:19 Tingnan ninyo kung mainam o hindi ang lupa, at kung may matitibay na muog o wala ang mga lunsod.
13:20 "Tingnan din ninyo kung mataba o mahina ang mga bukirin doon, at kung maraming punongkahoy o wala. Lakasan ninyo ang inyong loob. At pagbalik ninyo, magdala kayo ng ilang bungangkahoy.' Noon ay panahon ng ubas. "
13:21 Pagdating sa Canaan, tiningnan ng mga tiktik ang lupain mula sa ilang ng Zin hanggang sa Rehob, sa malapit sa Hamat.
13:22 Umahon sila ng Negeb at nakarating ng Hebron at doo'y natagpuan nila sina Ahiman, Sesai at Talmai na mga anak ni Anac. Ang Hebron ay pitong taon nang lunsod bago ang Zoan, Egipto.
13:23 Pagdating nila sa kapatagan ng Escol, kumuha sila ng isang buwig ng ubas na pinasan ng dalawang tao. Nanguha rin sila ng bunga ng granada at igos.
13:24 Ang lugar na yaon ay tinawag nilang Escol dahil sa malaking buwig ng ubas na nakuha nila.
13:25 Pagkaraan ng apatnapung araw ng paniniktik, umuwi na sila
13:26 at humarap kina Moises, Aaron at sa buong bayang Israel na natitipon noon sa Paran, Cades. Iniulat nila ang kanilang nakita at ipinakita ang mga uwi nilang bungangkahoy.
13:27 "Ang sabi nila, 'Nagpunta kami sa lugar na pinatiktikan ninyo sa amin. Mainam ang lupaing iyon. Saganang-sagana sa lahat ng bagay. Katunayan ang bungangkahoy na kinuha namin doon."
13:28 Ngunit malalakas ang mga tagaroon. Malalaki ang lunsod at matitibay ang muog. Bukod dito, naroon pa ang lahi ni Anac.
13:29 "Sakop ng mga Amalecita ang Negeb. Ang kataasan ay tinitirhan naman ng mga Heteo, Jebuseo at Amorreo. Ang nasa baybay-dagat naman at Ilog Jordan ay mga Cananeo.' "
13:30 "Pagkatapos nilang magsalita, pinatahimik ni Caleb ang bayan, at kanyang sinabi, 'Hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon. Lusubin na natin sila at tiyak na malulupig natin.' "
13:31 "Sumagot ang ibang tiktik, 'Hindi natin sila kaya pagkat mas malakas sila sa atin.'"
13:32 "Hindi maganda ang kanilang ulat. Ito ang sinabi nila, 'Higante ang mga tagaroon at sinumang magtangkang sumakop sa kanila ay lalamunin nila nang buo."
13:33 "Nakita namin doon ang mga Nefilim (ito'y lahi ni Anac buhat sa Nefilim). Halos hanggang tuhod lamang kami.'"
14:1 ( Naghimagsik kay Yahweh ang Israel ) Ang buong bayan ng Israel ay nalungkot, at magdamag na nanangis.
14:2 "Nagbulungan sila laban kina Moises at Aaron. Ang sabi nila, 'Mabuti pang namatay na tayo sa Egipto o kaya'y sa ilang"
14:3 "kaysa patayin ng ating mga kaaway sa lupaing pinagdalhan sa atin ni Yahweh, at bihagin ang ating asawa't mga anak. Mabuti pa'y bumalik na tayo sa Egipto.'"
14:4 At nag-usap-usap sila na pumili ng isang lider na mangunguna sa kanilang pagbalik.
14:5 Sina Moises at Aaron ay nagpatirapa na nakikita ng buong bayan.
14:6 Pinunit naman nina Josue at Caleb ang kanilang kasuutan.
14:7 "Sinabi nila, 'Mainam ang lupaing tiningnan namin, saganang-sagana sa lahat ng bagay."
14:8 Kung loloobin ni Yahweh, ibibigay niya sa atin ang lupaing iyon.
14:9 "Magtiwala kayo sa kanya at huwag matakot sa mga tagaroon. Madali natin silang magagapi pagkat kasama natin si Yahweh samantalang sila'y wala nang mapanganganlungan.'"
14:10 Ngunit binantaan silang babatuhin ng bayan. ( Ipinanalangin ni Moises ang Bayan )Ang kaningningan ni Yahweh ay lumukob sa Toldang Tipanan.
14:11 "Itinanong ni Yahweh kay Moises, 'Hanggang kailan ako mamaliitin ng mga taong ito? Bakit hanggang ngayo'y ayaw pa nila akong paniwalaan, sa kabila ng mga kababalaghang ginawa kong nakita nila?"
14:12 "Padadalhan ko sila ng salot at aalisan ng karapatan sa mana. Ang iyong angkan ang siya kong pararamihin at ipapalit sa kanila.' "
14:13 "Sumagot si Moises, 'Kung gawin ninyo iyan, Yahweh, paano kung malaman ng mga Egipcio? Alam pa naman nila na ang Israel ay inilabas ninyo sa Egipto sa pamamagitan ng mga kababalaghan."
14:14 At kung ito'y sabihin nila sa mga taga-Canaan, alam din ng mga iyon na ang Israel ay pinapatnubayan ninyo. Alam nilang kayo ay nakikipagkita sa Israel at ang bayang ito'y inyong pinapatnubayan sa pamamagitan ng haliging ulap kung araw at haliging apoy kung gabi.
14:15 Kung lilipulin ninyo sila, sasabihin ng lahat na
14:16 ang Israel ay inyong nilipol sa ilang pagkat hindi ninyo kayang dalhin sa lupaing ipinangako ninyo sa kanila.
14:17 Kaya nga, isinasamo ko na minsan pa ninyong ipamalas ang inyong kadakilaan tulad ng sinabi ninyo noong una:
14:18 'Si Yahweh ay matiyaga sa pakikitungo sa mga makasalanan, mahabagin at handang magpatawad. Hindi ninyo ipinagwawalang-bahala ang kasamaan, pagkat ang kasalanan ng mga magulang ay inyong sisingilin hanggang sa ika-4 na salinlahi.'
14:19 "Isinasamo ko nga, Yahweh, patawarin na ninyo ang mga taong ito at patnubayan sila tulad ng inyong ginagawa mula nang sila'y ilabas ninyo sa Egipto, yamang kayo ay Diyos ng pag-ibig, at handang magpatawad sa nagkakasala.' "
14:20 "Sinabi ni Yahweh, 'Dahil sa panalangin mo, pinatatawad ko na sila."
14:21 Ngunit ito ang tandaan mo: hanggang ako'y buhay at aking nalulukuban ang mundo,
14:22 isa man sa mga nakakita ng kababalaghang ginawa ko ay hindi makapapasok sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Paulit-ulit nila akong sinusubok, hindi nila ako sinusunod.
14:23 (*papuloy)
14:24 Ngunit si Caleb ay iba sa kanila. Sumunod siya sa akin nang buong tapat, kaya makapapasok sa lupaing yaon, pati ang kanyang angkan.
14:25 "Kaya, bukas magpatuloy kayo sa paglalakbay patungong Dagat ng mga Tambo. Lumigid kayo sa ilang pagkat ang mga Amorreo at Cananeo ay nasa kapatagan.' ( Ang Parusa sa Israel )"
14:26 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
14:27 '"Hanggang ngayo'y patuloy pa ang mga Israelita sa pagrereklamo laban sa akin. Kailan pa ba sila tatahimik?"
14:28 Sabihin ninyo sa kanila na ito ang ipinasasabi ko: 'Buhay akong si Yahweh, gagawin ko sa inyo ang narinig kong pinag-uusapan ninyo.
14:29 Kayo'y mamamatay dito sa ilang. Sa mga nasama sa senso, samakatwid ay yaong mula sa dalawampung taon pataas,
14:30 isa man ay walang makararating sa lupaing ipinangako ko, maliban kina Caleb at Josue.
14:31 Ang makararating lamang doon ay ang inyong mga anak na sinasabi ninyong mabibihag ng kaaway. Sila ang maninirahan doon.
14:32 Ngunit mamamatay kayo dito sa ilang.
14:33 Ang mga anak ninyo'y magpapalabuy-laboy rito sa loob ng apatnapung taon, hanggang hindi kayo namamatay na lahat. Ito ang kabayaran ng inyong kasamaan.
14:34 Ang apatnapung araw na paniniktik ninyo sa lupaing yaon ay tutumbasan ko ng apatnapung taon ng pagpapahirap upang madama ninyo ang aking poot sa loob ng panahong yaon.'
14:35 "Akong si Yahweh ang may sabi nito at gagawin ko ito sa masamang bayang ito. Mamamatay sila rito sa ilang.' ( Namatay ang Sampung Tiktik na Masama )"
14:36 At ang mga tiktik na nagbigay ng masamang ulat na siyang naging dahilan ng kaguluhan sa Israel
14:37 ay nilipol ni Yahweh sa pamamagitan ng salot.
14:38 Ngunit hindi namatay sina Josue at Caleb. ( Nalupig sa Horma ang Israel )[ (Deut. 1:41-46) ]
14:39 Lahat ng bilin ni Yahweh ay sinabi ni Moises sa mga Israelita, at sila'y nanangis.
14:40 "Kinaumagahan, nagpunta sila sa ibabaw ng burol. Sinabi nila, 'Papunta na kami sa lupaing sinasabi ni Yahweh. Oo, tinatanggap naming kami'y nagkasala.' "
14:41 "Ngunit sinabi ni Moises, 'Bakit pilit ninyong sinusuway si Yahweh? Hindi ba ninyo alam na walang ibubungang mabuti iyang ginagawa ninyo?"
14:42 Huwag na kayong tumuloy. Kapag tumuloy kayo, malulupig kayo ng inyong mga kaaway pagkat di kayo sasamahan ni Yahweh.
14:43 "Ang mga Amalecita at Cananeo ay naroon sa pupuntahan ninyo at tiyak na papatayin nila kayo. Hindi ninyo maaasahan ang patnubay ni Yahweh pagkat siya'y tinalikdan ninyo.' "
14:44 Ngunit nagpatuloy rin sila bagamat wala sa kanila ang Kaban ng Tipan at hindi nila kasama si Moises.
14:45 At sinalakay sila ng mga Amalecita at mga Cananeo na naninirahan sa kaburulan, at tinugis hanggang sa Horma.
15:1 ( Ang mga Tuntunin Tungkol sa mga Handog ) Sinabi ni Yahweh kay Moises,
15:2 '"Ganito ang sabihin mo sa Israel: Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay ko sa inyo,"
15:3 maghahandog kayo kay Yahweh. Anumang ihahandog ninyo mula sa inyong mga kawan, maging handog na susunugin, tanging handog bilang panata, o kusang handog kung panahon ng pista o tanging pagkakataon,
15:4 ay lalakipan ninyo ng handog na pagkain: apat na litro ng pinong harinang minasa sa dalawang litrong langis.
15:5 Samahan din ng dalawang litrong alak ang bawat korderong handog upang sunugin.
15:6 Ang bawat handog na tupang lalaki ay sasamahan ng handog na pagkain: pitong litro ng pinong harinang minasa sa apat na litrong langis,
15:7 at tatlong litrong alak. Sa gayon, ang handog ninyo ay magiging mabangong samyo kay Yahweh.
15:8 Kung maghahandog kayo ng isang toro upang sunugin o ihain bilang katuparan ng panata o kaya'y pangkapayapaan,
15:9 sasamahan naman ito ng dalawampung litro ng pinong harinang minasa sa mahigit na tatlong litrong langis,
15:10 at ganoon din karaming inumin upang maging karapat-dapat kay Yahweh.
15:11 '"Ganyan nga ang gagawin ninyo tuwing maghahandog kayo ng toro, tupang lalaki, kordero o bisirong kambing."
15:12 Ang dami ng handog na pagkain at inumin ay batay sa dami ng handog.
15:13 Ganito nga ang gagawin ng mga katutubong Israelita upang maging marapat kay Yahweh ang kanilang handog.
15:14 Ganito rin ang gagawin ng sinumang nakikipamayan sa inyo kung nais nilang maghandog kay Yahweh.
15:15 Habang panahon, isa lamang ang tuntuning susundin ninyo at ng mga dayuhan. Kung ano kayo sa harapan ni Yahweh ay gayon din ang mga nakikipamayan sa inyo.
15:16 "Isa lamang ang Kautusan o tuntuning susundin ninyo, maging taal na Israelita o dayuhan lamang.' "
15:17 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,
15:18 '"Sabihin mo ito sa mga Israelita: Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay ko sa inyo,"
15:19 magbubukod kayo ng handog kay Yahweh tuwing kayo'y kakain ng mga pagkain doon.
15:20 Magbubukod kayo ng tinapay mula sa harinang una ninyong minasa at inyong ihain bilang handog mula sa ani.
15:21 Ihahandog ninyo kay Yahweh ang unang masa ng harina; ito'y tuntunin habang panahon.
15:22 '"Kapag nakaligtaan ninyong tupdin ang alinman sa utos ni Yahweh na sinabi kay Moises,"
15:23 buhat sa pasimula hanggang sa wakas,
15:24 ang buong bayan ay maghahandog ng isang toro bilang handog na susunugin kalakip ng handog na pagkain, at isang kambing na lalaki bilang handog ukol sa kasalanan.
15:25 Ipaghahandog sila ng saserdote para sa kanilang kasalanan. Kapag nagawa na ito, patatawarin sila pagkat isa lamang itong pagkukulang, at naghandog na sila ukol dito.
15:26 Ang buong Israel at ang mga nakikipamayan sa inyo ay patatawarin pagkat ito'y pagkukulang nilang lahat.
15:27 '"Kung ang isang tao'y nagkasala nang hindi sinasadya, magdadala siya ng isang babaing kambing na isang taong gulang bilang handog ukol sa kasalanan."
15:28 Siya'y ipaghahandog ng saserdote upang patawarin ni Yahweh.
15:29 Iisa ang tuntunin tungkol sa pagkukulang ng katutubong Israelita at ng mga dayuhan.
15:30 Ngunit papatayin ng buong bayan ang sinumang magkasala nang sinasadya, maging siya'y katutubong Israelita o nakikipamayan lamang, pagkat yaon ay paglait kay Yahweh.
15:31 "Itatakwil siya dahil sa paglabag sa Kautusan ni Yahweh. Siya lamang ang dapat sisihin sa kanyang pagkamatay.' ( Pinarusahan ang Nangahoy nang Araw ng Pamamahinga )"
15:32 Nang sila'y nasa ilang, may nakita silang nangangahoy nang Araw ng Pamamahinga.
15:33 Iniharap nila ito kina Moises, Aaron at sa buong bayan.
15:34 Siya'y ikinulong muna hanggang walang tiyak na parusang igagawad sa kanya.
15:35 "At sinabi nga ni Yahweh kay Moises, 'Dalhin siya sa labas ng bayan at batuhin ng lahat hanggang mamatay.'"
15:36 Gayon nga ang ginawa nila. ( Ang Palawit sa Damit ng mga Israelita )
15:37 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
15:38 '"Sabihin mo sa mga Israelita na habang panahon silang maglalagay ng borlas sa laylayan ng kanilang mga damit. Susuksukan nila ito ng asul na kordon."
15:39 Gagawin ninyo ito upang maalaala ninyo ang Kautusan ni Yahweh tuwing makikita ninyo ang mga palawit na iyon. Sa gayon, masusunod ang salita ni Yahweh at hindi ang inyong sariling kagustuhan na kadalasa'y nagliligaw sa inyo.
15:40 Sundin ninyong lagi ang aking mga utos at italaga ninyo sa akin ang inyong buhay.
15:41 "Ako si Yahweh na naglabas sa inyo sa Egipto ang siya lamang ninyong magiging Diyos.'"
16:1 ( Ang Paghihimagsik nina Core, Datan at Abiram ) Naghimagsik laban kay Moises si Core na anak ni Izar at apo ni Coat na anak ni Levi. Kasama niya sa paghihimagsik na ito sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab, at si On na anak ni Pelet na pawang buhat sa lipi ni Ruben.
16:2 May kasama pa silang 250 katao na pawang kilala sa bayan at mga puno ng kapulungan.
16:3 "Hinarap nila sina Moises at Aaron at sinabi, 'Sobra na 'yang ginagawa ninyo. Bakit itinataas ninyo ang inyong sarili gayong lahat ng nasa kalipunang ito ay banal at hindi hinihiwalayan ni Yahweh?' "
16:4 Nang marinig ito ni Moises, siya'y nagpatirapa sa lupa.
16:5 "Sinabi niya kina Core: 'Bukas ng umaga, ipakikilala sa inyo ni Yahweh kung sino ang kanyang hinirang. Kung sino ang piliin niya ay yaon ang makalalapit sa kanya."
16:6 Ganito ang gawin ninyo: Kumuha kayo ng insensaryo
16:7 "bukas, at lagyan ninyo ng baga sa harapan ni Yahweh, saka lagyan ng kamanyang. Kung sino ang banal ay siyang pipiliin ni Yahweh. Kayong mga anak ni Levi ang sumosobra.' "
16:8 "Sinabi pa ni Moises, 'Makinig kayo, mga anak ni Levi:"
16:9 hindi pa ba kayo nasisiyahan na kayo'y hinirang ni Yahweh upang maglingkod sa kanya sa Toldang Tipanan para sa bayang Israel?
16:10 Kayong mga Levita'y ibinukod na ni Yahweh upang maglingkod sa harapan niya, bakit ibig pa ninyong agawin pati ang pagiging saserdote?
16:11 "Dahil sa hangad ninyong iyan ay nagkakaisa kayo laban kay Yahweh. Sino si Aaron upang inyong paghimagsikan?' "
16:12 Sina Datan at Abiram na anak ni Eliab ay ipinatawag ni Moises ngunit hindi pumunta. Sa halip ay sinabi nila,
16:13 '"Hindi pa ba sapat sa iyo na kami'y iyong inialis sa lupaing sagana na sa lahat ng bagay upang patayin ng gutom dito sa ilang? Bakit ibig mo pang ikaw ay kilalanin naming panginoon?"
16:14 "Hanggang ngayo'y hindi mo pa kami nadadala sa lupaing sagana sa lahat ng bagay ni nabibigyan ng bukirin na aming pinakamana. Akala mo ba'y madadaya mo kami? Hindi kami pupunta!' "
16:15 "Dahil dito, nagalit si Moises at sinabi kay Yahweh, 'Huwag mong pahahalagahan ang kanilang handog. Hindi ko sila kinunan kahit isang asno ni pinagmalabisan.' "
16:16 "Pagkatapos, hinarap ni Moises si Core, at sinabi, 'Humarap kayo bukas kay Yahweh: ikaw, ang 250 kasamahan mo, at si Aaron."
16:17 "Kayo ng mga kasama mo ay magdala ng tig-iisang insensaryo, at magsunog kayo ng kamanyang sa harapan ni Yahweh. Magdadala rin si Aaron ng kanyang insensaryo.' "
16:18 Kinabukasan, nagdala nga sila ng insensaryo at kamanyang, at pumunta sa may pintuan ng Toldang Tipanan, kasama sina Moises at Aaron.
16:19 Si Core at ang kanyang mga kasamahan ay lumagay sa harap ng Toldang Tipanan at pinalagay nila sa kanilang tapat ang buong bayan. Ang kaningningan ni Yahweh ay napakita sa bayan.
16:20 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
16:21 '"Lumayo kayo sa kanila para malipol ko sila sa isang saglit.' "
16:22 "Ngunit sina Moises at Aaron ay nagpatirapa. Sinabi nila, 'Yahweh, aming Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat ng tao, lilipulin mo ba ang buong bayan dahil lamang sa kasalanan ng isang tao?' "
16:23 Sumagot si Yahweh:
16:24 '"Sabihin ninyo sa buong bayan na lumayo sa tirahan nina Core, Datan at Abiram.' "
16:25 Pinuntahan ni Moises sina Datan at Abiram; kasunod niya ang matatanda ng Israel.
16:26 "Sinabi niya sa bayan, 'Lumayo kayo sa mga taong ito na ubod ng sasama. Ni huwag ninyong sasalingin ang anumang ari-arian nila at baka kayo'y malipol na kasama nila.'"
16:27 Gayon nga ang ginawa nila. Sina Datan at Abiram ay nakatayo sa pintuan ng kanilang tolda, kasama ang kani-kanilang sambahayan.
16:28 "Sinabi ni Moises, 'Malalaman ninyo ngayon na sinugo ako ni Yahweh upang gawin ang mga bagay na ito, at ito'y hindi ko sariling kagustuhan."
16:29 Kapag ang mga taong ito'y namatay sa sakit o sa natural na kamatayan, nangangahulugang hindi ako ang sinugo ni Yahweh.
16:30 "Ngunit kapag bumuka ang lupa at sila'y nilulon nang buhay kasama ng lahat ng may kaugnayan sa kanila, nangangahulugang naghimagsik sila kay Yahweh.' "
16:31 Hindi pa halos natatapos ang salita ni Moises, bumuka ang lupa,
16:32 at nilulon nang buhay sina Core pati ang kanilang mga kasambahay at ari-arian.
16:33 Silang lahat ay nalibing nang buhay. Muling naghilom ang lupa at hindi na sila nakita ng mga Israelita.
16:34 "Dahil dito, nagkagulo sila sa takot. 'Lumayo kayo rito!' ang sigawan nila. 'Baka pati tayo'y lamunin ng lupa.' "
16:35 Samantala, nagpaulan ng apoy si Yahweh at tinupok ang 250 kasamahan ni Core na nagsunog ng kamanyang.
16:36 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
16:37 '"Sabihin mo kay Eleazar na anak ni Aaron na kunin ang mga insensaryo at itapon sa malayo ang mga baga."
16:38 "Kunin ninyo pati ang mga insensaryo ng 250 namatay. Pitpitin ninyo yaon nang manipis at gawing panakip sa altar. Ang mga iyon ay sagrado pagkat inihandog sa akin. Bayaan ninyong iyan ay maging tagapagpaalaala sa mga Israelita.'"
16:39 Kinuha nga ni Eleazar ang mga insensaryong yaon na pawang tanso, ipinapitpit nang manipis, at itinakip sa altar.
16:40 Sa gayon, laging maaalaala ng mga Israelita na ang sinumang hindi saserdote o hindi kabilang sa angkan ni Aaron ay di dapat mangahas magsunog ng kamanyang sa harapan ni Yahweh. Baka maparis sila kay Core at sa mga kasamahan nito. Ang lahat ng ito'y ginawa ni Eleazar ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises.
16:41 "Kinabukasan, nag-usap-usap laban kina Moises at Aaron ang buong bayan. Sabi nila, 'Pinatay ninyo ang mga lingkod ni Yahweh.'"
16:42 Sila'y nagkaisa laban kina Moises at Aaron ngunit nang lingunin nila ang Toldang Tipanan, nakita nilang nabalot ito ng ulap at lumitaw ang kaningningan ni Yahweh.
16:43 Sina Moises at Aaron ay lumagay sa may pintuan ng Toldang Tipanan.
16:44 Sinabi sa kanila ni Yahweh,
16:45 '"Lumayo kayo sa mga taong ito at lilipulin ko sila sa loob ng isang saglit.' Sina Moises at Aaron ay nagpatirapa sa lupa."
16:46 "Sinabi ni Moises kay Aaron, 'Madali ka! Kunin mo ang insensaryo mo at magsunog ka ng kamanyang. Pumagitna ka sa bayan at ihingi mo sila ng tawad kay Yahweh pagkat kumakalat na ang salot dahil sa kanyang poot.'"
16:47 Sinunod ni Aaron ang sinabi ni Moises at patakbo siyang nagtungo sa gitna ng kapulungan. Nang dumating siya roon, marami nang patay. Nagsunog siya agad ng kamanyang at inihingi ng tawad ang mga tao.
16:48 Pumagitna siya sa mga patay at sa mga buhay, at nawala ang salot.
16:49 Ang namatay sa salot na yaon ay 14,700, bukod sa mga namatay na kasama ni Core.
16:50 Nang wala na ang salot, nagbalik kay Moises si Aaron sa may pintuan ng Toldang Tipanan.
17:1 ( Ang Tungkod ni Aaron ) Sinabi ni Yahweh kay Moises,
17:2 '"Sabihin mo sa mga Israelita na ang puno ng bawat lipi ay magbigay sa iyo ng isang tungkod na may pangalan nila."
17:3 Ang pangalan ni Aaron ang isusulat mo sa tungkod ng lipi ni Levi. Sa gayon, bawat lipi ay may tungkod ng kanilang puno.
17:4 Ilalagay mo ang mga tungkod na yaon sa harap ng Kaban ng Tipan, sa lugar na ating pinagtatagpuan.
17:5 "Ang tungkod ng aking hinirang ay pamumulaklakin ko. Sa gayon, matitigil na ang bulung-bulungan nila laban sa iyo.' "
17:6 Gayon nga ang sinabi ni Moises. Nagbigay sa kanya ng tungkod ang bawat lipi. Lahat-lahat ay labindalawa pati ang tungkod ni Aaron.
17:7 Ang mga ito'y inilagay ni Moises sa harapan ni Yahweh, sa loob ng Toldang Tipanan.
17:8 Kinabukasan, nakita ni Moises na may dahon ang tungkod ni Aaron. Bukod sa dahon, namulaklak pa at namunga ng almendras.
17:9 Inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod at ipinakita sa mga Israelita. Nakita nila ang nangyari, at kinuha na ng mga lider ang kani-kanilang tungkod.
17:10 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Ibalik mo sa harap ng Kaban ng Tipan ang tungkod ni Aaron upang maging babala sa mga naghihimagsik. Mamamatay sila kung hindi sila titigil.'"
17:11 Ginawa nga ito ni Moises ayon sa iniutos ni Yahweh.
17:12 "Sinabi ng mga Israelita kay Moises, 'Mapapahamak kami! Mauubos kaming lahat!"
17:13 "Kung mamamatay ang bawat lumapit sa Toldang Tipanan ni Yahweh, mamamatay kaming lahat!'"
18:1 ( Ang Tungkulin ng mga Saserdote at mga Levita ) "Sinabi ni Yahweh kay Aaron, 'Ikaw, ang iyong sambahayan, at ang lipi ni Levi ang may pananagutan sa lahat ng gawain sa Toldang Tipanan. Ngunit sa mga gawain ng saserdote, ikaw at ang sambahayan mo lamang ang mangangasiwa."
18:2 Ang mga Levita ay kakatulungin mo at ng iyong mga anak sa inyong paglilingkod sa loob ng Toldang Tipanan.
18:3 Subalit hindi sila lalapit sa altar o sa alinmang sagradong kasangkapan sa loob ng santwaryo. Kapag lumapit sila, pare-pareho kayong mamamatay.
18:4 Liban sa kanila, wala kayong dapat katulungin sa anumang gawain sa Toldang Tipanan, at wala ring dapat lumapit sa inyo roon.
18:5 Ikaw lamang at ang iyong mga anak ang mamamahala sa mga gawain sa Toldang Tipanan at sa altar para walang kapahamakang umabot sa Israel.
18:6 Ang mga kamag-anak mong Levita ay hinirang ko upang makatulong mo sa mga gawaing ito. Handog ko sila sa inyo para maglingkod sa akin.
18:7 "Ngunit ikaw lamang at ang iyong mga anak ang maghahandog sa altar at sa Dakong Kabanal-banalan. Iyan ang inyong tungkulin. Ikaw lamang ang pinagtitiwalaan ko sa tungkuling ito. Sinumang makialam sa iyo rito ay mamamatay.' ( Ang Bahagi ng mga Saserdote )"
18:8 "Sinabi ni Yahweh kay Aaron, 'Ipinagkakaloob ko sa iyo ang lahat ng tanging handog ng mga Israelita bilang kaparte mo habang panahon."
18:9 Ito ang mauuwi sa iyo at sa iyong mga anak: lahat ng handog na hindi sinusunog sa altar, maging handog na pagkain, maging handog para sa kasalanan o anumang paglabag.
18:10 Ito ay ituturing ninyong banal at kakanin ninyo sa lugar na banal. Ang mga lalaki lamang sa inyong sambahayan ang maaaring kumain nito.
18:11 '"Para sa iyo rin at sa iyong sambahayan ang kanilang handog pangkapayapaan. Lahat ng iyong kasambahay, lalaki't babaing malinis ayon sa Kautusan, ay maaaring kumain nito. "
18:12 '"Ibinibigay ko rin sa iyo ang pinakamainam sa lahat ng unang bunga ng halaman na ihahandog nila sa akin: langis, alak at pagkain."
18:13 Ang lahat ng iyan ay para sa inyo at maaaring kanin ng sinumang kasambahay mo kung sila'y malinis ayon sa Kautusan.
18:14 '"Lahat ng handog ng Israel para sa akin ay mauuwi sa iyo. "
18:15 '"Lahat ng panganay, maging tao o hayop na pawang nakatalaga sa akin ay mauuwi sa iyo. Ngunit ang panganay na Israelita at ang panganay ng mga hayop na marurumi ayon sa Kautusan ay tutubusin nila"
18:16 isang buwan matapos isilang. Ang tubos sa bawat isa ay limang pirasong pilak, ayon sa timbangan ng templo.
18:17 Ang panganay na baka, tupa o kambing ay hindi na tutubusin. Ang mga ito ay ihahandog sa akin. Ang dugo ng mga ito'y iwiwisik mo sa dambana. Susunugin mo naman ang kanilang taba upang maging mabangong samyo para sa akin.
18:18 Para sa iyo rin ang pitso at ang kanang hita ng kanilang mga handog.
18:19 '"Lahat ng tanging handog nila sa akin ay mauuwi sa iyong sambahayan. Ito'y tuntuning mananatili habang panahon.' "
18:20 "Sinabi pa ni Yahweh kay Aaron, 'Hindi ka na bibigyan ng bahagi sa lupaing ibibigay ko sa kanila; ako ang iyong kaparte, ang iyong mana. ( Ang Bahagi ng mga Levita )"
18:21 '"Ang bahagi ng mga Levita ay ang ikapu ng Israel, at ito ang nauukol sa kanilang paglilingkod."
18:22 Mula ngayon, ang mga karaniwang Israelita ay huwag nang lalapit sa Toldang Tipanan. Kapag lumapit sila, ibibilang na kasalanan iyon. Kaya, mamamatay sila.
18:23 Ang mga Levita lamang ang gaganap ng anumang paglilingkod na kailangan sa Toldang Tipanan pagkat pananagutan nila ito. Ito ay tuntuning susundin habang panahon, sa lahat ng inyong salinlahi; wala silang ibang kaparte sa Israel.
18:24 "Ang bahagi ng mga Levita ay ang ikapu ng buong Israel, kaya ko sinabing wala silang kaparte sa Israel.' ( Dapat ding Maghandog ng Ikapu ang mga Levita )"
18:25 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
18:26 '"Sabihin mo sa mga Levita: 'Pagtanggap ninyo sa ikapu ng mga Israelita, ihahandog ninyo kay Yahweh ang ikapu noon, samakatwid ay ikapu ng ikapu."
18:27 Ang handog ninyong ito ay siyang katumbas ng handog ng ibang lipi mula sa ani ng kanilang mga bukirin at ubasan.
18:28 Sa gayong paraan, kayo man ay maghahandog ng ikapu kay Yahweh sa pamamagitan ng ika-10 bahagi ng tinatanggap ninyo sa mga Israelita. Iyon naman ay mauuwi kay Aaron.
18:29 Yaong pinakamainam sa handog na tinatanggap ninyo ang inyong ihahandog para kay Yahweh.'
18:30 Kaya, sabihin mo sa kanila na pagkatapos ibukod ang pinakamainam na bahagi ng ikapu ng buong Israel, ang matitira'y kanila na. Iyan ang siyang katumbas ng inaani ng ibang lipi sa kanilang mga bukirin at ubasan.
18:31 At maaari nilang kanin iyon kahit saan, pati ang kanilang sambahayan pagkat iyon ang nauukol sa kanila sa pagtulong nila sa paglilingkod sa Toldang Tipanan.
18:32 "Hindi kayo magkakasala sa pagkain ng matitira kapag naibukod na ninyo ang pinakamaiinam. Kung hindi pa naibubukod, ipalalagay na nilalapastangan ninyo ang handog ng mga Israelita, at kayo'y mamamatay.'"
19:1 ( Ang Abo ng Bakang Pula ) Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
19:2 '"Sabihin ninyo sa mga Israelita na pumili ng isang pulang dumalagang baka na walang kapintasan at hindi pa naisisingkaw kahit kailan. Ito'y dadalhin nila sa inyo,"
19:3 at ibibigay naman ninyo kay Eleazar upang patayin sa labas ng kampamento, sa gawing silangan.
19:4 Ilulubog ni Eleazar ang kanyang mga daliri sa dugo nito at pitong ulit na wiwisikan ang harap ng Toldang Tipanan.
19:5 Ang baka'y susunugin nang buo, pati balat, dugo at dumi.
19:6 Habang sinusunog ito, ang saserdote'y kukuha naman ng sedro, isopo at lana, at isasama sa bakang sinusunog.
19:7 Pagkatapos, lalabhan ng saserdote ang kanyang kasuutan, maliligo siya, saka papasok sa kampamento. Ibibilang siyang marumi ayon sa Kautusan hanggang kinagabihan.
19:8 Ang kasuutan ng mga katulong sa pagsusunog ng dumalagang baka ay dapat ding labhan. Kailangan din silang maligo at ituturing din silang marumi hanggang sa gabi.
19:9 Ang abo ng sinunog na baka ay titipunin ng sinumang malinis ayon sa Kautusan. Ilalagay ito sa isang malinis na lugar sa labas ng kampamento. Ito ang gagamitin ng mga Israelita sa paghahanda ng tubig na panlinis ayon sa Kautusan, pagkat ang dumalagang bakang yaon ay handog para sa kasalanan.
19:10 At ang kasuutan ng mag-iipon ng abo ay lalabhan at ituturing din siyang marumi hanggang sa kinagabihan. Ang mga tuntuning ito'y susundin ng lahat habang panahon, maging ng mga Israelita, maging ng dayuhan. ( Ang Paghipo sa Patay )
19:11 '"Sinumang makahipo sa patay ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw."
19:12 Upang maging malinis uli, kailangang linisin niya ang kanyang sarili sa ika-3 at ika-7 araw sa pamamagitan ng tubig na inilaan ukol dito. Kapag hindi niya ito ginawa, hindi siya magiging malinis.
19:13 Sinumang sumaling sa patay at hindi maglinis ng sarili sa pamamagitan ng tubig na panlinis ay nagpaparumi sa Toldang Tipanan ni Yahweh. Siya'y mananatiling marumi habang panahon, at ititiwalag sa bayan ng Diyos.
19:14 '"Ito ang tuntunin kapag may namatay sa loob ng tolda o bahay: lahat ng naroroon o sinumang pumasok doon ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw."
19:15 Pati mga sisidlang walang takip ay ituturing na marumi.
19:16 '"Lahat namang makahipo ng patay o kalansay sa labas ng tolda o bahay, at ang sinumang mapadiit sa nitso ay ituturing na marumi rin sa loob ng pitong araw. "
19:17 '"Ang mga itinuturing na marumi dahil sa paghipo sa patay, kalansay o puntod ay kukuha ng abo ng handog tungkol sa kasalanan. Ilalagay ito sa isang palangganang may tubig na buhay."
19:18 Pagkatapos, ang isa sa mga itinuturing na malinis ay kukuha ng sanga ng isopo, ilulubog ito sa tubig at wiwisikan nito ang tolda, ang mga kagamitan dito, at ang lahat ng taong nakahipo ng patay, kalansay o nitso.
19:19 Sa ika-3 at ika-7 araw, ang itinuturing na marumi ay wiwisikan ng sinumang itinuturing na malinis. Pagkatapos, lalabhan ng itinuturing na marumi ang kanyang kasuutan at siya'y maliligo; kinagabihan ituturing na siyang malinis.
19:20 '"Sinumang itinuturing na marumi ngunit hindi maglinis sa pamamagitan ng tubig na panlinis ay mananatiling marumi. Itatakwil siya ng bayan pagkat dinudumhan niya ang Toldang Tipanan ni Yahweh."
19:21 Ang mga ito'y tuntuning susundin ninyo habang panahon. Ang kasuutan ng sinumang magwisik ng tubig na panlinis ay lalabhan. At sinumang makahipo sa tubig na ito ay ituturing na marumi hanggang gabi.
19:22 "Anumang mahipo ng taong itinuturing na marumi ay ituturing ding marumi, hanggang gabi, gayon din ang sinumang humipo sa bagay na iyon.'"
20:1 ( Ang Tubig Mula sa Bato )[ (Exo. 17:1-7) ] Nang unang buwan, ang mga Israelita'y nakarating sa ilang ng Zin at tumigil sa Cades. Doon namatay at inilibing si Miriam.
20:2 Wala silang makuhang tubig doon, kaya nag-usap-usap sila laban kina Moises at Aaron.
20:3 "Sinabi nila, 'Mabuti pa'y namatay na kami sa harap ng Toldang Tipanan kasama ng iba naming mga kapatid."
20:4 Bakit pa ninyo kami dinala rito, upang patayin, pati ang aming mga hayop?
20:5 "Bakit ninyo kami inialis sa Egipto at dinala sa disyertong ito na wala kahit isang butil na pagkain? Ni walang igos, ubas o granada! Wala man lang tubig!'"
20:6 Nagpunta sina Moises at Aaron sa harap ng Toldang Tipanan at nagpatirapa. Napakita naman sa kanila ang kaningningan ni Yahweh.
20:7 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
20:8 '"Dalhin mo ang tungkod ni Aaron. Isama ninyo ni Aaron ang buong bayan sa harap ng malaking bato. Pagdating doon, magsalita ka sa bato at lalabas ang tubig para sa bayan at sa kanilang kawan.'"
20:9 Kinuha nga ni Moises ang tungkod sa harap ng Kaban ng Tipan.
20:10 "Tinipon nina Moises at Aaron sa harap ng malaking bato ang buong bayan. Sinabi niya, 'Makinig kayo, mga mapanghimagsik. Ibig ba ninyong magpabukal kami ng tubig mula sa batong ito?'"
20:11 Pagkasabi noon, makalawang pinalo ni Moises ang bato sa pamamagitan ng tungkod. Bumukal ang masaganang tubig at nakainom ang bayan pati ng kanilang kawan.
20:12 "Ngunit pinagsabihan ni Yahweh sina Moises at Aaron. Wika niya: 'Dahil sa kakulangan ng inyong pagtitiwala na ipakikilala ang aking kabanalan sa harapan ng bayan, hindi kayo makararating sa lupaing ibibigay ko sa kanila.' "
20:13 Ito ang bukal ng Meriba, ang lugar ng paghihimagsik ng Israel laban kay Yahweh; ipinakita niya dito ang kanyang kabanalan. ( Hindi Pinaraan sa Edom ang Israel )
20:14 "Mula sa Cades, si Moises ay nagpasabi sa hari ng Edom: 'Ito ang ipinasasabi ng kapatid mong si Israel: Hindi kaila sa iyo ang mga kahirapang dinanas namin."
20:15 Alam mong ang mga ninuno namin ay nagpunta sa Egipto at nanirahan doon nang mahabang panahon ngunit kami at ang aming mga ninuno ay inapi ng mga Egipcio.
20:16 Dahil dito, dumaing kami kay Yahweh. Dininig niya kami at sinugo sa amin ang isang anghel na siyang naglabas sa amin mula sa Egipto. At ngayo'y narito kami sa Cades, sa may hangganan ng iyong kaharian.
20:17 "Ipinakikiusap kong paraanin mo kami sa iyong nasasakupan. Hindi kami daraan sa alinmang bukirin o ubasan, ni kukuha ng isang patak na tubig sa inyong mga balon. Tutuntunin namin ang Lansangan ng Hari at hindi kami lilihis sa kanan o sa kaliwa hanggang hindi kami nakalalampas sa iyong sakop.' "
20:18 "Ngunit ang sagot ng hari ng Edom, 'Huwag kayong makadaan-daan sa aking nasasakupan! Pag kayo'y nangahas, sasalakayin namin kayo.' "
20:19 "Sinabi ng mga Israelita, 'Hindi kami lilihis ng daan. Sakaling makainom kami ng inyong tubig, babayaran namin paraanin mo lamang kami.' "
20:20 '"Hindi maaari,' sagot ng hari. At tinipon niya ang buo niyang hukbo."
20:21 Ang Israel ay hindi na nga pinaraan ng hari ng Edom, kaya humanap sila ng ibang daan. ( Namatay si Aaron sa Bundok ng Hor )
20:22 Ang mga Israelita'y naglakbay mula sa Cades at nakarating sa Bundok ng Hor,
20:23 sa may hanggahan ng lupain ng Edom. Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
20:24 '"Si Aaron ay ibilang mo na sa mga namatay na Israelita. Hindi siya makapapasok sa lupaing ibibigay ko sa Israel pagkat di ninyo sinunod ang utos ko sa inyo sa Meriba."
20:25 Sila ng anak niyang si Eleazar ay isama mo sa itaas ng Bundok ng Hor.
20:26 "Pagdating doon, hubarin mo ang kasuutan niya at isuot mo kay Eleazar. At doon na mamamatay si Aaron.'"
20:27 Gayon nga ang ginawa ni Moises. Umahon sila sa bundok, nakikita ng buong bayan.
20:28 Pagdating sa itaas ng bundok, hinubad niya ang kasuutan ni Aaron at isinuot kay Eleazar. At si Aaron ay namatay na roon. Sina Moises at Eleazar ay bumaba na ng kapatagan.
20:29 Nang malaman ng bayan na patay na si Aaron, nagluksa sila nang tatlumpung araw.
21:1 ( Sinalakay ng mga Cananeo ang mga Israelita ) Nabalitaan ng hari ng Arad, isang haring Cananeo sa timog, na magdaraan sa Atarim ang mga Israelita. Sinalakay niya ang mga ito at nakabihag ng ilan.
21:2 "Kaya ang mga Israelita'y gumawa ng panata kay Yahweh. Sabi nila, 'Ipalupig mo sa amin ang mga taong ito at dudurugin namin ang kanilang mga lunsod.'"
21:3 Dininig naman sila ni Yahweh. Kaya, nang mabihag nila ang mga Cananeo ay dinurog nga nila ang lunsod ng mga ito. Ang lugar na yao'y tinawag nilang Horma. ( Ang Makamandag na mga Ahas )
21:4 Mula sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat ng mga Tambo upang lihisan ang Edom. Dahil dito, nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay na yaon.
21:5 "Nagreklamo sila kay Moises, 'Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kwentang pagkaing ito.'"
21:6 Dahil dito, sila'y pinadalhan ni Yahweh ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay namamatay.
21:7 "Kaya, lumapit sila kay Moises. Sinabi nila, 'Nagkasala kami kay Yahweh at sa iyo. Idalangin mo sa kanyang paalisin ang mga ahas na ito.' Dumalangin nga si Moises"
21:8 "at ganito ang sagot sa kanya ni Yahweh, 'Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay.'"
21:9 Gayon nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay. ( Ang Paglalakbay ng Israel sa Palibot ng Moab )
21:10 Ang bayang Israel ay nagpatuloy ng yugtu-yugtong paglalakbay; nakarating sila ng Obot.
21:11 Mula roon, nagtuloy sila sa pinagbabayanan ng Abarim, sa ilang na nasa silangan ng Moab.
21:12 Pag-alis doon, nagpatuloy sila sa Lambak ng Zared.
21:13 Buhat naman dito ay nagtuloy sila sa kabila ng Arnon, isang lugar na nakapagitna sa lupain ng mga Amorreo at ng mga Moabita.
21:14 "Kaya natala sa k Aklat ng mga Pakikipagdigma ni Yahwehkend ang ganito: 'Parang ipu-ipo, sinakop niya Ang Waheb at ang kapatagan ng Arnon, "
21:15 "At ang kataasan hanggang sa kapatagan ng Ar At sa hangganan ng Moab.' "
21:16 Mula sa Arnon, nagpatuloy sila hanggang Beer. Ang lugar na ito'y tinawag na Beer pagkat dito sila pinahukay ng balon ni Yahweh para makunan ng tubig.
21:17 "Sa lugar ding ito, umawit sila ng ganito: 'Pasalubungan natin ng awit ang bukal ng tubig, "
21:18 "Mula sa balong hinukay ng ating mga lider Sa pamamagitan ng mga setro't mga tungkod.' Mula sa ilang na yao'y nagtuloy sila sa Matana,"
21:19 nagdaan ng Nahaliel at Bamot.
21:20 Pag-alis doo'y nagtuloy sila sa isang kapatagang sakop din ng Moab, sa ibaba ng Pisga na nakatunghay sa ilang. ( Nalupig ng Israel sina Haring Sehon at Og )[ (Deut. 2:26--3:11) ]
21:21 Ang mga Israelita'y nagsugo kay Haring Sehon, isang Amorreo. Ipinasabi nila,
21:22 '"Ipinakikiusap naming paraanin mo kami sa inyong lupain. Hindi kami tatahak sa alinmang bukirin o ubasan ni iinom sa inyong balon. Tutuntunin namin ang Lansangan ng Hari hanggang sa makalampas kami ng inyong kaharian.'"
21:23 Ngunit hindi sila pinahintulutan ni Haring Sehon; sa halip, tinipon niya ang kanyang hukbo at sinalakay ang mga Israelita. Nagkasagupa sila sa lupain ng Jahaz.
21:24 Nagtagumpay ang mga Israelita at nasakop ang kanyang lupain, mula sa Arnon hanggang Jaboc, sa may hangganan ng Ammon. (Matitibay ang mga kuta ng Ammon.)
21:25 Sinakop ng mga Israelita ang mga lunsod ng mga Amorreo, pati ang Lunsod ng Hesbon at ang mga bayang sakop nito. Pagkatapos, sila na ang nanirahan sa mga lunsod na ito ng mga Amorreo.
21:26 Ang Hesbon ang siyang punong lunsod ni Haring Sehon na lumupig sa hari ng Moab at sumakop sa lupain nito hanggang Arnon.
21:27 "Kaya ang sabi ng mga mang-aawit: 'Parito kayo sa Hesbon at itayong muli ang lunsod ni Sehon. "
21:28 Mula sa Hesbon na Lunsod ni Sehon Lumabas na parang apoy ang kanyang hukbo At winasak ang Lunsod ng Ar sa Moab.
21:29 Kawawa ka, Moab, pagkat ito na ang iyong wakas! Kawawa ka, bayan ni Cemos! Ang mga anak mong lalaki ay tumakas. Ang mga anak mong babae ay nabihag Ni Sehon na hari ng mga Amorreo.
21:30 "Napuksa pati ang mga sanggol Mula sa Hesbon hanggang sa Dibon Mula sa Nasim hanggang sa Nofa Na malapit sa Medeba.' "
21:31 Tinirahan nga ng mga Israelita ang lupaing nakuha nila sa mga Amorreo.
21:32 Pagkatapos, si Moises ay nagsugo ng mga tiktik sa Jazer, at nasakop din nila ito pati ang mga lupaing kanugnog nito. Pinalayas din nila ang mga Amorreo roon.
21:33 Hinarap naman nila ang Basan, ngunit nilabanan sila ni Haring Og sa Edrei.
21:34 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Huwag kang matakot pagkat ipalulupig ko siya sa iyo. Magagawa mo sa kanya ang ginawa mo kay Haring Sehon ng Hesbon.'"
21:35 Napatay nga nila ang lahat ng tagaroon, mula kay Haring Og hanggang sa pinakamaliit na mamamayan; wala silang itinirang buhay. At sinakop nila ang lupaing yaon.
22:1 ( Ipinatawag ni Balac si Balaam ) Nagpatuloy ng paglalakbay ang mga Israelita at humimpil sila sa kapatagan ng Moab, sa gawing silangan ng Jordan, sa tapat ng Jerico.
22:2 Ang lahat ng ginawa ng mga Israelita sa mga Amorreo ay hindi nalingid kay Haring Balac na anak ni Zipor. Ngunit hindi siya makakilos laban sa mga Israelita pagkat napakarami ang mga ito.
22:3 Natakot sa mga Israelita ang mga Moabita.
22:4 "Kaya sinabi nila sa matatanda ng Madian, 'Uubusin ng mga taong ito ang mga bayan sa paligid natin, tulad ng pag-ubos ng baka sa sariwang damo.'"
22:5 "At nagsugo si Haring Balac kay Balaam anak ni Beor, sa may Ilog Eufrates sa lupain ng mga Amorreo. Ganito ang kanyang ipinasabi: 'May isang sambayanang dumating buhat sa Egipto. Nasakop na nila ang mga bansa sa paligid namin. Malapit na sila ngayon sa aking lupain."
22:6 "Napakarami nila. Magpunta ka agad dini at sumpain mo sila. Natitiyak kong malulupig ko sila pagkatapos mong sumpain pagkat alam kong sinusuwerte ang pagpalain mo at minamalas naman ang sinumang sumpain mo.' "
22:7 Ang matatanda ng Moab at ng Madian ay nagpunta kay Balaam, dala ang pang-upa rito. Sinabi nila ang ipinasasabi ni Balac.
22:8 "Ganito ang tugon ni Balaam, 'Dito na kayo matulog ngayong gabi para masabi ko agad sa inyo ang anumang sasabihin sa akin ni Yahweh.' Doon nga sila natulog. "
22:9 "Itinanong ni Yahweh kay Balaam, 'Sino 'yang mga taong iyan?' "
22:10 "Sumagot si Balaam, 'Mga sugo po ni Balac na hari ng Moab."
22:11 "Ipinasusumpa po niya sa akin ang bayang nanggaling sa Egipto pagkat nasakop na ng mga ito ang lahat ng lupain sa paligid ni Balac. Baka raw sa ganoong paraan niya maitaboy sa malayo ang mga iyon.' "
22:12 "Sinabi ni Yahweh kay Balaam, 'Hindi ka dapat sumama sa mga taong iyan. Hindi mo dapat sumpain ang mga taong tinutukoy nila pagkat pinagpala ko sila.' "
22:13 "Kinaumagahan, sinabi ni Balaam sa mga panauhin niya, 'Umuwi na kayo. Ayaw akong pasamahin ni Yahweh sa inyo.'"
22:14 Umuwi nga ang mga matatanda at sinabi kay Haring Balac na ayaw sumama sa kanila si Balaam.
22:15 Nagsugo uli si Balac ng mas marami at kagalang-galang na mga pinuno kay Balaam.
22:16 "Pagdating doon, sinabi nila, 'Ipinasasabi ni Balac na huwag kang mag-atubili ng pagpunta sa kanya."
22:17 "Pagdating mo raw doon, pararangalan ka niyang mabuti at ibibigay sa iyo ang anumang magustuhan mo, sumpain mo lamang ang mga Israelita.' "
22:18 "Ang sagot ni Balaam, 'Punuin man ni Balac ng ginto't pilak ang kanyang bahay, at ibigay sa akin, hindi ko maaaring suwayin kahit kaunti ang utos sa akin ni Yahweh."
22:19 "Gayunman, dito na kayo magpalipas ng gabi para malaman natin kung ano pa ang sasabihin sa akin ni Yahweh.' "
22:20 "Kinagabihan, si Balaam ay nilapitan ng Diyos. Ang sabi sa kanya, 'Sumama ka sa kanila ngunit ang ipinasasabi ko lamang sa iyo ang sasabihin mo.' ( Ang Anghel at ang Asno ni Balaam )"
22:21 Kinabukasan ng umaga, siniyahan ni Balaam ang kanyang asno at sumama sa mga sugo ni Balac,
22:22 kasama ang dalawa niyang utusan. Ngunit nagalit sa kanya ang Diyos kaya't hinarang siya ng anghel ni Yahweh.
22:23 Nakatayo sa daan ang anghel, hawak ang kanyang tabak. Nang makita siya ng asno, lumihis ito ng daan at nagpunta sa bukirin. Kaya, pinalo ito ni Balaam at pilit na ibinabalik sa daan.
22:24 Ang anghel naman ni Yahweh ay tumayo sa makitid na landas sa pagitan ng ubasan at ng pader.
22:25 Nang makita siya ng asno, sumiksik ito sa pader at naipit ang paa ni Balaam. Muli itong pinalo ni Balaam.
22:26 Ang anghel ay humarang uli sa lugar na wala nang malilihisan ang asno.
22:27 Nang makita na naman siya ng asno, nagpatibuwal ito. Kaya, nagalit si Balaam at pinalo nang pinalo ang asno.
22:28 "Ang asno'y pinagsalita ni Yahweh. Itinanong nito kay Balaam, 'Bakit mo ako pinapalo nang ganito? Pangatlong beses na ito.' "
22:29 "Sinabi ni Balaam sa asno, 'Pinapalo kita pagkat ibig mo akong lokohin. Kung may tabak lang ako, baka napatay na kita.' "
22:30 "Sinabi ng asno kay Balaam, 'Hindi ba't sa simula pa'y ako lamang ang sinasakyan mo? Ginawa ko na ba ito sa iyo?' 'Hindi nga,' sagot ni Balaam. "
22:31 Dito'y niloob na ni Yahweh na makita ni Balaam ang anghel na nakatayo sa daan, may hawak pa ring tabak. Kaya't nagpatirapa siya.
22:32 "Tinanong siya ng anghel ni Yahweh, 'Bakit tatlong beses mo nang pinapalo ang asno? Humaharang ako sa daan pagkat ang hinaharap mo'y kapahamakan."
22:33 "Tuwing makikita ako ng asno mo ay lumilihis ito. Pangatlong beses na niyang ginagawa ito. Kung hindi siya lumihis baka napatay na kita, ngunit siya'y hindi ko aanuhin.' "
22:34 "Sinabi ni Balaam sa anghel, 'Nagkasala ako. Hindi ko alam na nakatayo kayo sa aking daraanan. Babalik na ako kung hindi ayon sa inyong kalooban ang lakad kong ito.' "
22:35 "Sumagot ang anghel, 'Huwag ka nang bumalik. Sumama ka sa kanila ngunit ang sinabi ko lamang sa iyo ang sabihin mo sa kanila.' At sumama na si Balaam sa mga sugo ni Balac. ( Si Balaam at si Balac )"
22:36 Nang malaman ni Balac na dumarating si Balaam, sinalubong niya ito sa Lunsod ng Ar sa may Ilog Arnon sa may hangganan ng Moab.
22:37 "Sinabi niya kay Balaam, 'Kailangang-kailangan kita kaya kita ipinatawag. Bakit ngayon ka lang? Akala mo ba'y hindi kita kayang parangalan nang nararapat?' "
22:38 "Sumagot si Balaam, 'Naparito nga ako ngunit wala akong layang magsalita ng anuman liban sa ipinasasabi sa akin ng Diyos.'"
22:39 At sila'y magkasamang nagpunta sa Lunsod ng Huzot.
22:40 Pagdating doon, si Balac ay naghandog ng baka at tupa. Pagkatapos, pinakain niya si Balaam at ang mga pinunong kasama nila.
22:41 Kinabukasan, isinama ni Balac si Balaam sa Kataasan ng Baal at mula roo'y may natanaw silang mga Israelita.
23:1 "Sinabi ni Balaam kay Balac, 'Magpagawa ka rito ng pitong altar at magpakuha ka ng pitong toro at pitong tupa.'"
23:2 Ganoon nga ang ginawa ni Balac. At silang dalawa ay naghandog ng isang toro at isang tupa sa bawat altar.
23:3 "Sinabi ni Balaam kay Balac, 'Bantayan mo ang mga handog na ito. Aalis muna ako at baka sakaling makipagkita na sa akin si Yahweh. Anumang sabihin niya sa akin ay sasabihin ko sa iyo.' At nagpunta siyang mag-isa sa isang malinis at mataas na lugar. ( Pinagpala ni Balaam ang Israel )"
23:4 "Nakipagkita nga kay Balaam ang Diyos. Sinabi ni Balaam, 'Nagpagawa po ako ng pitong altar at bawat isa'y pinaghandugan ko ng isang toro at isang tupa.'"
23:5 May sinabi kay Balaam si Yahweh. Pagkatapos, pinabalik ito kay Balac.
23:6 Nadatnan niya si Balac at ang mga pinuno sa paligid ng handog na sinusunog.
23:7 "Binigkas niya ang ganitong orakulo: 'Mula sa Aram, bulubundukin sa silangan, Ipinatawag ako ni Balac na hari ng Moab. Ang sabi niya sa akin: 'Halika't si Jacob ay iyong sumpain Halika't itakwil mo ang bansang Israel!' "
23:8 Ngunit paanong susumpain ang pinagpala ng Diyos? Paano ko itatakwil ang kanyang kinukupkop?
23:9 Mula sa tuktok ng mga bundok sila'y aking namamalas Mula sa mga burol nakikita ko silang lahat Sila'y nakabukod, namumuhay na mag-isa Di kahalubilo, di kasama ng iba!
23:10 "Sinong makabibilang sa mga kawal ni Jacob? Sa bilang ng hukbo ng Israel sinong makatatalos? Ang nais kong kamatayan ay tulad ng sa taong banal At ang nais ko'y matulad sa kanyang mga araw.' "
23:11 "Itinanong ni Balac kay Balaam, 'Bakit ganyan ang ginagawa mo? Hindi ba't tinawag kita para sumpain sila? Bakit mo pinagpala?' "
23:12 "Sumagot siya, 'Hindi maaaring di ko sabihin ang ipinasasabi ni Yahweh.' "
23:13 "Sinabi sa kanya ni Balac, 'Pumunta tayo sa ibang lugar, sa lugar na hindi mo makikita ang mga Israelita. Doon mo sila sumpain.'"
23:14 At nagpunta sila sa bukirin ni Zofim, sa taluktok ng Pisga. Nagpagawa sila roon ng pitong altar at bawat isa'y hinandugan ng isang toro at isang tupa.
23:15 "Sinabi ni Balaam kay Balac, 'Bantayan mo ang mga handog at pupunta ako sa dako roon para makipagkita kay Yahweh.' "
23:16 Pagkalayo niya nang kaunti, may sinabi sa kanya si Yahweh na ipinasasabi kay Balac.
23:17 "Pagbalik niya, nakita niya si Balac at ang mga pinunong kasama nito na nakatayo sa paligid ng handog. Tinanong siya ni Balac, 'Ano ang sabi ni Yahweh?' "
23:18 "Binigkas ni Balaam ang ganitong pahayag: 'Makinig ka Balac, ikaw ay makinig Pakinggan mo itong aking sasabihin: "
23:19 Ang Diyos ay di sinungaling, tulad ng tao Ang isipan niya'y hindi nagbabago. Ang sinabi niya ay kanyang ginagawa Ang kanyang pangako'y tinutupad niya.
23:20 Ang utos sa aki'y pagpalain sila At ito'y di maaaring hindi ko sundin.
23:21 Wala akong makitang kapahamakan para kay Jacob Ni kasawian para sa Israel. Si Yahweh ang kanilang kaakbay Siya ang hari nila, sa landas ay patnubay.
23:22 Ang Diyos ang nag-alis sa kanila sa Egipto Sa pamamagitan ng kapangyarihang walang makatalo.
23:23 Si Jacob ay hindi ko susumpain Ni lalaitin naman ang Israel Bagkus pa nga'y aking sasabihin 'Ang gawa ng Diyos ay iyong malasin.'
23:24 "Parang lakas ng leon ang lakas niyang taglay Hindi siya titigil hangga't di ubos ang kaaway.' "
23:25 "Sinabi ni Balac kay Balaam, 'Kung ayaw mo silang sumpain, huwag mo naman sanang pagpapalain.' "
23:26 "Ngunit ang sagot ni Balaam, 'Hindi ba't sinabi ko na sa iyong gagawin ko lamang ang lahat ng sinabi sa akin ni Yahweh?' "
23:27 "Sinabi ni Balac, 'Halika. Lumipat tayo ng lugar at baka ipahintulot na ni Yahweh na sumpain mo roon ang mga Israelita.'"
23:28 At magkasama silang nagpunta sa tuktok ng Peor, at tinanaw nila ang ilang.
23:29 "Sinabi ni Balaam kay Balac, 'Magpagawa ka rito ng pitong altar at magpakuha ng pitong toro at pitong tupa.'"
23:30 Gayon nga ang ginawa ni Balac. Bawat altar ay hinandugan niya ng isang toro at isang tupa.
24:1 Nang matiyak ni Balaam na ibig ni Yahweh na pagpalain niya ang Israel, hindi na siya humanap ng mapagbabatayan ng kanyang hula, tulad ng dati. Tumanaw siya sa ilang
24:2 at nakita niya ang kampo ng Israel, sama-sama bawat lipi. Nilukuban siya ng Espiritu ni Yahweh
24:3 "at siya'y nagpahayag: 'Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor Ang pahayag ng taong may malinaw na paningin. "
24:4 Ang salita ng nakikinig sa salita ng Diyos, Ng nakakikita sa pangitain buhat sa Makapangyarihan, Ng nabulagta sa lupa gayunma'y nanatiling malinaw ang paningin:
24:5 Anong ganda, O Jacob, ng iyong mga tolda Kay inam, O Israel, ng iyong tirahan.
24:6 Wari'y kapatagang napakalawak, Parang hardin sa baybay ng batis. Wari'y punongkahoy na mabango, itinanim ni Yahweh, Matataas na punong sedro sa tabi ng mga bukal.
24:7 Ang tubig ay umaapaw sa lahat niyang sisidlan, Kapangyarihan niya'y madarama sa lahat ng lugar. Ang hari niya ay higit na malakas kaysa kay Agag, At ang kaharian niya ay napakalawak.
24:8 Inialis siya ng Diyos sa bansang Egipto Ang lakas na ginamit niya'y waring lakas ng toro. Kaaway niya'y lulupigin pati buto'y dudurugin Sa tulis ng palaso niya, lahat sila'y tutuhugin.
24:9 "Siya'y parang leon kung magpahingalay Walang mangahas gumambala sa kanyang pagkahimlay. Pagpalain nawa ang sa iyo ay nagpapala Susumpain ang lahat ng sa iyo ay dudusta.' ( Ang Pahayag ni Balaam )"
24:10 "Galit na galit si Balac kay Balaam. Pinagtiim niya ang kanyang mga bagang at galit na sinabi, 'Hindi ba't ipinatawag kita para sumpain ang aking mga kaaway? Bakit mo sila pinagpala? At tatlong ulit pa!"
24:11 "Mabuti pa'y umuwi ka na. Pararangalan sana kita pero hinadlangan yaon ni Yahweh.' "
24:12 "Sinabi ni Balaam kay Balac, 'Sinabi ko na sa iyong mga sugo"
24:13 na kahit ibigay mo sa akin ang lahat mong pilak at ginto ay hindi ko gagawin yaong hindi ipinagagawa sa akin ni Yahweh. Sinabi ko rin sa kanila na ang sasabihin lamang sa akin ni Yahweh ang siya kong sasabihin.
24:14 '"Oo, uuwi ako. Ngunit sasabihin ko muna sa iyo kung ano ang gagawin sa inyo ng bayang ito balang araw.'"
24:15 "Muli siyang nagpahayag: 'Ang orakulo ni Balaam na anak ni Beor Ang orakulo ng taong may malinaw na paningin. "
24:16 Ang pahayag ko na nakikinig sa salita ng Diyos At nakababatid sa kalooban ng Kataas-taasan. Nakikita sa pangitain ng Makapangyarihan Maaaring mabuwal ako Gayunma'y malinaw ang aking paningin.
24:17 Nakikita ko ngunit hindi ngayon, Siya'y aking namamalas ngunit hindi sa malapit. Isang tala ay sisikat mula sa lahi ni Jacob, Lilitaw ang isang hari mula sa lipi ni Israel. Ito ang dudurog sa ulo ni Moab Lilipulin niyang lahat ang mga anak ni Set.
24:18 Sasakupin niya ang Edom, gayon din ang Seir, Samantala'y lalakas ang bansang Israel.
24:19 "Sila'y lulupigin nitong si Israel Ang nalalabi sa mga lunsod ay kanya pang dudurugin.' "
24:20 "Nang makita niya sa pangitain ang Amalec ay sinabi ang ganito: 'Ang Amalec ay bansang pangunahin Ngunit sa huli, siya ay dudurugin.' "
24:21 "Sinabi pa niya nang makita sa pangitain ang mga Cineo: 'Tirahan mo ay matibay, nakatayo sa mga muog. "
24:22 "Gayunman, ikaw Cain ay tiyak na madudurog Di magtatagal bibihagin ka ni Asur.' "
24:23 "Nagpatuloy siya sa kanyang pahayag: 'Sino'ng maaaring mabuhay pag ito'y isinagawa ng Diyos? "
24:24 "Darating ang mga barko, mula sa Kitim Upang kanilang lusubin si Asur at si Eber Ngunit sa bandang huli, siya ma'y malulupig.' "
24:25 Pagkatapos, si Balaam ay umuwi na, ganoon din naman si Balac.
25:1 ( Sinamba ng Israel si Baal-peor ) Samantalang nakahimpil sa Sitim ang mga Israelita, sila'y sumiping sa mga babaing Moabita.
25:2 Inanyayahan sila ng mga ito sa paghahandog nila sa mga diyus-diyusan. Ang mga Israelita'y nakikain ng mga haing yaon at nakisamba sa mga diyus-diyusan doon.
25:3 Nakisamba nga kay Baal-peor ang mga Israelita kaya nagalit sa kanila si Yahweh.
25:4 "Sinabi niya kay Moises, 'Tipunin mo ang mga lider ng Israel at ipabitay nang hayagan para mapawi ang galit ko laban sa Israel.'"
25:5 "Sinabi ni Moises sa mga hukom, 'Patayin ninyo ang lahat ng kasamahan ninyong sumamba kay Baal-peor.' "
25:6 Samantalang si Moises at ang buong bayan ay nananangis sa harap ng Toldang Tipanan, dumating ang isang Israelita. May kasama itong Madianita, at hayagang ipinasok sa kanyang tolda.
25:7 Nang makita ito ni Finees na anak ni Eleazar at apo ni Aaron, umuwi siya at kumuha ng sibat.
25:8 Sinundan niya sa tolda ang Israelitang may tangay na Madianita at tinuhog silang dalawa. Sa gayon, itinigil ni Yahweh ang pananalot sa Israel.
25:9 Gayunman, 24,000 ang namatay sa salot na yaon.
25:10 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
25:11 '"Dahil sa ginawa ni Finees, ipinagmalasakit niya ang aking karangalan. Kaya, hindi ko lilipulin ang mga Israelita."
25:12 Sabihin mong hindi ko siya pababayaan, pati ang kanyang angkan, magpakailanman.
25:13 "Ang pagkasaserdote ay mananatili sa kanya at sa kanyang angkan pagkat ipinagtanggol niya ang aking karangalan, at binayaran niya ang kasalanan ng Israel.' "
25:14 Ang Israelitang nagsama ng Madianita at napatay ni Finees ay si Zimri na anak ni Salu at isa sa mga pinuno ng angkan sa lipi ni Simeon.
25:15 Ang Madianita naman ay si Cozbi na anak ni Zur, isa sa mga pinuno ng angkan sa Madian.
25:16 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
25:17 '"Pahirapan ninyong mabuti ang mga Madianita"
25:18 "tulad ng dinanas ninyo dahil sa panghihikayat nila sa inyo sa pagsamba sa mga diyus-diyusan sa Peor at sa ginawa ng kababayan nilang si Cozbi na pinatay ni Finees noong kasalukuyang pinahihirapan ko kayo ng salot.'"
26:1 ( Ang Pangalawang Pagtatala ng mga Israelita ) Pagkalipas ng salot, sinabi ni Yahweh kina Moises at Eleazar,
26:2 '"Itala ninyo ang mga Israelita na maaaring ibilang sa hukbo, mula sa dalawampung taon pataas.'"
26:3 Dahil dito, tinipon nila ang mga pinuno sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico,
26:4 at ipinatala ang mga Israelita tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises. Ito ang talaan ng mga Israelitang umalis sa Egipto:
26:5 Sa lipi ni Ruben na panganay ni Israel ay si Hanoc at ang sambahayan nito, si Fallu at ang kanyang sambahayan,
26:6 si Hesron at ang kanyang sambahayan, at si Carmi kasama ang kanyang sambahayan.
26:7 Iyan ang bumubuo sa lipi ni Ruben; lahat-lahat ay 43,730.
26:8 Ang anak ni Fallu ay si Eliab
26:9 at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram, kasama ng pangkat ni Core, ang nanguna sa mga Israelita sa paghihimagsik laban kina Moises at Aaron, at kay Yahweh.
26:10 Si Core naman at ang kanyang 250 kasama ang nilamon ng lupa. Ang mga pangyayaring ito ay nagsilbing babala sa bawat isa.
26:11 Hindi nila kasamang namatay ang mga anak ni Core.
26:12 Ito naman ang kabilang sa lipi ni Simeon: si Nemuel at ang kanyang sambahayan; si Jamin at ang kanyang sambahayan; si Jaquin at ang kanyang sambahayan;
26:13 si Zera at ang kanyang sambahayan; at si Saul at ang kanyang sambahayan.
26:14 Lahat-lahat ng kabilang sa lipi ni Simeon ay 22,200.
26:15 Ito naman ang natala sa lipi ni Gad: si Zefon at ang kanyang sambahayan; si Hagui at ang kanyang sambahayan; si Suni at ang kanyang sambahayan;
26:16 si Ozni at ang kanyang sambahayan; si Eri at ang kanyang sambahayan;
26:17 si Arod at ang kanyang sambahayan; at si Areli at ang kanyang sambahayan.
26:18 Ang lipi ni Gad ay binubuo ng 40,500.
26:19 Sa lipi naman ni Juda, hindi kabilang sina Er at Onan na namatay sa Canaan ay
26:20 ito ang natala: si Sela at ang kanyang sambahayan; si Fares at ang kanyang sambahayan; si Zara at ang kanyang sambahayan;
26:21 sina Hezron at Hamul pati ang kani-kanilang sambahayan.
26:22 Lahat-lahat sa lipi ni Juda ay umaabot sa 76,500.
26:23 Ito naman ang lipi ni Isacar: si Tola at ang kanyang sambahayan; si Pua at ang kanyang sambahayan;
26:24 si Jasub at ang kanyang sambahayan; at si Simron at ang kanyang sambahayan.
26:25 Lahat-lahat sa lipi ni Isacar ay 64,300.
26:26 Ito naman ang kabilang sa lipi ni Zabulon: si Sered at ang kanyang sambahayan; si Elon at ang kanyang sambahayan; si Jahleel at ang kanyang sambahayan.
26:27 Lahat-lahat sila'y 60,500.
26:28 Ang lipi ni Jose ay pinagdalawa: ang lipi nina Manases at Efraim. Ito ang natala.
26:29 Sa lipi ni Manases ay ang sambahayan ni Maquir at ang anak nitong si Galaad.
26:30 Ito naman ang bumubuo sa angkan ni Galaad: si Jezer at ang kanyang sambahayan; si Helec at ang kanyang sambahayan;
26:31 si Asriel at ang kanyang sambahayan; si Siquem at ang kanyang sambahayan;
26:32 si Semida at ang kanyang sambahayan; at si Hefer at ang kanyang sambahayan.
26:33 Si Zelofehad na anak ni Hefer ay hindi nagka-anak ng lalaki, kundi panay babae: sina Maala, Noa, Hogla, Milca at Tirsa.
26:34 Lahat-lahat sa angkan ni Manases ay 52,700.
26:35 Ito naman ang natala sa lipi ni Efraim: si Sutela at ang kanyang sambahayan: si Bequer at ang kanyang sambahayan; at si Tahan at ang kanyang sambahayan.
26:36 Ito naman ang bumubuo sa angkan ni Sutela: si Eran at ang kanyang sambahayan.
26:37 Lahat-lahat sa lipi ni Efraim ay 32,500. Iyan ang dalawang lipi na bumubuo sa lipi ni Jose.
26:38 Ito naman ang natala sa lipi ni Benjamin: si Bela at ang kanyang sambahayan; si Asbel at ang kanyang sambahayan; si Ahiram at ang kanyang sambahayan;
26:39 si Sufam at ang kanyang sambahayan; at si Hufam at ang kanyang sambahayan.
26:40 Ito ang bumubuo sa angkan ni Bela: sina Ard at Naaman at ang kani-kanilang sambahayan.
26:41 Lahat-lahat sa lipi ni Benjamin ay 45,600.
26:42 Ito naman ang natala sa lipi ni Dan: si Suham at ang kanyang sambahayan. Ito nga ang bumubuo sa lipi ni Dan ayon sa kanikanilang sambahayan.
26:43 Lahat-lahat sa lipi ni Dan ay 64,400.
26:44 Ito naman ang natala sa lipi ni Aser: si Imna at ang kanyang sambahayan; si Isvi at ang kanyang sambahayan; at si Beria at ang kanyang sambahayan.
26:45 Ito ang bumubuo sa angkan ni Beria: si Heber at ang kanyang sambahayan; at si Malquiel at ang kanyang sambahayan.
26:46 Si Aser ay may anak na babae, si Sera.
26:47 Lahat-lahat sa lipi ni Aser ay 53,400.
26:48 Ito naman ang natala sa lipi ni Neftali: si Jahziel at ang kanyang sambahayan; si Guni at ang kanyang sambahayan;
26:49 si Jezer at ang kanyang sambahayan; at si Silem at ang kanyang sambahayan.
26:50 Lahat-lahat sa lipi ni Neftali ay 45,400.
26:51 Ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay 601,730. ( Ang Paghahati ng Lupain )
26:52 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
26:53 '"Ang lupain ay hahatiin mo ayon sa laki ng bawat lipi."
26:54 Malaki ang kaparte ng malaking lipi at maliit ang sa maliit na lipi. Ang kaparte ng bawat lipi ay ayon nga sa dami ng kanyang bilang.
26:55 Ang lupain ay hahatiin sa pamamagitan ng sapalaran, sa pangalan ng bawat lipi.
26:56 "Ang pagtatakda ng kaparte ng bawat lipi ay dadaanin sa sapalaran.' ( Ang Lipi ni Levi )"
26:57 Ito naman ang mga angkan sa lipi ni Levi: si Gerson at ang kanyang sambahayan; si Coat at ang kanyang sambahayan; at si Merari at ang kanyang sambahayan.
26:58 Kabilang din sa liping ito ang mga angkan ng mga Libnita, Hebronita, Mahlita, Musita at Corita. Kabilang sa angkan ni Coat si Amram.
26:59 Ang napangasawa nito ay si Jocabed na kabilang din sa lipi ni Levi, at isinilang sa Egipto. Naging anak nila sina Aaron, Moises at Miriam.
26:60 Naging anak naman ni Aaron sina Nadab, Abiu, Eleazar at Itamar.
26:61 Sina Nadab at Abiu ay namatay nang sila'y gumamit ng apoy na di karapat-dapat kay Yahweh.
26:62 Lahat-lahat, ang natala sa lipi ni Levi ay 23,000, mula sa edad isang buwan pataas. Sila'y hindi kabilang sa talaan ng Israel pagkat hindi sila kaparte sa lupain. ( Sina Caleb at Josue Lamang ang Natira )
26:63 Ito ang mga Israelitang naitala ni Moises at ng saserdoteng si Eleazar sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa may tapat ng Jerico.
26:64 Dito'y walang kasama isa man sa mga Israelitang itinala nina Moises at Aaron noong sila'y nasa Bundok ng Sinai.
26:65 Ang mga ito'y namatay, liban kina Caleb at Josue, tulad ng sinabi ni Yahweh.
27:1 ( Ang Kahilingan ng mga Anak ni Zelofehad ) Ang mga anak ni Zelofehad na anak ni Galaad at apo ni Maquir na anak ni Manases at apo ni Jose ay naghabol sa mana ng kanilang ama. Sila'y sina Maala, Noa, Hogla, Milca at Tirsa.
27:2 Lumapit sila kay Moises, sa saserdoteng si Eleazar, at sa mga pinuno ng Israel sa harap ng Toldang Tipanan. Sinabi nila,
27:3 '"Ang aming ama ay hindi nagkaanak ng lalaki. Namatay siya sa sariling kasalanan. Hindi siya kasama ng pangkat ni Core na nagkaisa laban kay Yahweh."
27:4 "Dahil ba sa wala siyang anak na lalaki ay buburahin na ninyo siya sa talaan ng Israel? Ibigay ninyo sa amin ang sa ganang kanya.' "
27:5 Ang usaping ito'y iniharap ni Moises kay Yahweh.
27:6 Ang sagot ni Yahweh,
27:7 '"Tama ang mga anak ni Zelofehad. Dapat magkaroon ng kaparte ang kanilang ama. Ang mana niya ay ibigay mo sa kanyang mga anak."
27:8 At sabihin mo sa mga Israelita na kapag ang isang tao'y namatay na walang anak na lalaki, ang mana niya ay ibibigay sa mga anak na babae.
27:9 Kung wala ring anak na babae, ang kaparte niya ay ibibigay sa kanyang mga kapatid.
27:10 Kung wala siyang kapatid na lalaki ay ibibigay sa kanyang amain
27:11 "at kung wala pa rin siyang amain, ang mana'y ibibigay sa pinakamalapit niyang kamag-anak. Ito ay mananatiling tuntunin sa Israel.' ( Ang Paghirang kay Josue Bilang Kahalili ni Moises )[ (Deut. 31:1-8) ]"
27:12 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Umakyat ka sa Bundok ng Abarim at malasin mo ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita."
27:13 Pagkatapos, mamamatay ka na. Mapipiling ka na sa iyong mga magulang, tulad ng nangyari kay Aaron.
27:14 "Sumuway ka rin sa akin sa ilang ng Zin nang maghimagsik sa akin ang mga Israelita. Hindi mo ako binigyang dangal noon sa harapan ng bayan sa may bukal ng Meriba sa Cades.' "
27:15 Sinabi ni Moises,
27:16 '"Hinihiling ko, Yahweh, Diyos na bukal ng buhay, na pumili kayo ng isang taong"
27:17 "mangunguna sa Israel. Sa gayon, hindi ito matutulad sa tupang walang pastol.' "
27:18 "Sinabi ni Yahweh kay Moises, 'Ipatawag mo si Josue at ipatong mo sa kanya ang iyong mga kamay; siya ay puspos ng espiritu."
27:19 Patayuin mo siya sa harapan ng saserdoteng si Eleazar at ng buong Israel upang malaman nila na itinatalaga mo siyang kahalili mo.
27:20 Isalin mo sa kanya ang iyong karapatan upang sundin siya ng lahat.
27:21 "Kay Eleazar niya malalaman sa pamamagitan ng Urim kung ano ang aking kalooban. Kung ano ang sabihin ni Eleazar ay susundin ng buong kapulungan.'"
27:22 Sinunod ni Moises ang lahat ng sinabi ni Yahweh. Ipinatawag nga niya si Josue, pinatayo sa harapan ni Eleazar at ng buong bayan.
27:23 Pagkatapos, ipinatong niya rito ang kanyang mga kamay at itinalagang kahalili niya.
28:1 ( Ang mga Handog Araw-araw ) Sinabi ni Yahweh kay Moises,
28:2 '"Sabihin mo sa mga Israelita na sila'y maghain sa akin ng mga handog na pagkain, handog na susunugin, at mababangong handog sa takdang panahon. "
28:3 '"Ito ang ihahandog nila sa akin araw-araw bilang handog na susunugin: dalawang kordero na tig-isang taon at walang kapintasan;"
28:4 isa sa umaga at isa sa hapon.
28:5 Ito'y sasamahan ng tatlong litro't kalahating harina at minasa sa tatlong litrong langis ng olibo.
28:6 Ito ang pang-araw-araw ninyong handog na susunugin tulad ng sinabi ko sa inyo sa Bundok ng Sinai, isang mabangong handog sa akin.
28:7 Samahan ninyo ito ng isang litro't kalahating handog na inumin na inyong ibubuhos sa Dakong Banal para sa akin.
28:8 Ang isa pang kordero ay ihahandog nga sa hapon at sasamahan din ng handog na pagkain at handog na inumin, tulad ng handog sa umaga, upang maging mabangong samyo para sa akin. ( Ang Handog kung Araw ng Pamamahinga )
28:9 '"Kung Araw naman ng Pamamahinga, dalawang korderong iisahing taon ang gulang at walang kapintasan ang inyong ihahandog. Sasamahan din ito ng handog na pagkain at handog na inumin. Ang handog na pagkain ay pitong litrong harina at minasa sa langis ng olibo."
28:10 Ito ay ihahandog ninyo tuwing Araw ng Pamamahinga, bukod sa pang-araw-araw ninyong handog. ( Ang Buwanang Handog )
28:11 '"Tuwing unang araw ng buwan, ito naman ang ihahandog ninyo: dalawang batang toro, isang tupang barako at pitong korderong walang kapintasan."
28:12 Ang handog na pagkain ay labing-isang litrong harinang minasa sa langis para sa bawat toro, mahigit na pitong litro naman para sa isang tupa,
28:13 at tatlong litro't kalahati naman sa bawat kordero. Ito ay handog na susunugin para maging mabangong samyo sa akin.
28:14 Ang handog na inumin naman ay tatlong litro para sa bawat toro, dalawang litro sa bawat tupa at kulang na dalawa naman bawat kordero. Ito nga ang buwanan ninyong handog.
28:15 Bukod sa pang-araw-araw na handog na susunugin at handog na pagkain, maghahandog pa rin kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan. ( Ang Handog Tuwing Kapistahan )[ (Lev. 23:5-14) ]
28:16 '"Ang ika-14 na araw ng unang buwan ay Paskuwa ni Yahweh."
28:17 Ang ika-15 ay pista, at pitong araw na hindi kayo kakain ng tinapay na may lebadura.
28:18 Sa unang araw, magdaraos kayo ng banal na pagpupulong. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon.
28:19 Sa halip, magdala kayo ng handog na susunugin. Ito ang ihahandog ninyo: dalawang batang toro, isang tupang barako at pitong korderong iisahing taon ang gulang at walang kapintasan.
28:20 Ito'y sasamahan ninyo ng handog na pagkain: anim na litrong harina na minasa sa langis para sa bawat toro, apat sa bawat lalaking tupa
28:21 at dalawa sa bawat kordero.
28:22 Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan.
28:23 Ang mga ito'y ihahandog ninyo bukod sa pang-araw-araw na handog.
28:24 Sa loob ng pitong araw, iyan ang mga handog na inyong susunugin upang maging mabangong samyo para sa akin.
28:25 Sa ika-7 araw, magdaraos uli kayo ng banal na pagpupulong. Sinuman ay huwag magtatrabaho. ( Ang Handog sa Pista ng Pag-aani )[ (Lev. 23:15-22) ]
28:26 '"Sa Pista ng Pag-aani, magdaraos din kayo ng banal na pagpupulong at doon ninyo ihahandog ang unang ani ng inyong bukirin. Huwag din kayong magtatrabaho sa araw na yaon."
28:27 Sa halip, magdala kayo ng handog na susunugin. Ito ang inyong ihahandog: dalawang batang toro, isang barakong tupa, at pitong kordero.
28:28 Sasamahan ninyo ito ng handog na pagkain: anim na litrong harina na minasa sa langis ng olibo para sa bawat toro, apat sa bawat barakong tupa
28:29 at dalawa sa bawat kordero.
28:30 Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan.
28:31 Ito'y ihahandog ninyo, kasama ng handog na inumin, bukod sa pang-araw-araw na handog na susunugin at handog na pagkain.
29:1 ( Ang Handog sa Pagdiriwang ng Bagong Taon )[ (Lev. 23:23-25) ] '"Sa unang araw ng ika-7 buwan, magdaraos kayo ng banal na pagpupulong, at huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon. Yao'y araw ng pagdiriwang."
29:2 Magdala kayo ng handog na susunugin. Ito ang inyong ihahandog: isang batang toro, isang barakong tupa at pitong korderong walang kapintasan.
29:3 Samahan ninyo ito ng handog na pagkain: anim na litrong harinang minasa sa langis para sa toro, apat para sa tupa
29:4 at dalawa para sa bawat kordero.
29:5 Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa inyong mga kasalanan.
29:6 Ang mga handog na ito'y bukod sa mga handog na susunugin, at handog na pagkain at inumin sa bagong buwan, at sa araw-araw. Ito'y susunugin ninyo para maging mabangong samyo kay Yahweh. ( Ang Handog sa Araw ng Pagbabayad-sala )[ (Lev. 23:26-32) ]
29:7 '"Sa ika-10 araw ng ika-7 buwan, magdaraos din kayo ng banal na pagpupulong na may kasamang pagpapakasakit. Huwag din kayong magtatrabaho sa araw na iyon."
29:8 Sa halip, magdala kayo ng handog na susunugin para maging mabangong samyo kay Yahweh. Ito ang ihahandog ninyo: isang batang toro, isang barakong tupa at pitong kordero na pawang walang kapintasan.
29:9 Sasamahan ninyo ito ng handog na pagkain: anim na litrong harina na minasa sa langis para sa toro, apat para sa tupang lalaki
29:10 at dalawa naman para sa bawat kordero.
29:11 Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan, bukod sa pang-araw-araw na handog na susunugin, at handog na pagkain at inumin. ( Ang Handog sa Pista ng mga Kubol )[ (Lev. 23:33-44) ]
29:12 '"Sa ika-15 araw ng ika-7 buwan, magdaraos din kayo ng banal na pagpupulong. Huwag din kayong magtatrabaho sa araw na iyon at pitong araw ninyong ipagpipista si Yahweh."
29:13 Kayo'y magdala ng handog na susunugin para maging mabangong samyo kay Yahweh. Sa unang araw, ito ang ihahandog ninyo: labintatlong batang toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na korderong iisahing taon ang gulang at walang kapintasan.
29:14 Sasamahan din ninyo ito ng handog na pagkain: anim na litrong harina na minasa sa langis para sa bawat toro, apat para sa bawat lalaking tupa
29:15 at dalawa naman para sa bawat kordero. Sasamahan din ninyo ito ng nakatakdang handog na inumin.
29:16 Bukod dito, maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan.
29:17 '"Sa ika-2 araw, ang ihahandog ninyo'y labindalawang batang toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na korderong iisahing taon at walang kapintasan."
29:18 Sasamahan ito ng handog na pagkain at inumin gaya ng nakatakda para sa unang araw.
29:19 Bukod dito, maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan.
29:20 '"Sa ika-3 araw, ang ihahandog ninyo'y labing-isang batang toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na korderong iisahing taon ang gulang at walang kapintasan."
29:21 Sasamahan din ito ng handog na pagkain at inumin gaya ng nakatakda para sa unang araw.
29:22 Bukod dito, maghahandog din kayo ng isang kambing para sa kasalanan ng bayan.
29:23 '"Sa ika-4 na araw, ang ihahandog ninyo'y sampung batang toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na korderong iisahing taon at walang kapintasan."
29:24 Sasamahan ninyo ito ng handog na pagkain at inuming gaya ng nakatakda para sa unang araw.
29:25 Bukod dito, maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan.
29:26 '"Sa ika-5 araw, ang ihahandog ninyo'y siyam na batang toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na korderong iisahing taon at walang kapintasan."
29:27 Sasamahan ninyo ito ng mga handog na pagkain at inumin gaya ng nakatakda para sa unang araw.
29:28 Bukod dito, maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan.
29:29 '"Sa ika-6 na araw, ang ihahandog ninyo'y walong batang toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na korderong iisahing taon at walang kapintasan."
29:30 Sasamahan ninyo ito ng mga handog na pagkain at inumin gaya ng nakatakda para sa unang araw.
29:31 Bukod dito, maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan.
29:32 '"Sa ika-7 araw, ang ihahandog ninyo'y pitong batang toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na korderong iisahing taon at walang kapintasan."
29:33 Sasamahan din ninyo ito ng mga handog na pagkain at inumin gaya ng nakatakda para sa unang araw.
29:34 Bukod dito, maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan.
29:35 '"Sa ika-8 araw, magdaos kayo ng banal na pagpupulong, at huwag kayong magtatrabaho."
29:36 Sa araw na iyon, magdadala kayo ng handog na susunugin para maging mabangong samyo kay Yahweh. Ito ang inyong ihahandog: isang batang toro, isang barakong tupa at pitong korderong iisahing taon at walang kapintasan.
29:37 Ito'y sasamahan ninyo ng handog na pagkain at inumin gaya ng nakatakda para sa unang araw.
29:38 Bukod dito, maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan ng bayan.
29:39 '"Ang mga nabanggit ay ihahandog ninyo kay Yahweh tuwing ipagdiriwang ang mga takdang pista, bukod sa mga handog na ipinangako, kusang-loob, susunugin, pagkain, inumin at pangkapayapaan.' "
29:40 Lahat ng ito ay sinabi ni Moises sa mga Israelita ayon sa iniutos sa kanya ni Yahweh.
30:1 ( Mga Tuntunin Tungkol sa Panata ng Isang Babae ) "Sinabi ni Moises sa mga pinuno ng bawat lipi, 'Ito ang utos ni Yahweh:"
30:2 Kung kayo'y namanata o nangako kay Yahweh, huwag ninyong sisirain. Kailangang tupdin ninyo ang bawat sumpang binitiwan.
30:3 '"Kung ang isang dalagang nasa pagkukupkop pa ng kanyang magulang ay mamanata o mangako kay Yahweh"
30:4 nang naririnig ng kanyang ama at hindi ito tumutol, may bisa ang panata o pangakong yaon.
30:5 Ngunit kung tumutol ang ama matapos marinig ang pamamanata, walang bisa ang panata ng nasabing dalaga. Wala siyang sagutin kay Yahweh pagkat hinadlangan siya ng kanyang ama.
30:6 '"Kung ang isang dalagang nakapanata o nakapangako nang wala sa loob ay magkaasawa,"
30:7 mananatili ang bisa ng panata o pangako kung magsasawalang-kibo ang lalaki sa araw na malaman niya iyon.
30:8 Ngunit kung tumutol ang lalaki sa araw na malaman iyon, mawawalan ng bisa ang panata ng babae, at hindi siya parurusahan ni Yahweh.
30:9 '"Kung ang isang babaing balo, o babaing hiwalay sa asawa ay mamanata o mangako, ang bisa nito ay mananatili. "
30:10 '"Kung ang isang babaing may asawa ay mamanata o mangako,"
30:11 may bisa ito kapag hindi tumutol ang kanyang asawa sa araw na malaman niya ito.
30:12 Ngunit ang panata o sumpa ng babae ay hindi magkakabisa kapag tumutol ang lalaki sa sandaling marinig niya ito. Siya'y walang sagutin kay Yahweh pagkat tutol ang kanyang asawa.
30:13 Anumang panata o pangakong gawin ng babae ay walang kabuluhan kung tututulan ng kanyang asawa, ngunit magkakabisa kung sasang-ayunan nito.
30:14 Kapag hindi tumutol ang lalaki sa araw na malaman niya ang panata ng asawa, may bisa ang panatang yaon.
30:15 "Ngunit kapag pinawalang-bisa niya iyon pagkaraan ng ilang araw, siya ang mananagot sa di pagtupad ng kanyang asawa.' "
30:16 Ito ang mga tuntuning sinabi ni Yahweh kay Moises, tungkol sa panata ng mga babae.
31:1 ( Ang Paghihiganti sa mga Madianita ) Sinabi ni Yahweh kay Moises,
31:2 '"Ipaghihiganti mo muna ang Israel sa mga Madianita bago kita pamahingahin sa piling ng iyong mga ninuno.' "
31:3 "Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita, 'Humanda kayo sa pakikipagdigma sa mga Madianita para matupad ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanila;"
31:4 "bawat lipi ay magpadala ng 1,000 kawal.' "
31:5 Nagpadala nga ng 1,000 kawal ang bawat lipi kaya't nakatipon sila ng 12,000.
31:6 Pinapunta sila ni Moises sa labanan sa ilalim ng pamamahala ni Finees na anak ng saserdoteng si Eleazar. Dala niya ang mga kagamitan sa santwaryo at ang mga trompeta.
31:7 Tulad ng utos ni Yahweh kay Moises, nilusob nila ang mga Madianita at pinatay ang lahat ng lalaki.
31:8 Napatay nila ang limang hari ng Madian na sina Evi, Requem, Zur, Hur at Reba, pati si Balaam na anak ni Beor.
31:9 Binihag nila ang mga babae at ang mga bata, at sinamsam ang kanilang mga bakahan, kawan at lahat ng ari-arian.
31:10 Sinunog nila ang mga lunsod at lahat ng tirahan doon.
31:11 Sinamsam nga nila ang lahat ng maaaring samsamin at binihag ang lahat ng dapat bihagin.
31:12 Lahat ng ito'y iniuwi nila sa kanilang kampamento sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, at tapat ng Jerico. Dinala nila ang mga ito kay Moises, sa saserdoteng si Eleazar, at sa matatanda ng bayan. ( Ang Pagkamatay ng mga Bihag na Babae at Paglilinis ng mga Samsam )
31:13 Sila'y sinalubong ni Moises, ng saserdoteng si Eleazar, at ng mga pinuno ng Israel sa labas ng kampamento.
31:14 Nagalit si Moises sa mga punong kawal, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa.
31:15 "Sinabi niya, 'Bakit hindi ninyo pinatay ang mga babae?"
31:16 Hindi ba ninyo alam ang ginawa ng mga taong ito? Sila ang humikayat sa mga Israelita na magtaksil kay Yahweh noong sila'y nasa Peor! Sila ang dahilan kaya sinalot ni Yahweh ang buong bayan.
31:17 Patayin ninyo ang mga batang lalaki at lahat ng babaing nasipingan na.
31:18 Itira ninyo ang mga dalaga, at iuwi ninyo.
31:19 Ngunit huwag muna kayong papasok ng kampamento. Pitong araw muna kayo sa labas ng kampamento. Lahat ng nakapatay at nakahipo ng patay, pati ang inyong mga bihag ay maglilinis sa ika-3 at ika-7 araw ayon sa Kautusan.
31:20 "Linisin ninyo ang inyong mga kasuutan, mga kagamitang yari sa balat, lana at kahoy.' "
31:21 "Sinabi ni Eleazar sa mga kawal na nanggaling sa labanan, 'Ito ang utos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises:"
31:22 ang mga ginto, pilak, tanso, bakal, lata at lahat ng hindi masusunog ay pararaanin sa apoy para luminis. Pagkatapos, huhugasan ito ayon sa Kautusan.
31:23 Lahat ng maaaring masunog ay lilinisin ayon sa Kautusan.
31:24 "Sa ika-7 araw, lalabhan ninyo ang inyong kasuutan. Sa gayon, lilinis na kayo ayon sa Kautusan at maaari nang pumasok sa kampamento.' ( Ang Paghahati sa mga Samsam )"
31:25 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
31:26 '"Tawagin mo ang saserdoteng si Eleazar at ang matatanda ng bayan at bilangin ninyo ang mga samsam."
31:27 Pagkatapos, hatiin ninyo: ang isang bahagi ay para sa mga kawal, ang isa'y sa bayan.
31:28 Kunin mo ang isa sa bawat 500 hayop o taong makakaparte ng mga kawal, at ibigay
31:29 sa Saserdote Eleazar. Ito'y handog kay Yahweh.
31:30 "Sa kaparte naman ng bayan, kukunin mo ang isa sa bawat limampung tao o hayop, at ibibigay mo naman sa mga Levita, sa mga nangangalaga sa tabernakulo.'"
31:31 Gayon nga ang ginawa nina Moises at Eleazar.
31:32 Ang nasamsam sa Madian na kanilang naiuwi ay 675,000 tupa,
31:33 72,000 baka,
31:34 61,000 asno,
31:35 at 32,000 babae na hindi pa nasisipingan.
31:36 Ang kalahati nito'y nauwi sa mga kawal: 337,500 tupa ang napunta sa kanila
31:37 at ang handog nila kay Yahweh ay 675;
31:38 ang mga baka ay 36,000 at pitumpu't dalawa nito ang inihandog nila kay Yahweh;
31:39 ang mga asno ay 30,500 at animnapu't isa naman ang inihandog nila kay Yahweh;
31:40 ang mga babaing nakaparte nila ay 16,000 at ang tatlumpu't dalawa nito ay inihandog nila kay Yahweh.
31:41 At tulad ng sinabi ni Yahweh kay Moises, lahat ng handog kay Yahweh ay ibinigay niya kay Eleazar.
31:42 Ang kalahati ng samsam na kaparte ng bayan ay
31:43 337,500 tupa,
31:44 36,000 baka,
31:45 30,500 asno,
31:46 at 16,000 babae.
31:47 Mula sa kaparting ito ng bayan, kinuha ni Moises ang isa sa bawat limampung hayop o tao at ibinigay sa mga Levita na siyang nangangalaga sa tabernakulo; ito'y ayon sa utos ni Yahweh kay Moises.
31:48 Lumapit kay Moises ang mga pinunong kasama sa labanan.
31:49 "Sinabi nila, 'Binilang po namin ang aming mga kasamahan at isa man po'y walang namatay."
31:50 "Dala po namin ang mga gintong alahas na aming nasamsam tulad ng pulseras, singsing, hikaw at kuwintas, upang ihandog kay Yahweh.'"
31:51 Ang lahat ng iyo'y ipinakuha ni Moises kay Eleazar.
31:52 Nang timbangin nila ay mahigit 400 libra.
31:53 (Hindi ibinigay ng mga kawal ang kanilang samsam.)
31:54 Ang mga alahas na gintong tinanggap nina Moises at Eleazar mula sa mga pinuno ay dinala nila sa Toldang Tipanan bilang handog ng Israel kay Yahweh.
32:1 ( Ang mga Lipi sa Silangan ng Jordan )[ (Deut. 3:12-22) ] Napakarami ang hayop ng mga lipi nina Ruben at Gad. Nang makita nila na mainam ang pastulan sa Jazer at sa Galaad,
32:2 lumapit sila kay Moises, kay Eleazar at sa mga pinuno ng Israel. Sinabi nila,
32:3 '"Ang Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Hesbon, Eleale, Sebam, Nebo at Beon,"
32:4 mga lupaing nilupig ni Yahweh bago tirhan ng Israel, ay mainam na pastulan ng mga hayop.
32:5 "Kung inyong mamarapatin, ito na po lamang ang ibigay ninyo sa amin. Huwag na ninyo kaming bigyan sa ibayo ng Jordan.' "
32:6 "Ngunit ang sagot ni Moises sa lipi ni Ruben at ni Gad, 'Matitiis ba ninyong makipaglaban ang inyong mga kapatid samantalang kayo'y nananahimik dito?"
32:7 Ibig ba ninyong masira ang loob ng mga Israelita sa pagpunta sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yahweh?
32:8 Ganyan din ang ginawa ng inyong mga magulang nang sila'y suguin ko upang tiktikan ang Cades-barnea.
32:9 Nang makaahon sila sa may kapatagan ng Escol at makita ang lupain, sinira nila ang loob ng mga Israelita.
32:10 Dahil doon, nagalit sa kanila si Yahweh. Kaya't isinumpa niya
32:11 na dahil sa hindi nila pagsunod sa kanya nang buong puso, isa man sa mga nanggaling sa Egipto na may gulang na dalawampung taon pataas ay hindi makararating sa lupain na kanyang ipinangako kina Abraham, Isaac at Jacob.
32:12 Wala ngang nakarating doon liban kina Caleb at Josue, pagkat sila lamang ang buong pusong tumalima kay Yahweh.
32:13 Nagalit nga sa kanila si Yahweh, kaya sila'y pinapaglagalag niya sa loob ng apatnapung taon, hanggang mamatay na lahat ang mga gumawa ng masama sa kanyang paningin.
32:14 At ngayon, ibig ba ninyong tularan ang ginawa ng inyong mga ninuno? Ibig ba ninyong lalong magalit si Yahweh sa Israel? Talagang napakasama ninyo!
32:15 "Kapag tumalikod kayo sa kanya, pababayaan niya sa ilang ang Israel. Sa gayon, kayo ang magiging dahilan ng pagkalipol ng mga Israelita.' "
32:16 "Ngunit sila'y nakiusap nang ganito: 'Igagawa lang muna namin ng kulungan ang aming mga hayop, at ng tirahan ang aming mga mahal sa buhay."
32:17 Kailangang bago namin sila iwan ay matiyak naming ligtas sila sa mga tagarito. Pagkatapos, makikipaglaban kaming kasama ng mga Israelita hanggang makarating sila sa lupaing titirhan nila.
32:18 Hindi kami uuwi hanggang hindi nila nakakamtan ang lupaing dapat mapunta sa kanila.
32:19 "At hindi na kami hahati sa masasakop nila sa ibayo ng Jordan; ito na lang nasa gawing silangan ang para sa amin.' "
32:20 "Sumagot si Moises, 'Papayagan ko kayo, kung tutulong kayong makipaglaban para kay Yahweh"
32:21 hanggang sa malupig ang kanyang mga kaaway
32:22 at masakop ang buong lupain. Kung magampanan na ninyo ang inyong tungkulin sa kanya at sa buong Israel, makauuwi na kayo. Sa gayon, itong lupaing ito'y magiging inyo buhat kay Yahweh.
32:23 Ngunit kung hindi ninyo tutupdin ang inyong salita, ito'y malaking kasalanan sa kanya at tiyak na pagbabayaran ninyo.
32:24 "Sige, igawa na ninyo ng tirahan ang inyong mga mahal sa buhay, at ng kulungan ang inyong mga hayop. Pagkatapos, tulungan ninyo ang inyong mga kapatid na makipaglaban para kay Yahweh.' "
32:25 "Sinabi ng mga anak nina Gad at Ruben, 'Gagawin po namin ang ipinagagawa ninyo sa amin."
32:26 Ang aming mga anak, asawa at mga hayop ay iiwan namin dito sa Galaad.
32:27 "At kaming mga lingkod ninyo, lahat kaming maaaring makipaglaban, ay tatawid ng Jordan upang tumulong sa aming mga kapatid.' "
32:28 Kaya't sinabi ni Moises kay Eleazar, kay Josue, at sa kapulungan ng matatanda ng Israel,
32:29 '"Kapag ang mga anak nina Gad at Ruben ay tumawid ng Jordan at tumulong sa inyo sa pagsakop sa lupaing titirhan ninyo, ibigay ninyo sa kanila ang Galaad."
32:30 "Ngunit kapag hindi nila kayo tinulungan, sa Canaan din sila maninirahang kasama ninyo.' "
32:31 "Sinabi ng mga anak nina Gad at Ruben, 'Gagawin namin ang utos ni Yahweh."
32:32 "Tatawid kami ng Jordan at makikipaglaban para sa kanya hanggang sa Canaan upang ang gawing ito ng Jordan ang mauwi sa amin.' "
32:33 At ibinigay nga ni Moises sa mga lipi ni Gad, Ruben at sa kalahati ng lipi ni Manases ang mga kaharian ni Haring Sehon ng mga Amorreo, at Haring Og ng Basan.
32:34 Itinayong muli ng lipi ni Gad ang Dibon, Atarot, Aroer,
32:35 Atarot-sofan, Jazer, Jogbeha,
32:36 Bet-nimra at Bet-haran. Ang mga lunsod na ito'y pinaligiran nila ng muog para tirahan nila at pagkulungan ng kanilang mga hayop.
32:37 Itinayo naman ng lipi ni Ruben ang Hesbon, Eleale, Kiryataim,
32:38 Nebo, Baal-meon (ang mga ito'y pinalitan nila ng pangalan) at Sibma. Binigyan nila ng bagong pangalan ang mga lunsod na muli nilang itinayo.
32:39 Ang Galaad ay sinakop naman ng mga anak ni Maquir, buhat sa lipi ni Manases; itinaboy nila ang mga Amorreo rito.
32:40 Ang lugar na iyo'y ibinigay ni Moises sa kanila at doon sila nanirahan.
32:41 "Ang mga nayon sa paligid ng Ham ay sinakop ni Jair na anak din ni Manases; tinawag niya itong 'Mga Tirahan ni Jair.'"
32:42 Ang Kenat at ang sakop nito ay sinakop naman ni Noba na anak din ni Manases. Tinawag niya itong Noba, sunod sa kanyang pangalan.
33:1 ( Ang Paglalakbay ng Israel ) Ito ang mga yugto ng paglalakbay ng Israel mula sa Egipto, ayon sa kani-kanilang pangkat, sa pangunguna nina Moises at Aaron.
33:2 Ayon sa utos ni Yahweh, itinala ni Moises ang bawat yugto ng kanilang paglalakbay buhat sa simula.
33:3 Ang mga Israelita'y umalis sa Rameses noong ika-15 ng unang buwan, kinabukasan ng Paskuwa. Taas-noo silang umalis ng Egipto, kitang-kita ng mga Egipcio
33:4 habang ang mga ito'y abalang-abala sa paglilibing sa kanilang mga panganay na sinalot ni Yahweh dahil sa kanilang mga diyus-diyusan.
33:5 Mula sa Rameses, nagtuloy sila sa Sucot.
33:6 Mula sa Sucot, nagtuloy sila sa Etam, sa may hangganan ng ilang.
33:7 Mula sa Etam, nagbalik sila sa Pi-hahirot, silangan ng Baal-zefon, at humimpil sa tapat ng Migdol.
33:8 Pag-alis nila ng Pi-hahirot, tumawid sila ng dagat at nagtuloy sa ilang. Tatlong araw silang naglakbay sa ilang ng Etam saka humimpil sa Mara.
33:9 Mula sa Mara nagtuloy sila ng Elim. Nakakita sila roon ng labindalawang bukal at pitumpung puno ng palmera, at doon sila humimpil.
33:10 Mula sa Elim, nagtuloy sila sa baybayin ng Dagat ng mga Tambo.
33:11 Mula sa Dagat ng mga Tambo, nagtuloy sila sa ilang ng Sin.
33:12 Mula sa Sin, nagtuloy sila ng Dofca.
33:13 Mula sa Dofca, nagtuloy sila ng Alus.
33:14 Mula sa Alus, nagtuloy sila ng Refidim, isang lugar na kulang sa tubig.
33:15 Mula sa Refidim, nagtuloy sila sa ilang ng Sinai.
33:16 Mula sa Sinai, nagtuloy sila ng Kibrot-hataava.
33:17 Mula rito'y nagtuloy sila ng Hazerot.
33:18 Pagkatapos, nagtuloy sila ng Ritma.
33:19 Mula sa Ritma, nagtuloy sila ng Rimon-fares.
33:20 Mula rito'y nagtuloy sila ng Libna.
33:21 Mula sa Libna, nagtuloy sila ng Rissa.
33:22 Mula sa Rissa, nagtuloy sila ng Ceelata.
33:23 Mula rito'y nagtuloy sila sa Bundok ng Sefer.
33:24 Mula sa Bundok ng Sefer, nagtuloy sila ng Harada.
33:25 Pagkatapos, nagtuloy sila ng Maquelot.
33:26 Mula sa Maquelot, nagtuloy sila ng Tahat.
33:27 Mula naman sa Tahat, nagtuloy sila sa Tare.
33:28 Mula sa Tare, nagtuloy sila ng Mitca.
33:29 Pagkatapos, nagtuloy sila ng Asmona.
33:30 Mula sa Asmona, nagtuloy sila ng Moserot.
33:31 Mula sa Moserot, nagtuloy sila ng Bene-yaacan.
33:32 Mula rito'y nagtuloy sila ng Hor-haguidgad.
33:33 Mula sa Hor-haguidgad, nagtuloy sila ng Jotebata.
33:34 Pagkatapos, nagtuloy sila ng Abrona.
33:35 Mula sa Abrona, nagtuloy sila ng Ezion-geber.
33:36 Mula rito'y nagtuloy sila sa ilang ng Zin, samakatwid ay Cades.
33:37 Mula sa Cades, nagtuloy sila sa Bundok ng Hor, sa may hangganan ng Edom.
33:38 Sa utos ni Yahweh, si Aaron ay umahon sa Bundok ng Hor. Namatay siya roon sa gulang na 123 taon. Noo'y unang araw ng ika-5 buwan, apatnapung taon mula nang umalis sila sa Egipto.
33:39 (*papuloy)
33:40 Nabalitaan ng hari ng Arad na naninirahan sa Negeb ng Canaan ang pagdating ng mga Israelita sa Bundok ng Hor.
33:41 Mula sa Bundok ng Hor, nagtuloy sila sa Zalmona.
33:42 Pagkatapos, nagtuloy sila sa Punon.
33:43 Mula sa Punon, nagtuloy sila sa Obot.
33:44 Mula rito'y nagtuloy sila sa pinagbayanan ng Abarim, sakop ng Moab.
33:45 Mula sa Iyim, nagtuloy sila sa Dibon-gad.
33:46 Mula rito'y nagtuloy sila sa Almon-diblataim.
33:47 Mula sa Almon-diblataim, nagtuloy sila sa kabundukan ng Abarim, bago dumating ng Nebo.
33:48 Mula sa kabundukan ng Abarim, nagtuloy sila sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, tapat ng Jerico.
33:49 Humimpil sila sa tabi ng Jordan sa pagitan ng Bet-jesimon at Abel-sitim, sa kapatagan ng Moab. ( Ang mga Hangganan sa Canaan )
33:50 Nang sila'y nasa kapatagan ng Moab, sinabi ni Yahweh kay Moises,
33:51 '"Ganito ang sabihin mo sa mga Israelita: Pagkatawid ninyo ng Jordan papuntang Canaan,"
33:52 palayasin ninyo ang mga tagaroon, durugin ninyo ang kanilang mga rebultong bato at imaheng metal. Gibain din ninyo ang mga altar sa sambahan sa burol.
33:53 Sakupin ninyo ang lupaing yaon at doon kayo tumira pagkat inyo na ang lupaing iyon.
33:54 Hatiin ninyo ang lupain sa bawat lipi at ang partihan ay ibabatay sa laki ng lipi: sa malaking lipi malaking parti, sa maliit ay maliit din. Ang pagbibigay ng kanya-kanyang bahagi ay dadaanin sa sapalaran.
33:55 Palayasin nga ninyo ang mga tagaroon. Kapag hindi ninyo sila pinaalis na lahat, ang matitira ay magiging parang tinik sa inyong lalamunan, at hadlang sa inyong landas. Balang araw, sila pa ang gugulo sa inyo.
33:56 "Kapag nagkataon, sa inyo ko ipalalasap ang pahirap na gagawin ko sana sa kanila.'"
34:1 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,
34:2 '"Sabihin mo sa mga Israelita na pagdating ninyo sa Canaan, mapapasainyo ang lupaing nakapaloob sa mga hangganang ito:"
34:3 sa timog, ang ilang ng Zin na kaagapay ng Edom, ang dulo ng Dagat na Patay,
34:4 ang daan paakyat sa Acrabim, ang Zin hanggang sa timog ng Cades-barnea, ang Hazaradar at ang Azmon,
34:5 at ang Batis ng Egipto hanggang sa dagat.
34:6 '"Sa kanluran: ang Dagat Mediteraneo. "
34:7 '"Sa hilaga: bahagi ng Dagat Mediteraneo, Bundok ng Hor,"
34:8 ang Hamat, ang Zedad;
34:9 ang Zifron hanggang Hazar-enan.
34:10 '"Sa silangan: mula sa Hazar-enan hanggang Sefam;"
34:11 ang Ribla, gawing silangan ng Ayin, ang baybayin ng Dagat Cineret,
34:12 "ang Jordan hanggang sa Dagat ng Asin. Iyan ang kikilalaning hangganan ng lupaing ibibigay ko sa inyo.' "
34:13 "Sinabi ni Moises sa mga Israelita, 'Iyan ang lupaing ibibigay ni Yahweh sa siyam at kalahating lipi ng Israel; ang partihan ay dadaanin sa sapalaran."
34:14 Ang mga lipi ni Ruben, ni Gad, at ng kalahati ng lipi ni Manases ay mayroon nang bahagi
34:15 "sa ibayo ng Jordan, sa tapat ng Jerico.' ( Ang mga Namahala sa Paghahati ng Lupain )"
34:16 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
34:17 '"Sina Eleazar at Josue ang pamamahalain mo sa pagpaparte sa lupain."
34:18 Pumili ka rin ng isang pinuno sa bawat lipi para makatulong nila.
34:19 Ito ang pipiliin mo: sa lipi ni Juda ay si Caleb na anak ni Jefone;
34:20 sa lipi ni Simeon ay si Semeul na anak ni Amiud;
34:21 sa lipi ni Benjamin ay si Elidad na anak ni Cislon;
34:22 sa lipi ni Dan ay si Buqui na anak ni Jogli;
34:23 sa lipi ni Manases na anak ni Jose ay si Haniel na anak ni Efod;
34:24 sa lipi ni Efraim ay si Kemuel na anak ni Siftan;
34:25 sa lipi ni Zabulon ay si Elisafan na anak ni Parnah;
34:26 sa lipi ni Isacar ay si Paltiel na anak ni Azan;
34:27 sa lipi ni Aser ay si Ahiud na anak ni Selomi;
34:28 "at sa lipi ni Neftali ay si Pedael na anak ni Amiud.'"
34:29 Ang mga nabanggit ang pinamahala ni Yahweh sa paghahati ng lupaing Canaan na ibinigay niya sa Israel.
35:1 ( Ang mga Lunsod Para sa mga Levita ) Sinabi pa ni Yahweh kay Moises nang sila'y nasa kapatagan ng Moab,
35:2 '"Sabihin mo sa mga Israelita na bigyan nila ng sariling bayan at pastulan ang mga Levita."
35:3 Ang ibibigay nila ang magiging tirahan ng mga Levita at pastulan ng kanilang mga hayop.
35:4 Ang sukat ng pastulang ibibigay ninyo sa kanila ay 444 metro mula sa pader ng lunsod:
35:5 444 metro sa silangan; 444 sa timog; 444 sa kanluran; at 444 sa hilaga.
35:6 Bigyan din ninyo sila ng anim na lunsod na taguan ng mga nakapatay. Bukod rito, bibigyan pa ninyo sila ng apatnapu't dalawang lunsod.
35:7 Samakatwid, ang ibibigay ninyo sa kanila ay apatnapu't walong lunsod, kasama ang kani-kanilang pastulan.
35:8 "Ang bilang ng lunsod na ibibigay ng bawat lipi ay batay sa laki ng lipi; sa malaking lipi, marami ang kukunin, sa maliit ay ilan lang.' ( Ang mga Lunsod na Taguan )[ (Deut. 19:1-13; Jos. 20:1-9) ]"
35:9 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
35:10 '"Sabihin mo sa mga Israelita: Pagdating ninyo ng Canaan,"
35:11 pumili na kayo ng lunsod na mapagtataguan ng sinumang makapatay nang di sinasadya.
35:12 Doon siya magtatago hanggang sa litisin, upang huwag mapatay ng sinumang ibig maghiganti.
35:13 Pumili kayo ng anim na lunsod;
35:14 tatlo sa silangan ng Jordan at tatlo sa Canaan.
35:15 Ang mga lunsod na ito'y maaaring pagtaguan ng sinumang makapatay nang di sinasadya, maging siya'y Israelita o nakikipamayan lamang.
35:16 '"Ang sinumang pumatay ng kapwa sa pamamagitan ng bakal ay papatayin pagkat buhay ang kanyang inutang."
35:17 Papatayin din ang sinumang pumatay sa pamamagitan ng bato pagkat buhay ang kanyang inutang.
35:18 Papatayin din ang sinumang pumatay ng kapwa sa pamamagitan ng kahoy pagkat buhay ang kanyang inutang.
35:19 Ang papatay sa kanya ay ang pinakamalapit na kamag-anak ng napatay niya, saanman siya makita.
35:20 '"Papatayin din ang sinuman na dahil sa galit ay makamatay sa pamamagitan ng panunulak, o pagpukol ng anuman,"
35:21 o sa pamamagitan ng suntok pagkat siya'y umutang ng buhay. Ang papatay sa kanya ay ang pinakamalapit na kamag-anak ng napatay, saanman sila magkita.
35:22 '"Ngunit ang sinumang nakamatay nang hindi sinasadya, maging sa pamamagitan ng tulak, o pukol ng anumang bagay;"
35:23 o kaya'y naghagis ng bato at may natamaang di niya nakikita,
35:24 ang taong iyon ay di ipauubaya ng kapulungan sa mga kamag-anak ng namatay.
35:25 Siya ay pangangalagaan ng kapulungan sa sinumang ibig maghiganti; ipababalik siya sa lunsod-taguan at mananatili roon hanggang buhay ang kasalukuyang Punong Saserdote.
35:26 Kapag ang nakamatay ay lumabas ng lunsod
35:27 at napatay siya ng pinakamalapit na kamag-anak ng napatay niya, ito'y walang pananagutan sa batas.
35:28 Ang nakamatay ay dapat manatili sa pinagtataguan niyang lunsod hanggang buhay ang nanunungkulang Punong Saserdote; pagkamatay nito, ang nagtatago ay maaari nang umuwi sa kanyang bayan.
35:29 Ito ang tuntuning susundin ninyo at ng inyong mga inapo saanman kayo manirahan. ( Mga Tuntunin Tungkol sa Pagsaksi at Pagtubos sa Nakamatay )
35:30 '"Sinumang pumatay ng kapwa ay papatayin din batay sa patotoo ng ilang saksi; walang papatayin dahil lamang sa patotoo ng isang saksi."
35:31 Sinumang makamatay nang sinasadya ay hindi maaaring tubusin ng salapi; dapat din siyang patayin.
35:32 Sinumang nakamatay nang hindi sinasadya at nagtago sa alinmang lunsod ay hindi maaaring makaalis agad doon sa pamamagitan ng pagbabayad. Kailangang manatili siya roon hanggang buhay ang nanunungkulang Punong Saserdote.
35:33 Huwag kayong magpapadanak ng dugo sa lupaing inyong titirhan. Ang dugo ay nagpaparumi sa lupa, at walang ibang makalilinis nito kundi ang dugo ng nakamatay.
35:34 "Hindi ninyo dapat dumihan ang lupaing inyong titirhan pagkat akong si Yahweh ay nasa lupain ng mga Israelita.'"
36:1 ( Mga Tuntunin Tungkol sa Pag-aasawa sa Babaing Tagapagmana ) Ang mga pinuno ng sambahayan ng angkan ni Galaad na anak ni Maquir at apo ni Manases na anak ni Jose ay lumapit kay Moises at sa mga pinuno ng Israel.
36:2 "Sinabi nila, 'Iniutos sa inyo ni Yahweh na partihin ang lupain sa pamamagitan ng sapalaran. Iniutos din po na ang bahagi ng kapatid naming si Zelofehad ay ibigay sa mga anak niyang babae."
36:3 Kung ang mapangasawa nila'y mula sa ibang lipi, ang bahagi nila'y mapapasa liping ito, at sa gayo'y mababawasan ang bahagi ng aming lipi.
36:4 "At pagdating ng Taon ng Pagpapalaya, pag ang lupaing naipagbili ay ibinalik nang tuluyan sa dating may-ari, ang bahagi nila'y mauuwi nang panatilihan sa lipi ng kanilang asawa. Sa gayon, mababawas ito sa aming lipi.' "
36:5 "Dahil dito, sinabi ni Moises sa mga Israelita, 'Tama ang mga apo ni Jose."
36:6 Ang utos ni Yahweh tungkol sa mga anak ni Zelofehad ay bayaan silang mag-asawa sa sinumang gusto nila, ngunit huwag lamang lalabas sa lipi ng kanilang ama.
36:7 Ang bahagi ng alinmang lipi ay hindi maaaring ilipat sa ibang lipi, iyon ay pananatilihin sa lipi ng kanilang ama.
36:8 Ang babaing may namana sa kanyang ama ay kailangang mag-asawa sa lipi nito, upang hindi malipat sa ibang lipi ang kaparte ng kanilang ama.
36:9 "Ang kaparte ng alinmang lipi ay di nga maaaring ilipat sa ibang lipi; pananatilihin ng bawat lipi ang kani-kanilang kaparte.' "
36:10 Ang utos ni Yahweh ay sinunod ng mga anak ni Zelofehad
36:11 na sina Maala, Tirsa, Hogla, Milca at Noa. Ang napangasawa nila'y pawang buhat sa lipi ng kanilang ama,
36:12 mga inapo ni Manases na anak ni Jose. Kaya, hindi nagalaw ang kaparte ng kanilang ama.
36:13 Ito ang mga batas at tuntuning ibinigay ni Yahweh sa Israel sa pamamagitan ni Moises, sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan at tapat ng Jerico.