66. Apocalipsis
1:1 Ito ang paghahayag ng Diyos kay Jesu-Cristo, at kanya namang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel. Ang layon ng paghahayag na ito'y ipabatid sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap.
1:2 Ito ang patotoo ni Juan sa mga nakita niya---tungkol sa inihayag ng Diyos at pinatunayan ni Jesu-Cristo.
1:3 Mapalad ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa hulang inihahayag nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat ang lahat ng ito'y malapit nang maganap. ( Pagbati sa Pitong Iglesya )
1:4 Buhat kay Juan---Sa pitong iglesya sa Asia: Sumainyo ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos---Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating---at mula sa pitong espiritung nasa harap ng kanyang trono,
1:5 at mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang unang nabuhay sa mga patay, at Hari ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa kanyang pagkamatay ay pinalaya niya tayo mula sa ating mga kasalanan.
1:6 Ginawa niya tayong isang liping maharlika upang maglingkod sa Diyos at kanyang Ama bilang mga saserdote. Kay Jesu-Cristo ang kapurihan at kapangyarihan magpakailanman! Amen.
1:7 Pakatandaan ninyo! Darating siyang nasa mga alapaap, makikita ng lahat, pati ng umulos sa kanyang tagiliran; dahil sa kanya, iiyak ang lahat ng lipi sa lupa. Magkakagayon nga. Amen.
1:8 '"Ako ang Alpha at ang Omega,' wika ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating. ( Isang Pangitain Tungkol kay Cristo )"
1:9 Ako'y si Juan, ang inyong kapatid na kasama ninyo sa paghihirap, paghahari, at pagtitiis, dahil sa pakikipag-isa kay Jesus. Itinapon ako sa pulo ng Patmos sapagkat ipinangaral ko ang salita ng Diyos at ang katotohanang inihayag ni Jesus.
1:10 Noo'y araw ng Panginoon. Kinasihan ako ng Espiritu, at narinig ko mula sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang tunog ng trompeta.
1:11 "Ang sabi: 'Isulat mo ang iyong nakikita, at ipadala mo sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea.' "
1:12 Lumingon ako upang tingnan ang nagsasalita, at nakakita ako ng pitong ilawang ginto.
1:13 Nakatayo sa gitna ng mga ito ang isang animo'y lalaki, nakadamit nang abut-sakong, at may pamigkis na ginto sa kanyang dibdib.
1:14 Kasimputi ng bulak{ a} o ng niyebe ang kanyang buhok, at nagniningas na parang apoy ang kanyang mga mata.
1:15 Kumikinang ang kanyang mga paa na parang tansong dinalisay sa pugon at pinakintab. Animo ugong ng tubig ng isang malaking talon ang kanyang tinig.
1:16 May hawak siyang pitong bituin sa kanang kamay, at lumalabas sa kanyang bibig ang isang matalas na tabak na dalawa ang talim. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na tulad ng araw sa katanghalian.
1:17 "Pagkakita ko sa kanya, para akong patay na nalugmok sa paanan niya. Ngunit ipinatong niya sa akin ang kanyang kanang kamay, at sinabi: 'Huwag kang matakot! Ako ang Simula at ang Wakas,"
1:18 at ang Nabubuhay! Namatay ako ngunit masdan mo, ako'y buhay ngayon at mananatiling buhay magpakailanman. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay.{ b}
1:19 Kaya't isulat mo ang iyong nakikita, ang nangyayari ngayon at ang mangyayari pa.
1:20 Ito ang kahulugan ng pitong bituing hawak ko, at ng pitong ilawang ginto: ang pitong bituin ay mga anghel ng pitong iglesya, at ang pitong ilawang ginto ay ang pitong iglesya.
2:1 ( Ang Sulat sa Iglesya sa Efeso ) '"Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Efeso: 'Ito ang ipinasasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay, ang lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto."
2:2 Nalalaman ko ang mga ginawa mo, ang iyong mga pagpapagal at pagtitiyaga. Alam kong namumuhi ka sa masasama. Sinubok mo ang mga nagpanggap na apostol, at napatunayan mong sila'y bulaan.
2:3 Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin, at hindi nanlupaypay.
2:4 Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka na sa akin---hindi mo na ako mahal tulad ng dati.
2:5 Alalahanin mo ang dati mong kalagayan, pagsisihan mo at talikdan ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginawa mo noong una. Kapag hindi ka nagsisi, paririyan ako at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan.
2:6 Ngunit ito naman ang napupuri ko sa iyo: kinapopootan mo ring tulad ko ang ginagawa ng mga Nicolaita.
2:7 '"Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! 'Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy ng buhay na nasa Halamanan{ a} ng Diyos. ( Ang Sulat sa Iglesya sa Esmirna )"
2:8 '"Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Esmirna: 'Ito ang ipinasasabi niya na siyang Simula at Wakas, ang namatay at muling nabuhay."
2:9 Nalalaman ko ang mga pagsubok na dinaranas mo. Alam kong mahirap ka---ngunit ang totoo'y mayaman ka. Nalalaman ko rin ang mga paninirang-puri sa iyo ng mga nagpapanggap na mga Judio, ngunit ang totoo, sila'y mga kampon ni Satanas.
2:10 Huwag mong katakutan ang mga pag-uusig na malapit mo nang danasin. Tandaan mo: ipabibilanggo ng Diyablo ang ilan sa inyo bilang isang pagsubok; magtitiis kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang matapat hanggang kamatayan, at ipagkakaloob ko sa iyo ang putong ng buhay.
2:11 '"Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! 'Ang magtatagumpay ay hindi magdaranas ng pangalawang kamatayan. ( Ang Sulat sa Iglesya sa Pergamo )"
2:12 '"Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo: 'Ito ang ipinasasabi ng may hawak ng matalas na tabak na dalawa ang talim:"
2:13 nalalaman kong nakatira ka sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; gayunman, nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikdan ang iyong pananalig sa akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay patayin diyan sa bayan mong tinitirhan ni Satanas.
2:14 Ngunit may hinanakit ako sa iyo dahil sa ilang bagay: may ilan sa inyo na sumusunod sa aral ni Balaam na nagturo kay Balak na magbunsod sa mga Israelita na magkasala. Dahil dito, kumain sila ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyusan, at gumawa ng mga kahalayan.
2:15 May ilan din sa inyong sumusunod sa aral ng mga Nicolaita.
2:16 Kaya nga, pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan! Kung hindi'y paririyan ako sa lalong madaling panahon at pupuksain ko ang mga taong iyon sa pamamagitan ng tabak na lumalabas sa aking bibig.
2:17 '"Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! 'Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang nakatagong pagkain{ b} mula sa langit. Bibigyan ko rin ang bawat isa sa kanila ng puting bato na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakaaalam maliban sa tatanggap niyon. ( Ang Sulat sa Iglesya sa Tiatira )"
2:18 '"Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira: 'Ito ang sinasabi ng Anak ng Diyos na may mga matang nagniningas na parang apoy at mga paang kumikinang na parang tansong pinakintab."
2:19 Nalalaman ko ang ginagawa mo, ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong higit kaysa noong una ang ginagawa mo ngayon.
2:20 Ngunit ito ang masasabi ko laban sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap na sugo ng Diyos. Nililinlang niya ang aking mga lingkod, ibinubulid sa kahalayan, at inuudyukang kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyusan.
2:21 Binigyan ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikdan ang mahalay na pamumuhay, ngunit ayaw niyang magbago.
2:22 Pakinggan mo: mararatay siya sa higaan, pati ang mga nakiapid sa kanya. Magdaranas sila ng matinding kahirapan kung hindi nila pagsisisihan ang kasamaang kanilang ginawa sa piling niya.
2:23 Papatayin ko rin ang kanyang mga anak upang malaman ng mga iglesya na ako ang sumisiyasat sa puso't isip ng mga tao. Gagantihin ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga gawa.
2:24 '"Ngunit ang ibang taga-Tiatira na hindi nakinig sa masamang turo ni Jezebel at hindi natuto ng tinatawag na 'malalalim na lihim ni Satanas' ay hindi ko bibigyan ng pasanin."
2:25 Gayunma'y ingatan ninyong mabuti ang mga katangiang nasa inyo hanggang sa pagdating ko.
2:26 Sa magtatagumpay at tutupad ng kalooban ko hanggang wakas, ibibigay ko ang pamamahalang gaya ng tinanggap ko sa aking Ama: ang pamamahala sa mga bansa.
2:27 Mamamahala siya sa pamamagitan ng kamay na bakal at dudurugin niya ang mga bansa, gaya ng pagdurog sa palayok.
2:28 Ibibigay ko rin sa kanya ang tala sa umaga.
2:29 '"Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!"
3:1 ( Ang Sulat sa Iglesya sa Sardis ) '"Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Sardis: 'Ito ang sinasabi ng may pitong espiritu ng Diyos at may pitong bituin. Nalalaman ko ang ginagawa mo; ipinalalagay kang buhay, ngunit ang totoo, ikaw ay patay."
3:2 Gumising ka, at pasiglahin mo ang mga bagay na nalalabi sa iyo, nang di tuluyang mamatay. Nakikita kong hindi pa ganap ang mga nagawa mo sa paningin ng aking Diyos.
3:3 Alalahanin mo kung paano mong tinanggap ang mga aral na iyong narinig. Isagawa mo ang mga yaon, pagsisihan mo't talikdan ang iyong kasamaan. Kung hindi ka gigising, paririyan akong gaya ng magnanakaw---hindi mo malalaman ang oras ng aking pagdating.
3:4 Gayunman, may ilan diyan sa Sardis na nag-ingat at napanatiling malinis ang kanilang damit, kaya't magiging kasama-sama ko silang nakasuot ng puti sapagkat sila'y karapat-dapat.
3:5 Ang magtatagumpay ay daramtan din ng puti, at hindi ko aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilanlin ko siya sa harapan ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.
3:6 '"Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! ( Ang Sulat sa Iglesya sa Filadelfia )"
3:7 '"Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: 'Ito ang sinasabi ng banal at mapagkakatiwalaan, siya na may hawak ng susi ni David. Walang makapagsasara ng anumang buksan niya, at walang makapagbubukas ng anumang sarhan niya."
3:8 Nalalaman ko ang iyong mga gawa. Alam kong kakaunti ang kakayahan mo, ngunit sinunod mo ang aking turo at naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko ang isang pinto sa harapan mo, at walang sinumang makapagsasara nito.
3:9 Pakinggan mo! Padudulugin ko sa iyo at payuyukurin sa harapan mo ang pangkat ni Satanas na nagsisinungaling at nagpapanggap na mga Judio, upang malaman nilang iniibig kita.
3:10 Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiyaga, iingatan naman kita pagdating ng panahon ng pagsubok sa lahat ng tao sa buong sanlibutan.
3:11 Darating ako sa lalong madaling panahon. Ingatan mo ang mga katangiang nasa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong korona.
3:12 Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya maaalis doon magpakailanman. Iuukit ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit buhat sa aking Diyos. Iuukit ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.
3:13 '"Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! ( Ang Sulat sa Iglesya sa Laodicea )"
3:14 '"Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Laodicea: 'Ito ang sinasabi niya na ang pangalan ay Amen, ang matapat at tunay na saksi, at siyang pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos."
3:15 Nalalaman ko ang mga ginawa mo. Alam kong hindi ka malamig ni mainit. Maano sanang malamig ka o mainit!
3:16 Ngunit dahil sa ikaw ay malahininga---hindi mainit ni malamig---isusuka kita!
3:17 Sasabihin mo, 'Ako'y mayaman at sagana sa lahat ng bagay! Ngunit hindi mo nalalamang ikaw ay abang-aba, kahabag-habag, maralita, hubad, at bulag.
3:18 Kaya nga, ipinapayo kong bumili ka sa akin ng dinalisay na ginto upang ikaw ay maging tunay na mayaman. Bumili ka rin ng puting damit upang matakpan ang nakahihiya mong kahubaran, at ng gamot sa mata nang ikaw ay makakita.
3:19 Tinuturuan ko't sinusupil ang lahat ng aking iniibig. Kaya nga, magsikap ka; pagsisihan mo't talikdan ang iyong kasalanan.
3:20 Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako'y papasok sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain.
3:21 Ang magtatagumpay ay uupong katabi ko sa aking luklukan, kung paanong ako'y nagtagumpay, at nakaupo ngayon sa tabi ng aking Ama sa kanyang luklukan.
3:22 '"Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!'"
4:1 ( Pananambahan sa Langit ) "Pagkatapos nito, ibang pangitain naman ang aking nasaksihan. Nakita ko sa langit ang isang bukas na pinto. At muli kong narinig ang tinig na gaya ng isang trompeta, na ang sabi, 'Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang darating na mga pangyayari.'"
4:2 Walang anu-ano'y kinasihan ako ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono, at ang nakaluklok doon.
4:3 Ang mukha niya'y maningning na gaya ng mahahalagang batong haspe at kornalina. May isang bahagharing kakulay ng esmeralda sa palibot ng trono.
4:4 Nakapaligid dito ang dalawampu't apat pang trono. Nakaluklok doon ang dalawampu't apat na matatanda; puti ang kanilang kasuutan at may koronang ginto ang bawat isa.
4:5 Mula sa trono'y gumuguhit ang kidlat, kasabay ng malalakas na ugong at nakatutulig na kulog. May pitong nagniningas na sulo sa harap ng trono; ito ang pitong espiritu ng Diyos.
4:6 Sa harap ng trono, may tila dagat na salaming sinlinaw ng kristal. Nakapaligid sa trono, sa bawat panig nito, ang apat na nilalang na buhay na punung-puno ng mga mata sa harap at likod.
4:7 Katulad ng leon ang unang nilalang na buhay. Katulad naman ng baka ang pangalawa. May mukhang katulad ng tao ang pangatlo. At katulad ng agilang lumilipad ang pang-apat.
4:8 "Tig-aanim na pakpak ang apat na nilalang na buhay; at tadtad ng mga mata ang bawat isa, sa loob at labas. Walang tigil ang pag-awit nila araw-gabi: 'Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Ang Diyos sa nakaraan, sa kasalukuyan, at siyang darating.' "
4:9 At habang umaawit sila ng papuri, parangal, at pasasalamat sa nakaluklok sa trono, ang nabubuhay magpakailanman,
4:10 ang dalawampu't apat na matatanda nama'y nagpapatirapa sa harap ng trono, at sinasamba ang nakaluklok doon, ang nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang korona sa harap ng trono, at sinasabing:
4:11 '"Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, paggalang, at kapangyarihan; Pagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, At ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nilalang mo at pinananatili.'"
5:1 ( Ang Kasulatang Nakalulon at ang Kordero ) Nakita ko ang isang kasulatang nakalulon na hawak sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono. May sulat ang magkabilang panig nito, at may pitong tatak.
5:2 "At nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na nagpahayag nang malakas, 'Sino ang karapat-dapat na sumira sa mga tatak at magbukas sa kasulatang nakalulon?'"
5:3 Ngunit walang nasumpungan sa langit, sa lupa o sa ilalim ng lupa, na makapagbubukas at makatitingin sa nilalaman niyon.
5:4 Buong kapaitan akong nanangis sapagkat walang natagpuang karapat-dapat.
5:5 "Kaya sinabi sa akin ng isa sa matatanda: 'Huwag kang manangis. Tingnan mo! Ang leon mula sa lipi ni Juda, ang Anak{ a} ni David, ang siyang nagtagumpay at may karapatang sumira sa pitong tatak at magbukas sa kasulatang nakalulon.' "
5:6 Pagkatapos, may nakita akong isang Kordero na nakatayo sa pagitan ng matatanda at ng tronong napaliligiran ng apat na nilalang na buhay. May mga bakas na nagpapakilalang pinatay na ang Kordero. Ito'y may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa buong sanlibutan.
5:7 Lumapit ang Kordero at kinuha ang kasulatang nakalulon sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono.
5:8 Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na nilalang na buhay at ang dalawampu't apat na matatanda. May hawak na alpa ang bawat isa, at may gintong mangkok na puno ng kamanyang. Ito ang panalangin ng mga banal.
5:9 "Inaawit nila ang bagong awit na ito: 'Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatang nakalulon At sumira sa mga tatak niyon. Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong kamatayan Ay tinubos mo para sa Diyos ang mga tao, mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa. "
5:10 "Ginawa mo silang isang liping maharlika at mga saserdote para maglingkod sa ating Diyos; At sila'y maghahari sa lupa.' "
5:11 Tumingin akong muli at narinig ko ang tinig ng libu-libo't laksa-laksang anghel. Sila'y nakapaligid sa trono, sa apat na nilalang na buhay, at sa matatanda.
5:12 "Umaawit sila ng ganito: 'Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat Na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, at kalakasan, Papuri, paggalang at pagdakila!' "
5:13 "At narinig kong nag-aawitan ang mga nilikhang nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa, at nasa dagat---lahat ng nilikha sa buong sanlibutan: 'Sa kanya na nakaluklok sa trono, at sa Kordero, Sumakanila ang kapurihan at karangalan, kadakilaan at kapangyarihan, Magpakailanman!' "
5:14 "Tumugon ang apat na nilalang na buhay: 'Amen!' At nagpatirapa ang matatanda at nagsisamba."
6:1 ( Ang mga Tatak ) "Nakita kong sinira ng Kordero ang una sa pitong tatak, at narinig kong nagsalitang sinlakas ng kulog ang isa sa apat na nilalang na buhay. 'Halika!' sabi niya."
6:2 Pagtingin ko, nakita ko ang isang kabayong puti na ang sakay ay may hawak na pana. Binigyan siya ng korona, at siya'y humayo upang patuloy na magtagumpay.
6:3 "Sinira ng Kordero ang pangalawang tatak, at narinig kong sinabi ng pangalawang nilalang na buhay, 'Halika!'"
6:4 Isa namang kabayong pula ang lumitaw. Ang nakasakay rito ay binigyan ng kapangyarihang magpasimula ng digmaan sa lupa upang magpatayan ang mga tao. Isang malaking tabak ang ibinigay sa kanya.
6:5 "Sinira ng Kordero ang pangatlong tatak, at narinig kong sinabi ng pangatlong nilalang na buhay, 'Halika!' Isang kabayong itim ang nakita ko. May hawak na timbangan ang sakay nito."
6:6 "May narinig akong wari'y isang tinig buhat sa kinaroroonan ng apat na nilalang na buhay. Ang sabi: 'Isang takal na trigo lamang ang mabibili ng sahod sa maghapong paggawa, at tatlong takal na sebada lamang ang mabibili ng gayon ding halaga. Ngunit huwag pinsalain ang langis ng olibo at ang alak!' "
6:7 "Sinira ng Kordero ang pang-apat na tatak, at narinig kong sinabi ng pang-apat na nilalang na buhay, 'Halika!'"
6:8 Ang nakita ko nama'y isang kabayong maputla ang kulay. Ang pangalan ng sakay nito ay Kamatayan, at kabuntot niya ang Hades. Binigyan sila ng kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng lupa upang pumatay sa pamamagitan ng tabak, taggutom, salot, at mababangis na hayop.
6:9 Sinira ng Kordero ang panlimang tatak, at nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at sa matapat na pagsaksi rito.{ a}
6:10 "Ubos-lakas silang sumigaw, 'O Panginoong Makapangyarihan, banal, at tapat! Gaano pa katagal kaming maghihintay? Kailan mo pa huhukuman at parurusahan ang mga taong pumatay sa amin?'"
6:11 Binigyan ng puting kasuutan ang bawat isa sa kanila. At sinabi sa kanila na magpahinga nang kaunting panahon pa, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kasamahan sa paglilingkod kay Cristo, na papatayin ding tulad nila.
6:12 At sinira ng Kordero ang pang-anim na tatak. Lumindol nang malakas, ang araw ay naging itim tulad ng damit na panluksa, naging kasimpula ng dugo ang buwan.
6:13 Nalaglag mula sa langit ang mga bituin, parang mga bubot na bunga ng igos kung binabayo ng malakas na hangin.
6:14 Nawala ang langit na gaya ng kasulatang biglang nalulon, at naalis sa kinalalagyan ang mga bundok at mga pulo.
6:15 Nagtago sa mga yungib at sa pagitan ng mga bato sa bundok ang mga hari sa lupa, ang mga maharlika, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, lahat ng tao, malaya man o alipin.
6:16 "At sinabi nila sa mga bundok at mga bato, 'Tabunan ninyo kami para hindi namin makita ang mukha ng nakaluklok sa trono, at di madama ang poot ng Kordero!"
6:17 "Sapagkat dumating na ang dakilang araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makatatagal?'"
7:1 ( Ang 144,000 na Tinatakan sa Israel ) Pagkatapos nito ay may nakita akong apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng daigdig. Pinipigil nila ang apat na hangin upang huwag munang humihip sa lupa, sa dagat, o sa alinmang punongkahoy.
7:2 At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Humiyaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat,
7:3 '"Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy. Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.'"
7:4 At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan---144,000 buhat sa labindalawang lipi ng Israel:
7:5 sa lipi ni Juda 12,000 sa lipi ni Ruben 12,000 sa lipi ni Gad 12,000
7:6 sa lipi ni Aser 12,000 sa lipi ni Neftali 12,000 sa lipi ni Manases 12,000
7:7 sa lipi ni Simeon 12,000 sa lipi ni Levi 12,000 sa lipi ni Isacar 12,000
7:8 sa lipi ni Zabulon 12,000 sa lipi ni Jose 12,000 sa lipi ni Benjamin 12,000 ( Ang mga Nagtagumpay Mula sa Lahat ng Bansa )
7:9 Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas.
7:10 "Sabay-sabay nilang sinabi, 'Ang kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!'"
7:11 Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng matatanda, at ng apat na nilalang na buhay. Sila'y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos.
7:12 "Ang wika nila, 'Amen! Sa ating Diyos ang kapurihan, kadakilaan, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan magpakailanman! Amen!' "
7:13 "Tinanong ako ng isa sa matatanda, 'Sino ang mga taong nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?'"
7:14 '"Hindi ko po alam,' tugon ko. 'Kayo ang nakaaalam.' At sinabi niya sa akin, 'Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit."
7:15 Iyan ang dahilan kung bakit sila nasa harap ng trono ng Diyos at naglilingkod sa kanya araw-gabi sa templo niya. At ang nakaluklok sa trono ang kukupkop sa kanila.
7:16 Hindi na sila magugutom o mauuhaw; hindi na sila mabibilad sa araw o mapapaso ng anumang matinding init.
7:17 "Sapagkat ang Korderong nasa gitna ng trono ang magiging pastor nila. Sila'y dadalhin niya sa mga bukal ng tubig na nagbibigay-buhay; at papahirin ng Diyos ang luha sa kanilang mga mata.'"
7:1 ( Ang 144,000 na Tinatakan sa Israel ) Pagkatapos nito ay may nakita akong apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng daigdig. Pinipigil nila ang apat na hangin upang huwag munang humihip sa lupa, sa dagat, o sa alinmang punongkahoy.
7:2 At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Humiyaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat,
7:3 '"Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy. Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.'"
7:4 At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan---144,000 buhat sa labindalawang lipi ng Israel:
7:5 sa lipi ni Juda 12,000 sa lipi ni Ruben 12,000 sa lipi ni Gad 12,000
7:6 sa lipi ni Aser 12,000 sa lipi ni Neftali 12,000 sa lipi ni Manases 12,000
7:7 sa lipi ni Simeon 12,000 sa lipi ni Levi 12,000 sa lipi ni Isacar 12,000
7:8 sa lipi ni Zabulon 12,000 sa lipi ni Jose 12,000 sa lipi ni Benjamin 12,000 ( Ang mga Nagtagumpay Mula sa Lahat ng Bansa )
7:9 Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas.
7:10 "Sabay-sabay nilang sinabi, 'Ang kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!'"
7:11 Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng matatanda, at ng apat na nilalang na buhay. Sila'y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos.
7:12 "Ang wika nila, 'Amen! Sa ating Diyos ang kapurihan, kadakilaan, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan magpakailanman! Amen!' "
7:13 "Tinanong ako ng isa sa matatanda, 'Sino ang mga taong nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?'"
7:14 '"Hindi ko po alam,' tugon ko. 'Kayo ang nakaaalam.' At sinabi niya sa akin, 'Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit."
7:15 Iyan ang dahilan kung bakit sila nasa harap ng trono ng Diyos at naglilingkod sa kanya araw-gabi sa templo niya. At ang nakaluklok sa trono ang kukupkop sa kanila.
7:16 Hindi na sila magugutom o mauuhaw; hindi na sila mabibilad sa araw o mapapaso ng anumang matinding init.
7:17 "Sapagkat ang Korderong nasa gitna ng trono ang magiging pastor nila. Sila'y dadalhin niya sa mga bukal ng tubig na nagbibigay-buhay; at papahirin ng Diyos ang luha sa kanilang mga mata.'"
8:1 ( Ang Ikapitong Tatak ) Nang sirain ng Kordero ang ikapitong tatak, naghari sa langit ang katahimikan sa loob ng halos kalahating oras.
8:2 Pagkatapos nito'y nakita kong binigyan ng trompeta ang bawat isa sa pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos.
8:3 Isa pang anghel na may dalang gintong insensaryo ang dumating at tumayo sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming kamanyang upang ihandog sa dambanang ginto sa harap ng trono kalakip ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos.
8:4 Mula sa kamay ng anghel, pumailanlang sa harapan ng Diyos ang usok ng kamanyang kasabay ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos.
8:5 Pagkatapos, ang anghel ay kumuha ng mga baga sa dambana, inilagay sa insensaryo, at inihagis sa lupa. Kapagdaka'y kumulog, nagkaingay, kumidlat, at lumindol. ( Ang Pitong Trompeta )
8:6 At humanda ang pitong anghel upang hipan ang kanilang trompeta.
8:7 Nang hipan ng unang anghel ang kanyang trompeta, umulan ng yelo at apoy na may kahalong dugo. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa, ang ikatlong bahagi ng mga punongkahoy, at lahat ng sariwang damo.
8:8 Nang hipan ng ikalawang anghel ang kanyang trompeta, bumagsak sa dagat ang isang animo'y malaking bundok na nasusunog. Naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat,
8:9 namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na naroon, at nawasak ang ikatlong bahagi ng bilang ng mga sasakyang-dagat.
8:10 Nang hipan ng ikatlong anghel ang kanyang trompeta, nahulog mula sa langit ang isang malaking bituing nagliliyab na parang sulo at bumagsak sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal.
8:11 Ang bituin ay tinatawag na Kapaitan. Pumait ang ikatlong bahagi ng tubig, at maraming tao ang namatay pagkainom nito.
8:12 Nang hipan ng ikaapat na anghel ang kanyang trompeta, napinsala ang ikatlong bahagi ng araw, ng buwan, at ng mga bituin, kaya't nawala ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag. Nagdilim ang ikatlong bahagi ng maghapon, at walang tumanglaw sa ikatlong bahagi ng magdamag.
8:13 "Pagkatapos ay nakita ko ang isang agilang lumilipad sa kalawakan, at narinig kong sumisigaw, 'Kalagim-lagim ang sasapitin ng lahat ng nasa lupa pagtunog ng mga trompetang hihipan ng tatlo pang anghel!'"
11:1 ( Ang Dalawang Saksi ) "Pagkaraa'y ibinigay sa akin ng anghel ang isang panukat na parang tungkod at sinabi, 'Tumindig ka at sukatin mo ang templo ng Diyos at ang dambana, at bilangin mo ang mga sumasamba roon."
11:2 Ngunit huwag mo nang sukatin ang mga bulwagan sa labas ng templo, sapagkat ibinigay na iyon sa mga taong di kumikilala sa Diyos. Yuyurakan nila ang Banal na Lunsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.
11:3 "Subalit ipadadala ko ang dalawa kong saksi na nakadamit ng sako, at sa loob ng 1,260 araw na yaon ay ipahahayag nila ang salita ng Diyos.' "
11:4 Ang mga saksing ito'y ang dalawang punong olibo at dalawang ilawan sa harapan ng Panginoon ng lupa.
11:5 Kapag may nagtangkang manakit sa kanila, lalabas sa bibig nila ang apoy na tutupok sa kanilang mga kaaway.
11:6 May kapangyarihan silang ipinid ang langit upang hindi umulan sa panahon ng pagpapahayag nila ng salita ng Diyos. May kapangyarihan din silang gawing dugo ang tubig, at magpadala ng anumang salot sa lupa tuwing maibigan nila.
11:7 Pagkatapos nilang magpatotoo, aahon ang halimaw na nasa bangin at makikipaglaban sa kanila. Matatalo sila at mapapatay ng halimaw,
11:8 at ang kanilang bangkay ay mahahandusay sa lansangan ng dakilang lunsod, na ang mahiwagang pangalan ay Sodoma o Egipto. Dito rin ipinako sa krus ang kanilang Panginoon.
11:9 Sa loob ng tatlong araw at kalahati, ang kanilang mga bangkay ay panonoorin ng mga tao mula sa iba't ibang lahi, lipi, wika, at bansa, at hindi sila papayag na ilibing ang mga bangkay.
11:10 Magagalak ang lahat ng tao sa sanlibutan dahil sa pagkamatay ng dalawang ito. Magdiriwang sila at magbibigayan ng mga regalo, sapagkat ang dalawang propetang iyon ay nagdulot ng labis na kahirapan sa kanila.
11:11 Pagkalipas ng tatlong araw at kalahati, ibinalik ng Diyos ang kanilang buhay, at sila'y tumindig. Nasindak nang gayon na lamang ang mga nakakita.
11:12 "Pagkatapos ay narinig nila ang isang malakas na tinig mula sa langit na ang wika: 'Umakyat kayo rito!' At habang nakatingin ang kanilang mga kaaway, napasalangit sila sa isang ulap."
11:13 Lumindol nang napakalakas nang oras ding iyon. Nawasak ang ikasampung bahagi ng lunsod, at 7,000 ang namatay. Ang natirang mga tao ay natakot, at dinakila nila ang Diyos ng kalangitan.
11:14 Naganap na ang ikalawang lagim, at magaganap na rin ang ikatlo sa lalong madaling panahon. ( Ang Ikapitong Trompeta )
11:15 "Nang hipan ng ikapitong anghel ang kanyang trompeta, may malalakas na tinig buhat sa langit na nagwika, 'Ang paghahari sa sanlibutan ay inilipat na sa ating Panginoon at sa kanyang Mesias. Maghahari siya magpakailanman!'"
11:16 At ang dalawampu't apat na matatandang nakaupo sa kani-kanilang luklukan sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa kanya.
11:17 "Ang sabi nila: 'Panginoong Diyos na Makapang- yarihan sa lahat, Diyos sa kasalukuyan, at sa nakaraan,{ a} Nagpapasalamat kami na ginamit mo ang iyong walang hanggang kapangyarihan At nagpasimula ka nang maghari! "
11:18 "Nagngingitngit ang mga di kumikilala sa Diyos. Ngunit dumating na ang panahon ng iyong poot, Ang paghatol sa mga patay, At pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo, At sa iyong mga hinirang, Sa lahat ng may takot sa iyo, dakila ma't hamak. Panahon na upang lipulin mo ang mga nagpahirap sa sanlibutan.' "
11:19 Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan. Pagkatapos ay gumuhit ang kidlat. Dumagundong ang kulog. Narinig ang malalakas na ingay, lumindol, at umulan ng yelo.
12:1 ( Ang Babae at ang Dragon ) Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya'y may koronang binubuo ng labindalawang bituin.
12:2 Malapit na siyang manganak kaya't napapasigaw siya sa matinding sakit at hirap.
12:3 Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo.
12:4 Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang.
12:5 At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal.
12:6 Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
12:7 Pagkaraan nito'y sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si Arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel, at ang dragon, kasama naman ang kanyang mga kampon.
12:8 Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit.
12:9 Itinapon ang dambuhalang dragon---ang matandang ahas na ang pangala'y Diyablo o Satanas, na dumaya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa, pati ang kanyang mga kampon.
12:10 "At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, 'Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesias ang kanyang karapatan! Pagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin."
12:11 Nagtagumpay sila laban sa Diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan; hindi sila nanghinayang sa kanilang buhay.
12:12 "Kaya't magalak kayo, kalangitan, at lahat ng naninirahan diyan! Subalit kalagim-lagim ang daranasin ninyo, lupa at dagat! Sapagkat ang matinding poot ng Diyablo ay babagsak sa inyo. Alam niyang kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kanya.' "
12:13 Nang makita ng dragon na itinapon siya sa lupa, tinugis niya ang babaing nagsilang ng sanggol na lalaki.
12:14 Ngunit ang babae ay binigyan ng mga pakpak ng malaking agila upang makalipad patungo sa ilang. Doon siya itatago sa loob ng tatlong taon at kalahati upang maligtas sa pananalakay ng ahas.
12:15 Dahil dito, ang ahas ay nagbuga ng tubig na animo'y ilog upang tangayin ang babae.
12:16 Datapwat bumuka ang lupa at hinigop ang tubig na ibinuga ng dragon kaya't naligtas ang babae.
12:17 Sa galit ng dragon, binalingan nito ang nalalabing lahi ng babae upang digmain. Ito ang mga taong sumusunod sa utos ng Diyos at nananatiling tapat sa katotohanang inihayag ni Jesus.
12:18 At tumayo sa dalampasigan ang dragon.{ a}
13:1 ( Ang Dalawang Halimaw ) Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay, at sa bawat ulo'y nakasulat ang isang pangalang lumalait sa Diyos.
13:2 Parang leopardo ang halimaw, may mga paang tulad ng mga paa ng oso, at bibig na animo'y bunganga ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang sariling lakas, luklukan, at malawak na kapangyarihan.
13:3 Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang nagtamo ng sugat na sukat ikamatay, ngunit gumaling ito. Namangha ang buong daigdig sa nangyari, at nagsisunod sila sa halimaw.
13:4 "Sinamba ng lahat ng tao ang dragon sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw. 'Sino ang makatutulad sa halimaw? Sino ang makalalaban sa kanya?' anila. "
13:5 Pinahintulutan ang halimaw na maghambog, lumait sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.
13:6 Nilait nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng naroroon.
13:7 Pinahintulutan siyang digmain at talunin ang mga hinirang ng Diyos, at binigyan ng karapatang mamahala sa bawat lipi, bayan, wika, at bansa.
13:8 Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay, magmula pa nang likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y iniingatan ng Korderong pinatay.
13:9 '"Kung kayo'y may pandinig, makinig kayo!"
13:10 "Ang sinumang itakdang mabihag ay mabibihag nga; ang matakdang mamatay sa tabak{ a} ay sa tabak mamamatay. Kaya't kailangang magpakatatag at manalig ang mga hinirang ng Diyos.' "
13:11 At nakita ko ang isa pang halimaw na lumilitaw sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng Kordero, ngunit ang kanyang tinig ay parang tinig ng dragon.
13:12 Naglingkod siya sa unang halimaw at ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan nito. Ang lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na may malubhang sugat na gumaling na.
13:13 Kahanga-hanga ang mga himalang ginawa ng pangalawang halimaw, anupat nagpababa siya ng apoy mula sa langit, sa paningin ng mga tao.
13:14 Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga himalang kanyang ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya silang gumawa ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit gumaling.
13:15 Pinahintulutan din ang pangalawang halimaw na bigyan ng hininga ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya.
13:16 Sapilitang pinatatakan ng halimaw, sa kanang kamay o noo, ang lahat ng tao---dakila at aba, mayaman at mahirap, alipin at malaya.
13:17 At walang maaaring magbili o bumili maliban na may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas niyon.
13:18 Kailangan dito ang talino. Maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang na katumbas ng pangalan ng halimaw, sapagkat ito'y pangalan ng isang lalaki. Ang bilang ay 666.
14:1 ( Ang Awit ng mga Tinubos ) Tumingin ako, at naroon ang Kordero na nakatayo sa Bundok ng Sion, kasama ang 144,000 tao. Nakasulat sa kanilang noo ang pangalan ng Kordero at ang pangalan ng kanyang Ama.
14:2 At narinig ko ang isang tinig mula sa langit na parang ugong ng isang mabilis na talon at dagundong ng kulog. Ang tinig na narinig ko'y parang tugtugan ng mga manunugtog ng alpa.
14:3 Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at ng apat na nilalang na buhay, at ng dalawampu't apat na matatanda. Walang makaunawa sa awit na yaon kundi ang 144,000 na tinubos sa sanlibutan.
14:4 Ito ang mga lalaking hindi nagkaroon ng anumang kaugnayan sa mga babae; hindi sila nag-asawa. Sumusunod sila sa Kordero saanman siya magtungo. Sila'y tinubos mula sa buong sangkatauhan bilang mga unang handog sa Diyos at sa Kordero.
14:5 Hindi sila nagsinungaling kailanman. Wala silang anumang kapintasan. ( Ang Tatlong Anghel )
14:6 Nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa kalawakan, dala ang di-magmamaliw na Mabuting Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan.
14:7 "Sinabi niya nang malakas, 'Matakot kayo sa Diyos, at purihin ninyo ang kanyang kadakilaan! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na lumalang ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!' "
14:8 "Sumunod ang ikalawang anghel na nagsasabi, 'Bumagsak na! Bumagsak na ang dating makapangyarihang Babilonia! Binigyan niya ng alak ang lahat ng tao---ng kanyang matapang na alak ng kahalayan---at pilit na ipinainom ito sa kanila!' "
14:9 "Sumunod sa dalawa ang ikatlong anghel na malakas na nagsasabi, 'Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at tumatanggap ng tatak sa kanyang kamay o noo,"
14:10 ay iinom ng alak ng poot ng Diyos, na ibinuhos na walang halo sa saro ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng Kordero at ng banal na mga anghel.
14:11 "Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay paiilanlang magpakailanman. Araw at gabi ay walang kapahingahan ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang sinumang tumanggap ng kanyang tatak.' "
14:12 Kaya't kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus.
14:13 "At narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, 'Isulat mo ito: Mula ngayon, mapapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!' 'Tunay nga,' sabi ng Espiritu. 'Magpapahinga na sila sa kanilang pagpapagal; sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa.' ( Ang Pag-aani )"
14:14 Tumingin ako, at nakita ko ang isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang nilikhang animo'y tao, may koronang ginto at may hawak na isang matalas na karit.
14:15 "Isa pang anghel ang lumabas mula sa templo at malakas na nagsalita sa nakaupo sa ulap, 'Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog na ang anihin sa lupa!'"
14:16 Ikinampay ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at nagapas ang anihin sa lupa.
14:17 At isa pang anghel ang nakita kong lumabas sa templo sa langit; may hawak din siyang matalas na karit.
14:18 "Lumabas mula sa dambana ang isa pang anghel, ang namamahala sa apoy. Sinabi niya sa anghel na may matalas na karit, 'Gamitin mo na ang iyong karit, at anihin mo ang mga ubas sa lahat ng ubasan sa lupa, sapagkat hinog na!'"
14:19 Kaya't ikinampay ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas, at inihagis sa pisaan, na siyang matinding poot ng Diyos.
14:20 Pinisa sa labas ng bayan ang mga ubas at mula sa pisaan ay bumaha ang dugo, 200 milya ang haba at limang talampakan ang lalim.
15:1 ( Ang Panghuling mga Salot ) Nakita ko ang isa pang kagila-gilalas na pangitain sa langit: pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang panghuling mga salot sapagkat dito magwawakas ang poot ng Diyos.
15:2 May nakita akong animo'y dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng pangalang katumbas ng isang bilang. Nakatayo sila sa dagat na animo'y kristal, hawak ang mga alpang ibinigay ng Diyos.
15:3 "Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero: 'Panginoong Diyos na Makapang- yarihan sa lahat, Dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa! O Hari ng mga bansa, Matuwid at totoo ang iyong mga daan! "
15:4 "Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon? Sino ang tatangging magpahayag ng iyong kadakilaan? Ikaw lamang ang banal! Lahat ng mga bansa ay lalapit At sasamba sa iyo, Sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.' "
15:5 Pagkatapos nito'y nakita ko ring bumukas ang santwaryo ng Toldang Tipanan ng Diyos at ng tao.
15:6 Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng malinis na puting lino, at may gintong pamigkis sa dibdib.
15:7 Ibinigay sa kanila ng isa sa apat na nilalang na buhay ang pitong mangkok na ginto. Ang mga ito'y punung-puno ng poot ng Diyos na nabubuhay magpakailanman.
15:8 Ang templo ay napuno ng usok na nagmumula sa kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos, at walang makapasok sa templo hangga't di tapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.
16:1 ( Ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos ) "Mula sa templo'y narinig ko ang isang malakas na tinig na nag-uutos sa pitong anghel, 'Humayo na kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang laman ng pitong mangkok na siyang poot ng Diyos!' "
16:2 Humayo ang unang anghel at ibinuhos sa lupa ang laman ng dala niyang mangkok. Dahil dito'y nagkaroon ng mahahapdi at nakapandidiring sugat ang mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa kanyang larawan.
16:3 Ibinuhos ng ikalawang anghel ang laman ng kanyang mangkok sa dagat. Ang tubig ay naging parang dugo ng patay na tao, at namatay ang bawat nilikhang may buhay na nasa dagat.
16:4 Ibinuhos ng ikatlong anghel ang laman ng kanyang mangkok sa mga ilog at mga bukal, at naging dugo rin ang mga ito.
16:5 "Narinig kong sinabi ng anghel na tagapamahala sa mga tubig: 'Ikaw ang Banal, na nabubuhay ngayon at noong una! Matuwid ka sa ginawa mong paghatol "
16:6 "Sa mga nagpadanak ng dugo ng mga hinirang at ng mga propeta--- Binigyan mo sila ng dugo upang inumin. Iyan ang marapat sa kanila!' "
16:7 "At narinig ko mula sa dambana ang salitang ito: 'Panginoong Diyos na Makapang- yarihan sa lahat, Talagang matuwid at tama ang paghatol mo!' "
16:8 Ibinuhos ng ikaapat na anghel ang laman ng dala niyang mangkok sa araw. At ito'y binigyan ng kapangyarihang sunugin ng kanyang matinding init ang mga tao.
16:9 Nasunog nga sila, ngunit sinumpa pa nila ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihang magpadala ng gayong mga salot, sa halip na magsisi at talikdan ang kanilang mga kasalanan at magpuri sa kanya.
16:10 Ibinuhos ng ikalimang anghel ang laman ng hawak niyang mangkok sa luklukan ng halimaw, at nagdilim ang kaharian nito. Napakagat-labi sa kirot ang mga tao
16:11 at sinumpa nila ang Diyos dahil sa dinaranas nilang hirap at taglay na mga sugat. Gayunma'y hindi rin sila nagsisi at tumalikod sa masasama nilang gawain.
16:12 Ibinuhos ng ikaanim na anghel ang laman ng dala niyang mangkok sa malaking Ilog Eufrates. Natuyo ang ilog, at nagkaroon ng landas para sa mga haring mula sa Silangan.
16:13 At nakita kong lumalabas mula sa bunganga ng dragon, at ng halimaw, at ng bulaang propeta, ang tatlong karumal-dumal na espiritung anyong palaka.
16:14 Ito'y mga demonyong gumagawa ng kababalaghan. Nililibot nila ang lahat ng hari sa buong daigdig upang tipunin para sa labanan sa dakilang Araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
16:15 '"Makinig kayo! Ako'y darating na gaya ng magnanakaw! Mapalad ang nanatiling gising at hindi naghubad ng kanyang kasuutan; hindi siya lalakad na hubad at di mapapahiya sa madla!' "
16:16 At tinipon ng mga espiritu ang mga hari sa dakong tinatawag na Armagedon sa wikang Hebreo.
16:17 "Ibinuhos ng ikapitong anghel ang laman ng hawak niyang mangkok sa himpapawid. May nagsalita nang malakas mula sa trono sa templo: 'Naganap na!'"
16:18 Kumidlat, kumulog, at lumindol nang napakalakas. Ito ang pinakamalakas na lindol sa buong kasaysayan ng sangkatauhan. Talagang napakalakas!
16:19 Nahati sa tatlong bahagi ang malaking lunsod, at nawasak ang lahat ng lunsod sa buong daigdig. Hindi nakaligtas sa parusa ng Diyos ang tanyag na Babilonia---pinainom ito ng alak ng kanyang matinding poot.
16:20 Napawi ang lahat ng pulo, gumuho ang lahat ng bundok.
16:21 Umulan ng malalaking tipak ng yelo na tumitimbang ng halos limampung kilo ang bawat isa, at nabagsakan ang mga tao. At nilait nila ang Diyos dahil dito. Nakapangingilabot ang salot na ito!
17:1 ( Ang Reyna ng Kahalayan ) "Pagkatapos, ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok ay lumapit. Aniya, 'Halika, ipakikita ko sa iyo kung paano parurusahan ang reyna ng kahalayan na nakaluklok sa ibabaw ng maraming ilog."
17:2 "Nakiapid sa babaing ito ang mga hari sa lupa, at nalasing sa alak ng kanyang kahalayan ang lahat ng tao sa sanlibutan.' "
17:3 Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid ng isang anghel sa dakong ilang. Nakita ko roon ang isang babaing nakasakay sa isang pulang halimaw. Ang halimaw ay may pitong ulo at sampung sungay. Nakasulat sa buong katawan nito ang lahat ng salitang panlait sa Diyos.
17:4 Granate at pula ang damit ng babae; ginto, mahahalagang bato, at perlas ang kanyang mga hiyas. Hawak niya ang isang gintong saro na puno ng kasumpa-sumpang mga bagay at ng kasamaan ng kanyang pangangalunya.
17:5 "Nakasulat sa kanyang noo ang isang pangalang may lihim na kahulugan: 'Ang tanyag na Babilonia, ang ina ng mga mapangalunya at ng lahat ng kahalayan sa lupa.'"
17:6 At nakita kong ang babaing ito'y lasing sa dugo ng mga hinirang, at sa dugo ng mga martir---ang mga pinatay dahil kay Jesus. Nanggilalas ako nang makita ko siya.
17:7 '"Bakit ka namangha?' tanong sa akin ng anghel. 'Sasabihin ko sa iyo ang kahulugan ng babae at ng sinasakyan niyang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay."
17:8 Ang halimaw na nakita mo ay buhay noong una ngunit patay na ngayon; muli itong lilitaw buhat sa walang hanggang kalaliman at masasadlak sa kapahamakan. Ang mga taong nabubuhay sa lupa, na hindi nakasulat sa aklat ng buhay ang mga pangalan mula pa nang lalangin ang sanlibutan, ay magugulat pag nakita nila ang halimaw. Sapagkat pinatay na siya ngunit muling lilitaw.
17:9 '"Kailangan dito ang talino at pagkaunawa. Ang pitong ulo ay ang pitong burol na inuupan ng babae."
17:10 Inilalarawan din nito ang pitong hari: bumagsak na ang lima sa kanila, naghahari pa ang isa, at ang huli'y hindi pa dumarating. Pagdating niya, sandali lamang siyang mananatili.
17:11 At ang halimaw na buhay noong una ngunit ngayo'y wala na, ang siyang ikawalong hari, gayunma'y isa siya sa pito. Kapahamakan ang hahantungan niya.
17:12 '"Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit mamamahala silang kasama ng halimaw sa loob ng isang oras."
17:13 Iisa ang layon ng sampung ito, at ipaiilalim nila sa halimaw ang kanilang kapangyarihan at karapatan.
17:14 "Dirigmain nila ang Kordero ngunit sila'y tatalunin nito, sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Makikihati sa kanyang tagumpay ang mga tinawag, hinirang, at tapat niyang tagasunod.' "
17:15 "Sinabi rin sa akin ng anghel, 'Ang nakita mong mga tubig na inuupan ng babae ay mga tao, mga bansa, at mga wika."
17:16 Ang sampung sungay na nakita mo at ang halimaw ay mapopoot sa reyna ng kahalayan. Aagawin nila ang lahat ng ari-arian niya at iiwan siyang hubad. Kakanin nila ang kanyang laman at susunugin ang matitira.
17:17 Niloob ng Diyos na sila'y magkaisa at ipailalim nila sa halimaw ang kanilang karapatan at kapangyarihan, hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos.
17:18 '"Ang babaing nakita mo ay ang tanyag na lunsod na nakapangyayari sa mga hari sa lupa.'"
18:1 ( Ang Pagbagsak ng Babilonia ) Pagkatapos nito, nakita kong bumababa mula sa langit ang isang anghel na may malaking kapangyarihan. Nagliwanag ang buong daigdig dahil sa kanyang kaningningan.
18:2 "Ubos-lakas siyang sumigaw: 'Bumagsak na siya. Bumagsak na ang tanyag na Babilonia! Tahanan na lamang siya ngayon ng mga demonyo. Bilangguan ng masasamang espiritu, at pugad ng marumi at kasuklam-suklam na mga ibon."
18:3 "Pagkat pinainom niya ng alak ng kanyang kahalayan ang lahat ng bansa. Nakiapid sa kanya ang mga hari sa lupa, at ang mga mangangalakal ay yumaman sa kanyang mahalay na pamumuhay.' "
18:4 "Narinig ko mula sa langit ang isa pang tinig na nagsasabi: 'Lumayo ka sa kanya, bayan ko! Huwag kang makihati sa kanyang mga kasalanan Upang hindi ka maparusahang kasama niya! "
18:5 Sapagkat suko na sa langit ang mga kasalanan niya, At hindi malilimot ng Diyos ang kanyang kasamaan.
18:6 Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niya sa inyo, Gumanti kayo nang ibayo sa kanyang ginawa. Punuin ninyo ang kanyang saro Ng inuming higit na mapait kaysa inihanda niya sa inyo.
18:7 Kung paano siya nagpasasa at nagmataas, Ipalasap din ninyo sa kanya ang katumbas na pahirap at kapighatian. Pagkat lagi niyang inuusal: 'Reyna akong tinatanghal! Hindi ako balo, Hindi ako daranas ng kasawian kailanman!'
18:8 "Dahil dito, sabay-sabay na daragsa sa kanya sa loob ng isang araw ang mga salot: Sakit, dalamhati, at taggutom; Tutupukin siya ng apoy. Pagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humahatol sa kanya.' "
18:9 Tatangis at iiyak ang mga hari sa lupa, na nakiapid at nagpakalayaw sa piling niya. Samantalang tinatanaw nila ang usok ng nasusunog na lunsod,
18:10 "tatayo lang sila sa malayo sapagkat takot silang madamay sa dinaranas niyang parusa. Sasabihin nila, 'Nakapangingilabot! Sa loob lamang ng isang oras ay naganap ang parusa sa dakilang lunsod ng Babilonia!' "
18:11 Dahil sa kanya'y tatangis din at magdadalamhati ang mga mangangalakal sa daigdig, sapagkat wala nang bibili ng kanilang paninda.
18:12 Wala nang bibili ng kanilang ginto, pilak, mga batong hiyas, at perlas; mga lino, seda, telang granate at pula; lahat ng uri ng mabangong kahoy; mga kagamitang garing, mamahaling kahoy, tanso, bakal, at marmol;
18:13 kanela, mga pampalasa, kamanyang, mira, at insenso; alak at langis, harina at trigo, mga baka at tupa, kabayo at karwahe, mga alipin, at pati buhay ng tao.
18:14 "Sasabihin sa kanya ng mga mangangalakal, 'Wala na ang lahat ng mabubuting bagay na hinangad mo, hindi mo na masusumpungang muli ang lahat ng kayamanan mo, pati ang iyong kagandahan!'"
18:15 Hindi lalapit ang mga mangangalakal na yumaman sa lunsod na yaon sapagkat takot silang madamay sa kanyang paghihirap. Tatangis sila at magdadalamhati;
18:16 "sasabihin nila, 'Nakapangingilabot ang nangyari sa tanyag na lunsod! Dati'y nadaramtan siya ng lino at telang granate at pula, napapalamutihan ng ginto, mga batong hiyas, at perlas!"
18:17 "Sa loob lamang ng isang oras ay naglahong lahat iyon!' Mula sa malayo ay tumanaw ang mga kapitan, mga sakay, at mga tripulante ng mga sasakyang-dagat, at lahat ng nabubuhay sa pagdaragat,"
18:18 "at tinangisan nila ang nasusunog na lunsod habang minamasdan ang usok na mula roon, 'Walang katulad ang katanyagan ng lunsod na yaon!'"
18:19 "Nilagyan nila ng abo ang kanilang ulo at nananangis na sinabi, 'Kalagim-lagim! Kalagim-lagim ang nangyari sa dakilang lunsod! Yumaman ang lahat ng humimpil sa kanyang daungan! Ngunit sa loob lamang ng isang oras ay napawi ang kanyang dingal at yaman!' "
18:20 Magalak ka, O langit, sa nangyari sa kanya! Magalak kayo, mga hinirang, mga apostol, at mga propeta! Pagkat hinatulan na siya ng Diyos dahil sa ginawa niya sa inyo!
18:21 "Isang makapangyarihang anghel ang kumuha ng isang batong animo'y malaking gilingan. Ubos-lakas niyang inihagis iyon sa dagat, sabay-wika, 'Ganito ibabagsak ang tanyag na lunsod ng Babilonia, at hindi na siya makikitang muli!"
18:22 Hindi na maririnig sa iyo ang tinig ng mga mang-aawit at ang himig na likha ng mga manunugtog ng alpa, plauta, at trompeta! Hindi na makikitang muli sa iyo ang mga dalubhasa sa anumang uri ng gawain, at hindi na maririnig ang ingay ng mga gilingan!
18:23 "Hindi ka na muling matatanglawan ng kahit isang ilawan; hindi na maririnig ang masasayang tinig ng ikinakasal. Sapagkat naging makapangyarihan sa buong daigdig ang iyong mangangalakal, dinaya mo ang lahat ng bansa sa pamamagitan ng pangkukulam.' "
18:24 At natagpuan sa kanya ang dugo ng mga propeta, mga hinirang, at lahat ng pinatay sa sanlibutan.
19:1 "Pagkatapos nito, narinig ko ang wari'y pinag-isang tinig ng maraming tao sa langit at umaawit ng ganito, 'Purihin ang Panginoon!{ a} Ang pagliligtas, ang karangalan, at ang kapangyarihan ay tanging sa Diyos!"
19:2 "Matuwid at tama ang kanyang hatol! Hinatulan niya ang reyna ng kahalayan na nagpapasama sa lupa. Pinarusahan siya ng Diyos dahil sa pagpatay sa mga lingkod ng Panginoon!'"
19:3 "Muli silang umawit, 'Purihin ang Panginoon! Paiilanlang magpakailanman ang usok ng nasusunog na tanyag na lunsod!'"
19:4 "Ang dalawampu't apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos na nakaupo sa trono, at nagsabi, 'Amen! Purihin ang Panginoon!' ( Ang Piging sa Kasal ng Kordero )"
19:5 "May nagsalita mula sa trono, 'Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na mga lingkod niya, maging dakila at hamak, kayong may banal na takot sa kanya!'"
19:6 "Pagkaraa'y narinig ko ang animo'y pinag-isang tinig ng maraming tao, parang ugong ng malaking talon at dagundong ng mga kulog. Ang wika, 'Purihin ang Panginoon! Sapagkat naghahari ang Panginoon, ang ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat!"
19:7 Dapat tayong magalak at magsaya; purihin natin ang kadakilaan niya dahil sa nalalapit na kasal ng Kordero. Nakahanda na ang kasintahang babae,
19:8 "pinagsuot siya ng malinis at puting-puting lino.' Ang lino ay ang mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos. "
19:9 "At sinabi sa akin ng anghel, 'Isulat mo ito: Mapalad ang inanyayahan sa piging sa kasal ng Kordero.' Idinugtong pa niya: 'Ito ay tunay na mga salita ng Diyos.'"
19:10 "Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin: 'Huwag! Ako ma'y aliping tulad mo at ng mga kapatid mong nagpatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo!' Pagkat ang katotohanan tungkol kay Jesus ay siyang diwa ng lahat ng sinabi at sinulat ng mga propeta. ( Ang Nakasakay sa Kabayong Puti )"
19:11 Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinatawag na Tapat at Totoo pagkat matuwid siyang humatol at makidigma.
19:12 Parang nagniningas na apoy ang kanyang mga mata, at napuputungan siya ng maraming korona. Nakasulat sa kanyang katawan ang pangalan niya, ngunit siya ang tanging nakababatid ng kahulugan niyon.
19:13 "Tigmak ng dugo ang kanyang kasuutan. 'Salita ng Diyos' ang tawag sa kanya."
19:14 Sumusunod sa kanya ang mga hukbong langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti.
19:15 May lumabas na tabak sa kanyang bibig; gagamitin niya itong panlupig sa mga bansa. At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
19:16 "Sa kanyang kasuutan at sa kanyang hita ay nakasulat ang pangalang 'Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.' "
19:17 "Nakita ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Hiniyawan niya ang mga ibon sa himpapawid, 'Halikayo, at magkatipon para sa malaking piging ng Diyos!"
19:18 "Halikayo! Kanin ninyo ang laman ng mga hari, ng mga heneral, ng mga kawal, ng mga kabayo at ng kanilang mga sakay. Kanin ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin at malaya, hamak at dakila!' "
19:19 At nakita kong nagkatipon ang halimaw, ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo upang digmain ang nakasakay sa kabayo at ang hukbo niya.
19:20 Nabihag ang halimaw. Nabihag din ang bulaang propeta na gumawa ng mga himala sa harapan ng halimaw. Ang mga ito ang ginamit niyang pandaya sa mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang dalawang ito'y inihagis nang buhay sa lawa ng nagliliyab na asupre.
19:21 Ang kanilang mga hukbo ay pinatay sa tabak na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo, at nagsawa ang mga ibon sa kakakain ng kanilang mga bangkay.
20:1 ( Ang Sanlibong Taon ) Pagkaraan ay nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng banging walang hangganan ang lalim.
20:2 Sinunggaban niya ang dragon, ang ahas noong unang panahon na siya ring Diyablo at Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon.
20:3 At inihagis ito ng anghel sa banging walang hangganan ang lalim, saka sinarhan at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hanggang di natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos noo'y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.
20:4 Nakakita ako ng mga trono at ang mga nakaluklok doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang kaluluwa ng mga pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at paghahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw o sa larawan nito ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Binuhay sila upang magharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon.
20:5 Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Bubuhayin ang iba pang mga patay pagkaraan ng sanlibong taon.
20:6 Mapalad at pinagpalang lubos ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan; sila'y magiging mga saserdote ng Diyos at ng Mesias, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon. ( Ang Pagkatalo ni Satanas )
20:7 Pagkatapos ng 1,000 taon palalayain si Satanas.
20:8 Lalabas siya upang dayain ang mga bansa sa buong sanlibutan---ang Gog at Magog. Titipunin sila ni Satanas at isasama sa pakikidigma. Kasindami ng buhangin sa tabing-dagat ang hukbong ito.
20:9 Kumalat sila sa buong sanlibutan at pinaligiran ang kuta ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal niyang lunsod. Ngunit bumaba ang apoy mula sa langit at tinupok sila.
20:10 At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa lawang apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa mga bulaang propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman. ( Ang Huling Paghuhukom )
20:11 Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaluklok doon. Naparam ang lupa't langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli.
20:12 At nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at maging hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, gaya ng nasusulat sa mga aklat.
20:13 Iniluwa ng dagat ang mga patay na nasa kanya. Inilabas din ng Kamatayan at ng Hades ang mga patay na nalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa.
20:14 Pagkatapos ay itinapon sa lawang apoy ang Kamatayan at ang Hades. Ang lawang apoy na ito ang pangalawang kamatayan.
20:15 Itinapon sa lawang apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.
21:1 ( Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa ) Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa; wala na rin ang dagat.
21:2 At nakita ko ang Banal na Lunsod, ang bagong Jerusalem, bumababang galing sa langit buhat sa Diyos, gaya ng babaing ikakasal, gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya.
21:3 "Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, 'Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Makakapiling nila nang palagian ang Diyos [at siya ang magiging Diyos nila]."
21:4 "At papahirin niya ang kanilang mga luha. Wala nang kamatayan, dalamhati, pag-iyak, at sakit sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.' "
21:5 "Pagkatapos ay sinabi ng nakaupo sa trono, 'Ngayon, binabago ko ang lahat ng bagay!' At sinabi niya sa akin, 'Isulat mo: Maaasahan at totoo ang mga salitang ito.'"
21:6 "Sinabi pa rin sa akin, 'Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ng walang bayad na tubig mula sa bukal na nagbibigay-buhay;"
21:7 ito ang kakamtan ng magtatagumpay. At ako'y magiging Diyos niya, siya nama'y magiging anak ko.
21:8 "Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, mga taksil, mga nagpasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyusan, at lahat ng sinungaling. Sila'y ibubulid sa lawa ng naglalagablab na asupre, na siyang pangalawang kamatayan.' ( Ang Bagong Jerusalem )"
21:9 "Ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok na puno ng pitong huling salot ay lumapit sa akin. Wika niya, 'Halika, at ipakikita ko sa iyo ang Babaing makakaisang-dibdib ng Kordero.'"
21:10 Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid ako ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal na Lunsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos.
21:11 Nagliliwanag ito dahil sa kaningningan ng Diyos; kumikislap na gaya ng hiyas na haspeng sinlinaw ng kristal.
21:12 Ang pader nito'y makapal at mataas at may labindalawang pinto, bawat isa'y may bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang lipi ng Israel.
21:13 Tatlo ang pinto ng bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran.
21:14 Ang pader ng lunsod ay may labindalawang saligang-bato at nakasulat dito ang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.
21:15 Ang anghel na nagsalita sa akin ay may hawak na gintong panukat upang sukatin ang lunsod, ang mga pinto at pader nito.
21:16 Parisukat ang lunsod---kung ano ang haba ay siya ring luwang. Sinukat ng anghel ang lunsod: 2,400 kilometro ang haba at ang luwang, gayon din ang taas.
21:17 Sinukat din niya ang pader---216 na talampakan ang taas, ayon sa panukat na dala ng anghel.
21:18 Batong haspe ang pader, at ang lunsod ay lantay na ginto, makinang na parang kristal.
21:19 Nahihiyasan ng lahat ng uri ng mahahalagang bato ang saligan ng pader. Haspe ang una, sapiro ang ikalawa, kalsedonia ang ikatlo, esmeralda ang ikaapat,
21:20 onise ang ikalima, kornalina ang ikaanim, krisolito ang ikapito, berilo ang ikawalo, topasyo ang ikasiyam, krisopraso ang ikasampu, hasinto ang ikalabing-isa, at amatista ang ikalabindalawa.
21:21 Perlas ang labindalawang pinto, bawat isa'y yari sa iisang perlas. Lantay na ginto ang lansangan ng lunsod at kumikinang na parang kristal.
21:22 Napansin ko na walang templo sa lunsod sapagkat ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero ang pinaka templo roon.
21:23 Hindi na kailangan ang araw o ang buwan upang liwanagan ang lunsod pagkat ang kaningningan ng Diyos ang nagbibigay-liwanag doon, at ang Kordero ang siyang ilawan.
21:24 Sa liwanag nito'y lalakad ang lahat ng tao, at dadalhin doon ng mga hari sa lupa ang kanilang kayamanan.
21:25 Mananatiling bukas sa buong maghapon ang mga pinto ng lunsod sapagkat hindi na sasapit doon ang gabi.
21:26 Dadalhin sa lunsod ang yama't dingal ng mga bansa.
21:27 Ngunit hindi makapapasok doon ang anumang bagay na marumi sa paningin ng Diyos, ang sinumang gumagawa ng kahihiyan, at ang mga sinungaling. Yaon lamang may mga pangalang nakasulat sa aklat ng buhay na iniingatan ng Kordero ang makapapasok sa lunsod.
22:1 Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog na nagbibigay-buhay. Ang tubig nitong sinlinaw ng kristal ay bumubukal sa trono ng Diyos at ng Kordero
22:2 at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito'y iba-iba bawat buwan, at nakalulunas sa sakit ng mga bansa ang mga dahon nito.
22:3 Walang masusumpungan doon na anumang sinumpa ng Diyos. Matatagpuan sa lunsod ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng kanyang mga lingkod.
22:4 Makikita nila ang kanyang mukha, at masusulat sa kanilang noo ang kanyang pangalan.
22:5 Doo'y walang gabi, at hindi na sila mangangailangan ng mga ilawan o ng liwanag ng araw, pagkat ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila, at maghahari sila magpakailanman. ( Ang Pagdating ni Jesus )
22:6 "At sinabi sa akin ng anghel, 'Maaasahan at totoo ang mga salitang ito. Ang Panginoong Diyos, na nagkaloob ng kanyang Espiritu sa mga propeta, ang siyang nagsugo sa kanyang anghel upang ihayag sa mga lingkod niya ang mga bagay na magaganap sa lalong madaling panahon.' "
22:7 '"Makinig kayo!' wika ni Jesus. 'Darating na ako! Mapalad ang tumutupad sa mga hulang nilalaman ng aklat na ito!' "
22:8 Akong si Juan ang nakarinig at nakakita sa lahat ng ito. Matapos kong marinig at makita ang lahat, ako'y nagpatirapa sa paanan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga ito upang siya'y sambahin.
22:9 "Ngunit sinabi niya, 'Huwag! Ako ma'y aliping tulad mo, tulad ng iyong mga kapatid na propeta, at ng lahat ng sumusunod sa mga salita sa aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo!'"
22:10 "At sinabi rin niya sa akin, 'Huwag mong ililihim ang mga hulang nasa aklat na ito, pagkat malapit nang maganap ang mga ito."
22:11 "Ang masama ay magpatuloy sa pagpapakasama, ang marumi sa kanyang pagpapakarumi, ngunit ang mabuti ay magpatuloy sa pagpapakabuti, at ang banal sa pagpapakabanal.' "
22:12 '"Makinig kayo!' wika ni Jesus. 'Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!"
22:13 "Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang Simula at ang Wakas.' "
22:14 Mapapalad ang naglilinis ng kanilang kasuutan sapagkat bibigyan sila ng karapatang pumasok sa lunsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.
22:15 Subalit maiiwan sa labas ng lunsod ang mga buhong,{ a} mga mangkukulam, mga mapakiapid, mga mamamatay-tao, mga sumasamba sa diyus-diyusan, at mga sinungaling---sa salita at sa gawa.
22:16 '"Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako'y mula sa angkan ni David; ako ang maningning na tala sa umaga.' "
22:17 "Sinasabi ng Espiritu at ng Babaing ikakasal, 'Halika!' Lahat ng nakaririnig nito ay magsabi rin, 'Halika!' Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may ibig ng tubig na nagbibigay-buhay---ito'y walang bayad. ( Pagwawakas )"
22:18 Akong si Juan ay nagbababala sa sinumang makarinig sa mga hulang nasasaad sa aklat na ito: Sa sinumang magdagdag sa nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito.
22:19 At ang sinumang mag-alis ng anuman sa mga hulang nasasaad dito ay aalisan naman ng Diyos ng karapatan sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay at sa Banal na Lunsod na binabanggit dito.
22:20 "Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng ito, 'Tiyak na nga! Darating na ako!' Amen. Sana'y dumating ka na, Panginoong Jesus! "
22:21 Nawa'y kamtan ng lahat{ b} ang pagpapala ng Panginoong Jesus.
9:1 Nang hipan ng ikalimang anghel ang kanyang trompeta, nakita kong nahulog sa lupa ang isang bituin; ibinigay rito ang susi ng banging napakalalim.
9:2 Binuksan ng bituin ang bangin, lumabas ang usok na singkapal ng usok ng malaking hurno, kaya't nagdilim ang araw at ang papawirin.
9:3 Naglabasan ang mga balang mula sa usok at kumalat sa lupa. Binigyan sila ng kapangyarihang manakit tulad ng alakdan.
9:4 Ipinagbilin sa kanila na huwag sirain ang mga damo, punongkahoy o anumang halaman. Yaon lamang mga taong walang tatak ng Diyos sa kanilang noo ang sasaktan nila.
9:5 Hindi pinahintulutan ang mga balang na patayin ang mga taong ito, kundi pahirapan lamang sa loob ng limang buwan. Parang kagat ng alakdan ang kirot ng pagpapahirap na ito.
9:6 Sa loob ng panahong iyo'y hahanapin nila ang kamatayan, ngunit hindi masusumpungan. Iibigin nilang mamatay, ngunit lalayuan sila ng kamatayan.
9:7 Parang mga kabayong handa sa pakikidigma ang mga balang. Sila'y may putong na parang koronang ginto, at parang mukha ng tao ang kanilang mukha.
9:8 Parang buhok ng babae ang kanilang buhok, at parang ngipin ng leon ang kanilang ngipin.
9:9 Natatakpan ng animo'y mga baluting bakal ang kanilang dibdib, at ang pagakpak ng kanilang pakpak ay parang ragasa ng mga karwahe at mga kabayong pumapalaot sa labanan.
9:10 Sila ay may buntot at tibo gaya ng sa alakdan. Nasa buntot nila ang kapangyarihang manakit ng mga tao sa loob ng limang buwan.
9:11 Ang hari nila'y ang anghel na bantay sa banging napakalalim. Ang kanyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon, na ang ibig sabihin ay Tagapagwasak.{ a}
9:12 Nakaraan na ang unang lagim; dalawa pa ang darating.
9:13 Nang hipan ng ikaanim na anghel ang kanyang trompeta, narinig ko ang isang tinig na nanggagaling sa mga sulok ng dambanang ginto na nasa harapan ng Diyos.
9:14 "Sinabi nito sa ikaanim na anghel na may trompeta, 'Kalagan mo ang apat na anghel na nakagapos sa tabi ng malaking Ilog Eufrates.'"
9:15 At pinalaya ang apat na anghel upang patayin ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan; talagang inihanda sila para sa oras, araw, at buwan ng taong ito.
9:16 Sinabi sa akin na ang bilang ng hukbong nakakabayo ay 200,000,000.
9:17 Nakita ko sa pangitain ang mga kabayo at ang mga sakay nito na may baluting kakulay ng apoy, bughaw na gaya ng sapiro, at dilaw na parang asupre. Parang ulo ng leon ang ulo ng mga kabayo. Mula sa kanilang bibig ay bumubuga ang apoy, usok, at asupre,
9:18 tatlong salot na pumatay sa ikatlong bahagi ng sangkatauhan.
9:19 Ang kapangyarihan ng mga kabayo'y nasa kanilang bibig at nasa buntot na parang ahas at may ulo na siyang ginagamit sa pananakit.
9:20 Ang nalabi sa sangkatauhan---yaong hindi namatay sa mga salot na ito---ay hindi nagsisi. Hindi sila tumalikod at di tumigil ng pagsamba sa mga demonyo at sa mga diyus-diyusang likha ng kanilang kamay---mga larawang ginto, pilak, tanso, bato, at kahoy, na di nakakakita, nakaririnig, o nakalalakad.
9:21 Ni hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga pagpatay, pandaraya, pakikiapid o pagnanakaw.
10:1 ( Ang Anghel at ang Maliit na Kasulatan ) Pagkaraan nito, nakita ko ang isa pang makapangyarihang anghel na bumababa mula sa langit. Siya'y nababalot ng ulap at may bahaghari sa kanyang ulunan. Nagniningning na parang araw ang kanyang mukha, at tulad ng mga haliging apoy ang kanyang mga binti.
10:2 May tangan siyang isang maliit na kasulatang nakabukas. Itinuntong niya sa dagat ang kanang paa, at sa lupa ang kaliwa.
10:3 Sumigaw siya, at ang kanyang tinig ay parang atungal ng leon. Tinugon siya ng dagundong ng pitong kulog.
10:4 "Nang matapos ang dagundong ay susulat sana ako ngunit narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsabi, 'Ilihim mo ang sinabi ng pitong kulog, huwag mong isulat!' "
10:5 At ang anghel na nakita kong nakatuntong sa dagat at sa lupa ay nagtaas ng kanang kamay
10:6 "at nanumpa sa ngalan ng Diyos na nabubuhay magpakailanman, na lumalang ng langit, lupa, dagat, at lahat ng naroroon. Ang wika ng anghel: 'Hindi na magtatagal!"
10:7 "Kapag hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trompeta, isasagawa na ng Diyos ang lihim niyang panukala, gaya ng ipinahayag niya sa mga propeta na kanyang lingkod.' "
10:8 "Pagkatapos ay muling nangusap sa akin ang tinig na narinig kong nagsasalita mula sa langit, 'Lumapit ka sa anghel na nakatuntong sa dagat at sa lupa at kunin mo ang hawak niyang kasulatang nakabukas.'"
10:9 "Nilapitan ko ang anghel at hiningi ang kasulatan. Ang wika niya sa akin, 'Kunin mo't kanin ito; mapait iyan sa sikmura ngunit sa bibig mo'y sintamis ng pulot-pukyutan.'"
10:10 Inabot ko at kinain ang maliit na kasulatan. Matamis ngang tulad ng pulot-pukyutan, ngunit nang malunok ko na'y pumait ang aking sikmura.
10:11 "At sinabi niya sa akin, 'Kailangang ipahayag mong muli ang mga hula tungkol sa iba't ibang mga tao, bansa, wika, at mga hari.'"